You are on page 1of 3

Ika-apat na Markahan

Yunit 4: Ang Kontemporaryong Daigdig: Mga Suliranin at Hamon Tungo sa


Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa,Pagtutulungan at Kaunlaran.
Aralin 12: Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
I. Mga Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mga aaral ay may pag unawa sa kahalagahan ng Pag aaral ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig patungo sa pagkakaroon ng mga bansang nagkakaisa
patungo sa kapayapaan.

B. Pamantayan Pangganap :

Nakagagawa ng Pananaliksik tungkol sa mga naging negatibo at positibong resulta


ng ikalawang digmaang pandaigdig gayun din ang usaping pangkapayapaan at
pagkabuo ng internasyonal na organisayon.

C. Pamantayan Pagkatuto:

Nasusuri ang mahahalagabg pangyayari sa ikalawang digmaang pandaigdig


(AP8AKD-IVf-6)

Layunin

1. Naibibigay ang kahulugan ng Postdam Decalaration, United Nations at


Kapayapaang Pandaigdaig.

2. Naipapaliwanang ang resulta ng ikalawang digmaang pandaigdig at kahalagahan


ng kapayapaang pandaigdig.

3. Nakagagawa ng slogan na nagpapakita ng kapayapaan ng bawat bansa.

4. Napahahalagahan ang kapayapaan sa buong mundo.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Resulta at Pagkakatatag ng United Nations.

B. Kagamitan: Mga larawan, Cartolina, Manila Paper, Pentelpen, Papel at Ballpen.

C. Mga Sanggunian: Kayamanan “Kasayasayang Pandaigdaig’’ Pah. 355-357

III. Pamamaraan :

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

1. Ano-ano ang bansa na natalo noong ikalawang digmaang pandaigdig? (


“Pilian Larawan” )
(Mga larawan ng bandila ng mga natalo sa digmaan.)
B. Paglinang sa Gawain

1. Paglalahad

Gawain 1- Igrupo sa apat ang buong klase. Magbibigay ang kada


grupo ng kanilang naiisip sa kung ano nga ba ang naging epekto ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Gawain 2 – Buuin ang puzzle ( ang bawat grupo ay dapat mabuo ang
bandila ng United Nations sa loob ng tatlong minuto.)

2. Pagtatalakayan

Bawat grupo ay magbibigay ng kahulugan ng Post Dam Declaration. Ilalahad naman ng


guro ang mga pangunahing resulta ng Pangalawanag digmaang pandaigdig at ang apat
na layunin ng United Nations kaya ito ay nabuo.

Resulta ng World pagpapasabog ng nag-iwan ng malaking Pagkawasak ng tatlong


War II bomba atomica sa gastos at pinsala imperyong Aleman ni
Nagasaki at Hiroshima Hitler.
sa japan. n a g - i w a n n g m a l a k i n g

g a s t o s a t p i n s a l a

Imperyong Italyano ni At imperyong hapones


Mussollini ni Hirohito.

Paghahangad ng mga
Pagkakatatag ng U.N
bansa ng kapayapaan.

3. Paglalahat

Gawain 3 - bawat grupo ay may tig-isang layunin ng United Nations na kailangang


maipalawanag ng pipiliing mag-aaral ng guro. (Conference)

Panatilihin ang
pandaigdigang
kapayapaan at
katiwasayan.

Makipag tulungan sa paglutas ng


Pagyamanin ang maayos na mga pandaigdig na suliraning
pagsasamahan ng mga pangkabuhayan,panlipunan,pang
kalinangan at sa pagtataguyod ng
bansa batay sa pantay mga karapatang pantao at
pantay na karapatan. pangunahing kalayaan para sa
lahat.

Magsilbing isang sentro para sa


pagsasaayos ng gawain ng mga
bansa upang makamit ang mga
layuning ito.
4. Pagpapahalaga
Paano mo maipapakita ang kapayapaan sa ibang tao na
nanagangailangan ng kapayapaan.

5. Paglalapat
Isakatuparan sa kanya- kanyang sarili, tahanan, paaralan at komunidad
ang kapayapaan.
Isakatapuran ang gawaing pangkapayapaan na sisimulan ng mga mag-
aaral sa mga maliiit na bagay hanggang sa lumaki ang nasasakupan
nito.

6. Pagtataya

Itala ang mga resulta ng World War II sa Graphic Organizer.

1.______________ 2.____________

Mga Resulta ng
World War II

3.______________ 4._____________

5._______________________________________

IV. Karagdagang Gawain.

Basahin ang teksto sa pahina 356-357, mga Tagumpay at Kabiguan ng United


Nations. Gumawa ng Graphic Organizer at isulat kung ano ang Tagumpay at
Kabiguan ng United Nations.

You might also like