You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
PALANAS NATIONAL AGRICULTURE HIGH SCHOOL (PNAHS)

Name: ______________________________ Date: ______________________


Section: _______________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa
iyong papel.
1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao,
mahirap magpakatao?”
a. May isip at kilos-loob ang tao. b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang
kaganapan. c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon. d. May konsensiya ang tao.
2. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa ng
espasyong hiwalay sa ibang sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at pagpapahalaga
ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya ang lumilikha ng kaniyang pagka-sino.
3. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga
upang bigyan ito ng kahulugan?
a. mag-isip b. makaunawa c. maghusga d. mangatwiran
4. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. pagmamahal b. paglilingkod c. hustisya d. respeto
5. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Ito ay sukatan ng kilos b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
6. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at Mabuti
7. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. kilos-loob b. konsensiya c. pagmamahal d. responsibilidad

8. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
c. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
d. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
8. Ano ang tinutukoy na mabuti?
a. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
c. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti.
d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.
Para sa bilang 10 at 11: Suriin ang sitwasyon.
May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay,
ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at
may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din
niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng
konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya?
10. Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang
magsinungaling. Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
a. Unang yugto b. Ikalawang yugto c. Ikatlong yugto d. Ikaapat na yugto
11. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?
a. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
b. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
c. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
d. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.
12. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon b. kamalayan sa sarili c. pagmamalasakit d. pagmamahal
13. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa
kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
a. Walang kusang-loob b. Kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob
14. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at
nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa
mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
a. Isip b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad
15. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang
kanilang guro.
b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang
guro.
d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
16. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. pasiya b. kilos c. kakayahan d. damdamin
18. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de
Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
19. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya
ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang
itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling
tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
20. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-
loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
c. Tumulong sa kilos ng isang tao.
d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
21. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni
Immanuel Kant?
a. ang mabuting bunga ng kilos
b. ang layunin ng isang mabuting tao
c. ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
d. ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos
22. Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakakikita sa pagpapahalaga natin sa mga
bagay, gawi, at kilos?
a. Isip b. Kilos-loob c. Damdamin d. Saloobin

23. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
b. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit.
c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan.
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
24. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas
de Aquino?
a. Isip at Kilos-loob b. Intensiyon at Layunin c. Paghuhusga at Pagpili d. Sanhi at Bunga
25. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong
magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng
pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose?
a. Intensiyon ng layunin
b. Nais ng layunin
c. Pagkaunawa sa lay
d. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
26. Gamit ang halimbawa sa Bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili
niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera
upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose?
a. Intensiyon ng layunin
b. Pagkaunawa sa layunin
c. Paghuhusga sa nais makamtan
d. Masusing pagsusuri ng paraan
27. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
28. Alin sa sumusunod ang tinaguriang “ina” ng mga birtud?
a. Prudentia b. Katarungan c. Kahinahunan d. Katapangan
29. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?
a. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis
b. Si Abby na ayaw maglakad sa madidilim na kalye
c. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
d. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase

30. Sino sa kanila ang hindi nagpapakita ng katarungan bilang birtud?


a. Isang guro na pumapasok nang maaga at nagtuturo nang buong husay sa klase.
b. Isang mag-aaral na itinuturing ang pag-aaral na huli sa kaniyang mga prayoridad sa buhay.
c. Isang ama na ibinibigay ang kaniyang buong lakas at oras upang mabigyan ng magandang buhay
ang pamilya.
d. Isang empleyado na hindi lumiliban sa trabaho at tinitiyak na tapos ang gawain bago umuwi ng
bahay.
31. Kung ang maingat na paghuhusga ay pagiging rasyonal ng isang tao, ano ang kaniyang
pamantayan sa kaniyang mga kilos?
a. Kumikilos nang malaya upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
b. Ginagamit ang talino at tamang katuwiran sa pagtugon sa mga sitwasyon.
c. Mahinahon sa pagpapahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin.
d. Nagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng kaniyang kapuwa.
32. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. Katatagan at kasipagan
b. Kabayanihan at katapangan c. Pinagkopyahan o pinagbasehan d.Pinagmulan o pinanggalingan
33. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?
a. Pagmamahal sa laro
b. Pagmamahal sa koponan
c. Pagmamahal sa bayan
d. Pagmamahal sa kapuwa
34. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?
a. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na
isakatuparan ang mithiing manalo.
b. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang tunggalian
at sakitan.
c. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay mahalaga para
makamit ang tagumpay.
d. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na
pangangatawan at isipan.
35. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
a. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.
b. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.
c. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang kapalit,
kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.
d. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.

36. Ano ang maaaring epekto ng global warming?


a. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
b. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha.
c. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay
at ari-arian.
d. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.
37. Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
a. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag.
b. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing makakalikasan.
c. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan.
d. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng
isang gawaing pangkalikasan.
38. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at
tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Pananampalataya c. Panalangin d. Pag-ibig
39. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam.
Ang sumusunod ay sakop nito maliban sa:
a. Pagdarasal b. Pag-aayuno c. Pagninilay d. Pagsamba
39. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na
inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama
ukol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
40. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o
sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng
ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal
42. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pagaaral upang malutas.
a. Balita b. Isyu c. Kontrobersiya d. Opinyon
43. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may
malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia d. Lethal injection
44. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa
a. Pang-aabusong seksuwal b. Pre-marital sex c. Pornograpiya d. Prostitusyon

45. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning
a. Magkaroon ng anak at magkaisa.
b. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
c. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
d. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.
46. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Itinuturing ding isang
lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito’y natural na
masama?
a. Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari.
b. Sapagkat inililihis ang katotohanan.
c. Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya.
d. Sapagkat sinasang-ayunan ang mali.
47. Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa mga ito ay
ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng
bagong likha, maliban sa isa:
a. Intellectual piracy b. Copyright infringement c. Theft d. Whistleblowing
48. Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain, at
siya lamang ang binigyan ng natatanging talino.
a. Hayop b. Halaman c. Kalikasan d. Tao
49. Ayon sa Panlipunang turo ng simbahan, Rerum Novarum ni Blessed Paul II, “Work bears a
particular mark of man and of humanity, the mark of a person operating within a community of
persons.” Paano naipakikita dito kung ano ang paggawa?
a. Ang paggawa ay pagmamahal sa isang gawain na nagiging katulong ang Diyos sa pagbubunsod ng
paggawa.
b. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at
obligasyong pagkamalikhain.
c. Ang paggawa ay nagbibigay sa atin ng kahulugan, at tinuturuan tayong makilahok sa ating mundong
ginagalawan upang ipagpatuloy ang paglikha ng Panginoon.
d. Ang paggawa ay anumang gawaing pangkaisipan man ito o manwal, anuman ang kaniyang
kalikasan o kalagayan na makatao, nararapat para sa tao ang gumawa bilang anak ng Diyos.
50. Ang sumusunod ay nagpapakita ng ilang halimbawa kung paano ginagamit ng kabataan ang
kanilang mga oras. Sa anong sitwasyon sa ibaba hindi naipakikita ang paggamit ng wastong oras?
a. Si Sassy Nichole ay laging maagap sa pagpasok sa kaniyang trabaho.
b. Si Catherine Kate ay may listahan ng mga gawain na kaniyang gagawin sa bawat araw.
c. Si Genrich ay laging pinapaalalahanan ng kaniyang mga guro para magpasa ng kaniyang mga
proyekto.
d. Si Cristina Karylle ay naglalaba at naglilinis ng kanilang bahay tuwing sabado at linggo.

You might also like