You are on page 1of 13

San Lorenzo School

608 Mayumi St, USPS San Pedro, Laguna


T.P. 2019-20
M. I. Weekly Learning Plan

Name of Teacher Grade(s )and Sections :Grade


10,Bohr,Einstein,Pascal
Ms. Marisol P. Policarpio Subject Area: Araling Panlipunan ( Mga
kontemporaryong Isyu)
Plan for week 1 , 1th Quarter

I. Layunin sa wakas ng Aralin , ang mga mag aaral ay inaasahan na :


A.
Naipapaliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu.
B.
Natutukoy ang ibat-ibang uri ng ng kontemporaryong Isyu.
C.
Nauunawaan ang kahalagahan ng kamalayan at kamulatan sa kontemporaryong isyu.
D.
Nakapagpagpapahayag ng saloobin ukol sa mga kontemporaryong isyu na
kinakaharap ng ating bansa.
E. Nakapagpapakita ng isang presentasyun tungkol sa mga kontempoparyong isyu sa
ating bansa.
II. Paksang – Aralin
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
A. Pagpapakahulugan sa kontemporaryong Isyu
B. Pag-uuri ng Kontempoparyong Isyu
C. Kahalagahan ng kamalayan at kamulatan sa kontemporaryong Isyu.
III. Inaasahang Pagpapahalaga
A. Kritikal na pag-iisip, koperasyon at kolaborasyon , malawak na pag iisip
IV. Mga kagamitan
A. Batayang Aklat : Mga Kontemporaryong Isyu
B. Mga kagamitang Biswal: Mga Larawan , Manila paper
V. M. I. Activities
Multiple Intelligences Activities
Visual- Spatial Pagbibigay kahulugan sa mga ilustrasyon
Intrapersonal Paglikha ng mga Sanaysay
Interpersonal Pagkasali sa mga group discussions,
Brainstorming

VI. Pamamaraan Unang Araw

A. Pagganyak (engage)
a. Nagpapakita ang guro ng mga flashcards na may mgaletrang may kinalaman sa topiko
( mga kontemporaryong isyu)
b. Mula dito ay magtatanong ang guro sa mga mag- aaral kung ano ang ipapahiwatig nga
bawat flascards, at hihikayatin ang mga mag – aaral na magsulat ng mga letrang may
kinalaman sa topiko.
c. Magtatawag ang guro ng mga estudyante upang gamitin ang mga salita sa pagbuo ng
kahulugan ng paksang-aralin
d. Mula sa mga kasagutan ng bata ay bubuo ng isang fact storming web ang guro upang
pag isa- isahin ang mga ideya ng mag-aaral hinggil sa konsepto sa flashcards .
e. Mga importanteng termino na kinakailangang mabigyang pansin o maipaliwanag:
- Kontemporaryo
- Kontemporaryong Isyu
- Uri ng kontemporaryong Isyu
- Kahalagahan ng kamalayan at kamulatan sa kontemporaryong Isyu

B. Presentasyon Ikalawang Araw


1. Pangkatin ang klase sa10 na grupo:
Gumawa ng isang Slogan na may temang “Sama-sama nating solusyanan ang mga
kontemporaryong isyu sa ating lipunan”
2. Ipaskil at ipaulat ang output ng bawat pangkat
3. Isunod ang malayang talakayan
4. Pagkatapos ay bibigyang paliwanag ito ng mga mag-aaral na tatawagin ng guro na siya
rin namang tatawag ng kapwa mag-aaral pagtatapos ng talakayan.
5. Iisaisahin at ibeberipika ng guro ang mga impormasyon hanggang sa makabuo ng
isang mabigat na konsepto tungkol sa mga Kontemporaryong Isyu.

