You are on page 1of 5

Huwag Mong Isuko Ang Laban

Ephesians 6:10-13, KJV


Finally, my brethren, be strong in the Lord, and in the power of his might. Put on the whole
10

armour of God, that ye may be able to stand against the wiles of the devil.

Introduction
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat, purihin ang Panginoon sa Kanyang kabutihan at
kadakilaan. Salamat sa Diyos, muli Niya tayong binigyan ng panibagong araw upang makasamba
sa Kanya sa Espiritu at Katotohanan. Natapos natin ang pag-aaral tungkol sa dapat nating
pakikitungo sa bawat isa at ang tungkulin natin sa isa’t isa. Ngayon po, naniniwala ako na sa mga
nakaraang buwan ng ating pag-aaral ay mas naging matibay tayo at naging handa sa lahat ng
mga bagay na maaaring mangyari. Nawa ay maging matatag na tayo para sa mga laban na
kakaharapin natin habang tayo’y nabubuhay sa mundong ito.

Bago natin pag-aralan ang sulat ni Pablo sa mga Taga-Efeso, nais ko munang magbigay ng ilang
mga detalye o pangyayari bago niya ito maisulat. Naisulat ni Pablo ang Book of Ephesians noong
siya ay nakakulong (Eph. 6:20). Kaya bago ito maisulat, mayroong nakasalamuha sila Pablo sa
lugar ng Efeso habang sila’y nangangaral ng Magandang Balita. Ang pangalan niya’y Demetrio,
isang panday pilak na gumagawa ng maliliit na templong pilak para sa kanilang diyosang si
Artemis (Diana in KJV). Ito din ang nagdulot ng napakalaking kaguluhan sa lugar ng Efeso na
kung saan naroon ang Iglesia. Sa Gawa 19:34, nang makilala ng mga tao na si Alejandro ay isang
Judio, sila’y sumigaw ng malakas sa loob ng dalawang oras. Ang kanilang sinisigaw ay “Dakila si
Artemis ng mga taga-Efeso.

Isipin natin na kung inyong lugar ay mayroong mga ganitong kaguluhan dahil sa mga diyos-
diyosan, marahil maapektuhan ang ibang mga mananampalataya. Ito ang isa sa dahilan kung
bakit naisingit ni Pablo sa sulat niya sa Efeso ang ating pag-aaralan, matapos niyang pangaralan
ang mga anak, ama, magulang, mga alipin at amo (Efeso 6:1-9). Sinulatan niya ang mga kapatid
roon upang maging matatag sa kabila ng mga pagsubok at mga maling katuruan. Pinalalakas niya
ang pananampalataya ng mga kapatid roon sa kabila ng maingay na usapan tungkol sa diyos-
diyosang si Artemis. Ang nakita kong buod ng kanyang sulat sa mga talataang 6:10-18 ay…

Proposition: Ang Pagtayo Mo’y Pakatatagan Upang Hindi Ka Lumapag Sa Hapag Ng Kalaban!

Interrogative: Paano Tayo Makapananatiling Matatag Sa Kabila Ng Pag-Atake Ng Kalaban?

I. BE EMPOWERED BY GOD
V: 10 Finally, my brethren, be strong in the Lord, and in the power of His might.

 “Be strong” the verb is passive, so a better translation is “be strengthened”


 If a verb is active, the subject of the verb is the doer of the action
 But if a verb is passive, the subject of the verb is the receiver of the action
 When we say, “Be strong,” the emphasis is on what we can do?
 When we say, “be strengthened,” the emphasis is on what the Lord can do?
 The verb is Imperative (Pautos)
Kaya maraming mga Kristiano ang bumabagsak sa kanilang pananampalataya dahil ang
kalakasan na mayroon sila ay hindi nagmumula sa Diyos. Magpalakas tayo sa pamamagitan ng
kalakasan ng Panginoon, sapagkat sabi ni Jesus: Lucas 21:36, MBB Kaya’t maging handa kayo
sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang makaligtas sa
lahat ng mangyayaring ito, at makaharap kayo sa Anak ng Tao.”

