You are on page 1of 7

Summative Test (3rd Grading)

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa WHO-World Health Organization , ano ang biyolohikal at pisyolohikal na katangian na


nasgtatakda ng pagkakaiba ng babae at lalaki?
a. Bi-sexual b. Transgender c. Gender d. Sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki ?
a. Sex b. Gender c. Bi-sexual d. Transgender
3. Sa bansang Saudi Arabia, ang mga kababaihan ay walang karapatang bumoto, hindi maaaring
magmaneho makikipagkita sa mga lalaking di-kapamilya at lumabas ng walang takip ang buong
katawan maliban sa mata at kamay nila. Bakit ganito ang sitwasyon ng mga kababaihan sa Saudi
Arabia?
a. Dahil magkakaiba ang karapatan ng lalaki at babae.
b. Dahil sa kawalan ng pakakapantay sa kasarian ang lalaki at babae.
c. Dahil sa hindi pagkakapantay ng antas ng babae at lalaki sa lipunan.
d. Dahil iyon ang itinakda ng kanilang batas.
4. May mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian. Kagaya ni Ramon,
isang lalaki at nagkakagusto siya kay Michelle isang napakagandang babae. Ano ang tawag sa
ganyang sekswalidad?
a. Homosexual b. Bi-sexual c. Heterosexual d. Transexual
5. Ang GABRIELA ay isang grupo o samahan dito sa Pilipinas na isinusulong ang pagbabago,
integridad, pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga kababaihan. Bilang isang mag-aaral,
babae o lalaki. Paano mo higit na maipamamalas ang paggalang sa mga kababaihan ?
a. Kapag may mga isyu sa aming tahanan, irerespeto ko ang opinion ng aking ina , lola o
kapatid na babae.
b. Kapag pinapayuhan ako ng aking lola, pakikinggan ko sya pero ako pa rin ang massusunod.
c. Habang nagtuturo si Ginang Bulquerin ay nakikipagdaldalan naman ako sa aking katabi.
Hindi ko siya pinapakinggan.
d. Ang mga paligsahan sa palarong Olimpiya ay limitado sa mga kalalakihan.
6. Ang mga mag-aaral na kabilang sa pangkat ng LGBT ay nakararanas ng diskriminasyon. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng diskriminasyon sa mga LGBT?
a. Pinagbabawalan silang gumamit ng palikuran sa paaralan.
b. Dahil sa kanilang oryentasyong sekswal, hindi sila tinatanggap sa klase.
c. Pinapayagan silang tumakbo o kumandidato bilang SSG Officer.
d. Hindi sila pinapayagang kumuha ng pagsusulit hangga’t hindi binubura ang make-up.
7. Ang gender role ay ipinaliliwanag ng mga sumusunod maliban sa:
a. Lalaki ang gladiator sa palakasan sa Emperyong Romano.
b. Ang pinunong espiritwal ng Sumaria na Petasi ay lalaki.
c. Maganda at kaakit-akit ang Babaylan
d. Shiek at Sultan ang lalaking pinuno ng Muslim.
8. Ikaw ay naging kinatawan ng iyong paaralan sa isang pambansang komperensya na mga student
leader ukol sa diskriminasyon at karahasang nararanasan ng mga kababaihan Bilang mag-aaral
paano ka tutugon sa layunin ng dinaluhang kumperensya?
a. Gagamitin ko ang Social Media sa pangangampanya kaugnay sa mga layunin ng CEDAW.
b. Magpo-post ako ng shout out sa facebook tungkol sa mga uri ng diskriminasyon at
karahasan.
c. Mag-oorganisaa ako ng isang seminar na dadaluhan ng lahat ng lider ng bawat organisasyon
sa aking paaralan upang maibahagi ang aking mga natutunan sa kumperensiya.
d. Ibabahagi ko ang aking natutunan sa mga piling kaibigan lamang.
