You are on page 1of 74

ARALING PANLIPUNAN 10

MGA
KONTEMPORARYONG
ISYU
Isang Oryentasyon
ni ANTONIO V. AMPARADO JR.
MGA LAYUNIN:
•Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong
Isyu;
•Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa
mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig; at
•Nailalahad ang nilalaman ng mga bawat aralin
MAKIKITA MO BA ANG LIPUNAN SA MGA
LARAWAN?
ISYU SA PAGITAN NG MAHIRAP AT
MAYAMAN
NOTE:
Kung mayaman ka, meron kang “allergy”;
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o
“bakokang”.

Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa


“tension at stress”,
Sa mahirap, “sira ang ulo” o “baliw”.

Sa mayamang “malikot ang kamay” ang tawag


ay “kleptomaniac”,
Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o
“kawatan”.
Pag mayaman ka, you’re “eccentric”,
Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o
“may topak” o “may sayad”.

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo,


ikaw ay may “migraine”;
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo
mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”.
Kung mayaman ka, you are referred to as
someone who is “scoliotic”;
Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”.

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag


ay “morena” o “kayumanggi”;
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw
ay “ita” o “negrita” o “baluga” o “tsimay”.
Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay
maliit, ang tawag sa iyo ay “petite”;
Pero kung mahirap ka lang, ikaw ay “pandak”
o “bansot” o “unano” o “jabbar”.

Kung mataba kang socialite, ikaw ay


“pleasingly plump”;
Kapag mahirap ka, ikaw ay “tabatsoy” o
“lumba-lumba” at pagminamalas ka, “baboy”.
Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon,
ang tawag sa iyo ay “game”;
Kung mahirap ka, ikaw ay “pakawala”
Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa
iyo ay “liberated”;
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo ay
“malandi”.

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo ay “single


parent”;
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo
ay “disgrasyada”
Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang
kinakain ay “vegetarian”;
Habang nakakaawa ang mahirap na “kumakain
ng damo”.

Sa exclusive school, “assertive” ang mga


batang sumasagot sa mga guro;
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang
sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila
ay “makulit at walang modo”.
Ang mayamang tumatanda, “are graduating
gracefully into senior citizenhood”;
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”.

Ang anak ng mayaman ay “slow learner”;


Ang anak ng mahirap ay “bobo” o “gunggong”
Kung mayaman ka at malakas kang
kumain, “you flatter your host” dahil
nagustuhan mo yung niluto niya;
Kung mahirap ka, “your host will say to
himself” na ikaw ay “patay-gutom” o
“hampaslupa” o “masiba”.
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
DESKRIPSYON:
Pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
kontemporaryong isyu at hamong pang-
ekonomiya, pangkalikasan, pampolitika,
karapatang pantao, pang-edukasyon at
pananagutang sibiko at pagkamamamayan
na kinakaharap ng mga bansa
sa kasalukuyang panahon gamit ang mga
kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng
datos at iba’t ibang sanggunian,
pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip,
mabisang komunikasyon at matalinong
pagpapasya.
PANGUNAHING PAMANTAYAN NG YUGTO
(KEY STAGE STANDARDS)
TATLONG KONSEPTONG GABAY
•KONTEMPORARYO
•ISYU
•LIPUNAN
KONTEMPORARYO (KASAYSAYAN)
Naglalarawan sa panahon mula sa pagitan ng ika-20
dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, ang
mga pangyayari na nangyari sa nakalipas na mga dekada
at mga patuloy na nangyayari sa kasalukuyan ay
maituturing na kontemporaryo.
ISYU (AT MGA HAMON)
nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning
nakaaapekto sa lipunan dahil ito ay napag-
uusapan, nagiging batayan ng debate sa lipunan , at
may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa
lipunan.
LIPUNAN
ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU?
Tawag sa pangyayari o ilang suliraning
bumabagabag o gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng ating
pamayanan, bansa, o mundo sa
kasalukuyang panahon.
ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU?
Tumutukoy sa mga isyu na nangyayari sa
kasalukuyan o sa mga napapanahong isyu.
Tandaan:
Hindi lahat ng isyu ay negatibo at
nagiging suliranin, may ilang isyu rin na
may positibong epekto at nagkakaroon ng
malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao
sa lipunan.
MGA SANGGUNIAN TUNGKOL SA
KONTEMPORARYONG ISYU
Pahayagan Saksi
Magasin Dokumento
Radyo Telebisyon
Internet
Impormal na Talakayan (sa bahay o komunidad)
Pormal na Talakayan (sa paaralan o pamayanan)
BAKIT MAHALAGANG PAG-ARALAN
ANG MGA KONTEMPORARYONG ISYU?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA
KONTEMPORARYONG ISYU
Nalilinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at
kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Ang ilan sa mga ito ay:

