You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Alamin ang mga pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig
b. Ibigay ang napaloob sa mga pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig
c. Bigyang halaga ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig

II. Paksang Aralin: Ang Mga Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig


Sanggunian : Modyul ng Guro Pahina 453-455
Kagamitan : Visual Aids at Kopya ng mga mag-aaral

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

-Pagbate-
“Magandang hapon sa lahat. Lahat na ba “Magandang Hapon po Bb.
ang nandito tapos ng kumain ng kanilang Munez.”
pananghalian?” “Opo Ma’am.”

- Panalangin-
(Kukuha ang guro ng mag-aaral na
mangunguna sa panalangin.)
“Amen.” “Amen.”

-Pag aayos ng Upuan-


(Ang mga mag-aaral aayusin ang
kanilang mga upuan.) “Tapos na Ma’am”.

-Pagtatapon ng mga Kalat-


(Ang mga mag-aaral ay itatapon ang
kanilang mga kalat.) “Tapos na Ma’am”.

-Pagtsek kung may mga liban sa


klase o wala -
(Ang guro ay iitsek kung sino ang wala at
nandiyan sa klase.)
(Nagsisimula na ang Guro.) “Present Ma’am”.

-Magbalik tanaw sa Paksang Unang


Naiulat-

“Mahal kung mag-aaral, ano nga ba ang


ating na pag-aralan kahapon?”

(Ang guro ay pipili sa mga nagtataasang (Ang mga mag-aaral ay magsisitaasan


kamay.) ng kamay.)

“Okay! Meredy.” “Ang ating napag-aralan kahapon


Ma’am ay tungkol sa mga Sanhi ng
Unang Digmaang Pandaigdig.”
“Magaling.”
“Anu-ano nga ba ang mga ito?”

(Ang guro ay pipili sa mga nagtataasang (Ang mga mag-aaral ay magsisitaasan


kamay.) ng kamay.)

“Okay! Ritchel.” “Ang mga Sanhi ng Unang Digmaang


Pandaigdig ay ang Nasyonalismo,
Militarismo, at Pagbuo ng mga
Alyansa.”
“Napakahusay.”

1. Pagganyak

Panuto :
“Hahatiin ng guro sa apat na grupo
ang klase at ang bawat grupo ay kailangan
buuin ang mga pinaghahati- hating
larawan. Ang bawat grupo ay may
matatanggap na gantimpala batay sa ma-
kukuhang puntos.”

“Nagkakaunawaan na ba tayo?” “Opo Ma’am”.


“Handa na ba ang lahat?”
“Magsimula na tayo.”

“Batay sa iyong obserbasyon sa mga


larawang binuo ninyo ano ang pumasok sa
inyong isipan?”

(Ang guro ay pipili ng mag-aaral sa (Ang mga mag-aaral ay magsisitaasan


nagtataasang kamay.) ng kamay.)

“Ikaw DG.” “Ma’am batay sa aking abserbasyon sa


larawang binuo namin ito ay mga
larawang nagbubunsod ng digmaan.”
“Napakagandang sagot. Maraming
salamat DG.”

“Maliban sa digmaan may ideya pa ba ang


iba kung ano pa ang ipinahiwatig ng mga
larawang inyong binuo?”
(Ang mga mag-aaral ay magsisitaasan
ng kamay.)

“Ikaw Meredy.” “Ma’am batay sa aking obserbasyon ang


mga larawang aming binuo ay
nagpapahiwatig din ng mga
pangyayari.”

“Tama. Maraming Salamat Meredy.”

“Class, ang paksang tatalakayin natin sa


hapon na ito ay tungkol sa pangyayari sa
Unang Digmaan Pandaigdig.”

“Handa na ba ang lahat para makinig?” “Opo Ma’am.”

B. Paglalahad

“Kung mayroon kayong mga aklat basahin


ang pahina 453-455.”