9. Paano mailalarawan ang diskriminasyon?
a. Ito ay hindi makatarungang pagtrato sa iba’t – ibang kategorya ng tao.
b. Ito ay mas laganap sa Europe at Asya kaysa sa America.
c. Ito ay pagkilala sa kaibahan ng mga paniniwala at kultura.
d. Ito ay pagmamahal sa sariling lahi.
10. Noong sinaunang panahon, may naging kaugalian ang mga Pilipino na hindi muna pakakasalan
ng isang lalaki ang isang babae hanggat hindi ito nagdadalang-tao. Bakit umiiral ang ganitong
kaugalian noong unang panahon?
a. Dahil ang kaugaliang ito ang humubog sa lipunan.
b. Dahil ayon ito sa katayuan at gampanin ng babae.
c. Dahil pinatitibay ng tradisyong ito ang pamilya.
d. Dahil pinaprayoridad at pinahahalagahan ng isang angkan ang anak.
11. Ang FGM o Female Genital Mutilation ay isa sa kaugalian na pinaniniwalaan sa Africa at
Kanlurang Asya, kung saan labis na nakararanas ng pang-aabuso ang mga kababaihan. Kahit ito
ay mali, patuloy pa rin na isinasagawa ito sa naturang lugar. Bakit kaya?
a. Tapat sila sa kanilang paniniwala.
b. Pinaniniwalaan nil ana mapananatili nitong walang bahid-dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal.
c. Dahil kapag ginawa nila ito, pormal silang bahagi ng kanilang paniniwala.
d. Lahat ng nabanggit.
12. Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan ng kapwa pinapayagan noon ang
babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa. Kung gusting hiwalayan ng lalaki ang kaniyang
asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa
panahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang nagnanais na hiwalayan ang
kaniyang asawa wala siyang makukuhang anumang pag-aari. Paano mo bibigyang konklusyon
ang binasang talata.
a. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
b. Pantay ang karapatan ng lalaki at babae noong unang panahon.
c. Walang pakialam ang pamilya sa buhay mag-asawa.
d. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
13. Tinawag ni Hillary Clinton ang LGBT na “Invisible Minority” dahil sa pagtatago ng mga ito ng
saloobin sa lipunan. Nanahimik sila sa takot at pag-aalinlangan sa kanilang pantay na karapatan.
Paano tumugon ang daigdig sa isyung ito?
a. Inilantad ang mga kilalang personalidad na kabilang sa invisible minority.
b. Naging maunawain ang pamilya na may miyembrong kabilang dito.
c. Gumawa ng resolusyon ang UN Comission on Human Rights-Kodigong proteksyon sa
minoryang ito.
d. Ang hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa kabilang dito ay pinaparusahan.
14. Sa panahong bago dumating ang mga Kastila, bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino ang makapag-
asawa ang kalalakihan ng higit sa isa. Ano ang ipinahihiwatig ng ganitong sitwasyon?
a. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming pamilya.
b. Hindi pantay ang karapatan ng babae at lalaki.
c. Mayaman sa tradisyon ang mga sinaunang Pilipino.
d. Kinikilala ng mga sinaunang Pilipino ang diborsyo.
15. Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga kababaihan sa Cameroon kung saan ang mga kababaihan ay
sumasailalim sa pagbabago o pagmamasaheng kanilang dibdib gamit ang bato, bakal o spatula.
