You are on page 1of 64

UNANG KWARTER NA MODYUL

MAIKLING PANIMULA:
Mabuhay!
Isang masaya at mapagpalang taon na naman para sa ating lahat lalung-lalo na sa inyo, mga minamahal naming
mag-aaral na nasa ika-10 baitang. Isang taon na ang nakalilipas mula noong biglang nabago ang paraan ng inyong pag-
aaral dahil sa pandemyang ating nararanasan magpahanggang ngayon. Gaano man ito kahirap at kadelikado, umaasa
akong tuloy parin ang pag-abot niyo sa inyong mga pangarap para sa mabuting kinabukasan.
Layunin ng yunit na ito na matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan at maipaliwanag ang konsepto ng
kontemporaryong isyu. Matatanto nila ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa kanilang
sariling pamayanan at sa buong mundo. Magaganyak ilang pag-aralan ang mga suliraning pangkapaligiran sa kanilang
pamayanan, sa bansa at sa buong daigdig.
Inaasahang magkakaroon kayo ng malalim na pag-aanalisa sa mga kontemporaryong isyu upang lubusan ninyong
maunawaan kung paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliraning kaakibat ng mga ito. Alinsunod sa pamantayan ng
Department of Education ang lahat ng pamantayan sa pagkatuto sa modyul na ito ay hango sa MELCs na inyong
makikita/mababasa sa ibaba.
Salamat!

MODYUL 1: KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU


Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga
Pangnilalaman hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti
sa pamumuhay ng tao.
Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong
Pagganap pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.
Most Essential
Learning Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu.
Competencies
(MELCs)
21st Century Critical thinking, cross-cultural understanding, creativity, collaboration,
Learning Skills communication
Core Values Academic Excellence, Social Responsibility, Community building,

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
Antonio, E.D., et al. (2017). KAYAMANAN (Mga Kontemporaryong Isyu). Manila, Philippines: REX Bookstore, Inc.
pp. 4-18.

Bustamante, E.D. et al (2018). Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu). Quezon City, Philippines: St
Bernadette Publishing House Corporation. pp. 8-10

De Guzman, J.M. (2017). Mga Kontemporaryong Isyu. Valenzuela City, Philippines: JO-ES Publishing House, Inc. pp. 3-
13.

B. Online: http:www.edu.gov.mb/k12/cur/scostud/global_issues/inquiry_approach.pdf

1
PAKSA: Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

PANIMULA:
Ang kauna-unahang araling ito na ukol sa mga kontemporaryong isyu ay magsisilbing pagpapakilala o
introduksiyon sa kabuuan ng asignatura at sa mga paksang nakapaloob dito. Nilalayon ng araling ito na ang mga
mag-aaral ay magkaroon ng kabatiran, pagpapahalaga, at apresasyon sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan.
Sa paksang ito, mauunawaan mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu na
kinakaharap ngayon ng ating lipunan. Layunin nitong imulat ang kamalayan ng mga kabataang tulad mo sa mga
balitang inyong naririnig sa telebisyon at nababasa sa mga pahayagan, social media at sa internet.
Maraming napapanahong isyu sa kasalukuyan sa ating lipunan. Ang kaalaman at pakikialam ng isang
indibidwal sa mga isyung ito ay nagpapatunay na siya ay aktibong nakikibahagi sa mga kaganapan sa lipunan at
may kamalayan sa mga mahahalagang isyu. Gamit ang iyong mga kasanayan at mapanuring pag-iisip,
inaasahang masasagot at magagawa mo ng buong husay ang lahat ng mga katanungan at gawaing nakatakda
tungkol sa paksang nakapaloob sa modyul na ito at matitimbang mo ang mga pahayag tungkol sa mga
kontemporaryong isyu sa ating bansa at maging sa buong mundo.

MGA LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng kontempraryong isyu;
2. Natutukoy ang mga temang may kaugnayan sa kontemporaryong isyu;
3. Natatalakay ang mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu
4. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontempraryong isyu sa lipunan at
daigdig

Exploration of Prior Knowledge


Paunang Pagtataya:
Panuto: Kompletuhin ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang masukat ang iyong dating kaalaman
tungkol sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu.

Ano ang Ano ang nais kong Paaano pa ako Ano ang aking mga natutunan
aking matuklasan matututo
nalalaman

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

PAMPROSESONG TANONG:

Ang mga nasa ibaba ay mga mahahalagang katanugan na may kinalaman sa paksang tatalakayin.
Inaasahang masasagot mo ang mga ito ng maayos at buong husay sa pagtatapos ng aralin sa linggong ito.
1. Ano ang pagkakaiba ng kontrobersiyal na isyu sa kontemporaryong isyu?
2. Kailan masasabi o maituturing ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu?
3. Bakit kailangan tayong maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
4. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu?

2
MAIKLING GAWAIN:

Panuto: Tukuyin ang kontemporaryong isyu na ipinakikita sa mga larawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Gender Kalusugan Panlipunan Pangkapayapaan


Kapaligiran Kultural Pangkabuhayan Politika

SOURCE: Bustamante, E.D. et al (2018). Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu). Quezon
City, Philippines: St Bernadette Publishing House Corporation. p.8

PAGTATALAKAY SA ARALIN:

Sa araling ito, matutukoy mo ang pagkakaiba ng kontrobersiyal na isyu sa kontemporaryong


isyu at ang ilang halimbawa ng mga ito. Mauunawaan mo ang konsepto ng kontemporaryong
isyu at ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyung kinakaharap natin
sa ating bansa at maging sa buong mundo. Kung gaano nga ba kahalaga ang pag-aaral sa mga
isyung ito sa buhay mo bilang isang mag-aaral at bilang isang mamamayan ng bansa.

Maraming pangyayari sa ating paligid araw-araw. May mga isyung kinakaharap ang ating mga pamayanan o
komunidad. Mayroon din namang mga isyung pambansa o hindi kaya’y pandaigdig.

KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU

Ano ang Kontemporaryong Isyu? Dalawang mahalagang salita ang pinanggalingan ng konsepto:
Kontemporaryo at Isyu. Upang mas maunawaan nang mabuti ang konsepto, tingnan natin ang kahulugan ng
mga salitang pinanggagalingan nito.

KONTEMPORARYO ISYU
3
 Ginagamit bilang kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa  Ito ay nangangahulugan ng mga
panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan paksa, tema, o suliraning
(ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing naaalala pa nakaaapekto sa lipunan.
ng mga tao sa ngayon)  Ito ay napag-uusapan, nagiging
 Ginagamit din ito bilang kontemporaryong kasaysayan batayan ng debate at may
tumutukoy sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon malaking epekto sa pamumuhay
hanggang sa kasalukuyan ng mga tao sa lipunan.
 Sa makatuwid ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na
mga dekada na nakaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay
bahagi ng kontemporaryong panahon at ang mga pangyayaring
nagaganap sa kasalukuyan ay sadyang maituturing na
kontemporaryo.
KONTEMPORARYONG ISYU – ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o
gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang
panahon.

ANG PAGKAKAIBA NG KONTROBERSYAL NA ISYU SA KONTEMPORARYONG ISYU


KONTROBERSIYAL NA ISYU KONTEMPORARYONG ISYU

Ito ay mga isyung pumukaw sa mga isyu ng nakalipas na dekada


atensiyon ng publiko sa hindi ma- Parehong na masasabing kabilang sa bagong
gandang kadahilanan gaya ng lantarang mga isyung napa- yugto ng kasaysayan. Walang tiyak
pagnanakaw sa kaban ng bayan o ma- panahon o napapanahong na time frame o dibisyong magta-
anomalyang desisyon na may hindi pangyayari. takda kung ano ang mga kabilang sa
kanais-nais na idinulot sa mga mama- kontemporaryong isyu.
mayan kaya’t napag-uusapan.

SOURCE: Bustamante, E.D. et al (2018). Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu). Quezon City,
Philippines: St Bernadette Publishing House Corporation. p.8

Ang mga kontemporaryung isyu ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng ipinapakita ng mga
larawan sa itaas. Ang ilan sa mga ito ay:
1. Politikal
- tumutukoy sa mga paraan kung paano ginagawa ang mga pagpapasiya, patakaran, at mga batas.
2. Pangkabuhayan
- tumutukoy sa paglikha at distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman.
3. Panlipunan
- tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga pangkat-tao at sa mga grupong namamahala sa mga ito.
4. Kultural
4
- Tumutukoy sa mga pagpapahalaga, paraan ng pamumuhay, at paniniwala na umiiral sa lipunan
5. Kapaligiran
- tumutukoy sa mga suliranin sa hangin, lupa at tubig, likas na yaman, at iba pang likha ng tao.
6. Pangkapayapaan
- tumutukoy sa pagsusuri at pag-aaral sa pag-uugali at pagkilos ng tao na kaugnay ng karahasan,
sigalot at mga proseso na may kinalaman sa pagnanais na mapabuti ang kondisyon ng buhay ng tao.
7. Kalusugan
- tumutukoy sa mga isyu na may kaugnayan sa pagkalat at pagkontrol ng sakit, mga gawain sa
pagtataguyod sa kalusugan at pangangalaga at pagpapahaba sa buhay ng tao.
8. Karapatang Pantao
- tumutukoy sa pagtataguyod ng mga batayang karapatan at kalayaang dapat matamasa ng bawat
indibidwal at pagtutol sa mga paglabag dito.
9. Gender
- tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng kalalakihan, at kababaihan at ang kanilang gampanin sa
lipunan.

Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng mga halimbawa ng kontemporaryong isyung may kaugnayan
sa bawat temang tinalakay
Politikal at Pangkabuhayan Panlipunan Karapatang Kalusugan Kultura Kapaligiran
Pangkapayapa Pantao atGender
an
 Terorismo  Energy Crisis  Animal Rights  Child abuse  Ebola Virus  Hip Hop  Deforestation
 Graft and  Pagtaas ng  Hate Crimes  Child Labor  Eating Disorder  Rap Music  Endangered Species
Corruption Sahod  Gun Control  Hazing  Obsesity  Internet  Global Warming
 Political  Agwat ng  Drug Abuse/  Person with  Medical  Social Media  Greenhouse Effect
Dynasties Mayayaman Addiction Disability Malpractice  Realty TV  Climate Change
 Tensiyon sa at Maihihirap  Kriminnalidad  Justice System  Reproductive  Teleserye  Flash Flood
West  Kahirapan  Prostitusyon  Gender and Health Law  Blogging  Mining
Philippine Sea  Globalisasyon  Alcoholism Sexuality  ADHD  Street Food  Natural Calamities
 Gun Control  Migrasyon  Birth Control  Katayuan ng  Stem Cell  Fashion  Quarrying and
 Iligal na  Sustainable  Disaster Relief Kababaihan Theraphy  Pop Music Waste Management
Pandarayuhan Development  Human Trafficking  Same-Sex  Vegetarianism  Photobomb  Polusyon
 Police  Unemployment  Kahirapan Marriage  Malnutrition  Online  Recycling
Brutality  OFW  Minimum Wage  Domestic  Alternative Shopping  Konserbasyon
 Religious  Outsourcing  Single Parenting Violence Medicine  Soil Erosion
Conflict  Buwis  Karahasan  Bullying  Ehersisyo  Over-population
 Sigalot sa  Underemploy-  Pagsusugal  Rape  Genetic  Basura
Mindanao ment  Cyber Bullying Engineering
 Legal Separation  Biodiversity
 Kidnapping  Inflation  Gay Rights  Health Care
 Noise Pollutiion  Oil Spill
 Constitutional  Sexual Reform
 Death Penalty  Pagsabog ng Bulkan
Change Harrassment  Paninigarilyo
 Kamangmangan  Kontaminasyon ng
 War Against  Cyber Crime
 Kagutuman Lupa
Crime  Identity Theft
 Pornograpiya  Pagtaas ng Lebel ng
 Pederalismo
 Suicide Tubig sa Dagat
 War on Drugs
 Teen Pregnancy
 Racism

SOURCE: Bustamante, E.D. et al (2018). Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu). Quezon City,
Philippines: St Bernadette Publishing House Corporation. p. 10

 Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay:
 Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
 May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan
 Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kaslukuyang
panahon
 Mga temang napag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan.

