You are on page 1of 16

ARALING PANLIPUNAN 10

MODYUL 1: MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

ARALIN 1: PAMBUNGAD: MGA KONTEMPORARYONG ISYU (6 Days)

o PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG


Ang pagbibigay-pansin at pagsusuri sa mga kontemporaryong isyu ay mahalaga sa pagnanais
nating makapamuhay nang maunlad at matiwasay. Ang pagiging mapanuri at mapagmatyag sa
mga napapanahong isyu ay susi sa pagkakaroon ng matalino at kapaki-pakinabang na mga
desisyon sa buhay.
Pangunahing Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong isyu?Paano
mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

o SAKLAW NG MODYUL

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod:

Unang Markahan: ARALIN PAMAGAT: Mga Isyung


Mga Layunin
BILANG Pangkapaligiran
 Naipaliliwanag ang
konsepto ng
kontemporaryong isyu.
Pambungad: Mga
1  Nasusuri ang kahalagahan
Kontemporaryong Isyu
ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig.

PANIMULANG GAWAIN/PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Sagutin ang mga katanungan ukol sa kontemporaryong isyu batay sa iyong
kaalaman.

1. Ano ang kontemporaryong isyu?

2. Bakit mahalaga itong pag-aralan?

3. Paano ito nakaaapekto sa ating pamumuhay?

1|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


o PAGTUKLAS

Simulan natin ang modyul na ito sa pagbibigay-tuon sa isang isyu.

GAWAIN 1: Graphic Organizer

Lahat ng tao ay bahagi ng lipunang lokal at global. Lahat din ay humaharap sa mga
kontemporaryong isyu at isa ka sa mga ito. Gamit ang graphic organizer, ibahagi ang iyong kaalaman,
saloobin, at pananaw ukol sa isang pangunahing kontemporarryong isyu na personal mong nararanasan
sa kasalukuyan:

Kontemporaryong isyu na nararanasan:

Sariling saloobin at pananaw ukol dito:

LIPUNANG LOKAL O GLOBAL

Epekto nito sa iyong pamumuhay at ang ginagawang


pagtugon ukol dito:

2|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


GAWAIN 2: Map of Conceptual Change

Punan ang IRF ng iyong kaalaman patungkol sa mga katanungan.


Pangunahing Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong isyu? Paano
mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

Initial Revised Final

GAWAIN 3: What’s tha Plan?

Ano sa palagay mo ang layunin mo sa araling ito? Paano mo ito maisasagawa? Ano ang maaari
mong gawin upang matapos ang aralin sa takdang panahon? Isulat mo sa kahon ang iyong sagot.

o PAGLINANG/PAGPAPATIBAY

Napag-alaman ninyo ng mga kaklase mo ang mga isyu o mga pangyayari na nakagagambala sa
inyo. Ang layunin mo sa bahaging ito ay matukoy ang mga problema sa pagkakaroon ng mga
kontemporaryong isyu.

KONTEMPORARYONG ISYU
 Bahagi na ng pamumuhay ng tao ang humarap sa mga pangyayari o kaganapan. Araw-araw,
samot-saring mga kaganapan ang patuloy na bumabagabag sa ating damdamin at kaisipan. Lahat
ng nangyayari sa kasalukuyan na nakaaapekto sa ating pamumuhay ay maituturing na
napapanahong isyu. Mas kilala ang mga ito sa tawag na kontemporaryong isyu. (Tignan ang
dayagram sa ibaba upang matukoy ang ibig sabihin ng Kontemporaryong Isyu)

3|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


Pangyayari Ideya

Tema Kontemporaryong Opinyon


Isyu

Paksa
Suliranin

 Samantala, hindi lahat ng kontemporaryong isyu ay negatibo. May mga napapanahong isyu din na
maganda o positibo ang impluwensiya sa lipunan. Ang mga isyung napag-uusapan ay may
kaugnayan sa mga aspekto ng lipunan tulad ng politika, ekonomiya, kultura, kapaligiran, klima,
edukasyon, kalusugan, pagkamamamayan, at marami pang iba.

