You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig


Enero 15, 2020

I. Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
a. Nakapagpapahayag ng maliwanag sa kung paano nagsimula ang unang digmaang
pandaigdig.
b. Napapahalagahan ang pakikipagkapwa-tao upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
c. Nakakalahok ang mga mag-aaral sa mga Gawain sa klase.

II. Nilalaman
a. Paksa: Kaganapan ng Unang Digmaang Pandigdig
Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig
b. Kagamitan: laptop, PowerPoint slides.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagtatala ng liban
4. Pagbabalik tanaw/Pagganyak
 Magbigay ng 15 items na pagsusulit tungkol sa napag-aralang sanhi ng
unang digmaang pandaigdig
1-4: Ano ang apat na naging sanhi ng unang digmaang pandaigdig?
5-7: Tatlong makapangyarihang bansa na bumubuo ng Triple Alliance
8-10: Tatlong makapangyarihang bansa na bumubuo ng Triple Entente
9: Sino ang tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na pinatay ng
rebeldeng Serbian?
10: Ilang taon, buwan at lingo tumagal ang unang digmaang pandaigdig?

B. Paglalahad
1. Ano-ano nga ba ang mga nangyari sa pagsiklab ng Unang Digmaang pandaigdig?
2. Anong mga bansa ang nasakop o lumaya noong Unang Digmaang Pandaigdig?

C. Pagsasanay
1. Igrupo sa dalawahan ang mga mga-aaral at hikayating ipaliwanag ang mga handa
nilang gawin para sa kanilang kaibigan o kapwa mag-aaral sa sitwasyon na
nabanggit. Ipasulat ito sa kalahating papel at bigyan sila ng 5 minuto para sa
paghahanda na ipresenta ito sa klase.
Rubrics: Linaw ng salita - 5 puntos
Tukma ng mensahe - 5 puntos
Kabuuan - 10 puntos

Sitwasyon: Nakita mong binu-bully ang iyong klasmeyt o kaibigan ng apat na


magbabarkada at nag-iisa ka lang, ano ang iyong gagawin?
IV. Pagtataya/Paglalapat
Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa
pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra.

V. Kasunduan
1. Maghanda sa susunod na talakayan

Inihanda ni:
Rizzalie A. Lonesto

Iniwasto ni:
Gng. Arlinda Macarayan

You might also like