PAGSUSURI SA KONTEMPORARYONG ISYU

5
Maaaring pag-aralan ang isang isyu sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang aspekto nito.
Nakasaad mula sa graphic organizer sa itaas ang iba’t ibang aspekto sa pagsusuri ng kontempraryong isyu.
Kailangang malaman ang mga aspektong ito dahil makatutulong sila sa tamang pag-unawa at pagtugon sa mga
nasabing isyu. Ilan sa mga gabay na tanong ang nakalista upang masuri nang mabuti ang kontemporaryong isyu.
Ito ay ang mga sumusunod:

A. KAHALAGAHAN
 Bakit mahalaga ang isyu?
 Sino ang tumuturing na mahalaga ang mga ito?
 Sino ang naaapektuhan ng isyu?
 Sino ang nakikinabang sa isyu?
 Sino ang napipinsala sa isyu?
 Kailan/Saan/Paano nagsimula ang isyu?

B. PINAGMULAN
 Gumamit ba ito ng iba’t ibang sanggunian, kabilang ang mga pangunahing sanggunian o primary
sources, upang mapag-aralan ang isyu?
 Mapagkakatiwalaan ba ang mga sangguniang nagpapaliwanag ng isyu?
 Paano itinuturing ng media ang isyung nabanggit?
C. PERSPEKTIBO o PANANAW
 Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyung ito?
 Aling mga pananaw ang maipaglalaban sa isyu? Bakit?
 Kaninong mga pananaw ang hindi napakikinggan?
 Ano ang papel ng media sa paglikha o pagpapalaganap ng isyung ito?
D. MGA PAGKAKAUGNAY
 Paano nabago ang isyung ito sa paglipas ng panahon?
 Ano-ano ang maaaring maging konsiderasyon sa hinaharap?
 Paano maiuugnay ang isyung ito sa iba pang mga isyung pangkapaligiran, panlipunan, o pang-
ekonomiya?
 Ang isyu bang ito ay bahagi ng isa pang mas malawak na isyu o suliranin?
 Paano naaapektuhan ng isyung ito ang kapaligiran? Ekonomiya? Lipunan? Kalidad ng buhay?
 Bakit nananatiling suliranin ang isyung ito? Sino ang tumuturing na isa itong suliranin?
E. PERSONAL NA DAMDAMIN
 Ano ang pakiramdam tungkol sa isyu matapos ang pagsusuri tungkol dito?
 Paano kaya naiwasan o napigilan ang isyung ito? Anu-ano ang maaaring ibang nagawa?
 Anu-ano pang tanong ang kailangang masagot?
F. EPEKTO (Pangkapaligiran, Panlipunan, Politikal, Pang-ekonomiya)
 Ano ang nagaganap sa lokal, pambansa at pandaigdigang lebel tungkol sa isyu?
 Anu-anong pagkilos ang isinagawa ng mga mamamayan, negosyante at iba pang mga pangkat
tungkol sa isyu?
 Anu-ano ang posibleng pangmadalian at pangmatagalang epekto ng mga pagkilos tungkol sa isyu?
G. MAAARING GAWIN
 Ano ang magagawa o dapat gawin tungkol sa isyu?
 Sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu?
 Anu-ano ang balakid o pagtataya sa pagkilos tungkol sa isyu?
 Ano ang maitataya tungkol sa isyu?
 Paano kikilos tungkol sa isyu?
 Paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol sa isyu?

MGA KASANAYANG KAILANGAN SA PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU


Sa pagsusuri ng mga isyu, hindi sapat na alam natin kung kailan nangyari, paano nagsimula, saan galing
ang isyu at kung sino ang mga sangkot o apektado nito. May mga dapat tayong isaalang-alang upang mabatid
natin ang katotohan tungkol sa isyu. Ano nga ba ang kasanayang ito?

6
Pagkiling o bias-
hindi balanse ang Katotohanan-mga pahayag o
turing sa pahayag; pangyayari na pinatutunayan ng
pagtukoy sa aktwal na datos
may sinasang-
pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon(kuro-kuro, palagay,
ayunan/pinapanigan pagkiling opinyon impresyon o haka-haka)-
nagpapahiwatig ng saloobin at
kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na
katotohanan

hinuha-isang pinag-isipang hula Primaryang


tungkol sa isang bagay (katulad sanggunian-ang
ng pagbuo ng hypthesis) impormasyon ay mula
pagkilala sa sa orihinal na tala o
paglalahat-pagbubuo ng
primarya at mula sa mismong
ugnayan ng mga hindi
pagbuo ng sekundaryang nakaranas ng
magkakaunay na impormasyon
paghihinuha, sanggunian pangyayari;
bago makagawa ng konklusyon
paglalahat at Sekundarya- mga
kongklusyon-desisyon, Kongkulsyon impormasyong batay
kaalaman at ideyang nabuo Pahayagan – ay sa primaryang
pagkatapos ng pag-aaral, mahalagang sanggunian at ang
obserbasyon at pagsusuri ng sanggunian tungkol sa nagsasalaysay ay
pagkakaugnay ng mahahalagang mga hindi yung mismong
ebidensiya o kaalaman kontemporaryong isyu nakaranas ng
sa nagdaang mahigit pangyayari
200 taon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORYONG ISYU


Napakahalagang magkaroon ng kamalayan at pagkamulat sa mga kontemporaryong isyung sa lipunan at
mundo. Nalilinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito ang
ilan:
1. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan na
nakaiimpluwensiya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo.
2. Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari.
3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’t ibang sanggunian para makakalap ng mga
impormasyon.
4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga
pangyayari sa lipunan
5. Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian at pagsasaliksik
6. Mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at
pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw
7. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang
suliranin
8. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala, pananaw o punto de bista, kahit ito ay naiiba o salungat sa sariling
paniniwala o pananaw
9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala at paggalang sa kanilang
dignidad at karapatang pantao
10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba.

Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang tayo bilang mabuting mamamayan. Nalilinang nito
ang:
1. Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan
2. Pang-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin
3. Pang-unawa sa iba’t ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan.
4. Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga pambansa at
pandaigdigang suliranin
5. Masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan at makasandaigdigan
6. Aktibong pagganap sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan at pamayanan.

Gawain 2: LINANGIN

7
Panuto: Upang mas higit na maunawaan ang pagkakaiba ng Kontrobersiyal na Isyu at Kontemporaryong
Isyu, basahin ang bawat pangyayari sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) kung maituturing itong
kontemporaryong isyu. Lagyan naman ng ekis (x) kung ito ay kontrobersiyal na isyu.

______1. Katiwalian sa pamahalaan


______2. Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers
______3. Kahirapan ng maraming Pilipino
______4. Pagkakalbo ng kagubatan
______5. Korupsiyon sa pamahalaan
______6. Prostitusyon
______7. Pagkasira ng mga likas na yaman
______8. Pagbabago ng klima sa buong mundo
______9. Pag-kidnap sa mga dayuhan
______10. Pagtanggal sa mga tiwaling kawani

BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong


1. Ano ang pagkakaiba ng kontrobersiyal na isyu sa kontemporaryong isyu?
- Ang kontrobersiyal na isyu ay mga isyung pumukaw sa atensiyon ng publiko sa di-magandang
kadahilanan gaya ng lanatarang pagnanakaw sa kaban ng bayan o maanumalayang desisyon na may
hindi kanais-nais na idinulot sa mga mamamayan kaya’t napag-uusapan.
- Samanatala, ang kontemporaryong isyu naman ay mga isyu ng nakalipas na dekada na masasabing
kabilang sa bagong yugto ng kasaysayan. Walang tiyak na time frame o dibisyong magtatakda kung
ano ang mga kabilang sa kontemporaryong isyu.
2. Kailan masasabi o maituturing ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu?
- Maituturing ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu kapag ito ay:
 Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
 May malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan o sa mga mamamayan
 Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng
kasalukuyang panahon
 Mga temang napag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensiya o epekto
sa lipunan
3. Bakit kailangan tayong maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
- ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu ay nakatutulong hindi lamang sa pagpapayabong
ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral, kundi maging sa paghubog ng pagkatao bilang isang
responsableng mamamayan ng bansa.
4. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu?
- Mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong isyu dahil nalilinang nito ang ating mga
pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip pati na tayo bilang isang mabuting
mamamayan ng bansa. Nagkakaroon tayo ng kaalaman sa ating sariling karapatan at tungkulin
bilang mamamayan, pang-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin, pang-unanwa sa iba’t
ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan, pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang
isang bansa, masidhing damdaming makabayan, makatao at makasandaigdigan at aktibong pagganap
sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan at pamayanan.

PAGBUBUOD:
Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagtalakay sa araling ito, naunawaan natin ang kahulugan ng
kontemporaryong isyu at ang kaibahan nito sa kontrobersiyal na isyu. Napagmumunihan natin kung ano ang
ating kaugnayan at papel na ginagampanan sa mga pangyayari sa ating sariling komunidad, bansa o sa buong
daigdig. Hindi man tayo naaapektuhan ng lahat ng mga kontemporaryong isyung nagaganap, mahalagang
mapag-isipan natin kung ano ang mga nangyayari sa ating lipunan at sa daigdig. Mahalaga ring isipin natin
kung ano ang ating magagawa upang mabigyan ng solusyon ang mga kontemporaryong isyung ating
kinakaharap sa pamayanan at bansa.
Sa kabuuan, ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu ay nakatutulong hindi lamang sa
pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral, kundi maging sa paghubog ng pagkatao bilang
isang responsableng mamamayan ng bansa. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, nagkakaroon ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging isang mapagmatyag, matalino at produktibong
mamamayan. Dahil dito ay mas lalo tayong nakaaambag sa paglutas ng mga suliranin at nakatutulong sa
pagkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa sariling pamayanan, bansa at lipunang global.
8
MODYUL 2: MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA SARILING
PAMAYANAN
Most Essential Learning Natatalakay ang kalagayan , suliranin, at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
Competencies (MELCs) ng Pilipinas

PAKSA: MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA SARILING PAMAYANAN

PANIMULA:
Sa pagtalakay at pag-aaral sa araling ito, matutukoy mo ang iba’t ibang suliraning pangkapaligiran na
nararanasan ng ating bansa. Maaari mong sagutin at pagnilayan ang mga nakapaloob na mga katanungan ukol
dito, na maaaring makadagdag sa iyong kaalaman tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng
pinsala hindi lamang sa iyong komunidad kundi maging sa buong bansa. Sa pamamagitan ng pag-unawang
iyong malilinang sa aralin, magkakaroon ka ng angkop na pananaw, motibasyon, at pagpapasiyang magagamit

9
mo sa pakikibahagi sa mga gawaing naglalayong matugunan ang suliraning pangkapaligiran sa
kontemporaryong panahon.
Inaasahang pagkatapos mong basahin at suriin ang nilalaman ng modyul na ito ay magkakaroon ka ng
malawak na kaalaman sa isyung pangkapaligiran na kinakaharap ngayon ng ating bansa. Anumang kaalaman
ang makukuha at mapupulot mo sa modyul na ito ay mamagagamit mo upang masagot mo ang mga sumusunod
pang katanungan at gawain na nakapaloob dito, kaya unawain at basahin mo itong mabuti

MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling
Pamayanan
2. Nasusuri ang mga sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas
3. Matataya ang sanhi at epekto ng suliraning pangkapaligiran sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng tao
sa bansa at daigdig
3. Nakapagbibigay ng angkop na solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran.

