You are on page 1of 22

GUARD YOUR HEART

IN THE MESSAGE THAT I WILL SHARE THIS SUNDAY WE WILL


FOCUS ON ONE VERSE FROM DIFFERENT TRANSLATIONS
• PROVERBS 4:23 GUARD YOUR HEART ABOVE ALL ELSE, FOR IT
DETERMINES THE COURSE OF YOUR LIFE (NEW LIVING
TRANSLATION).
• “BANTAYAN MO ANG IYONG PUSO HIGIT SA LAHAT PAGKAT ITO
ANG MAGPAPASYA NG DIREKSYON NG YONG BUHAY.” NASA
TAMA BA TAYONG DIREKSYON NG BUHAY AT MAPAYAPA TAYONG
NABUBUHAY O NASA MALING LANDAS AT TAYO AY
NAKADARANAS NG LIGALIG, KAGULUHAN O PAGDURUSA? SINO
SA ATIN ANG UMAASA NA MABAGO ANG BUHAY O DIREKSYON NG
BUHAY FOR THE BETTER? IT WILL START FROM THE HEART.
“Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it” (New International
Version). Everything we do flows from the heart.
Bakit puno tayo ng poot at galit at sa tuwing nakikita natin ang taong nakasakit ng ating
damdamin umiinit ang ating ulo at nasisira ang araw natin? Bakit hindi natin mapigil ang
magsalita ng masama sa tao na ating kinaiinggitan? Bakit kahit tayo ang nagkamali ay
hindi natin magawang magpakumbaba at humingi ng tawad? Bakit hindi natin madama
ang galak ng paglilingkod at pagsamba sa Diyos? Ang lahat ay nag-uugat sa puso.

“Watch over your heart with all diligence, For from it flows the springs of life” (New
American Standard Bible).
The message translation intensifies: “Keep vigilant; that’s where life starts” (The Message)

“Ang puso mo’y ingatang mabuti at alagaan pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong
taglay” Mga Kawikaan 4:23 (Magandang Balita Biblia
Above all else guard your heart, for it affects everything you do (New living
Translation).

Kapag mali ang puso apektado lahat ng ginagawa mo. Kapag tama ang puso,
ma bi bless lahat ng ginagawa mo. Can I hear an Amen? Kung ang ating puso
ay dalisay makikita sa ating mga gawa ang bunga ng Banal na Espiritu at
tayo’y pagpapalain upang maging pagpapala rin sa iba. Kaya ang sabi sa Biblia
unang dapat binabantayan ay ang puso because it affects everything we do,
either positively or negatively. POSITIVELY: Bakit nararamdaman natin ang
pagmamahal at pagpapala ng Panginoon at napupuno ng pasasalamat ang
ating puso? Bakit nagagalak tayo maglingkod, magsamba at nauuhaw sa Salita
ng Diyos? Bakit tayo nagkakaroon ng pagpapahalagang una sa mga spiritwal
na bagay?..... So, kung may nakikita kang hindi magandang nangyayari,
tanungin mo ang sarili mo..what’s wrong with my heart.
In medical term, in a physical
way did you know that your heart
is the strongest and most important organ of your body? It is a
powerful part of the human body. It is described as “the
hardworking marvel.” It never stops working it keeps on
beating, from the time you were conceived until today never
stops working..never stops marvel. Ikaw nga ay nagpapahinga
pero ang puso mo hindi.it can keep on beating automatically
even other nerves were separated or cut off.
Facts about human heart:
 your heart beats about 115,000 times a day
 your heart pumps about 2,000 gallons of blood every day
 the heart can continue beating even when it’s disconnected
with the body
 the heart is at the center of your circulatory system, which is a
network of blood vessels that delivers blood to every part of
your body
 blood carries oxygen and other important nutrients that all
body organs need to stay healthy and to work properly.
We must take care of our heart. Our heart affects every part of our body.
That also means that diet, lifestyle, and your emotional well-being can affect
our heart. Emotional and physical health are both important for maintaining
a healthy body.
There is such thing as a broken heart. Symptoms are similar to heart attack
but the cause is usually stress not heart disease. Paano natin naabusoang
puso? Lack of exercise, bad foods: maalat, mataba, sobrang tamis, cholesterol
after cholesterol. Pinapahirapan natin ang ating puso. Wala na nga siyang tigil
sa pagtatrabaho pinapahirapan pa natin.
Naabuso ang puso kapag nagwoworry ka, kapag hindi nahandle ang stress,
having bad habits or vices. We must take care of our heart. If we want to live
longer. Ingatan ang puso because it is a marvel from God.
 
Now on a spiritual sense, did you know that your heart is the center
of your affection and desires? Proverbs 4:23..

If you have wrong desires that may result to harm your life pwedeng
sirain ang buhay mo..if you have unhealthy affections it will hurt you.
Sino sa atin ang mga na hurt na? Pakitanong sa katabi mo, nasaktan
ka na ba? Bakit hindi natin maiwasang masaktan ng iba lalong lalo na
ng taong malapit sa ating puso?
 
