You are on page 1of 15

Diocesan Schools of Urdaneta

ST. PHILOMENA’S ACADEMY


Pozorrubio, Pangasinan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan

Pangalan: _______________________________ Baitang/Pangkat: _________________ Iskor:______

Aralin 1- PAGSASABUHAY NG PAGMAMAHAL SA DIYOS

Layunin:
1. Maipamalas ang pag-unawa sa pagmamahal ng Diyos at mapangatwiranan na ang pagmamahal
sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa;
2. Makagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos;
3. Makapagpaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos; at
4. Matukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongkretong
pangyayari sa buhay.

Panimula:
Isa sa mga nabuod ng kabanalan o core values ay ang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.
Ito ang pinakamahirap na ituro sa mga bata dahil sa katotohanang ang Diyos ay hindi nakikita.
Pananampalataya ang susi upang mabigyang koneksiyon ang pagmamahal sa kapwa at pagmamahal sa
Diyos. Sa araling ito, mapapalalim ang iyong pag-ibig sa Diyos at mabibigyang patunay na ang
pagmamahal sa Diyos ay naipapamalas sa kapwa at sa bayan.

Intindihin Natin!

Suriin ang larawan sa itaas. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito.

1. Sa unang larawan, ano ang nagtulak sa dalaga na maglagay at mag-ayos ng bulaklak sa altar?
____________________________________________________________________________________

2. Sa ikalawang larawan, ano ang nagtulak sa binate at sa mga tao na making sa ipinahahayag ng pastor?
____________________________________________________________________________________

3. Ikaw, paano mo ipinamamalas ang matibay mong pananampalataya?


____________________________________________________________________________________

4. Ano ang susi ng ugnayan mo sa Diyos?


____________________________________________________________________________________

5. Sa mga panahong kumakapit ka sa Diyos, natutugunan ba ang iyong mga panalangin? Ipaliwang ang
iyong sagot.
____________________________________________________________________________________

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Pagtalakay

PAGSASABUHAY NG PAGMAMAHAL SA DIYOS

Hindi ka ba nagtataka kung paano mangyayari ang


lahat sa mundo? Halimbawa na lamang ang pagkalikha ng
sanggol, ang hindi maiplaiwanag na galing ng isang tao, ang
malahimalang pagkaligtas ng isang taong naaksidente at
naipit sa yupi-yuping sasakyan ngunit galos lamang ang
natamo, at marami pang kagilas-gilas na pangyayari. Hindi
kaya’t ang mga ito ay bunga ng ating pananampalataya at
pagmamahal ng Diyos sa atin?
Ano kaya ang katuturan ng buhay para sa tao kung
wala siyang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos?
malinaw ang sinabi ni Hesus na isinasaad ng Bibliya sa Mark
11:22-23 “Manalig kayo sa Diyos at hindi kayo nag-
aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalong ka sa dagat,’ at ito
nga ay mangyayari.” Ang Diyos ay pag-ibig at sa Kaniya matatagpuan ang misteryo ng personal nap ag-
uugnay sa pagmamahal. Nang likhain Niya ang tao ayon sa Kaniyang larawan, itinatak sa katauhan ng
tao ang bokasyon ng pag-ibig at pag-uugnayan. Samakatwid, ang mga ito ay maituturing na kakayahan
at resposibilidad ng tao.

ANG PAG IBIG SA DIYOS AY PAG IBIG SA KAPWA


Ang pag-ibig ng Diyos ang pinakamataas na antas ng pag-ibig. Ito ang pag-ibig na umiibig sa
mahirap ibigin at nakapagmamahal sa mahirap mahalin. Ang totoong sukatan ng pagmamahal ay ang
pagmamahal ng Diyos na hindi kayang sukatin. Sa ganitong uri ng pag-ibig umuusbong ang
kagandahang loob, ang walang kapalit at kapantay na pagmamahal. Nag-uugat ito sa isa pang
katotohanan na ang bawat isa sa atin ay nilikhang kawangis ng Diyos, kahit ang sino man sa atin ay
sumasalamin sa Diyos, kung kaya’t nararapat nating mahalin, igalang at paglingkuran. Kaugnay nito,
nakasaad din sa Bibliya ang sinabi ng Diyos na, “Ano man ang ginawa mo sa iyong kapwa ay ginawa
mo na rin sa Akin.” Ibig sabihin, mapatutunayan natin ang ating pananampalataya at pagmamahal sa
Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap at buong pagmamahal natin sa ating kapwa.

