You are on page 1of 38

Araling

Panlipunan
10

Mga Kontemporaryong Isyu

LEONELLE P. MONTOYA
Araling Panlipunan 10
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

ARALIN 1: PAG-AARAL NG MGA


KONTEMPORARYONG ISYU
Panimula at mga pokus na Tanong
Sa modyul na ito ay inaasahnag matututunan mo ang proseso ng pagbibigay ng o paliwanag sa
mga isyung nagaganap. Matutunan mo rin ang mga paraan ng pag- iimbestiga at poaghahanap ng mga
posibleng tugon ng mga mamammayan at ng pamahalaan sa mga isyu.
Sasagutin mo rin ang katanungang ito: Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang
pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

Sa modyul na ito matutuhan mo ang:

 Pagpapaliwanag ng konsepto ng Kontemporaryong Isyu


 Pagsusuri ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.

Talakayan 1.1: Ang Kahulugan At konsepto ng Kontemporaryong Isyu

 Kontemporaryong Isyu- ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumbagabag o gumagambala


at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.

Paano ba maituturing ang isang pangyayari na kontemporaryong isyu?

• Mahalaga at makabuluhan sa lipunang gingalawan


• May malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan o mamamayan
• Nagaganap sa kasalukuyang panahon
• May temang napag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensya sa lipunan.

Ano-ano ang maaaring sanggunian ng kontemporaryong isyu?

• Pahayagan
• Radyo
• Magasin
• Internet
• Saksi
• dokumento

Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu

1. Kahalagahan 6. Epekto
2. Pinagmulan 7. Maaring Gawin
3. Perspektiba at pananaw
4. Mga pagkakaugnay
5. Personal na damdamin

Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa kontemporaryong isyu?

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 1


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
• Mahalaga ang mulat sa kontemporaryong isyu dahil mahalagang alam natin ang mga
maaapektuhan ng mga isyu, sino-sino ang makikinabang at mapipinsala dito.

Tandaan:
Malaki ang epekto ng mga isyu sa pamayanan.

GAWAIN 1.1.1
Alamin kung ano ang mga napapanahong kontemporaryong isyu sa pamamagitan ng paghahanap sa
Internet, pahayagan o panoonood sa telebisyon.

1. Ano-ano ang mga nakalistang kontemporaryong isyu?

2. Ano ang reaksyon mo tungkol sa mga isyung ito?

GAWAIN 1.1.2
Ano sa palagay mo ang layunin mo sa araling ito? Paano mo ito maisasagawa ? Ano ang maari mong
gawin upang matapos ang aralin sa takdang panahon? Isulat mo sa kahon ang iyong sagot.

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 2


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
Talakayan 1.2: Pagkilala ng mga Primarya at
Sekundaryang Sanggunian at mga uri ng Pahayag

1. Primaryang Sanggunian

-Ito ay mga orihinala na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas nito.

2. Sekundaryang Sanggunian

- Ito ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o ibang


sekundaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng mga taong walang direktang partisipasyon sa
mga pangyayaring itinala.

3. Katotohanan at Opinyon

-Ang Katotohanan
ay mga totoong pahayg o
pangyayari na pinatutunayan
sa tulong ng aktuwal na datos.

-Ang Opinyon
naman ay nagpapahiwatig ng
saloobin at kaisipan tungkol sa inilahad na katotohanan.

4. Pagkiling (bias)

-Sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan, kailangan malaman
kung iyo ay walang kinikilingan.

5. Hinuha (Inference)

-Ito ay isang pinag isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay.

6. Paglalahat (Generalization)

-Ang Paglalahat ay ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi
magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng konklusyon.

7. Konklusyon

- Ang konklusyon ay ang desisyon , kaalaman o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral,


obserbasyon , at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensya o kaalaman

Tandaan:

Mahalagang suriin ang mga sanggunian bago maniwala sa isang isyu. Sa gayon,
maiiwasan natin ang tinatawag na “fake news” at iba pa na maaaring makadulot sa atin ng
pagkalito.
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 3
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

GAWAIN 1.2.1

Humanap ng isang isyung nagaganap sa iyong pamayanan o pangyayaring iyong nabalitaan sa mga
peryodiko o sa internet. Gumamit ng isang graphic organizer sa paglalahad ng iyong pag- aaral tungkol
dito.

ISYU

Primaryang Sekundaryang
Sanggunian sanggunian

GAWAIN 1.2.2
Batay sa iyong naunang ginawa sa itaas, ano ang nabuo mong pananaw tungkol sa isyung iyong
nakalap?

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 4


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Talakayan 1.3: Kahalagahan ng Pag-aaral at Pagiging


Mulat sa mga Kontemporaryong Isyu
Napakahalaga ng pag-aaaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito ang ating mga pansariling
kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip . Narito ang ilan:

 Paggamit ng malinaw at makabuluhang kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan na


nakakaimpluwensya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo.

 Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari

 Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal sa iba’t ibang sanggunian para makakakalap ng


impormasyon

 Paggamit ng mga pamamaraang estadiska sa pagsusuri ng kuwantitatibong datos tungkol sa mga


pangyayari sa lipunan

 Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at ibat-ibang sanggunian at pagsasaliksik.

 Mapanuring pag iisip, matalinong pagpapasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at


pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw.

 Malalim na pag unawa at pagpapahalaga sa sama- samang pagkilos at pagtugon sa mga


pandaigdigang suliranin.

