You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CITY SCHOOL
Lungsod Naga

MALA- MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8


KASAYSAYAN NG DAIGDIG – ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

I. LAYUNIN:
Sa loob ng 60 na minutong talakayan, 75 bahagdan ng mag-aaral ay inaasahang;

1. Natutukoy ang mga dahilan na nagbigay daan sa ikalawang Digmaang Pandaigdig


2. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa ikalawang Digmaang Pandaigdig;
3. Napapahalagahan ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa ikalawang Digmaang
Pandaigdig;

II. PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. SANGGUNIANG BATIS: Araling Panlipunan :KASAYSAYAN NG DAIGDIG, Modyul ng Mag-
aaral pp.470 – 483
C. KAGAMITANG PANTURO:Pisara at tisa/yeso, siping papel,kagamitang biswal, Laptop
Projector
D. KASANAYANG DAPAT LINANGIN: Pag-unawa, pakikinig, pagsasalita,pagsulat
at kooperasyon.
E. ESTRATEHIYA:4P’s ( Pagganap, Pagtalakay, Pagsasanay at Pagtataya)

III. PAMAMARAAN/ PAGKAKASUNOD NG ARALIN:

A. PANIMULANG GAWAIN
a) Pambungad na Panalangin
b) Pagsasaayos ng upuan
c) Pagbati
d) Pagtatala ng lumiban
e) Balitaan
f) Balik Aral
B. PAGGANAP
Gamit ang estratehiyang Paglalapit sa pamamagitan ng Pagpapakita ng video clip tungkol sa
digmaan

C. PAGTALAKAY
Pagpapasagot sa mga Gawain upang mabatid ang lawak ng dati nang kaalaman ng mga
mag-aaral tungkol sa paksa.
Pangkatin ang klase sa apat na grupo

a) Unang Pangkat -Gamit ang Up the Stairs Timeline tukuyin ang mga dahilan ng
Unang Digmaang Pandaigdig.
b) Ikalawang Pangkat -Gamit ang graphic organizer tukuyin ang mahahalagang
Pangyayari noong ikalawang digmaang Pandaigdig
c) Ikatlong Pangkat – Gamit ang History Frame tukuyin ang mga kaganapang
nagbigay daan sa pagwawakas ng ikalawang Digmaang Pandaigdig
d) Ikaapat na pangkat – sa pamamagitan ng tableau pagpapakita ng epekto ng
ikalawang digmaang pandaigdig.
D. PAGLALAPAT

1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyong isipan?


2. Para sa iyo, ano ang pangkabuuang aral sa naganap na ikalawang Digmaang Pandaigdig?
3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Larangan ng Kabuhayan,
politika at kultura ng mga bansang nasangkot o kabilang sa digmaan.

IV. TAKDANG-ARALIN:
1. Pag-aralan ang Paksang “ Pagpili ng Paksa”

2. Bumuo ng isang komentaryo ayon sa paksang napakinggan.

Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananalisik, pahina 131-144

Inihanda ni:

MELISSA KAREN N. VILEGANO


SHS, Guro sa Filipino

Nabatid ni:

GEMMA O. CORPORAL
Assistant Principal

You might also like