You are on page 1of 13

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Diskriminasyon sa Lalaki, Babae at LGBT

NegOr_Q3_AP10_Module3_v2
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Diskriminasyon sa Lalaki, Babae at LGBT
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Felda B. Gamo


Editor: Vida T. Cabristante, Marites A. Abiera
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz, Rommel P. Dayot
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla, Ed.D. Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Panimula
Magandang araw! Kumusta? Sana ikaw ay nasa maayos at ligtas na lugar habang
ginawa ang mga gawain sa modyul.
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aralan habang wala ka sa paaralan. Batay sa MELC AP10Wk3, susuriin ang diskriminasyon
sa kababaihan a LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender).
Matutunghayan mo at masusuri ang iba’t-ibang diskriminasyon ng mga kababaihan at
mga LGBT lalong-lalo na sa kalagayan ng sistema ng edukasyon ng mga batang babae sa
bansang Pilipinas at Pakistan. Bigyang-halaga ang nasabing isyu upang mas malinaw ang
pag-unawa sa lahat ng kasarian sa mundong ating ginagalawan.
Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

Subukin Paano mo ito ipinakita o


ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa kwaderno.

1. Sino ang nagsasabi na ang mga LGBT ay tinatawag na “Invisible Minority”?


A. Hillary Clinton C. Eleonor Roosevelt
B. Malala Yousafzai D. Margarett Thatcher

2. Ano ang dahilan bakit nanahimik at itinatago ang mga kuwento ng mga LGBT sa lipunan?
A. Takot B. Pangamba C. Kamangmangan D. Ligalig

3. Isang artista, manunulat, stand –up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk
show sa Amerika
A. Marillyn A. Hewson C. Ellen Degeneres
B. Charo Santos Concio D. Oprah Winfrey

4. Siya ay isang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iphone, ipad at iba pang Apple products
A. Tim Cook C. Anderson Cooper
B. Danton Remollo D. Parker Gundersen

1 NegOr_Q3_AP10_Module3_v2
5. Siya ang kauna-unahang transgender na miyembro ng kongreso at nagsulong ng Anti-
Discrimination Bill sa kongreso
A. Geraldin Roxas C. Maricel Tan
B. Geraldine Roman D. Rosel Romano

Balikan
Sa bahaging ito, suriin ang dating kaalaman at pag-unawa tungkol sa nakalipas
na aralin. Basahin ang mga gawain at Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Mga tanong:

1. Batay sa mga larawan, ano ano ang tatlong primitibong pangkat ang umusbong sa
rehiyon ng Sepik, Papua New Guinea?

(DeCosta 2020) (Muñoz 2014) (Wikipedia 2009)

2. Ibigay ang mga katangian at gampanin ng bawat pangkat.

Primitibong Pangkat Katangian Gampanin

2
Tuklasin
Nananatiling malaking Isyu at hamon ang hindi pagkakaroon
ng pantay-pantay ng mga karapatan lalong lalo na ang tungkol sa
kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng mga
kakabaihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media, akademya at iba
pang larangan, nananatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at
karahasan.
Sa bahaging ito ng aralin makilala mo ang ilang mga babae,
lalaki at LGBT na kilala sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging
sa buong mundo ay nagging biktima rin ng diskrimininasyon. https://coloringhome.com/coloring-
page/1693633

Panuto: Ito ay sitwasyon sa loob ng inyong tahanan. Isulat sa kwaderno ang sagot.
1. Isulat ang mga kasarian mayroon ang iyong pamilya.

2. Ano ang kaibahan ng mga gawain ng tatay at nanay? maging ikaw ano
ang iyong ginagawa sa loob ng bahay? Paano ka nakakatulong sa
iyong mga magulang?

3. Paano mo iginagalang ang ibang kasarian?

https://www.123rf.com/photo_5176452_blank-post-it-note-paper-with-paperclip.html

Suriin

Diskriminasyon at karahasan ay naging pangunahing isyu ng


mga kababaihan, kalalakihan at maging mga LGBT sa lipunan o
maging sa buong mundo. Kadalasan sila ang biktima na naging sanhi
ng iba’t ibang krimen at pagpatay na naririnig natin sa mga balita o
maging usap-usapan ng mga mamamayan sa bayan at buong
mundo.
(Tsouros 2018)

3
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng lahat
ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan subalit ang karahasan ay may maraming
uri ng karahasan ang sa mga kakabaihan gaya nga pang-aabuso sekwal, pananakit,
pambubugbog, panggagahasa na hahantong sa kamatayan.