C. Malayang talakayan /Pagsusuri ( Extend)

1. Ano ang nilalaman ng inyong Gawain? Ano ang kaugnayan nito sa ating talakayan

VII. Paglalahat

Ang Kontemporaryo sasalitang English na contemporary at katagang spanish na


contemporaneo , na mula naman sa mga salitang Latin na contemporaries ,
contemporaneous at contemporalis. Pawang mula sa con( na katumbas ng “ kasama sa”) at
tempor at tempus ( na kasing kahulugan ng “panahon” ) ang mga katagang latin na ito. Ibig
sabihin tumutukoy ang mga ito sa kapanahon. Kapag sinabing “Kapanahon “
nangangahulugan ito ng pag-iral sa katulad na panahon o sa loob ng isang henerasyon o
salinlahi . Samakatuwid , sakop ng kapanahon o kontemporaryo hindi lamang ang
kasalukuyang panahon kung hind maging ang malapit na nakalipas o nakaraan .
Samantalang , tumutukoy naman ang kontemporaryong isyu sa kapanahon at
napapanahong paksain o usaping panlipunan lalo na ang mga hamon panlipunang
kinakaharap ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon.Mauuri ang kontemporaryong
isyu ayon sa salik – estruktural ( isyung pangkalikasan , isyung pangkabuhayan , isyung
pangkalipunan, at isyung pangkalinangan ) at sa sakop teriroryal ( isyung local, isyung
national, at isyung international)
VIII. Paglalapat
1. Bakit mahalahang nakabatay sa pag aaral , pagsusuri , at pag unawa sa
kontemporaryong isyu ang pakikilahok sa mga gawaing sibiko at gawaing political?
IX. Pagtataya
Magbigay ng halimbawa ng bawat uri ng kontemporaryong isyu:
Uri ng kontemporaryong isyu Mga halimbawa
Isyung pangkapaligiran a.
b.
Isyung pangkabuhayan a.
b.
Isyung pangkapangyarihan a.
b.
Isyung pangkalipunan a.
b.
Isyung pangkalinangan a.
b.
Isyung pang Lokal a.
b.
Isyung isyung pang Nasyonal a.
b.
Isyng pang International a.
b.

X. Takdang Aralin
a. Pag-aralan ang Konteksto at pagsusuri sa isyung pangkapaligiran (modyul ng mag-
aaral , Mga Kontemporaryong Isyu, pp. 18-20)

Remarks:
Unang Araw

Ikalawang Araw

Ikatlong Araw
San Lorenzo School
608 Mayumi St, USPS San Pedro, Laguna
T.P. 2019-20
M. I. Weekly Learning Plan
Name of Teacher Grade(s )and Sections :10( pascal, Bohr,
Einstein)
Ms. Marisol P. Policarpio Subject Area: Araling Panlipunan ( Mga
Kontemporaryong Isyu)
Plan for week 2 , 1th Quarter

XI. Layunin sa wakas ng Aralin , ang mga mag aaral ay inaasahan na :


a. Natatalakay ang konteksto at lawak ng isyung pangkapaligiran.
b. Nasusuri ang konteksto at pagsusuri sa isyung pangkapaligiran.
c. Nakapagpagpapahayag ng saloobin ukol sa mga konteksto at pagsusuri sa isyung
pangkapaligiran.
d. Nakapagpapakita ng isang presentasyon ukol sa konteksto at pagsusuri sa isyung
pangkapaligiran.

XII. Paksang – Aralin


Mga Isyung Pangkapaligiran
a. Konteksto at Pagsusuri sa Isyung Pangkapaligiran

b. Inaasahang Pagpapahalaga
B. koperasyon at kolaborasyon , malawak na pag iisip
c. Mga kagamitan
C. Batayang Aklat : Araling Asyano
D. Mga kagamitang Biswal: Mga Larawan , Powerpoint presentation
d. M. I. Activities
Multiple Intelligences Activities

