You are on page 1of 21

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4 (Week 7-8)

Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga


Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon
Subukin
Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin sa ma sumusunod na konsepto ang hinihingi
ng tanong. Bilugan ang titik ng iyong mga napiling sagot.
1. Ang kampanyang ito ay pinangungunahan ni Emma Watson na itinalaga ng United
Nations bilang UN Ambassador. Layunin nito ang pagkakapantay-pantay ng kasarian
at kabutihan ng kababaihan kalakip ang mga kalalakihan sa pagtataguyod nito. Ano
ang tawag sa kampanyang ito?
A. HeForShe C. SheForHe
B. MeForShe D. YouForShe

2. Ang batas na ito ay ipinatupad laban sa karahasan sa mga kababaihan at sa kanilang


mga anak. Ito ay nagbibigay proteksiyon sa mga biktima at nagpaparusa sa mga
kalalakihan na lumalabag sa panukalang ito. Ano ang tawag sa batas na ito?
A. HeForShe
B. Magna Carta for Women
C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
D. CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women

3. Ang batas na ito ay nagbibigay rin ng proteksyon sa mga kababaihan at layunin nito na
alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan. Itinataguyod nito
ang pagkilala at pagtanggap sa mga Karapatan ng mga kababaihan. Ano ang batas na
ito?
A. HeForShe
B. Magna Carta for Women
C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
D. CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women

4. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad
ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng
proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang mga kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
B. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan
o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae
C. Kababaihan at kanilang mga anak
D. Lahat ng mga nabanggit

5. Responsibilidad ng ating pamahalaan na proteksyunan ang mga kababaihan sa lahat


ng uri ng diskriminasyon. Kaya naman mayroon mga batas na ipinatutupad ang atin
pamahalaan upang maparusan ang sinumang lalabag dito. Alin sa mga sumusunod na
batas ang ipinatupad na pamahalaan na nangangalaga sa mga Karapatan ng
kababaihan?
A. HeForShe
B. United Nations for Women
C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
D. CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women

2
3
6. Ang Magna Carta for Women ay batas upang ipagtanggol ang Karapatan ng mga
kababaihan laban sa anumang uri ng pang-aabuso. Upang maging matagumpay ang
batas na ito ay kailangang maipatupad ito ng Mabuti. Sino ang pangunahin itinalaga
nga batas na ito bilang tagapagpatupad?
A. Kababaihan C. Pamahalaan
B. Mamamayan D. Simbahan

7. Binibigyang pansin ng pamahalaan ang mga babaeng mahirap o nasa di kaaya-ayang


kalagayan. Sila ang mga babaeng manggawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
magtatrabaho sa bukid, mangingisda, migrante, Moro at Katutubo. Ano ang tawag sa
mga kababaihang ito?
A. Biktima C. Marginalized Women
B. Manggagawa D. Women in Especially Difficult Circumtances

8. Ang batas na Magna Carta for Women ay binibigyang halaga ang mga kababaihang
nasa panganib na sitwasyon. Sila angmga biktima ng pang-aabuso, digmaan,
prostitusyon at mga nakulong. Ano ang tawag sa mga kababaihang ito?
A. Biktima C. Marginalized Women
B. Manggagawa D. Women in Especially Difficult Circumtances

9. Isinabatas ang Magna Carta for Women sa ating bansa alinsunod sa pandaigdigang
instrumento na kung saan itinataguyod ang pagkakapantay-pantay sa kababaihan at
layuning wakasan ang diskriminasyon laban sa kababaihan. Ano ang tawag sa tanging
internasyunal na kasunduan na tumatalakay sa Karapatan ng kababaihan?
A. HeForShe
B. United Nations for Women
C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
D. CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women

10. Ang Magna Carta for Women ay nagbibigay pansin ng mga batang babae, matatanda,
may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women
in Especially Difficult Circumstances.Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga
tinatawag na Marginalized Women?
A. Babaeng magsasaka C. Babaeng mangingisad at migrante
B. Babaeng manggagawa sa bukid D. Lahat ng mga nabanggit