Karaniwan itong ginagawa sa mga dalaga upang maiwasan ang maagang pagbubuntis,
pagkagahasa atbp. Ano ang tawag sa tradisyong inilalarawan?
a. Female Genital Mutilation
b. Breast Ironing o Breast Flattening
c. Footbinding
d. Wala sa nabanggit
16. Noong panahon bago dumating ang mga Kastila sa bansa, ang mga lalaki lamang nakakapamuno
sa komunidad o barangay. Kung sa pagkakataon na namatay ang pinuno ng barangay na walang
anak na lalaki na maaaring pumalit sa kanya, ang mga tao sa barangay ay pumipili sa iba pang
kalalakihan sa barangay na matalino, matapang o kaya ay ang pinakamatanda. Ang pahayag na
ito ay tumutukoy sa
a. Sex
b. Kasarian
c. Gender Role
d. Orientasyong Sekswal
17. Sa Plebisitong naganap noong Abril 30, 1937, nabigyan sa unang pagkakataon ang mga
kababaihan sa Pilipinas ng karapatan sa pagboto. Ang pangyayaring ito sa kasaysayan ay
nagpapakita ng:
a. Pagbabago sa Gender Role ng mga kababaihan sa lipunan.
b. Pagtanggap sa kababaihan bilang kapantay ng kalalakihan sa larangan ng edukasyon.
c. Pagkilala sa karapatang pulitikal ng mga kababaihan sa lipunan.
d. Pagbabago sa pananaw sa kasarian ng kababaihan.
18. Sa bansang Saudi Arabia, walang karapatang bumoto, hindi maaaring magmaneho, makipagkita
sa mga lalaking di kapamilya at lumabas ng walang takip ang buong katawan maliban sa mata’t
kamay ang mga kababaihan. Ang ganitong sitwasyon ay nagpapakita ng:
a. Pagkakaiba sa karapatan ng lalaki at babae.
b. Kawalan ng pagkakapantay sa kasarian ang lalaki at babae.
c. Hindi pagkakapantay ng antas ng babae at lalaki sa lipunan.
d. Wala sa nabanggit.
19. Si Ginoong Reyes ay manager ng Jollibee na matatagpuan sa Tandang Sora. Bilang manager ang
pinipili niyang mga crew ng pinapangasiwaang fastfood ay mga lalaki lamang dahil sa paniniwala
niyang mas magagaling at masisipag ang mga kalalakihan. Hindi rin siya gumagawa ng mga
gawaing bahay dahil ang ito ay gawain lamang ng mga kababaihan. Ang ganitong sitwasyon ay
tumutukoy sa:
a. Heterosexismo
b. Sexismo
c. Transphobia
d. Homophobia
20. Matagumpay na naipaglaban ng mga kababaihan ang kanilang nais simula pa man sa tulong ng
mga pandaigdigang samahan. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang paggalang
sa mga kababaihan?
a. Rerespetuhin ko ang aking ina at mga kapatid kong babae.
b. Makikinig ako sa payo ng aking lola pero desisyon ko pa rin ang aking susunduin.
c. Mangangatwiran ako sa aking gurong babae kapag nais kong ipilit ang gusto ko.
d. Wala akong pakialam.
21. Matapos ang inyong talakayan sa paksang “Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng
Karahasan at Diskriminasyon”, iyong napagtanto na isa pa lang uri ng karahasan ang palagiang
pambubugbog ng iyong ama sa iyong ina. Bilang anak at mag-aaral, paano mo mabibigyang
halaga ang iyong mga natutunan sa nasabing paksa upang maitama ang maling gawi ng iyong
ama?
a. Magtungo sa inyong barangay at ipa-blotter ang iyong ama.
b. Magtungo sa mga kamag-anak ng iyong ama at isumbong ang kanyang maling gawi.
c. Pagsabihan ang iyong ama na itigil ang kanyang pambubugbog.
d. Magtungo sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at magsumbong sa opisyal na nakatalaga sa
Women’s Desk.
22. Si Bb. Chielo ay nakakaramdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din siya ng parehong pagkaakit sa katulad niya ng kasarian. Ano ang tawag sa
ganitong oryentasyong seksuwal?
a. Homosexual
b. Bi-sexual
c. Heterosexual
d. Transexual
23. Ang inyong pangkat ay inatasan ng guro na gumawa ng isang media advocacy na nakatuon sa
mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian. Sa iyong palagay, anu-
ano ang mga dapat isaalang-alang ng iyong pangkat sa paggawa ng nasabing proyekto?