Visual- Spatial Pagtutukoy sa mga konteksto at pagsusuri sa


isyung pangkapaligiran

Intrapersonal Paglikha ng mga Journal Entry

Interpersonal Pagkasali sa mga group discussions,


Brainstorming
e. Pamamaraan Unang Araw
D. Pagganyak (engage)
f. Nagpapakita ang guro ng isang video presentation tungkol sa mga kasalukuyang
Isyung Pangkapaligiran.
g. Mula dito ay magtatanong ang guro sa mga mag- aaral kung ano ang ipapahiwatig sa
video presentation.
h. Mula sa mga kasagutan ng bata ay bibigyang emphasis ng guro at pag isa- isahin ang
Konteksto at pagsusuri sa isyung pangkapaligiran .
i. Mga importanteng termino na kinakailangang mabigyang pansin o maipaliwanag:
- Konteksto at pagsusuri sa isyung pangkapaligiran
- Dulot ng ibat-ibang pangyayari sa pagkapinsala ng kalikasan .
- Pagkasira ng kalupaan
- Pagkaubos ng kagubatan
- Pagsasanganib ng likas-kaayusan
- Pagkalipol ng samot-saring yamang-buhay
- Pagkalason ng hangin at atmosperang dulot ng mapanganib sa emission.

E. Presentasyon Ikalawang Araw


6. Hahatiin ang klase sa anim na pangkat :
Panuto:
“Gumawa ng isang jingle tungkol sa mga Isyung Pangkapaligiran “

7. Ipaskil at ipaulat ang output ng bawat pangkat


8. Isunod ang malayang talakayan
9. Pagkatapos ay bibigyang paliwanag ito ng mga mag-aaral na tatawagin ng guro na
siya rin namang tatawag ng kapwa mag-aaral sanpagtatapos ng talakayan.
10. Iisaisahin at ibeberipika ng guro ang mga impormasyon hanggang sa makabuo ng
malaing ideya ukol sa mga Rehiyon ng Asya

F. Malayang talakayan /Pagsusuri ( Extend)


2. Ano ang nilalaman ng inyong Gawain? Ano ang kaugnayan nito sa ating talakayan

f. Paglalahat
Bagamat maaari pang ugatin noong noong huling kalahati ng ika-19 na siglo ang ibat-ibang
isyu ang ibat-ibang isyug pangkapaligiran masasabi nitong huling kalahati lamang ng ika-
20 siglo higit na nararamdaman ang mabilis na pagkasira ng kapaligiran. Ang ganitong
kalakarang pangkalikasan ay maiuugnay sa apat na salik: (1) Malawakang pangangailangan
para sa lupang sakahan , pagmimina, at industriyalisasyon (2) Pag-igting ng pandaigdigang
ng pandaigdigang pamumuhunan para sa malakihang importasyon ng mga hilaw na
sangkop.(3);pagluluwas ng mga pinrosesong produkto para sa malawakang pagkonsumo
at(4) pagsulong ng urbanisasyon , migrasyon , at konsyumerismo sa kontemporaryong
panahon.
Ang labis na tuon sa pagtugon sa mga pangangailangan gamit ang ibat-ibang
pinagkukunang -yaman ang nagdulot ng malalang stress sa likas na kapaligiran lalo’t higit
pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig.Ang pagproseso ng hilaw na sangkap upang gawing
mga produktong panluwas ang nagbibigay-daan sa kagila -gilalas na pagyabong ng
ekonomiya . Kilala sa kasaysayan ang particular na yugtong bilang “Long Boom”o “Post-war
economic Boom”
g. Paglalapat Ikatlong Araw
1. Bakit mahalagang bigyang-pansin ang pag-aaral at pagsusuri sa isyung
Pangkapangyarihan ?
2. Sa iyong palagay , sa anong larangan pinakanakikita ang sanhi ng pagkasira ang mga
likas na yaman ?
3. Pagtataya
I- Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang :
A. Apat na salik ng kalakarang pangkalikasan:
1.
2.
3.
4.
II-(6-10) Paano mo mahihikayat ang iyong kapuwa mag-aaral at kabataan na gampanan
ang kanilang tungkuling makialam upang iligtas mula sa pagkasira ng nalalabing likas-
yaman sa daigdig ?