Aralin
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu
4 ng Karahasan at Diskriminasyon

Isang masayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang


Noong nasa ikasiyam na baitang ka pa, napag-aralan mo ang paglalapat ng
kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan, paggawa ng tamang desisyon, at pagharap sa mga hamon
o suliranin sa buhay kasama ang suliraning pangkapaligiran. Nalaman mo rin sa nauang
modyul ang mga kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng
mga
hamong pang kapaligiran. Ngayon, mas mapapalawak at mapapalalim pa ang iyong
kaalaman tungkol sa pagtugon at pagiging handa sa iba’t ibang kalamidad na maaaring
tumama sa inyong lugar. Mahalagang malaman mo ang mga angkop na hakbang sa
pagbuo ng plano upang maging handa ang inyong pamayanan sa anumang hazard at
kalamidad na darating. Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa
karunungan!

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakagagawa ng hakbang na nagusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan (MELC);
2. Natutukoy ang tugon ng pamahalaan Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
Diskriminasyon upang maisulong ang pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at;
3. Nakabubuo ng sariling hakbang na nagpapakita ng pagsulong sa pagtanggap at
paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.

Balikan
Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng iyong mga napiling sagot.
1. Ano ang tumutukoy sa hindi makatarungang pagtrato ng mga babae, lalaki at LGBT
dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian at naging sanhi sa hindi pagkilala,
paggalang at pagtatamasa ng kanilang mga karapatn at kalayaan?
A. Atraksyon C.Karahasan
B. Diskriminasyon D. Kaguluhan

2. Ang sumusunod ay kabilang sa konsepto ng diskriminasyon MALIBAN sa:


A. Hindi paggalang C.Pagmamaltrato
B. Respeto D.Kawalang-hiyaan

3. Isang kondisyon na kadalasang nangyayari sa mga kalalakihan at maituturing na


isang anyo ng diskriminasyon sa kanilang imahi sapagkat sila ay naging abala sa
bahay samantalang ang mga misis ay nagtatrabaho.
A. House boy B. Housekeeper
C. House husban D. Room boy

4. Ang diskriminasyon ay walang pinipiling kasarian. Malawak ang mga epekto sa


kani- kanilang mga sarili. Alin ang HINDI kasama sa mga konsepto sa ibaba?
A. Pisikal C. Pagmamaltrato
B. Emosyonal D. Panlipunan

5. Alin ang HINDI maituturing na karahasan sa kababaihan, lalaki at LGBT?


A. Pagbanta na saktan C. Iniinsulto
B. Pinagpapaaral D. Sinasakal
Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1: SURIIN MO, ALAMIN MO
A. Panuto: Mag-isip ng isang gawain na maaaring magbunga ng isyu ng karahasan o
diskriminasyon sa isang lalaki, babae o LGBTQ at pag-isipan kung ako ang maaaring
gawin ng ating gobyerno upang ito ay masolusyunan.
GAWAIN MAGAGAWA
NG GOBYERNO
KARAHASAN DISKRIMINASYON

1. LALAKI

2. BABAE

3. LGBTQ

B. Panuto: FACT or BLUFF. Isulat ang Fact kung ito ay nagpapahiwatig ng katotohan at
Bluff naman kung hindi.
1. _Mas marami ang kayang gawin ng lalake kaysa sa babae.
2. _ Ang mga binabae ay hindi tinatanggap sa trabaho.
3. _Mayroong mga babae na kayang gawin ang trabaho ng mga lalake.
4. _Ang mga napabilang sa LGBTQ ay magaling lamang sa larangan ng sining.
5. _Lahat ng tao lalake, babae, at LGBTQ ay mayroong tinatamasang
Karapatan na dapat sundin.
6. _Ang Ina na itinuturing na ilaw ng tahanan ay walang karapatang magtrabaho.
7. _Ang mga LGBTQ ay dapat tanggapin at igalang.
8. _Pantay-pantay ang mga karapatang taglay ng mga lalake, babae at
mga myembro LGBTQ.
9. _Mayroong mga lalake na mas gusting gawin ang trabaho ng mga
babae. 10. Mas mahusay magtrabaho ang mga lalake kaysa sa mga babae.

C. Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at ibigay ang nais ipahiwatig nito.

1. _
2.

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3: KUWENTONG-BAYAN
Panuto: Basahin ang kuwento at punan ang Cause-Effect-Solution Chart ng mga
hinihinging detalye. Sagutan ang mga gabay na tanong sa ibaba.

GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY


Rosalyn B. Baay

Sa isang tahimik na lugar sa probinsya ng Cebu ay mayroon mag-asawa


na naninirahan sina Aling Saling at Mang Dodong. Mayroon silang apat na mga
anak sina Marimar na labing-lima, Fernand na labing-apat, Rosalinda na labing-
tatlo at Lucio na labing labing-dalawa. Tig-iisang taon lang ang agwat ng mga
edad nila.
Magkaiba ang pananaw ng mag-asawa ukol sa kinabukasan ng kanilang
mga anak at malimit silang nagtatalo dahil dito. Nais ni Aling Saling na
makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak dahil nga sa elementarya lng
ang natapos niya ngunit ayon ni Mang Dodong na dapat ang mga lalaki lamang
ang pag-aralin nila dahil ang mga babae pagnag-asawa na ay maiiwan lang sa
bahay para mag-alaga ng mga bata. Gusto ni Mang Dodong na pulis ang kuning
kurso ng mga anak niyang lalaki. Walang nagawasi Aling Saling kundi sundin ang
gusto ng kanyang asawa. Ngunit parang magkakaproblem ang mag-asawa sa
dalawang anak nila. Ang panganay na si Marimar ay gustong mag-aral ng
pagiging pulis dahil siya raw ay aktibo at malakas ang pangangatawan. Si lucio
naman na bunsong anak ay kinakikitaan ng kalambutan ng pangangatawan. Ayaw
niyang magpulis dahil baka daw magkaroon siya ng mga muscles at “Lucy” ang
gusto niyang palayaw.
Nahihirapan ang mag-asawa kung ano ang gagawin nila. Hanggang sa
nakapagdesisyon sila na dapat mag-asawa si Marimar para maging tunay na
babae. Hindi din nila matanggap na binabae ang kanilang bunso kaya agad nila
itong ipinasok sa Arnis Class.
CAUSE-EFFECT-SOLUTION CHART

Naging Suliranin Dahilan Epekto Sulosyon


sa Kuwento

Hindi matanggap ng mag-asawa


ang tunay na katauhan ng
kanilang dalawang anak.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Paano mo mailalarawan ang pamilya nina Aling Saling at Mang Dodong?
2. Ano ang nararamdaman mo matapos basahin ang kuwento?
3. Bakit humantong ang mag-anak sa suliraning kinakaharap nila?
4. Bakit kaya gusto ni Mang Dodong na maging pulis ang mga anak niyang lalake?
5. Bakit kaya walang nagawa si Aling Saling at sundin nalang ang gusto ng asawa?
6. Ano ang masasabi mo sa naging aksiyon ng mag-asawa sa suliranin ng kanilang
pamilya?
7. Sa iyong palagay magiging masaya ba si Rosalinda at Lucio sa desisyon ng kanilang
mga magulang?
8. Maliban sa hindi matanggap ng mag-asa ang tunay na katauhan ng kanilang
dalawang anak mayroon ka pa bang nakikitang surilanin ng pamilya? Ano ito?
Ano kaya ang solusyon dito?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: KAPAG MAY KATWIRAN, IPALIWANAG MO!
A. Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon. Tukuyin kung ito ay TAMA o
MALI at ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng hugis puso.