 Paggalang sa iba’t- ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito ay naiiba o salungat sa
sariling pananaw o paniniwala.

 Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala, at paggalang sa


kanilang dignidad at karapatang pantao.

 Pag-iingat sa sariling kagustuhan sa pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba.

Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, tayo bilang mabuting mamamayan ay


nalilinang ang sumusunod:
 Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan upang makalahok sa mga
makabuluhang gawain para sa ikabubuti ng pamumuhay ng pamayanan, bansa, at daigdig.

 Pang-unawa at paggalang sa mga batas at alituntuninupang maitaguyod ang pagkakaisa, pag-


unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at buong daigdig

 Pang-unawa sa iba’t ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan.

 Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga pambansa at


pandaigdigang suliranin.

 Masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan, at makasandaigdigan na maguudyok


upang maging produktiboat makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa kasalukuyan at sa
pagpapanday ng maunlad at mapayapang , pamayanan, bansa, at mundo.

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 5


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
 Aktibong pagganap sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan, at
pamayanan.

Tandaan:
Ang pagiging mulat sa kontemporaryong isyu ay nakakapaghubog ng isang mabuting
mamamayan.

GAWAIN 1.3.1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

Bakit kailangan nating maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang benepisyo na makukuha sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu:

Para sa iyong sarili?

Para sa iyong sa bansa?

GAWAIN 1.3.2

Bumuo ng isang slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu.

Slogan:

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 6


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

IBUOD

Buuin ang graphic organizer

Kontemporaryong Isyu

Mga Sanggunian Uri ng Pahayag Mga Benepisyo

PAGYAMANIN
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mahahalagang kontemporaryong isyu, magsaliksik sa Internet.
Sagutin ang mga tanong:

Ano-ano ang mahahalagang kontemporaryong isyu na bumabagabag sa inyong komunidad, lipunan, at


daigdig sa ngayon?

Ano ang dalawang panig ng mga isyu?

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 7


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Paano mabibigyang solusyon ang mga ito?

REPLEKSYON

Ipaliwanag ang mensahe ng Graphic Organizer sa ibaba.

Kaalaman sa Pagiging
Kontemporaryong Responsableng
Isyu Mamamayan

Binabati kita!
Halina’t tunghayan natin at saliksikin ang sunod na aralin!

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 8


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

ARALIN 2: SA HARAP NG KALAMIDAD

Talakayan 2.1: Ang Mga Uri ng Kalamidad na Nararanasan ng ating Bansa at


ang Geohazard Mapping

Ang kalamidad ay itinuturin na mga pang-


yayaring nagdudulot ng malaking pinasala sa
kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at buhay ng
mga tao sa lipunan.

Mga Uri ng Kalamidad sa ating Bansa

1. El Nino
Ito ay matinding tagtuyot dulot ng
pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko.
Ito ay nagdudulot ng matinding problemang
pangkabuhayan lalo na sa mga bansang agri-
kultural.

2. Bagyo
-Madalas makaranas ng bagyo ang ating bansa. Mga 19
hanggang 30 ang mga bagyong dumaraan sa ating bansa
taon-taon, maliban sa panahon ng El Nino.

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 9


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

PAGASA Storm Warning Signals

3. Pagbaha
-Madalas din ang pagbaha sa mababa-
bang lugar sa ating bansa. Maaring dulot
ito ng malakas na bagyo, biglaan at matin-
ding pagbuhos ng ulan o malakas at matagal
na pag-ulan. Maaaring dulot din ito ng pag-
apaw o pagbabara ng mga kanal, estero, ilog
at iba pang daluyan ng tubig.

4. Landslide

-Ito ay pagguho ng lupa na maaaring maganap kapag


mala kas o tuloy-tuloy ang pag- ulan sa matataas na
lugar, pagputok ng
bulkan o lindol.

5.Pagputok ng Bulkan
- Malaking pinsala ang dulot ng mga
bulkan o volcanic eruption. Maaari
itong magdulot ng pagkasira sa kapali-
ran o lindol.

Mga Aktibong Bulkan sa Pilipinas

6.Lindol
-May mga lindol na yumaya-
nig sa ating bansa taon-taon. May
lakas 1 hanggang 7 sa Richter Scale
ang mga ito na nagdudulot ng pinsala.
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 10
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Ang Geohazard Mapping


Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o Department of Environment and Natural
Resources (DENR) ay nagpagawa ng geohazard map upang matukoy ang mga lugar na madaling tamaan
ng sakuna o kalamidad. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga lugar na tinutukoy nito. Ito ay
ginawa upang mabawasan o maiwasan ang masamang epekto ng mga sakuna o kalamidad.

Tandaan:
Ang mga kalamidad na nagaganap sa kapaligiran ay maituturing na isang kontemporaryong isyu.

GAWAIN 2.1.1
Anong uri ng kalamidad ang inilalarawan sa hanay A? Sipiin ang letra ng tamang sagot sa hanay B.

A B
___1. Pagyanig ng lupa at pagkasira ng mga gusali a. lindol
at kabahayan.
___2. Biglaang pagbaha na dala ng malakas na bagyo b. El Nino
o matagalang pagbuhos ng ulan.
___3. Pagguho ng mga lupa. c. tsunami
___4. Pagkakaroon ng tagtuyot d. landslide
___5. Pagkakaroon malaking hagupit ng alon mula sa e. flashflood
baybaying dagat. f. volcanic eruption

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 11


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

GAWAIN 2.1.2
Ipaliwanag ang bawat uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa gamit ang Frayer Model
na nasa ibaba.

