You are on page 1of 8

MAHABANG BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN -7

Paaaralan: Tungawan National High School Baitang:10


Pangkat: GARNET-A LINGGO: 3
Markahan: IV
Guro: RODOLFO V. PANOLIN JR. Araw/Petsa: HUWEBES 9:30 – 10:30
04-28-2022

Pamantayang
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
Pangnilalaman
upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Pamantayang
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
Pagganap
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

Mga kasanayan sa
Pagkatuto Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+ - AP10IKL-IIIe-f-7

1. Natutukoy ang mga Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan at LGBTQ+


I-LAYUNIN: 2. Nailalahad ang mga karahasang nararanasn ng mga kababaigan sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
3. Nauunawaan ang pag-iral ng karahasang nagaganap sda isang relasyon o tinatawag na domestic violence.

II-NILALAMAN:
III-KAGAMITANG
PANTURO
A.Sanggunian KONTEMPORARYONG ISYU 10
1.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2.Mga Pahina sa K to 12 Module (Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba)
Kagamitang Pang Asya:
mag-aaral
3.Mga Pahina sa
Teksbuk
4.Iba pang
kagamitang Panturo Laptop, ,led t.v, makulay na mga kartolina
B.Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng..

IV-PAMAMARAAN
A. Balik-Aral

Mga unang Gawain:

 Panalangin (multi-media)
 Pagbati
 Pag-alam sa kung sino ang wala sa klase (Checking of attendance)
 Pagpapaalala sa Classroom Standards/Health Protocol
 Pagpapaalala-sa Classroom rules ( Indicator # 4)

B. Paghahabi sa Sa paksang ating tatalakayin ay matututunan mo ang kalagayan at pamumuhay ng sinaunang pamayanan.
Layunin ng Aralin
*Ipapabasa ang mga layunin ng Aralin.

1. Natutukoy ang mga pangunahing konsepto na may kinalaman sa sinaunang pamumuhay;


2. Nakapupuna ng mga akmang impormasyon ukol sa pagbabago at pag-unlad ng sinaunang kultura; at
3. Nabibigyang-halaga ang mga ambag ng sinaunang panahon.

C. Pag-uugnay ng Larawan-suri:
mga halimbawa sa Panuto: Suriin ang mga larawan
bagong aralin
Pamprosesong tanong:
 Ano ang inyong nakikita sa larawan?
 Ano ang kaugnayan nito sa paksang ating tatalakayin?

Paghahawan ng mga balakid: Pagbibigay - kahulugan sa mga salita sa pamamagitan ng pagtatapat ng mga salita sa Hanay
A sa Hanay B. Paramihan ang pangkat sa pagkuha ng tamang sagot. (Pagbibigay-kahulugan ng mga salita na ginamit sa
akda. F7PT-IIc-d-8,F7PT-IIC-f-9 MODYUL 5) INDICATOR # 1

HANAY A HANAY B

1. Pangangaso A. Pagala-gala,walang permanenteng tirahan

2. Nomadiko B. Paghuli o pagpatay ng mga hayop upang maging pagkain

3. Nangangalap C. Basang putik

4. Yungib D. Kweba

5. Luwad E. Naghahanap o nangongolekta

F. Bato

Tamang sagot ; 1. B 2. A 3. E 4.D 5 . C

Ang mga salitang ito ay kasama sa ating talakayan ngayon.

D. Pagtatalakay sa Hahatiin ang klase sa tatlong ( 3 ) pangkat. Bibigyan ang bawat grupo ng paksang kanilang tatalakayin at
Konsepto at
ibabahagi ito sa buong klase sa magkakaibang pamamaraan ( INDICATOR # 6)
kasanayan #1

Pangkat 1- Panahong Paleolitiko ( Pag-uulat)


Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng Paleolitiko?
2.Paano namuhay ang mga tao sa panahong ito?
3. Ano ang pinakamahalagang ambag sa panahong ito?
4.Anong ambag sa panahong ito ang nagagamit pa rin sa kasalukuyan?

Pangkat 2- Panahon ng Neolitiko ( Pagsasadula)


Pamprosesong tanong:
1. Anong pagbabago sa pamumuhay ng sinaunang tao ang nabago sa panahong ito?

Pangkat 3- Panahon ng Metal ( Collage Making) Pamumuhay ng sinaunang pamayanan


Idikit ang mga larawan na nagpapakita ng pamumuhay ng mga tao sa panahong metal at sabihin ang
kahalagahan sa mga pagbabagong naganap sa kanilang buhay.