Ang mga napabilang


sa LGBTQ ay hindi
dapat tanggapin sa
lipunan.
Ang mga ilaw ng tahanan
ay dapat igalang at mahalin
ng kanilang asawa at mga
anak.

Hindi mahalaga ang


pagsusulong ng pagtanggap
at paggalang sa kasarian.

Ang mga magulang ay dapat


pilitin ang kanilang mga anak
na maging tuwid sa kanilang
katauhan.

Pagpapatupad ng mga batas


na nagbibigay proteksiyon at
nagtataguyod ng
pagkapantay- pantay ng tao.

B. Panuto: Subakang magsaliksik ng mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga


kababaihan, kalalakihan, at sa mga miyembro ng LGBTQ. Isulat ang iyong sagot sa loob
ng kahon.

Kababaihan:

Kalalakihan:

LGBTQ:
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Naging madali ba o mahirap ba para sa iyo ang pagsagot sa gawain? Bakit?
2. Paano kaya makakatulong ang mga batas na ito sa iyong pakikitungo sa kanila?
3. Mayroon ka bang nahanap na batas sa bawat isa sa kanila?

Isaisip

Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Anti-Violence Against Women and Their


Children Act

Paliwanag Nabibigyang Maaaring makasuhan


proteksiyon
-Batas laban sa karahasan -Kababaihan (kasalukuyan o dati)
sa kababaihan at mga -Mga anakng - asawang lalaki
anak. inabusong babae - kasintahan
-Proteksiyon para sa - live-in partners
biktima. - lalaking nagkaroon ng anak.
-Nagpaparusa sa mga - Nagkaroon ng sexual or dating
lumalabag dito. relationship sa babae.

Halimbawa: Pagmamaltrato ng asawang lalaki sa asawang babae.

Magna Carta for Women

Paliwanag Tagapagpatupad Saklaw ng batas na ito


-Nag-aalis ng Pamahalaan Babaeng Pilipino
diskriminasyon sa (anuman ang katayuan sa lipunan)
kababaihan. Binibigyan kahalagan ang sumusunod:
-Nagsusulong ng Batang babae
pagkakapantay-pantay. Matatanda
May kapansanan
Marinalized Women (babaeng mahirap)
Women in especially difficult circumtances.
(Babaeng nasa panganib)
HeforShe.org

Paliwanag Nangunguna
-Kampanya ng UN Women Emma Watson
-Pagkakapantay-pantay ng kasarian (UN Goodwill Ambassador)
-Nagsusulong sa kabutihan ng mga
kababaihan.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. May mga bahagi ba ng buod ng paksa ang hindi mo nakuha sa mga nagdaang
gawain sa pagkatuto?
2. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan mong malaman at maintindihan ang paksa
ng araling ito?
3. Ano ang konklusiyon na mabubuo mo tungkol sa paksa ng araling ito?

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: AKSYONAN MO
A. Panuto: Bumuo ng mga programa o proyekto gamit ang mga tsart sa ibaba para sa
kababaihan, kalalakihan at miyembro ng LGBTQ bilang hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan.

Pangalan ng Programa o Nakapaloob o Nilalaman sa


Proyekto Para sa Kababaihan Programa o Proyekto

Pangalan ng Batas Para sa Nakapaloob o Nilalaman ng Batas


Miyembro ng LGBTQ
Pangalan ng Programa o Nakapaloob o Nilalaman sa Programa o
Proyekto Para sa Kalalakihan Proyekto

B. Panuto: Sumulat ng isang journal na naglalaman ng mga tugon ng pamahalaan


Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at Diskriminasyon upang maisulong ang pagtanggap
at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.