 Gaano Natin Kakilala ang Diyos?


Sa tunay na buhay, mahirap paniwalaan ang taong hindi mo nakikita at hindi mo man
lang nakasasalamuha. Mahirap at malabo mo siyang mahalin. Ganoon din sa ating relasyon sa Siyos.
Kung hindi natin Siya kilala, hindi tayo makikipag-ugnayan at kailanman hindi tayo magtitiwala sa
Kaniya. Kung kaya’t mahalagang patatagin mo muna ang pundasyon ng iyong pananampalataya sa
Diyos upang sa iyong paglalakbay, hindi matitinag ang iyong paniniwala na Siya ang numero unong
kaagapay.
Ayon sa sinabi ni Santo Juan Pablo II, “Hindi nasusulat sa Bibliya kung paao nilikha ng Diyos
ang langit, kung hindi, nasusulat dito kung paano natin mararating ang langit; hindi binigyang-diin ang
paglalang ng mundo, kundi binigyang-diin ang araw mismo ng paglalang.” Dito ipinadadama ng Diyos
na hindi lang Siya makapangyarhin kundi Siya rin ay Diyos ng lahat na punong-puno ng pagmamahal
sapagkat hindi Siya nag atubiling ipagkatiwala sa atin ang lahat ng Kaniyang nilalang.

 Ano ang tungkulin Natin sa Diyos?


Bilang kawan at nilikha ng Diyos, mayroon tayong tungkulin sa Kaniya. Ang mga
tungkuling ito ang magbibigay-daan sa pagpapalalim ng ating ugnayan sa kaniya sa bawat araw.

1. Ang Diyos ay sambahin- Nasasaad sa Mateo 4:10 na, “Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong
sambahin at Siya lamang ang dapat mong paglingkuran.” Sa pamamagitan ng pahayag na ito, inuutos sa
ating ng Diyos ang pagsamba sa Kaniya. Ang paraang ito ang tunay na nagpapahayg ng matibay nating
pananampalataya, pagtanggap at pagkilala sa Diyos bilang ating Panginoon. Nararapat na Siya ay
pasalamatan at papurihan sa lahat ng Kaniyang ginawa para sa kabutihan ng tao.

2. Ang Diyos ay mahalin at paglingkuran- Nasasaad din sa kautusan ng Diyos ang pahayag na,
“Ibigin mo ang Diyos nang buong puso at kaluluwa at buong lakas,” (Det. 6:4-5). Pinapaalala nito sa
atin na bilang sukli sa pagmamahal ng Diyos sa atin, kinakailangan din natin siyang mahalin nang
Property of Diocesan Schools of Urdaneta
walang pag aalinlangan. Gayunpaman, magampanan man natin ang ating tungkulin na mahalin at
paglingkuran ang Diyos, hindi pa rin ito magkakaroon ng ganap na katuturan kung hindi natin
isinasabuhay ang mga sumusunod:

a. Mahalin ang ating kapwa – ito ang kabilin-bilinan ng Diyos sa atin, “Mahalin mo ang iyong kapwa
gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,” (Lucas 10:27b). Narito ang mga paraan ng pagmamahal sa
kapwa bilang tanda ng pagmamahal at paglilingkod sa Diyos:
 Igalang ang karapatan ng kapwa tao.
 Patawarin ang mga taong nakasakit at Nakagawa ng masama s aiyo.
 Pagtupad sa 7 Corporal Works of Mercy at 7 Spiritual Works of Mercy.
 Unawain ang kakulangan ng kapwa.
 Magpakita ng pagmamalasakit sa kabutihan ng nakararami.
 Ibahagi sa mga taong may kakulangan ang ano mang grasyang natatanggap.
 Gamitin ang mga angking talent at kakayahan sa paglilingkod sa kapwa.
 Makiramay sa mga taong namatayan at mga biktima ng kalamidad o pang-aabuso.
 Maglaan ng oras sa pamilya at paglingkuran at igalang ang mga magulang.
 Maglaan ng oras sa mga taong nangangailangan ng karamay o nangangailangan ng taong
mahihingahan nila ng problema.
b. Mahalin ang ating bayan – maliban sa pagmamahal sa ating kapwa, maisasabuhay din natin ang ating
pagmamahal at paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating bayan. Tungkulin natin
ito bilang tao sapagkat parte at kabahagi tayo ng bayang ating kinabibilangan kung kaya’t kinakailangan
tayong makilahok sa ano mang proyekto at programa sa ating bayan.

