You are on page 1of 3

PRAYER

Colossians 4
(v2) Huwag kayong magsasawa sa pananalangin. Gawin ninyo itong mataimtim at
may pasasalamat.
….. Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa
Diyos.

Ang pananalangin ay pwedeng maihalintulad sa pag-aalaga ng isang magulang sa


kanyang anak. Kailangan ng isang anak ang hustong pag-aaruga at pagtutuwid upang
makamit nito ang isang buhay na kaaya-aya at kasiya-siya sa harapan ng Diyos. Ang isang
mapagmahal na magulang ay hindi niya hahayaang mapahamak ang kanyang anak mula sa
pagiging sanggol hanggang sa paglaki nito kaya’t bibigyan niya ito ng SAPAT NA ORAS ng
pag-aalaga, PAGIGING MATIYAGA dahil kung hindi magtityaga ang magulang ay tiyak na
pwedeng mapahamak ang kanyang anak, PAGIGING MATATAG dahil hindi biro ang
magpalaki ng anak, maraming kakaharaping mga pagsubok, problema hanggang sa
makaramdam ka ng kapaguran ngunit bilang isang magulang WALA KANG KARAPATANG
SUMUKO, itoy nangangahulugang MALAKAS NA PAGPUPUMILIT AT PAG-AALAB na
mapalaki ng maayos at may takot sa Diyos ang kanyang anak.

Bilang isang Born-again Christian, kailangan nating bigyan ng sapat na oras ang
pananalangin. Hindi konting oras, nakaw na oras o di kaya’y pag may oras ka lang dahil sa
bawat oras, minuto o maging Segundo ay mahalaga upang ang Diyos ay makagawa at
makakilos sa mga tao, lipunan at sa lahat ng mga nangangailangan ng pagkilos ng Diyos na
ating ipinapanalangin.

Hanggat hindi natin naiintindihan kung gaano ba tlga kahalaga ang pananalangin, hindi tayo
magiging seryoso sa pananalangin. Katulad ng pagiging isang magulang, hindi mo kailanman
maiintindihan ang kabigatan, pasanin, pagtitiyaga ng isang magulang, kung gaano kaseryoso
ang pagiging isang magulang hanggat hindi ka mismo naging magulang….ang sabi nga nila
“maiintindiha mo rin pag ikaw ay naging magulang na” kaya nga ang ibang mga anak ay
bastos, walang modo at rebellious sa kanilang mga magulang dahil di nila alam ang hirap ng
isang magulang.

Sa pananalangin din, tayo ay itinutuwd ng ating Panginoon gaya ng pagtutuwid ng magulang


sa kanyang anak!

Bilang isang Born-again Christian, kailangan nating magtiyaga sa pananalangin. Ibig sabihin
ng magtiyaga ay “huwag tumigil” sinabi ng Panginoon sa Mateo 7:7-8 “Humingi kayo at
kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at
kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang
bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay
pagbubuksan. Ang mga talatang ito ay nagsasaad ng kasalukuyang kilos…ibig
sabihin, huwag tayong tumigil sa pananalangin dahil mula noon hanggang ngayon,
ang Diyos ay tumutugon sa ating mga panalangin….panalanging may
pananampalataya at panalangin ng mga taong matuwid!

Bilang isang Born-again Christian, kailangan nating matatag sa pananalangin. Alam ni


Satanas ang kahinaan ng tao kaya’t pipilitin niyang mapatigil tayo sa ating buhay
pananalangin at mailihis tayo sa layunin ng Diyos sa atin. Tiyak na naranasan na nating
istorbohin ni satanas sa ating buhay pananalangin at kahit habang tayo’y nananalangin!
Bibigyan niya tayo ng mga pakiramdam na katamaran, panlalamig at pagkasuya sa
pananalangin.. Huwag tayong manalangin base sa ating kondisyon o pakiramdam! Dahil
pwede tayong madaya ng ating emosyon..at ang emosyon ay nasa ating isipan na siyang
sinisikap ng kaaway na ating isipin at maramdaman. Manalangi tayo galling sa ating puso,
huwag sa isip lang!
Ngunit ang sabi ng salita ng Diyos sa Santiago 4:7 Kaya nga, pasakop kayo sa
kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito.
Tandaan natin na Ang pananalangin ay PAGPAPASAKOP SA DIYOS!