C. Panuto: Gumawa ng campaign slogan na maglalahad ng kahalagan ng pagusulong sa


pagtanggap at paggalang sa kasarian.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: PAGGAWA NG CAMPAIGN SLOGAN


Pamantayan Lubos na Mahusay Hindi Gaanong Kailangan pang
Mahusay Mahusay Magsanay
100 95 90 85

Tama ang lahat May isa o May ilang mali Karamihan sa


ng mga dalawang mali sa sa mga ibinigay ibinigay na
1. Nilalaman ibinibigay na mga ibinibigay na na datos o datos o
datos o datos o impormasyon impormasyon ay
impormasyon impormasyon mali
Lubhang Malinaw at Hindi gaanong Malabo at hindi
malinaw at maiintindihan ang malinaw at maunawaan
2. Paglalahad madaling pagkalahad ng naiintindihan ang ang
maiintindihan mga datos pagkakalahad pagkakalahad
ang pagkalahad ng mga datos ng mga datos
ng mga datos
Lahat ng im May konting Hindi maliwanag Hindi tama o
3. Kalidad ng pormasyon ay impormasyon na ang mga tiyak ang mga
impormasyon maliwanag ayon walang impormasyon impormasyon
sa paksa kaugnayan sa
paksa

4. Paghihikayat Nakahihikayat Nakahihikayat Bahagyang Hindi


ng lubos ang ang gawain nakahihikayat nakahihikayat
gawain ang gawain ang gawain

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Bilang isang mag-aaral bakit mahalaga na magkaroon ng mga batas na mangangalaga
sa karapatan ng kababaihan, kalalakihan, at sa mga miyembro ng LGBTQ?
2. Bakit walang partikular na batas na nabanggit para sa mga kalalakihan?
3. Sa iyong palagay pantay ba ang pagpapatupad ng batas ukol sa mga karapatang ng
kababaihan, kalalakihan at sa mga miyembro ng LGBTQ? Bakit? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
4. kung ikaw ay nasaksi ng isang pangyayari ng nagpapakita ng diskriminasyon sa isang
miyembro ng LGBTQ, ano ang iyong gagawin?
5. Bilang isang mag-aaral, paano makakatulong sa iyo ang araling ito?

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga pahayag at sagutan ang mga tanong. Bilugan ang titik ng iyong
napiling mga tamang sagot.
1. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay batas na nagbibigay
proteksiyon sa mga kababaihan at kanilang mga anak. Maaaring kasuhan ang
sinumang lalabag sa batas na ito. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng paglabag sa batas na ito?
A. Ibinibigay ng asawang lalaki ang lahat ng sahod niya sa kanyang asawa.
B. Pinipigilan ng asawang lalaki na magtrabaho ang kanyang asawa sa pinapasukan
kompanya.
C. Hinahayaan ng asawang lalaki na magdesisyon ang kanyang asawang babae ukol
gawaing pampamilya.
D. Ang asawang lalaki ay nagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanyang
asawa at kanilang mga anak.

2. Ang Magna Carta for Women ay mayroon layunin na itaguyod ang kabutihan ng mga
kababaihan laban sa anu mang anyo ng diskriminasyon. Ito ay ipinatupad noong Hulyo
8, 2008. Sa iyong pananaw, ano ang kabutihang naidudulot ng batas na ito?
A. Ito ay lumilikha ng malaking agwat sapagitan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan.
B. Ito ay nagtataguyod ng patriakal na lipunan kung saan ang asawang lalaki ang
tanging nagdedesisyon sa pamilya.
C. Ito ay nakakatulong sa pagtataguyod at pagkilala sa mga batas na pabor sa lahat ng
kalalakihan sa lipunan na kanyang kinabibilangan.
D. Ito ay nagtataguyod at kumikilala sa husay at galing ng lahat ng kababaihan na
mayroonpagtanggap sa iba’t-ibang larangan.

