You are on page 1of 66

ANG BUHAY NG PANANALANGIN

NG KRISTIYANO
PANALANGIN
- ay buhay ng isang bagong puso. Ito
ay dapat mapasigla sa atin sa bawat
sandali. Subalit malimit ay nawawala
sa ating alaala ang siyang buhay at
lahat natin. Ito ang dahilan kung bakit
ang mga Ama ng buhay spiritual sa
tradisyon ng Deuteronomio at ng mga
propeta ay ipinagdidiinan na ang
pananalangin ay isang pag-aala-ala
sa Diyos na laging pinupukaw ng
alaala ng puso.
PANALANGIN
“Dapat na alalahanin natin
ang Diyos ng kasing limit ng
ating paghinga.
Subalit hindi tayo
makapagdarasal “sa bawat
sandali” kung hindi tayo
nananalangin sa takdang
sandali ng may pagkukusa.
1. Ano ang kaugnayan ng Tradisyon at ang buhay panalangin?
•Para sa Simbahan ang Espiritu Santo ay
nagtuturo sa mga anak ng Diyos na
manalangin sa pamamagitan ng buhay na
Tradisyon. Ang Panalangin ay hindi
lamang pagpapahayag ng damdamin
bagkus ito’y nangangahulugan ng
pagninilay sa harapan ng Diyos, ng pag-
aaral at pagkaunawa sa mga espiritwal na
bagay na nararanasan natin.
2. Saan hinahalaw ang nilalaman ng Panalangin ng
Kristiyano?
a. Mula sa Salita ng Diyos- na nagdudulot sa
atin ng “isang pagkaunawang di
pangkaraniwan” kay Kristo (Fil.3:8).
b. Liturhiya ng Simbahan- na kung saan
ipinahahayag, sinasang-ayonan at ibinabahagi
ang misteryo ng kaligtasan
c. Mula sa kapangyarihan kaloob ng Diyos.
d. Mula sa mga pang- araw-araw na karan ng
buhay dahil ang Diyos ay makikita rinasan dito.
Sabi ni San Juan Maria Vianney
“Minamahal kita O Panginoon, at
ang tanging biyaya na aking
inaasam ay ang mahalin ka ng
walang katapusan… O Diyos ko,
kung magkulang man ang aking
dila sa pagpapahayag sa bawat
sandali na minamahal kita,
hayaan mong ang bawat pintig
ng aking puso ang magpahayag
nito tulad ng bawat paghinga
ko.”
Mga Uri ng Panalangin
1. PANALANGING PABIGKAS (Vocal Prayers)
Ang panalanging pabigkas ay
isang kinakailangang sangkap
ng buhay Kristiyano. Ang
mga alagad, kahit na
nagaganyak sa tahimik na
panalangin ng Guro,
tinuturuan sila ni Jesus ng
isang panalanging pabigkas;
ang AMA NAMIN.
1. PANALANGING PABIGKAS (Vocal Prayer)
> Ang paggamit ng ating
pandamdam sa panloob na
panalangin ay hinihingi ng ating
kalikasan bilang tao. Tayo ay
binubuo ng katawan at espiritu, at
may pangangailangang maipahayag I love you Jesus

ang ating panloob na damdamin.


Ang ating buong katauhan ay dapat
kasangkot kapag tayo ay
nananalangin upang maging mabisa
ang ating dalangin.
1. PANALANGING PABIGKAS (Vocal Prayer)
> Ang hinahanap ng Diyos ay mga taong
sumasamba sa katotohanan at Espiritu at
mga taong nananalangin mula sa
kaibuturan ng kaluluwa. I love you Jesus

> Ang panalangin ay nagiging taos sa loob


kapag ito ay may kalakip na pagkilala sa
kanya na “kinakausap natin”( Sta. Teresa
de Jesus). Kaya’t ang panalanging
pabigkas ay nagiging unang hakbang sa
isang panalanging kontemplatibo.
2. ANG PAGMUMUNI (Meditation)
• Ang pagmumuni ay isang
paghahanap. Ang isip ay
naghahanap ng pagkaunawa sa
mga dahilan at pamamaraan ng
buhay Kristiyano upang
makatugon at maiayon ang
kanyang buhay sa kalooban ng
Dios.
2. ANG PAGMUMUNI
(Meditation)

> Mahirap panatilihin ang


kataimtiman sa pagdarasal.
We are usually helped by
books, Sacred Scriptures
particularly the Gospels etc.
2. ANG PAGMUMUNI (Meditation)
> Sa pagmumuni, ang
bagay na ating binabasa ay
nagiging atin kapag
hinaharap ang ating sarili
sa mga nilalaman nito.
Dito’y isa pang aklat ang
binubuksan; ang aklat ng
buhay. Ang diwa ay
natutungo sa katotohanan.
2. ANG PAGMUMUNI (Meditation)
> Kapag tayo ay mapagkumbaba
at tapat ay matatagpuan sa ating
pagmumuni ang kapangyarihang
napapaloob sa ating puso upang
ang mga ito ay ating maunawaan.
Kailangan lamang na maging
makatotohanan upang humantong
sa kaliwanagan: “Panginoon, ano
ang nais mong gawin ko?”
2. ANG PAGMUMUNI (Meditation)
 Ang panalanging pagninilay ay
pagmumuni-muni na nagsisimula sa
Salita ng Diyos. Ito’y ang pagkilos ng isipan,
imahinasyon, damdamin at ang paghahangad upang
mapalalim ang pananampalataya, tulungan ang puso
sa pagbabagong loob at pagtibayin ang kalooban sa
pagsunod kay Hesus. Ang panalanging pagninilay ay
pagmumuni-muni na nagsisimula sa Salita ng Diyos.
3. PANALANGING KONTEMPLATIBO (Contemplative Prayer)