GAWAIN 4: MGA NARARANASANG ISYU SA KASALUKUYAN

Bisitahin at magbasa ng mga artikulo sa website na http://www.globalissues.org/ pagkatapos sagutin


mo ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga napapanahong isyu sa website?


2. Anong isyu ang pumukaw sa iyong atensiyon? Bakit?

GAWAIN 5: CAUSE AND EFFECT

Matapos mong mabasa ang mga artikulo sa website, maaaring isa sa mga ito ang nakapukaw sa iyong
atensiyon. Sa gawaing ito ikaw ay gagawa ng isang dayagram na maaaring makapagpakita ng mga dahilan
at epekto ng iyong napiling isyu. Upang tulungan ka sa iyong gawain sundin ang mga gabay na
katanungan:

1. Ano ang artikulong iyong napili? At ano ang paksa nito?


2. Ito ba ay iyong nararanasan? Ng iyong pamilya?
3. Anu-ano ang mga dahilan ng isyu?
4. Anu-ano ang mga nakikita mong epekto nito sa iyong buhay? sa ibang tao?
5. Sa papaanong paraan mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

 Iba’t ibang mga suliranin ang ating nararanasan sa kasalukuyan mga isyung pangkapaligiran at
pang-ekonomiya, pampolitika at pangkapayapaan, mga isyu sa karapatang pantao at kasarian, at
mga isyung pang-edukasyon at pansibiko. Ang mga nabanggit na mga isyu ay may malaking
epekto ito man ay positibo o negatibo na maaaring makaapekto sa ating pamumuhay.

GAWAIN 6: UGNAY KAALAMAN AT KASANAYAN

4|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


Napag-alaman mo ang mga isyu sa iba’t ibang aspekto na nakaaapekto sa ating pamumuhay. Sa gawain
ito, ikaw ay magsasaliksik ng iba pang halimbawa ng mga kontemporaryong isyu. At sagutin ang mga
sumusunod na tanong:

1. Pagbuo ng Hinuha at Pagpapaliwanag: Batay sa mga napag-aralang isyu, alin sa mga ito ang sa tingin
mo ang may pinakamatinding epekto sa lipunan sa kasalukuyan at nangangailangan ng agarang
pagtugon? Bakit?

2. Pagpapakahulugan: Pumili ng tatlong mahalagang isyu mula sa iyong pagsasaliksik at bigyan ito ng
kaukulang kahulugan o paliwanag.

3. Pag-oorganisa: Gumawa ng sariling listahan ng mga napag-aralang isyu mula sa pinakamahalaga,


Pinakamatindi ang epekto, o pinakapriyoridad na dapat pag-usapan hanggang sa pinakapayak o
pinakasimpleng isyu. Ipaliwanag ang nagging batayan sa pag-organisa.

o PAGPAPALALIM
Sa bahaging ito masusubok ang iyong kaalaman sa pagsasaliksik sa iba pang mga isyu sa
kasalukuyan upang ito ay iyong mas maunawaan.

PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU


 Gaano kalalim ang iyong interes sa mga kontemporaryong isyu? Anong mga hakbang ang iyong
ginagawa para mapalawak ang iyong kaalaman ukol sa mga ito? Anong klase ng pagsusuri ang
iyong ginagawa?
 Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu upang higit na
maging makabuluhan ito: a) Pagkilala o pag-alam kung totoo na nagaganap o nangyayari ang isang
isyu (nakapaloob dito kung ano ang pinagmulan ng isyu, saan ito nagmula, kailan, at kung paano
nagsimula.), b) Pagsasagawa ng kaukulang pagsasaliksik upang malaman ang saklaw ng isyung
pinag-uusapan at kung paano ito nagaganap, c) Pagsusuri sa mga konsepto o kaalamang kaugnay
ng isyung pinag-uusapan.
GAWAIN 7: PANANALIKSIK

Napag-alaman mo ang mga isyu sa iba’t ibang aspekto na nakaaapekto sa ating pamumuhay. Sa gawaing
ito, ikaw ay magsasaliksik ng isang artikulo patungkol sa Covid 19 na nararanasan sa kasalukuyan.
Gamiting gabay ang mga dapat isaalang-alang na mga hakbang sa pag-aaral ng mga kontemporaryong
isyu. Gumawa ng nararapat na dayagram upang maipakita ang iyong ginawang pananaliksik.