Katangian Hindi Katangian

KALAMIDAD
Halimbawa Halimbawa

GAWAIN 2.1.3
Mangalap ng mga datos tungkol sa mga bagay na dapat gawin upang maging handa sa bawat
kalamidad.Isulat ito sa kahon na nasa ibaba.

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 12


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Talakayan 2.2: Mga Gawain at Desisyon ng Tao na may Kaugnayan sa


Pagkakaroon ng Kalamidad

1. Pagtatapon ng basura sa daluyan ng tubig- Ang pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig
ay nagiging sanhi ng pagbabara ng mga ito, kaya’t nagkakaroon ng pagbaha.

2. Pagkakalbo ng kagubatan- Ang pagpuputol ng mga puno sa kagabutan ay nagiging sanhi ng


pagguho ng lupa at pagbabaha sa mabababang lugar kapag matindi ang pag-ulan dahil nawawala
na ang mga puno na sumisipsip ng tubig-ulan at nagpapanatili ng lupa sa kinalalagyan nito.

3. Paninirahan sa paanan ng bulkan- Ang mga taong naninirahan sa may paanan ng bulkan ay
inilalagay ang kanilang mga sarili sa peligro kapag pumutok ang bulkan.

4. Paninirahan sa estero, baybay ng ilog o dagat- nababarahan ng mga bahay ng mga tao ang
daluyan ng tubig at nagiging sanhi ng matinding polusyondahil sa pagtatapon ng mga basura ng
mga tao rito.

5. Paggamit ng kemikal na nakasisira sa ozone layer- Nasisira ang ozone layer dahil sa paggamit
ng kemikal tulad ng refrigerants na gaya ng chlorofluorocarbons (CFC’s) at aerosol sprays.

6. Pagmimina at quarrying- Nagdudulot ang mga ito ng pagguho ng lupa.

7. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar- kapag tumanggi ang mga
tao na lumikas sa mga ligtas na lugar kung may kalamidad, sila ay maaaring masaktan o mamatay.

Tandaan:
Sa panahon ng kalamidad, malaki ang kontribusyon ng mga tao sa kanilang kaligtasan.

Gawain 2.2.1
Ipaliwanag ang iyong mga sagot.

1. Iugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad.

2. May iba ka pa bang alam na gawaing nagdudulot at nagpapalala sa kalamidad sa inyong:


AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 13
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

a. Komunidad:

b. Bansa:

Gawain 2.2.2
Malala ang mga suliraning dulot ng mga kalamidad. Ano-ano ang maimumungkahi mong solusyon sa mga
suliraning ito? Buuin ang problem solution organizer.

Suliranin Mga Solusyon

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 14


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 2.3: Paghahanda sa Kalamidad


Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng mga kalamidad, ngunit maaari tayong gumawa ng mga paraan
upang mabawasan ang maaaring matinding epekto ng mga kalamidad sa ating buhay at ari-arian.

Paghahanda ng Emergency Supplies Kit

1. Maghanda ng isang emergency na naglalaman ng mga bagay na kakailanganin sa paglikas o


evacuation.
2. Siguruhing ang emergency supplies kit na ito ay ilalagay sa lugar na madaling makita at makuha
sakaling kakailanganin.
3. Ang emergency supplies kit ay kinakailangang naglalaman ng sumusunod: tubig na maiinom nang
hanggang tatlong araw; pagkaing hindi madaling masira tulad ng mga de-lata; damit na pamalit,
kumot, o sleeping bag; at first aid kit na naglalaman ng mga gamot na resta ng inyong doctor.
4. Isama rin sa inyong emergency supplies kit ang de-bateryang radio, flashlight, pito, at gas mask.
5. Dalhin din ang mga importanteng papeles at dokumento na nakabalot sa waterproof na lalagyan.

Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Pagbabagyo


 Bago Dumating ang Bagyo
1. Alamin ang mga paying pangkaligtasan. Maaring makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa
ulat panahon mula sa PAGASA.
2. Ihanda ang de-bateryang radio, flashlight, at ekstrang baterya, kandila, posporo o lighter.
3. Maghanda ng emergency kit na naglalaman ng mga kagamitang kakailanganin para sa tatlong araw
tulad ng tubig, gamot at pagkaing hindi agad nasisira.
4. Ibalot sa plastic ang mahahalagang papeles at gamit.
5. Magplano ng gagawin kapag may parating na kalamidad.
6. Siguruhing ang inyong bahay ay nasa mabuting kondisyon, lalong-lalo na ang inyong bubong.
7. Bawasan ang malalaking sanga ng mga punongkahoy upang makayanan nito ang malakas na ihip
ng hanginat hindi matumba.
8. Kung naninirahan sa mababang lugar at peligroso sa baha,lumikas sa mataas na lugar.

 Habang May Bagyo


1. Makinig sa radio o manood sa telebisyon o Internet upang malaman ang pinakabagong balita
tungkol sa bagyo.
2. Siguraduhing handa na ang emergency kit at ibalot ito ng plastic upang hindi mabasa.
3. Mag-ipon ng tubig para sa ibang pangangailangan.
4. Ipinid o isara nang husto ang mga pinto at bintana. Iligpat ang mga gamit na madaling matangay ng
hangin.
5. Mag-ingat sa bagyo.

