You are on page 1of 18

“I love you, O LORD, my strength.

Psalm 18: 1

Basic Education Department

Junior High School
S.Y. 2020 – 2021

Ikatlong Markahang Modyul ng Pampagkatuto

sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Minamahal naming mga Mag-aaral, Magulang / Tagapag-alaga,

Kayo’y aming binabati at aming pinapahalagahan ang mga pagsisikap, sakripisyo at dedikasyon na
inyong inilalaan sa hamon ng pandemyang ito.

Kasalukuyan tayong humaharap sa pagsubok na dulot ng pandemyang may malaking lahid sa

mundo, nagdulot ito ng pagkabahala at balisa sa bawat tao. Isa ito sa malaking dagok na ating
kinakaharap. Gayunpaman, dahil sa pandemyang ito ay natuto tayong pahalagahan ang ating mga
prayoridad at tanawin ang mga munting biyaya sa ating buhay. Nakikita rin natin ang patuloy na
pagsisikap ng bawat isa upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito.

Bukod rito, hindi ito naging hadlang upang mas paunlarin pa namin ang aming mga
kakayahan. Bilang isang institusyon na nagtataguyod ng isang Maka-Diyos na bansa, ang King’s
College of the Philippines – Basic Education , sa pamamagitan ng Continuity Learning Operation Plan
nito ngayong panuruang taon 2020-2021 ay tinitiyak na ang mga mag-aaral ay patuloy na
magkakaroon ng oportunidad na umunlad at linangin ang kanilang mga kaalaman, kasanayan, kilos at
pagpapahalaga na dadalhin nila sa pagtahak nila sa kanilang layunin bilang isang aktibong
mamamayan sa komunidad sa sariling bayan o sa ibang bansa. Tayo’y patuloy na magtulongan para
sa ika-uunlad ng kinabukasan ng ating bansa.

Upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng inyong mga anak, nais ng aming paaralan na kayo’y
tulongan sa pamamagitan ng modyul ng pampagkatuto na ito. Ang nilalaman ng modyul ay aming
pinasimple ngunit tiniyak na makabuluhan upang matugunan ang mga kasanayang dapat linangin,
bagay na kailangan ng K-12 curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon. Hinihiling namin na patuloy
ninyo silang gabayan upang maabot nila ang kanilang mga potensyal sa gitna ng pandemyang ito.

Ang modyul ng pampagkatuto na ito ay eksklusibong para sa mga mag-aaral ng KCP- Basic
Education. Ang pagkopya o pagkalat sa anumang anyo o paraan , electronic o mechanical, kabilang
ang photocopying, at pagrekord nang walang pahintulot ay mahigpit na ipinagbabawal.

Hinihikayat namin ang bawat isa na manatiling ligtas at sumunod sa mga pangkalusugang
protokol. To God be the Glory!

MODYUL NG PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

1 sa Pagpapakatao Pahina
Mahal Kong Mag-aaral,
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Kung
kinakailangan.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

3. Mga maging tapat sa paggawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

4. Tapusin muna ang mga nakatakdang gawain na nauna bago tumuloy sa susunod na gawain

5. Pakibalik ang mga nasagutang gawain

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

LINGGO ARALIN PAMAMAHAGI

NG ORAS
LINGGO 1-2 Aralin 1: PAGMAMAHAL SA DIYOS 2 oras
LINGGO 3-4 Aralin 2: PAGGALANG SA BUHAY 2 oras
LINGGO 5-6 Aralin 3: PAGGALANG SA BAYAN 2 oras
LINGGO 7-8 Aralin 4: PANGANGALAGA SA KALIKASAN 2 oras
LINGGO 9 IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT 2 oras

KUNG SAKALING KAILANGAN NG TULONG: Kung nahihirapan ka sa pagsagot sa iyong modyul, mangyaring huwag
mag-atubiling makipag-ugnay sa akin mula sa mga sumusunod:
CONTACT NUMBER 09677655541
EMAIL ACCOUNT a. rosario@kcp.edu.ph
MESSENGER Alvin Kimo Rosario