I. Mga halimbawa ng mga diskriminasyon at karahasan.
II. Mga epektong dulot ng mga diskriminasyon at karahasan.
III. Mga dokumentaryo, balita at artikulo patungkol sa mga diskriminasyon at karahasan.
IV. Mga taong nakaranas ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon at karahasan.
V. Mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian.

a. II, III at IV
b. I, II at III
c. I, IV at V
d. I, III at IV
24. Ang footbinding ay isinasagawa sa mga kababaihang Tsino noong makalumang panahon.
Layunin nito na mapaliit ang mga paa ng mga kababaihan hanggang (3) pulgada. Ang ganitong
tradisyon ang naglimita sa mga babaeng kumilos, makilahok sa pulitika at pakikisalamuha. Ano
ang masasabi mo sa pahayag na ito?
a. Mababa ang pagtingin sa mga babaeng Tsino sa sinaunang panahon.
b. Ang footbinding ay isang karahasang nararanasan ng mga kababaihan sa China sa
makalumang panahon.
c. Nagdulot ng di-mabuting epekto ang tradisyong ito.
d. Mahigpit na sinusunod ng mga kababaihan ang tradisyong ito.
25. Pangunahing binibigyang proteksyon ng Magna Carta of Women ang karapatan ng lahat ng
kababaihan sa Pilipinas bata man o matanda, may kapansanan, women in difficult circumstances
at marginalized women. Alin samga sumusunod ang matatawag na marginalized women sa ating
lipunan?
a. Katutubong kababaihan
b. Kababaihan na biktima ng karahasan at armadong sigalot
c. Kababaihan na ang trabaho ay magwalis sa lansangan.
d. Kababaihan na biktima ng terorismo.
26. Ipinagtibay ang mga prinsipyo ng Yogyakarta upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng
mga LGBT. Ang naturang mga prinsipyo ay binubuo ng 29 na prinsipyo na nakaayon sa
Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao. Bilang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan
ang mga ginintuang aral kaugnay sa mga prinsipyo ng Yogyakarta?
a. Kabisaduhin ang mga nilalaman ng mga nabanggit na mga prinsipyo.
b. Laging tandaan ang mga layunin ng mga prinsipyo.
c. Isabuhay ang mga layunin ng mga prinsipyo nito.
d. Lahat ng nabanggit.
27. Ang Anti-Violence Against Women and Children Act ay nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang anak, nagbibigay parusa at proteksyon sa mga biktima nito, ang
nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Paano ito nakaapekto sa
kalagayan ng mga kababaihan at mga bata sa lipunan?
a. Nabigyang proteksyon ng batas ang karapatan ng mga kababaihan at mga bata laban sa
karahasan.
b. Nagtataguyod ng pagkapantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan.
c. Nabigyan ng pansin ang mga kabataang lumalabag sa batas ng lipunan.
d. Nagdulot ito ng pantay na pagkilala sa kalagayan ng kababaihan at mga kabataan.
28. Sa Pilipinas tuwing sasapit ang buwan ng Nobyembre kada taon ay ipinagdidwang ang 16 Days of
Activism to End Violence Against Women. Paano ito nakakatulong sa pagtataas ng kalagayan ng
kababaihan sa lipunan?
a. Pinupukaw ng pagdiriwang ang kasamaang dulot ng diskriminasyon sa kababaihan.
b. Binibigyang pansin ng pagdiriwang ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng
kababaihan sa lipunan.
c. Naisasabuhay ng kahalagahan na mabigyang proteksyon ang mga kababaihan laban sa
karahasan
d. Lahat ng nabanggit.