 Pagkatapos ng Bagyo
1. Makinig sa radio o manood sa telebisyon o Internet upang malaman ang pinakabagong balita kung
nakaalis na sa bansa ang bagyo. Huwag lalabas ng bahay hangga’t di opisyal na ipinahahayag na
nakaalis na sa bansa ang bagyo.
2. Mag-ingat sa mga naputol na kawad ng kuryente na nakakalat sa daan.
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 15
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Mga Dapat Gawin sa Banta ng Lindol

Walang babala ang lindol. Ito ay biglaang nagaganap.

 Bago Lumindol: Magplano

1. Alamin ang earthquake hazard sa inyong lugar.


2. Ihanda ang inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Talian o i-bolt sa dingding ang mabibigat
na kasangkapan tulad ng cabinet at malalaking appliance upang hindi ito matumba sa pag-uga.
3. Gawing pamilyar ang sarili sa mga exit route sa inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan.

4. Maghanda ng emergency kit na naglalaman ng de-latang pagkain, bottled water, gamot, flashlight,
ekstrang baterya at transistor radio.
5. Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill.

 Habang Lumilindol: Maging Kalmado

1. Maging kalmado at alerto. Huwag mag-panic.


2. Kung nasa loob ng matibay na gusali, mabilis na buksan ang pinto kung maaari. Magtago sa ilalim
ng isang matibay na mesa at manatili doon habang iniiwasang matamaan ang ulo ng kahit anong
bagay.
3. Kung nasa loob ng gusali, magpunta sa open area.
4. Kung nasa loob ng umaandar na sasakyan, huminto at lumabas

 Pagkatapos Lumindol: Humanda sa Aftershock

1. Kapag huminto ang pagyanig , lumabas agad sa gusali. Huwag gumamit ng elevator o pumasok sa
nasirang gusali.
2. Suriin ang sarili at ang kapwa kung mayroong injury.
3. Suriin ng kuryente at tubig upang malaman kung na-damage ang mga ito.
4. Suriin kung may natapong kemikal at mga nakalalason at madaling magliyab na uri nito. Puksain
agad ang apoy sa paligid upang hindi na ito kumalat.
5. Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe kung saan kayo pupunta.
Magdala ng emergency kit.
6. Manatiling nakaantabay sa mga balita sa pamamagitan ng radio na de-baterya.

Tandaan:
Ang pagiging alerto at handa sa panahon ng kalamidad ay mahalaga para sa ating mga
mamamayan.

Gawain 2.3.1
Ano-ano ang paraan para makaiwas at maging ligtas sa kalamidad? Itala sa tsart sa ibaba.

Bago ang Kalamidad Habang may Kalamidad Pagkatapos ng Kalamidad

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 16


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Gawain 2.3.2

Magtala o gumuhit ng mga gawaing makatutulong upang maging ligtas at mapigilan ang patuloy na paglala
ng iba’t ibang uri ng kalamidad sa ating bansa.

IBUOD
Ano ang bunga o epekto ng matalinong paggawa ng mga tungkulin ng pamahalaan sa panahon ng
kalamidad?

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 17


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
Ang Pamahalaan sa Gitna ng Kalamidad
Tungkulin Bunga

PAGYAMANIN

Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Mapipigil ba natin ang kalamidad? Bakit?

2. Alin sa mga kalamidad ang maiiwasan? Hindi maiiwasan? Bakit?

3. Bakit mahalaga ang disiplina sa panahon ng kalamidad?

4. Bakit kailangan ng disiplina at kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa


panahon ng kalamidad?

5. Ano ang pinakamabisang paraan para maging ligtas at makaiwas sa epekto ng kalamidad?

REPLEKSYON
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 18
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Ano ang kahalagahan ng pagiging handa sa bawat kalamidad? Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat ito sa
kahon sa ibaba.

Binabati kita!
Halina’t tunghayan natin at saliksikin ang sunod na aralin!

ARALIN 3: PAGBABAGO NG KLIMA AT


SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Talakayan 3.1: Ang Climate Change


Isa sa mga isyung may malaking epekto sa iba’t ibang dako ng mundo ay ang climate change.
Ang climate change o pagbabago ng klima o panahon ay nagdudulot ng pagbabago sa lakas at haba ng
tag-ulan, intensidad at haba ng tag-init, lakas at dalas ng mga bagyo at kabuuang temperatura ng mundo.
Nagdudulot ito ng mga kalamidad tulad ng heat wave, tagtuyot, matitinding bagyo, at baha na nagiging
sanhi ng pagkakasakit o pagkawala ng buhay at pagkasira ng kapaligiran. May kaakibat na panganib ang
mga ito sa ating ecosysytem. Patuloy na tumitindi ang pagbabago ng klima sa mundo at nararamdaman na
ang mga epekto nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay sa ating kapaligiran.

Tandaan:
Malaki ang papel ng Climate Change sa pagbabago n gating kapaligiran.

Gawain 3.1.1

Ano sa palagay mo ang epekto ng climate change sa sumusunod? Itala ang mga ito.

Tao:

Epekto ng Climate Kapaligiran:


Change
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 19
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Gawain 3.1.2

Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag ang iyong sagot sa dalawa o tatlong pangungusap.

1. Bakit mahalagang pag-usapan at pag-aralan ang isyu ng climate change?

2. Paano nakadaragdag sa suliranin ng global warming ang mga gawain ng tao?

Gawain 3.1.3

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 20


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Gumawa ng poster na naglalarawan tungkol sa climate change.

