You are on page 1of 2

BIBLE SHARING GUIDE

Ika-labingtatlong Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Diyos ng pag-ibig, at kami ay nagpapasalamat dahil kami ay iyong pinagtipon-tipon dito sa


iyong harapan. Nawa ang pagbabahaginan na ito ay maging daan upang mapukaw ang kalooban
ng bawat isa. Gabayan mo nawa na ang bawat isa ay maging tapat at bukal ang ibabahagi. Ito
ang aming samo’t dalanging sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen!

MABUTING BALITA

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon (Marcos 5: 21-43)

MAIKLING PAGNINILAY

Sa Mabuting Balita, narinig natin na ang Panginoong Diyos ay nagpapagaling ng may sakit. Sa
Kanya galing ang pagpapagaling. Ang Panginoong Diyos pa ang pupunta sa atin kung nasaan
tayo tulad ng ginawang pagpunta Niya sa tirahan ng Kanyang muling binuhay. Ano lamang ang
dapat nating gawin? Maging tulad ng babaeng dinudugo. Bakit? Ang babae na dinudugo ay isang
magandang halimbawa ng pananampalataya sa Diyos. Ang manghingi ng may pananampalataya.
Ito ang kailangan upang maranasan natin ang himala. Madalas akala natin ang sitwasyon ay tila
“patay” na o wala nang pag-asa gaya ng labindalawang taong gulang na bata. Pero sa mga
ganitong pagkakataon na tila kay dilim, sinasabi ng Panginoon sa atin na “Huwag kang
mabagabag, manalig ka”.

Sa mga panahong ganito na hinihila tayo ng duda, takot at pag-aalala, labanan natin ng tiwala at
pananalig sa Diyos. Ang ating tiwala sa Kanya ay masusubok kung kailan, kabaliktaran ng gusto
natin ang nangyayari. Subalit kung kakapit tayo, gaya ng batang inakala nilang patay na ay
maiaangat tayo ng Diyos sa takdang panahon. Kaya ng Diyos gawin ang lahat ng bagay para sa
taong nananampalataya. Amen. + Naniniwala ba tayo rito?

GABAY NA TANONG

1. Sa iyong mga naranasan, nagduda o nagdududa ka ba sa maaaring gawin ng Diyos? Bakit?


2. Sa kabilang banda, kailan ka lubos na nagtiwala sa Diyos?

KONKRETONG TUGON

Para sa ating magiging tugon sa pagninilay na ito, ating alalahanin lahat ng mga pangyayari na
tayo ay nagduda sa Diyos. Lagi natin ito ilakip sa ating mga panalangin. Gayun din, ating
alalahanin ang mga pagkakataon na tayo ay totoong nagtiwala ng buo sa Diyos sa kung gayon ay
kapag tayo ay nanghihina ang loob ang muling nagdududa, may mababalikan tayo na tayo ay
nagtiwala sa Diyos.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Diyos ng awa, dala-dala namin ang bawat aral na nalipon sa aming pagbabahaginan. Nawa ito ay
maging daan upang mas mabunga ang aming pamumuhay sa pangaraw araw. Salamat po
Panginoon at naging bukas at totoo ang lahat, nawa’y kami ay magpaalalahan sa bawat isa na
may Diyos, ikaw na laging kasama. Ito ang aming idinudulog sa pamamagitan ng iyong anak at
aming tagapagligtas.

You might also like