C. Pagtalakay Sa Aralin

“Pangyayari sa Unang Digmaang


Pandaigdig ”

Narito ang mga pangyayaring nagbunsod


sa Unang Digmaang Pandaigdig:

1. Ang Digmaan sa Kanluran

 Dito naganap ang pinaka mainit na


labanan mula sa Hilagang Belhika
hanggang sa hangganan sa
Switzerland.

2. Ang Digmaan sa Silangan

 Lumusob ang Russia (Germany) sa


pangunguna ni Grand Duke
Nicholas, pamangkin ni Czar
Nicholas II. Ngunit nang dumating
ang saklolo ng Germany , natalo
ang hukbong Russia sa digmaan ng
Tarnenberg. Nag tagumpay ang
hukbong Russia sa Galicia.

3. Ang Digmaan sa Balkan

 Upang makaganti ang Bulgaria sa


pagkakatalo, sumapi ito sa Central
Power noong Oktubre1915, noong
taong 1916, karamihan sa mga
estado ng Balkan ay napasailalim
na ng Central Power.

4. Ang Digmaan sa Karagatan

 Sa unang bahagi ng digmaan ay


nagkasubukan ang mga hukbong
pandagat ng Germany at Great
Britain. Naitaboy ng mga barkong
pandigma ng Gemany mula sa
pitong dagat (Seven Seas) ang
lakas pandagat ng Great Britain.

“Mayroon ba kayong mga katanungan?” “Wala po Ma’am.”

D. Pagtatayak

“Ang gagawin ng guro ay ipapaguhit sa


mga mag-aaral ang Pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaigdig at hahatiin ng guro
sa apat na pangkat ang klase. Ang bawat
pangkat ay may nakalaan na mga
kartolina at dito ito iguguhit.”
“ Ito ay bibigyan ng puntos batay sa
kriterya na ibibigay.”

KRITERYA
Kaayusan ng Gawa 10
Pagtutulungan ng Grupo 10
Kalinawan ng Napaloob 20
40 pts.

“Handa na ba ang lahat?” “Opo Ma’am.”


“Magsimula na.”
(Ang mga mag-aaral ay pupunta sa
kanilang mga grupo.)

E. Paglalahat

“Nasaksihan natin ang presentasyon ng


bawat pangkat at napakinggan natin ang
kanya kanyang explinasyon sa bawat
grupo. Ngayon ating paikliin ang kanilang
mga sinabi sa pagbuo ng konklusyon.”

“Ang pagbunsod ng Unang Digmaang


Pandaigdig ay nagdulot ng matinding
pinsala sa buhay at ari-arian at sadyang
nagbago ang mapa sa Europe dahil sa
digmaan kaya’t nag-iba rin ang
kalagayang pampolitika sa buong
daigdig.”

“Naintindihan?” “ Opo Ma’am.”

“Bakit nga ba mahalaga na malaman natin


ang mga pangyayari sa Unang Digmaang
Pandaigdig?”

“Mahalagang malaman natin ang mga


pangyayari sa Unang Digmaang
Pandaigdig upang may ideya na tayo kung
ano ang nangyari sa unang panahon dahil
kadalasan sa mga kabataan ngayon ay
nakapokus na sa mga gadgets ang
atensyon.” Tama. “ Opo Ma’am.

IV. Pagtataga

Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ito ang tinaguriang pinaka mainit na


labanan noong Unang Digmaang
Pandaigdig?
2. Anong hukbo ang lumusob sa Belhika?
3. Sino ang pamangkin ni Czar Nicholas
II?
4. Kailan sumapi sa Central Power ang
Bulgania?
5. Kailan napasailalim ng Central Power
ang karamihan sa mga estado ng Balkan?
6. Saan nagtagumpay ang hukbong
Russia?
7-10. Ibigay ang mga Pangyayari sa
Unang Digmaang Pandaigdig.

V. Takdang Aralin

Sa kalahating papel(CW) gumawa ng


repleksyon batay sa Pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaigdig.

You might also like