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 3.2: Mga Sanhi at Epekto ng Climate Change sa Lipunan at


Kapaligiran

Mga Sanhi ng Climate Change

 Ang Greenhouse Effect


Batay sa mga pananaliksik, ang mga gas na naiipon sa atmospera ay pumipigil sa pagbalik
ng init sa kalawakan at nagsisilbing makapal na ballot na nagpapainit sa daigdig. Ang
greenhouse gases na nagpapainit sa ating daigdig na sanhi ng climate change ay:

1. Water vapor- pinakamarami ito sa ating atmospera na dahilan ng pagkakaroon ng mga ulap,
persipitasyon na nagdadala ng ulan at nagkokontrol ng lubhang pag-init ng atmospera na
nagdudulot ng pag-init ng daigdig.

2. Carbon Monoxide at Carbon Dioxide- mula ito sa mga natural na proseso tulad ng paghinga ng
mga tao at hayop at pagsabog ng bulkan. Nabubuo rin ito tuwing sinusunog ang mga fossil fuel
tulad ng langis, coal, at natural gases para mapaandar ang mga sasakyan, mga pagawaan at
planta ng kuryente.

3. Chlorofluorocarbons (CFC’s)- kemikal ito na nakasisisra ng ozone layer n gating mundo.


Ginagamit ang CFC’S bilang refrigirants o pampalamig, aerosol propellants, at iba pa.

4. Methane- mula ito sa natural na proseso sa kapaligiran tulad ng mga nabubulok na bagay tulad ng
mga basura, dumi ng hayop, at dayami ng palay.

5. Nitrous Oxide- nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga komersyal at organikong pataba,
pagsunog ng biomass, kombustiyon ng fossil fuel, at paggawa ng nitric acid.

Epekto ng Climate Change

 Tagtuyot

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 21


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
 Iregular na pagbabago ng klima/panahon
 Skin diseases
 Pagkasira ng Coral Reefs
 Pagkakasakit ng mga tao
 Paghina ng produksyon pang agrekultura
 Paglaki ng pangangailangan sa kuryente
 Pagkasira ng ecosysytem

Tandaan:
Malaki ang epekto ng climate change sa lipunan at ekonomiya.

Gawain 3.2.1
Para sa iyo, ano ang pinakamalalang epekto ng Climate change? Bakit mo ito nasabi?

Gawain 3.2.2
Kumpletuhin ang cause and effect diagram sa ibaba.

sanhi
bunga

bunga

Climate Change

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 22

bunga
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 3.3: Mga Programa, Polisya, at Patakaran ng ating Pamahalaan at


mga Pandaigdigang Polisiya Hinggil sa Climate Change

Malawakan na ang kampanya sa buong mundo tungkol sa climate change at sa masamang epekto
nito. May mga datos na nagpapakita ng mga epekto ng pagbabago ng klima sa ating kalusugan, pagkain at
hanapbuhay.

Republic Act (RA) 9729


Ito ay kilala bilang Local Climate Change Action Plan (LCCAP) noong taong 2009. Ito ay
nagbibigay-daan sa pagkakatatag ng Climate Change Commission na nakatuon sa pagsasakatuparan ng
ilang mga programa tungkol sa Climate Change.

Climate Change Act of 2009 (CCA)


Ito ay naglalaman ng mga programa ng local na pamahalaan para mapigilan at mabawasan ang
masamang epekto ng climate change at panatilihing ligtas ang kanilang nasasakupan at mga mamamayan.
Ito ay naaayon sa National Climate Change Action Plan (NCCAP) na inaprubahan ni dating pangulong
Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III noong taong 2011.

Mga Pandaigdigang Organisasyon Hinggil sa Climate Change

World Meteorological Organization (WMO)


Ito ay isang grupo na binubuo ng mga eksperto na nagtatasa ng mga pag-aaral tungkol sa climate
change. Nabuo ang nasabing grupo sa layuning maibsan ang pagkawala ng Greenhouse gases.

Tandaan:
Layunin ng mga polisiya at organisasyon na mabawasan ang peligro na kinakaharap natin dulot
ng Climate Change.

Gawain 3.3.1

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 23


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
Bilang isang mamamayan, ano ang iyong maaaring gawin upang mabawasan ang peligro ng climate
change sa ating bansa? Itala ang mga ito.

Gawain 3.3.2
Gumawa ng research tungkol sa iba pang polisiya hinggil sa climate change.

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 3.4: Mga Suliraning Pangkapapaligiran sa Sariling Pamayanan at


Mga Hakbang sa makatutulong sa Paglutas sa Suliranin ng Climate Change

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Pamayanan


 Polusyon sa hangin
 Polusyon sa tubig
 Polusyon sa lupa

 Waste Management (pagtatapon ng basura)


 Pagmimina at quarrying

 Panganib na mawala ang Iba’t Ibang uri ng hayop at halaman


 Pagkakalbo ng kagubatan
 Paglaki ng populasyon

Mga Hakbang na Makatutulong sa Paglutas sa Suliranin ng Climate Change


1. Pagtatanim ng mga Puno at Halaman
2. Pagbawas ng paggamit ng enerhiya
3. Paggamit ng alternatibong enerhiya
4. Pag-iwas o pagbawas ng pagsusunog ng mga basura
5. Pagpapanitiling malinis ang kapaligiran
6. Pagreresiklo ng mga patapon na bagay
7. Pag-iwas sa paggamit ng plastic at nakakalasong kemikal.

