You are on page 1of 12

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

Sudlon, Lahug, Cebu City, Cebu

ANG PAGMAMAHAL
SA DIYOS (Part II)
Ikatlong Markahan – Week 2
Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

SARILING-LINANGIN KIT

1
PAUNANG SALITA

Ang Sariling-Linangin Kit na ito ay inihanda para sa mga


mag-aaral upang maipamalas ang kanilang pag-unawa sa
mga batayang konsepto sa Edukasyon sa Pagpapakatao
bilang pagtugon sa pagtaglay ng mga kasanayan sa ika-
dalawampu’t isang siglo.

Ang mga gawain ay makapagpapatibay kung taglay ng


mga mag-aaral ang kakayahang pangkaalaman,
pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanila ng
kakayahang magpasya at kumilos nang mapanagutan at may
pagpapahalaga sa moralidad at dignidad ng tao.

Nahahati sa tatlong bahagi ang Sariling-Linangin Kit na ito:

A. Ano ang Nangyari? ay bahagi na kung saan ay


sasagutin nila ang mga iba’t ibang gawain na hindi pa nila
lubusang nalalaman ang kasanayang pampagkatuto.

B. Ano ang Dapat Malaman? ay bahagi na kung saan ay


ipaliliwanag ang kasanayang pampagkatuto na nakapaloob
dito.
C. Ano ang Natutunan? ay bahagi na kung saan ay
malalaman kung nahasa ang kanilang kaalaman sa learning
competency na naghihinuha ng mga sitwasyon kung saan
inilalapat ang mga natalakay na mga konsepto upang
malinang ang kakayahan sa paggawa ng pagpapasyang
etikal o moral na may preperensiya sa kabutihan.

Inaasahan ang mag-aaral na malinang ang kanilang


kakayahan at magamit ang mga natutunan nila sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.

2
LAYUNIN:
Nakapagsusuri at nakagagawa ang mga mag-aaral ng
angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Napangangatwiranan na ang pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa.
Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos.

ANO ANG NANGYARI?

Paunang Pagtataya

Gawain A.

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba.

1.

Ang
4. pagmamahal 2.
sa Diyos ay...

3.

3
Gawain B.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ng titik ng tamang
sagot.

1) Bunga ng pagmamahal sa Diyos ang biyaya ng __________ na naging batayan


at pamantayan sa pagpapasyang moral.
A. isip B. espiritu C. kalooban D. konsensiya
2) Nakaukit sa bawat tao ang kabanalan ng Diyos, simula sa kanyang pagsilang
hanggang sa kanyang kamatayan, kaya batid natin ang pagmamahal Niya
ay ________________.
A. biyaya ng espiritu C. nagbibigay lunas o kagalingan
B. banal at walang hanggan D. nagbubuklod sa lahat ng sangkatauhan
3) Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng tamang kahulugan ng
konsepto tungkol sa pagmamahal sa Diyos; maliban sa ______.
A. aktuwal at matalik na pakikipag-ugnayan sa Kanya
B. daan para mapasimulan ng tao ang kaalaman ng Diyos
C. pangyayari sa ating buhay dahil sa bunga ng ating napiling relihiyon
D. pagtitiwala ng bawat isa sa walang hanggang pananampalataya sa
Panginoon
4) Lahat na kabutihang ginawa natin para sa ating sarili, kapuwa at kapaligiran
ay _____________.
A. nagpabago ng kamalayan sa tao
B. nagpadalisay sa banal na pag-ibig ng Diyos
C. nagparanas ng pagbabalik-loob sa Maykapal
D. nagpasya at kumilos sa pagpapahalagang moral
5) Likas sa bawat tao na hanapin ang Panginoon dahil Siya ang pinagmulan ng
______________ .
A. pag-asa at kabuhayan C. pagmamahal at kalusugan
B. katotohanan at kabutihan D. kaginhawaan at kaligayahan
6) Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbubuklod sa lahat ng tao at napag-
iisa sa kanilang damdamin, sa pamamagitan ng birtud ng ___________.
A. pag-asa B. pag-ibig C. pagkumbaba D. pananampalataya
7) Ang pagsali ng mga kabataan sa pagiging “choir o altar servers” ay
tinaguriang pangkatang ________ na nagpapaunlad sa kanilang ugnayan sa
Panginoon.
A. gawain B.panalangin C. pagtitiwala D. pagnilay-nilay
8) Nagmamahal ang tao sa Diyos kung Siya ang naging sentro ng sa kanyang
_________.
A. isip at pagkilos C. kandili at pag-aaruga