 Relihiyon at Moral na Buhay


Malaki ang gampanin ng relihiyon upang mas lalong mapaigting ang ating ugnayan sa Poong
Maykapal. Dahil sa ating relihiyon, napalalawak ang ating kaalaman tungkol sa papel ng Diyos sa ating
buhay. Sa pamamagitan naman ng katesismo, mababaybay natin ang walang sawang pakikilakbay ng
mapagmahal na Diyos sa atin sa kabila ng ating mga kahinaan at pagkakasala. Mula sa mga kuwento sa
Bibliya, ipinadadama sa atin na hindi nagmamaliw ang pagmamahal ng Diyos sa atin at kailanman hindi
Siya magbabago, bagkus mananatili Siyang tapat sa Kaniyang pangako. Pinatunayan Niya na sa
Kaniyang presensiya, hinding-hindi magwawagi ang kasamaan. Mangingibabaw ang kabutihan at hindi
mawawalan ng kabuluhan ang ating pakikipaglaban sa kasamaan.

Gawain 1:
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek ang patlang sa tapat ng mga
pangungusap na nagsasaad ng pagibig sa Diyos.

______1. Binalingan ni Rodel ng suntok si Rowald sapagkat nakita niya itong kwinelyohan ang
kaniyang kapatid.
______2. Pinagsabihan nang malumanay ni Bernadette ang mga kabataang naghahagikgikan sa likod
niya habang nagbibigay ng sermon ang pari sa misa.
______3. Pinakikisamahan pa rin ni Lordan ang kaniyang stepmother kahit pinagmamalupitan siya nito.
______4. Pinagsasamantalahan si Jamila ng kaniyang tiyo ngunit nagawa niyang patawarin ito at
bisitahin sa kulungan.
______5. Alam ni Mang Sergio na labis ang pagtitiwala sa kaniya ng kaniyang boss kung kaya’t
nagpapapirma siya rito ng tseke na naglalaman ng halagang mas higit pa sa kaniyang
maaaring gastusin at inililipat ito sa kaniyang sariling bank account.
______6. Mabagal ang pagpapalaganap ng desisyon sa kanilang kompanya kaya kinokopya na lang ni
Crispina ang pirma ng kaniyang boss sa tuwing kinakailangan niya ang approval nito.
______7. Naglalaan si Monica ng oras araw-araw upang kwentuhan ang kaniyang kapatid ng mga
istoryang hango sa Bibliya.
______8. Alam ni Rose na umaalis ang kaniyang tita araw-araw, kung kaya’t lihim niyang ibinibenta
ang mga mamahaling kagamitan nito.
______9. Nakita ni Sharry kung paano pinagmamalupitan ang matanda ng sarili niton pamilaya sa tapat
ng bahay nila kada araw, kung kaya’t sa tuwing aalis ang pamilya ng matanda,
tinatawag niya ito at pinakakain.

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


______10. Nilikom ni Robert ang mga librong hindi na niya ginagamit at sabay-sabay na ibinenta ang
mga ito. Ang perang napagbentahan ng kaniyang mga libro ay ibinigay niya sa
kanilang kaptbahay na halos minsan lang kumain sa isang araw.

Gawain 2:
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat at ipaliwanag kung paano mo maipararamdam
sa mga tauhan sa bawat sitwasyon ang wagas na pag-ibig ng Diyos at paano mo mapalalakas ang
kanilang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos.