4. Takdang Aralin
b. Pag-aralan ang mg Sanhi at Sidhi ng suliraning pangkapaligiran (Mga
Kontemporaryong Isyu pp. 21-23)

REMARKS:
Unang Araw

Ikalawang Araw

Ikatlong Araw
San Lorenzo School
608 Mayumi St, USPS San Pedro, Laguna
T.P. 2019-20
M. I. Weekly Learning Plan
Name of Teacher Grade(s )and Sections :10( pascal, Bohr,
Einstein)
Ms. Marisol P. Policarpio Subject Area: Araling Panlipunan ( Mga
Kontemporaryong Isyu)
Plan for week 3 , 1th Quarter

I. Layunin sa wakas ng Aralin , ang mga mag aaral ay inaasahan na :

a. Nasusuri ang sanhi at sidhi ng mga suliraning pangkapaligiran.


b. Nakapagpagpapahayag ng saloobin ukol sa mga sanhi at sidhi ng suliraning
pangkapaligiran.
c. Nakapagpapakita ng isang presentasyon ukol sa mga sanhi at sidhi ng suliraning
pangkapaligiran.

II. Paksang – Aralin


Mga Isyung Pangkapaligiran
a. Sanhi at sidhi ng suliraning pangkapaligiran

III. Inaasahang Pagpapahalaga


C. koperasyon at kolaborasyon, malawak na pag iisip
IV. Mga kagamitan
E. Batayang Aklat : Mga Kontemporaryong Isyu
F. Mga kagamitang Biswal: Mga Larawan , Powerpoint presentation
V. M. I. Activities
Multiple Intelligences Activities

Visual- Spatial Pagtutukoy sa mga Sanhi at sidhi ng suliraning


pangkapiligiran

Intrapersonal Paglikha ng mga Journal Entry

Interpersonal Pagkasali sa mga group discussions,


Brainstorming
VI. Pamamaraan Unang Araw
G. Pagganyak (engage)
j. Nagpapakita ang guro ng isang video presentation tungkol sa mga kasalukuyang
sanhi at sidhi ng suliranin o Isyung Pangkapaligiran.
k. Mula dito ay magtatanong ang guro sa mga mag- aaral kung ano ang ipapahiwatig sa
video presentation.
l. Mula sa mga kasagutan ng bata ay bibigyang emphasis ng guro at pag isa- isahin ang
mga sanhi at sidhi ng suliraning pangkapaligiran.
m. Mga importanteng termino na kinakailangang mabigyang pansin o maipaliwanag:
- Pagkapinsala ng Kalupaan
- Pagkawasak ng mga Ecosystem
- Pagkalipol ng Samo’t saring hayop at halaman
- Pagdumi ng Hangin sa Atmospera

H. Presentasyon Ikalawang Araw


11. Hahatiin ang klase sa anim na pangkat :
Panuto:
“Gumawa ng kampanya tungkol sa mga sahi at sidhi ng suliraning
pangkapaligiran”sa pamagitan ng
Group1 : kanta
Group 2 : Tula
Group 3: Drawing

12. Ipaskil at ipaulat ang output ng bawat pangkat


13. Isunod ang malayang talakayan
14. Pagkatapos ay bibigyang paliwanag ito ng mga mag-aaral na tatawagin ng guro na
siya rin namang tatawag ng kapwa mag-aaral sanpagtatapos ng talakayan.
15. Iisaisahin at ibeberipika ng guro ang mga impormasyon hanggang sa makabuo ng
conkretong ideya tungkol sa mga sanhi at sidhi ng suliraning pangkapaligiran .
I. Malayang talakayan /Pagsusuri ( Extend)
3. Ano ang nilalaman ng inyong Gawain? Ano ang kaugnayan nito sa ating talakayan