Ang Iyong Guro,

Alvin Kimo P. Rosario

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa pagmamahal ng Diyos.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon
2 sa Pagpapakatao Pahina
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakagagawa ang magaaral ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
PAGGANAP pagmamahal sa Diyos.
a. nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos;
PINAKAMAHALAGANG b. natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos
KASANAYANG sa kongkretong pangyayari sa buhay; at
PAMPAGTURO c. napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa
kapwa.
PAMAMAHAGI NG ORAS LINGGO 1: January 4-8, 2020 - LINGGO 2: JANUARY 11-15, 2020

ARALIN 1: PAGMAMAHAL SA DIYOS

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

a. nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos;
b. natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal
sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay; at
c. napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa.

B. MGA SUSING KONSEPTO

Ang paglinang ng pag- ibig sa Diyos ay hindi lamang

basta pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kanya.
Gaya ng mapatutunayan ng mga lingkod ng Diyos sa
buong daigdig, lumalago ang tunay na pagmamahal sa
Diyos habang nakikilala ng tao ang kanyang persona, at
lalo pa itong lumalalim habang nagiging pamilyar ang
isang tao sa kung ano ang kinalulugaran ng Diyos, kung
ano ang kinapopootan niya, at kung ano ang kanyang mga
kahilingan.

Buong pagmamahal na ibinigay sa atin ng Diyos ang

kanyang salita sa pamamagitan ng Bibliya, kung
saan niya isinisiwalat ang kanyang sarili. Ganoon pa
man, may mga pagkakataong ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos ay hindi laging
umaakay sa tao tungo sa landasin na naus ng Diyos. Ayon sa Bibliya, “Sinasaliksik ninyo ang kasulatan,
sapagkat iniisip ninyo na sa pamamagitan ng mga iyon ay magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan.
Ngunit alam na alam ko na hindi ninyo taglay sa inyo ang pag-ibig sa Diyos.”

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

3 sa Pagpapakatao Pahina
Ang ilan ay gumugol ng mga taon sa pag-aaral tungkol sa Diyos subalit maliit lamang ang pag-ibig sa
kanya sapagkat hindi nila pinag-isipan ang mga implikasyon ng kanilang mga natutuhan.

Sinasabing ang puso ng tao ang

siyang kanyang panloob na pagkatao.
Nasa puso niya ang kanyang personal na
naisin, saloobin, at damdamin. Kaya ang
pagmamahal sa Diyos nang buong
puso ay nangangahulugan na
higit sa anumang bagay. Ito ang
pinakamataas na pagpupuri at
pagpapasalamat sa kanya. Sa pagsisikap
ng tao na gawing kalugod-lugod ang
kanyang sarili sa mata ng Diyos, sa
kanyang pagsisikap na tularan ang Diyos
at pagwawaksi sa anumang kasamaan,
lahat ng ito ay pagpapakita ng
pagmamahal at pagiging karapat-
dapat sa pag-ibig ng Diyos.

Ang Diyos ay isang mapagmahal na

Diyos. Hindi siya nagpapahirap. Hindi
niya hinahanap ang ating mga
kakulangan. Gaya nang nabanggit na sa
taas, sinugo niya ang kanyang anak na si Hesus upang turuan tayo ng mga paraan ng pagmamahal. Ibinigay
sa atin ni Hesus ang banal na Espiritu Santo. Ang Espiritu ay isang mapagmahal na Espiritu. Tinutulungan niya
tayong makita ang kabutihan ng Diyos Ama. Itinatanim niya sa ating puso ang pagmamahal. Kung kaya
naman minamahal natin ang Ama, Anak, at Espiritu mula sa kaibuturan ng ating puso.