Mga tanong:

1. Sa iyong ginawang pananaliksik, ano ang una mong isinaalang-alang?


5|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN
2. Anu-ano ang mga hakbang na iyong ginawa upang masimulan at matapos ang iyong pananaliksik?
3. Sa papaanong paraan mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran? Ipaliwanag.

 Ang pag-aaral sa kontemporaryong isyu ay nakatutulong sa paghubog ng kamalayan ng bawat


mamamayan ng bansa at ng lipunang global. Ito ay nakapagdudulot ng malawak na kaalaman sa
tao. Ang ginawang pagsusuri au nagpapalawak sa kaalaman at pag-unawa sa tunay na kalagayan
ng sariling bansa at lipunang global.
 Mahalaga para sa isang mag-aaral ang pagiging mapanuri at mapagmatyag sa mga napapanahong
isyu. Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang lumalago. Nahuhubog din ang mahahalagang
damdamin at saloobin na may kaugnayan sa pagiging mamamayan sa bansa.

GAWAIN 8: TIBAY KAALAMAN AT KASANAYAN (QUIZ)

A. Pagtukoy: Magbigay ng tatlong kongkretong kapakinabangan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong


isyu.
1.
2.
3.

B. Paglalahad: Magbigay ng tatlong napapanahong isyu at ilahad kung bakit mahalaga itong pag-aralan.
Gumamit ng akmang graphic organizer.

C. Pagbubuod
1. Ano ang kontemporaryong isyu?
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng iba’t ibang perspektiba sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
3. Bakit kailangang maging mulat sa mga kontemporaryong isyu ang mga kabataan?

o PAGLILIPAT
Sa bahaging ito tungkulin mo na alamin ang mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan upang
tugunan o bigyang solusyon ang mga napapanahong isyu na nararanasan.

GAWAIN 9: VIDEO ANALYSIS

Panuorin sa https://youtube.be/iza8Wwr_UhE. Ikaw ay magsasagawa ng isang analysis patungkol sa


iyong napanuod, sundin at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang iyong napanood?


2. Ito ba ay iyong nararanasan? Ng ibang tao?
3. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng tao sa isyung ito? Bakit?
4. Anu-ano ang mga nakikita mong hakbang o solusyon na ginagawa ng pamahalaan o mga namumuno
patungkol sa isyung ito?

GAWAIN 10: PERFORMANCE TASK

Bumuo ng isang deklarasyon ng mga tungkulin na nagpapahayag ng mga dapat gampanan ng mga
kabataang Pilipino ukol sa napapanahong mga isyu at kaganapan na nakaaapekto sa tao at lipunan.
Bahagi ng deklarasyon ay ang listahan ng mga isyu na nais tugunan. Ang nabuong deklarasyon ay
ihahayag sa iyong guro at mga kamag-aral. Sundin ang sumusunod na bahagi ng deklarasyon:
- Pamagat
- Nilalaman
 Mga isyu ba nais tugunan
 Pagpapaliwanag sa bawat isyu

6|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


 Mga tungkulin at hakbang na nais isagawa

REFERENCES AND WEBSITE LINKS USED IN THIS MODULE:

Pamantayan: (20 puntos)


Nilalaman – 5 puntos
Kaayusan at Kalinawan ng pagpapahayag ng mga ideya at detalye – 10 puntos
Kabuluhan at Kaugnayan – 5 puntos

http://www.globalissues.org/

https://youtube.be/iza8Wwr_UhE (INQUIRER.net)

LEARNING MODULE (A.P 10 PEAC)

AP10 KONTEMPORARYONG ISYU (SIGLO – REX BOOK STORE)

PANGHULING PAGTATAYA

PAGSUSURI: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang inilalahad na isyu at bumuo ng sariling
pananaw ukol sa maaaring epekto nito.

1.

2.

3.

7|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


4.

5.