Jeremiah 17:9 “The human heart is the most deceitful of all things, and
disperately wicked. Who really knows how bad it is?” New Living
Translation.
“Ang puso ay mandaraya ng higit kay sa lahat ng bagay, at totoong
masama: sinong makaaalam? Ang puso ay mandaraya, at ito ang dahilan
kung bakit maraming nasasaktan. Kasi by nature ang puso ay
mandaraya! No wonder maraming nasaktan at hanggang ngayon hindi
maka move on. Most deceitful and desperately wicked kaya marami ang
pinaluha, pinaglaruan, pinaasa. Kung minsan dala ng mga pangyayari ay
nabalot na ang ating puso ng hinanakit, ng galit, ng inggit. Kawawa
naman tayo…that is why we have to listen to the Word of God.
“I the Lord search the heart and examine the mind, to reward each
person according to their conduct, according to what their deeds
deserve.” Jer. 17:10
“Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pag-iisip, aking tinatarok ang
mga puso, upang magbigay sa bawat tao ng ayon sa kanikaniyang
lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang gawain.
God knows your heart, that is why you need God to renew your
heart…we need a new heart! Amen! Mabuti na lang merong:
Ezekiel 36:26 “And I will give you a new heart, and I will put a new
spirit in you. I will take out your stony, stubborn heart and give you a
tender, responsive heart.”
“Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko
ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong
puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong
laman.”
Only God has the power to change hearts..if you want to
change your life, change your heart. Hindi ka pwedeng
baguhin ng asawa mo. Baguhin mo muna ang sarili mo.
Change me God.
Alam ni Haring David ang bagay na ito kung kaya’t nang siya’y madapa
sa pagkakasala ay buong kapakumbabaan na hiningi niyang baguhin
ng Diyos ang kanyang puso at ispiritu. Ganito rin dapat ang ating
gawing pagsusumamo sa Diyos kung gusto nating lumalim ang ating
relasyon sa Kanya.
Ang kanta na pinamagatang Create in Me a Clean Heart ay hango sa
Psalms 51:10 Create in me a clean heart O God and renew a right
spirit within me.
Pusong dalisay, O Diyos, sa akin ay likhain; tapat na hangarin sa
pagkatao ko’y panumbalikin. Ating pakinggan ang awiting “Create in
Me a Clean Heart O God.”
Tanging ang Diyos ang makakalinis ng ating marumi at mandarayang puso
at iyo ay proseso na dapat nating pagdaanan. Kung marumi ang ating puso
ay hindi natin maiaalay ang sarili sa Diyos bilang kapahayagan ng ating
pagsamba. Kailangan ang pure o dalisay na puso, tunay na ginto at hindi
peke o gold plated.

Renew a right spirit within me. Sa ibang translation ay ginamit ang willing
spirit…a renewed spirit is a willing spirit…spirit na may kapakumbabaan na
nagpapasakop at pinaghaharian ng Diyos at handing mag serve at buo ang
pagtitiwala sa Diyos anuman ang mangyari sa buhay.
 
Restore unto me the joy of thy salvation. Ang joy o kagalakan na
tinutukoy dito ay byproduct o bunga ng Salita ng Diyos hindi ng mga
pangyayari sa buhay natin o mga bagay na ating nagawa. Without
the salvation of Jesus Christ, there would be no joy, only temporary
happiness. Kaya kung tayo’y nahaharap sa krisis sa buhay, kailangan
nating dumulog sa Salita ng Diyos sa Kanyang mga pangako at
hingin sa Kanya na tayo’y paalalahanan kung ano ang ating
kahihinatnan kung tayo’y hiwalay sa kanyang biyaya. Ang
katotohanang ito ang tutulong sa atin na maibaling ang ating
emosyon, sakit o paghihirap sa tamang perpektibo o pananaw na
magdadala sa atin upang maranasan ang joy o kagalakan na laan sa
atin sa pamamagitan ni Hesus na ating Tagapagligtas.
 
David’s words are life-giving, and they lift our eyes to the
source of our joy. They also remind us that we are not
capable of producing this joy within ourselves but, we are
able to ask for the Spirit to awaken us to the joy we have in
Christ.
A favorite verse of many young people is Psalms 37:4 Delight yourself in
the Lord, and He will give you the desires of your heart. (NIV)
“ Kay Yahweh mo hanapin ang kasiyahan sa buhay, at mga mithiin ng
iyong puso’y kanyang ibibigay.” not manipulation

