You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL

Edukasyon sa Pagpapakatao 10- Quarter 2


2nd Periodic Test

Name: __________________________________ Date: ________________


Grade & Section: __________________________ Score: ________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kilos ng kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin
nito?
a. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan.
b. Nakaguhit sa ating buhay ang ginawang mabuti.
c. Nakaguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa
d. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapuwa.

2. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa.
Kailangan ay:
a. Makiramay ka sa kanyang gutom na nadarama.
b. May gagawin ka upang maibsan ang kanyang gutom
c. Manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom
d. Tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.

3. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa


kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-kainan. Ano ang iyong gagawin?
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko ng video ang pangyayari at ia-upload sa YouTube.
c. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.
d. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.

4. Ano ang tawag sa mga kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa?
a. Malayang Kilos c. Makabayang Kilos
b. Makataong Kilos d. Mapanagutang Kilos

5. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad sa mga kilos na nagaganap sa tao, likas sa tao o ayon
sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob?
a. Kilos ng tao c. Makataong Kilos
b. Kusang Kilos d. Kahihinatnang Kilos

6. Anu-ano ang dapat taglayin ng piniling kilos upang masabing ito ay pagkukusang kilos?
a. Kaalaman at Kalayaan c. Kaalaman at Kasarinlan
b. Kaalaman at Katangian d. Kaalaman at Kapayapaan

7. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay halaga sa isang kapuwa?


a. Dapat magsalita rin kung may nagsalita.
b. Dapat makinig habang may nagsasalita.
c. Dapat sabayan ng pagtulog ang pakikinig sa nagsasalita.
d. Dapat umalis kaagad kung nag-uumpisa nang magsalita ang isang tao.
8. Nangopya si Cely sa katabi niya. Nahuli siya ng guro at nagalit sa kanya. Ano ang kanyang
dapat gawin?
a. Tawanan lang ang guro.
b. Iiyak at magsumbong sa magulang.
c. Humingi ng paumanhin at mangakong hindi na ito uulitin.
d. Magsumbong sa punong-guro ng paaralan na pinagalitan siya.

9. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at
nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang ____ niya ay nakatuon at
kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
a. Isip c. Kalayaan
b. Dignidad d. Kilos-loob

10. Ano ang tawag sa uri ng kilos ayon sa kapanagutan kung saan ang kilos ay may kaalaman
ngunit kulang ang pagsang-ayon?
a. Kusang-loob c. Walang Kusang-loob
b. Di Kusang-loob d. Malayang Kusang-loob

11. Kung ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng
kilos, anong uri ng kilos ang ipinapakita nito?
a. Kusang-loob c. Walang Kusang-loob
b. Di Kusang-loob d. Malayang Kusang-loob

12. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa
kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
a. Kusang-loob c. Walang Kusang-loob
b. Di Kusang-loob d. Malayang Kusang-loob

13. Nais ni Maria na makatapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa isang bahay aliwan. Kaya
nagtatrabaho siya sa gabi at nag-aaral sa araw. Mula sa ginawa ni Maria, masasabing:
a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos.
b. Tama ang kanyang intensyon subalit mali ang kanyang pasya.
c. Mali ang kanyang kilos at tama ang kanyang intensyon.
d. Mali ang kanyang intensyon subalit tama ang kanyang pasya.

14. Sa isang sulok ng paaralan,nakita ni Rita na nag-uusap ang kaibigang si Gloria at ang kaaway
na si Lucita. Naisip ni Rita, na maaaring sinasabi ni Gloria ang kanilang sekreto kay Lucita
upang lalo itong magalit sa kanya. Ano ang maaaring gawin ni Rita?
a. Abangan si Gloria at itanong ang kanilang pinag-usapan
b. Abangan si Lucita at itanong kung ano ang sinabi ni Gloria.
c. Lapitan ang dalawa at itanong kung ano ang kanilang pinag-uusapan.
d. Hayaang mag-usap ang dalawa dahil may tiwala si Rita sa kaibigang si Gloria.