3. Inatasan ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang tagapagtaguyod ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maipatupad ang mga layunin ng mga batas na
ito. Sa palagay mo, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang salungat sa batas na ito?
A. Pagwawalang bahala sa mga batas, patakaran, programa at polisiya na nagpapalala
sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
B. Pagtanggal sa mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, paniniwala,
tradisyon, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang babae at lalaki.
C. Paggawa ng mga hakbang ng pamahalaan upang maisaayos ang batas, patakaran
at mga programa at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
D. Paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-
alang sa mga pangangailangan ng mga babae tungo sa kanilang kahusayan at
kabutihan.

4. Ang Magna Carta ay ipinatupad bilang pagsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang CEDAW. Sa iyong palagay, bakit kaya ang
pamahalaan ang inatasan na tagapagtupad sa komprehensibong batas na ito?
A. Dahil mapipilitan ang pamahalaan na proteksiyunan ang mga mamamayang Pilipino
lalong-lalo na ang kababaihan.
B. Dahil may sapat na pondo ang pamahalaan at upang hindi mawaldas sa walang
saysay na proyekto ang kaban ng bayan.
C. Dahil ang pamahalaan ang nagdedesisyon sa buhay ng lahat ng Pilipino saan man
sa mundo sila makarating at mamuhay.
D. Dahil ang pamahalaan ay may kakayahan na bumuo at magpatupad ng batas,
patakaran, programa at polisiya laban sa diskriminasyon sa kababaihan.

5. Ang mga mamamayan Pilipino ay mayroon tinatamasang Karapatan lalong -lalo na ang
mga kababaihan. Kung ang iyong kapitbahay ay isang manggagawang babae na
biktima ng karahasan sa kanyang pinapasukan kompanya, siya ba ay matutulongan ng
batas na “Magna Carta for Women’’? Bakit?
A. Hindi, dahil tanging kababaihan lamang na biktima na mga karahasan ang binibigyan
ng proteksiyon ng batas na ito.
B. Hindi, dahil ang batas na ito ay nakatuon lamang sa pagtulong sa babaeng walang
trabaho at kailangan na kumita para sa kanilang pangangailangan.
C. Oo, dahil ang batas na ito ay layunin na magkawanggawa sa mga kapuspalad na
kababaihan nangangailangan ng tulong ng pamahalaan upang makaraos sa buhay.
D. Oo, dahil ang batas na ito ay nagbibigay pansin sa mga tinatawag na Marginalized
Women at base sa kaniyang kalagayan siya ay napabilang sa kategoryang ito.

6. Kasama ang Marginalized Women sa binibigyang pansin ng batas na Magna Carta for
Women na kung saan tumutukoy sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Paano mo naman mailalarawan ang Women in Especially Difficult
Circumtances?
A. Sila ay mga babaeng magsasaka at manggagawa sa bukid.
B. Sila ay mga kababaihang Moro at katutubo na nakatira sa liblib na lugar.
C. Sila ay mga kababaihan nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan.
D. Sila ay mga kababaihan mangingisda at migrante na nanggagaling sa mga
malalayong lugar.

7. Si Emma Watson ay isang UN Goodwill Ambassador at pinangungunahan ang


kampanyang HeForShe. Siya ay aktibo sa pagpapatupad ng mga layunin ng
kampanyang ito. Sa iyong palagay natutulungan ba ng kampanyang ito ang mga
kababaihan upang maitaguyod ang kanilang mga Karapatan?
A. Oo, dahil layunin ng kampanyang ito ang pagkapantay-pantay ng kasarian.
B. Oo, dahil ang mga kababaihan ay itinuturing na mahihinang nilalang sa lipunan.
C. Hindi, dahil ang mga karapatan ay nararapat lamang sa mga produktibong
kalalakihan.
D. Hindi, dahil nakapaloob sa batas na ito ang mga Karapatan ng mga kalalakihan
lamang.

