You are on page 1of 24

Pagtatala ng liban

Balitaan
Pinakamahalang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang kahalagahan ng


pag-aaral ng Kontemporaryong
Isyu
(AP10KAP-Ia-1)
Tiyak na Layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng
kontemporaryong isyu;
2. Nakapagtatala ng ilan sa mga isyung
panlipunang kinakaharap ng lokal na pamahalaan
at bansa at mga posibleng solusyon ukol dito ; at
3. Nabibigyang halaga ang pagiging mulat sa
mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.
Balik-aral
Panuto: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa ekonomiks na
maaaring may kaugnayan rin sa kasalukuyang paksa. Isulat sa pisara
ang mga salita.
Gabay na tanong:
1. Anu-anong mga salita ang nahanap
Ninyo sa cross word puzzle?

2. Sa inyong palagay, ano ang kaugnayan


ng mga salitang ito sa paksa natin ngayong
araw?
Panuto: Magbigay ng mga mga isyu na sa iyong
palagay ay dapat binibigyang pansin at
pagpapahalaga ng ating pamahalaan. Pagkatapos,
sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
1. ______________________
2. ______________________
3. ______________________
Gabay na tanong:
1. Ano-anu ang iyong naging basehan sa
pagtatala ng mga isyu na binibigyang
pansin at pagpapahalaga ng ating
pamahalaan?
2. Makatutulong ba sa ordinaryong
mamamayan ang pag-alam sa suliranin
ng bansa?
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Sa pamamagitan ng Role Play, ilahad ang kahalagahan ng pag-alam
sa mga kontemporaryong isyu at ang posibleng implikasyon nito sa
mga mamamayan

Ikalawang Pangkat
Sa pamamagitan ng Broadcasting, ilahad ang ilan sa mga isyung
panlipunang kinakaharap ng ating bansa

Ikatlong Pangkat
Sa pamamagitan ng Talk Show, ilahad ang kahalagahan ang pagiging
mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig
Rubrik sa Pangkatang Gawain

Pamantayan Iskor
Nilalaman 10
Presentasyon 5
Kooperasyon 3
Oras 2
Kabuuan 20
Ang salitang “kontemporaryo” ay nangangahulugan ng mga
pagyayari sa daigdig mula sa ika-20 dantaon hanggang sa
kasalukuyang panahon na nakakaapekto sa ating kasalukuyang
henerasyon.
Samantalang ang “isyu” ay nangangahulugang mga paksa,
tema, pangyayari, usapin o suliraning nakakaapekto sa tao at sa
lipunan.
Samakatuwid ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa
mga napapanahong pangyayari na maaaring gumagambala,
nakakaapekto at maaaring makapagpabago sa kalagayan ng tao at
sa lipunang kanyang ginagalawan.
Ang bawat kontemporaryong isyu ay itinuturing na suliranin
na nangangailangan ng pansin upang mabawasan kungdi man
mawala ang maaaring negatibong epekto nito sa tao.
Sa pag-aanalisa ng isang isyu, mahalaga na malaman muna
ang ugat nito. Kailan paano nagsimula at saan galing ang sinusuring
isyu upang matiyak kung hindi ito kathang-isip lamang. Kailangang
masusing suriin ang kahalagahan nito sa ating kapaligiran,
ekonomiya, politika at lipunan upang mapag-aralan.
Ang mahalagang aral na natutuhan ng mga Pilipino sa
paglaganap ng Covid 19 ay ang katotohanang na ang bawat isa na
nilalang sa mundo ay dapat na maging mulat at magmalasakit sa
kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.
Ang katotohanan na ang lahat ng mamamayan ng mga bansa
ay konektado sa isa’t isa kaya nga marapat na may kaalaman tayong
lahat sa kontemporaryong isyu, sabi nga, para maka - survive.
Mabibigyang-kahulugan ang “kontemporaryong isyu”
bilang mahalagang usaping umiiral sa kasalukuyan o
kaya ay umiiral sa malapit sa nakaraan. Paksa ito ng
talakayan ng media at ng madla, at tuon ng pag-aaral ng
mga eksperto sa partikular na larangan. Maaaring ang
isyu ay lokal, pambansa, o pandaigdigan. Lokal na isyu
yaong nakaaapekto lamang sa isang pamayanan.
Pambansa naman ang isyu kapag apektado nito ang
buong bansa o kaya ay maraming lokalidad sa iba’t ibang
bahagi ng bansa. Samantala, pandaigdigan ang isyu
kapag apektado nito ang higit sa isang bansa.
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Narito ang
ilan:

1. Paggamit ng malinaw at makabuluhang kaalaman tungkol sa


mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensiya sa mga tao, pamayanan,
bansa at mundo;
2. Pagsusuri at pagtaya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga
pangyayari;
3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’t ibang sanggunian para
makakalap ng mga impormasyon;
4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong
datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan;
5. Mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, mabisang komunikasyon,
pagkamalikhain at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw.
Panuto: Pagmasdan at suriin ang mga larawan.
Tukuyin / itala sa graphic organizer kung anong
kontemporaryong isyu ang ipinakikita nito.
Ilagay din ang maaaring isyu at suliraning
panlipunan na epekto ng mga isyu na nasa
larawan.
Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong.
You can enter a subtitle here if you need it
Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga isyung iyong naitala ang
lubhang nakabagabag sa iyo at bakit?
2. Sino ang naaapektuhan ng mga isyu
na nabanggit?
3. Paano nakaaapekto sa mga
mamamayan ang isang isyu?
GAWAIN 1.1
pit sa nakaraan. Magtala rin ng hindi bababa sa limang isyung kinaka
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap at salitang MALI kung di-
wasto.
1. Mahalaga ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu
sa loob at labas ng ating bansa.
2. Kinakailangang mulat ang mga mamamayan sa
pagharap sa mga kontemporaryong isyu.
3. Ang pamahalaan lamang ang inaasahan ng mga
mamamayan sa paglutas sa mga isyung
panlipunan.
4. Ang kontemporaryong isyu ay walang kaugnayan
sa mga pangkaraniwang mamamayan.
5. Maituturing na isyung panlipunan ang kawalan
ng interes ng ilang kabataan sa pag-aaral.
GAWAIN 1.2
Panuto: Gumawa ng isang maikling sanaysay na sumasagot sa
katanungan na nasa ibaba. (at least 7 sentences)
Bilang isang mag-aaral na nasa ika-sampung
baitang, nararapat ba na makialam ka sa paglutas sa
mga kontemporaryong isyu na nagaganap sa ating
bansa? Bakit? Pamantayan Gawain 1.2
Kaangkupan ng Nilalaman
10
sa Paksa
Makatotohanan 7
Pagkamalikhain 3
Kabuuan 20

You might also like