Kapag tayo’y nanghihina dahil sa mga pagsubok at mga tukso sa ating buhay, lumapit tayo sa
Diyos, huwag tayong magtiwala sa sarili nating kalakasan, dahil hindi natin kaya ang mga kalaban
kung wala ang tulong ng ating Panginoon. Ang kalakasan Niya ang hingin natin upang
mapagtagumpayan ito. Huwag nating hingin sa kanya ang kalakasan upang matalo ang ating
kapwa Kristiano, dahil hindi sila ang kalaban natin. Mamaya aalamin natin kung sino at ano ang
kalaban natin sa mundong ito. Maraming mga Kristiano ang nahuhulog pa din sa kamay ng
kalaban kahit na matagal na silang Kristiano.

David said; Ps. 73:27 “My flesh and my heart fail; but God is the strength of my heart and my
portion forever.”

Paano natin makakamit ang kalakasan mula sa Panginoon?

A. Magpasakop Tayo Sa Kalooban Niya

Lahat ng plano, lahat ng gagawin natin, lahat ng gusto natin ipasakop natin sa Kanyang
kapangyarihan. Magtiwala tayo sa kanyang kapangyarihan at kakayahan. Tandaan natin, mas
maganda ang kalooban ng Diyos sa ating kalooban. Kawikaan 3:5-7, MBB Kay Yahweh ka
magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat
ng iyong Gawain siya nga’y alalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong mga tatahakin. Huwag
mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo’t sundin si Yahweh, at lumayo ka sa
kasamaan.

B. Laging Manalangin

Phil. 4:6-7, NIV Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and
petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which
transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.

C. Laging Magbasa Ng Kanyang Mga Salita

1 Chronicles 16:11 “Seek the LORD and His strength; seek His face evermore!”

Baka naman kaya hindi tayo nagiging malakas dahil hindi na tayo nakakakain ng salita ng Diyos.
Kaya madaling mahulog sa tukso at sa kamay ng diyablo ang isang tao dahil ang kalooban niya
ang sinusunod, hindi tumatawag sa Diyos upang magkaroon ng kalakasan at hindi inaalam kung
ano ang sinasabi ng Diyos.

Pansinin natin kung bakit nahulog sa kamay ni Satanas si Eva at Adan? Tingnan natin ang
pangyayari sa Genesis. Bago lumabas sa story si Satanas, meron ng utos ang Diyos; “Maaari
ninyong kainin ang lahat, MALIBAN sa punong nagbibigay ng kaalaman” Gen. 2:16-17. Nang
dumating na itong si Satanas, tinanong niya at sinabi; “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag
kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halaman?” opo, tugon niya, “hindi totoo iyan, hindi
kayo mamamatay!”. So, dahil sa sinabi ni Satanas na hindi siya mamatay at magiging parang
Diyos siya, nilabag niya ang kalooban ng Diyos at ang kalooban niya ang kanyang sinunod, ni
hindi man lang niya tinanong ang Diyos tungkol dito at nawala na sa kanyang isipan ang utos ng
Panginoon. Madalas nangyayari sa atin ito, kaya tayo natatalo ng ating kalaban dahil hindi ang
kalooban ng Diyos ang sinusunod natin, bagkos ang kalooban ng laman. Hindi tayo tumatawag sa
kanya upang tanungin kung ano ba ang mangyayari kung gagawin natin ang isang bagay.
Tandaan natin, siya ang mas nakakaalam ng lahat ng bagay. Isa pang dahilan ng pagkahulog
natin sa kamay ng kalaban, dahil hindi natin nalalaman ang kanyang mga kautusan, hindi natin
lubos na nauunawaan ang gusto niyang iparating sa atin. Dahil hindi naman natin ito tinutuklas,
dahil madalang lang natin itong binabasa.

Christian character has two sides. We cease to do evil. We also learn to do well. But doing well is
impossible if we are not strong. Paul does not instruct us to be agile or swift of foot. To the
contrary, he advises us not to move; we are to stand on a firm foundation, as it were. We are to be
securely grounded, rooted and unmoving.

