You are on page 1of 51

Pag-aaral ng mga

Kontemporaryong
Isyu
ARALIN 1
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa
sa sanhi at implikasyon ng mga
hamong pangkapaligiran upang
maging bahagi ng pagtugon na
makapagpapabuti sa pamumuhay
ng tao.
PAMANTAYAN SA
PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng
angkop na plano upang makatulong sa
paglutas sa mga hamong
pangkapaligiran na kinakaharap ng mga
mamamayan.
LEARNING TARGETS
1. Magagawa ko na mabigyang
kahulugan ang konsepto ng
kontemporaryong isyu.
2. Magagawa ko na maipaliwanag ang
konsepto ng kontemporaryong isyu.
LEARNING TARGETS
3. Magagawa ko na masuri ang
kahalagahan ng pagiging mulat sa
mga kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig.
MAPA NG PAGBABAGONG
KONSEPTUWAL
Punan mo ang I na bahagi ng IRF ng
iyong punong kaalaman sa tanong:
“Sa papaanong pamamaraan
mapagpapabuti ang pamumuhay
ng tao sa kanyang kapaligiran?”
Sa papaanong pamamaraan
mapagpapabuti ang pamumuhay ng
tao sa kanyang kapaligiran?
Initial Revised Final
GAWAIN 1: FRAYER MODEL
KAHULUGAN KATANGIAN

Kontemporaryong
Isyu
HALIMBAWA HINDI HALIMBAWA
TALAKAYAN
Ang salitang “kontemporaryo” ay
nangangahulugang kasalukuyang panahon.
Ang salitang “isyu” ay nangangahulugang
mga paksa, tema, o suliraning
nakaaapekto sa lipunan.
TALAKAYAN
Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa
anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa
sa kahit anong larangang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng
mga tao.
MGA KATEGORYA NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Pangkapaligiran
Usapin hinggil sa Global warming, polusyon,
pagkasira ng kapaligiran, pagkawala
suliranin sa: ng mga hayop, halaman at iba pa
MGA KATEGORYA NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Pang-ekonomiya
Suliranin na may kaugnayan sa Kabilang din ang kahirapan, seguridad
paglikha, pagbabahagi at sa pagkain, utang panlabas, pananalapi,
paggamit ng likas na yaman tulong mula sa ibang bansa
MGA KATEGORYA NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Pangkapayapaan at Panseguridad

Ang mithiin sa pagkakaroon ng isang Sa kasalukuyan, nakaamba ang


mapayapa at matiwasay na mundo na
ligtas mula sa sakuna, panganib, alitan,
terorismo, krimen, weapon of mass
kaguluhan destruction, global governance
MGA KATEGORYA NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Kaunlarang Pantao
Antas at kalidad ng buhay ng Kasama rin ang suliranin sa kahirapan, di
pagkakapantay-pantay, diskriminasyon,
tao sa iba’t ibang panig ng kawalan ng karapatang pangkabuhayan at
mundo panlipunan
Paano nga ba matutukoy
kung ang isang usapin ay
kontemporaryong isyu?
MGA KATANGIAN NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Mahalaga at
makabuluhan sa
lipunang ginagalawan
MGA KATANGIAN NG
KONTEMPORARYONG ISYU

May malinaw na epekto o


impluwensiya sa lipunan
o sa mga mamamayan
MGA KATANGIAN NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Nagaganap sa kasalukuyang
panahon o may matinding
epekto o impluwensiya sa
takbo ng kasalukuyang
panahon
MGA KATANGIAN NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Mga temang napag-uusapan


at maaaring may maganda o
positibong impluwensiya o
epekto sa lipunan
SAAN
MAKAKASIPI
NG MGA ISYU? PRINT DIYARYO, MAGAZINE,
MEDIA KOMIKS

VISUAL BALITA, DOCUMETARIES,


MEDIA PELIKULA, DRAMA SA TV

ONLIN
ONLINE BLOGS, WEBSITE,
E FACEBOOK
MEDIA
GAWAIN 2:
ALPHABLOCKS
Mag-isip ng mga kontemporaryong
isyu sa Pilipinas o daigdig. Isulat
mo sa angkop na kahon sa
AlphaBlocks ang isyu ayon sa
unang letra nito.
ABCD EFGH IJKL
Hal.
A
B
Corruption
D