Tandaan:
Bilang mamamayan, may mga magagawa pa tayo upang mabawasan ang peligrong dulot ng
climate change.

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 24


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Gawain 3.4.1
Gumawa ng tsart na nagpapakita ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling
pamayanan at mga mungkahi kung papaano malulutas ang mga ito.

Gawain 3.4.2
Ipaliwanag ang iyong sagot:

a. Ano-ano ang suliraning dulot ng climate change sa ating:


Kapaligiran:

Ekonomiya:

b. Paano makatutulong sa paglutas ng climate change ang mga:

Mamamayan:

Pamahalaang lokal ( barangay):

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 25


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
Pamahalaang pambansa:

Mga pandaigdigang samahan:

IBUOD
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon sa buong mundo.

Climate Change

PAGYAMANIN
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 26
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
Para sa iba pang impormasyon, magsaliksik tungkol sa climate change at epekto nito sa
kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng tao sa bansa at sa daigdig. Magtala ng mungkahing maaaring gawin
upang maibsan ang masamang epekto nito.

REPLEKSYON

Tapusin ang pangungusap ayon sa iyong pananaw.

Ang isyu ng Climate Change ay direktang nakaaapekto sa personal kong buhay


sapagkat______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

Binabati kita!
Halina’t tunghayan natin at saliksikin ang sunod na aralin!

ARALIN 4: KAWALAN NG TRABAHO


Talakayan 4.1 Ang Unemployment o Kawalan ng Trabaho

Ang unemployment ng mga taong may wastong gulang at mabuting pangangatawan ay isa sa
mga kondisyong pang-ekonomiya. Ito ay bunga ng kawalan ng mga oportunidad o pagkakataong
makahanap ng trabahong ayon sa kakayahan ng manggagawa at sa kailangan ng mga negosyante.
Upang lubusang maunawaan ang konsepto ng unemployment, dapat ay maintindihan muna kung sino ba
talaga ang bumubuo sa lakas paggawa o labor force ng bansa.
Sa estadistika, labor participation rate ang tawag sa bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas
na may kakayahang samali sa mga gawain ng ekonomiya. Kung mataas ang participation rate, ayon sa
mga ekonomista, malaki ang potensiyal o kakayahan ng isang lugar na pataasin ang ekonomiya dahil sa
mataas ang daming mga manggagawa rito.
Ang mga underemployed ay mga nagnanais na magkaroon pa ng karagdagang oras sa kanilang
kasalkuyang trabaho o magkaroon pa ng karagdagang pagkakakitaan o bagong trabaho na may
mahabang oras.

Tandaan:
Isang malaking hamon sa ating bansa ang mataas na unemployment rate.

Gawain 4.1.1
Kumpletuhin ang tsart sa ibaba ayon sa iyong palagay.

UNEMPLOYMENT

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 27


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Sanhi Bunga

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.
Talakayan 4.2 Mga Dahilan ng Unemployment

May mga dahilan kung bakit nagiging suliranin ang kawalan ng trabaho ating bansa. Narito ang ilan:

1. Kakulangan sa oportunidad para magkatrabaho


2. Kakulangan sa edukasyon
3. Paglaki ng populasyon
4. Kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na makalikha ng trabaho
5. Hindi tugma ang pinag-aralan o kalapikasyon ng mga mamamayan sa maaari nilang pasukang
trabaho
6. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho
7. Hindi pagbibigay ng wastong sahod sa manggagawa, kaunting benepisyo, at hindi maayos na
kondisyon ng pinagtatrabahuhan.
8. Pananalasa ng kalamidad sa bansa
9. Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo
10. Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunung kulan sa pamahaalan

Tandaan:
Hindi lamang iisa ang nagiging dahilan ng kawalan ng trabaho.

Gawain 4.2.1
Ipaliwanag kung bakit ang sumusunod ay dahilan ng kawalan ng trabaho o unemployment.

1. Paglaki ng populasyon
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 28


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Pagkukulang sa pangmatagalang plano ng pamahalaan
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Kakulangan sa kalipikasyon ng mamamayan
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 4.2.2
Para sa iyo, alin ang tunay na sanhi ng unemployment sa Pilipinas? Bakit mo nasabi ito?

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 4.3: Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay at sa Pag-


unlad ng Ekonomiya ng Bansa
Narito ang ilang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay ng tao:

1. Tumitinding kahirapan
 Walang mapagkukunan ng pera ang mga tao para sa kanilang ikabubuhay at mga
pangangailangan
 May mga gumagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw o panghoholdap.
 Nagkakaroon ng malnutrisyon ang mga dahil wala silang pambili ng sapat at
masustansiyang pagkai kaya’t madali rin silang magkasakit
 Hindi makapag-aral ang mga bata dahil hindi matustusan ng kanilang mga magulang ang
kanilang mga pangangailangan sa paaralan
 Napipilitang magtrabaho ang mga bata upang matulungan ang mga magulang na
matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
 Dumarami ang mga babaeng napipilitang pumasok sa prostitusyon.
 Bumababa ang standard of living ng mga tao
 Dumarami ang informal settler o mga taong nag-ookupa ng isang lugar na pagmamay-ari ng
private entity o ng gobyerno.
2. Naapektuhan ang mental health o kalusugan ng poag-iisip ng mga tao
 Bumababa ang tiwala at pagtingin nila sa sarili
 Dumaranas sila ng dpresyon at pagkawala ng pag-asa sa buhay
 Nagkakaroon sila ng negatibong pag-uugali
 Tumataas ang bilang ng pagkamatay
 Nagkakaroon ng stigma o masamang tingin o husga sa kapwa