Right interpretation…what happens when you love God, kung pinasasaya,


sinasamba mo siya? You are going to undergo a process of
transformation. Slowly and surely transforming your desires your affection
and your thoughts because God knows na may mga desires, affections na
makakasama saiyo. Inaayos, itinatama, hinuhubog niya ang puso mo..
gusto niya tayong I bless pero hindi niya maayos kasi hindi maayos ang
puso.
Love..lust..deception
Kung nasa tamang kinalalagyan ang ating puso ang desire ni Lord ay
magiging desire mo na rin..maaayos ni Lord ang buhay mo. Ang
message sa mga kabataan, huwag magmadali…it is the
transformation of our desire..
Wrong desires can lead us to wrong directions..wrong
relationship..they call it love but it is deception.
The heart is deceitful at pag hindi yan binago ng Diyos ay masasaktan
ka.
Kapag tama ang puso, tama ang pananaw, perspective, vision
naitatama.
When your heart is tender it protects you from being hurt. You
become more forgiving..unforgiveness is like drinking a poison and
you expect others to die. Hurting people hurt others. Before expect
healing..heal first your heart.
Spirit of pride..
God opposes the proud but gives grace to the humble.
We need a humble heart to please God, to be blessed by
God. In our own effort we cannot change our heart…we
are the clay and God is the potter. Kailangan nating hingin
at hayaaan ang Diyos na ayusin ang ating puso. In the
song “Clean My Heart O God.” ang sabi ng isang linya:
“You are the potter, I am the clay. Mold me and make me.
This is what I pray. Clean my heart O God; make it ever
true. Clean my heart, O God may I be like You.
Ang pagmamataas ay salungat sa espiritu ng kapakumbabaan na
hinahanap ng Diyos: “Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan
kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
Mateo 5:3

Ang mga aba sa espiritu ay ang mga tao na kinikilala ang kanilang
espiritwal na kasalatan at ang kanilang kawalang kakayahan na
lumapit sa Diyos maliban sa Kanyang biyaya. Ang mapagmataas sa
kabilang dako, ay binulag ng kanilang kayabangan at kanilang iniisip na
hindi nila kailangan ang Diyos o higit pa rito, na dapat silang tanggapin
ng Diyos dahil karapatdapat sila sa Kanyang pagtanggap.
Sa buong Kasulatan, tinuturuan tayo sa konsekwensya ng pagmamataas.
Sinabi sa Kawikaan 16:18-19 na “Ang kapalaluan ay nagpapauna sa
kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. Maigi ang
magkarron ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha.” Pinalayas
si Satanas sa langit dahil sa kanyang kayabangan (Isaias 14:12-15).

Mayroon siyang makasariling hangarin na palitan ang Diyos bilang


tagapamahala sa sansinukob. Ngunit itatatapon ng Diyos sa Satanas sa
impiyerno sa huling paghuhukom. Para sa mga lumalaban sa Diyos, walang
ibang naghihintay sa kanila kundi ang walng hanggang kaparusahan. (Isaias
14:22)
Ang pagmamataas ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw
ng tao na tanggapin si Hesus bilang Tagapagligtas. Ang hindi
pag-amin sa kasalanan at hindi pagkilala na walang
magagawa ang tao sa kanyang sariling kakayahan upang
magkaroon ng buhay na walang hanggan ang laging
humahadlang sa mapagmataas na tao.
• SA PRESENTING PANAHON AY ALAM NATIN NA TAYO’Y PALAPIT NANG PALAPIT SA SINASABI
NATING END TIME. AT IYON AY SIGURADONG MAGAGANAP. ANG NAKASAAD SA BANAL NA
KASULATAN AY MAGAGANAP SA ITINAKDANG ORAS NG DIYOS KUNG KAYA ANG MGA
KAGANAPAN TULAD NG PANDEMYA, PAGHAHARI NG MGA ANTI-CHRIST SA IBA’T IBANG
KAPARAANAN TULAD NG PAGKONTROL NG EKONOMIYA, PAGREBELDE NG TAO SA DIYOS AT
PAGLAGANAP NG KASAMAAN, PAGKASIRA NG KALIKASAN AT MGA ARI-ARIAN SANHI NG
IBA-IBANG KALAMIDAD TULAD NG LINDOL, BAHA, TSUNAMI AT IBA PA AY HIDI DAPAT
IPAGSAWALANG BAHALA.

• ETERNITY IS FOR SURE AND WE HAVE TO PREPARE FOR IT. LET’S PREPARE FOR ETERNITY.
AND TO DO IT, WE NEED TO HAVE A CLEAN AND PURE HEART AND RENEWED, WILLING AND
RESPONSIVE SPIRIT. MAGPASAKOP TAYO SA PANGINOON AT HAYAAN NATIN ANG KANYANG
BIYAYA AT KAPANGYARIHAN NA BAGUHIN ANG ATING PUSO AT ESPIRITU UPANG ANG
KANYANG KALOOBAN ANG SIYANG MANGYARI SA ATING BUHAY. ANG KAPUNUAN NG
BUHAY AY MANGYAYARI LAMANG PAG NAGAWA NATING ISUKO ANG ATING BUHAY SA
PANGINOONG DIYOS AT YAN AY MAG-UUMPISA SA ATING MGA PUSO.

You might also like