You are on page 1of 5

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Pre-Test

Pangalan:_____________________________ Taon at Seksiyon:________________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan . Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot.

_________1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “Madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling
maging tao, mahirap magpakatao?
a. May isip at kilos loo bang tao
b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kanyang kaganapan
c. Tapat ang tao sa kanyang misyon
d. May konsensiya ang tao
_________2. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “Mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling
maging tao, mahirap magpakatao”?
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kanyang kapwa-tao
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa
parehong sitwasyon
c. Nilikha niya sa kanyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kanya habang
nagkakaedad
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kanyang kilos para lamang sa katotohanan at
kabutihan
________3. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi
siya sa lahat
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-
okupa ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit na magkakaiba ang mga katangian, pangarap at
pagpapahalaga ng bawat isa
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kanyang kapwa dahl siya ang lumikha ng kanyang
pagka-sino
________4. Ano ang kahulugan ng pangungusap? “Ang tao bilang persona ay isang proseso ng
pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.”
a. Nililikha ng tao ang kanyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao
d. Nagiging ganap ang taodahil sa kanyang pagpupunyagi
________5. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kanyang kabuuan,
kaya hindi siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kanyang matibay na
paninindigan?
a. Persona b. Personalidad c. Pagme-meron d. Indibidwal

________6. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.


a. Pasiya b. Kilos c. Kakayahan d. Damdamin
________7. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
c. Ito ay nakababawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
d. Ito ay nakapagbabago sa halaga ng isang kilos.
________8. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan
________9. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
________10. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de
Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin ng pinag-iisipan
d. Sapagkat napapatunayan nito ang sariling kilos kung ito ba ay mabuti o masama.

_________11. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa:


a. kumikilala at nagmamahal sa Diyos c. nagmamahal at tumutulong sa kapwa
b. naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos d. nagmamahal sa Diyos at sa kapwa
_________12. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Ang salitang ito ay:
a. Tama, dahil ito ay payo ng ating mga magulang
b. Tama, dahil ito ay salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia
c. Mali, dahil ito ay panariling interes lamang
d. Mali, dahil ang salitang ito ay hindi nagsasabi ng totoo
_________13. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik at pagninilay?
a. upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang buhay
b. upang lumawak ang kanyang kaalaman at magsasabuhay ng aral ng Diyos
c. upang lumalim ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang mga salita
_________14. Ano ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kanyang pagmamahal at pananampalataya sa
Diyos?
a. Pagmamahal sa bansa b. Pagmamahal sa Kapwa c. Pagsasamba d.
Pagkamakasarili
_________15. Sino ang nagwika sa salitang ito, “Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay
patay” (Santiago 2:20)
a. Apostol Juan b. San Mateo c. Apostol Pablo d. Apostol Lukas
________16. Alin sa mga paraan ang magpaunlad ng ugnayan ng tao at Diyos na lubos na mauunawaan
ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kanyang buhay?
a. Panalangin c. Pagsisimba o Pagsamba
b. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay d. Pagmamahal sa Kapwa
________17. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanilang buhay
b. Upang lumawak ang kanyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos
c. Upang lumalim ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang mga salita
________18. Paano nakatutulong ang pagsamba sa pagpapaunlad ng pagmamahal ng tao sa Diyos?
a. Panalangin
b. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
c. Makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman sa salita ng Diyos
d. Pagmamahal sa Kapwa
________19. Ang sumusunod ay naglalarawan sa kahalagahan ng Pagsisimba maliban sa:
a. Ito ay isang paraan upang mapalalim ang ugnayan ng Diyos at tao
b. Ito ay isang paraan kung saan lubos na makilala ng tao ang Diyos
c. Ito ay isang paraan na malalaman ng tao ang kanyang mga turo o aral
d. Ito ay isang paraan ng pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
________20. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa uri ng pagmamahal na “Affection”?
a. Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya
b. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan
c. Ito ay pagmamahal batay sa pagnais lamang ng isang tao
d. Ito ay pinakamataas na uri ng pagmamahal na walang kapalit
_________21. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o
posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Balita b. Isyu c. Kontrobersya d. Opinyon
_________22. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o
sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal
_________23. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
a. Nagpapabagal ng isip c. nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit
b. Nagpapahina sa enerhiya d. nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa
_________24. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa
kasagraduhan ng buhay?
a. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay
b. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay
c. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay
d. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay
_________25. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong
posisyon sa iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungusap na ito ay:
a. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan
b. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili at
magmahal
c. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kanyang paghusga, gawi at kilos
d. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang
katotohanan sa kanyang paligid
_________26. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. Katatagan at kasipagan c. Pinagkopyahan o pinagbasehan
b. Kabayanihan at katapangan d. Pinagmulan o pinanggalingan
_________27. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon
b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa
_________28. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan
gayundin sapagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapwa
_________29. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
a. Sa bawat kilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapwa
Pilipino
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa
_________30. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
a. Paggalang at pagmamahal c. Katahimikan at kapayapaan
b. Katotohanan at pananampalataya d. Katarungan at pagkakaisa
_________31. Ang mga sumusunod ay kilos na nag papamalas ng pagmamahal sa bayan maliban sa isa:
a. Maging totoo at tapat c. magliwaliw kasama ang barkada
b. Mag-aral ng Mabuti d. maging magalang
_________32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan?
a.pagtatapon ng basura sa may ilog c. pagtulong sa pagtatanim ng mga puno
b.pag-aaksaya ng tubig d. pagsusunog ng mga basura
_________33. Ito ay uri ng kilos na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na kung saan ipinapakita ang
buong pusong pag-awit sa Lupang Hinirang at paggalang sa watawat?
a.maging totoo at tapat c. awitin ang pambansang awit ng mag paggalang at dignidad
b. mag-aral ng Mabuti d. maging masipag
_________34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtangkilik ng mga produktong sariling atin?
a. Bumili ng mamahaling Bag na Channel si Catherine sa isang mall.
b. Piniling gumamit ng mga rattan at kawayan si Nicole para sa kanilang mga upuan.
c. Ipinahiya ng isang babae ang batang nagtitinda ng sampaguita.
d. Mahilig si Henry sa mga imported na tsokolate.
_________35. Paano maipapamalas ng isang tao ang pagiging mabuting botante?
a. Sa pamamagitan ng pagpili ng karapat dapat na politiko na siyang may magandang
adhikain para sa ikauunlad ng bayan.
b. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng suhol mula sa magkabilang panig at ni isa sa kanila
ay hindi binoto.
c. Sa pamamagitan ng pagsasawalang kibo sa mga pangyayari.
d. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng pera sa mga botante.
________36. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman
at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Pananampalataya c. Panalangin d. Pag-ibig
________37. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng
Islam. Ang mga sumusunod ay sakop nito maliban sa:
a. Pagdarasal b. Pag-aayuno c.Pagninilay d. Pagsamba
________38. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos c. Nagmamahal at tumulong sa kapwa
b. Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos d. Nagmamahal sa Diyos at kapwa
________39. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa aral ng Budismo?
a. Pag-aayuno
b. Pagmamahal at pagpapatawad sa isa’t isa
c. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw
d. Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad
________40. Ang sumusunod ay mahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo maliban sa:
a. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa
b. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay
c. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay
d. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kaganapan at likas na pagsunod

Inihanda ni:
JOANNE B. VELASCO

You might also like