Tinuruan din tayo ni Hesus na mahalin ang bawat kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang
pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa ay nagmumula sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Ang ugat at
pinagmumulan ng lahat ng pagmamahal ay ang pagmamahal sa Diyos at naipapakita ito sa pamamagitan ng
paghahandog ng sarili. Ihandog ang sarili para sa kapwa.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

4 sa Pagpapakatao Pahina
Pangalan: _________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: ___________________ Puntos: __________
Markahan: 3 Linggo: 1-2

C. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 1
A. Paano mo ipinakikita sa iyong pamilya ang iyong pagmamahal sa kanila? (15 Puntos)

Sa iyong ama?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Sa iyong ina?

_____________________________________________________________________________________

Sa iyong mga kapatid?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon
5 sa Pagpapakatao Pahina
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
GAWAIN 2
B. Magbigay ng limang (5) dahilan kung bakit naliligaw ng landas ang tao at nalilimutan ang pagmamahal sa
Diyos. (10 Puntos)

1.________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3.________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4.________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5.________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

6 sa Pagpapakatao Pahina
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa paggalang sa buhay
PANGNILALAMAN
Nakagagawa ang magaaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
PAMANTAYAN SA
paggalang sa buhay (i.e., maituwid ang “culture of death” na umiiral sa
PAGGANAP
lipunan)
a. natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay;
PINAKAMAHALAGANG b. nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay; at
KASANAYANG c. nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag
PAMPAGTURO
sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
PAMAMAHAGI NG ORAS LINGGO 3: JANUARY 18-22, 2020 - LINGGO 4: JANUARY 25-29, 2020

ARALIN 2: PAGGALANG SA BUHAY

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;

a. natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay;
b. nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay; at
c. nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa
buhay ayon sa moral na batayan.

B. MGA SUSING KONSEPTO

Ang buhay ng tao ang pinakadakilang handog ng Diyos sa atin. Nilikha niya tayong buhay sa kanyang
larawan at wangis. Sumakatuwid, ang buhay ng tao ay kahanga-hanga sa lahat ng mga nilikha ng Diyos,
kundi higit pang pinararangalan ang buhay ng tao sa pagsusugo ng kanyang banal na anak upang maging tao
at mamuhay na katulad ng isa sa atin.
Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon
7 sa Pagpapakatao Pahina
Ang paggalang sa buhay ng tao ay isang saligang asal na makatao at maka-Diyos. Natutuklasan natin ang
tunay na dangal ngunit may karupukan ang ating buhay bilang tao sa pagkakatutong gumalang sa buhay ng
lahat at sa tunay na pagmamalasakitan ng bawat isa.

Ang paunlarin at pangalagaan ang ating sariling buhay at ang buhay ng iba ay pagpapatibay ng
karupukang ito. Ito ay isang moral na pananagutan na ipinagkatiwala sa tao ng Diyos upang ibahagi sa
kapwa.

Ang ating buhay ay pahiram lamang ng Diyos at walang karapatan ang sino mang tao na kunin ito,
maging ang kanyang sariling buhay ay hindi niya maaaring kitlin.

Tanging ang Diyos lamang ang nag-iisang Panginoon at Hari ng Buhay. Sa Diyos nanggagaling ang buhay
at itinataguyod niya ito. Tayo ang tagapangalaga ng buhay kaya dapat nating pahalagahan ang sa atin at
igalang ang sa iba. Hindi ito isang kaisipan na nagtatakda na “huwag papatay” sa halip, isa itong pag-iingat,
pagtataguyod at pagpapaliwanag ng mainam na uri ng buhay.

Pagpapahalaga ng Islam sa Buhay

Facts about Islam:

 mahalaga ang buhay ng tao

 Qisaas (kamatan) – pinapataw para sa

nagplano nang pagpatay at sadyang pagpatay
sa inosenteng kaluluwa.

 Diyyah (salaping bayad sa dugo ) – Ito ay

kabayaran sa hindi inaasahang pangyayari at
di-sinasadyang pagpatay, nangangahulugang may itinalagang kabuuang salapi na ibibigay sa
tagapagmana ng pinatay bilang kabayaran. Ito ay bilang kabayaran sa pinsala at sakit na kanilang
dinanas bunga ng pagkawala ng isang minamahal.

