You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Ikaapat na Markahan: Ang Kontemporaryong Daigdig (ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan): Mga
Suliranin at Hamon tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagtutulungan at Kaunlaran
Aralin Bilang 23

PETSA ORAS SEKSYON

I. LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan
A. Pamantayang ng pakikipagugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong
Pangnilalaman daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan at kaunlaran
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain,
B. Pamantayan sa programa, proyekto sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong
Pagganap ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan
at kaunlaran
C. Kasanayan sa Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at ng Neo-
Pagkatuto kolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
AP8AKD-IVi-10

1. Nabibigyang kahulugan ang salitang neokolonyalismo


2. Natutukoy ang mga uri ng neokolonyalismo
3. Nakapagbibigay ng saloobin hinggil sa pagpapatupad ng
neokolonyalismo
Mga Ideolohiya, Cold War, at Neokolonyalismo
II. NILALAMAN  Neokolonyalismo
 Uri ng Neokolonyalismo
L.M. Pahina 514-517, EASE AP III Modyul 19-20, Open High
School. Modyul 19-20, Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III.
III. KAGAMITANG
2000. pp. 277- 288, Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III.
PANTURO
2012. pp. 348-
A. Sanggunian
362, Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro) III. 2012. pp. 157-
167
B. Iba pang
LM, DLP, laptop, kartolina, pencil, coloring materials
Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik Aral sa mga CHANGING PARTNERS
unang natutuhan Sa loob ng dalawang minuto, aatasan ang mga mag-aaral na bigyan ng
panibagong karugtong na salita ang COLD at WAR batay sa
nagdaang talakayan tungkol sa Cold War. Matapos nito, ay ilalahad
ang mga salitang naisip sa klase.
Halimbawa:
Cold FRIENDSHIP
UNENDING War
(Literacy)
B. Paghahabi sa layunin FLAG QUIZ!
ng aralin Tukuyin ang mga bansang ipinakikilala sa larawan sa tulong ng mga
(Pagganyak) bandila.
1.Canada

https://tinyurl.com/y7bbmgze

2. Italy

https://tinyurl.com/y895uwiq
3. Germany

https://tinyurl.com/y7bzl97q
4. Japan

https://tinyurl.com/yacd45xn
5. U.S.A

https://tinyurl.com/YARGCYo9

6. France

https://tinyurl.com/ycfghpsf

7. United Kingdom

https://tinyurl.com/yd46s925

1. Pamilyar ka ba sa mga watawat na ito?


2. Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bansang
nagmamay-ari ng mga bandila?
C. Pag- uugnay ng mga BILI TAYO!
halimbawa sa bagong Suriin ang mga produktong tinda ni Juan de la Cruz. Alin sa mga ito
aralin (Presentation) ang bibilhin mo?

1. Kung ikaw ay nasa supermarket at kailangan mong mamili ng


limang produkto sa halagang Php 200 na nasa tindahan ni Juan de
la Cruz, aling mga produkto ang iyong bibilhin? (Numeracy)
2. Bakit ito ang mga produktong iyong napiling bilhin?
Pangatuwiranan.
3. Kung ang iyong prioridad ay pagkain, magkano ang sa iyong
palagay ay iyong pinakamahal na magagastos nang hindi lampas sa
iyong budget? (Integrasyon sa Ekonomiks – Pagbabadyet)

Isulat sa kasunod na talahanayan ang iyong sagot.

1. Batay sa ginawang aktibiti, ano ang kahulugan ng


neokolonyalismo?
2. Tapos na ba ang kabanata ng neo-kolonyalismo o napalitan
lamang ito ng tinatawag na kolonyalismo? Pangatuwiranan.
D. Pagtatalakay ng GRAPHIC ORGANIZER
bagong konsepto at Magkakaroon ng tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay pupunan ang
paglalahad ng bagong graphic organizer sa ibaba. Aatasan din silang pumili ng nais na
kasanayan No.1 estratehiya sa pag-uulat.
(Modeling)