1. Kabuwanan na ng iyong ina kaya’t kailangan ninyo ng perang pampadoktor. Subalit hanggang
ngayon ay wala pa ring nahahanap na trabaho ang iyong ama.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Binawian ng buhay ang ama ng iyong matalik na kaibigan. Alam mo kung gaano kalaki ang magiging
epekto nito sa kaniya.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. Pumasok na parang binagsakan ng mundo ang isang kaklase mo. Nang tinanong mo siya kung bakit
ganito na lamang ang kaniyang hitsura, nalaman mong sinabihan siya ng kaniyang mga magulang na
humito na lamang sap ag-aaral sapagkat wala na silang perang pantustos sa kaniyang mga
pangangailangan sa paaralan.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4. Ulila na sa magulang si Bambi at tanging kasintahan na lamang niya ang kaniyang kasa-kasama sa
buhay. Ngunit isang araw, iniwan na lamang siya nito nang walang paalam. Dahil dito, halos mabaliw
na si Bambi. Labis ang hinanakit niya sa Diyos dahil hindi niya maunawaan kung bakit kailangan
niyang magdusa nang ganito.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5. Laking tuwa ng mag-asawang sina G. at Gng. Reyes nang sa wakas ay dininig na rin ng Diyos ang
kanilang natatanging panalangin na magkaanak. Kung kaya’t binusog nila ito sa pagmamahal at pag-
aaruga habang ito ay lumalaki. Ngunit pagtuntong nito ng ikatlong taon, binawian ito ng buhay nang ito
ay masagasaan ng humaharurot na truck sa kalsada.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Gawain 3
Gumawa ng isang magasin na naglalaman ng iba’t ibang pamamaraan ng pagsasabuhay ng tunay
na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Sundan ang pormat sa ibaba. Pagkatapos ay ipresenta ang
iyong ginawang magasin at ipaliwanag ang nilalaman nito.
Pormat:
 Magandang pabalat
 Malikhaing pamagat
 Mga artikulo o tulang nagpapahayag ng pamamaraan ng pagmamahal sa Diyos. Gumamit
ng mga larawan kung kinakailangan
 Mga testimony ana nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa Diyos.

Gawain 4
Ngayon at nagging mas malawak pa ang pagkilala mo sa Diyos, kumpletuhin ang mga
sumusunod na pangungusap sa ibaba at gumawa ng taimtim na repleksyon na nagpapaliwanag kung
paano mo maipamamalas ang iyong pananampalataya sa Diyos at magtala ng iba pang mga pamamaraan
upang mapatatag mo pa ang pananampalataya mong ito.

1. Para sa akin, ang Diyos ay


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Ang Diyos ang aking


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. Batid kong mahal ako ng Diyos sapagkat


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4. Buhay ang aking pananampalataya sa Diyos dahil


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5. Naranasan ko ang paggabay ng Diyos sa aking buhay noong


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

6. Nararamdam ko ang tunay nap ag-ibig ng Diyos sa mga


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

7. Naipahahayag ko ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

8. tungkulin kong mahalin ang aking kapwa sapagkat


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

9. Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa sapagkat


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

10. Hindi magmamaliw ang pagmamahal ko sa Diyos dahil


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Property of Diocesan Schools of Urdaneta
Mga Saggunian:
Aggabao, Eustaquio Jaime. et. al., 2018 “Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao 10”. The Inteligente
Publishing, Inc. Quezon City, 116-127

Prepared by:

ANGELICA B. NACIS
ESP-Subject Teacher

Checked by:

RICA JANE C. MONTEFALCO


JHS Academic Coordinator

Counterchecked by:

ARMANDO C. ESPIRITU
Asst. Principal

Certified Correct/Approved by:

MAYFLOR O. CAYETANO, EdD


Principal

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan, Ikatlo at ikaapat na linggo

Pangalan: _______________________________ Baitang/Pangkat: _________________ Iskor:______

Aralin 2- PAGSASABUHAY NG PAGGALANG SA BUHAY

Panimula:
Sa araling ito, inaanyayahan tayong balikan ang ating pinagmulan upang mas lalo nating
kaluguran ang ating buhay bilang regaling handog ng Diytos sa atin at upang mas pahalagahan din natin
ang buhay ng ating kapwa.