Exploration of Prior Knowledge


Paunang Pagtataya:
Panuto: Kompletuhin ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang masukat ang iyong dating kaalaman
tungkol sa Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Pamayanan.

Ano ang Ano ang nais kong Paaano pa ako Ano ang aking mga natutunan
aking matuklasan matututo
nalalaman

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

PAMPROSESONG TANONG:

Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang katanungan na may kinalaman sa paksang tatalakayin.
Inaasahang masasagot mo ang mga ito ng maayos at buong husay sa pagtatapos ng aralin sa linggong ito.
1. Anu-ano ang mga suliraning pangkapaligiran ang nararanasan sa iyong pamayanan?
2. Bakit dapat matukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa inyong pamayanan?
3. Anu-ano ang mga maaaring sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na ating tinalakay?

MAIKLING GAWAIN:

Gawin Mo!
PAG-ISIPAN MO!
Panuto: Tukuyin ang mga suliraning pangkapaligiran na ipinapakita sa bawat larawan sa ibaba. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

Deforestation pagkasira ng mga coral reef Destructive fishing at overfishing


polusyon sa hangin Solid waste polusyon sa tubig

10
1. ___________________ 2. ___________________ 3._____________________

4. ______________________ 5. ________________________ 6._______________________

PAGTATALAKAY SA ARALIN:
Kabilang sa mga pangunahing kontemporaryong isyu sa Pilipinas ay may kinalaman
sa kapaligiran. Ang mga isyung pangkapaligiran ay isa sa nakababagabag sa sangkatauhan sa
kontemporaryong panahon na nangangailangan ng kaukulang aksiyon. Sa araling ito, iyong
matututuhan ang mahahalagang pangyayari, impormasyon, at kaalaman kaugnay sa mga
isyung tatalakayin. Mauunawaan mo kung ano ang sanhi at epekto ng mga suliraning
naranasan at kasalukuyang nararanasan ng ating bansa. Mabibigyan ka din ng pagkakataon
upang makagawa ng case study tungkol sa dahilan at epekto ng mga suliraning ito na
makapagbibigay sa iyo ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran
na nararanasan ng iyong pamayanan.
Isa sa mga suliranin ng Pilipinas ang pagkasira ng kapaligiran. Ito ay dulot ng mabilis na antas ng paglaki ng
populasyon, urbanisasyon, pag-unald ng mga industriya, at kawalan ng aksiyon sa pangangalaga sa kapaligiran.

MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN


Kabilang sa mga suliraning pangkapaligiran ang problema sa solid waste, deforestation, pagkasira ng
mga coral reef, labis at mapanirang pangingisda, at polusyon sa
hangin at tubig.

1. SOLID WASTE/ PROBLEMA SA BASURA


Binigyang-kahulugan ng Batas Republika Bilang 9003 na
kilala bilang Solid Waste Management Act of 2000 ang solid
waste bilang mga itinapong basura na nanggagaling sa mga
kabahayan at komersyal na establisimyento, mga non
hazardous na basurang institusyunal at industriyal, mga
basura na galing sa lansangan at konstruksiyon, mga basura
na nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba pang basurang
hindi nakalalason. Ang pagtatapon ng basura ay malaking
suliranin sa ating sariling pamayanan at ibang lugar sa
buong daigdig. Dalawang uri ng basura: nabubulok at di-
nabubulok. Ang mga ito ay maaaring galing sa kabahayan o
basurang industriyal. Ang basurang industriyal ay mga SOURCE: https://www.smchealth.org/solidwaste
basurang mula sa mga pagawaan o pabrika at ospital. Ilan sa
mga ito ay mga salamin, mga electronic gadget at seramika.
Karamihan sa mga solid waste ay itinatambak sa mga landfill habang maliit na porsiyento lamang ang
sinusunog o ginagawang pataba. Ang mga nabubulok na basura ay nakalilikha ng methane sa pagdaan ng
panahon. Kapag hindi tama o walang sapat na bentilasyon ang pagtatapon nito, maaari itong magdulot ng
pagsabog. Maliban sa mga basurang nahahakot, marami parin ang nasa paligid na basta na lamang
itinatapon sa kaldsada, bakanteng lote, kanal, drainage, ilog at iba pang lugar. Ang mga ito ang nagiging
dahilan ng pagbabara ng mga daanan ng tubig na nagpapalala sa pagbaha at pagdumi ng tubig sa mga ilog at
paligid na maaaring magdulot ng kontaminasyon ng tubig at pagkalat ng sakit.

2. DEFORESTATION / PAGKALBO NG KAGUBATAN


Ang deforestation ay tumutukoy sa
“clearing” ng malalawak na lupain ng
Kagubatan sa pamamagitan ng pagputol ng
mga puno. Tinatayang nasa 3 porsiyento na
lamang ng kagubatan ang natitira sa bansa
mula sa orihinal na forest cover nito.
Nakakalbo ang kagubatan dahil sa pagtotroso
11
at pagkakaingin. Patuloy parin ang banta sa
mga ito dahil sa agrikultura, mabilis na
antas ng urbanisasyon, illegal logging at File:Madagascar_Deforestation.jpg
mga forest fire. Nagdudulot ng erosyon o
pagguho ng lupa at pagkawala ng maraming
uri ng halaman at hayop ang pagkasira ng kagubatan. Ang mabilis na antas ng
deforestation ay nakapagpapalala ng global warming. Nagsisilbing hamon para sa suliraning
ito ang kawalan ng pondo at mahinang pagpapatupad ng mga batas.

Alam mo ba? Sa ika-20 siglo, ang forest cover ng Pilipinas ay bumaba sa 20 porsiyento.
Kasabay nito ay mayroong 46 na species ang nanganganib na maglaho at
may apat naman na species na tuluyan nang nawala. Nasa 3.2 porsiyento ng
rainforest na lamang ang natitira.

3. PAGKASIRA NG MGA CORAL REEF


Nagsilbing tirahan ng maraming uri ng isda at
iba pang species ng hayop sa dagat ang mga
coral reef. Nagbibigay rin ito ng proteksiyon
mula sa mga storm surge o daluyong.
Subalit malaking pinsala ang natatamo ng mga
coral reef sa bansa mula sa iba’t ibang maling
gawain at kapabayaan. Ilan sa dahilan ng
pagkasira ng mga coral reef ang pagpapasabog
ng dinamita at paggamit ng cyanide sa
pangingisda.
of-the-destruction.html

Alam mo
ba?
Ang mga coral reef ang nagsisilbing natural na proteksiyon natin sa
mga daluyong dahil inaabsorb nito ang wave energy mula sa
daluyong. Maraming uri ng coral reef. Ang pinakamalaking coral reef
ay ang Great Barrier Reaf na matatagpuan sa Australia. Kung walang
mga coral reef, walang maliliit na isla na matitira sa mundo.
Nagsisilbi ring tourist spots ang mga coral reefs sa Pilipinas.

4. OVERFISHING AT DESTRUCTIVE FISHING


Ang mga mangingisda sa bansa ay nakararanas ng
pagbaba sa bilang ng mga nahuhuling isda. Isa sa
mga salik na sanhi nito ay ang pagsasagawa ng
overfishing. Dahil dito, hindi nabibigyan ng sapat
na panahon upang muling magparami ang mga
isda. Ang pagbaba ng huli ng mga mangingisda ay
mayroong epektong pang-ekonomiya at
panlipunan.
SOURCE:https://www.coralgardening.org/
destructivefishing-practices/

5. POLUSYON SA HANGIN
Nagkakaroon ng polusyon sa hangin dahil sa iba’t
12
ibang gawain gaya ng pagsunog sa basura, Panini-
garilyo, paggamit ng mga makina at sasakyan, at
iba pa. Ayon sa pananaliksik, ang dumi sa hangin
ay maaaring magdulot ng sakit sa baga at iba pang
sakit.
SOURCE:http://
6. POLUSYON SA TUBIG ucsibioairpollution.blogspot.com/
Ayon sa isang resolusyong inilabas ng United
Nations General Assembly noong 2010, isang
karapatang pantao ang pagkakaroon ng malinis
na tubig at sanitasyon. Gayunpaman marami sa
mga Pilipino ang walang paraan o hirap sa pag-
kuha ng malinis na tubig higit lalo sa mga pook
rural. Pangunahing dahilan nito ang pagtatapon
ng solid waste at waste water sa mga anyong
tubig. Nasa 10 porsiyento lamang ng tubig mula
sa mga pabrika, minahan at iba pang mga
establisimyento ang napoproseso upang hindi
makasira sa kapaligiran. Ang naprosesong tubig SOURCE: https://richmondvale.org/en/blog/6-
ay ibinabalik sa mga sapa, ilog at dagat. causes-of water-pollution-and-how-to-
Dagdag pa rito ang mabilis na paglaki ng populasyon
at urbanisasyon ay nagpapasidhi ng polusyon sa tubig. Samantala, ang mga maling gawain sa mga
minahan ay naglalagay ng panganib sa mga tao at kapaligiran dahil sa mercury o iba pang kemikal na
maaaring makaaapekto sa mga anyong tubig.

Alam mo ba? Tinatayang may 250 milyong katao ang nakararanas ng mga sakit mula sa
maruming tubig. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang kawalan
ng pinagkukunan ng malinis na tubig ay nagdudulot ng malaria, cholera at
diarrhea. Ayon sa World Water Assessment Programme ang tubig –tabang
sa mundo ay ginagamit sa irigasyon (70%), mga industriya (32%), at sa mga
tahanan (8%).

