You are on page 1of 2

Scripture Reading

Isaiah 55:5-8
v.5 Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala, mga bansang hindi ka kilala'y sa iyo
pupunta. Darating sila alang-alang sa iyong Diyos na si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel,
sapagkat pinaparangalan ka niya.”
v.6 Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan, manalangin ka sa kanya habang siya'y
malapit pa.
v.7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang
taong liko, Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos,
makakamit nila ang kapatawaran.
v.8 Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan,  ang inyong kaparaanan ay
hindi ko kaparaanan.

Message

Magandang umaga po sa inyong lahat! Kamusta po ba kayo? Namimiss nyo na po ba ang isa’t
isa? Eksayted na ba tayong mag-aral ng Salita ng Diyos? Sa oras pong ito ay makakapagbasa at
makakapag-aaral na tayo, ihanda na po natin ang ating mga sarili, ito po ay isang handog na
nakakalugod sa ating Diyos dahil tayo po ay sumusunod sa isa sa mga utos Niya sa atin.

Sa umaga pong ito ay patuloy nating pagbulay-bulayan ang isa sa mga katangian ng ating
Panginoong Diyos. nauunawaan ba talaga natin ang salitang HABAG at BIYAYA ng Diyos? paano
po ba natin ito ipaliwanag sa mga tao na nagtatanong na kung ano ba ang tunay na ibig sabihin
nito? Mayroon po akong isang kaibigang pastor na nagbigay sakin ng paalala o pagbubukas ng
aking isip, sinabi niya sa akin, “NAKAKAAWA ANG ISANG TAO KUNG HINDI NIYA ALAM ANG
TUNAY NA IBIG SABIHIN NG HABAG AT BIYAYA NG DIYOS” na alarma ako at napaisip sa kanyang
sinabi. naisip ko na may sense ang pagkakabanggit niya sa akin. Alam po ba talaga natin?
Nararanasan po ba natin ito? Paano tayo nakakasigurado sa mga bagay na ito? Ito po ay
matatagpuan sa Efeso / Ephesians 2:8-9, ang sabi po dito, “8 SAPAGKAT DAHIL SA
KAGANDAHANG-LOOB NG DIYOS KAYO AY NALIGTAS SA PAMAMAGITAN NG
PANANAMPALATAYA; AT ITO'Y KALOOB NG DIYOS AT HINDI MULA SA INYONG SARILI; 9 HINDI
ITO BUNGA NG INYONG MGA GAWA KAYA'T WALANG MAIPAGMAMALAKI ANG SINUMAN” ito
po ang ibig sabihin ng biyaya ng Diyos, ang kagandahang loob Niya sa atin, tayo ay naligtas dahil
sa ating pananampalataya, wala tayong maipagmamalaki dahil ito ay galing sa Diyos. kahit
sabihin natin na marami na tayong nagawang kabutihan at kagandahan sa mundong ito, ngunit
kung ito po ay walang pananampalataya sa ating ginagawa, walang saysay ang lahat ng iyon,
hinding hindi malulugod ang Diyos. kaya nga, isang paalala sa atin na sa bawat ginagawa natin,
lagi nating isama ang Diyos, maliit man o sa malaking bagay, tiyak ang tagumpay ng buhay ay
patuloy nating mararanasan. At naniniwala po ako, ang bawat isa po sa atin ay nararanasan ang
kagandahang loob na ipinagkaloob ng Diyos sa atin.

Pinamagatan ko po itong “The Mercy of God” ang Habag ng Diyos. Si Propeta Isaiah ay pinili ng
Diyos upang maging tagapagsalita Niya sa mga Israelita na patuloy inaabuso ang habag at
biyaya ng Diyos. dahil komot nakakahingi sila ng kapatawan sa ating Diyos patuloy parin silang
gumagawa ng mga bagay na hindi nakakalugod sa Kanyang harapan. Ginamit ng Diyos si
Propeta Isaiah upang paalalahanan sila na may hangganan din ito. At ang parusa ng Diyos ang
patuloy nilang mararanasan. Sa ating pag-aaralan, may mga bagay na binigay sa atin ang Diyos
upang patuloy nating maranasan ang habag ng Niya sa ating mga buhay.

Paano ba natin patuloy na mararanasan ang habag ng Diyos?

Una, HANAPIN ANG DIYOS, sa v.6, hinahanap ba natin ang Diyos araw-araw? O twing may
kailangan lang tayo? twing nasasaktan at nahihirapan lang ba tayo lalapit sa kanya? Hindi po
masamang lumapit sa Diyos kung kinakailangan, pero po wag nating gawing doctor ang Diyos,
lalapit lang tayo sa kanya kapag malala na ang ating sitwasyon sa buhay. kahit wala po tayong
nararanasang problema at mga pagsubok sa buhay, magpuri at magpasalamat tayo sa Kanya sa
lahat ng kanyang kadakilaan at kabutihan sa ating buhay. Manalangin at makipagusap sa Kanya,
upang mapalalim ang ating pananampalataya sa Kanya.

Pangalawa, MANUMBALIK SA DIYOS, sa v.7, talikuran na natin ang lahat ng mga masasamang
gawa, alisin na po natin ang mga kaisipang hindi nakakalugod sa Diyos, baguhin natin ang ating
mga sarili ayon sa pamantayan at prinsipyo ng Diyos, ito po ay nakasulat sa Bibliya. kung tayo
man ay nakakaranas ng pagkauhaw at magkalamig sa Diyos, lumapit tayo sa Kanya at
ipaparanas ang Kanyang habag at awa sa atin. Kung feeling natin nakukulangan tayo sa
pananampalataya sa Diyos, feeling natin na hindi na tayo mahalaga sa Diyos, mali ang ating
nararamdaman, nandyan lang lagi siya kasama natin, hinihintay Niya lang tayong lumapit at
manumbalik sa Kanya, dahil walang hanggang ang awa at habag Niya.

Pangatlo, MAGPASAKOP SA KAPARAANAN NG DIYOS, sa v.8, hinding hindi natin maipapantay


ang pag-iisip ng tao sa Diyos, may sariling layunin ang Diyos sa atin, huwag tayong mainip sa
mga bawat hinihintay natin, baka mamaya sinusubok lang tayo ng Diyos dahil kumikilos Siya sa
sarili Niyang paraan hindi sa paraan na meron po tayo. may sarili Siyang kalooban sa atin, wag
nating ipilit ang kalooban na meron tayo. because God is perfect in all His ways. Doon po dapat
tayo, sabi nga sa Juan 14:6, "SUMAGOT SI JESUS, “AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN, AT
ANG BUHAY. WALANG MAKAKAPUNTA SA AMA KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.” Patuloy lang
tayong magpasakop sa kapangyarihan ng Diyos.

Nawa sa umaga pong ito ay marami tayong natutunan mula sa Salita ng Diyos. panalangin ko
pong maisapamuhay natin ito bawat araw. Maraming salamat po. Pagpalain po tayo ng ating
Panginoon!

You might also like