Rubrics
Pagtutulungan -10 puntos
Organisasyon - 5 puntos
Presentasyon - 5 puntos
Kabuuan - 20 puntos
E. Pagtatalakay sa Panahong Paleolitiko, Ito ay ang Old Stone Age o Panahon ng Lumang Bato. Galing ito sa Greek word na Paleos
Konsepto at na ang ibig sabihin ay matanda o luma at lithos ay bato.Pangagaso ang kanilang hanapbuhay.Ang mga tao sa
kasanayan #2
panahong ito ay matalino sa larangan ng ispiritwalSa panahong ito ang mga tao ay nakadepende lamang sa kanilang
kapaligiran.Kapag wala na silang makuha dito na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay ay
lumilipat sila sa ibang lugar at ang tawag dito ay nomadiko.Sa panahong ito ang kagamitan nila ay yari sa
magagaspang na bato.Sa panahong ito nadiskubre ang paggamit ng apoy, na kung saan sa pagkuskos nila ng
dalawang bato ay nakagawa sila ng apoy ( Infer the conditions necessary for heat transfer occur. S7LT-IIIh-i12)
Ang apoy ang pinakamahalagang natuklasan sa panahong ito. Dahil sa apoy ay natutuhan nilang lutuin ang
kanilang pagkain kaya mas madali ang digestion ng pagkain na nagresulta sa pagliit ng bituka at siya namang
paglaki ng utak at ito ay tinawag na Expensive Tissue Hypothesis. Panahon ng Mesolitiko o Gitnang
panahon, ito ang naging transisyon sa panahon ng paleolitiko at panahon ng neolitiko, isa sa mga nagawa
nito ay ang microlith. Panahon ng Neolitiko na kung saan ay natuto nang mag-alaga at magpaamo ng
hayop ang mga tao.ang mga magagaspang na bato ay pinakinis nila. Ang panahong ito ay tinawag na New
Stone Age o Pnahon ng Bagong Bato ,galling ito sa salitang griyego na Naois na ang ibig sabihin ay bago
at lithic ay bato.Isa itong rebolusyong agricultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan ng
pagkain dahil sa malawakang pagtatanim. Panahong Metal ito ay nahahati sa tatlong yugto batay sa uri
ng metal na malawakang ginagamit ng tao.

F.Paglinang ng
Kabihasaan (Tungo sa F
3rd Formative Ang guro ay magbibigay ng mga katanungan sa mga mag-aaral.
Assessment) Tanong:
1. Alin sa mga ambag ng sinaunang tao ang pinakamahalaga para sa inyo?
G.Paglalapat ng Magpapakit ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa panahon ng
Aralin sa pang-araw- kalamidad at pandemya.Pipili siya ng sasagot sa mga sumusunod na katanungan.
araw na buhay

Tanong:

1. Sa mga larawang ipinakita, sino sa inyo ang nakaranas ng ganitong pangyayari? Anong pagbabago sa
inyong buhay ang naganap?
2. Paano mo o ninyo ng pamilya mo hinarap ang hamon na ito?
3. Paano ninyo natawid ang pag-araw-araw na pangangailangan gaya ng pagkain?
4. Ano-ano ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa inyo ngayon sa
kasalukuyan?

H. Paglalahat ng Maraming pagbabago at kaunlaran ang naganap sa pamumuhay ng mga tao sa pagdaan ng panahon.
Aralin Dapat nating bigyang-halaga ang naging ambag ng mga sinaunang kabihasnan sapagkat ito ang nagbigay daan
tungo sa kaunlaran ng ating pamumuhay sa kasalukuyan. Magpakatatag lamang at magtiwala sa Poong
Maykapal at lahat ng hamon sa buhay ay ating malalampasan.

I.Pagtataya ng Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap..Isulat sa patlang bago ang bilang ang titik ng inyong sagot.
Aralin ____ 1. Ano ang tawag sa huling yugto ng pagbabago ng panahon?
a. Bato b. robotics c. metal d. plastic

_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa panahong paleolitiko?
a. Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop
b. Umasa lamang sila sa kung anong biyaya mayroon sa mga puno at halaman sa kapaligiran
c. Nomadikong pamumuhay
d. Natutong mangaso noong nalinang ang kasanayan sa paggawa ng mga kasangkapan yari sa matutulis na bato

_____ 3. Bakit nagkaroon ng Rebolusyong Neolitiko?


a. Nagkaroon ng hidwaan sa lupang agrikultural
b. Nagkaroon ng malawakang pagtatanim na naging dahilan upang ang mga tao ay manatili sa mga agrikultural na lugar.
c. Hindi nagustuhan ng mga mamayan ang pamumuno ng kanilang lider
d. Mas gusto ng mga mamamayan ang mag-alaga ng hayop kaysa sa magtanim kaya nagkaroon ng rebolusyon.

_____ 4. Alin sa sumusunod na dahilan kung bakit napalitan ang paggamit ng tanso sa pag-usbong ng panahon ng metal?

a. Dahil mahal ang bentahan ng tanso sa unang panahon


b. Dahil kontrolado ng iisang tao o grupo ang kalakalan ng tanso
c. Dahil madaling masira ang mga bagay na gawa sa tanso
d. Dahil sa salat na mapagkukunan ng tanso

_____ 5. Ang microlith ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang nagawa.Sa anong panahon ito natuklasan?
a. Panahong mesolitiko
b. Panahong paleolitiko
c. Panahong metal
d. Panahong neolitiko

J. Karagdagang
Gawain para sa
takdang-aralin at
Remediation
V. Mga Tala

VI- PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain
para sa remediaton
C. Nakatulong ba
ang Remedial?
Bilang mag-aaral na
nakaunawa sa
Aralin?
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong nang lub
os?Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
G. Anong
Kagamitang Panturo
ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko
guro?

RODOLFO V. PANOLIN JR.


Nagpakitang Turo Tagamasid:

ROMMEL C. BENITO
Aral. Pan. HT-II

VIOLETA R. CUNDIMAN
Aral.Pan. MT - II

You might also like