May mga suliraning pangkapaligiran na maaaring ituring na pampamayanan lamang dahil hindi ito nagiging
suliranin ng lahat tulad ng mga sumusunod:

7. PAGMIMINA
Ito ay ang pagkuha ng mineral mula sa lupa o tubig na
nangangailangan ng paghuhukay. Ito ay gawain ng tao
mula pa noong unang panahon upang maging kapaki-
pakinabang ang mga mineral na ito sa buhay ng tao at
ekonomiya ng bansa. Gayunpaman, marami itong
negatibong epekto sa mga kapaligiran at komunidad.
Isa na rito ang polusyon. Ito ay nakakaapekto sa lupa
dahil ang mga mineral waste ay nahahalo na siyang
dahilang ng pagkaunti ng yamang lupa, mga halaman at
hayop na nakatira malapit sa mining area. Ang tubig naman
ay nadadagdagan ng nakalalasong mineral tulad ng copper,
lead, aluminum, arsenic at mercury. Bagama’t nabibigyan ng trabaho ang mga taong naninirahan sa
lugar ng pagmimina at pinauunlad ng may-ari ng minahan ang kanilang komunidad, mapipilitan ding
lumipat ng tirahan ang mga mamamayan at iwanan ang kanilang mga lupain. Nawawalan din sila ng
malinis na tubig at hangin na dulot ng polusyon at nagkakasikit pa sila. Nawawala din ang dati nilang
ikinabubuhay tulad ng pagsasaka at pangingisda.
13
8. PAGLAKI NG POPULASYON
Madalas isinisisi sa malaking populasyon ang pagkasira
ng kagubatan dahil ito ang gumagamit o nakikinabang
sa mga ito. Ang kawalan ng disiplina sa pagkonsumo
ng tao ay nagdudulot din ng unti-unti pagkawasak at
pagkaubos ng biyaya ng kalikasan.

MGA SANHI AT EPEKTO NG MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

SULIRANIN SANHI EPEKTO


1.SOLID WASTE  Walang disiplina sa pagtatapon ng Sa kapaligiran:
basura  Kontaminasyon ng tubig sa ilalim at ibabaw ng
 Kakulangan ng kaalaman o di kaya’y lupa
di pagsunod sa tinatawag na waste  Polusyon sa hangin, tubig at lupa
segregation  Ang methane gas mula sa dumpsite ay
 Mabilis na antas ng paglaki ng nakadaragdag sa global warming
populasyon  Pagbaha sa maraming lugar dahil sa pagbara ng
 Labis na pagkonsumo ng mga tao mga daluyan ng tubig palabas ng mga
 Kawalan o limitasyon ng pondo sa pamayanan
mahusay na pagpapatupad ng waste Sa kalusugan: Ang mga taong naninirahan malapit
management sa dumpsite o maruming kapaligiran dulot ng mga
 Kawalan ng closure plan o basura ay madaling kapitan ng sakit tulad ng:
kakulangan sa pagpapatupad sa  Diarrhea
pagsara o rehabilitasyon ng open  Helminthiasis o worm infection
dumpsite  Typhoid at paratyphoid
 Cholera
 Hepatitis A
 Mga sakit sa balat
2.DEFORESTA-  Konbersiyon ng bahagi ng  Pagbaha
TION kagubatan tungo sa lupaing  Tagtuyot
agricultural o komersiyal  Soil erosion at landslide
 Paggamit ng puno upang gawing  Epekto sa klima
mga produktong yari sa kahoy  Kalagayang pangkabuhayan
 Forest fire at mga kalamidad  Kakapusan sa yamang mula sa gubat
 Illegal logging  Pagkaubos ng mga wild animals
 Pagkakaingin  Isyu sa kalusugan (water pollution)
 Pagmimina
 Mabilis na pagdami ng populasyon
3.PAKASIRA NG  Pagtatapon ng langis sa dagat o oil  Mawawalan ng hanapbuhay ang mga
MGA CORAL spill mangingisda
REEF  Pagtatapon ng mga basura sa dagat  Mas malayo ang aabutin ng tubig dagat sa lupa
 Coral mining  Pagkawala ng tahanan ng mga isdang dagat
 Destructive fishing
 Asidong ulan
 Paggamit ng dinamita at cyanide sa  Pagkasira ng mga coral reefs
4.OVERFISHING pangingisda  Pagkaubos ng lahi ng mga isda
AT  Paggamit ng pinong lambat sa  Mapapadali ang buhay at mahahadlangan ang
DESTRUCTIVE pangingisda paglaki ng mga lamang dagat
FISHING  Lason sa katawan ng tao
 Kawalan ng hanapbuhay
5. POLUSYON  Pag-unlad ng industriya  Pagkasira ng ozone layer
SA HANGIN  Labis na paggamit ng mga  Pagdami ng sakit
sasakyang gasoline o diesel  Global warming
 Paglabas ng gas
 Produksiyon at walang pinipiling
paggamit ng plastic
 Pagsusunog ng basura
 Paninigarilyo

14
 Paglaki ng populasyon
 Pagsunog ng fossil fuel
 Forest fires
6. POLUSYON  Pagtatapon ng mga basura sa mga  Pagkamatay ng mga isda at hayop pantubig
SA TUBIG katubigan, kanal  Kawalan ng malinis na tubig
 Sewage  Pagkalat ng iba’t ibang klaseng sakit
 Fertilizer  Pagbaha

8.  Dahil sa bagyo at pagputok ng mga 


bulkan
9.PAGLAKI NG  Pagbaba ng bilang ng mga  Maaaring paglobo ng kahirapan
POPULASYON namamatay  Paghirap sa pagbangon ng ekonomiya
 Pagtaas ng bilang ng mga  Kakulangan sa iba’t ibang bagay
ipinapanganak
 Pandarayuhan
 Migrasyon
10. PAGMIMINA  Pagkuha ng mga mineral  Pagbaba ng yamang mineral
 Paghahangad ng magkaroon ng  Pagkabawas ng mga puno
maraming pera  Pagguho ng mga lupa

Matapos basahin ang nilalaman ng modyul ay masusuri mo ang mga sanhi at epekto ng mga suliraning
pangkapaligiran sa pamayanan at sa bansa. Upang lubos na maunawaan pa ang mga ito, isagawa ang
Cause and Effect Chart sa ibaba.

GAWAIN 2:
Panuto: Punan ng sanhi at epekto ang bawat suliraning pangkapaligiran na nakatala sa chart sa ibaba.
A. Pagdumi ng kapaligiran
B. Pagdumi ng mga anyong tubig
C. Pagsasagawa ng illegal logging
D. Paggamit ng dinamita at cyanide
E. Pagbaba sa bilang ng nahuhuling isda
F. Pagbuga ng maruming usok ng mga sasakyan at pabrika
G. Pagkakaroon ng global warming at climate change
H. Pagdami ng mga nabubulok at ‘di-nabubulok na basura
I. Pagkawala ng tirahan ng iba’t ibang species na hayop
J. Pagtatapon ng basura at maruming tubig sa mga sapa, ilog, at dagat.

Panuto: Piliin ang tamang letra ng sagot mula sa kahon sa itaas

SANHI SULIRANIN SA EPEKTO


KAPALIGIRAN

1. Deforestation

2. Destructive fishing ,
pagkasira ng mga coral
reel, at overfishing
SOURCE: Bustamante, E.D. et al (2018). 3.
Araling
Solid Panlipunan Mga Kontemporaryong Isyu. Quezon City,
waste
Philippines: St. Bernadette Publishing House Corporation. p. 62
4. Polusyon sa hangin

5. Polusyon sa tubig

15
BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong
1. Anu-ano ang mga suliraning pangkapaligiran ang nararanasan sa iyong pamayanan?
Ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa pamayanan ay:
 Polusyon sa tubig
 Polusyon sa hangin
 Problema sa basura/Solid Waste Management
 Deforestation
 Pagkasira ng mga coral reefs
 Pagmimina
 Paglaki ng populasyon
 Over fishing/destructive fishing

2. Bakit dapat matukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa inyong pamayanan?
- Mahalagang matukoy ang mga suliraning nararanasan natin sa ating pamayanan nang sa gayon ay
malaman natin kung ano ang sanhi at ang magiging epekto nito sa kapaligiran at sa kalusugan ng tao
at upang makagawa o makapagpatupad ng karampatang solusyon para sa mga suliraning ito.
3. Anu-ano ang mga maaaring sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na ating tinalakay?
- Ang ilan sa mga sanhi ng mga suliraning pangkapaligiran ay kawalan ng disiplina ng mga tao,
mabilis na antas ng paglaki ng populasyon, pag-unlad ng industriya, forest fire at mga kalamidad,
kakulangan ng kaalaman o di kaya’y di pagsunod sa tinatawag na waste segregation.
- Ang mga epekto ng suliraning pangkapaligiran ng mga taong naninirahan malapit sa dumpsite o
maruming kapaligiran dulot ng mga basura ay madaling kapitan ng sakit, kawalan ng hanapbuhay,
pagkaubos ng yamang likas, at pagkakaroon ng iba’t ibang kalamidad.

PAGBUBUOD:
Maliwanag na tinalakay sa modyul na ito na humaharap tayo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
Ang ilan sa mga ito ay problema sa basura o solid waste, deforestation o pagkakalbo ng kagubatan, pagkasira
ng coral reef, overfishing at destructive fishing, polusyon sa hangin at tubig. Idagdag pa dito ang dalawang
suliraning pangkapaligiran sa pamayanan lamang, ang pagmimina at paglaki ng populasyon. Mahalagang
matukoy ang mga suliraning nararanasan natin sa ating pamayanan nang sa gayon ay malaman natin kung ano
ang sanhi at ang magiging epekto nito sa kapaligiran at sa kalusugan ng tao at upang makagawa o
makapagpatupad ng karampatang solusyon para sa mga suliraning ito. Maraming paraan kung paano tayo
makatutulong sa paglutas sa mga suliraning ito. Ang mga simpleng gawain natin, tulad ng pagtatapon ng
basura sa tamang lagayan ay malaking tulong ito para mabawasan ang problema natin sa basura. Umpisahan
natin ang pagbabago sa ating mga sarili, makipagtulungan tayo sa pamahalaan, dahil walang problemang hindi
malulutas kapag tayo ay nagkakaisa at nagutulungan.

16
MODYUL 3: PAGTUGON SA MGA SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN
Most Essential Learning Natatalakay ang kalagayan , suliranin, at pagtugon sa isyung
Competencies (MELCs) pangkapaligiran ng Pilipinas

3 PAKSA: PAGTUGON SA MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

PANIMULA:
Sa nakaraang modyul, natalakay natin ang iba’t ibang suliraning pangkapaligiran na kinakaharap
ngayon ng ating pamayanan at maging ng buong bansa. Nasuri din natin ang mga sanhi at pekto ng mga
suliraning ito. Sa pagpapatuloy ng ating talakayan tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran, sa modyul na ito
ay inaasahang maiisa-isa mo ang mga maaaring solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran sa ating
pamayanan at matatalakay mo din ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning
pangkapaligiran. Sa pagtatapos ng araling ito ay mabibigyang halaga mo ang mga ginawang hakbangin at
pagkilos ng ating pamahalaan upang lutasin at harapin ang mga hamong dulot nito.
Anumang kaalaman ang makukuha at mapupulot mo sa modyul na ito ay mamagagamit mo upang
masagot mo ang mga sumusunod pang katanungan at gawain na nakapaloob dito, kaya unawain at basahin mo
itong mabuti.