15. Anong salik ang tinutukoy na kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao?
a. Takot c. Kamangmangan
b. Karahasan d. Masidhing damdamin

16. Alin sa mga salik na ito ang nagdidikta ng pagkiling sa isang bagay o kilos o damdamin gaya
ng pagkasindak, katuwaan, pag-ibig at iba pa?
a. Gawi c. Kamangmangan
b. Karahasan d. Masidhing Damdamin
17. Alin sa mga ito ang kilos na bawas ang pananagutan dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse
b. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit
c. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
d. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera

18. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush.
b. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
c. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.

19. Alin sa mga ito ang maituturing na karahasan?


a. Pagbabanta ng pananakit sa kapwa
b. Pagyakap sa katabi dahil sa kagalakan
c. Pagmumura nang hindi maganda sa kapwa
d. Pagkagulat at pagkataranta sa pagkahulog ng bata

20. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?


a. Hindi pagpasok ni Mabel sa paaralan dahil hindi suot ang kaniyang ID
b. Pagliban ng isang estudyante dahil walang maibigay na takdang-aralin sa kaniyang guro
c. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro sa araw na
iyon
d. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit palaging huli sa pagpasok
ang kanilang guro

21. Malaki ang pananagutan ng taong nasasangkot sa isang gawain, kung may katatagang moral.
Sino sa sumusunod ang may malaking pananagutan kung gumawa ng di-mabuting kilos?
a. tatay, nanay, kuya, ate c. inhinyero, arkitekto, estenograpo, pintor
b. pari, madre, imam, pastor d. tindera, kargador, magsasaka, mangingisda

22. Ano ang nararapat na tugon sa kawalang-katarungan?


a. Tumutol c. Tumakas
b. Gumanti d. Manahimik

23. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
Ang pagtulong sa kapuwa ay ____________________.
a. bunsod ng pakikisama. c. pagtugon sa tawag na maglingkod
b. daan upang tulungan ka rin nila d. nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.

24. Ang paggawa ng tama o mali ay nangangailangan ng mapanuring pag-iisip. Ano ang maselan
na tagapagturo ng tama at mabuti?
a. Kaibigan c. Kayamanan
b. Karanasan d..Katanyagan

25. Anong elemento ng Proseso gn Pagkilos ang ginagamitan ng tamang kaisipan at katuwiran?
a. Paglalayon c. Pagpili ng pinakamalapit na paraan
b. Pagsasakilos ng paraan d. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin

26. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng taong may mapanuring pag- iisip kapag
magpapasya o namimili ng tamang gawain maliban sa:
a. Ang pagpipilian o alternatibo
b. Ang hindi pagpapasya nang agad-agad
c. Ang bukas na pag-iisip sa mga pagbabago
d. Ang pagbalewala sa kultura at istruktura ng lipunan
27. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong
gagawin?
a. Tingnan ang kalooban. c. Umasa at magtiwala sa Diyos
b. Isaisip ang mga posibilidad. d. Maghanap ng ibang kaalaman

28. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


a. Pagpalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Paggamit nang tama sa kalayaan at kilos-loob
c. Pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.

29. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.
Tomas de Aquino?
a. Sanhi at Bunga c. Intensiyon at Layunin
b. Isip at Kilos-loob d. Paghuhusga at Pagpili

30. Nasa anong yugto ng makataong kilos isinasaad na ang gawain ay nagpapatuloy at may
pagsang-ayon sa mga nasabing pagpipilian?
a. Bunga c. Paghuhusga sa paraan
b. Pagpili d. Masusing pagsusuri ng paraan
c

31. Mahalaga na malaman ang bawat yugto ng makataong kilos upang maging gabay sa ating
bawat kilos sa araw-araw na buhay. Nasa anong yugto ng makataong kilos nagtatapos ang
moral na kilos?
a. Utos c. Pagpili
b. Bunga d. Paggamit

32. Niyaya ng kaibigan na mag-cutting classes si Albert. Hindi siya sumama at pinili na pumasok
sa klase. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Albert?
a. Nais ng layunin c. Pagkaunawa sa layunin
b. Intensiyon ng layunin d. Masusing pagsusuri ng paraan

33. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang
gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan
siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose?
a. Nais ng layunin c. Pagkaunawa sa layunin
b. Intensiyon ng layunin d. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

34. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang posibilidad d. Maghanap ng ibang kaalaman

35. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik sa pagpapasya?
a. Payo c. Damdamin
b. Sitwasyon d. Impormasyon

36. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung
ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa
Moral na Pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay c. Umasa at magtiwala sa Diyos
b. Tingnan ang kalooban d. Maghanap ng ibang kaalaman
37. Niyaya si Rommel ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa
isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Rommel bagkus ito ay kaniyang pinag
isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung
sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Rommel?
a. Magkalap ng patunay c. Isaisip ang mga posibilidad
b. Tingnan ang kalooban d. Maghanap ng ibang kaalaman

38. Malapit na ang iyong kaarawan. Pinaghandaan mo ang araw na iyon na bibilhin mo ang
cellphone na gustong-gusto mo bilang regalo sa iyong sarili. Subalit nalaman mo na kulang
ang perang pambayad sa kuryente ng iyong ina. Anong bahagi ng Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya ang paiiralin sa sitwasyong ito?
a. Magkalap ng patunay c. Isaisip ang mga posibilidad
b. Tingnan ang kalooban d. Maghanap ng ibang kaalaman

39. Ano ang tawag sa bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian?
a. Kilos c. Kakayahan
b. Pasiya d. Damdamin

40. Ano ang tawag sa panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin?
a. Paraan c. Kahihinatnan
b. Layunin d. Sirkumstansya

41. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?


a. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
c. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
d. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

42. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng
kilos-loob?
a. Tumulong sa kilos ng isang tao.
b. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
c..Umunawa at magsuri ng impormasyon.
d. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.

43. Ang kilos, anuman ang intensiyon ay kinakailangang maging tama. Gusto mo man na pakainin
ang nagugutom kung ang pinagkunan mo ng laang salapi ay masama, wala rin itong silbi. Ano
ang ipinahiwatig nito?
a. Ang kilos ay repleksyon ng ating intensiyon.
b. Ang mangupit para ibili ng pagkain ay mas mabuti kaysa magutom.
c. Ang tamang intensiyon ay dapat tumbasan ng kahit anong kilos.
d. Ang kilos ay mas mahalagang pamantayang moral kaysa intensiyon.

44. Tumunog nang malakas ang cellphone ni Lorna habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon
ang pari. Nagtinginan ang mga tao at napahiya si Lorna. Anong bahagi ng kilos ang hindi
tama.
a. Ang pagpili ng alternatibo
b. Ang sitwasyon o kondisyon
c. Ang partikular na kilos o gawain
d. Ang layunin o intensyon ng kilos
45. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa
pananaw ni Immanuel Kant?
a. Ang mabuting bunga ng kilos.
b. Ang layunin ng isang mabuting tao.
c. Ang makita ang kilos bilang isang tungkulin.
d. Ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos.

46. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?
Ang pag-aaral ay ____________________.
a. sagot sa kahirapan
b. para sa mga nagnanais yumaman.
c. nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
d. para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan.

47. Inabot ni Michael ang isang libong piso matapos kwentahan ni Aling Rosie ang halaga ng binili
niya sa tindahan. Umabot ng halagang Php 879.50 ang kabayaran nito. Nang bilangin niya
ang sukli, nalaman niyang sobra ito ng Php 150.00. Kung ikaw si Michael , paano mo
magagamit dito ang mga natutunan mo sa pagpapahalaga na gawin ang tamang kilos?
a. Manahimik lang, itago sa bulsa ang sukli at uuwi kaagad.
b. Sasabihin kaagad sa tindera na tama lang ang kanyang sukli.
c. Hindi na iimik, itago sa bulsa ang sukli at magmamadali sa pag-uwi.
d. Ipaalam mo kaagad sa tindera ang katotohanan na sobra ang kanyang sukli.

48. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang
pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa:
A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti.
B. Hindi ito katanggap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin.
C. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay.
D. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas na
marka.
ANSWER KEY:

1. d b
2. b a
3. d a
4. b
5. a
6. a
7. b
8. c
9. c
10. b
11. a
12. d
13. b
14. d
15. c
16. d
17. d
18. c
19. a
20. d
21. a
22. a
23. c
24. b
25. d
26. d
27. c
28. b
29. b
30. d
31. c
32. d
33. a
34. a
35. c
36. b
37. c
38. c
39. a
40. a
41. d
42. d
43. d
44. b
45. c
46. c
47. d
48. d

You might also like