Implikasyon ng Unemployment sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 29


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
1. Nagpupunta sa ibang bansa ang mga manggagawa upang maghanapbuhay at iniiwan ang
kanilang pamilya.
 Nasisira ang pagkakabuklod ng pamilya
 May mga napapariwarang anak dahil walang gumagabay nang maayos sa kanila
 Nagkakaroon ng brain drain dahil nagpupunta ang mga magagaling na mangagagwa sa
ibang bansa at kaunti na lamang ang natitira sa ating bansa na makatutulong sa
pagpapaunlad nito
2. Dumami ang mga dayuhan st dambuhalang lokal na negosyante kaya’t nalugi ang napakaraming
maliliit na negosyo na nakapagbibigay ng trabaho sa ating bansa.
 Temporary o contractual employment lamang ang inaalok ng mga dayuhan at malalaking
lokal na negosyante upang hindi na magbigay ng mga benepisyo sa mga manggagwa.
 Maliit ang sweldong ibinibigay ng malalaking lokal na negosyante kaya’t nananatiling kapos
sa salapi ang mga manggagawaupang matustusan ang kanilang pangangailangan.
3. Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mas mahina ang produksyon ng bansa at marami
mahihirap.
4. Mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya nito.

Tandaan:
Ang unemployment ay may malaking implikasyon sa ekonomiya ng bansa.

Gawain 4.3.1
Buuin ang graphic organizer sa ibaba.

Implikasyon ng
Unemployment sa
Pamumuhay at sa Pag-
unlad ng Ekonomiya ng
Bansa

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 30


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Gawain 4.3.2
Batay sa iyong sariling karanasan o pag-aaral, paano nakakaapekto sa ating bansa ang pagkakaroon ng
unemployment at underemployment.

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 4.4: Mga Programa sa Paglutas ng Suliranin ng Unemployment

Narito ang ilan sa mga kagawaran ng pamahalaan at ang kanilang tungkulin


na mabawasan ang unemployment at mapaunlad an gating bansa.

 Kagawaran ng Kalakalan at Industriya o Department of Trade and Industry (DTI)- sangay ng


pamahalaan na nagpapaunlad ng mga industriya at kalakalan sa bansa. Pinasisigla nito ang
panlabas at panloob na kalakalan upang magkaroon ng trabaho ang mga mamamayan n gating
bansa.
 Kagawaran ng Paggawa at Empleo o Department of Labor and Employment (DOLE)-
pinamamahalaan nito ang mga patakaran at suliranin sa paggawa at empleyo.
 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)- tumutulong sa mga
mamamayan na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga
paaralang pambokasyonal.Layunin nito na makapag-bigay ng de-kalidad na trabaho sa ating mga
Pilipino.
 Philippine Overseas Employment Administration (POEA)-misyon nito na pangalagaan ang mga
OFW o Overseas Filipino workers.

Tandaan:
May mga programang inihanda ang pamahalaan para sa mga unemployed na mamamayan dto sa ating
bansa.

Gawain 4.4.1

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 31


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
Itala ang mungkahing solusyon para sa suliraning unemployment sa ating bansa. Kompletuhin ang graphic
organizer.

Mga Solusyon

Ayon sa mga Ekonomista Ayon sa Pamahalaan

Gawain 4.4.2
Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Paano nakakaapekto sa mga mangagawa ang pagtaas(at pagbaba) ng bilang ng labor force at
kawalan ng trabaho?

2. Bakit dapat mabigyan ng solusyon ang isyu ng unemployment sa ating bansa?

3. Sa iyong palagay, anong alternatibo ang maaaring imungkahi ng mga mamamayan sa pamahalaan
para sa mga taong naghahanap ng trabaho?

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 32


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

IBUOD
Ano-ano ang salik na nakaaapekto sa suliranin ng unemployment sa Pilipinas?

PAGYAMANIN

Magsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol sa paksang unemployment sa ating bansa. Ibahagi ang
iyong opinion ukol dito.

REPLEKSYON
Ano-ano ang implikasyong dulot ng enemployment sa bansa?
1. Sa pamumuhay ng tao-

2. Sa ekonomiya-

Binabati kita!
Halina’t tunghayan natin at saliksikin ang sunod na aralin!

ARALIN 5: GLOBALISAYON AT SUSTAINABLE


DEVELOPMENT
Talakayan 5.1: Ang Kasaysayan ng Globalisasyon at mga Aspekto Nito
Nakatulong din sa pagpapasimula ng globalisasyon sa kasaysayan ang Silk Road- ang ruta ng
kalakalan sa pagitan ng China at iba’t- ibang bansa. Malaki ang nagging kontribusyon nito sa
pagpapalawak ng pagpapalitan ng mga ideya at kaalaman ng mga tao kasama ang mga kalakal tulad ng
porselana, seda, mga sangkap o spices, at iba pang mga kayamanan mula sa silangan.
Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa mga
gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya, at pangkultura.

Mga Aspekto ng Globalisasyon

1. Komunikasyon
2. Paglalakbay
3. Popular na kultura
4. Ekonomiya
5. Politika

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 33


Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Tandaan:
Ang globalisasyon ay ang malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa.

