You are on page 1of 4

Magandang Umaga po sa ating lahat! Blessed Sunday po!

Batiin nga po muna natin an gating


mga katabi ng, “Kapatid, napakaganda ng ngiti mo ngayon”. Tunay nga po na napakabuti ng
Panginoon na binigyan nya po ako ng pagkakataong magbigay ng mensahe Nya ngayon sa inyo
kahit na ako ay isang kabataan pa lamang.

Mga kapatid, bago po ako magsimula, ay nais kop o munang patayuin ang mga CYF ng UCCP San
Ignacio! Palakpakan po natin sila at batiin po natin ng “Maligayang Kaarawan mga Kabataan”.

Ito po ay dahil ngayong Linggo po ng mga kabataan. Ng ating mga CYFs.

Pero bago po muli tayo magpatuloy, tayo po muna ay manalangin, “Panginoon, maraming
salamat po ngayong araw na ito na binigyan nyo po kami ng magandang busilak ng araw.
Maraming salamat po sa pagkakataong ito na pinagtipon tipon nyo po kami sa inyong bahay
sambahan. Panginoon, salamat po sa mga kabataan na patuloy na naglilingkod sa inyo at sa
mga tao sa paligid nila. Sa amin pong pagpapatuloy, kayo po at ang inyong Banal na espiritu
Santo ang syang pumatnubay sa amin upang ang mga mensahe naming matatanggap ngayong
araw ay timiim sa aming mga puso at isipan. Ito po an gaming samo’t Dalangin, sa Pangalan ni
Hesus, Amen.”

Nito pong nakaraang August 9-11, ang STC CYF po ay nagsagawa ng Exchange Preacher
Workshop sa UCCP Panginga, Candelaria na may tema na “making the Teaching of Moses and
Prophets come True in these Changing times” at titulong “CYF: Equipped with the Armor of God
and Ready to Prophesy” . ito po ay halaw sa mga batayang teksto na Mateo 5:17, 1 Juan 3:18 at
Efeso 6:10-20.

Ayon po sa Mateo 5:17, nasasabi po rito na “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang
ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang
mga iyon kundi upang tuparin. Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang
tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat.
Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga
tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at
nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit. Sinasabi ko sa
inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga
tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng
langit.”

Nabanggit po dito ang mga “propeta”. Ano nga ba ang mga propeta? Ayon po sa aming
natutunan noong Tricon Summer camp po nitong taon, ang propeta po ay isang Interpreter ng
Mind and will of God. Sila yung mga nagsasalita ng TAMA at ng KATOTOHANAN laban sa mga
KASINUNGALINGAN para sa ikakabuti ng kanilang mga bayan at bansa. Marami tayong naging
preopeta sa bibiliya na tunay naming nagbigay ng mark sa atin sa pamamagitan ng kanilang
mga kabutihang idinulot sa kanilang kapwa. At ito ay dahil sinunod nila ang will at kautusan ng
Panginoon. Ngunit naniniwala po ba kayo na kaya din natin sa ating mga sarili na maging
propeta? MAGSABI PO NG MALAKAS NA AMEN ANG SUMASANGAYON! Tama. Lahat tayo ay
may kakayahan upang maging propeta ng Panginoon. ang kailangan lamang ay ang willingness
natin na isabuhay ang kaniyang mga turo at aral.

Sabi nga po sa amin dati, mayroon daw pong 3 steps na pwede nating iconsider para tyao ay
maging isang mabuting propeta.

1. ALAMIN ANG SULIRANIN. Alam natin na napakaraming problemang kinakaharap natin sa


araw araw. Mapa- sa tahanan, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa simbahan, sa bayan at
bansa. Ngunit anong ating naiisip kapag nakakaharap natin ang mga problemang ito?
Tayo ba yung mga tao na pinanghihinaan nan g loob at nawawalan nang lakas upang
solusyunan ito? O tayo yung taong sasabihin sa sarili natin na “I CAN DO ALL THINGS
THROUGH CHRIST WHO STRENGTHENS ME”.