4
B. buhay at pagsakripisyo D. buhay at pananampalataya
9) Isa sa mga katangian na nagbibigay sa atin ng kakayahan na mahalin ating
kapwa at mapatibay ang ating pananampalataya ay ang _________ sa
sangkatauhan ng Panginoon.
A. pagkabuklod-buklod C. pagbibigay lunas o kagalingan
B. pagkawalang-hanggan D. pagtanggap sa biyaya ng espiritu
10) Ang pagmamahal sa Diyos ay nakapagpabago sa buhay ng tao sa
pamamagitan ng ______.
A. pagsusuri ng sariling buhay
B. pagsasabuhay ng mga biyaya ng espiritu
C. pagpapatibay ng isip at paghubog ng kilos-loob
D. pagiging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan

Gawain C.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang TAMA, kung
ang sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na diwa ng Pagmamahal sa
Diyos; MALI naman kung ito ay sumasalungat.

1. Pagtulong sa kapitbahay bilang kapalit sa ginawang pagtulong sa panahon


ng kagipitan.
2. Paglilingkod sa napapabilangang barangay upang makatulong sa
pagpapanatili ng kalinisan, kapayapaan, at kaayusan.
3. Ang pananatili ng magandang ugnayan sa kapwa at pagtugon sa tawag ng
Diyos na maglingkod sa kapwa.
4. Hindi matitiis ni Mang Juan na hindi matulungan ang kaniyang kapitbahay na
wala ng makain.
5. Tumutulong ako sa abot ng aking makakaya upang magkaroon ng
magandang reputasyon sa aming lugar.
6. Nagawa pa ring mahalin at magparaya ni Basilyo kay Sisa sa kabila ng
kaniyang paulit-ulit na pagsira at panloloko sa kaniya.
7. Kahit gaano pa kapintas ang aking mga magulang, igagalang at mamahalin
ko pa rin sila dahil sila ang aking mga magulang.
8. Igagalang lang kita kung magpapakita ka rin ng paggalang sa akin.
9. Hindi lahat ng tao ay karapatdapat sa ating pagmamahal at paggalang.
10. Lahat ng tao ay karapatdapat mahalin at igalang maging anuman ang
kanilang kulay, paniniwala, o katayuan sa buhay.

5
Gawain D.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
A. Kung ang pahayag A ay tama; ang pahayag B ay mali.
B. Kung ang pahayag A ay mali; ang pahayag B ay tama.
C. Kung ang pahayag A at pahayag B ay parehong tama.
D. Kung ang pahayag A at pahayag B ay parehong mali.

1) A. Ang tunay na diwa ng pagmamahal sa tao ay ang pagsisimba araw-araw.


B. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa tao ay nakabatay sa
pagpapamalas ng pagmamahal sa Diyos.
2) A. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang
kapatid ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos”.
B. Ang tunay na kahulugan ng pananampalataya ay ang personal na ugnayan
ng tao sa Diyos.
3) A. Ang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos ay isang malayang desisyon
na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
B. Araw-araw ay nagsisimba, nagdadasal, at nagbabasa ng Bibliya si Aling Sisa.
Kahit ganito, malupit siya sa kaniyang kasambahay. Ito ay nagpapakita ng
angkop na pagsasabuhay ng pagmamahal sa kapwa.
4) A. Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili alang-alang
sa kapakanan ng kaniyang kapwa.
B. Naipapakita ng tao ang kaniyang pagiging kapwa sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng kaniyang sarili sa kaniyang kapwa.
5) A. Likas na sa tao na tatawag lamang ng kaniyang kapwa sa panahon na
makakaranas ng kagipitan.
B. Ang pagmamahal sa Diyos ang siyang dahilan kung bakit nagkakawatak-
watak ang mga tao sa lipunan.
6) A. Nilikha ng Diyos ang tao upang bunga ng Kaniyang walang hanggang
pagmamahal.
B. Ang tunay na diwa ng espituwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.
7) A. Ang pagmamahal ng tao sa kaniyang kapwa ay dapat walang kondisyon.
B. Subalit tinawag ang tao na magmahal nang may kondisyon at limitasyon.
8) A. Ang mga taong walang kasalanan lamang ang karapatdapat sa
pagmamahal ng Diyos.
B. Magiging walang saysay ang pagmamahal ng Diyos sa tao kung hindi siya
marunong magmahal sa kaniyang kapwa.

6
9) A. Ang pagtanggap sa pagmamahal ng Diyos ay isang malayang pasiya at
bukal sa loob ng tao.
B. Ang pananampalataya ay hindi lalago kung hindi isinasabuhay para sa
kapakanan
10) A. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at
pagbabago sa buhay ng tao.
B. Ang pagmamahal sa Diyos ay banal at walang hanggan.

ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos

Malaki at malalim ang nagagawa ng pagmamahal ng Diyos sa buhay ng tao.


Ito ang nagsisilbing gabay ng tao upang mahubog ang kaniyang sarili tungo sa
kaniyang kaganapan. Gaano ba kahalaga ang pagmamahal ng Diyos sa tao?

▪ Sa bisa ng pagmamahal sa Diyos, nababago nito ang kamalayan ng tao.


- Dahil sa pagmamahal sa Diyos, nabubuksan ang isip
ng tao at nagiging mausisa siya upang malaman
ang katotohanan tungkol sa kaniyang sariling buhay.
Mula sa pagsusuring ito, mapapagtanto ng tao na
hindi niya lubusang mabibigyan ng kasiyahan at
kahulugan ang kaniyang sarili gamit lamang http://brainjackimage.blogspot.com/2013/09/brain-images.html

ang kaniyang sariling kakayahan. Kaya


nagbubunga ito ng pagtanggap sa sarili na magtiwala sa Diyos. Dahil dito
natatagpuan ng tao ang kaliwanagan ng kaisipan at paghubog ng
karunungan.
▪ Pinadadalisay ng banal na pag-ibig ng Diyos
ang puso ng bawat tao upang magmahal nang tunay
sa kapwa at sa lahat ng nilikha ng Diyos.
- Mula sa karunungan ng kaisipan, pinatitingkad
ng pag-ibig na nanggagaling sa puso ang ugnayan

7
ng tao sa Diyos at kapuwa. Mas nagiging matatag ang pagmamahal sa
Diyos dahil ito ay may matibay na pundasyon sa pagkaunawa ng
pagmamahal na nakatuon sa obheto ng minamahal. Dahil dito,
nauunawaan ng tao na ang pagmamahal sa kapwa ay isang nararapat
na pagtugon ng pagmamahal sa Diyos na ibinigay sa atin. Samakatuwid
ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ay nakapagbubuklod.
▪ Sa tulong ng pagmamahal sa Diyos,
nagagabayang magpasiya at kumilos ang tao
sa mga pagpapahalagang moral at
pagsasabuhay ng mga birtud.
- Binibigyang direksiyon ng pagmamahal sa
Diyos ang pagsasabuhay ng tao sa mga
pagpapahalagang moral tungo sa mapanagutang paggamit ng
Kalayaan, konsensiya, paggalang ng dignidad ng tao, at pagkilala sa
kabanalan ng buhay.
▪ Sa paggabay ng pagmamahal sa Diyos,
nakakaranas ang tao ng pagbabalik-loob.
- Ang pagmamahal sa Diyos ang siyang
gumagabay sa tao upang magnilay at bumalik sa
kaniyang totoong sarili na siya rin namang
makatutulong upang mahubog ang kaniyang isip at
kilos-loob tungo sa matatag na pamantayan ng pagpapasiyang moral.

Mga Hakbangin Upang Mapaunlad ang Pagmamahal sa Diyos:

1. Buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang suriin ang bawat
karanasan at sitwasyon sa buhay.
2. Suriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na maaaring
magbunga ng pagmamahal sa Diyos.
3. Isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa anumang
hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.
4. Maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang pagmamahal sa Diyos.
5. Makilahok sa mga pangkatang gawain ng iyong simbahan.

8
ANO ANG NATUTUNAN?

Subukan natin?
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
A. Kung ang pahayag A ay tama; ang pahayag B ay mali.
B. Kung ang pahayag A ay mali; ang pahayag B ay tama.
C. Kung ang pahayag A at pahayag B ay parehong tama.
D. Kung ang pahayag A at pahayag B ay parehong mali.