Gawain 5.1.1
Sa iyong pananaw, mabuti ba o masama ang epekto ng globalisasyon sa ating bansa? Pangatwiranan ang
sagot.

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 5.2: Pagtitimbang ng Globalisasyon

Iba- iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa globalisayon at nanatili itong kontrobersyal na isyu.
Narito ang mga positibo at negatibong epekto nito.

Positibong Epekto ng Globalisasyon


 Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig
 Paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi
 Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na nakapagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan at paglaki ng produksyon na nakatutugon sa pangangailangan ng tao.
 Pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan ( world market)
 Paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng mabilis na transportasyon at komunikasyon
sa iba’t ibang panig ng daigdig
 Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa
 Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pandaigdigan at
panrehiyong organisasyon.
 Pag-unlad ng pamamaraan sa paggawa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng teknolohiya
 Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamot sa pagsugpo ng iba’t ibang
sakit at mga epidemya.
 Pag-usbong ng mga korporasyong multinasyonal at pandaigdigang institusyon na nangangalaga sa
kalakalan at pananalaping pandaigdig.
 Pagdali ng pamamahagi sa iba’t ibang lugar ng mga makabagong gamot
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 34
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Negatibong Epekto ng Globalisasyon


 Pagbaba ng capital ng mga lokal na industriya na hindi kompetitibo dahil sa pagtanggal ng
patakaran na nagbibigay-proteksyon sa mga ito.
 Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bansa
 Pagdami ng mga taong walang trabaho
 Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa
 Paghihigpit ng mga patakaran sa paggawa
 Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya
 Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit
 Pagkakaroon ng mga suliraning may kaugnayan sa ugnayang panlabas

Tandaan:
May positibo at negatibong epekto ang globalisasyon sa ating bansa.

Gawain 5.2.1
Timbangin ang kabuuang epekto ng globalisasyon sa ating bansa. Isulat sa loob ng kahon sa ibaba.

Mabuti Masama

Magaling!
Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na talakayan.

Talakayan 5.3: Sustainable Development at ang Hamon Nito

Ang sustainable development ay ang pagkakaroon ng kaunlaran nang hindi nasisira o


napapabayaan ang mga gamit na kakailanganin ng susunod na henerasyon upang sila ay mabuhay at
umunlad. Bukod sa layunin na makamit ang kaunlaran, layunin din ng konsepto ng sustainable
development ang paggamit ng kalikasan nang maayos para sa kapakanan ng susunod na mga
henerasyon.

Ano ang Sustainable Development?

Ang sustainable development ay madalas natin marinig kapag pinag-uusapan ang kalikasan at ekonomiya.
Ito ay dahil ang ibig sabihin ng sustainable development at ito ang pagkakaroon ng kaunlaran nang hindi
nasisira o napapabayaan ang mga gamit na kakailanganin ng susunod na henerasyon upang sila ay
mabuhay at umunlad.

Tatlong Pokus ng Sustainable Development


Kaugnay nito, ang sustainable development ay nakapokus sa tatlong bagay o paksa:

 kalikasan
 ekonomiya
 mamamayan
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 35
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter

Ang tatlong pokus na ito ay nakatuhog sa isa't isa dahil kapag maayos ang dalawang pokus, magiging
maayos na rin ang huling pokus ng sustainable development. Ang pagkakaroon ng maayos na kalikasan at
ekonomiya ay nagdudulot ng kaunlaran sa mga mamamayan - ngayon at pati sa susunod na henerasyon.

Ang pagkakaroon ng sustainable development ay hindi madali para sa Pilipinas dahil sa mga
sumusunod na hamon:

 Corruption- ang pagkakaroon ng corruption sa pamahalaan ay isang napakalaking hamon dahil


imbis na mapunta ang pera sa mga istruktura, Edukasyon at teknolohiya para sa ikauunlad ng
bansa ay napupunta lamang sa bulsa ng mga pulitiko.

 Magandang Edukasyon- ang pagkakaroon ng edukasyon sa mga kabataan Pilipinas ay isa sa


mga susi upang magkaroon ng pag-unlad. Ngayon, libre na ang pag-aaral sa mga pampublikong
paaralan dahil sa kasalukuyang adiministrasyon.

 Agrikultura - ang pagkakaroon ng magandang agrikultura ay isa ding susi upang maging
matagumpay. Isipin na lamang natin, kung kaya nating suplayan ang sarili nating bansa, hindi na
kinakailangan pang mag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa at kalaunaý ang ekonomiya ng
Pilipinas ay gaganda.

Tandaan:
Hindi madali ang pagtamo ng Sustainable development.

Gawain 5.3.1
Itala sa kahon sa ibaba ang layunin ng Sustainable development. Ipaliwanag kung ano ang magiging
bunga nito para sa ekonomiya n gating bansa.

IBUOD
Ipaliwanag ang kahalagahan ng globalisasyon sa ekonomiya ng ating bansa.

PAGYAMANIN
AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 36
Paradigm Colleges of Science and Tecnology
Unang Kwarter
Magsaliksik sa internet para sa iba pang impormasyon tungkol sa Sustainable Deevelopment.

REPLEKSYON
Paano nakakatulong ang atig pamahalaan sa pagtamo ng sustainable development?

Binabati kita!
Halina’t tunghayan natin at saliksikin ang sunod na aralin!

AP 10 Kontemporaryong Isyu Page 37

You might also like