Professional Documents
Culture Documents
IKA-8 BAITANG
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang maipapamalas ang mga
sumusunod nang may 90% na pagkatuto:
1. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang panahon.
2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng pamumuhay ng mga unang
tao.
3. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang panahon.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig” (AP8HSK-If-6)
B. Konsepto: Panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao (Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko,
at Panahon ng Metal)
C. Integrasyon Sa Iba Pang Asignatura: Antropolohiya
D. Pagpapahalaga: pakiki-angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan
E. Kagamitan:
-whiteboard marker -maliliit na sanga
-plastic -mga dahon
-bato
F. Sanggunian:
Book Reference: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007). “Kasayasayan ng Daigdig”.
JMC Press, Inc. Lungsod Quezon.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa mga sinaunang tao
at ang mga paniniwalang pinagmulan nila. Ilahad mo nga sa Pagbabahagi ng natutunan ng mag-aaral
klase ang iyong natatandaan sa araling iyon.
(Tumawag ng isang mag-aaral)
B. Pagganyak/Motibasyon
Ngayon, bago natin simulan ang ating talakayan meron akong
inihandang aktibiti na maaari niyong malaman kung tungkol
saan ang ating aralin ngayong araw na ito.
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ngayong naka
grupo na kayo,bibigyan ko ang bawat grupo ng isang plastic bag
na nag lalaman ng iba’t ibang bagay na gagamitin nyo upang
makagawa ng isang bahay sa loob lamang ng 7 minuto.
2. Mag-aaral 2
C. Paglunsad ng Aralin
Ngayon naman matutunan natin ang isang bagong
aralin. Sa aralin nating ito, matutukoy natin ang pagkakaiba ng
pamumuhay ng mga unang tao sa iba’t ibang panahon. Handa
na ba kayo sa bagong aralin natin ngayon?
1
Sa ginawang aktibiti, itala niyo nga sa pisara ang mga
ginamit na materyales sa paggawa ninyo ng bahay.
(Tumawag ng ilang mag-aaral upang magsulat sa pisara)
D. Pagpapahalaga
Anong kabutihan o kagandahan ang napag-alaman mo Opinyon ng mag-aaral.
o nakita sa bawat pamumuhay ng mga sinaunang tao?
IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay.
1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao?
Sagot: Panahong Paleolitiko, Panahon Neolitiko, at Panahon ng Metal
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko
o Lumang bato?
Sagot: mga magagaspang na bato
3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko?
Sagot: Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag upang kumuha ng kanilang pagkain at
manghuli ng mga hayop
4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ng panahon ng paleolitiko sa
panahon ng neolitiko?
Sagot: Noong panahon ng paleolitiko, ang pamumuhay ng mga sinaunag tao ay mangalap
ng pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong panahon naman ng neolitiko, ang mga
sinaunang tao ay natutong pumirmi sa kanilang lugar at natuto silang magtanim at mag-
alaga ng hayop.
5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal?
Sagot: Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa paggawa ng iba’t
ibang kagamitan at armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.
V. Kasunduan
Takdang aralin:
1. Sa isang buong papel, gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa pamumuhay ng mga unang
tao sa daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa nagging aralin natin.
2. Basahin at unawain ang Aralin 3 “Mga yugto sa pag-unlad ng kultura sa panahong
Prehistoriko”.