Sa mga kabataan na tulad ko, alam ko na andami nating kinakaharap. Lalo na sa


school. bilang isang kabataang naglilingkod sa ating Panginoon habang nag-aaral, tunay
ng naman na suliranin ang sistema ng edukasyon ngayon. Kaya’t minsan, naagaw na ng
paaralan ang oras natin sa simbahan. Bilang patunay po, sa aming paaralan, bilang grade
12 student na nasa huling taon nan g high school, tunay nga naman na napakirap sa
aking lagay na balansehin ang lahat ng bagay. Nasa iyo ang pressure na mag-aral nang
mabuti dahil graduating ka at kakailanganin mo ng mataas na grado para sa mga
susunod na taon, pero nasayo rin ang pressure na kailangan mo nang mag-asikaso para
sa entrance examinations at mag-aral nang mabuti para makapasa ka sa pinapangarap
mong universities. Lagi na nga po akong napapagalitan sa bahay, kasi lagi po akong wala
kasi busy sa mga practice sa group performance dahil bibihira nap o ngayong magbigay
ng individual performance, lagging by group nap o, kaya pati weekends naming, hindi
kami matengga sa bahay,o kung nasa bahay man po, lagi akong nasa loob ng kwarto,
subsob sa mga assignments na pilit na agad pinapapasa ng mga guro. Ito po ang buhay
ng estudyante ngayon dahil ang tingin na po ng di naman po lahat, pero ang tingin na po
ng ibang guro ay kaya namin. Pero sa totoo po, marami pong nagsasacrifice na mga
bagay. Tulad nalang po ng pamilya at ng simbahan. Bilang isang estudyante na busy sa
school, lagi na rin po akong hinahanap sa aming simbahan at kapag nawala ay
nagisiswalaan na rin po ang ibang cyfs. Pero lagi ko pong pinanghahawakan talaga yung
bible verse po na, “I can do all things through christs who strengthens me” at yung
“Nothing is impossible” dahil kasama natin si Lord. Andaming suliranin sa buhay pero
andyan naman si Lord hindi tayo papabayaan.
2. ANONG GUSTONG GAWAIN. Dahil alam na natin ang suliraning ating nakikita, di lamang
sa sarili natin kundi pati sa ating kapwa, bilang isang propeta, nararapat na magplano
tayo ng nais nating gawain. At nararapat na ang plano natin ay papunta sa negative side
na “susuko na ako” “pagod na ako”. Nararapat na pauna lagi ang hakbang at hindi
paurong. Ang layunin dapat ay makakabuti at hindi makakasama. Inugo tayo ng
Panginoon sa mga suliraning ito kung hindi natin kaya. Naniniwala Sya na kakayaning
malagpasan ito, kasi hindi niya tayo papabayaan.
3. ANO ANG PLANO. Matapos nating malaman an gating objective, kung ang objective man
natin ay makatapos ng pag-aaral, makapaglingkod sa simbahan, o kahit ano, kung
nangangarap man tayo, nararpat na magkaroon tayo ng plano. Hindi puro salita lamang.
Sinasabi nga po sa 1 Juan 3:18, “Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan
lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng
gawa.” Ibig sabihin po nito, kung nais nating maging mabuti sa ating kapwa, iparamdam
na mahal natin sila at makatulong sa kahit anong paraan, nararapat na hindi lamang ito
isang objective. Hindi lamang ito isang pangarap. Isang layunin. Dapat tayo ay umaksyon
at pagplanuhan nang maayos ang makakabuti, kung ang mga steps ban a gagawin natin
upang masolusyunan ang suliraning ating nakita ay nakaayon sa kagustuhan n gating
Panginoon o hindi.

Sa pamamagitan po nitong 3 pong ito, tayo po ay maaring maiconsider na makabagong propeta


ngayon. Kahit sa simpleng mga gawaing nakaayon sa will ng Panginoon, kaya nating maging
mga propeta. Alam kop o na napakahiram paging propeta ng Diyos ngayong
napakamapanghamon at pabago bago ang panahon, ngunit binigyan tayo ng huling panyo ng
panginoon upang mapatatag natin ang ating mga Faith sa Kaniya.

Ayon po sa binasa ko kanina mula sa Efeso 6:10-20 na binigyan tayo ng Mga Kagamitang
Pandigma na Kaloob ng Dios upang malabanan natin ang mga suliraning ito. Ayon po sa kaniya
na magpakatatag tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Gamitin
dapat natin ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay ng Dios sa atin para malabanan
natin ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ayon sa kaniya na ang kalaban natin ay hindi mga tao
kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga
tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.

Kaya nararapat na gamitin natin ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa atin ng Dios,
para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa nating makipaglaban, at pagkatapos ng
pakikipaglaban ay manatili pa rin tayong matatag. Nararapat daw po na maging handa tayo.
Sinabi niya na Gawin nating sinturon ang katotohanan. Isuot natin ang pagkamatuwid bilang
pananggalang sa dibdib natin. Isuot nʼyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng
Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang daw poi yon, gamitin din daw po
natin bilang panangga ang pananampalataya natin para hindi tayo tablan ng mga panunukso ni
Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot daw po natin bilang helmet ang tinanggap
nating kaligtasan, at gamitin natin bilang espada ang Salita ng Dios na kaloob ng Banal na
Espiritu. At manalangin tayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu.

Nararapat na Ipanalangin natin ang lahat ng dapat ipanalangin at huwag tayong magpabaya;
patuloy tayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal. Ipanalangin din natin Siya sa
tuwing mangangaral tayo, na bigyan tayo ng Dios ng wastong pananalita para maipahayag Niya
nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon.Sapagkat isinugo si Hesus ng Dios
para mangaral ng Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo n gating
panginoon. at ang huling linya po niya ay ang “Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong
maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.”

Tunay na napakahitik ng mga aral sa bible verse na ito dahil naririto na ang nararapat nating
gawain upang maging isang matatag na propeta ng Diyos. Na patuloy na lumalaban para sa
katotohanan at kabutihan. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, tulad n gating Panginoon,
kakayaning nating maging makabagong Propeta sa nagbabagong panahon na nakatuon sa
ikakabuti ng ating bayan, at hindi ng kaniyang srili.

Bago ako magtapos nais kong magiwan ng hamon na sa mga suliraning itinatapon sa atin ng
masasamang espirito “mawawala ba ang faith natin at susuko nalang sa mga nais ng Diyos na
ating ipaglaban o mas lalo nating tatatagan an gating mga sarili, patuloy na maghahanda at
magpapalakas sa pamamagitan ng kaniyang mga salita, at sasamahan an gating Panginoon sa
pakikidigma sa kasamaan.

HALINA’T MAGING MAKABAGONG PROPETA NA SUOT ANG MGA KAGAMITANG PANDIGMA NA


KALOOB SA ATIUN NG ATING DIYOS. SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, NG ESPERITU SANTO,
AMEN.

You might also like