ANG PAGIGING MATIYAGA AT MATATAG SA PANANALANGIN ay bunga pa rin ng


MATAIMTIM NA PANANALANGIN..Ang mataimtim o marubdob ay nangangahulugan ng
matinding pagnanasa, alerto o laging handa (passionate, desperate, serious) sa isang bagay
na nais mong makamit o makamtan pagdating ng panahon.

What are the effects of being passionate, desperate and serious in prayer?
PASSIONATE PRAYER OPENS HEAVEN (Lucas 3:21) ….nang siya’y nananalangin,
nabuksan Langit, …(Gawa 2)

PASSIONATE PRAYER GIVES DIRECTION (Lucas 6:12-13)…pumili siya ng


labindalawang apostol…
-bago at pagkatapos ng kanyang gagawin, si Hesus ay
nananalanagin…at sa bawat ginagawa niya, may nangyayari!

PASSIONATE PRAYER ENABLES US TO EXPERIENCE THE GLORY OF THE


FATHER (Lucas 9:28-29)…ang pagbabagong anyo ni Hesus
(Exodus 34:29-34)…Moses
(2 Corinto 5:17)… Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang
bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao;
binago na siya.

PASSIONATE PRAYER IMPACTS THE LIVES OF OTHERS (John 17)…ang


panalangin ni Hesus
-Pagtugon ng Diyos sa ating mga panalangin.
-Pagkilos ng Diyos sa ating mga panalangin.

Naniniwala ako, dahil sa panalangin ni Hesus sa John 17 para sa kanyang sarili


kaya niya napagtagumpayan ang kamatayan at dahil sa kanyang kamatayan, tayo ay
naligtas. Panalangin para sa kanyang mga alagad kaya sila nagpatuloy sa paglilingkod
at lumaganap ang ebanghelyo ng mabuting balita, napagtagumpayan nila ang pagtitiis
at sila’y nagging metatag sa kanilang pananampalataya. Panalangin ni Hesus para sa
mga sumasampalataya at sasampalataya sa kanya, mula noon hanggang ngayon, tayo
po ay ang kasalukuyang ebidensiya sa katugunan sa kanyang marubdob na
panalangin para sa ating mga mananampalataya!

PASSIONATE PRAYER GIVES US THE BURDEN FOR THE LOST!


(Lucas 23:34)…patawarin mo sila, hindi nila alam ang kanilang
ginagawa!
-Habang siya’y nasa krus, kaligtasan pa rin ng mga tao ang laman
ng kanyang panalangin.
-(Roma 10:1)…Mga kapatid, ang pinakananais ko at idinadalangin sa
Diyos ay ang maligtas ang Israel.

PASSIONATE PRAYER ENABLES US TO MAINTAIN THE SPIRIT OF PRAYER IN


OUR LIVES!
(Lucas 23:34) the attitude that never surrenders in prayer even in the most
difficult circumstances!
Bilang isang Born-again Christian, dapat tayong manalangin nang may pasasalamat!
Ito ay isang pagpapakita ng pagdedepende sa ating Panginoon.
Ito ay napapakita na tayo’y may relasyon sa ating Panginoon.
Ito ay nagpapadama ng pagpapakumbaba sa ating Panginoon.

ANG PANALANGIN ang siyang nagsisilbing matibay na pundasyon upang tayo’y


mapuwersang maghintay sa ating Panginoon.

ANG PANALANGIN ang siyang nagsisilbing gabay natin sa tuntunin at layunin ng ating Diyos
sa ating buhay at sa lahat, upang hindi tayo malihis ng landas.

ANG PANALANGIN ang nagsisilbing lakas natin upang tayo’y makapagpatuloy sa ating
pananampalataya.

ANG PANALANGIN ang tanging susi upang kumilos ang Diyos sa ating buhay, pamilya,
kamag-anak, kapitbahay, lipunan at sa Church!

AMEN!

You might also like