You are on page 1of 9

,

10
Learning Acivity Sheet sa
Araling Panlipunan 10
Quarter 3 - Week 5
Hakbang na Nagsusulong ng Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian
na Nagtataguyod ng Pagkakapantay-pantay ng Tao Bilang Kasapi
ng Pamayanan.
GRADE 10– ARALING PANLIPUNAN
LEARNING ACTIVITY SHEET BLG. 5
QUARTER 3, Week 5

Hakbang na Nagsusulong ng Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian


na Nagtataguyod ng Pagkakapantay-pantay ng Tao Bilang Kasapi
ng Pamayanan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

MELC: Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at


paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan

II. Panimula (Susing Konsepto)

Napag-aralan mo sa nakaraang aralin at natapos sagutan ang mga


gawain na tumutugon sa iyong kaalaman hinggil sa pagtugon ng
pamahalaan at mamayan ng Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon. Ngayon, sa worksheet na ito ay mas lalo mong
pagtitibayin ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot
ng lahat ng mga gawain na siyang nakatuon naman sa hakbang na
nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod
ng pagkapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
Sa puntong ito ay pagtuunan mo ng pansin ang mga hakbang na
ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga isyu at hamon sa
kasarian at lipunan. Ang susunod na teksto ay tatalakay kung bakit
kailangan magkaroon ng pagkapantay-pantay ang mga tao bilang kasapi
ng lipunan. Naglabas ng Executive Order No. 100 ang Pangulong Duterte
noong December 19, 2019 na pinamagatang “Institutionalizing the
Diversity and Inclusion Program, Creating an Inter-Agency Committee on
Diversity and Inclusion, and for Other Purposes.” Ito ay naka-angkla sa
Seksyon 11 ng 1987 Konstitusyon na pinapahalagahan ng Estado ang
karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa
mga karapatang pantao. May mga internasyunal na kasunduan na naging
state parties ang Pilipinas na naglalayon na wakasan ang lahat na uri
ng diskriminasyon at pang-aabuso at itaguyod ang pagkapantay-pantay
sa lahat ng tao sa lipunan.
Ayon sa Universal Declaration of Human Rights sa ilalim ng
preamble at Artikulo 1, inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao
tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Resulta nito ang
pagkakabuo ng HeForShe.org na isang pinag-isang kampanya ng UN
Women para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Ito rin ay
naglalayong isama ang mga kalalakihan sa laban sa di-pantay na
pagtrato sa mga kababaihan at para sa karapatan ng mga kababaihan.
Noong Setyembre 20, 2014 sa punong-tanggapan ng United
Nations, pinangunahan ni Emma Watson ang isang kampanya para sa
HeForShe.org. Tunghayan ang kanyang pahayag sa isang kampanya ng
HeForShe.org.

“Today we are launching a campaign called for HeForShe. I am


reaching out to you because we need your help. We want to end
gender inequality, and to do this, we need everyone involved. This
is the first campaign of its kind at the UN. We want to try to
mobilize as many men and boys as possible to be advocates for
change.
And, we don’t just want to talk about it. We want to try and make
sure that it’s tangible. I was appointed as Goodwill Ambassador
for UN Women six months ago. And, the more I spoke about
feminism, the more I realized that fighting for women’s rights has
too often become synonymous with man-hating. If there is one
thing I know for
certain, it is that this has to stop. For the record, feminism by
definition is the belief that men and women should have equal
rights and opportunities. It is the theory of political, economic and
social equality of the sexes. But sadly, I can say that there is no
one country in the world where all women can expect to see these
rights. No country in the world can yet say that they achieved
gender equality. These rights, I consider to be human rights, but I
am one of the lucky ones. We don’t often talk about men being
imprisoned by gender stereotypes, but I can see that they are
and that when they are free, things will change for women as a natural
consequence. If men don’t have to be aggressive in order to be
accepted, women won’t feel compelled to be submissive. If men don’t
have to control, women won’t have to be controlled. Both men and
women should feel free to be sensitive. Both men and women should
feel free to be strong. It is time that we all perceive gender on a
spectrum, instead of two sets of opposing ideals. If we stop defining
each other by what we are not, and start defining ourselves by who we
are, we can all be freer, and this is what HeForShe is about. It’s about
freedom I want men to take up this mantle so that their daughters,
sisters, and mothers can be free from prejudice, but also so that their
sons have have permission to be vulnerable and
human too, reclaim those parts of themselves they abandoned, and in
doing so, be a more true and complete version of themselves.
Statesman Edmund Burke said, “All that is needed for the forces of evil
to triumph is for good men and women to do nothing.” In my
nervousness for this speech and in my moments of doubt, I told myself
firmly, “If not me, who? If not now, when?” If you have similar doubts
when opportunities are presented to you, I hope those words will be
helpful. Because the reality is that if we do nothing, it will take seventy-
five years, or for me to be nearly 100, before women can expect to be
paid the same as men for the same work. 15.5 million girls will be
married in the next 16 years as children. And at current rates, it won't
be until 2086 before all rural African girls can have a secondary
education. If you believe in equality, you might be one of those
inadvertent feminists that I spoke of earlier, and for this, I applaud you.
We are struggling for a uniting word, but the good news is, we have a
uniting movement. It is called HeForShe. I invite you to step forward, to
be seen and to ask yourself, “If not me,
who? If not now, when?”
(Mga sipi mula sa Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 10)
B. Mga hakbang na magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi
ng pamayanan.ay:

1. Ang pagrespeto sa nararamdaman ng iba.


2. Pagsulong ng mga adbokasiya na magpapalawak ng kaalaman sa ibat-
ibang kasarian para mabigyan ng kaunawaan ang bawat indibidwal.
3. Pagyamanin ang pagmamahal sa kapwa sa tulong ng paggalang at
pagtanggap ng walang diskriminasyon.
4. Pagpahayag ng suporta sa batas kontra-diskriminasyon na
magbabawal ngdiskriminasyon ayon sa oryentasyong sexual at identidad
sa kasarian, pati sa edukasyon, trabaho, pangangalagang
pangkalusugan, at mga akomodasyong pampubliko.
5. Pagsabatas ng lokal na mga ordinansa na mag babawal ng
diskriminasyon ayon sa oryentasyong sexual at identidad sa kasarian,
pati sa edukasyon, trabaho,pangangalagang pangkalusugan, at
akomodasyong pampubliko.
6. Pagpalaganap ng mga patakaran at regulasyon sa implementasyon
upang masigurong magagamit at naipapatupad ang umiiral na ordinansa
kontra-diskriminasyon.
7. Pagsasagawa ng isang komprehensibong rebyu sa pagpapatupad ng
mga paaralan sa probisyon ng Child Protection Policy at Anti-Bullying
Law.
8. Pagpapatibay ng mga patakaran kontra-bullying at kontra-
diskriminasyon sa loob ng paaralan.
9. Pagrebyuhin ng pamantayan ng kurikulum sa edukasyong sexual
upang masigurong angkop ang mga alituntunin ng UNESCO para sa
malawak na edukasyon sa seksuwalidad, tumpak sa medikal at
siyentipikong batayan, bukas sa kabataang LGBT, at pinag-uusapan nito
ang parehong-sex na aktibidad bilang kapantay ng iba pang seksuwal na
aktibidad.
10. Pagsasabatas ng Anti-Discrimination Bill sa mga LGBT bilang
pagpapahayag ng kanilang pantay na Karapatan sa lipunan.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito maisusulong ang pagtanggap at
paggalang sa kasarian at naitataguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan.

III. Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at Educational Sites)


• MELCs 2020 – pahina 47
• ● Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 10 – Isyu at Hamong
Panlipunan pahina 310-328

IV. Mga Gawain


ISULAT ANG SAGOT SA
SAGUTANG PAPEL
(ANSWER SHEET)
Mga Panuto

Sa bahaging ito, susuriin at susukatin ang mga


kaunlarang natamo mo sa aralin sa pamamagitan ng mga gawain
at mga pagsasanay. Layunin nito na pagtibayin ang iyong pag-
unawa sa paksang tinalakay. Bahagi rito ang iba’t ibang uri ng
pagtataya gaya ng pagtukoy ng pahayag at uri ng epekto,
pagsagot sa mga pamproseso at batayang tanong at pagbubuo
ng konsepto mula sa aralin. Upang masukat nang tama ang iyong
kakayanan sa paggawa ng mga gawain, may inihandang rubric
na dapat mo rin isaalang-alang bilang gabay mo.