> Sa panalanging ito, “ang


minamahal ko” ay hinahanap
(Awit 1:7, 3:1-4). Siya ay si Jesus,
at sa pamamagitan niya ang Ama.
Hinahanap natin siya sapagkat ang
naisin siya ay simula ng pag-ibig, at
hinahanap siya sa pamamagitan ng
dalisay na pananampalataya na
sanhi ng bagong kapanganakan
natin sa kanya at mabuhay sa
kanya. In this inner prayer we can
still meditate, but our attention is
fixed on the Lord himself.
3. PANALANGING KONTEMPLATIBO (Contemplative Prayer)
Ang pagpili sa panahon at tagal ng panalangin ay
nagmumula sa isang matatag na hangaring
naghahayag ng lihim ng puso. Dapat paglaanan ng
panahon, at magkaroon ng isang matibay na
hangarin di sumuko maging ano man
ang pagsubok o panlalamig na
dumarating. Ang puso ang lunduyan
ng ganitong paghahanap at
pagkakasumpong, maging sa
karukhaan o sa pananampalataya.
The heart is the place of this quest
and encounter.
> Ang pagsisimula ng panalanging kontemplatibo ay
nahahalintulad sa liturhiyang eukaristiko: inihahain
ang ating puso, iniipon ang ating buong sarili sa
paggabay ng Espiritu Santo, nananahan sa tirahan ng
Panginoon na tayo rin, pinupukaw ang ating
pananampalataya upang pumasok sa harapan
niyang naghihintay sa atin. Iniaalis
natin ang maskarang bumabalot sa ating
mukha at ibinabalik sa Panginoon ang
ating mga puso, upang ipagkaloob ang
ating sarili sa kanya bilang mga alay
na lilinisin at babaguhin.
> Ang panalanging kontemplatibo ay panalangin ng
anak ng Dios, ng makasalanang ginagawaran at
bukas ang loob sa pagtanggap ng pagmamahal na
siyang nagmamahal sa kanya at nais na tumugon sa
pagmamahal na ito upang ibayo
pang makapagdulot ng
pagmamahal. Ito ay isang maralita at
mapagkumbabang pagsuko sa
pagmamahal ng Ama na may
malalim na pagkakaisa sa kanyang
Anak na mahal.
> It is a gift, a grace; it can be accepted only in
humility and poverty. It is a covenant
relationship established by God within our
hearts.
3. PANALANGING KONTEMPLATIBO (Contemplative Prayer)

Ang kontemplasyon ay isang


PAGTITIG ng
pananampalataya (Gaze of
faith) na nakatuon kay Jesus.
“Tumitingin ako sa kanya at
tinitingnan naman niya ako”.
Ang pagpapako ng isip kay
Jesus ay isang pagtalikod sa
sarili.
3. PANALANGING KONTEMPLATIBO (Contemplative Prayer)
Ang pagtitig niya sa atin ay
nakalilinis sa ating puso; ang liwanag
na nagmumula sa mukha ni Jesus ay
nagbibigay linaw sa mata ng ating
puso at tinuturuan tayong makita ang
lahat sa liwanag ng kanyang
katotohanan at ng kanyang
pagkahabag sa lahat ng tao. It learns
the interior knowledge of our Lord,
the more to love him and follow him.
3. PANALANGING KONTEMPLATIBO (Contemplative Prayer)

> Ang panalanging


kontemplatibo ay isang
PAKIKINIG sa Salita ng
Diyos. Isang pakikiisa sa
“Oo” ng Anak na naging
utusan at sa “Fiat” ng
mapagkumbabang
babaeng-lingkod ng Dios.
3. PANALANGING KONTEMPLATIBO (Contemplative Prayer)
• > Ang panalanging
kontemplatibo ay isang
KATAHIMIKAN na
“sumasagisag sa daigdig na
darating” o “silent love”. Ang
mga kataga sa ganitong
panalangin ay hindi talumpati,
kundi ang mistulang
pamparikit na nagpapaningas
sa apoy ng pagmamahal.
Ang panalanging kontemplatibo ay isang
pagkakaisa sa pag-ibig na nagbibigay sa
nakararami habang pumapayag
na manatili sa gabi ng
pananampalataya. Ang gabi
ng paskuwa ng pagkabuhay ay
dumaraan muna sa gabi ng
pagdurusa at ng libingan-
ang tatlong pinakamatinding sandali
sa oras ni Jesus na muling binibigyang-buhay ng
kanyang Espiritu sa panalangin. We must be willing
to keep watch with Him one hour.
Ano-ano ang mga hadlang sa
Panalangin?
• Kulang sa panahon upang
manalangin o kaya naman ang dahilan
na ang panalangin ay walang
kapakinabangan. Madaling napahihina
ang loob ng marami sa di madaling
landas ng panalangin at sa kakulangan
ng dagling bunga ng buhay panalangin.
• Kinakailangan ang kapakumbabaan,
pagtitiwala at matibay na hangaring
magpatuloy upang malampasan ang mga
hadlang na ito.
PANALANGIN

You might also like