1. PAGSISIYASAT
1. Natutukoy ang mga sanggunian o pinagmulan ng
impormasyon
2. Nakagagamit ng mapa at atlas upang matukoy ang
iba’t ibang lugar, lokasyon at ibang impormasyong
pangheograpiya
3. Nakagagamit ng mga kasangkapang teknolohikal
upang makakita o makahanap ng mga sanggunian ng
impormasyon

PARTIKULAR NA KASANAYAN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

2. PAGSUSURI AT
INTERPRETASYON
NG DATOS
1. Nakababasa ng istatistikal na datos
2. Nakagagamit ng pamamaraang istatistikal o
matematikal sa pagsuri ng kwantitatibong impormasyon
at ng datos penomenong pang-ekonomiya
3. Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang
maunawaan ang historikal na konteksto ng sanggunian
at ang motibo at pananaw ng may-akda.

PARTIKULAR NA KASANAYAN
Sa pagsusuri ng mga datos, mahalagang sagutin ang
sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang pinagmulan ng datos?
2. Kailan naganap ang pangyayari?
3. Kailan isinulat ang tala ng pangyayari?
4. Naroon ba sa mismong pangyayari ang may-akda?
5. Ang tala ba ay primarya o sekundarya?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

3. PAGSUSURI AT
INTERPRETASYON
NG IMPORMASYON
1. Nakauunawa ng kahulugan, uri at kahalagahan
ng primaryang sanggunian at ang kaibahan nito sa
sekundaryang sanggunian

PARTIKULAR NA KASANAYAN
2. Nakabubuo ng kamalayan sa mga
pagpapahalaga, gawi at kaugalian ng panahon
at nakikilala ang impormasyon pagkakaiba at/o
pagkakatulad ng mga iyon sa kasalukuyan
3. Nakikilala ang historikal na perspektibo ng
awtor o manlilikha

PARTIKULAR NA KASANAYAN
4. Natutukoy ang pagkakaiba ng opinyon at fact

5. Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan


ng pagkilala sa bias o punto de bista ng
awtor/manlilikha

PARTIKULAR NA KASANAYAN
6. Nakakukuha ng datos mula sa iba’t ibang
primaryang sanggunian
7. Nakahihinuha mula sa datos o ebidensya
8. Nakapag-aayos at nakagagawa ng buod ng
impormasyon---pangunahing katotohanan at ideya
sa sariling salita

PARTIKULAR NA KASANAYAN
9. Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto (cause and
effect)
10. Nakapaghahambing ng impormasyon mula sa mga
magkaugnay na sanggunian at nakikilala ang mga punto
ng pagkakasundo at di pagkakasundo
11. Nakapagbibigay ng historikal na kahalagahan sa mga
tao, grupo, pangyayari, proseso o kilusan at institusyon

PARTIKULAR NA KASANAYAN
12. Nakauunawa ng mobilidad at migrasyon ng
populasyon, ang distribusyon nito, dahilan at epekto
13. Nakauunawa ng papel at epekto ng heograpiya sa
pagbabagong panlipunan at pangkalikasan
14. Nakagagamit ng pamamaraang matematikal sa pag-
unawa at sa pagsusuri ng kwantitatibong datos
15. Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon ng
impormasyon

PARTIKULAR NA KASANAYAN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

4. PAGSASALIKSIK
1. Nakasasagot ng tanong base sa angkop at sapat na
ebidensya
2. Nakapag-aayos ng resulta ng pagsasaliksik sa lohikal
na paraan
3. Nakagagamit ng teknolohikal na instrumento sa
pagsasaliksik, pagsusuri ng datos, pagsulat ng sanaysay o
papel, at paghanda ng presentasyon ng pananaliksik