Mga Layunin:
1.
Naiisa-isa ang mga mungkahing solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran
2.
Natatalakay ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran sa sariling
pamayanan.
3. Nabibigyang halaga ang mga hakbangin at pagkilos ng pamahalaan sa paglutas sa bawat
suliraning pangkapaligiran

Exploration of Prior Knowledge


Paunang Pagtataya:
Panuto: Kompletuhin ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang masukat ang iyong dating kaalaman
tungkol sa ating paksang: Pagtugon Sa Mga Suliraning Pangkapaligiran.

Ano ang Ano ang nais kong Paaano pa ako Ano ang aking mga natutunan
aking matuklasan matututo
nalalaman

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

PAMPROSESONG TANONG:

Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang katanugan na may kinalaman sa paksang tatalakayin. Inaasahang
masasagot mo ang mga ito ng maayos at buong husay sa pagtatapos ng aralin sa linggong ito.
1. Anong mga solusyon sa suliraning pangkapaligiran ang natalakay sa aralin?
2. Anong mga batas ang sumasaklaw sa paglutas sa ibat ibang suliraning pangkapaligiran?
3. Sa iyong palagay naging mabisa ba ang pagpapatupad sa mga batas na ito? Bakit?

MAIKLING PAGSUSUSLIT

GAWAIN 1: Photo Matching.


Panuto: Tukuyin ang mga batas na maaaring sumaklaw sa mga sitwasyong ipinapakita sa bawat larawan. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

17
A. R.A. 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997
B. R.A. 8749 (Clean Air Act)
C. R.A. 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004)
D. R.A. 9003 (Solid Waste Management Act of 2000)

1. ________________ 2. _________________ 3. _______________ 4. ______________

PAGTATALAKAY SA ARALIN:

Ang marami sa suliraning pangkapaligiran sa pamayanan at sa bansa ay tinalakay sa modyul 2.


Samakatuwid ang talakayan sa bahaging ito ng aralin ay maituturing na suplemento sa mga kaalamang
napag-aralan na sa nagdaang aralin. Sa modyul na ito, malalaman mo ang mga hakbang na ginagawa ng
pamahalaan at iba pang sektor sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran. Mauunawaan mo rin
kung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamayan sa paglutas sa mga suliraning
pangkapaligiran. Maiisa-isa mo rin ang mga solusyon na makalulutas sa mga nasabing suliraning
nabanggit na maaari mong isabuhay at gawing hakbang upang ikaw ay kumilos tungo sa pangangalaga
ng kalikasan.

MGA HAKBANG NG PAMAHALAAN SA PAGHARAP SA MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

PAGLUTAS SA SULIRANIN NG SOLID WASTE


Ang pamamahala ng basura (waste management) ay tumutukoy sa wastong pagkuha, paglilipat,
pagtatapon o paggamit, at pagsubaybay ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito upang mapangasiwaan
ng maayos ang mga basura para maiwasan ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.
Noong Enero 26, 2001 naging ganap na batas ang Republic Act 9003 na kilala bilang Ecological
Solid Waste Management Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito ang mga alituntunin sa wastong
pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat
mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon. Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito ay ang
sumusunod:
 Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology
Center
 Pagtatatag ng Materials Recovery Facility
 Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura
Ang National Solid Waste Management Commission ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga
plano sa pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid Waste Management (SWM) Plan. Ito
ay binubuo ng 14 na ahensya mula sa pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR) at 3 naman mula sa pribadong sektor. Bukod sa DENR, ang sumusunod ay
ang mga ahensya ng pamahalaan na bumubuo sa NSWMC:
 Department of Science and Technology (DOST)
 Department of Public Works and Highways (DPWH)
 Department of Health (DOH)
 Department of Trade and Industry (DTI)
 Department of Agriculture (DA)
 Department of Interior and Local Government (DILG)
 Philippine Information Agency (PIA)
 Metro Manila Development Authority (MMDA)

18
 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
 Liga ng mga Lalawigan
 Liga ng mga Lungsod
 Liga ng mga Munisipyo
 Liga ng mga Barangay
Ang pribadong sektor ay kinakatawan naman ng mga sumusunod:
 Recycling Industry
 Plastic Industry
 Non-Government Organization
Ang Materials Recovery Facility (MRF) ay ang pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na
basura upang gawing compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalang inilalagak ang mga balik-
gamit (recyclables) na bagay tulad ng bote, plastic, papel, lata, at iba pa. Isinasagawa rin dito ang
pagbubukod ng mga basurang nakolekta mula sa pinagmulan. Upang maayos ang pagapapatupad ng
waste segregation at resource recovery, kinakailangang maisagawa ang mga sumusunod:
 Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balik-gamit, special wastes at latak, o tirang basura.
Dapat magkakahiwalay ang kanilang lalagyan.
 Pagsunod sa iskedyul ng pangongolekta ng basura
 Pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF)
 Kung may mga special waste o recyclable dapat alam kung saan ito dadalhin o pwedeng ibenta
Sa seksyon 48 ng batas na ito, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang
uri ng basura sa mga pampublikong lugar. Kabilang sa mga pampublikong lugar ay mga daan,
bangketa, bakanteng lote, kanal, estero, at parke, harapan ng establisimiyento, maging sa baybay-ilog at
baybay-dagat. Bukod dito, marami pang ipinagbabawal ang batas na ito, ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
 Pagsusunog ng basura
 Pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura
 Pagtatambak/pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabaha
 Walang paalam na pagkuha ng recyclables na may nakatalagang mangongolekta.
Katuwang din ng pamahalaan ang mga Non-Government Organization sa pagharap sa suliranin sa
solid waste. Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod:
MOTHER EARTH Isang nonprofit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura
FOUNDATION na nagsusulong ng zero waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastong
pamamahala ng basura.
BANTAY Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo
KALIKASAN ang likas-kayang pag-unlad.
GREENPEACE Tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at
PHILIPPINES malusog na kapaligiran
Itinalaga ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000 ang mga
DA GDA G opisyal ng barangay na mamahala sa pangongolekta at paghihiwalay ng mga basurang
nabubulok na maaaring gawing pataba at maaaring gamitin muli. Samantala, ang mga
KA A LA M
munisipyo naman ang mamamahala sa pangongolekta ng mga basurang hindi na maaaring
AN
magamit pang muli. Layunin ng batas na ito na maisagawa sa pambarangay na antas ang
mahusay na waste management upang magkaroon ng malawakang solusyon sa problema sa
basura.

DEFORESTATION/ PAGKAKALBO NG KAGUBATAN


Mabilis ang antas ng deforestation sa Pilipinas sa mga nakaraang dekada. Kinakailangan ng higit na
pagsisikap upang mabawasan ang mabilisang pagkaubos ng mga kagubatan. Ilan sa mga batas na
nangangalaga sa kagubatan ay ang mga sumusunod:
BATAS PROBISYON
Batas Republika Bilang  Itinatag ang Reforestation Administration
2706  Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa
Presidential Decree 705  Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang
pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng
pagkakaingin
Batas Republika Bilang  Idineklara ang ilang pook bilang national park kung saan ipinagbawal dito ang

19
7586 National Integrated panghuhuli ng hayop, pagtotroso, at iba pang komersyal na gawain ng tao.
Protected Areas System Act
of 1992
Batas Republika Republika  Binibigyang proteksyon ng batas na ito ang pangangalaga sa mga wildlife
Bilang 9147 “Wildlife resources at sa kanilang tirahan upang mapanatili ang timbang na kalagayang
Resources Conservation and ekolohikal ng bansa.
Protection Act”
Batas Republika Bilang  Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ng chainsaw upang matigil ang ilegal
9175 - “The Chainsaw na pagtotroso at iba pang gawaing nakasisira ng kagubatan
Act”.  Ang batas na ito ay naglalayong protektahan at ingatan ang mga yamang gubat
sa pamamagitan ng tinatawag na Sustainable Forest Manangement (SFM).
Executive Order No. 23  Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan.
 Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task force.
Executive Order No. 26  Ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutulugan ng iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan para sa National Greening Program.
Proclamation No. 643  Ipinahayag ang June 25 bilang Philippines Arbor Day
 Hinakayat ang pakikiisa ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor,
paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok sa pagtatanim ng puno.

Bukod sa mga batas na nakatala sa itaas, ay mga mga batas pang ginawa ang pamahalaan upang lutasin
ang problema sa pagkasira ng kalikasan lalong lalo na ang pagkakalbo ng kagubatan sa Pilipinas, ito ay
ang mga sumusunod:
 R.A. 9168 – Philippine Plant Variety Protection Act of 2002
 R.A. 9154 – Mt. Kanla-on Natural Park Act of 2001
 R.A. 7611 – Strategic Environmental Plan for Palawan Act
 R.A. 4190 – Lanao Del Sur National Parks

MGA BATAS SA PANGANGALAGA SA MGA CORAL REEFS

BATAS PROBISYON
Executive Order no. 704,  Pagbabawal sa paggamit ng dinamita, nakalalasong bagay, kuryente, at
Section 33 iba pang hindi legal na paraan ng pangingisda
PD 1219 at PD 1698 o  Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa
ang Coral Resources katubigan ng Pilipinas.
Development and  Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang pangongolekta,
Conservation Decree pagbebenta at pagluluwas ng mga koral mula sa mga katubigan sa
Pilipinas
 Ang lumabag sa batas na ito ay maaaring mahatulan ng hindi bababa 60
araw at hindi hihigit sa 6 na taon na pagkakabilanggo o pagbabayad ng
multa na hindi bababa sa 6,000.00
 Ipinatupad ang batas na ito sa ilalim ng pamunuang Marcos noong taong
1977 at inamyendahan ang ilang mga probisyon dito noong 1980 sa
ilalim ng PD 1698
Presidential Proclamation  Itinalaga ang buwan ng Mayo bilang Month of the Ocean sa Pilipinas
No. 57 alinsunod sa batas na ito na inisyu noong Enero 9, 1999, upang ipabati
na ang coastal at marine resources ay may pakinabang sa ekonomiya at
kalikasan.

OVERFISHING at DESRRUCTIVE FISHING


Mga batas tungkol sa pangangalaga sa mga yamang tubig:
 Republic Act 8435 o Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997 ay nagtalaga sa
Department of Agriculture at iba pang ahensiya ng pamahalaan na isaalang-alang ang climate
change sa mga bubuuing programang pang-agrikultura at pangingisda.
 Republic Act 8550 o The Philippine Fisheries Code of 1998 naman ay nangangalaga sa sektor
ng pangingisda sa pamamagitan ng wastong pamamahala at paggamit ng mga yamang tubig at
konserbasyon ng mga palaisdaan.

20
 Fisheries Administrative Order No. 155 batas na nagbabawal sa paggamit ng pinong lambat sa
pangingisda
 Fisheries Administrative Order No. 164 pagbabawal sa muro-ami. Ang muro-ami ay isang
paraan ng pangingisda na ginagamitan ng mga lambat na may mga nakalagay na malalaking bato
at kung saan binabayaran ang mga bata upang magtrabaho sa kanila.
 Executive Order No. 704, Section 33 pagbabawal sa paggamit ng dinamita, nakalalasong
bagay, kuryente at iba pang hindi legal na paraan ng pangingisda.
 Predisdential Decree 1328 nagbabawal sa paggamit ng trawl sa lugar na may layong 7
kilometro mula dalampasigan

POLUSYON SA HANGIN
 R.A. 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999)- pagkilala sa karapatan na makalanghap ng
malinis na hangin.
- ito ay naglalayong magkaroon ng epektibong programa sa pangangalaga sa kalidad ng hangin
at mapigilan ang pagsidhi ng polusyon sa hangin.
- saklaw ng batas na ito ang pagbabawal sa mga sasakyan na maglabas ng maitim at makapal
na usok. Ipinagbabawal din ang paggamit ng mga incinerator.
- Itinataguyod nito ang pagtugon sa suliranin sa polusyon sa hangin sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga industriya.

