You are on page 1of 2

Title: Ang Dios na Sumasagot

Text: James 5:16-18

Introduction:
 This brings to mind a story about another little fellow -- one who had been sent to his room
because he had been bad. A short time later he came out and said to his mother, "I've been
thinking about what I did and I said a prayer." "That's fine," she said, "if you ask God to make
you good, He will help you." "Oh, I didn't ask Him to help me be good," replied the boy. "I asked
Him to help you put up with me."
 Kung ating babasahin at sasaliksikin ang banal na kasulatan, ating makikita ang isang bagay. Ang
mga tao na ginamit ng Dios upang gumawa ng mga kakaiba at kamanghamanhang mga bagay ay
mga tao na matapat sa panalangin.
 Ang mga pangkaraniwang mga Cristiano kagaya ko at kagaya ninyo ay pangkaraniwang guilty sa
bagay na ito. Pangkaraniwan naisasantabi natin ang panalangin.
 Sana tayo ay maglaan ng panahon para sa bagay na ito, at palagi nating hilingin na turuan tayo
ng Panginoong Jesus na manalangin. (Luke 11:1)
 Sa gabing ito gusto kong ibahagi sa inyo ang 2 bagay na maaaring makatulong sa atin na
mapalago ang ating prayer life.
 Ang paraan upang mapalago natin ito ay kailangan nating maunawaan na ang ating Dios ay Dios
na Sumasagot.

BODY:

1. ANG DIOS NA SUMASAGOT NG ATING MGA PANGANGAILANGAN (James 5:16-18)


 Matapang na tumayo sa harapan ng mga propeta ni Baal si propeta Elias at pagkatapos
ay humiling siya sa Dios. (1 Kings 18:36-39)
 Makikita natin ditto kung sino ang Dios na tinawagan ni Elias, Siya ang Dios ni Abraham,
ni Isaac at ni Jacob. Sino itong Dios na ito? (Genesis 17:1)
 Ang panalangin ay hinuhubog tayo na magkaroon ng isang puso na nakatuon at
nakasentro sa Dios.
 Pangkaraniwan ang mga tao ng Dios noon ay nagpupunta sa bundok sa hardin upang
makipanayam sa Dios, kailangan natin na itigil ang koneksyon natin sa mundo at ng mas
maayos at mas maganda ang koneksyon natin sa Dios.
 Tayo ay maging matiyaga sa panalangin. Ang Dios natin ay makapangyarihan sa lahat,
and he knows us. (Psalm 23)
 Kung tayo ay may kailangan at may kahilingan, lumapit tayo sa Dios ni Abraham, ni Isaac
at ni Jacob. Dahil ang Dios nila noon siya rin ang Dios na sinasamba natin ngayon. At siya
ang Dios na sumasagot sa ating mga pangangailangan.

2. ANG DIOS AY SUMASAGOT SA PANAHON NA MAHIRAP


 Sa ating buhay darating ang mga panahon namahirap. Kahit si propeta Elias pinagdaan
ang hirap na ito sa kaniyang pananampalataya.
 Natatakot? Napapagod? Nawawalan ng Pag-asa dahil ang panalangin mo ay hindi
sinasagot?
 Atin po sana na maunawaan, ditto sa mundong ito talang haharapin natin ito at
dadanasin.
 Si propeta Elias ay humingi din ng tulong sa Dios para sa kaniyang sarili. Nanalangin siya
hindi para mabuhay ang isang bata, o kaya para sunugin ang basang handog o kaya ay
magkaroon ng ulan.
 Kundi dumating sa panahon na nanalangin siya dahil nahihirapan na siya. Makikita natin
ditto na ang Dios ay nakikita ang pinagdadaanan niya, ganoon din po sa atin tayo ay
mahina din na kagaya ni Propeta Elias.
 At ito ang oras at pagkakataon na dapat tayong lumapit sa Dios. Dahil gusto ng Dios na
sumigla tayong muli, mabuhay muli ang ating mga pag-asa at mag alab muli ang ating
mga pananampalataya.
 Sabi nga ng isang kasabihan, “When you are tired, go to bed. If you are weary, go to
God.”
 At kung tayo ay lalapit sa mga ganitong sitwasyon sa Dios. Siya ang Dios na sumasagot sa
mga panahon na mahirap.

CONCLUSION:

You might also like