PARTIKULAR NA KASANAYAN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

5. KOMUNIKASYON
1. Nakapag-uugnay ng sari-saring impormasyon mula sa
mga angkop na sanggunian
2. Naipakikilala ang sipi mula sa sanggunian at
nagagamit ito nang tama
3. Naipararating sa malinaw at maayos na paraan ang
sariling kaisipan tungkol sa kaganapan o isyung pinag-
aaralan

PARTIKULAR NA KASANAYAN
4. Nakabubuo ng maikli ngunit malinaw na introduksyon
at konklusyon kapag nagpapaliwanag
5. Nakasusulat ng sanaysay na nagpapaliwanag ng isang
pangyayari, isyu o penomeno, gamit ang nararapat at
sapat na impormasyon o ebidensya sa angkop na
pamamaraan.

PARTIKULAR NA KASANAYAN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA
KONTEMPORARYONG ISYU

6. PAGTUPAD SA
PAMANTAYANG
PANG-ETIKA
1. Nakauunawa ng karapatan at tungkulin bilang
mamamayan upang makalahok sa makabuluhang paraan
sa buhay ng pamayanan, bansa at daigdig
2. Naigagalang at nabibigyang kahalagahan ang
pagkakaiba ng mga tao, komunidad, kultura, at
paniniwala, at ang kanilang karapatang pantao
3. Nagiging maingat sa sariling naisin, paniniwala, punto
de bista o posisyon

PARTIKULAR NA KASANAYAN
4. Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at
paggalang sa mga may ibang pag-iisip kahit hindi
sumasang-ayon sa sariling ideya, posisyon o pagtingin
5. Natutukoy ang sangguniang ginamit sa papel
(reaksyon, maikling sanaysay) bilang pagkilala sa
karapatan sa pag-aaring intelektuwal ng
awtor/manlilikha

PARTIKULAR NA KASANAYAN
PAANO MAITUTURING ANG ISANG
PANGYAYARI O SULIRANIN NA
KONTEMPORARYONG ISYU?
• mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
• may malinaw na epekto sa lipunan o sa mga mamamayan
• may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang
panahon
• mga temang napag-uusapan at may positibong
impluwensya sa lipunan
MGA KASANAYANG KAILANGAN SA
PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU
• Pagkilala sa Primarya at Sekondaryang Sanggunian
• Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon
• Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
• Pagbuo ng Paghihinuha (Interferences), Paglalahat
(Generalization), at Kongklusyon
Mga Isyu at Hamon sa Kapaligiran
(1st Quarter)

Mga
Mga Isyu at Hamon Mga Isyung
sa Kontemporaryong Pang-ekonomiya
Pagkamamamayan
(4th Quarter) Isyu (2nd Quarter)

Mga Isyu at Hamong Pangkasarian


(3rd Quarter)

NILALAMA
N
MGA ISYU AT HAMON SA KAPALIGIRAN
(1st Quarter)

Kahalagahan ng pag-aaral Mga Suliraning


ng Kontemporaryong Isyu Pangkapaligiran

Konteksto ng Ang Dalawang Approach sa Mga Hakbang sa Pagbuo


Suliraning Pagtugon sa mga Hamong ng Community-Based
Pangkapaligiran Pangkapaligiran DRRM Plan

NILALAMA
N
MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA
(2nd Quarter)

Globalisasyon Mga Isyu sa Paggawa Migrasyon

NILALAMA
N
MGA ISYU AT HAMONG PANGKASARIAN
(3rd Quarter)

Kasarian sa Iba’t Mga Isyu sa Kasarian at Tugon sa mga Isyu sa


Ibang Lipunan Lipunan Kasarian at Lipunan

NILALAMA
N
MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN
(4th Quarter)

Mga Karapatang Politikal na


Pagkamamamayan
Pantao Pakikilahok

NILALAMA
N
TATSULOK
PAANO KA MAKATUTULONG SA
PAGTUGON SA IBA’T IBANG ISYU AT
HAMONG PANLIPUNAN?
72
Pakikinig
ISANG DUGO, ISANG LAHI, ISANG MUSIKA
LIWANAG SA DILIM

You might also like