You are on page 1of 11

Module 1: Pagmamahal

sa Diyos
Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong
naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam?
Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong
mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa
taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang
dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Ito ay nagsisimula sa
simpleng palitan ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang
ugnayan. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may
kasama itong pagmamahal.

• Ang tao ay likas na maka-Diyos. Mula sa kanyang kapanganakan, hinahanap na


niya ang kaniyang pinagmulan. Marahil ay tatanungin mo ang iyong sarili saan
nagmula ang ating buhay.

• Ang Diyos ang pinagmulan ng tao at ang patutunguhan nito. Nilikha tayo ng
Diyos marapat na Siya ay mahalin. Higit pa dito, siya ang pinagmulan ng pag-
ibig kaya sinasabing ang Diyos ay pag-ibig
Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos
sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang
kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
• Mahalaga ang pagmamamahal ng Diyos dahil inililigtas niya
tayo. Makabuluhan na mahalin natin siya dahil sa ibinigay
niyang buhay na walang hanggan. Masasabi natin na dapat pa
din nating tandaan na manalig at sundin ang kanyang mga
kagustuhan dahil kung sinuman ang maniniwala sa kaniya ay
pagkakalooban niya.
Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang
mapangalagaan ang ugnayan at pagmamahal ng tao
sa Diyos:

1. Panalangin - Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan


ng tao sa Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay
nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi
ng tawad, at paghiling sa Kaniya. Kung hindi
natutupad ang hinihiling sa panalangin, huwag agad
panghinaan ng pananampalataya dahil may dahilan
ang Diyos kung bakit hindi. Niya ibinibigay ito sa
tao. Maaaring hindi pa ito dapat mangyari, o di
kaya'y maaaring makasama ito sa taong humihiling
• 2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay- Sa buhay ng
tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay
makatutulong upang ang tao ay makapagisip at
makapagnilay. Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay
na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong
ito upang malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya
sa kaniyang paglalakbay, kung saan siya patutungo.
• 3. Pagsisimba o Pagsamba- Anuman ang
pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba o
pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon. Ito ang
makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang
kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na
napulot sa pagsisimba/pagsamba.
• 4. Pag-aaral ng salita ng Diyos- Upang lubos na
makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang
kaniyang mga turo o aral. Tulad ng isang tao na nais
makilala nang lubos ang taong kaniyang minamahal,
inaalam niya ang lahat ng impormasyon ukol dito. Hindi
lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung hindi siya
mag-aaral o magbabasa ng Banal na Kasulatan.
• 5. Pagmamahal sa Kapuwa- Hindi maaaring ihiwalay sa
tao ang kaniyang ugnayan sa kapwa. Ito ang isang
dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang
kapwa. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng
tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kaniyang kapwa. Mahalagang maipakita ng tao ang
paglilingkod sa kaniyang kapwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin
na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay nakatutulong
sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng
isang tao.
• Mula sa iba't ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang
ugnayan sa Diyos. Kaya't dito ay makikita ng tao na hindi
maaaring ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya. Ang
espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya
at ang pananampalataya naman ang siyang nagpapataas ng
espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon nang malalim na
ugnayan ang Diyos at ang tao.

You might also like