Mga kapatid, nais ng Diyos ayon kay Pablo na ipasailalim natin ang ating buhay sa kanyang
kapangyarihan. Magpalakas tayo sa pamamagitan ng kalakasan ng Diyos.

Billy Graham said, “We cannot be dedicated to Christ without giving Him our bodies. The devil
gets at the soul through the body.”

II. PUT ON HIS ARMOR


V: 11 Put on the whole armour of God, that ye may be able to stand against the wiles of the devil.

Maraming pakana o taktika ang diablo kaya mag-ingat tayo. Isuot natin ang baluti na nagmumula
sa Diyos upang tayo’y maging matatag sa mga pakana ng masama. Take note; complete or
whole armour of God.

 Belt of truth
 Breastplate of righteousness
 Your feet shod with the preparation of the gospel of peace
 Shield of faith
 Helmet of salvation
 Sword of the Spirit, which is the word of God.

Sa mga susunod nalang po na lingo natin ito mas bibigyan ng pansin. Huwag po tayong liliban sa
ating mga panambahan dahil dapat nating malaman ang complete armor of God. Hindi maaaring
Belt o Breastplate lang ang nasa atin, dapat lahat. Kung mapapansin po natin, walang sinabing
ilalagay sa likod upang maprotektahan ito. Bakit kaya? Ang Armour noong panahon ni Paul ay
gawa sa mga matitibay na metal, pero ang likod nito ay gawa sa balat ng hayop. Kaya kung
mapapansin din natin ang full armor of God ay wala sa likod, dahil katulad noong panahon ni
Pablo, bawal silang umatras o tumalikod sa labanan dahil lalo silang mapapahamak. Ganoon din
sa ating mga Christian Soldiers, tinawag o inalis tayo sa kasamaan hindi upang makisalamuha
muli sa kanila, sa halip, sila’y dapat nating labanan at bawal umatras o tumalikod sa labanan, dahil
lalo lang tayong mapapahamak. Huwag mong isuko ang laban!

Tinawag tayo ng Diyos upang isuot ang “complete armor of God”, what is the Purpose? that ye
may be able to stand against the wiles of the devil. Paano tayo makapananatiling matatag sa
kabila ng pag-atake ng kalaban? PUT ON THE WHOLE ARMOUR OF GOD!
Now, alam na natin kung ano ang maaaring gawin ng Diyos kung tayo’y magpapasailalim sa
Kanyang kapangyarihan, alam na rin natin na hindi natin kakayanin na lumaban kung hindi natin
suot ang Baluting kaloob ng Diyos. Ngayon, mayroon pa tayong isang dapat malaman; Sa isang
labanan, dapat nalalaman din natin kung sino ang ating kalaban at kung ano ang kanilang
kakayahan.

III. KNOW YOUR ENEMIES


V: 12 For we wrestle not against flesh and blood, but against principalities, against powers,
against the rulers of the darkness of this world, against spiritual wickedness in high places.

Sa Ephesus or modern—Turkey ay mayroon silang kaugalian na Camel Wrestling Festival In The


Aegean Town Of Selcuk, Turkey. Ginamit ni Pablo ang festival doon upang ipaunawa sa mga
Kristiano kung ano ang kalalagayan nila sa mundong ito.

A. For we wrestle not against flesh and blood

Sabi ni Pablo, hindi tayo nakikibaka sa mga may laman at dugo o sa mga tao. So, ibig sabihin,
hindi natin kalaban ang kapwa nating Kristiano. Kaya lang, ito ang nagiging problema sa
maraming Iglesia, imbes na ang pagtuunan ng pansin ay ang totoong kalaban, sila’y
nagpapalakas upang mahigitan ang kakampi.