Layunin:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng paggalang sa buhay;
2. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay;
3. Nangangatwiran na: Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang
mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay; at
4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang paggalang sa buhay.

Pagtalakay

Kahalagahan ng Paggalang sa Buhay


Ang buhay ng tao ay marapatna igalang ng bawat isa ayon sa mga sumusunod na batayan.
1. Ang buhay ng tao ay sagrado- Ang buhay natin, bilang sagradong biyaya ng Diyos, ang siyang nagpapatibay ng
pundasyon ng dignidad natin bilang tao. Ano man ang ating gulang, kasarian, at kulay, mahina man tayo o may
kapansanan, at maging ano man ang ating estado sa lipunan, mangingibabaw pa rin ang ating dignidad sapagkat
nilikha tayo ng Diyos nang pantay pantay.
2. Ang buhay ng tao ay mahalaga- Nilkha tayo ng Diyos na kawangis niya kung kayat ang ating buhay
ay mahalagang regalo at kaloob ng Diyos at nararapat lamang na maiuwi at maibalik sa Kaniya ito
sapagkat siya ang may-akda at maylikha nito. Kung kayat walang sino man ang may karapatang tapusin
o ipagkait ang buhay ng isang tao sa kanyang sarili.
3. Ang buhay ng tao ay may katuturan- Nilikha at binigyang- buhay ng Diyos ang tao nang hindi
nagiisa.Nilikta tayong may likas at banal higit sa ano mang nilikha sapagkat may isip at kilos-loob tayo
na ating magagamit upang tayo ay maging mapanagutang tagapangasiwa at upang makamtam din natin
ang tunay na kaganapan ng ating pagkatao.

Mahalagang maunawaan ang halaga ng buhay at ang paggalang sa iba pang buha. Upang ito ay
maisagawa, umiwas sa paggawa ng masama, sa tukso at luho sa buhay. Mahalagang maisabuhay ang
p[agiging matimpiin.
1. Abstinence- ito ay birtud na umiiwas sa pagkalulong sa mga gawaing masama gaya ng sobrang pag-
inom ng alak, pagsusugal, pagnanasa sa mga bagay na makasasama sa katawan. Maaari itong pagmulan
ng karamdaman na mauwi sa pagkawala o pagkasira ng buhay.
Property of Diocesan Schools of Urdaneta
2. Chastity- ang birtud na ito ay pumipigil sa pakikipag-ugnayang sekswal sa mga hindi kasal.
Magagawa ito sa tulong ng panalangin at pagpipigil sa sarili.

3. Modesty- ang kakayahan na kontrolin ang emosyon o masidhing damdamin na maaaring makasakit
sa iba. Kalakip nito ang malawak na pagunawa na nagiging batayan sa matalinong paghuhusga bago
magpasya.

4. Ang buhay ng tao ay may likas na karapatantg manatiling buhay- Ang magkaron ng buhay at
mabuhay nang mapayapa at matiwasay ay ang pinakauna at pangunahing prinsipiyo ng karapatang
pantao. Ito ang nagsisilbing batayn ng pagkakaroon ng pinakamataas na antas ng paggalang sa buhay ng
bawat isa.
Gawain 1:
A. Punan ng sagot ang tsart na inihanda. Ibahagi ang iyong damdamin at gagawin. Itala ang mabuti o
masamang epekto na idudulot sayo.

Sitwasyon Damdami/Gagawin Masamang Ibubunga Mabuting Epekto sa


sa Iyo Iyo
Hal. Natapunan ng tinta Maiinis, subalit Maiiwasan ang
ang puti mong kasuotan aalamin ang tunay na pakikipag-away sa
ng iyong kamag-aral. dahilan kung bakit kamag-aral.
natapunan ang
kasuotan.
1. Hiniya ka ng iyong
ina sa harap ng iyong
crush.
2. Pinagbintangan kang
kumuha ng Ipod ng
iyong kakklase.
3. Ginaya ng kamag-
aral mo ang ginawa
mong proyekto at
sinabi sa iyong guro na
siya ang may orihinal
na gawa.
4. Natuklasan mong
may malubha kang
karamdaman.
5. Narinig mong
magkakaroon kayo ng
“Physical fitness
program”

Sagutin:
1. Pagkatapos mong sagutan ang mga sitwasyon, ano ang nalaman mo sa iyong sarili?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Kaya mo bang pigilan ang iyong sarili upang hindi makagawa ng masama?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gawain 2: Sagutan anng Gawain A at B sa pahina 139-141 sa iyong aklat Edukasyon sa


Pagpapakatao.

