You are on page 1of 8

UNANG PAGPAPAKITANG TURO SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pang- araw-araw na Tala sa Pagtuturo sa Grade 8- KASAYSAYAN NG DAIGDIG


(Daily Lesson Log DepEd Order No. 42, s2015)

Paaralan: RNCHS Grade VIII-


K to 12 Guro: Gng. Russel M. Abog AP8- Kasaysayan ng Daigdig
DAILY LESSON LOG Petsa: Hulyo 11, 2019 Unang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Ang mga mag-aaral ay

naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang


kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang
kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay

nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga


at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
(Learning Competency) Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
(AP8HSK-If-6)

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay.


D. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naisa-isa ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga
sinaunang tao.
2. Nasusuri ang mga katangian ng mga yugto ng pag-unlad ng
kultura ng mga sinaunang tao.
3. Nagbibigyang halaga ang mga mahahalagang kontribusyon
o ambag ng mga sinaunang tao.
Aralin 2: ANG MGA SINAUNANG TAO
II. NILALAMAN PAKSA: Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

III. KAGAMITANG PANTURO Kompyuter, Manila paper, cartolina, pentel pen, mga larawan, meta strips
LCD, yeso at pisara
A. Sanggunian .
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa kagamitang LM: KASAYSAYAN NG DAIGDIG pahina 39-44
pang-mag-aaral
3. Mga Pahina saTeksbuks Pahina 39-44
4. Karagdagang kagamitan mula www.slideshare.net/mobile/VIXII/mga-yugto-ng-pag-unlad
sa portal learning resource

IV. PAMAMARAAN
GAWAIN: HULA-RAWAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin

Page 1 of 8
TANONG: Ayon sa mga larawang ipinakita, anu ang mga saklaw
heograpiyang pantao?

GAWAIN: HUGOT BOX CHALLENGE!


B. Paghahabi sa layunin
PANUTO: Pumili ng isang hugot ang bawat pangkat. Sabay- sabay na
bubuksan ng bawat pangkat ang kahon na naglalaman ng mga
kagamitan.
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang
panahon. Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y
makatutulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Dapat ba akong ngumiti dahil Ang pag-ibig ay parang kalikasan


ito ay nawawala kapag binabalewala
magkaibigan tayo? O Dapat
akong malungkot dahil
hanggang dun lang tayo?

Kalma lang may magandang Huwag mo na lagyan ng yelo ang


plano ang Panginoon sa tubig ko, baka lumamig na kasing
buhay mo. lamig mo.

Ang LDR ba ay mahal mo siya?


Pero siya ay malayong mahalin ka?

Page 2 of 8
PamprosesongTanong:

1. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?


2. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang
bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.
3. May kaugnayan ba sa ating paksang tatalakayin ang mga bagay na
ito?
4. May ideya ba kayo kung ano ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura
ng mga sinaunang tao?
4. Sa inyong palagay ano kaya ang magiging paksang aralin sa umagang
ito?

(Ipakita ang mga layunin na dapat maisagawa at makamit pagkatapos ng


talakayan)

Bakit mahalagang matutunan ang mga


yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga
sinaunang tao at mga ambag nito?

GAWAIN: SNAPSHOT MEMORIES


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin

Pamprosesong Tanong:

1. Anu-ano ang nakita nyo sa mga larawan?


2. Buhat sa mga larawan, paano kaya umunlad ang kultura o pamumuhay
mga sinaunang tao?

GAWAIN 3: CHEMICAL BONDING TECHNIQUE


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan#1 Pangkatin sa tatlong grupo ang klase. Bawat pangkat ay tumbasan ng tamang
letra ang ang numerong nakasulat sa bawat molecule upang mabuo ang
salita. Paunahan ang grupo sa pagbuo.

Page 3 of 8
( Ipapakita sa klase ang rubrics sa gawain)

UNANG PANGKAT:

P A L E O L I T I K O
16 1 12 5 15 12 9 20 9 11 15

N E O L I T I K O
14 5 15 12 9 20 9 11 15

M E T A L
14 5 20 1 12

Tanong:
1. Anu-anong mga salita ang inyong nabuo?

YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG MGA


SINAUNANG TAO

PANAHONG PANAHONG PANAHON


PALEOLITIKO NEOLITIKO NG METAL

Page 4 of 8
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at PANGKATANG GAWAIN: MESSAGE IN A BOTTLE
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Panuto: Ang bawat pangkat ay
Pamantayan sa Pagmamarka
magpapakita ng kanilang mga galing o
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
talento na magsusuri sa bawat yugto ng
puntos
pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang
Angkop sa paksa tao.
Paksa ang ipinakitang 50
presentasyon ng
pangkat UNANG PANGKAT- JINGLE- Panahong
Presentasyon Maayos at malinis Paleolitiko
ang presentasyon. 25 IKALAWANG PANGKAT- TALKSHOW-
Lahat ay may Panahong Neolitiko
Kooperasyon ginagampanang IKATLONG PANGKAT- TULA- Panahon ng
papel sa 25 Metal
IKAAPAT NA PANGKAT-
pagsagawa ng
NEWSCASTING- Ambag ng bawat yugto ng
aktibiti. pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao

PAMPROSESONG TANONG:
1. Batay sa ipinakita ng bawat grupo, paano niyo ilarawan ang paraan ng
pamumuhay ng sinaunang tao sa panahong paleolitiko?
2. Sa panahong Neolitiko, paaano naman umunlad ang kultura at
pamumuhay ng mga tao noon?
2. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa
mga kasangkapan, kabuhayan, sa panahon ng metal?
3. Gaano kahalaga ang mga naging ambag ng mga sinaunang tao sa
kasalukuyang panahon?