Paano ang mga nagtuturo ng mali? Kakampi ba natin sila? Remember Paul said; that ye may be
able to stand against the wiles of the devil.   Maraming uri ng pakana o taktika si Satanas,
gumagamit siya ng ibang tao upang magmukhang maamong tupa. Sabi ni Jesus; Mateo 7:15,
MBB “Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa,
ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat. Ang lahat ng nagtuturo ng hindi ayon sa itinuturo
ng Biblia ay kalaban natin. Mag-ingat po tayo, baka tayo na ang ginagamit ng diyablo para
pahirapan ang mga tunay ng Kristiano. Iba-iba ang pakana ng masama, maaari niyang gamitin
ang gadgets mo, kayaman mo, pamilya mo, mga pangarap mo, mga kaibigan mo at mismong
sarili mo kapag mahina ka at walang kalakasan na mula sa Diyos, gagamitin niya ito upang
malayo ka sa Diyos at mailayo ang iba sa Panginoon.

Again, hindi po natin kalaban ang ating mga kapatid sa pananampalataya, kundi, ito ang mga
kalaban natin:

B. Against principalities
C. Against powers
D. Against the rulers of the darkness of this world
E. Against spiritual wickedness in high places.

Hindi binigyan ng malawak na detalye ng Biblia ang “existence” ni Satan, pero pinakita ng Biblia
kung ano ang ugali at layunin nito. The name “Satan” comes from a Hebrew word signifying an
adversary, an enemy, and an accuser. In God’s Word, we discover that Satan is God’s enemy and
is against all for which God stands. The Greek word diabolos (devil) is the equivalent of the
Hebrew word Satan. In the Old Testament, Satan is an accuser in the heavenly court. It the New
Testament, the devil takes on the character of a tempter here on Earth  (Matt. 4:1-11; 1 Thess. 3:5)

Pinangalanan siya ng Biblia na; Beelzebul (Mark 3:22), Devil/Roaring lion (1 Pet. 5:8; 1 John 3:8),
Satan (Acts 5:3) Lucifer (Isaias 14:12-15) “O Maningning na Bituin sa umaga (Lucifer in KJV)
anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na
nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba’t sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw
ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan
ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang
kataas-taasan.’ Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalalimang
walang hanggan (Tartarus)?

Binigay ni Pablo ang ilan sa mga pangunahing “rank” ng diyablo, at sinabi na dati tayong
napailalim sa mga ito; Efeso 2:2, MBB Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong
ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw
pasakop sa Diyos.

Dati tayong kakampi ng masama, ngayon dapat natin itong labanan dahil nasa kaliwanagan na
tayo. Ngayon mga kapatid, bago natin mapagtagumpayan ang kasamaan at ang namumuno nito.
Dapat mayroon tayong lakas na mula sa Panginoon at isuot natin ang “complete armour of God”
na pag-aaralan natin sa mga susunod na lingo. Bilang isang paghahanda, dapat nating alamin
kung sino ang ating tunay na kalaban at kung ano ang mga pakana nito. Again, hindi po tao ang
kalaban natin, hindi ang ating mga kapatid, kundi ang mga espiritu ng kasamaan, ang prinsepe ng
sanlibutang ito, ang naghahari sa kadiliman na nasa himpapawid, ang espiritung kumakalaban sa
gawa ng mabuti, ito’y si Satanas at ang kanyang mga kampon.

Conclusion
Nakita ko ang isang salita na ilang ulit na nabanggit ni Pablo upang ipahiwatig na “ito ang gusto
kong ihatid sa inyo!”

 V: 11 Put on the whole armour of God, that ye may be able TO STAND against the wiles of
the devil.
 V: 12 Wherefore take (lambanow in Greek) unto you the whole armour of God, that ye may be
able TO WITHSTAND in the evil day, and having done all, TO STAND
 V: 14a STAND therefore

Ang pagtayo mo’y pakatatagan upang hindi ka lumapag sa hapag ng kalaban!

Mga kapatid, inuulit ko;

1. Magpakatatag tayo sa pamamagitan ng kalakasan ng Panginoon


2. Isuot natin ang baluti na kaloob Niya
3. Kilalanin natin ang tunay nating kalaban

UPANG HINDI TAYO SUMUKO SA ATING LABAN!

You might also like