You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Unang Markahan - Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Aralin Bilang 13

I. LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
A. Pamantayang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang
Pangnilalaman kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay
ng kasalukuyang henerasyon
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong
B. Pamantayan sa nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng
Pagganap mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon
C. Kasanayan sa Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
Pagkatuto kabihasnan sa daigdig
(AP8HSK-Ig-6)

1. Nabibigyang kahulugan ang salitang kabihasnan.


2. Nasusuri ang mga batayan ng kabihasnan
3. Nabibigyang pansin ang mga sinaunang ambag ng mga
Pilipino
na naging daan sa pag – usbong ng kabihasnan
Aralin 3 – Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
II. NILALAMAN
Kabihasnan-Katuturan at mga Batayan
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian LM – pp.55-56; Kasaysayan ng Daigdig – pp 30-31,
B. Iba pang
LCD, laptop, Learning Module, larawan ng mga may kaugnayan sa
KagamitangPanturo
kabihasnan
IV. PAMAMARAAN
Ilarawan ang bawat yugto ng pag – unlad ng sinaunang Tao.
A. Balik Aral sa mga
unang natutuhan
B. Paghahabi sa layunin PICTURE FRAME
ng Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kaugnayan sa
aralin(Pagganyak) kabihasnan. Gabay ng mga larawan, natutukoy ng mga mag – aaral
ang nais iparating ng mga larawan. Matapos masuri ang lahat ng
larawan, nakabubuo ng konsepto ang mga mag – aaral sa magiging
paksa.

1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?


2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong
pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan”?
Sagot: KABIHASNAN (pamayanan, pagsulat, ilog, pyramid,
pagsasaka, ceramics)
WQF Diagram
Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na
gagawan ng WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga
panuto sa pagbuo nito:
1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang
maiuugnay sa paksa.
2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong
masagot tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa Bilog “F” (facts). Pabalikan ito
pagkatapos ng Pagnilayan/ Unawain.

C. Pag- uugnay ng mga


halimbawa sa bagong
aralin
(Presentation)

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang mga ideyang pumapasok sa iyong isipan kapag
naririnig ang salitang kabihasnan?
2. Nabibigyang halaga ba sa kasalukuyan ang mga ambag ng
mga sinaunang kabihasnan? Patunayan.
D. Pagtatalakay ng May Alam Ka Ga?
bagong konsepto at Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Isulat ito sa blank
paglalahad ng bago concept map na nakapaskil sa pisara. Pakinggan din ang
ng kasanayan No I ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.
(Modeling)

Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling


pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan

a. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
Mga Batayan ng Kabihasnan
ng bagong kasanayan
Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga gabay na tanong.:
No. 2.
(Guided Practice)
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang
bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang
pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang
aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang
pamayanan?
5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng
mataas na antas ng agham at teknolohiya?

b. Paglilinang sa
Mga Gabay na Tanong:
Kabihasaan
1. Paano nagsimula ang pag-usbong ng kabihasnan?
(Tungo sa Formative
2 . Bakit mahalagang batayan ang kabihasnan sa kasalukuyang
Assessment)
panahon?
(Independent Practice)
Sa Pilipinas, isa sa ipinagmamalaking sistema ng pagsulat ay ang
alibata. May ilang mga paaralan ang nag – aaral nito at ginagamit ang
c. Paglalapat ng aralin sa
sistemang ito sa pagpapangalan ng ilang mga lugar sa Maynila.
pang araw araw na buhay
Bilang isang Pilipino, sang – ayon ka ba na isama sa kurikulum ang
(Application/Valuing)
pag – aralan ng alibata? Ipaliwanag

d. Paglalahat ng Aralin Dugtungan Tayo!


(Generalization)
Nakaapekto ang kabihasnan sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa
pamamagitan ng _____________________

e. Pagtataya ng Aralin Isulat ang salitang KABIHASNAN kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at SINAUNA naman kung mali.
1. Sumasamba ang mga sinaunang tao sa iisang diyos. SINAUNA
2. May aktibong kalakalan ang mga sinaunang tao sa ibang karatig
luagr. KABIHASNAN
3. Nasa ilalim ng pamumuno ng pari ang isang lungsod estado.
SINAUNA
4. Ang mga pamayanan sa mga lambak-ilog ang naging sentro ng
kabihasnan. KABIHASNAN
5. May sistema na ng pagsulat ang mga sinaunang tao.
KABIHASNAN
Kasunduan
f. Karagdagang gawain Sagutan ang tanong sa notbuk.
para sa takdang 1. Ano ang mahalagang bagay na naunawaan mo sa kabihasnan?
aralin(Assignment) Ipaliwanag.

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag –
aaral na nakakuha ng
80% ng pagtataya
B. Bilang ng mag –
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag – aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag –
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punongguro at
supervisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like