8|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


ARALIN 2: ANG TAO SA GITNA NG MGA KALAMIDAD (8 Days)

o PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG


Mahalaga na handa ang bawat isa sa atin sa pagharap sa bawat kalamidad. Isa sa pinakamainam
na layunin ng tao ang makapamuhay nang ligtas mula sa mga kalamidad o sakuna.
Pangunahing Tanong: Paano tayo makaiiwas sa panganib na dala ng mga kalamidad?

o SAKLAW NG MODYUL
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod:

Unang Markahan: ARALIN PAMAGAT: Mga Isyung


Mga Layunin
BILANG Pangkapaligiran
2 Ang Tao sa gitna ng mga  Natatalakay ang
Kalamidad kalagayan, suliranin at
pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng
Pilipinas.
 Natutukoy ang mga
paghahandang nararapat
gawin sa harap ng
panganib na dulot ng mga
suliraning
pangkapaligiran.
 Nasususri ang
kahalagahan ng
kahandaan, disiplina at

9|ARALING PANLIPUNAN 10 – UNANG MARKAHAN


kooperasyon sa pagtugon
ng mga hamong
pangkapaligiran.
 Naisasagawa ang mga
angkop na hakbang ng
CBDRRM Plan.

PANIMULANG GAWAIN/PAGTATAYA

A. Sagutin ang mga katanungan ukol sa mga kalamidad na nararanasan sa bansa batay sa iyong kaalaman.

1. Ano ang mga pangambang maaaring idulot ng mga kalamidad?

2. Bakit mahalaga ang sapat na kaalaman ukol sa mga kalamidad?

3. Paano ka nakikiisa sa paghahandang isinasagawa ng iyong komunidad ukol sa mga sakunang


nararanasan nito?

o PAGTUKLAS

GAWAIN 1: SANHI AT BUNGA

Ilahad ang iyong kaalaman ukol sa mga sanhi at bunga ng mga kaganapang inirerepresenta o
kinakatawan ng mga larawan sa ibaba.

Mga Larawan Sanhi Bunga

10 | A R A L I N G P A N L I P U N A N 1 0 – U N A N G M A R K A H A N
GAWAIN 2: What’s tha Plan?

Ano sa palagay mo ang layunin mo sa araling ito? Paano mo ito maisasagawa? Ano ang maaari
mong gawin upang matapos ang aralin sa takdang panahon? Isulat mo sa kahon ang iyong sagot.

o PAGLINANG/PAGPAPATIBAY

MGA URI NG KALAMIDAD


 Ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa na nakararanas ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
Ang kalamidad na ito ay iniuugnay sa mga natural na proseso ng kalikasan na pinalalala ng mga
gawain ng tao.
11 | A R A L I N G P A N L I P U N A N 1 0 – U N A N G M A R K A H A N
 Kalamidad – ito ay hindi inaaasahang pangyayaring sanhi ng mga proseso sa kalikasan;
nagdudulot ito ng pagkawasak ng kapaligiran, pinsala sa mga ari-arian, at panganib sa tao. (Tignan
ang dayagram sa ibaba)

Tsunami

Bagyo Pagputok
ng Bulkan

El Niño at Flash
La Niña Flood

MGA URI NG
KALAMIDAD
Storm
Surge
Landslide

Heat Buhawi
Lindol
Wave

 NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT CENTER – ang sangay o


ahensiya ng pamahalaan na nakatalaga para tiyakin ang kaligtasan at kabutihan ng mga
mamamayan sa panahon ng sakuna.

GAWAIN 3: ARTICLE ANALYSIS

Bisitahin ang website na dw.com at basahin ang artikulong may pamagat na Philippines: A country
prone to natural disasters. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-anong mga kalamidad ang nabanggit sa artikulo?


2. Alin sa mga ito ang iyong naranasan kamakailan lang?
3. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng ganitong mga kalamidad? Ipaliwanag.
4. Paano nakakaapekto ang mga kalamidad na ito sa ating buhay?
5. Paano tayo makaiiwas sa panganib na dala ng mga kalamidad?

