You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN (Kasaysayan)

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga Sanhi at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.
2. Nabibigyang kahalagahan ang pagkakaroon ng Kapayapaan.
3. Nakapapaghihinuha ng mga plano at hakbang sa malawakang kapayaan at pagpigil sa mga
susunod pang simple man o komplikadong digmaan.

II. Nilalaman

A. Paksa:
“Ang mga Sanhi at mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.”
B. Sanggunian:
Kayamanan III, p. 407-423
C. Kagamitan:
LCD, Projector, laptop, Speaker, Larawan, Visual Aids

III. Pamamaraan

A. Pang-araw araw na Gawain


1. Panimulang Panalangin
2. Pagsasaayos ng Silid Aralan
3. Pagtatala ng Liban

B. Pagbabalik-aral
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagbibigay ng mga sanhi at bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig.

C. Motibasyon
Ang mga mag-aaral ay mabibigyang muli ng Gawain na patungkol naman sa mga
pinuno/president ng mga bansang tinaguriang “The Big Four” noong bago mag-umpisa ang
Ikalawang Digmaan.
Ito ay maihahalintulad sa larong “Guessing Game”

D. Pagtalakay sa Paksa
MGA SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
4. Digmaang Sibil sa Spain
5. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)
6. Paglusob sa Czechoslovakia
7. Paglusob ng Germany sa Poland
E. Paglalahat
Sa loob ng 17 minuto, ang mga mag-aaral ay mahahati sa apat (4) na grupo. Ang lider ng
bawat grupo ang siyang bubunot ng bilang ng kanilang grupo. Ang bawat representatib ay
bibigyan lamang ng hanggang isang minuto upang masagot ang namiling tanong. Ang grupong
unang makakakuha ng apat na iskor ang siyang panalo

IV. Ebalwasyon
Tama o Mali
PANUTO: Basahin ng mabuti ang salaysay. Tukuyin kung ito ay sanhi o Bunga. Isulat ang
TAMA kung wasto ang sinasabi at MALI naman kung hindi.
_______________1. Ang Pagkakaroon ng United nation ay bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdigan.
_______________2. Ang pagkakaroon ng demokrasya laban sa mananakop na bansa ay maituturing na
sanhi.
_______________3. Ang Pagbagsak ng lipunan ay maituturing na bunga.
_______________4. Isa sa mga Sanhi ay ang hindi patas na kasunduan sa League of Nations.
_______________5. Naging sanhi ng digmaan ang pagpapalaya sa mga bansa.

V. Takdang Aralin
1. Paano nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Tukuyin ang mga bansang sangkot rito?
3. Isa-isahin ang mga naging bunga nito?

Inihanda ni:

JUSTINE R. ARCALAS
Guro sa Araling Panlipunan

You might also like