8. Marami ng pagtatalo ukol sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae. Ikaw bilang


isang mamamayang Pilipino, karapat-dapat bang bigyan ng mga Karapatan ang mga
kababaihan kapantay ng mga karapatang tinatamasa ng mga kalalakihan?
A. Oo, upang matingil na ang pakikipagkompetinsya ng mga kababaihan sa mga
kalalakihan.
B. Oo, upang maipakita ng mga kababaihan ang kanilang mga kahusayan sa iba’t-
ibang larangan ng ating lipunan.
C. Hindi, upang hindi umabuso ang mga kababaihan sa mga Karapatan na
ipinagkaloob sa kanila ng ating pamahalaan.
D. Hindi, dahil masyado nang napakaraming batas ang tinatamasa ng mga kababaihan
at nahihigitan na nila ang mga kalalakihan.

9. Matapos mong pag-aralan ang araling ito, mapapansin mo na maraming batas ang
para sa mga kababaihan at walang partikular na batas ang itinalaga ang pamahalaan
para sa mga kalalakihan. Sa iyong palagay, bakit kaya walang batas ang nakalaan para
sa mga kalalakihan?
A. Dahil ang mga kalalakihan ay tuso.
B. Dahil ang mga kalalakihan ay hindi sumusunod sa mga batas.
C. Dahil ang mga kalalakihan ay hindi kailangan ng tulong sa pamahalaan.
D. Dahil ang mga kalalakihan ay mayroong natural na lakas upang maproteksyunan
ang kanilang sarili.

10. Ang araling ito ay tumatalakay sa mga Karapatan ng mga kababaihan laban sa mga
karahasan. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa mga proteksiyon at
pangangalaga sa Karapatan na ibinibigay ng pamahalaan sa mga kababaihan?
A. Oo, dahil ang mga kababaihan ay palaging nangangailangan ng tulong.
B. Oo, dahil ang mga kababaihan ay natural na mas mahina kaysa sa mga
kalalakihan at base sa pag-aaral, ang mga kababaihan ay ang kadalasang naging
biktima ng pang-aabuso o karahasan.
C. Hindi, dahil masyado nang lumalabis ang mga kababaihan sa mga tinatamasa
nilang mga Karapatan at ginagamit na nila ito sa panluluko.
D. Hindi, dahil ang mga kababaihan ay nagiging mapagsamantala at mapanlinlang
dahil sa mga tinatamasa nilang mga Karapatan na kaloob ng pamahalaan.
Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: OPINYON KO, ISUSULAT KO
Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano ka makikiisa upang maisulong ang
pagkakapantay- pantay ng kasarian sa kabila ng ating pagkakaiba? Sagutin ang tanong
na ito sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: PAGGAWA NG SANAYSAY


Pamantayan Lubos na Mahusay Hindi Gaanong Hindi Mahusay
Mahusay Mahusay

Wasto ang lahat May dalawang May apat na hindi Hindi wasto ang
ng datos o hindi wastong wastong datos o lahat ng datos o
1. Kawastuhan
impormasyon datos o impormasyon impormasyon
impormasyon
Tama ang May isa o May mga mali sa Hindi tama ang
detalye ng dalawang mali detalye ng mensahe
2. Pagsasaayos mensahe ang detalye ng mensahe
mensahe
Lahat ng mga May ilang Hindi maliwanag Hindi wasto o
impormasyon impormasyon na ang tiyak ang mga
3. Kalidad ng
ay maliwanag at walang impormasyon impormasyon
impormasyon
nakabatay sa kaugnayan sa
paksa paksa
Napakahusay na Hindi gaanong May hindi Hindi
inilahad ang malinaw ang maintindihan sa maintindihan ang
4. Palalahad
mensahe mensahe mensahe mensahe
Nakahihikayat ng Nakahihikayat Bahagyang Hindi
lubos ang output ang output nakahihikayat nakahihikayat
5. Paghihikayat
ang output ang output
B. Panuto: Gumawa ng isang “Pledge of Commitment“ bilang pangako ng iyong
pagtanggap at paggalang sa kasarian.

Ako si _ ay nangangako na
_. Ako ay tutupad _ _
dahil _.

Lagda

Susi sa Pagwawasto

You might also like