 Sa bahaging ito napag-alaman mo ang ibig sabihin ng kalamidad at ang iba’t ibang uri nito.
Nakapag-analisa ka rin ng isang artikulo na nagpapakita ng ilan sa mga halimbawa ng
kalamidad. Sa artikulo maaaring nakasaad ang mga epekto ng nasabing kalamidad, sa mga
susunod na gawain ikaw ay inaaasahang matukoy ang sanhi at bunga ng mga kalamidad sa
ating buhay.

GAWAIN 4: SANHI AT BUNGA NG KALAMIDAD

Gamit ang nararapat na dayagram, pumili ng isa sa mga uri ng kalamidad na natalakay. Ilagay sa
gagawing dayagram ang mga sanhi at maaari o naging bunga ng iyong napiling kalamidad.

12 | A R A L I N G P A N L I P U N A N 1 0 – U N A N G M A R K A H A N
GAWAIN 5: PAGSUSURI NG TEKSTO

Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

The world is facing an increasing frequency and intensity of disasters – natural and man-made – that
has had devastating impacts. As reported by the secretariat of the International Strategy for Disaster
Reduction (ISDR), the last ten years have seen 478,100 people killed, more than 2.5 billion people affected
and about 690 billion US Dollars in economic losses. Disasters triggered by hydro-meteorological hazards
amounted for 97 percent of the total people affected by disasters, and 60 percent of the total economic
losses.

The November 2004 typhoons in the Philippines claimed over 1,000 lives and devastated the
livelihoods of many more. The recent Indian Ocean Tsunami was even more destructive: more than 150,000
lives were lost.

The impacts of disasters, whether natural or man-made, not only have human dimensions, but
environmental ones as well. Environmental conditions may exacerbate the impact of a disaster, and vice
versa, disasters have an impact on the environment. Deforestation, forest management practices,
agriculture systems etc. can exacerbate the negative environmental impacts of a storm or typhoon, leading
to landslides, flooding, silting and ground/surface water contamination – as illustrated by the 2004
hurricane and storm tragedies in Haiti, and in the Philippines. – Environmental Management and Disaster –
An Introduction, Hari Srinivas, 2015

1. Pagtukoy: Anu-anong kalamidad ang nabanggit sa teksto?

2. Pagsusuri: Bakit maituturing na malaking dagok sa tao ang kalamidad? Sagutin ito batay sa mga
impormasyong nakasaad sa teksto.

PAGHAHANDA PARA SA KALAMIDAD


 Walang nakaaalam kung ano ang mangyayari sa ganitong panahon na may kalamidad, ang
mahahalagang utilities tulad ng tubig, kuryente, at telepono ay maaaring pansamantalang
maputol ang serbisyo o ‘di kaya naman ang tulong o aid ay hindi makararating agad.
 Emergency Disaster Kit – ay maaaring ituring na simbolo ng kahandaan sa oras ng
kalamidad.
 Emergency Pack – naglalaman ng mahahalagang bagay na kakailanganin sa oras ng kagipitan.

GAWAIN 6: PAGBUO NG SARILING CHECKLIST

Ilatag ang lahat ng mahahalagang gamit na nais mong ilagay sa iyong personal na emergency disaster kit.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

13 | A R A L I N G P A N L I P U N A N 1 0 – U N A N G M A R K A H A N
GAWAIN 7: UGNAY KAALAMAN AT KASANAYAN

1. Ebalwasyon: Anong paghahanda ang pinakamahalagang gawin sa harap ng anumang kalamidad?


Bakit?

2. Pag-analisa: Bakit kailangan ang isang komprehensibong plano para sa isang kalamidad? Ibigay ang
lahat ng detalye ng iyong kasagutan.

MGA AHENSIYA NA KAAKIBAT NG TAO SA ORAS NG KALAMIDAD


 Mahalaga ring malaman ang mga ahensiyang nagpapatupad ng mga hakbang para makaiwas sa
mga panganib, tumutulong sa oras ng sakuna, at nagsasagawa ng rehabilitasyon para tuluyang
makabangon sa masamang epekto ng kalamidad. Ang mga ahensiyang ito ay tumutulong para
magkaroon ng isang sistematikong pamamaraan ng pagtugon sa mga sakuna.