Pagsasanay/Aktibidad
Gawain 1: Pagsusuri!
Panuto: Suriin mo ang mga sumusunod na pahayag. Isulat and S
kung sang-ayon ka sa pahayag at DS kung hindi ka sang -ayon.Ang
pagapapatibay ng mga patakaran kontra-bullying at kontra-
diskriminasyon sa loob ng paaralan ay hakbang na makakatulong upang
maiwasan ang diskriminasyon sa loob ng paaralan.

1.Mas makakatulong kung huwag na lamang isusulong ang mga


adbokasiya na magpapalawak ng kaalaman sa ibat-ibang kasarian upang
magkaroon ng tahimik na pamayanan.
2.Dapat na isabatas ang Anti-Discrimination Bill sa mga LGBT bilang
pagpapahayag ng kanilang pantay na Karapatan sa lipunan at
pangangalaga sa kanilang karapatang pantao.

3. Hindi kailangan ang pagrebyu ng pamantayan ng kurikulum sa


edukasyong sexual upang masigurong angkop ang mga alituntunin ng
UNESCO para sa malawak na edukasyon sa seksuwalidad, tumpak sa
medikal at siyentipikong batayan, bukas sa kabataang LGBT, at pinag-
uusapan nito ang parehong-sex na aktibidad bilang kapantay ng iba pang
seksuwal na aktibidad.

4.Dapat isabatas ng lokal na mga ordinansa na mag babawal ng


diskriminasyon ayon saoryentasyong sexual at identidad sa kasarian, pati
sa edukasyon, trabaho, pangangalagang pangkalusugan, at
akomodasyong pampubliko.

5. Isulong ang Child Protection Policy at Anti-Bullying Law sa paaralan.

Gawain 2: Itala Mo!


Magtala ng iyong sariling hakbang na nagpapakita ng pagkakapantay-
pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

1._____________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________

4. _________________________________________
Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalaga na magsasagawa ng mga hakbang na nagpapakita ng
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan?
5._________________________________________
2. Paano mo maisusulong ang pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.
3. Sa iyong palagay, mahalaga bang maisulong ang mga hakbang na
nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan, Bakit?

V. Repleksiyon

Gumawa ng repleksiyon tungkol sa hakbang na nagsusulong ng


pagtanggapat paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkapantay-
pantay ng tao bilangkasapi ng pamayanan sa pamagitan ng pagkumpleto
ng sanaysay sa ibaba.

Pagkapantay-pantay ng Lahat
Ang tradisyunal na pananaw ng sangkatauhan tungkol sa sex ay dalawa
lamang, _____________ at ___________. Ngunit sa patuloy na
pagbabago ngpanahon ay nagbago ang pananaw ng tao at lumitaw ang
salitang gender na kungsaan ay may iba’t iba uri nito tulad ng _____,
_______, ______, _______ at iba pa.

Sa paglitaw ng bagong pananaw ay umusbong din ang iba’t ibang uri


ngdiskriminasyon at karahasan sa ibang kasarian tulad ng mga
sumusunod;
Una,_______________________________________________________
__________________________________________________________
________,
Pangalawa,_________________________________________________
__________________________________________________________
__________at
Pangatlo,___________________________________________________
__________________________________________________________
__________.
Kasabay ng mga karahasang ito ay lumabas ang iba’t ibang
organisasyon at kilusan na nagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng
lahat ng kasarian sa lipunan. Ilan sa mga ito ay __________________,
________________at ______________.Bilang isang mag-aaral
makakatulong ako sa pagtaguyod ng pagkapantay,pantay ng lahat ng
kasarian sa pamamagitan ng ____________________________
__________________________________________________________
________. Sa mabilis na paglipas at pagbago ng panahon ay kailangang
makiayon ang ating pananaw, isipan at pagtanggap sa iba’t ibang
kasarian sa ating lipunan dahil ____________________________
________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1.
1. DS
2. S
3. DS
4. S
5. S

You might also like