POLUSYON SA TUBIG
 R.A. 9275 o Ang Philippine Clean Water Act of 2004 – ay nagbigay ng komprehensibong
paraan para sa pamamahala sa kalidad ng tubig. Nilikha ito upang matugunan ang suliranin ng
polusyon sa tubig gaya ng sewage pollution at magkaroon ng sistema ng pagtatapon ng
maruming tubig mula sa mga industriya. Gayundin naglaan ito ng pondo sa mga proyektong para
sa waste water treatment at pagkontrol sa polusyon sa tubig.

DAGDAG Ayon sa pag-aaral ng United States Agency for International Development,


KAALAMAN tinatayang makararanas ng pagkaunti o pagkabawas sa suplay ng tubig ang mga
lungsod sa bansa sa taong 2025. Ito ay bunga ng matinding pagbabago ng panahon.
Kahit nasa ikatlong bahagi ng mga ilog sa Pilipinas ay angkop pagkunan ng tubig,
ay madalas napapabayaan at hindi napangangalagaan nang maayos ang mga ito.
Pangunahing sanhi nito ang mga basurang mula sa mga bahay at establisyimento
na nagdudulot ng kontaminasyon sa tubig. Kapag nagpatuloy ang kakulangan sa
malinis na tubig, makaaapekto ito sa kalusugan at sa mga industriyang gaya ng
pangingisda, agrikultura at turismo.

PAGMIMINA O MINING
Mga Batas Tungkol Sa Pagmimina
Dahil sa hindi mabuting epekto ng pagmimina, nagpatupad ng mga batas para maiwasan ang
mga ito.

 Philippine Mining Act


- Ito ay naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at
pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang
nagsasagawa nito.
- Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa
kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.
 Executive Order No. 79
- Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang
responsableng pagmimina, at makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay
ng paglago ng industriya ng pagmimina.
 Philippine Mineral Resources Act of 2012

21
- Layunin nitong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang
paggamit ng mga yamang mineral.
- Tinitiyak nito ang pantay-pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng
Pilipinas, sa mga katutubo, at sa mga lokal na komunidad.
SULIRANIN MUNGKAHING SOLUSYON
1. Solid Waste  Magtayo ng mga sanitary landfill at linisin ang mga dumpsite
 Paghusayin ang pangongolekta at paghihiwalay ng mga basura
 Ipatupad ang paggamit ng mga reusable bags at mag-recycle ng basura
 Gumamit ng mga modernong incinerator na hindi nakapagdudulot ng polusyon
 Bawasan ang basurang itinapon at iwasan ang paggamit ng mga labis na packaging.
 Paigtingin ang kampanya sa paghihiwalay ng basura.
2. Tubig  Palawakin ang sewerage system sa bansa at dagdagan ang bilang ng mga water
treatment plant
 Linisin at muling buhayin ang mga ilog at iba pang anyong tubig na nasira ng
polusyon
 Iwasang mapahalo ang mga pataba, pesticide at iba pang mga kemikal sa mga
nayong tubig o daluyan nito
 Iwasang magtapon ng basura sa mga anyong tubig o sa mga lugar na malapit dito.
 Paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas laban sa polusyon sa tubig.
3. Hangin  Ipagbawal ang mga sasakyang hindi pumasa sa pollution standard
 Hikayatin ang paggamit ng mga pampublikong transportasyon
 Magtipid sa paggamit ng enerhiya
 Palawakin ang paggamit ng malinis at alternatibong enerhiya gaya ng solar, wind at
geothermal.
 Mahigpit na ipatupad ang mga batas laban sa polusyon sa hangin
 Ipagpatuloy ang kampanya sa pangangalaga sa kapaligiran at laban sa polusyon
4. Deforestation  Simulan ang reforestation
 Dagdagan ang mga forest reserve at mangrove.
5. Pagkasira ng mga  Simulan ang pangangalaga sa mga nasirang coral reef
Coral Reef  Paigtingin ang pagpaptupad sa mga batas na nangangalaga sa mga coral reefs
 Itigil ang destructive fishing
 Sumali sa mga programa na may kinalaman sa pagprotekta ng mga coral reef
 I-report sa mga awtoridad kung mayron mang lumalabag sa mga batas na
pumoprotekta sa mga coral reef

GAWAIN 2: Upang lubos na maunawaan paksang tinalakay sa araling ito, punan ng wastong impormasyon
ang chart sa ibaba. Sagutin ito batay sa iyong naunawaan mula sa binasang teksto.

Panuto: Maraming mga solusyon at mga batas ang pinagtibay ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga
likas na yaman laban sa mga mapanirang gawain ng mga tao gaya ng mga natalakay nating mga halimbawa ng
suliraning pangkapaligiran. Kompletuhin ang chart tungkol sa mga batas at solusyong nabanggit sa teksto.

Suliranin Epekto Mga Batas Mga Mungkahing Solusyon

BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong

1. Anong mga mungkahing solusyon sa suliraning pangkapaligiran ang natalakay sa aralin?

22
Solid Waste - magtayo ng mga sanitary landfill at linisin ang mga dumpsite, paghusayin ang
pangongolekta at paghihiwalay ng mga basura, ipatupad ang paggamit ng mga reusable bags at mag-recycle
ng basura, gumamit ng mga modernong incinerator na hindi nakapagdudulot ng polusyon.
Polusyon sa tubig - palawakin ang sewerage system sa bansa at dagdagan ang bilang ng mga water
treatment plant, linisin at muling buhayin ang mga ilog at iba pang anyong tubig na nasira ng polusyon,
iwasang magtapon ng basura sa mga anyong tubig o sa mga lugar na malapit dito, paigtingin ang
pagpapatupad ng mga batas laban sa polusyon sa tubig.
Polusyon sa hangin - Ipagbawal ang mga sasakyang hindi pumasa sa pollution standard, hikayatin ang
paggamit ng mga pampublikong transportasyon, magtipid sa paggamit ng enerhiya, palawakin ang paggamit
ng malinis at alternatibong enerhiya gaya ng solar, wind at geothermal, mahigpit na ipatupad ang mga batas
laban sa polusyon sa hangin.
Deforestation - simulan ang reforestation, dagdagan ang mga forest reserve at mangrove.
Pagkasira ng mga Coral Reef - simulan ang pangangalaga sa mga nasirang coral reef, paigtingin ang
pagpaptupad sa mga batas na nangangalaga sa mga coral reefs, itigil ang destructive fishing, sumali sa mga
programa na may kinalaman sa pagprotekta ng mga coral reef, i-report sa mga awtoridad kung mayron
mang lumalabag sa mga batas na pumoprotekta sa mga coral reef
2. Napag-aralan natin sa modyul na ito ang mga batas na ipinatupad ng pamahalaan bilang pagtugon sa
mga isyung pangkapaligiran sa pamayanan at sa bansa. Ito ay ang mga sumusunod:
 Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000 - na naglalayong maisagawa sa
pamabarangay na antas ang mahusay na waste management upang magkaroon ng malawakang solusyon
sa problema sa basura
 Presidential Decree 705 - ipinag-uutos ng batas na ito ang pagsasagawa ng reforestation sa buong
bansa kasama ang pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin.
 PD 1219 at PD 1698 o ang Coral Resources Development and Conservation Decree - mahigpit na
ipinagbabawal ng batas na ito ang pangongolekta, pagbebenta at pagluluwas ng mga koral mula sa mga
katubigan sa Pilipinas
 R.A. 9275 o Ang Philippine Clean Water Act of 2004 - nilikha ito upang matugunan ang suliranin ng
polusyon sa tubig gaya ng sewage pollution at magkaroon ng sistema ng pagtatapon ng maruming tubig
mula sa mga industriya.
 Executive Order No. 704, Section 33 pagbabawal sa paggamit ng dinamita, nakalalasong bagay,
kuryente at iba pang hindi legal na paraan ng pangingisda.
 Philippine Mining Act- Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng
pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.
3. Sa iyong palagay naging mabisa ba ang pagpapatupad sa mga batas na ito? Bakit?
- Hindi naging mabisa ang pagpapatupad ng mga batas na ito dahil hanggang ngayon ay patuloy parin
nating nararansan ang iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa ating pamayanan at sa buong bansa.
Isa rin sa mabisang solusyon sa paglutas ng mga suliraning ito ay ang maigting na pagpapatupad sa
mga batas na ito at pagsasagawa sa mga mungkahing solusyon na nabanggit sa araling ito.

23
PAGBUBUOD:
Ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran ay makikita sa mga
gawain at pagtugon ng mga ahensiya nito na nilikha para sa mga nararanasang kalamidad, panganib at
suliraning pangkapaligiran sa bansa. Ang isa pang aspeto ng mga hakbang ng pamahalaan ay ang mga batas
na nilikha nito bilang pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran. Ganon pa man, ang pagkakaroon ng
kaalaman hinggil sa ugnayan ng pagkasira ng kapaligiran at pagtaas ng insidente ng mga likas na kalamaidad
ay magdudulot ng kamalayan sa maraming Pilipino higgil sa mga suliraning pangkapaligiran. Naipababatid
din ang mga gawaing nakaaapekto sa pagkasira nito. Kahit na mayroong mga batas upang mapangalagaan an
gating kapaligiran, hindi sapat ang pagpapatupad at paglalaan ng pondo para sa mga ito. Upang makatulong sa
pagbawas ng mga suliranin may mga nailahad sa araling ito na mga mungkahing solusyon na maaaring
isagawa ng pamahalaan at ng mga mamamayan ng bansa. Dahil sa pagtutulungan walang problemang hindi
kayang solusyunan.

REPLEKSIYON:
Ibigay ang iyong saloobin o pahayag batay sa hinihinging impormasyon sa bawat hanay sa ibaba.

Sa aking sarili…

Ang mahalagang bagay na natutuhan ko sa Ang kawili-wili kong nabatid sa aralin…


aralin…

Ang aking napagbuti sa aking pagkatuto… Ang mga bagay na hindi ko nagawang mabuti…

24
MODYUL 4: SA HARAP NG KALAMIDAD (MGA PAGHAHANDA SA
HARAP NG PANGANIB)
Most Essential Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga
Learning suliraning pangkapaligiran
Competencies
(MELCs)

4 PAKSA: SA HARAP NG KALAMIDAD (Mga Paghahanda sa Harap ng


Panganib)

PANIMULA:
Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran
na ating nararanasan? Ito ba ay tungkulin ng pamahalaan o ng mamamayan? Ang pagdating ng kalamidad o
panganib ay hindi natin mapipigilan ngunit may mga paraan upang maiwasan ang maaaring matinding epekto
nito sa ating buhay at mga ari-arian.
May mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang matinding pinsalang dulot nito. Dito
naksentro ang ating paksa sa modyul na ito. Inaasahang makauugnay ka sa mga katanungan at mga gawaing sa
pagkatuto ayon sa iyong kakayahan, bilis at oras. Ang mahalagang layon ng araling ito ay hindi lamang ang
magkaloob sa mga mag-aaral ng kaalaman ukol sa paksa kung hindi higit sa lahat ay ang maturuan sila sa
paghahanda, pag-iwas at pag-iingat sa mga suliraning pangkapaligiran.
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na kompetensi upang makamit mo ang mga kasanayang
pan-21 siglo. Handa ka na bang matuto? Simulan na natin!

MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa
Bansa.
2. Naiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad
3. Natatalakay ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng kalamidad

Exploration of Prior Knowledge


SUBUKIN: Bilang panimula, isagawa ang gawain sa ibaba, upang masukat ang iyong dating
kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
Panuto: Magtala ng ilang pangyayaring dulot ng mga kalamidad na iyo nang nasaksihan o
naranasan. Masasabi mo ba kung paano makaiiwas sa masasamang epektong dulot nito?

URI URI NG KALAMIDAD SAAN AT KAILAN PAANO NASAKSIHAN

PAMPROSESONG TANONG:

Ang mga sumusunod ay mga pamprosesong tanong na dapat mong isaalang-alang sa pagsagot at pagsasagawa
ng mga gawain na may kinalaman sa paksang tatalakayin. Inaasahang masasagot mo ang mga ito ng maayos at
buong husay sa pagtatapos ng aralin sa linggong ito.
1. Anong mga kalamidad at sakuna ang nararanasan sa komunidad at sa bansa?
2. May kaugnayan ba ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad?
3. Dapat bang umasa na lamang sa mga tulong na galing sa pamahalaan sa panahon ng kalamidad?

25
MAIKLING PAGSUSULIT:
A. Panuto: Buin ang mga pinaghalo-halong titik sa kahon upang matukoy kung anong uri ng kalamidad ang
inilalarawan ng pangungusap sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

noldil islanddel mitnasu shalf odolf le oniń

__________________1. Pagyanig ng lupa at pagkasira ng mga gusali at mga kabahayan


__________________2. Biglaang pagbaha na dala ng malakas na bagyo o matagalang pagbuhos ng
ulan
__________________3. Pagguho ng mga lupa
__________________4. Pagkakaroon ng tagtuyot
__________________5. Pagkakaroon ng malaking hagupit ng alon mula sa baybaying dagat.

B. Panuto: Tukuyin ang mga likas na kalamidad na ipinapakita sa bawat bilang. Isult ang sagot sa
patlang sa ilalim ng bawat bilang.

1. _______________________________ 2.__________________________________

3. ________________________________ 4. ________________________________

 Alin sa mga kalamidad sa itaas ang naranasan na sa inyong lugar? Paano ito nakaapekto sa buhay
mo?

PAGTATALAKAY SA ARALIN:

Taon-taon, maraming kalamidad ang nararanasan ng mga tao sa ating bansa. Ang
pagdating ng mga ito ay hindi natin mapipigilan, ngunit may mga paraan at mga hakbang na
maaaring gawin upang maiwasan ang matinding pinsalang dulot nito.
Sa bahaging ito ng aralin ay pagtutuunan mo ng pansin ang mga uri ng kalamidad na
nararanasan sa komunidad at bansa, ang kaugnayan ng gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon
ng mga kalamidad at ang mga epekto nito sa kapaligiran, tao at sa bansa. Mauunawaan mo rin
ang kahalagahan ng pagiging handa sa lahat ng oras lalong lalo na oras ng kalamidad at sakuna.
Layunin ng talakayang ito na isangkot ang mga mag-aaral hindi lamang sa pagpapalaganap ng
kaalaman kundi maging sa pagbibigay ng mungkahi kung paano ito mapaghahandaan at
matugunan ang mga paraan upang mabawasan ang mga panganib na dulot ng mga tao na
maaaring mauwi sa sakuna.
26
Masasabi mang pesimistiko subalit ang kapahamakan ay nararanasan ng kahit sinuman. Ang mga
salitang calamity o kalamidad at disaster o sakuna ay madalas napagkakamalang iisa dahil karaniwan itong
tumutukoy sa biglaang pagkasira ng mga ari-arian at buhay ng tao na nauuwi sa pagdurusa at pagdadalamhati.
Subalit sa mas malalim na pagsusuri sa etimolohiya o salitang pinagmulan ng dalawang salitang ito ang higit na
makatutulong sa iyong pag-unawa ukol sa magiging pokus ng paksang tatalakayin.

KALAMIDAD SAKUNA
 Nagmula sa salitang “calamitatem”  Ang salitang ito ay ginamit ng mga Pranses noong ikalabing-
na unang ginamit noong panahong anim na siglo bilang disaster at ng mga Italyano bilang disastro
Midyebal ng mga Ingles upang na literal na nangangahulugang masamang bituin na hango sa
tukuyin ang pagdurusang dulot ng dalawang salitang Griyego ang dis- o hindi at aster o bituin
isang kamalasan o pagkawala. upang tukuyin ang mga trahedya na maaaring natural na naganap
 ito ay itinuturing na mga o gawang-tao na iniuugnay sa mga posisyon ng mga bituin o
pangyayaring nagdudulot ng planeta sa kalawakan.
malaking pinsala sa kapaligiran, ari-  Ito ay maaaring dulot ng kapabayaan, maling pasiya o maging ng
arian, kalusugan at buhay ng mga tao mga likas na puwersa o natural forces.
sa lipunan.  Ayon sa Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of
2010, ito ay tumutukoy sa malubhang pagkasira sa kaayusan ng
Halimbawa: bagyo, baha, lindol, isang komunidad o lipunan na may kinalaman sa malawakang
landslide, flashflood, pagputok ng pagkawala ng buhay ng tao, ari-arian, kabuhayan at pagkasira ng
bulkan, at storm surge. kapaligiran
Halimbawa: paglubog ng barko, pagkalugi ng negosyo, aksidente
(mga sakunang gawa ng tao)
bahang dulot ng bagyo, sunog sa kagubatan, buhawi at tsunami
(likas na sakuna o panganib)

ALAM MO BA?
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Asian Disaster Reduction Center (2008) at ng Kagawaran ng
Patakarang Pang-kongreso at Badyet Pananaliksik ng Kongreso (2012) ang Pilipinas ay pinakamalapit sa
sakuna sa buong rehiyon ng Timog-Silangang Asya at pumapangatlo naman sa buong mundo ayon sa World
Disasters Report ng 2012. Mula 1990 hanggang 2009 umabot sa kabuuang bilang na 237 na kalamidad ang
naganap sa bansa na halos abutin ng sangkatlo (1/3) ng lahat ng mga kalamidad na naganap sa buong
rehiyon ng Timog Silangang Asya ng mga panahong nabanggit. Ito ay kinatigan din sa pag-aaral ng World
Bank noong 2009 na nagsabing ang bansa ay pumwesto na pangwalo mulas sa 60 bansa sa Asya-Pasipiko na
naharap sa kalamidad.
May mga salik heograpikal na naging dahilan kung bakit madalas sapitin ng bansa ang mga
kalamidad: Una, ang bansa ay matatagpuan sa typhoon belt ng karagatang Pasipiko na may tinatayang aabot
sa 20 bagyo ang bumibisita sa bansa taon-taon; ikalawa, makikita rin ang bansa sa rehiyong tinatawag na
Pacific Ring of Fire, isang rehiyon sa Pacific Ocean na may mga hanay ng bulkan. Nakahimlay rin ang
bansa sa lugar kung saan nagtatagpo ang dalawang tectonic plate, ang Eurasian at Pacific Plate, kung saan
sa rehiyong ito karaniwang nararanasan ang paglindol at pagputok ng bulkan. Ang kalagayang tectonic at
lokasyon ng Pilipinas ang kaya madalas na nararanasan ng bansa ang mga likas na kalamidad.

27

Likas na Kalamidad
Tagtuyot Dulot Mga Bagyo Pagsabog ng
BALANGKAS NG KAISIPAN:
ng Penomenang Gawing gabay
(Tropical sa Bulkan atang
pag-aaral mgasumusunod
Mgana balangkas ngkaisipan.
Tsunami Storm Surge
IBA’T IBANG URI NG KALAMIDAD
El Niño SA
Cyclones) KOMUNIDADLindol S
AT BANSA

1. Bagyo o Tropical Cyclone


-resulta
ito ayng isang
pag- uri ng mainit
weatherna system na inilalarawan ng malawakang low pressure biglaang
center at
init ng temperatura oceanic trenches nagaganap dahil
mga thunderstorm na may kakayahang makalikha ng malalakas na hangin at ulan. pagtaas at
Karagatang sa malalaking
- Kilala ito sa iba’t ibang katawagan gaya ng hurricane, typhoon, tropical storm, cyclonic
paglakas ng alon
Pasipika alon
storm, tropical depression at cyclone. sa dagat
- Ang salitang tropical ay tumutukoy sa heograpikal na pinagmulan ng bagyo at ang kanilang
pagkakabuo
mababang lebel mula humidity
sa masa sang hanginvolcanic belts pagyanig sa ilalim
- Ang cyclone naman
ng tubig tumutukoy sa natural na pagkilos at pag-ikot
tropospera ng bagyo.
ng tubig
- Ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAGASA) ang ahensiya na nagbabantay sa panahon at nagbibigay ng babala sa mga
paparating na bagyo. plate movements
di matatag na
- Ang pagpasok ng mga bagyo
atmospera sa bansa ay inaasahan mula sa buwan ng Hulyo hanggang
Disyembre.
- Ang mga bagyong may mabagal na pagkilos ay kadalasang nagdadala ng mas maraming ulan
at nagdudulot ng pagbaha atwind
low vertical pagguho ng lupa, samantalang ang mga bagyo namang may
malalakas na hangin shear;ay lumilikha
disturbance sa ng daluyong sa mga baybayin.
2. Tagtuyot dulot ng Penomenong El atmospera
Nińo
- Ito ay isang abnormal na panahon dulot ng pag-init ng Karagatang Pasipiko
- Bunga nito, bumababa ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon na labis na
nakaapekto sa irigasyon at sa suplay ng tubig sa halos lahat ng panig ng bansa.
- Ayon sa PAGASA ang mga sumusunod na abnormalidad ay nararansan sa panahon ng El
Nińo:
 Pagpapalit ng panahon ng tag-ulan
 Mabilis na pagtatapos ng panahon ng tag-ulan
 Paghina ng mga hanging monsoon, paghina ng mga pagdating ng bagyo
 Pagbaba sa normal na dami ng pag-ulan
 Higit na mas mataas na temperature

3. Pagsabog ng Bulkan
- Ang bulkan ay isang butas o lagusan sa ibabaw ng daigdig kung saan lumalabas patungo sa
ibabaw ng daigdig ang magma at ilang volcanic gas mula sa ilalim ng bulkan sa
pamamagitan ng isang eruption o pagsabog ng bulkan.
- Sa pinakahuling tala, aabot ng halos 53 aktibong bulkan ang makikita sa Pilipinas.
- May tatlong salik kung bakit sumasabog ang bulkan, ito ay ang mga sumusunod:
1. Buoyancy ng magma o ang pagiging magaan nito ayon sa kanyang volume, kaya ito
umaakyat palabas sa bulkan.
2. Volcanic Gases - sumasabog o pumuputok ang bulkan kapag nagiging malakas ang
pressure dahil sa mga gas na nagmumula sa ilalim ng lupa.
3. Pagkaipon ng lahat ng ito sa loob ng mamgma chamber
- Kapag sumabog ang isang bulkan maaaring magkaroon ng pagdaloy ng lava, paglabas ng
mga nakalalasong gas at mga bato at pagkalat ng mga abo.
- Ang Lateral Blast ay ang uri ng pagsabog ng bulkan na inilalarawan bilang paglabas ng mga
malalaking bato mula sa bulkan sa mabilis na antas.
- Mga epekto ng pagsabog ng bulkan sa kapaligiran:
 Ang pagdaloy ng lava ay maaaring magdulot ng sunog dahil sa labis nitong init.
 Nagkakaroon ng lahar o mudflow at nadadala nito ang mga bato kapag ito ay umagos
dahil sa malakas na ulan.
 Ang abo mula sa bulkan ay nakasasama sa kalusugan ng mga tao\
 Nakasisira din ito ng mga makinarya at elektrikal na kagamitan
 Kapag humalo ang abo sa ulan, nangangnaib bumagsak ang bubong ng bahay.
 Ang abo mula sa bulkan ay maaaring kumalat sa malalayong lugar na may distansiya
na ilang milya mula sa pinagmulan nito.