GAWAIN 8: GOVERNMENT PORTAL

Magsaliksik tungkol sa government portal ng Pilipinas. Sundin ang mga hinihinging impormasyon sa
ibaba:

- Ahensiya ng Gobyerno
- Paghahanda na ginagawa ng ahensiya
- Kahalagahan ng mga paghahandang ginagawa

1. Pagpapahayag ng Opinyon: Bakit mahalaga ang kaalaman ukol sa ganitong uri ng impormasyon
(Government portal)?

ANG TAO AT KALAMIDAD


 Ang kalamidad na nararanasan ng tao ay dala ng natural na proseso ng kalikasan. Gayunpaman,
ang epekto ng kalamidad ay maaaring lumala dahil sa mga gawain o aktibidad ng tao. Ang
kapabayaan at walang pakialam sa kapaligiran ay nagdadala ng masalimuot na kalagayan sa tao.

14 | A R A L I N G P A N L I P U N A N 1 0 – U N A N G M A R K A H A N
GAWAIN 9: PAGLALAHAD NG KARANASAN

Ikuwento ang iyong di-makakalimutang karanasan ukol sa kalamidad. Bumuo ng isang artikulo na may
300-400 salita. Isama sa artikulo ang mga aral at pagpapahalagang natutunan. Gamitin ang simpleng
format sa ibaba.

- Unang Bahagi: Introduksiyon (Introduction)


- Ikalawang Bahagi: Katawan (Body)
- Ikatlong Bahagi: Buod/Kongklusyon (Summary/Conclusion)

GAWAIN 10: PERFORMANCE TASKS

GOAL – Makagagawa ng CBDRRM PLAN na tutugon sa zero casualty sa komunidad kapag may
nararanasang kalamidad.
ROLE – Ikaw ay pinuno ng inyong barangay.
AUDIENCE – Mga miyembro ng PDRRMC at mga miyembro ng inyong komunidad.
SETTING – Plano na tutugon upang magkaroon ng zero casualty kapag tumama ang isang kalamidad sa
barangay.
PRODUCT - Plano na tutugon upang magkaroon ng zero casualty kapag tumama ang isang kalamidad sa
barangay.
STANDARDS
Kalinawan at Kawastuhan ng mga ideya, pagpapaliwanag – 10 puntos
Kabuluhan at Kompleto ang mga detalye – 5 puntos
Nababagay at Naaangkop – 5 puntos

GAWAIN 11: PERFORMANCE TASKS

Pumili ng isang kalamidad na nais pag-aralan. Pagkatapos, magsagawa ng pagsasaliksik para


mapaghandaan nang lubusan ang nasabing kalamidad. Sundan ang format sa ibaba:

I. Uri ng Kalamidad na pinaghahandaan


- Sanhi
- Bunga/Epekto sa tao at lipunan

II. Mga Paghahandang Gagawin


15 | A R A L I N G P A N L I P U N A N 1 0 – U N A N G M A R K A H A N
- Bago maganap ang kalamidad
- Habang nagaganap ang kalamidad
- Pagkatapos maganap ang kalamidad

III. Mga Kaugnay/Katuwang na Ahensiya


- Layunin/Tungkulin

IV. Saloobin at Pananaw Ukol sa konsepto ng disiplina at kooperasyon sa panaho ng kalamidad.

REFERENCES AND WEBSITE LINKS USED IN THIS MODULE:

dw.com

LEARNING MODULE (A.P 10 PEAC)

AP10 KONTEMPORARYONG ISYU (SIGLO – REX BOOK STORE)

PANGHULING PAGTATAYA

PAGPAPALIWANAG: Basahin at unawain ang bawat tanong.

1. Batay sa napag-aralan, anong mga suliranin ang kinakaharap ng tao sa panahon ng kalamidad?

2. Paano nakatutulong ang mga ahensiya ng pamahalaan sa pagharap sa mga kalamidad? Ipaliwanag.

3. Paano nakaaapekto ang mga desisyon at gawain ng tao sa panganib na dala ng mga kalamidad?
Ipaliwanag ang iyong obserbasyon.

16 | A R A L I N G P A N L I P U N A N 1 0 – U N A N G M A R K A H A N

You might also like