VII. Paglalahat
Sa pagkasira ng espasyong terestriyal ekolohikal, biyolohikal , at klimatolohikal ay
umusbong ang mga isyung pangkapaligiran -landslide, erosion , desertification ,
deforestation, extinction , at emission , - na may malaking epekto sa mga batayang
pangangailangan ng tao. May apat na pangunahing larangan kung saan larangan kung saan
makikita ang sidhi ng suliraning pangkapaligiran sa kontemporaryong panahon : (1 )
Pagkapinsala ng kalupaan , naging kapuna –puna ang katibayan ng suliraning
pangkapaligiran sa espasyong terestriyal .Makikita ito sa kapinsalaan ng kalupaan tulad ng
pagguho ng lupa (landslide) , dahan-dahang pagdausdos ng lupa (erosion) , at pagkakaroon
ng mataas na kondensasyon at mababang presipitasyon na nagreresulta sa paglitaw o
paglawak ng mga disyerto (desertification) (2) Pagkawasak ng mga ecosystem,kaugnayan
na dagok sa mga espasyong terestriyal at ekolohikal ang negatibong epekto ng mga gawain
ng tao sa mga ecosystem.(3) Pagkalipol ng samo’t saring yamang-buhay, Ang pagkawala ng
biodiversity ay resulta ng sumusunod na kondisyon (a) pagbabago sa kaayusan ng kanilang
likas na pook -tahanan ( natural habitat), (b) pagkawala ng likas na ugnayan ng samo’t
saring yamang buhay sa loob ng mga ecosystem , at (c) pagbabago sa temperature na may
epekto sa kanilang likas na pakikiangkop para sa pag-iral .(4) Pagkakaroon ng maruming
hangin sa atmospera, Kabilang sa suliraning pangkapaligiran may masidhing epekto sa kon

temporaryong panahon ay ang patuloy na pagdumi ng hangin sa atmospera.


VIII. Paglalapat Ikatlong Araw

A. Sa iyong palagay , sa anong larangan pinakanakikita ang sanhi ng pagkasira ang


mga likas na yaman ?
b. Pagtataya
I-Magbigay ng paglalarawan para sa sumusunod .Sabihin ang kahalagahan ng bawat isa sa
pagsunod ng kamalayang pangkapaligiran.
1. Pagkapinsala ng mga kalupaan
2. Pagkawasak ng Ecosystem
3. Pagkalipol ng Samo’t saring Hayop at halaman
4. Pagdumi ng hangin sa atmospera
5. Magbigay ng sariling pahayag tungkol sa mga solusyon sa mga isyung
pangkapaligiran

c. Takdang Aralin
c. Pag-aralan ang labis na Paggamit, Pagkawasak, at pagkasaid ng likas na yaman (Mga
Kontemporaryong Isyu pp. 23-28)

REMARKS:
Unang Araw

Ikalawang Araw

Ikatlong Araw
San Lorenzo School
608 Mayumi St, USPS San Pedro, Laguna
T.P. 2019-20
M. I. Weekly Learning Plan
Name of Teacher Grade(s )and Sections :10( pascal, Bohr,
Einstein)
Ms. Marisol P. Policarpio Subject Area: Araling Panlipunan ( Mga
Kontemporaryong Isyu)
Plan for week 5 , 1th Quarter

I. Layunin sa wakas ng Aralin , ang mga mag aaral ay inaasahan na :

a. Matatalakay ang labis na paggamit , pagkawasak, at pagkasaid ng mga likas na yaman


b. Matataya ang kalagayan at katayuang pangkapaligiran sa kasalukuyan

c. Nakapagpagpapahayag ng saloobin ukol sa mga epektong naidudulot ng labis na


paggamit , pagkawasak, at pagkasaid ng mga likas na yaman.
d. Nakapagpapakita ng isang presentasyon ukol sa labis na paggamit , pagkawasak, at
pagkasaid ng mga likas na yaman.

II. Paksang – Aralin


A. Mga Isyung Pangkapaligiran
a. Labis na paggamit , pagkawasak, at pagkasaid ng mga likas na yaman

B. Inaasahang Pagpapahalaga
a. koperasyon at kolaborasyon, malawak na pag iisip
C. Mga kagamitan
a. Batayang Aklat : Mga Kontemporaryong Isyu
b. Mga kagamitang Biswal: Mga Larawan , Powerpoint presentation
D. M. I. Activities
Multiple Intelligences Activities