MNOP QRSTU VWXYZ


IBAHAGI MO
1. Nakababahala ba ang mga sitwasyong
itinala ng inyong grupo? Bakit?
2. Paano nireresolbahan ng gobyerno ang
mga isyung ito?
3. Ano ang maaari mong magawa matapos
malaman ang mga isyung ito?
MAPA NG PAGBABAGONG
KONSEPTUWAL
Punan mo ang R na bahagi ng IRF ng
iyong punong kaalaman sa tanong:
“Sa papaanong pamamaraan
mapagpapabuti ang pamumuhay
ng tao sa kanyang kapaligiran?”
Sa papaanong pamamaraan
mapagpapabuti ang pamumuhay ng
tao sa kanyang kapaligiran?
Initial Revised Final
Bakit mahalagang maging
mulat sa mga
kontemporaryong isyu?
GAWAIN 3:
VIDEO
ANALYSIS
Panoorin ang
video: “If I could Conclusion:

change the
world…”
Gawin ang
Ripple Effect.
KAHALAGAHAN NG PAGIGING
MULAT SA MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

1. Yumayabong ang
kaalaman at
katalinuhan bilang
mag-aaral
KAHALAGAHAN NG PAGIGING
MULAT SA MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

2. Nahuhubog ang
pagkatao bilang
responsableng
mamamayan.
KAHALAGAHAN NG PAGIGING
MULAT SA MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

3. Nagkakaroon ng
pagmamalasakit at
pagmamahal sa
bansa.
KAHALAGAHAN NG PAGIGING
MULAT SA MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

4. Mas nagiging
mapagmatyag, matalino
at produktibong
mamamayan.
KAHALAGAHAN NG PAGIGING
MULAT SA MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

5. Nakaaambag sa
paglutas ng mga
suliranin.
KAHALAGAHAN NG PAGIGING
MULAT SA MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

6. Nakatutulong sa
pagkakaroon ng
makabuluhang
pagbabago sa sariling
pamayanan, bansa, o daigdig.
PAGNILAYAN
Ikaw ay bahagi ng masalimuot na
lipunan. Gaano ka kamulat sa mga
kontemporaryong isyu?
Paano mo pa pauunlarin ang iyong
kamalayan sa mga nangyayari sa
paligid?
IKAW BA ‘TO?
Mapagmasid sa mga
nangyayari sa paligid.
IKAW BA ‘TO?
Inaalam ang mga
isyung kinakaharap ng
sariling komunidad.
IKAW BA ‘TO?
Sinusuri kung ano
ang katotohanan sa
opinyon sa mga isyu.
IKAW BA ‘TO?
Nangangalap ng
makatotohanang
ebidensya.
IKAW BA ‘TO?
Nagbabahagi ng
ginagawang pag-aaral
sa mga
kontemporaryong isyu.
MAHAHALAGANG
KAALAMAN
Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo ng
mga katotohanan, kaisipan, at impormasyon
tungkol sa mundo, bansa, gobyerno,
ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring
lokal, at iba pa ay nangangailangan ng
malalim na pagdukal at aktibong
partisipasyon.
MAHAHALAGANG
KAALAMAN
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa
mga kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig ay makakatulong sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng
tao sa kanyang kapwa at lipunang
ginagalawan.
MAPA NG PAGBABAGONG
KONSEPTUWAL
Punan mo ang F na bahagi ng IRF ng
iyong punong kaalaman sa tanong:
“Sa papaanong pamamaraan
mapagpapabuti ang pamumuhay
ng tao sa kanyang kapaligiran?”
Sa papaanong pamamaraan
mapagpapabuti ang pamumuhay ng
tao sa kanyang kapaligiran?
Initial Revised Final
TAKDANG ARALIN:
MAGSALIKSIK!
Gawin sa short bond paper.
Pumili ng isang
kontemporaryong isyu na
nagaganap sa Pilipinas.
TAKDANG ARALIN:
MAGSALIKSIK!
Magsaliksik sa napiling isyu at sagutin
ang mga tanong:
◦ Bakit mahalagang pag-aralan ang
isyung napili?
◦ Sino ang nakikinabang/ napipinsala
ng isyu?
TAKDANG ARALIN:
MAGSALIKSIK!
◦ Paano naapektuhan ng isyung ito ang
kalidad ng buhay ng mga
mamamayan?
◦ Ano ang pakiramdam mo tungkol sa
isyu matapos ang pagsusuri tungkol
dito? Ipaliwanag.
TAKDANG ARALIN:
MAGSALIKSIK!
◦ Ano ang magagawa o dapat
mong gawin tungkol sa isyu?
◦ Paano mo mahihikayat ang
ibang tao na kumilos tungkol
sa isyu?
MAGHANDA!
◦ Maikling Pagsusulit
◦ ½ lengthwise
◦ Aralin 1: Pag-aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu
SAGUTAN.
◦ Linangin
◦ Titik A, p.15
◦ Titik E, p.16

You might also like