You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

BARAS NATIONAL HIGH SCHOOL


Baras, Rizal

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan G8 - Kasaysayan ng Daigdig

Baitang at Pangkat Petsa Oras Yugto ng Pagkatuto Araw


Jacinto June 6, 2019 12:20-1:10 Paunlarin 1
Rizal June 6, 2019 1:10- 2:00 Paunlarin 1
Mabini June 6, 2019 4:50-5:40 Paunlarin 1
Bonifacio June 6, 2019 5:40-6:30 Paunlarin 1

I. LAYUNIN : Nasusuri ang katangiang Pisikal ng Daigdig. AP8HSK-Ia-1

1.1 Naiisa-isa ang limang temang pang heograpiya na may malaking bahaging ginampanan sa
paghubog ng pamumuhay ng mga sinaunang tao.

1.2 Naipaliliwanag ang limang temang ng heograpiya bilang kasangkapan sa pag-unawa ng


daigdig.

II. NILALAMAN:

A.Paksa: Heograpiya ng Daigdig Limang Tema ng Heograpiya


B.Sanggunian: Blando, Rosemarie C. et.al Kasaysayan ng Daigdig LM p. 12 - 13
C. kagamitan: Mga larawan (4 pics one word), tsart (flower web), Diyagram, flash cards
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak: 4 pics one word
a. Gamitin bilang “clue” ang apat na magkakaibang larawang may kaugnayan sa mahalagang
terminong tinutukoy.
b. Magbahagi ng mga ideya batay sa ipinapakita ng mga larawan at ang kaugnayan nito sa
nabuong termino.

H _ ___A___A
B.Paglinang ng Aralin: Constructivism Approach/Collaborative Approach

Gawain 1: Basa-Unawa: Basahin at unawain ang teksto gayundin ang diyagram tungkol sa Limang
tema ng Heograpiya. LM p. 12 – 13 (3 minuto)
2.1 Tema – Puno – Buo: Pagbuo ng Diyagram sa pisara gamit ang mahahalagang Datos
tungkol sa Limang tema ng Heograpiya.
a. Tatawag ng tig dalawang mag-aaral mula sa mga pangkat ng lalaki at babae at ibibigay ng
guro ang mga nakahandang datos para sa diyagram.
b. Mag-uunahan ang mga mag-aaral sa inilaang tsart ng guro upang idikit ang mga flash cards
ng akmang kasagutan sa diyagram.
c. Ipasulat sa iba pang mga mag-aaral ang iba pang mga ideya na bubuo sa konsepto.

Diyagram: Limang Tema ng Heograpiya)


Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang REHIYON
taglay ng kanyang kinaroroonan.
LOKASYON

Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa


PAGGALAW
isang pook.
Limang Tema ng Heograpiya

_____________: Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga


lugar sa daigdig.

Lugar : __________________________________

________________________________________.

______________: Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng


magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.

Interaksiyon ng tao at kapaligiran:


_________________________________________________
__________________________________.

________________: Ang paglipat ng tao mula sa


kinagisnang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga
bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.

2.2 Pamprosesong Tanong: Mula sa paksang natalakay.


a. Anu-ano ang saklaw ng heograpiya? Anu-ano ang limang tema nito?
b. Ipaliwanag ang uganayan ng limang tema ng heograpiya tungo sa
pagkaunawa ng kapaligirang pisikal ng isang bansa o pook at ang bahaging ginampanan
nito mula pa noong sinaunang panahon.

C. Paglalahat:
Pagbibigay ng kabuuang konsepto ng mga mag-aaral batay sa
natalakay. Isulat ang inaasahang sagot mula sa mga gabay na tanong na tutugon sa kabuuang
ideya ng paksang tinalakay. (maaaring magbigay ng mga karagdagang pantulong na ideya ang guro
at mag-aaral)

Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon. Ang
kabuuang saklaw nito tulad ng mga anyong lupa, tubig, likas na yaman, klima at panahon gayundin ang
mga temang tiyak na nagdikta ng katangiang pisikal ng pook ay tuwirang nakaimpluwensiya sa paghubog
ng pamumuhay ng mga tao.

D. Paglalapat: (localization/contextualization)
1. Nakatulong ba ang mga tema ng heograpiya sa iyong pag-unawa sa
Heograpiya ng isang pook at sa bahaging ginampanan nito sa pamumuhay ng mga tao?
2. Sa Bansang Pilipinas magbigay ng mga aktibong kabuhayan ng mga
pilipino na ayon sa tinataglay nitong katangiang pang heograpiya. Bigyang katwiran ang
iyong sagot.

E. Pagpapahalaga:

Sa inyong sariling opinyon, sa paanong paraan ninyo maipapakita ang inyong pagpapahalaga
sa mga katangiang pisikal ng ating bansa o pook at ang bahaging ginampanan nito mula pa noong
sinaunang panahon? Ipaliwanag ang sagot.

IV.Pagtataya:
Panuto: Suriin ang mga tala at punan ng tamang sagot ang bawat patlang tungkol sa limang temang
pang heograpiya.
1. Ang __________ ay Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig, maaring sa eksaktong
kinaroroonan ng isang lugar o may relatibong batayan tulad ng anyong lupa at tubig, at mga
estrukturang gawa ng tao.
2. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural ang _____.
3. Ito ay ang paglipat ng tao sa kinagisnang lugar kung saan may tatlong uri ng distansiya ang
sinasabing pook o lugar tulad ng linear, time at psychological. _________________________
4. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook na may
dalawang pamamaraan sa pagtukoy.
5. Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan ay tumutukoy sa
tema na tinatawag na_______.

Sagot:
1. Lokasyon
2.Rehiyon
3.Paggalaw
4.Lugar
5.Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran

V. KASUNDUAN:
1. Sagutan ang gawain 3 sa LM pahina 14 – Tukoy-Tema-Aplikasyon Punan ang flower chart mula sa
mga impormasyon na may kinalaman sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao sa kapaligiran at
paggalaw.
2. Ano ang solar system? Nasaan ang planetang daigdig sa solar system?
3. Iguhit o ipakita sa inyong kwaderno ang ilustrasyon ng posisyon o kinaroroonan ng daigdig sa solar
system.
4. Pag-aralan ang diyagram 1.3 sa pahina 16 ng LM na may kaugnayan saEstruktura ng daigdig at ang
talahanayan 1.1 sa pahina 17 tungkol sa mahahalagang datos ng Daigdig.

A. Bilang ng mga mag- aaral na nakakuha ng Bilang ng Rizal Bonifacio Jacinto Mabini
80% sa pagtataya Nakakuha
5
4
3
2
1
0
Kabuuan
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang Gawain pra sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa aralain?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang panturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro.

Inihanda ni:

Gng. Angelique R. Hercia

Sinuri ni: Binigyang pansin ni:

Gng. Elma Estalilla Gng. Noralyn I. Carigo

You might also like