 Kaffarah (pagbabayad puri o pagsisisi) – Ito ay tutuparin ng pumatay sa pamamagitan ng

pagpapalaya ng alipin o laya sa pag-aayuno ng dalawang buwang sunod-sunod upang pagbayaran ang
kanyang kasalanan.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

8 sa Pagpapakatao Pahina
 Hudood (masakit na kaparusahan) – Ito ay katulad din sa pagpapatupad ng kaparusahang
kamatayan at sa mga parusang may pananakit.

Paglabag sa Buhay

Alak, Ipinagbabawal na Gamot, at sigarilyo

Pinatunayan ng pag-aaral sa medisina ang masamang bunga

ng bisyo, sa pisikal na pangangatawan ng mga nagugumon at sa
sikolohikal at sosyal na aspeto ng mga naghihirap at nagiging
alipin nito.
Hindi lamang ang mismong buhay ng “gumagamit” ang
naapektuhan ng bisyo, nadadamay din ang buhay ng pamilya at
mga kaibigan.

Aborsyon

m a h i g p i t n a i p
pagpatay sa walang kamuwang-muwang na nilalang. Buhay na ang isang
sanggol kapag ang puso nito ay pumuntig sa sinapupunan ng ina. Walang
sinumang ina ang may karapatang sirain ang buhay ng isang sanggol o
ang sarili nilang buhay. Umiiyak ang langit para sa mga nilalang na ito na
hindi man lamang nailuwal.

Euthanasia o Mercy Killing

Ito ay ang sadyang pagpatay sa mga may kapansanan at sa
mga naghihingalong tao na malapit nang malagutan ng hininga.
Walang sinuman ang may kapangyarihan sa buhay at
kamatayan ng sino man, tanging ang Diyos lamang.

Pagkitil sa buhay o Pagpapakamatay

Ang nakakalunos na Gawain ay nangangahulugan ng tuluyang
pagkawala ng ganang mabuhay bunga ng lubos na kalungkutan
at kabiguan. Kapag nagpakamatay ang isang tao,
nangangahulugan ito na naisantabi na rin niya ang
pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Sa ganitong sitwasyon,
bigo ang tao at tanggap na niya ang pagkatalo.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

9 sa Pagpapakatao Pahina
Pangalan: _________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: ___________________ Puntos: __________
Markahan: 3 Linggo: 3-4

D. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 3
Ano ang iyong masasabi sa bisyo ng buhay, aborsyon, euthanasia, at sa pagkitil ng sariling buhay?
(20 Puntos)

_________________________________________________________________________________________

__________

__________________________

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

10 sa Pagpapakatao Pahina
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
____

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa pagmamahal sa bayan

PANGNILALAMAN (Patriyotismo).
PAMANTAYAN SA Nakagagawa ang magaaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
PAGGANAP pagmamahal sa bayan (Patriyotismo).
a. nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan;
PINAKAMAHALAGANG b. nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
KASANAYANG (Patriyotismo); at
PAMPAGTURO
c. natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na
umiiral sa lipunan.
PAMAMAHAGI NG ORAS LINGGO 5: FEBRUARY 1-5, 2020 - LINNGO 6: FEBRUARY 8-12, 2020

ARALIN 3: PAGGALANG SA BAYAN

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;

a. nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyo tungkol sa paglabag sa
paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan;
b. nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo); at
c. natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa
lipunan.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

11 sa Pagpapakatao Pahina
B. MGA SUSING KONSEPTO

Paano ba maipapakita ang pagmamahal sa sariling bansa? Bilang mga mamamayan ng isang bansa,
mahalaga na alam ng bawat isa kung paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan. Hindi lamang dahil dito
sila nainirahan kung hindi sa sariling bansa ang lumilinang at nagbibigay ng pagkakakilanlan sa lahat ng
nainirahan dito. Ang karangalan ng bansa ay karangalan din ng mga mamamayan nito. Ang bawat tagumpay
at kasawian nito ay siya ring kapalaran ng bawat isa dito.