Pamantayan ng Pagmamarka ng Output


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Nakapaloob sa graphic organizer ang 10
angkop na impormasyon tungkol sa
neokolonyalismo
Pag-uulat Mahusay na naipaliwanag ang ginawang 5
graphic organizer
Iba pang Nakapaglalahad ng iba pang datos na 5
impormasyon may kaugnayan sa neokolonyalismo
Kabuuan 20

E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at 1. Ano ang iyong ideya sa salitang neokolonyalismo? Bakit kaya
paglalahad ng bagong nagkakaroon nito?
kasanayan No. 2 2. Ano ang mga uri ng neokolonyalismo?
(Guided Practice) 3. Ayon sa Pilosopiya, ang isa sa mga kilalang teorya na umusbong sa
Neokolonyalismo ay ang Dependency Theory na nagsasabing ang
mataas na pag-asa sa makapangyarihang bansa ay nakakasama.
Sumasang-ayon ka ba na ang Pilipinas ay kabilang sa mga
bansang umaasa sa makapangyarihang bansa? (Integrasyon sa
Pilisopiya-Interdisciplinary)
4. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga patakaran at
impluwensiyang ipinatupad ng mga makapangyarihang bansa sa
mga bansang kontrolado nito? Ipaliwanag ang sagot.
5. Paano naaapektuhan ng patakarang ito ang ekonomiya ng mga
bansang papaunlad pa lamang?

F. Paglilinang sa
Kabihasaan 1. Paano nagsimula ang kaisipang kolonyal ng mga Pilipino?
(Tungo sa Formative 2. Masasabi mo bang napabuti ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon
Assessment) dahil sa neokolonyalismo? Pangatuwiranan.
(Independent Practice)
G. Paglalapat ng aralin sa NEO-CHECKERS
pang araw-araw na Dapat bang tanggapin ang mga sumusunod, na mula sa mayamang
buhay bansa?
(Application/Valuing Lagyan ng tsek ang angkop na kahon.
)
DAPAT HINDI DAPAT
a) Madalas na pag-utang
b) Musika at pelikulang
dayuhan
c) Produktong Dayuhan
d) Tulong teknikal
e) Wikang dayuhan

1. Kailan naging mali ang pagtanggap nito? Paano ito maiwawasto?


2. Bilang Pilipino,ano ang iyong damdamin sa neo-kolonyalismong
gawain ng mga kanluranin sa bansa?
H. Paglalahat ng Aralin COMPLETE IT!
(Generalization) Kunpletuhin ang pangungusap sa ibaba.

Ang neokolonyalismo
ay______________________________________________________
________________________________________________________
___.
Ang neokolonyalismo ay may dalawang uri:
________________________________________________________
________________________________________________________
__.
Posibleng Sagot:
Ang neo-kolonyalismo ay isang anyo ng pananakop ng mga
mayayaman at makapangyarihang bansa. Ito ay hindi tuwirang
pananakop.
Ang neo-kolonyalismo ay may dalawang uri: ang ekonomiko at
kultural. Ang una ay sa pamamagitan ng mga tulong at pautang na
ipinagkaloob sa isang mahirap na bansa. At ang kultural ay binubuo
ng mga awit, palabas, babasahin at iba pa na ipinagkakaloob ng mga
dayuhan sa isang bansa.
I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung anong uri ng neokolonyalismo ang ipinahihiwatig ng
mga sumusunod:

1. Nababago ang pinahahalagahan ng mga mamamayan ng


tinutulungang bansa sa pananamit,babasahin at pag uugali.
(Pangkultura)
2. Gumagawa ng paraan ang mga mayayamang bansa upang guluhin
ang pamahalaan ng mahirap na bansa . (Lihim na Pagkilos)
3. Pagtulong sa larangan ng pang-ekonomiya,pangkultura at pang
militar ng mga Neokolonyalista. (Dayuhang Tulong)
4. Pagpapautang ng IMF at World Bank. (Dayuhang Pautang)
5. Pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng isang bansa. (Pang-ekonomiya)
J. Karagdagang gawain 1. Ano ang mga epekto ng neokolonyalismo?
para sa takdang-
aralin (Assignment) Sanggunian: LM.pahina 517
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag- aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial?
Bilang ng mag aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiya ng
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like