Visual- Spatial Pagtutukoy sa labis na paggamit , pagkawasak,


at pagkasaid ng mga likas na yaman

Intrapersonal Paglikha ng mga Journal Entry

Interpersonal Pagkasali sa mga group discussions,


Brainstorming
III. Pamamaraan Unang Araw
A. Pagganyak (engage)
a. Nagpapakita ang guro ng isang video presentation tungkol sa mga naging epekto
ng labis na paggamit , pagkawasak, at pagkasaid ng mga likas na yaman
b. Mula dito ay magtatanong ang guro sa mga mag- aaral kung ano ang ipapahiwatig
sa video presentation.
c. Mula sa mga kasagutan ng bata ay bibigyang emphasis ng guro at pag isa- isahin
ang mga naging epekto ng labis na paggamit , pagkawasak, at pagkasaid ng mga
likas na yaman.
d. Mga importanteng termino na kinakailangang mabigyang pansin o maipaliwanag:
- Labis na paggamit , pagkawasak, at pagkasaid ng mga likas na yaman
- Pandaigdigang Krisis sa pagkain
- Paglaho ng Natural Habitat
- Pagnipis ng Biodiversity
- Pagbabgo ng Klima at Pag-init ng Daigdig

B. Presentasyon Ikalawang Araw


a. Hahatiin ang klase sa anim na pangkat :
Panuto:
“Gumawa ng Akda tungkol sa labis na paggamit , pagkawasak, at pagkasaid ng mga
likas na yaman.
Group1 : kanta
Group 2 : Tula
Group 3: Drawing

b. Ipaskil at ipaulat ang output ng bawat pangkat


c. Isunod ang malayang talakayan
d. Pagkatapos ay bibigyang paliwanag ito ng mga mag-aaral na tatawagin ng guro na
siya rin namang tatawag ng kapwa mag-aaral sanpagtatapos ng talakayan.
e. Iisaisahin at ibeberipika ng guro ang mga impormasyon hanggang sa makabuo ng
conkretong ideya labis na paggamit,pagkawasak, at pagkasaid ng mga likas na
Yaman.
C. Malayang talakayan /Pagsusuri ( Extend)
1. Ano ang nilalaman ng inyong Gawain? Ano ang kaugnayan nito sa ating talakayan
2. Ano-ano ang mga naidudulot ng labis nga paggamit,pagkawasak at pagkasaid ng
mga likas na yaman?

D. Paglalahat
• Masama ang naging epekto ng labis na paggamit, pagkawasak, at pagkasaid ng likas
na yaman sa daigdig. Mamamalas ang ganitong suliranin sa sumusunod: (1)
Pandaigdigang Krisis A. Mababang kapasidad sa produksiyon
• B.Maling prioridad ng pamahalaan
• (2) Paglaho ng Natural Habitat.a, Pananakahan, Pagmimina, Pagtotroso, Trawling,
Urbanisasyon
Ayon kay William F. Laurance ang mabilis na paglaho ng mga rainforest na
siyang sanhi ng paglaho ng natural habitat ay nakababahala sapagkat ayon sa kanya ,
nasa pagitan ng 60 000 hanggang 130 000 kilometro kuwadrado ng kagubatan ang
nauubos bawat taon.(3) Pagnipis ng Biodiversity (4) Pag-init at pagbabago ng klima ng
daigdig.
E. Paglalapat Ikatlong Araw

B. Sa iyong palagay , sa anong larangan pinakanakikita ang sanhi ng pagkasira ang


mga likas na yaman ?
F. Pagtataya
I_. Sagutan at ipaliwanang ang mga sumusunod:
1-4. Apat na epekto ng labis na paggamit,pagkawasak, at pagkasaid ng likas na
yaman .
5. Ano ang pinaka pangunahing nanganaganib na buhay-ilang sa pilipinas ? At bakit
ito nasadlak sa kanitong sitwasyon?

IV. Takdang Aralin


d. Pag-aralan ang Implikasyon at Hamon sa sangkatauhan (Mga Kontemporaryong
Isyu pp. 26-28)

REMARKS:
Unang Araw

Ikalawang Araw

Ikatlong Araw

You might also like