29. Ang karapatan sa Universal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao at ang mga karapatan sa
pagkakapantay-pantay at Kalayaan sa diskriminasyon ay ang dalawang mahahalagang prinsipyo
na nabuo sa Kombensyon sa Yogyakarta, Indonesia. Paano itinakatulong sa kalagayan ng
kababaihan sa daigdig?
a. Nabigyang proteksyon nito ang mga kababaihan laban sa diskriminasyon at karahasan.
b. Pinukaw nito ang kamalayan ng daigdig sa kalagayan ng mga kababaihan.
c. Nabigyang proteksyon nito ang karapatan sa pagkakapantay-pantay at Kalayaan sa
diskriminasyon ng mga tao.
d. Wala sa nabanggit.
30. Ang Magna Carta of Women na naisabatas noong Hulyo 8, 2008 ay nagsasaad ng pag-aalis ng
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at nagtaguyod ng pagkakapantay-pantay ng
mga babae at lalaki sa lahat ng bagay. Paano nakatulong ang batas na ito upang maiwasan ang
diskriminasyon laban sa mga kababaihan?
a. Itinaguyod ng batas ang pagkakapantay ng katayuan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan.
b. Nagbigay ng mabigat na parusa sa lumalabag sa batas laban sa diskriminasyon sa kababaihan
c. Naging mabilis ang pagtugon ng estado sa mga lumalabag sa karapatan ng mga kababaihan.
d. Lahat ng nabanggit.
31. Dalawang gay beautician ang binugbog ng grupo ng kalalakihan sa kalye. Nagreklamo sa pulisya
ang dalawa na naging daan sa pagdakip sa mga nasasangkot na lalaki. Sa imbestigasyon,
lumalabas na oryentasyong sekswal ang dahilan ng pambubugbog. Dahil dito, ikinulong at
pinagmulta ang mga nasangkot na lalaki. Sa pangyayaring ito, pinatutunayan na:
a. Tungkulin ng pulisya na itaguyod ang kapayapaan.
b. May karapatan ang bawat tao sa harap ng umiiral na batas.
c. Tama ang proseso ng pag-iimbestiga.
d. Ang sekswal na oryentasyon ay karapatan na may parusang kaakibat sa paglabag nito.
32. Nakilala si Malala Yousafzai nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong
Oktubre 9, 2012. Ano ang kanyang ipinaglaban na nagresulta sa pagbaril sa kanya?
a. Ipinaglaban niya ang pantay na karapatan sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan.
b. Ipinaglaban niya ang karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
c. Ipinatupad niya ang malawakang Kalayaan ng mga kababaihan na bumoto sa halalan.
d. Ipinasara niya ang lahat ng mga paaralan sa kanilang lugar.
33. Sa paglipas ng maraming taon, unti-unting nabago ang kalagayan ng mga kababaihan. Ano ang
mahalagang papel ng mga kababaihan noong Panahon ng Hapon?
a. Ang mga kababaihan ay katuwang ng mga kalalakihansa pakikipaglaban.
b. Ang mga kababaihan ay nakapag-asawa ng mga Hapones.
c. Ang mga kababaihan at tagahanda ng mga pagkain ng mga Pilipinong sundalo.
d. Ang mga kababaihan ay naging tagapagmana ng mga ari-arian.
34. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang labis na ipinaglaban ng mgakababaihan?
a. Karapatang makapag-asawa
b. Karapatang makaboto
c. Karapatan sa pamamahayag
d. Karapatan sa ari-arian
35. Ano ang pinatutunayan ng pagbaril ng mga Taliban kay Malala Yousafzai sa kalagayan ng
sistemang pang-edukasyon sa Pakistan para sa kababaihan?
a. Mailap ang edukasyon para sa mga kababaihan sa Pakistan.
b. Lubhang mararahas ang mga Taliban sa Pakistan.
c. Mahirap ang maging isang babae sa Pakistan.
d. Ipinagbabawal ng mga Taliban na bigyan ng edukasyon ang mga kababaihan sa Pakistan.

You might also like