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Mga Saggunian:
Aggaba, Eustaquio Jaime. et. al., 2018 “Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao 10”. The Inteligente
Publishing, Inc. Quezon City, 130-141

De Guzman, Carmelita E. 2018 “ Edukasyon Sa Pagpapakatao 10” Vicarish Publication and Trading,
Inc. Sta. Ana, Manila, 140-146

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan, Ikalima at Ikaanim na linggo

Pangalan: _______________________________ Baitang/Pangkat: _________________ Iskor:______

Aralin 3- PAGSASABUHAY NG PAGMAMAHAL SA BAYAN

Panimula:
Sa araling ito, higit na mapapalalim ang iyong kamalayan sa iyong mga tungkulin at
pananagutan bilang isang Pilipino at mas mapalawak ang iyong pag-unawa sa kahalagahan ng
pagmamahal at paggalang sa sariling bayan.

Layunin:
1. Nakapagpapaliwanang ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan. (Patriyotismo);
2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa lipunan;
3. Nangangatwiran na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan; at
4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)

Pagtalakay
Pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
Tunay nga ang pagsasaulo at pagbibigkas ng Panatang Makabayan ay isang magandang
kasanayan sa bawat paaralan na isinasagawa ng mga estudyante. Ito ang naglalayong mapaigting ang
kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng pagiging Makabayan at pagsasabuhay ng mga nasasaad na
panata hindi lamang para sa bayan kundi para na rin sa kapwa.

Pagiging Makabayan- Sa simpleng pamamaraan, mapatutunayan mo na ikaw ay Makabayan kung


tinaggap mon ang buong puso ang iyong papel na dapat mong gampanan sa pagmamalasakit sa bayan.

Nasyonalismo at Patriyotismo- Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiya at damdaming


nagsusulong ng pagmamahal sa bayan at humihikayat sa mga taong mayroong iisang wika, kultura, at
tradisyon upang kumilos tungo sa ikakaunlad ng kanilang bayan. Samantalang ang patriyotismo naman
ay tumutukoy sa likas na damdamin at pagmamahal sa bayan at humihikayat sa mga taong may
magkakaibang wika, kultura, at relihiyon na gumawa ng sakripisiyo hindi lamang para sa ikakaunlad ng
kanilang bayan kundi para rin sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

Ang Pagmamahal sa Bayan- Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.Isa sa mga ito
ay ang paggawa nang mahusay. Ang nasyonalismo at patriyotismo ay bahagi ng pagkatao na
naisasabuhay sa paggawa. Nagsisilbing daan din ang mga ito tungo sa ugnayan mo sa iyong kapwa na
katuwang mo sa pagpapaunlad ng bayan.

 Upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan, balikan natin ang mga pagpapahalagang
nakapaloob sa Pnimula o Preamble ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.
1. Pagpapahalaga sa buhay 9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
2. Katotohanan 10. Kasipagan
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa 11. Pangangalaga sa Kalikasan at kapaligiran
4. Pananampalataya 12. Pagkakaisa
5. Paggalang 13. Kabayanihan
6. Katarungan 14. Kalayaan
7. Kapayapaan 15. Pagsunod sa batas
8. Kaayusan 16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