Mga Paraan Upang Maipakita ang Pagmamahal sa Bayan:

1. Alamin ang kasaysayan ng sariling bansa.

2. Magkaroon ng kamalayan sa mga isyu na nangyayari sa bansa
sa kasalukuyan.
3. Ipagmalaki ang pambansang watawat bilang simbolo
ng kasarinlan ng bansa at kalayaan ng lahat ng mamamayan.
4. Makilahok sa mga pambansang pagdiriwang gaya ng Araw
ng kalayaan.
5. Pumili ng isa sa mga pambansang bayani at gawin siyang
huwaran lalo na kung gaano niya minahal at ipinaglaban
ang bayan.
6. Ikwento sa mga susunod na henerasyon ang mga kadakilaang
ginawa ng mga bayani ng bansa.
7. Maging aktibo sa mga programa ng inyong pamahalaan.
8. Mahalin, pahalagahan, at gamitin ang sariling wika.
9. Alagaan at huwag abusuhin ang mga likas na yaman ng bansa.
10. Ipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga dayuhan at kapwa
mamamayan na umaabuso rito.
11. Tangkilikin ang sariling produkto. Ipagmalaki ito sa mga dayuhan
sa pamamagitan ng paggamit sa mga ito.
12. Magkaroon ng disiplina at paggalang at kaayusan sa bansa.
13. Maging tapat sa tungkulin at paglingkuran ang kababayan
ng may integridad.
14. Panatilihing malinis ang kapaligiran at lansangan sa lahat oras.

15. Abutin ang tagumpay na makapagbibigay karangalan sa

sariling bayan.
16. Ialay ang sarili para sa bayan kung kailangan.
17. Maging magandang halimbawa para sa mga kababayan.

Pangalan: _________________________ Petsa: ___________

Baitang/Seksyon: ___________________ Puntos: __________
Markahan: 3 Linggo: 5-6

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

12 sa Pagpapakatao Pahina
C. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 4 (PERFORMANCE TASK) (50 Puntos)

Sumulat ng isang Reaction Paper tungkol sa kabayanihan ng ating mga magigiting na frontliners sa naganap
na pandemia sa ating bansa.

Bilang pagkilala sa kanilang pagsasakripisyo, ilgay ito sa malinis na short bond paper. Ang iyong Reaction
Paper ay hindi dapat bababa ng apat na talata. Isulat ito sa long bond paper.

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa pangangalaga sa kalikasan.

PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakagagawa ang magaaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
PAGGANAP pangangalaga sa kalikasan.
a. natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan;
b. nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG pangangalaga sa kalikasan; at
PAMPAGTURO c. nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa
moral na batayan.
PAMAMAHAGI NG ORAS LINGGO 7: FEBRUARY 15-19, 2020 - LINNGO 8: FEBRUARY 22-26, 2020

ARALIN 4: PANGANGALAGA SA KALIKASAN

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;

a. natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan;
b. nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan; at
c. nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan.
Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon
13 sa Pagpapakatao Pahina
B. MGA SUSING KONSEPTO

Isang napakainit na usapin sa kasalukuyan ng pangangalaga sa kalikasan, usaping hindi maitatangging

malaki ang kaugnayan sa ating buhay at kabuhayan. Sa larangan ng akademya, iba’t ibang subject ang
tumatalakay rito, gaya ng Ecology, Environmental Science, Environmental Communication, Environmental
Sociology, at kung anu-ano pa.

Lubhang napakarami nan g maaaring sabihing kasalanan ng tao sa kalikasan gaya ng mga sumusunod:

1. Ang simpleng pagtatapon ng iba’t-ibang uri ng basura kung saan-saan

ay maaaring magdulot ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig.

2. Ang walang habas na pagputol ng mga puno sa kabundukan ay

nagdudulot ng malawakang pagbaha sa kapatagan.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

14 sa Pagpapakatao Pahina
3. Ang malawakang pagmimina ng mga likas na yaman ng bansa ay
nagdudulot ng pagpatag o pagbutas sa mga kabundukan na maaari ring
nagdudulot ng pagbaha at pagkalason mula sa mga kemikal na
ginagamit dito.