I- TWEET MO!
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa PAMPROSESONG TANONG:
Formative Assessment/Pagninilay
1. Bakit mahalagang pag-aralan o matutunan ninyo ang yugto ng pag-unlad
ng kultura ng mga sinaunang tao at ambag nito?
2. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang
panahon?
3. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng
mga tao?
4. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang mga nagawa ng
mga sinaunang tao? Pangatuwiranan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- GAWAIN: EMOJI HASHTAG


araw na gawain.
PANUTO: Sa mga ibinigay na emoji sa bawat pangkat, isulat ninyo ang
isang hashtag
na maglalarawan kung paano nakakatulong sa iyo bilang mag-aaral ang
ambag ng mga sinaunang tao.

H. Paglalahat ng aralin. GAWAIN: PHOTO-SURI

Page 5 of 8
Tanong: Batay sa mga larawan ng mga kagamitang ito,maaari ko bang
malaman sa klase kung sino ang makapagbabahagi ng kanyang mga
natutunan sa ating aralin?

I. Pagtataya ng aralin PANUTO:Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Titik lamang ng


tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Sa aling yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao.natuklasan ang apoy?


a. Metal c. Paleolitiko
b. Bakal d. Neolitiko

2. Sa aling panahon naman naganap ang sistema ng pagtatanim?

a. Paleolitiko c. Metal
b.Neolitiko d. Tanso

3. Sa panahong ito natutunan ng mga sinaunang tao ang pakikipagkalakan at


paggawa ng mga kagamitang yari sa bakal?

a. Paleolitiko c. Metal
b.Neolitiko d. Tanso

4. Paano pinahahalagahan sa kasalukuyang panahon ang ambag ng sinaunang


tao?

a. Pagbabalewala sa mga naging ambag ng sinaunang tao dahil mababa


lamang ang kalidad ng kanilang mga nagawang kagamitan.
b. Patuloy na tinatangkilik sa kasalukuyang panahon ang mga ambag ng mga
sinaunang tao.
c. Patuloy na paglinang ng tao sa mga kagamitan naging ambag ng
sinaunang tao.
d. b at c

5. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkasunud-sunod ng prosesong


naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?

I. Agrikultura III. Labis na pagkain


II. Kalakalan IV. Pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III


B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV
GABAY SA PAGWAWASTO
1. C
2. B
3. C
4. D
5. A

Page 6 of 8
J. Karagdagang Gawain para sa Gumawa ng mini portfolio na naglalaman ng mga ambag at kahalagahan ng
takdang aralin at remediation bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

( Ilalahad sa klase ang rubrics sa paggawa ng mini portfolio)

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong baa ng remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na
nagpatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


panturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito Nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking puong guro at superbisor?
F. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa aking kapwa
guro?

Inihanda ni:

RUSSEL M. ABOG
Teacher I

Inobserbahan ni:

MERYLEN O. RODRIGUEZ
Head Teacher III- A.P

PANGALAN: _____________________________________________________ ISKOR: ___________________________


Page 7 of 8
PANUTO:Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

__________________1. Sa aling yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao natuklasan ang apoy?


a. Metal c. Paleolitiko
b. Bakal d. Neolitiko

__________________2. Sa aling panahon naman naganap ang sistema ng pagtatanim?

a. Paleolitiko c. Metal
b.Neolitiko d. Tanso

__________________3. Sa panahong ito natutunan ng mga sinaunang tao ang pakikipagkalakan at paggawa ng mga kagamitang yari sa
bakal?

a. Paleolitiko c. Metal
b.Neolitiko d. Tanso

_________________4. Paano pinahahalagahan sa kasalukuyang panahon ang ambag ng sinaunang tao?

a. Pagbabalewala sa mga naging ambag ng sinaunang tao dahil mababa lamang ang kalidad ng kanilang mga nagawang kagamitan.
b. Patuloy na tinatangkilik sa kasalukuyang panahon ang mga ambag ng mga sinaunang tao.
c. Patuloy na paglinang ng tao sa mga kagamitan naging ambag ng sinaunang tao.
d. b at c

________________5. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkasunud-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong
Prehistorya?

I. Agrikultura III. Labis na pagkain


II. Kalakalan IV. Pangangaso

a. IV, I, III, II c. IV, I, II, III


b. II, I, IV, III d. I, II, III, IV

PANGALAN: _____________________________________________________ ISKOR: ___________________________

PANUTO:Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

__________________1. Sa aling yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao.natuklasan ang apoy?


a. Metal c. Paleolitiko
b. Bakal d. Neolitiko

__________________2. Sa aling panahon naman naganap ang sistema ng pagtatanim?

a. Paleolitiko c. Metal
b.Neolitiko d. Tanso

__________________3. Sa panahong ito natutunan ng mga sinaunang tao ang pakikipagkalakan at paggawa ng mga kagamitang yari sa
bakal?

a. Paleolitiko c. Metal
b.Neolitiko d. Tanso

_________________4. Paano pinahahalagahan sa kasalukuyang panahon ang ambag ng sinaunang tao?

a. Pagbabalewala sa mga naging ambag ng sinaunang tao dahil mababa lamang ang kalidad ng kanilang mga nagawang kagamitan.
b. Patuloy na tinatangkilik sa kasalukuyang panahon ang mga ambag ng mga sinaunang tao.
c. Patuloy na paglinang ng tao sa mga kagamitan naging ambag ng sinaunang tao.
d. b at c

________________5. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkasunud-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong
Prehistorya?

III. Agrikultura III. Labis na pagkain


IV. Kalakalan IV. Pangangaso

c. IV, I, III, II c. IV, I, II, III


d. II, I, IV, III d. I, II, III, IV

Page 8 of 8

You might also like