Ayon kay Hillary Clinton (2011) tinawag na “invisible


minority” ang mga LGBT kung saan ang kanilang kuwento ay
itinago, dahilan sa takot na naging hamon ng pagtanggap at
pagkapantay pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at
maging sa kasaysayan.

Dito kilalanin natin ang mga personalidad na naging sikat


(Mock 2020)
at kilala sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging sa buong
mundo.

Ellen Degeneres (lesbian) isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa
sa pinakamatagumpay na talk show sa Amerika, ang ‘The Ellen Degeneres Show’.

Tim Cook (gay) CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPad, iPhone, at iba pang apple
products.

Geraldine Roman (transgender) ang kauna-unahang transgender na miyembro ng


kongreso. Siya ang kinakatawan ng lalawigan ng Bataan, ang pangunahing tagapagsulong
ng Anti-Discrimination Bill sa kongreso.

Charice Pempengco (lesbian) isang Pilipinong mang-aawit na nakilala hindi lamang


sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na ‘The Talented Girl
in the World’. Isa sa sumikat na awit ay pinamagatang ‘Pyramid’

Danton Remoto (gay) isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat


at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng ‘Ladlad’

Marillyn A. Hewson (babae) chair, presidente at CEO ng Locheed Martin Corporation


na kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad at iba pang makabagong
teknolohiya

Anderson Cooper (gay) isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na The
Most Prominent Open Gay on American Television

Malala Yousafzai (babae) binaril sa ulo habang lulan ng bus patungong paaralan
noong October 9, 2012. Ang mga Taliban ay isang kilusang pulitikal na nagmula sa
Afghanistan, Ilan sa ibinabato sa mga Taliban ay ang mga massacre, human trafficking, di-
pantay na pagtrato sa kababaihan at suicide bombing. Nang masakop ng mga Taliban ang
Swat Valley noong 2017 kung saan dito ipinanganak si Malala, ipinasara ang mga dormitoryo
at sinunog ang 100 paaralan upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-
aaral. Ang pagbaril kay Malala ay nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon
sa mga babae sa Pakistan. Itinatag ang Malala Fund isang organisasyong naglalayon na
makapagbigay libre, ligtas at de kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon. Naglaan ng
malaking pondo ang pamahalaan ng Pakistan para sa Edukasyon ng mga babae. Iginawad
sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang isang aktibistang si Karlash Satyarthai noong

4
2014. Dito siya ay nakapagpatayo ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na
biktima ng digmaang sibil sa Syria.

Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Kilalanin ang mga kilalang personalidad kung anong kasarian mayroon sila. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.
Halimbawa: Charo Santos Concio - babae

1. Marillyn A. Hewson –
2. Charice Pempengco -
3. Geraldine Roman -
4. Malala Yousafzai -
5. Tim Cook –

Gawain B
Panuto: Uriin kung ito ba ay diskriminasyon o karahasan. Isulat ang sagot sa kwaderno

1. Hindi paggalang sa kasarian__________________


2. Sinisipa at sinasampal_______________________
3. Binaril sa ulo______________________________
4. Hindi pantay ang pamamahagi ng relief goods____________
5. Human trafficking______________________

Isaisip
Ang diskriminasyon at karahasan ay naging pangunahing isyu ng mga kababaihan,
kalalakihan at maging mga LGBT sa lipunan o maging sa buong mundo. Kadalasan sila ang
biktima na naging sanhi ng iba’t ibang krimen at pagpatay na naririnig natin sa mga balita o
maging usap-usapan ng mga mamamayan sa bayan at buong mundo. Bilang isang mag-

5
aaral, paano mo maipakita ang iyong suporta sa mga pagtugon ng pamahalaan tungkol sa
mga isyu ng karahasan at diskriminasyon? Sisikapin mong isabuhay ang lahat ng iyong
natutunan sa pamamagitan ng pagtulong sa ating pamahalaan at gagawin mong lahat para
makatulong, at isasabuhay mo balang – araw para sa ika-uunlad ng ating bayan.

Isagawa

Sanaysay:
Base sa nabasa mo sa maikling kuwento sa buhay ni Malala Yousafzai, paghambingin
mo ang kalagayan ng sistema ng edukasyon ng mga batang babae sa Pilipinas at Pakistan.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Wasto at makatotohanan 10

kaangkupan Madaling maunawaan ang 8


ginamit na salita

Pagkamalikhain Napukaw ang atensiyon dahil 7


sa ginamit na salita na
nakahihikayat sa bumabasa

Kabuuan 25

Tayahin
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot, Isulat sa kwaderno.