 Mga paglabag sa Pagmamahal sa bayan
1. Kaisipang kolonyal- Ito ang patuloy na paniniwala na kapag ang mga produkto at bagay ay
nagbuhat sa ibang bansa, ito ay masarap, maganda ang kalidad at maaaring ipagmalaki kahit
saan.
2. Maling paggamit ng Filipino Time- Ang pag aabuso sa paggamit ng mga Pilipino ng oras na
paurong sa halip na pasulong na nakakapekto sap ag unlad ng ekonomiya ng ating bayan.
3. Kumpadre System- Ang pagpasok ng mga tao sa ibat ibang gawain dahil sa napangakuan ang
kakilala, kaibigan, at kamag anak na hindi na pinagbabatayan ang kakayahan at kasanayan. Ito
ang isa sa dahilan ng pagbaba ng ekonomiya.
4. Graft and Corruption- Ang patuloy na katiwalian sa pamahalaan at lipunan. Ang
pangungupit sa kaban ng bayan na nagreresulta sa pagbagsak ng ekonomiya at kaguluhan.
5. Kawalan ng Katarungan- Ang umiiral na di patas o pantay na pagtingin sa tao sa lipunan.
6. Paglabag sa Btas at Patakaran- Ang patuloy na kawalan ng disiplina ng mga mamamayan
na nakahihila sa pagunlad ng bansa.

Gawain 1: Paglinang!
A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sabihin ang iyong reaksiyon.
1. Sa tuwing pupunta sa mall si Hershey hindi niya nakalilimutang ibili ng pasalubong ang bunsong
anak. Bumili siya ng damit, inabot sa anak sabay sabing “imported” yan.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Kasambahay si Hazel sa isang kilalang pamilya sa Dubai. Maimpluwensiya ang mga ito, pangatlo na
siya sa p[umasok sa bahay nito ang dalwa ay umalis ng walang paalam dahil malupit ang mga ito.
Buong maghapon siya nagtatrabaho ngunit isang beses lang pinapakain. Kapag nagkamali pa,gulpi ang
inaabot niya. Naisipan niyang tumakas at umuwi sa Pilipinas.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

B. Sagutin.
Sa papaanong paraan mo maisasabuhay ang tunay na pagmamahal sa bayan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gawain 2: Sagutan anng Gawain A at B sa pahina 153-154 sa iyong aklat Edukasyon sa


Pagpapakatao.

Mga Saggunian:
Aggaba, Eustaquio Jaime. et. al., 2018 “Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao 10”. The Inteligente
Publishing, Inc. Quezon City, 143-154

De Guzman, Carmelita E. 2018 “ Edukasyon Sa Pagpapakatao 10” Vicarish Publication and Trading,
Inc. Sta. Ana, Manila, 150-156

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Roman Catholic Diocese of Urdaneta
Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan, Ikapito at Ikawalong Linggo

Pangalan: _______________________________ Baitang/Pangkat: _________________ Iskor:______

Aralin 4- PAGSASABUHAY NG PANGANGALAGA SA KALIKASAN

Panimula:
Sa pamamagitan ng araling ito, mabibigyang diin ang kahalagahan ng kalikasan sa ating buhay
bilang mga nilalang na tagapangalaga ng kalikasan.

Layunin:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan;
2. Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan;
3. Napangangatwiran na:
a. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan.
b. Inutusan tayo ng Diyos na pangalagaan ang kalikasan at hindi tagapagdomina para sa susunod na
henerasyon.
c. Binubuhay tayo ng kalikasan.
4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasn.

Pagtalakay

Pangangalaga sa Kalikasan, Ating Pananagutan


Ang sabi ng Diyos “lalangin natin ang tao na kawangis natin upang may mamahala sa lahat ng
may buhay. Mula sa mga isda sa dagat, mga ibon sa himpapawid at lahat ng mga hayop na gumagapang.
Malaki ang inaasahan sa atin ng Diyos. Pinagkatiwalaan niya tayong mamahala sa daigdig na ito.
Ang mundo ay buo nang ibigay ng Diyos sa atin. Lahat ng kailangan natin upang mabuhay ay
ibinigay niya. Ang kailangan lang natin ay pangalagaan ito upang may magamit sa ksalukuyan at sa
hinaharap upang may matira pa sa susunod na henerasyon.

