You are on page 1of 2

FILIPINO 7

IKAAPAT NA MARKAHAN – MODYUL 1:


Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Shara Jhea B. Maregmen
Proverbs

SAGUTIN (GAWAIN #1)


PAGLALAHAT
Naniniwala ako na ang pagdarasal ay makatutulong sa pang-araw-araw na buhay
sapagkat simple lamang, para sa mga tagasunod ni Hesu Kristo, ang panalangin ang
pinakamainam na pamamaraan upang makipagniig sa Diyos. Ang panalangin ang
ating behikulo para sa araw araw na pagpapaabot ng ating karaingan sa Isa na
lumikha sa atin. Hindi maaaring maliitin ang kahalagahan ng pangaraw araw na
pananalangin sa Diyos. Napakahalaga nito na anupa’t binanggit ito ng mahigit sa
250 beses sa Kasulatan. Kaya nga, bakit mahalaga ang araw araw na pananalangin
sa Diyos?
Una, binibigyan tayo ng panalangin ng oportunidad na ibahagi sa Diyos ang lahat ng
aspeto ng ating buhay. Ikalawa, binibigyan tayo ng pangaraw araw na pananalangin
ng pagkakataon na maipahayag natin sa Diyos ang ating pasasalamat para sa lahat
na mga bagay na Kanyang ipinagkakaloob sa atin. Ikatlo, pinagkakalooban tayo ng
pangaraw araw na pananalangin ng pagkakataon upang maipahayag natin ang ating
mga kasalanan sa Kanya at humingi sa Kanya ng tulong upang mapaglabanan ang
mga kasalanang iyon. Ikaapat, ang araw araw na pananalangin ay isang
kapahayagan ng ating pagsunod at pagsamba sa Kanya. At panghuli, ang araw araw
na pananalangin ay isang pamamaraan upang kilalanin ang Kanyang kapamahalaan
sa ating mga buhay. Tingnan natin ang detalye ang bawat isa sa mga mahahalagang
dahilang ito sa araw araw na pananalangin. Binbigyan tayo ng pangaraw araw na
pananalangin ng pagkakataon na maipahayag natin sa Diyos ang ating pasasalamat
para sa lahat na mga bagay na Kanyang ipinagkakaloob.  Pinagkakalooban tayo ng
pangaraw araw na pananalangin ng pagkakataon upang maipahayag natin ang ating
mga kasalanan sa Kanya at humingi sa Kanya ng tulong upang mapaglabanan ang
mga kasalanang iyon. Ang araw araw na pananalangin ay isang kapahayagan ng
ating pagsunod at pagsamba sa Diyos. Ang araw araw na pananalangin ay isang
pamamaraan upang kilalanin ang Kanyang kapamahalaan sa ating mga buhay.
Sa huli, ang panalangin ay isang bagay na dapat nating gawin sa araw araw. Ngunit
para sa maraming Kristiyano, maaaring maging isang hamon ang pagpapakumbaba
at lumapit sa Diyos sa araw araw na pananalangin. Para sa mga lumalakad na
kasama ang Panginoon sa loob ng maraming taon, maaaring maging madalang na
ang pananalangin at nagkukulang na sa tamang kumbiksyon o pagpipitagan sa
Diyos. Anuman ang kalagayan bilang mananampalataya, isang bago o isang matagal
ng mananampalataya, dapat na laging ituring ang panalangin na pinakamainam na
paraan upang makipagniig sa Diyos.

PAGPAPAHALAGA
Natutunan ko na mahalagang malaman ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
ng ibong adarna sapagkat ito ay nagsisilbing kayamanan ng ating pagka-Pilipino at
malaki ang bahaging ginampanan nito sa buhay ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga kastila.
Ang Ibong Adarna ay isang uri ng akdang pampanitikan na korido. Ito ay naisulat sa
paraang pasalaysay subalit paanyong tula.
Ang akdang ito ay itinampok ang tatlong anak ng hari na kinilala sa mga pangalan
na Don Pedro, Don Diego, at Don Juan na nagpakita ng iba’t ibang katangian sa
pagharap sa hamon ng kalusugan ng ama at pagiging isang tagapagmana.

You might also like