1) A. Nabubuklod ang mga tao sa lipunan sa tulong ng matibay na batayan ng


pagmamahal sa Diyos kahit sa gitna ng pagkakaiba ng ating paniniwala.
B. Ang pagmamahal sa Diyos ang siyang pangunahing batayan at matibay na
sandigan ng tao sa pagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang kapwa.
2) A. Dahil sa ang Diyos ay pinagmulan ng pag-ibig at Siya ay pag-ibig mismo,
sinuman ang nabubuhay sa pagmamahal ay nananahanan din sa pagmamahal
sa Diyos.
B. Lalago ang tao sa kaniyang pagmamahal sa Diyos, anuman ang kaniyang
relihiyon o paniniwala, sa pamamagitan ng pagmamahal sa kaniyang kapwa at
sa lahat na nilikha ng Diyos.
3) A. Ang tao ay produkto ng pagmamahal ng dalawang taong nagmamahalan
ni biniyayaan ng Diyos ng pagmamahal mula sa kaniyang kapanganakan.
B. Kung naniniwala tayo sa pagmamahal ng Diyos, ito ang magiging matibay na
batayan ng pamantayan ng ating buhay at pagpapasiyang moral.
4) A. Magtatapos lamang ang pagmamahal ng Diyos sa tao kung siya ay
mamamatay na.
B. Nilikha niya ang tao bunga ng kaniyang pagmamahal na walang hanggan at
para magmahal ng kaniyang kapwa nang walang kondisyon at walang
hanggan.
5) A. Maipapakita lamang ang tunay na diwa ng pagmamahal ng tao sa Diyos
kung naipapamalas niya ang tunay na pagmamahal sa kapuwa.
B. Sapat na ang pagsisimba araw-araw upang lubos na maisabuhay ang tunay
na diwa ng pagmamahal sa Diyos.

9
6) A. Ang lahat ng bagay sa mundo ay walang hangganan at limitasyon dahil ito
ng Diyos na walang hangganan at limitasyon.
B. Likas na sa tao na walang hanggan at limitasyon ang kaniyang pagiging
nilikha.
7) A. Bilang isang tao, normal lang na magmahal ako ng may kondisyon dahil nilikha
akong ganito simula’t sapul.
B. Kaya hindi mali ang magmahal sa kapuwa na may limitasyon at mga
kondisyon.
8) A. Ang tulong o pagmamalasakit na iyong ginawa sa iyong kapwa ay dapat may
kapalit sa anumang paraan ito maisasagawa.
B. Lahat ng tao ay tinawag ng Diyos na magmahal at maglingkod sa kaniyang
kapwa kahit sa simpleng paraan lamang.
9) A. Magiging lubos at ganap lamang ang kasiyahan ng tao kung nakabatay ang
kaniyang pagmamahal sa kapwa sa pagmamahal ng Diyos.
B. Kahit gaano pa katalino, kalakas, kamakapangyarihan, o kayaman ang isang
tao hindi natin maitatanggi ang katotohanan na lahat tayo may hangganan dito
sa mundo.
10) A. Sa bisa ng pagmamahal sa Diyos, nagkakaroon ang tao ng pag-asa sa bawat
pagsubok na darating sa kaniyang buhay tulad ng sakit, giyera, kalamidad,
sakuna, o pandemya.
B. Binibigyang direksiyon ng pagmamahal sa Diyos ang pagsasabuhay ng tao sa
mga pagpapahalagang moral tungo sa mapanagutang paggamit ng
Kalayaan, konsensiya, paggalang ng dignidad ng tao, at pagkilala sa kabanalan
ng buhay.

Paglalapat:

Panuto: Gumawa ng isang pagpapaliwanag kung bakit dumadami ang mga tao
ngayon na unti-unti ng nawawalan ng pagtitiwala sa Diyos, anuman ang
kaniyang relihiyon o paniniwala. Ang pagpapaliwanag na ito ay maaaring
isang tula, sanaysay (essay), poster, o collage sa isang short bond paper.

Batayan ng Markahan:
Originality 20
Kaangkupan sa Tema 20
Kabuuang presentasyon 10
Total = 50

10
Mga Sanggunian

Mga Aklat:
Deped. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (Modyul para sa Mag-aaral)

Punsalan, Twila G. et al. 2015. PAGPAPAKATAO: Batayang Aklat sa Edukasyon sa


Pagpapakatao sa Sekondarya. Manila: Rex Bookstore, Inc.

Para sa mga larawan at clips:

https://steemit.com/tula/@iyam/pagmamahal-sa-isa-t-isa
https://tl.wikicell.org/tomar-decisiones-difciles-16271

http://kuyamax.blogspot.com/2010/03/pagbabalik-loob.html
http://brainjackimage.blogspot.com/2013/09/brain-images.html

11
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VII

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELLA B. SUSVILLA, EdD


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, EdD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

ELMER J. MANGUBAT, MST


Education Program Supervisor- (EsP)

RODERICK A. FORMAREJO
Writer/Illustrator/Layout Artist

MAY AKDA

RODERICK A. FORMAREJO. Nagtapos sa University of San


Jose-Recoletos sa kursong Bachelor of Arts in Philosophy
noong 2009. Nakapagtapos ng kanyang post graduate
YOUR PICTURE
studies na Master of Arts in Philosophy sa University of San
Jose-Recoletos noong 2019. Kasalukuyang nagtuturo sa
Canduman National High School bilang guro sa
ikasampung baitang at sa ikalabing-isang baitang.

12

You might also like