4. Ang kalawan ng plano ng pamahalaan hinggil sa pagpapatayo ng

pabahay kung saan-saan ay nagdudulot ng hindi mabilang na kalamidad.

5. Ang patuloy na paggamit ng mga bagay na may masamang epekto sa

kalikasan tulad ng mga usok at kemikal ay nakasasama hindi lamang sa
kalikasan kundi pati sa kalusugan ng tao.

Hindi lamang tayo ang nakararanas nito. Suliranin din ito maging ng mga malalaki at mayayamang bansa.
Isang pagpapatunay na lahat ng naririto sa daigdig ay dapat gumawa ng hakbang upang muling ibalik ang
dating ningning ng kalikasan o kung hindi man, ay magawa nating pantay ang lahat.

Mga Batas Ukol sa Pangangalaga sa Kalikasan

PD 1219 at PD 1698 o ang “Coral Resources Development and Conservation Decree”

Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang

koral sa katubigan ng Pilipinas. Ang mga koral na siyang tahanan ng
mga isda ay mahalagang salik na nagdedetermina ng dami at ng
kalusugan ng mga isda at iba pang yamang dagat.
Ang siyang naatasan bilang pangunahing tagapangasiwa ng mga
koral sa katubigan ng Pilipinas ay ang Bureau of Fisheries and

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

15 sa Pagpapakatao Pahina
Aquatic Resources. Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang pangongolekta, pagbebenta, at
pagluluwas mg mga koral mula sa mga katubigan sa Pilipinas.

RA 8749 o “Philippine Clean Air Act”

Ang Philippine Clean Air Act ay naglalayong panatilihing malinis at

ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan. Layon din nito na
ipagbawal ang mga gawaing nagpapadungis sa hangin. Ayon sa batas
na ito, mas kailangang bigyang pansin ang paghihinto ng mga gawain
na nagpapadumi ng hangin kaysa sa paglilinis ng madumi na hangin.
Ang batas na ito ay nagsasaad din na hindi lamang ang
pamahalaan ang may katungkulan na panatilihin amg linis ng hangin,
subalit pati ang mga pribadong mamamayan at mga pang-komersyal
na industriya ng bansa.

RA 9275 o “Philippine Clean Water Act”

Ang batas na ito ay bilang pagkilala sa kahalagahan sa proteksyon

ng mga yamang-tubig at ng mga katubigan sa Pilipinas. Bilang tugon
dito, isinasaad ng Philippine Clean Water Act na kailangang magbuo ng
mga plano tungo sa pangmatagalan at pangmalawakang paghadlang
sa pagdumi ng mga katubigan sa Pilipinas at pagtukoy at paglinang ng
mga magandang alternatibo sa mga gawaing kilala bilang sanhi ng
polusyon sa katubigan.

PD 705 o “Revised Forestry Code”

Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at

kakahuyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong
pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang
dito ang pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang
malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapat ilaan para
dito.
Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas au ang
pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin,
pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga
kompanyang puputol ng puno.
Bureau of Forest Development - ang tinutukoy na
tagapamahala at inaprubahan noong Mayo 1975.

Batas Ukol sa Selective Logging

Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa

selective logging, o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang
maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan. Ayon sa batas na
ito, ang mga punong maaaring putulin ay yaong mga punong
mayroong dyametrong 60 cm (sa bahagi ng puno na kasingtaas ng
dibdib ng tao)

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

16 sa Pagpapakatao Pahina
Pangalan: _________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: ___________________ Puntos: __________
Markahan: 3 Linggo: 7-8

C. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 5 (Performance Task) (50 Puntos)

Lumikha ng isang tula na may apat na saknong tungkol sa kalikasan. Pairalin ang pagkakaroonn ng orihinal na
ideya. Isulat ito gamit ang mga natutunan sa sining sa isang long bond paper.

Halimbawa:

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon

17 sa Pagpapakatao Pahina
Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon
18 sa Pagpapakatao Pahina

You might also like