1. Ano ang naging adbokasiya ni Malala Yousafzai na naging dahilan sa pagbaril sa kanya
ng mga Taliban?
A. Kalayaan sa mga mamamayan
B. Edukasyon sa mga kababaihan
C. kahirapan sanhi ng walang trabaho
D. karapatan ng mga kababaihan

6
2. Ano ang dahilan kung bakit sinunog ng mga Taliban ang mahigit 100 paaralan sa
Pakistan?
A. Upang mananatili ang mga kababaihan sa kanilang bahay
B. Upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral
C. Upang maging mandirigma ang mga babae
D. Upang maging alipin ng mga Taliban

3. Siya ay isang chairman, Presidente at CEO ng Lockheed Martin Corporation na kilala sa


paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad at iba pang makabagong teknolohiya.
A. Marillyn A. Hewson C. Anderson Cooper
B. Danton Remoto D. Geraldine Roman

4. Lahat ay mga layunin ng Malala Fund na itinatag noong 2013 maliban sa isa.
A. Makapagbigay ng libreng edukasyon
B. Maging ligtas ang mga kababaihan
C. Magkaroon ng de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon
D. Makasali sa mga gawaing pakikidigma mula sa mga grupong Taliban

5. Sino ang isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na ‘The Most Prominent
Open Gay on American Television’?
A. Anderson Cooper C. Marillyn A. Hewson
B. Ellen Degeneres D. Tim Cook

Karagdagang Gawain
Sanaysay: Isulat ang sagot sa kwaderno. (ang sagot ay depende sa estudyante)

1. Sa inyong pamayanan may kilala ka bang babae o lalaki o maging LGBT na matagumpay
sa larangang kanilang pinili?

2. Ano ang epekto nito sa pamilya at sa pamayanan o maging sa lipunan kanilang


ginagalawan?

3. Bilang isang mag-aaral, paano ka nakakatulong sa mga kabataang nagkaroon ng Pisikal


na pambubulas?

7
8
Balikan
Arapesh
Mundugumur
Tchambuli
Tuklasin (ang sagot ay nakadepende sa opinyon o ideya mayroon ang isang mag-aaral)
Subukin Tayahin
1. A 1. B
2. A 2. B
3. A 3. A
4. A 4. D
5. A 5. A
Pagyamanin
Gawain A Gawain B
Babae 1. Diskriminasyon
lesbian 2. Karahasan
gay 3. Karahasan
babae 4. Diskriminasyon
gay 5. Karahasan
Isagawa
Rubriks ang gamitin sa pagwawasto
Isaisip/ Karagdagan Gawain
(Ang sagot ay depende sa ideya o opinyon ng mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Talasalitaan
Diskriminasyon- ay anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtatamasa ng lahat ng
kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan

Taliban – isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan na itinuturing ng America na


mga terorista

Karahasan- anumang karahasan nauugat sa kasarian at humahantong sa pisikal, sekswal o


mental na pananakit o pagpapahirap sa mga kababaihan, kasama na ang pagbabanta at
pagsikil sa kanilang Kalayaan

Sanggunian
DeCosta, Nilton M. Aguilar. 2020. SEX AND TEMPERAMENT IN THREE PRIMITIVE
SOCIETIES, by Margaret Mead. December 15. Accessed January 12, 2022.
https://sociolocus2.wordpress.com/.
Mock, Terri. 2020. Domestic Violence Statistics: How Can We Prevent and Respond?
January 20. Accessed January 12, 2022. https://tinyurl.com/2fn2xsh2.
Muñoz, Oliver. 2014. PAPUA NEW GUINEA: The Country of the sing-sing. February 02.
Accessed January 12, 2022. https://www.phototempus.com/en/papua-nueva-guinea/.
Pantaleon, Jhing. 2017. "AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan." Slideshare. June 23.
Accessed January 12, 2022. https://www.slideshare.net/jhingsworld/ap-10-aralin-isyu-
at-hamong-panlipunan.
Tsouros, Patricia. 2018. Patriciatsourosblog Poetry on life's journey. May 16. Accessed
January 12, 2022. https://patriciatsourosblog.com/2018/05/16/emotional-abuse-
ireland/.
Wikipedia. 2009. August. Accessed January 12, 2022.
https://no.wikipedia.org/wiki/Fil:Kahure_5108a.JPG.

9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like