You are on page 1of 4

Ang Kahalagahan ng Pakikipag-ugnayan sa Diyos (Unang Bahagi)

Pananampalataya ito ay ang personal paniniwala at kaugnayan sa Diyos.


Ito rin ang siyang kapanatagan ng mga bagay na inaasam, ito rin ang asiguraduran
sa mga bagay na hindi natin nakikita.(Hebreo 11:1) Ibig sabihin panatag ang tao
dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos. Ngunit ayon kay Apostol Santiago
sa bagong tipan. ”Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay”

Pananampalatayang Kristiyanismo. Itinuturo dito ang buhay na halimbawa


ng pag-asa,pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.
Mahalagang aral ng relihiyong Kristiyanismo:
1. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon n gating buhay.
2. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod
3. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagkumbaba at
ialay ang sarili sa pagtulong sa kapuwa.
Pananampalatayang Islam. Ito ay isang relihiyon monoteista (naniniwala sa
iisang Diyos lamang) Isang Arabo ang nagtatag nito na si Mohammad at ang banal
na aral ng Islam ay matatagpuan sa Koran. Ang kanilang pananampalataya ay
aktibo sa lahat ng araw at panahon ng kaniyang buhay.Ito ay dahil sa Limang Haligi
ng Islam na dapat isakatuparan.
Narito ang limang haligi ng Islam.
1. Ang Shahadah (Testimony of faith) ang mahalaga sa haligi ng Islam na dapat
ipamalas ang pagpapahayag na “Walang ibang dapat na sasambahin maliban kay
Allah at si Mohammad ang alipin at kahulihulihang sugo ni Allah”
2. Ang Salah(Formal prayer) Ang pamumuhay ay isang balansing bagay ang
pangkatawan at pang-espiritwal at ang paraan upang malayo sila sa tukso at
kasalanan (limang takdang pagdarasal araw araw madaling aral,
tanghali,hapon,takip silim at sa gabi)
3. Ang Swam (fasting) Para sa mga muslim ito ay isang paraan ng pagdidisiplina sa
sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaaring dumating sa kanilang buhay.
4. Ang Zakkah (Charity) ito ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga
nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah. Ito ay paglalayon ng
pagtulong sa sa kapuwa kundi paglilinis sa mga kinita o kabuhayan upang ibahagi
sa kanilang kapuwa muslim.(2.5 ng kaniyang kinita sa buong taon ang kaniyang
itutulong sa kaniyang kapuwa)
5. Ang hajj (Pagdalaw sa Meca) Ang bawat Muslim,lalaki at babae,na may sapat na
gulang mabuting kalusugan at may kakayahan(ikalabing dalawang buwan sa islamic
calendar ) Pagbibigay pugay sa ginawang pagsasakrispisyo ni Abraham na pag alay
sa kaniyang panganay na anak.sa Lahat ng may kakayahang maglakbay pisikal
Pananampalatayang Buddismo- ito ay nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama o
ang Budha. Si Gautama ay kinikilala ng mga budhista na isang naliwanagan at
kanilang panginoon.
May apat na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama.
1. Ang buhay ay dukkha (kahirapan, pagdurusa)
2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’)
3. Ang pagnanasa ay malulunasan.
4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 fold path)
1. tamang pananaw 7. tamang kaisipan
2. tamang intensiyon 8. tamang atensiyon
3. tamang pananalita
4. tamang kilos
5. tamang kabuhayan
6. tamang pagsisikap
Nirvana ay tumutukoy sa pagkamit ng pinakamataas na kaligayahan.Ang pagkamit
ng pinakamataas na kaligayahan ang nagbibigay ng kahulugan sa kanilang buhay.
Gintong Aral (Golden Rule) “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila
sa iyo”. Ito ay nangangahulugang anuman ang gawin mo sa iyong
kapuwa,ginagawa mo rin sayong sarili.
Maaring iba’t ibang relihiyon at ang pamamaraan ng pagsasabuhay ng
pananampalataya mag kakaiba man ang turo ng bawat isa ang mahalaga ay
nagkakaisa sa iisang layunin magkakaroon nang malalim na ugnayan ang tao sa
Diyos at kapuwa.

Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan sa
Diyos at sa ating kapuwa
1. Panalangin- Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa
panalangin,ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng
tawad at paghiling sa kaniya.
2. Pagninilay- Ito ay nakatutulong upang ang tao ay mag-isip upang
maunawaan ng tao ang mensahe ng Diyos,sa kaniyang buhay.
3. Pagsisimba/samba –Ito ang nakatutulong sa tao upang mapalawak ang
kaniyang kaalaman sa salita ng Diyos at maibahagi sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng napupulot na kaalaman sa pagsimba o pagsamba.
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos- Upang lubos na makilala ng tao ang
Diyos,nararapat na malaman ang kaniyang mga turo o aral.
5. Pagmamahal sa kapuwa- Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang
mamuhay kasama ang kapuwa.
Ang pagmamahal sa Diyos at kapuwa ang tunay na pananampalataya
Sinasabi sa Juan 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit
napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na
kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na
hindi niya nakikita?’ kaya masasabi lamang na ang tao ay nagmamahal sa Diyos
kung nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa, at ang pagmamahal ay mayroon apat
na uri.
Apat na uri ng pagmamahal ayon kay C.S Lewis
1. Affection- pagmamahal bilang magkakapatid o magkakapamilya.
2. Philia- ito ang pagmamahal ng magkakaibigan
3. Eros- Ito ang pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng tao.
4. Agape- Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal sapagkat hindi ito nag-
aantay ng kapalit. Ganito ang Diyos sa tao, patuloy na nagmamahal sa kabila ng
mga pagkukulang at pagkakasala patuloy niya pa rin itong minamahal dahil ang tao
ay mahalaga sa kaniya.
Angkop na Kilos Upang Mapaunlad ang Pagmamahal sa Diyos
Mga Angkop na Kilos Upang Mapaunlad ang Pagmamahal sa Diyos
Ang pagkakaroon ng matibay na pagmamahal sa Diyos ay nangangahulugan
ng pagkakaroon ng matatag na pananalig sa Kanya. Kaya naman patuloy nating
sinusunod ang Kanyang utos na mahalin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal
sa ating sarili bilang tanda ng ating pagmamahal sa Kanya. Ngunit paano nga ba
natin mapapaunlad ang ating pagmamahal sa Diyos? Narito ang mga kilos na
makatutulong upang mapaunlad mo ang pagmamahal sa Diyos.
1. Magbasa ng:
a. salita ng Diyos – ang mga pangaral o salita ng Diyos ay
mabisang paraan upang tayo ay maliwanagan tungkol sa
kahalagahan ng buhay, kasama na dito ang mga tamang kilos ng
isang mabuting tao na may pagmamahal sa kapwa at sa
Panginoong Diyos.
b. iba pang mga babasahin o quotations na kapupulutan ng
inspirasyon upang maging positibo sa buhay
2. Makinig o manood:
a. ng inspirational songs o palabas – malaki ang magagawa nito upang ikaw ay ma
relax at maging positbo sa buhay lalo na sa mga panahon ng problema.
b. sa mga magagaling na speaker o tagapagsalita - maaari kang maghanap sa
online. Higit na makabubuti na gawin ito upang matuto ng mga makabuluhang
bagay o gawain na maaari mong gamitin upang makapamuhay ng maayos at
marangal.
3. Manalangin/magdasal – ito ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Mahalaga ang komunikasyon tungo sa isang matatag na relasyon kaya
mahalaga na palagi kang makipag-usap sa Kanya sa pamamagitan ng
pagdarasal.
May mga bahagi ng pagdarasal na iminumungkahi…
• P-raise - Pagpupuri o pagbubunyi sa kadakilaan ng Diyos na maylalang
ng lahat ng bagay sa mundo, may buhay man o walang buhay.
• R-epentance – Pagsisisi sa mga kasalanang nagawa at paghingi ng kapatawaran
sa lahat ng pagkukulang o pagkakasala sa isip, sa salita at sa gawa.
• A-sk- Pagsasabi ng mga kahilingan sa Panginoon ng may buong pagtitiwala na
ipagkakaloob Niya ang mga ito sa tamang panahon dahil ikaw ay gumawa ng tama
at mabuting paraan upang makamtan ang iyong mga kahilingan.
• Y-ou must thank God - Pagpapasalamat sa mga biyaya (materyal o hindi materyal)
na ipinagkaloob ng Diyos.
4. Magpasalamat sa:
a. mga biyayang natanggap- sa pamamagitan nito ay lalong uunlad ang iyong
pagmamahal at pananalig sa Diyos dahil ang nakikita mong napakaraming biyaya
na binibigay sa iyo ang Diyos. Sa halip na makita ang problema o kabiguan sa
buhay.
b. mga pagsubok nararasan sa buhay – dahil dito ay lalong tatatag ang iyong
pananampalataya sa Diyos. Isipin mong walang pagsubok sa buhay na hindi mo
kayang lagpasan dahil kasama mo ang Diyos sa lahat ng iyong laban sa buhay.
c. pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan sa abot ng makakaya – ang
pagbabahagi ng mga biyayang natanggap mula sa
Panginoon ay tanda ng appreciation sa mga biyayang
natanggap at pagbibigay pag-asa sa kapwa upang
maramdaman ang pagmamahal ng Diyos. Maging instrument
ng Diyos upang ipadama ang pagmamahal sa tao.
Isang magandang paalala mula sa isang magaling na
tagapagsalita na si Francis Kong: “When we count our blessings, our love for God
grows bigger. When we face our struggles, our faith in God gets stronger. When we
share our blessings, we bring hope to others. Faith, love and hope are so much
needed and we need to share these with others.”
5. Sumunod sa:
a. mga Utos ng Diyos – ipamuhay ang Kanyang mga salita upang
maging isang mabuting huwaran sa pagmamahal at pananalig sa
Diyos.
b. ipinatutupad na batas ng mga nasa katungkulan – tandan na ang
mga nasa pwesto ay itinalaga ng Diyos upang tayo ay gabayan at paglingkuran.
6. Makipag-usap sa isang spiritual leader - maaaring siya ay pari, pastor o isang
mabuting tao na nakakitaan ng matibay na pagmamahal at pananalig sa Diyos na
maaari mong maging ispirituwal na taga-payo.
7. Sumali sa mga grupo o organisasyon ng mga kabataan sa simbahan na
naglalayon upang lalong mapalapit sa Diyos at magkaroon ng makabuluhang
pamumuhay sa lipunan.

You might also like