May mga paglabag at pag-abuso ang tao sa kalikasan. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Deforestation- Ang walang habas na pagputol ng puno sa mga kagubatan.
2. Destructive methods of catching fish- Maling paraan ng paghuhuli ng isda gamit ang dinamita.
3. Kaingin system- Patuloy na pagsusunog sa kagubatan na nagiging sanhi ng global warming.
4. Paggamit ng mga sustansyang kemikal na nakakasira sa kapaligiran gaya ng chlorofluorocarbon.
5. Ang kawalan ng disiplina at pagtatapon ng basura kung saan saan na nagreresulta sa pagbabara ng
estero, kanal na nagiging sanhi ng pagbaha.
6. Mga pabrikang nagbubuga ng usok at kemikal.
7. Katamaran, kawalan ng disiplina at pagmamalasakit sa tao.

Pagiging Tagapangalaga ng Kalikasan


Upang magampanan nating mga tao ang ating pananagutan sa kalikasan, magsisilbing gabay sa
atin ang mga turo ng simbahan ukol sa pangangalaga rito na binuod sa sampu ng kalihim ng Pontifican
Council for Justice and Peace mula 2001 hanggang 2009 na si Obispo Giampaolo Crepaldi. Kabilang sa
sampung utos na ito para sa kapaligiran ang mga sumusunod:
1. Ang tao na nilikha ng Diyos na Kaniyang kawangis ang nasa itaas ng lahat ng Kaniyang mga nilikha
ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na
gawain ng pagliligtas.
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring manipulahin at
ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.
3. Bilang paggalang sa kalikasan, ang responsabilidad na pang-e4kolohikal ay gawain para sa lahat
kabilang na ang mga taong mula sa kasalukuyang henerasyon at sa mga sumunod pang henerasyon.

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang alang muna ang etika at dignidad
ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na realidad na taliwas sa paggamit ng tao. Ang paggamit dito ng
tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung ginagamit ito nang taliwas sa lugar o layunin nito
sa kapaligiran.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang halaga at tunguhin
ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-pansin at timbangin nang maayos.
7. Ang pagtatapos o pagwawakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnay sa pangkalikasang
katotohanan na dapat nating tandan, na ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa
bawat tao na may pagkakapantay-pantay.
8. Ang Karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kinakailangang protektahan sa
pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay o lifestyle
na nagpapakita ng moderasyon sa mga bagay-bagay at pagkontrol sa sarili at ng iba.
10.Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng ispiritwal na pagtugon bunga ng paniniwala
na mayroon tayong responsibilidad sa lahat ng Diyos na kaniyang kaloob.

Gawain 1: Pagtuklas!
A. Mag-isip ka ng mga salita sa Filipino ma tumutugon sa bawat titik ng salitang KALIKASAN.
Sikaping unawain ang kahulugan ng kalikasan.
K-
A-
L-
I-
K-
A-
S-
A-
N-

Sagutin.
Naunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng kalikasan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

B. Alalahanin ang mga sitwasyon sa iyong buhat at isulat ang mga hakbang na gagawin upang
mapangalagaan ang kalikasan. Isulat din ang kalalabasan nito.
Mga Sitwasyon o Suliranin Paraang Gagawin Kalalabasan
Halimbawa Pagtulong sa paglilinis ng Nasiyahan ang mga tao dahil
Pagbaha baradong kanal. maaaring mabilis na humupa
ang pagbaha.
1. Pagkasira ng mga halaman
dahil sa insekto.

2. Masansang na amoy na buhat


sa mga basura.

3. Pagkakaroon ng deforestation

4. Pagdating ng bagyo.

5. Maling paraan ng paghuli ng


isda.

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Sagutin ayon sa ginawa:
1. Bilang isang Pilipino, ano-ano ang mga hakbang na ginagawa mo upang makatulong sa mga suliranin
ng bansa?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. May sagutin ba tayo sa pagkasira ng kalikasan? Ipaliwanag.


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gawain 2: Sagutan anng Gawain A at B sa pahina 167-168 sa iyong aklat Edukasyon sa


Pagpapakatao.

Mga Saggunian:
Aggaba, Eustaquio Jaime. et. al., 2018 “Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao 10”. The Inteligente
Publishing, Inc. Quezon City, 156-168

De Guzman, Carmelita E. 2018 “ Edukasyon Sa Pagpapakatao 10” Vicarish Publication and Trading,
Inc. Sta. Ana, Manila, 160-166

Property of Diocesan Schools of Urdaneta


Property of Diocesan Schools of Urdaneta

You might also like