You are on page 1of 3

TUKURAN TECHNICAL – VOCATIONAL HIGH SCHOOL

TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SUR


LEARNING ACTIVITY SHEETS NG KONTEMPORARYONG ISYU - GRADE 10
Unang Markahan – Unang Linggo

Name of Learner: _________________________________ Grade Level: ______________________


Section: __________________________ Date: ______________ Contact Number: ______________

I. Nilalaman: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu


II. Panimula o Susing Konsepto:
Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaarimg
nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. Ito ay mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng
pagkakabagabag ng mga tao. Maaari rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas Na
nakakaapekto hanggang ngayon sa lipunan. Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o
paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo maaari itong
magdulot ng positibo o negatinong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Base sa nabanggit,
ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, paksa, tema, opinion, o ideya na
may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Upang higit mong maintindihan ang kontemporaryong isyu,
iyong pagtuonan ng oansin ang nararanasan nating pandemya ngayon, COVID – 19. Isa itong
kontemporaryong isyu dahil ito ay nangyayari sa kasalukuyan at may malakimh epekto sa buhay ng
mga tao at maging sa ekonomiya ng ating bansa.
Uri ng Kontemporaryong Isyu

Panlipunan

Pangkalakalan Kotemporaryong Isyu Pangkalusugan

Pangkapaligiran
1. Kontemporaryong Isyung Panlipunan – ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may
malaking epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng oamilya, simbahan, paaralan,
pamahalaan, at ekonomiya. Halimbawa: pag-aasawa ng mga may parehing kasarian(same sex
marriage), terorismo, rasismo, halalan, kahirapa .
2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na
maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan. Halimbawa: COVID-19, sobrang
kabataan, malnutrisyon, Drug Addiction HIV/AIDS.
3. Kotemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyong may kinalaman sa
kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan. Halimbawa:
global warming, paglindol, baha, bagyo, El Niño, at La Niña.
4. Kontemporaryong Pangkalakalan – mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo,
dito ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya. Halimbawa: import/export, online shopping, free
trade, samahang pandaigdigan.

III. Kasanayang Pampagkatuto at koda:

Nasusuri ang kahalagahan ng pag- aaral ng kontemporaryong Isyu


IV. Panuto:
Ang mga sumusunod ay mga mahalagang bagay na dapat tandaan:
a. Gamitin ng maayos ang Learning Activity Sheet/ Gawaing Pagkatuto;
b. Basahing mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat gawain;
c. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.
V. Gawain:
Gawain 1: TAPAT-TAPAT! DAPAT!
Maglista ng mga isyu na iyong nalalaman na maaring nangyayati sa iyong komunidad at itapat
ang mga ito ayon sa tamang uri. Gumamit ng sariling sagutang papel.
Isyung Panlipunan Isyung Pangkalusugan Isyung Pangkaligirin Isyung Pangkalakalan

1. Sa iyong mga nailista, alin sa mga ito ang dapat mong bigyan ng pansin? Bakit?
2. May alam ka bang batas na ipinatutupad tungol dito?
3. Bakit masasabi itong kontemporaryong isyu?
Gawain 2: Timbangin Mo, Kotemporaryong Isyu Ba Ito?
Suriin ang bawat pahayag at sabihin kung ito ay kontemporaryong isyu o hindi. Ipaliwanag ang
iyong sagot gamit ang sariling sagutang papel.

1. Problema sa trapiko
2. Diskriminasyon
3. Kahirapan sa bansa
4. Kawalan ng trabaho
5. Pagpapatigil sa operayon ng ABS-CBN.

Gawain 3: Personal o Panlipunan?


Gamit ang Venn Diagram ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan.

Isyung Personal Isyung Panlipunan

VI. Pamprosesong Tanong:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sariling sagutang papel.


1. Anong uri ng kontemporaryong isyu Ng sa tingin mo ay dapat pagtuunan ng pansin ng ating
pamahalaan? Bakit?
2. Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
3. Lahat ba ng isyu sa lipunan ay masasabing kontemporaryong isyu?
4. Anong uri ng konty isyu ang nais mong bigyanh solusyon sa ngayon? Bakit?
5. ANo ang dapat tandaan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

VII. Rubrik sa Pagpupuntos:


Rubric sa Pagmamarka ng Gawain 1, 2, 3 at Pamprosesong Tanong
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na 7
larawan o konsepto
ay tugma sa konsepto
Nilalaman Wasto at 6
makatotohan
Organisasyon Kumprehesibo at 4
malinaw ang daloy ng
photo essay.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa 3
pagsasaayos ng
photo essay.
Kabuuan 20

VIII. Pangwakas:

Bilang mag-aaral, papel ang iyong magagawa sa pagtugon sa mga isyu o hamong panlipunang
nararanasan sa kasalukuyan?

IX. Mga Sanggunian:

Learners Manual- Kontemporaryong Isyu sa Araling panlipunan( Draft),pages 1-21, covid-


19_update_graphic_15.jpg (1200×1200) (viu.ca), Isyu sa Lipunan ,blogspot.com.

Inihanda ni: Naitala ni: Inaprobahan ni:

MA. ANGELICA C. EPANTO MERCEDITA I. FRIAS LUTHER D. CASTELO, EdD


Guro Head Teacher – I Secondary School Principal – IV

You might also like