28
TATLONG MAKASAYSAYANG BULKAN SA PILIPINAS
1. Bulkang Pinatubo - Ito ay matatagpuan sa Zambales
- Sumabog noong Hunyo 1991 at itinuring bilang pinakamalaking pagsabog na
naganap noong ika-20 siglo.
- Umabot sa halos 640 ang bilang ng mga namatay at 1,036,065 ang
naapektuhan.
2. Bulkang Mayon - matatagpuan sa Legazpi, Albay
- kilala dahil sa hugis perpektong kono nito at dahil din sa madalas na pagsabog
nito na umabot ng halos apatnapu’t walong naitala noong Hulyo 2001 ayon sa
PHILVOCS
3. Bulkang Taal - matatagpuan sa Batangas
- ang pinakamaliit na bulkan sa bansa na nakapagtala nang 33 pagsabog ayon sa
pinakahuling tala nito.

4. Lindol
- Ang isa sa pinakakinatatakutang likas na kalamidad.
- Ang malakas na uri nito at ang mga teribleng epekto nito ang isa sa pinakanakakatakot at
mapanirang pangyayari sa kalikasan.
- Ito ay isang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga
batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang panahon.
- Sa lindol ay may tinatawag na intensity o katindihan at magnitude o kalakasan.
- Ang katindihan o intensity ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang lindol.
- Ang kalakasan o magnitude ito ay ang siyentipikong paraan ng pagsusukat batay sa seismikong
talaan. Ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos ng mga seismikong tala para matantiya
ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol.
- Karaniwang nagigigng epicenter ng lindol ang mga faultlines, kung saan nagsalubong ang dalawang
magkasalungat na tectonic plates
- Nakararanas ng mas malakas na lindol sa mga epicenter kaya itinuturing na geohazard ang mga
lugar na malapit sa fault lines.
- Bukod sa fault lines ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng paglindol.
- Pinangungunahan ng Philippine Institutte of Volcanology and Seismology o PHILVOCS ang
pagmomonitor sa mga lindol at pagsabog ng bulkan sa bansa.
- Mayroong sampung (10) sukat ang lakas ng lindol kung saan ang Intensity 1 ang pinakamahina at
ang Intensity 10 ang pinakamalakas.
- Sa kasaysayan ng Pilipinas ang isa sa pinakamalakas na lindol na nangyari ay noong 1990 na may
intensidad na 7.9, nangyari ito sa lungsod ng Baguio.
- Karaniwang tumatagal nang segundo lamang hanggang isa o dalawang minuto ang lindol at
maaaring makaranas ng aftershocks pagkatapos ng lindol.

5. Storm Surge at Storm Tide


- Ito ay ang mataas na paghampas at pag-apaw ng tubig sa dagat.
- Ito ay hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na kaugnay ng low
pressure weather system gaya ng mga tropical cyclone at malalakas na extratropical cyclone.
- Ito ay sanhi ng mga high wind na tumutulak sa ibabaw ng dagat.
- Nagdadala ito ng malakas na hangin na siyang tumutulak sa tubig patungo sa baybayin na
maaaring magdulot ng matinding pagbaha.
- Ang lakas ng daluyong o storm surge ay batay sa mga salik gaya ng lokasyon, lakas ng
hangin, lawak ng sakalw ng bagyo, at hugis at katangian ang baybayin.
- Ito ay maaaring umabot sa taas na 15 piye mula sa normal na high tide na umaabot lamang sa
2 piye.
- Ang pinakamapaminsalang storm surge ay naganap kamakailan lamang nang tumama sa
bansa ang bagyong Yolanda (Haiyan) partikular sa Gitna at Silangang Visayas.
- Sa Storm tide, ang water level ng dagat ay tumataas dahil sa kombinasyon ng storm surge at
astronomical tide

6. TSUNAMI

29
- ang salitang tsunami ay nagmula sa dalawang salitang hapones na tsu at nami na ang ibig
sabihin ay harbor waves o mga alon sa dalampasigan.
- Kilala rin tio sa tawag na seismic seawave
- Ito ay serye ng malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa karagatan, dagat o malaking
lawa.
- Ito ay maaaring kumilos nang daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan at
humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa.
Mga sanhi ng pagkakaroon ng tsunami:
 Lindol
 Malaking pagkilos ng tubig sa ibabaw man o sa ilalim ng lupa
 Pagputok ng bulkan
 Pagguho ng lupa
 Malaking pagtama ng maliliit na bulalakaw
 Pagsubok ng mga kagamitang nukleyar o atomiko sa karagatan

Mga epektong dulot ng tsunami


 Pagkasawi ng buhay
 Pagbaha
 Kontaminasyon ng tubig
 Pagkasira ng mga ari-arian

MGA KALAMIDAD AT SAKUNANG GAWA NG TAO


PAGGUHO NG KALUPAAN (landslides)
- Ito ay ang malawakang paggalaw ng mga bato na nagreresulta sa pagguho ng isang bahagi ng lupa
Mga Sanhi ng Landslides
 Malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan
 Paglindol
 Pagmimina
 Quarrying
 Maling paraan o irresponsableng paggawa ng kalsada o iba pang gusali
 Pagputol ng mga puno
 El Nińo at La Nińa

PAGBAHA
- Ito ay ang pag-apaw ng tubig mula sa mga sapa, ilog, lawa at iba pang anyong tubig na napupunta sa
mga mabababang lugar.
- Ito ay sanhi ng mga sumusunod:
 Pagkakalbo ng kagubatan
 Malakas na pag-ulan o bagyo
 Mabilis na antas ng urbanisasyon
 Pagbabara ng mga drainage o daluyan ng tubig
Epekto ng pagbaha:
 Pagkakasakit at pagkamatay
 Pagkasira ng mga ari-arian
 Pagkasira ng sektor ng agrikultura at pangingisda at imprastraktura
 Mataas na antas ng erosyon ng lupa
 Sedimentasyon sa mga dam at hydroelectric station
SUNOG
- ito ay isa sa pinakamadalas na sakunang nagaganap sa Pilipinas dulot ng iba’t ibang salik

3 Madalas Pagmulan Ng Sunog Sanhi Paano mkaiwas sa sunog


1. Electircal  Overloading sa saksakan ng  Iwasan ang pagkakabit ng labis
outlet na appliance o gadget sa iisang
 Short circuit outlet
 Iwasang mabasa ang mga
appliance, gadget, outlet o
30
saksakan
2. Kusina  Nakaligtaang sinaing o lutuin  Parating dapat may nakabantay
 Pagtagas ng gas mula sa LPG sa kusina sa oras ng pagluluto
 Siguraduhing mahigpit ang
pagkakasara ng LPG tank at
wala itong leak o tagas
3. Kandila o sigarilyo  Paggamit ng kandila tuwing  Hindi dapat itinatabi ang
brownout kandila sa mga bagay na
 Pagtatapon ng sigarilyo nang madaling magliyab.
may sindi  Dapat laging may bantay sa
silid na may kandila
 Ang sigarilyo ay hindi dapat
itinatapon ng may sindi.

EPIDEMYA
- Pangkaraniwan nang nagkakaroon ng epidemya, kung marumi ang kapaligiran. Ang
pagkakaroon ng mga sakit na nakahahawa, at maging ang pagkalat ng mga ito, ay karaniwan ng
may kaugnayan sa polusyon sa kapaligiran na gawa ng tao.

CLIMATE CHANGE
- Ito ay may kaugnayan sa global warming o pagtaas ng temperatura sa daigdig na resulta rin ng
maraming gawa o kapabayaan ng mga tao.
- Nagdudulot at nagpapalala ng pagtaas ng temperatura ang mga gawain gaya ng pagsunog ng
mga produktong mula sa langis, pagpanot sa kagubatan, pagsasaka at industrialisasyon na
gumagamit ng mga kemikal.

FLASHFLOOD
- ito ay maaaring bunga ng pagkakalbo ng bundok kagaya ng kaso ng malaking pinsalang
naganap nang magkaroon ng Bagyong Sendong sa lalawigan ng Cagayan de Oro noong
Disyembre 2011.
- Ito ay maaaring dulot din ng pagmimina na ginagawa ng mga tao.

PAGTAPON NG MGA PETROLYO AT NAKALALASONG KEMIKAL SA DAGAT


- Ang gawaing ito ay maaaring makapinsala sa mga coral reef at iba pang yamang dagat.
- Ito rin ay maaaring mag-iwan ng pangmatagalan o permanenteng pagkasira sa kapaligiran.
- Ang paglubog ng barkong M/V Solar 1 ang itinuring ng Philippine Coast Guard bilang
pinakamatinding oil spill na naganap sa kasaysayan ng bansa.

pagtapon ng
basura sa mga
daluyan ng tubig
Pagmimina
Pagkakalbo
at quarrying
ng kagubatan

Pagtangging
MGA GAWAING
NAGDUDULOT O lumikas ng mga
Paninirahan tao mula sa
NAGPAPALALA
sa paanan ng SA KALAMIDAD mga panganib
bulkan na lugar

Paninirahan sa Hindi
Pagkasira ng
estero, baybay pagsunod sa
ozone layer ng ilog o dagat utos at abiso

31
Hindi man makontrol ang pagkakaroon ng kalamidad at sakuna ngunit may magagawa ang mga tao upang
mabawasan ang mga panganib na kaugnay rito at ihanda ang mga sarili sa oras ng panganib sa panahong
magkaroon ng mga sakuna at kalamidad, ang mga plano at kakayahang makapaghanda ay isinasagawa. Ang
pagigigng handa at pagkakaroon ng pang-unawa sa mga dapat isagawa sa panahon ng kalamidad ay
nakababawas ng takot, pag-aalala, at maaari ding makapagligtas ng buhay. Sa panahon ng kalamidad,
tandaan ang mga sumusunod na payo at hakbang:

MGA PANGUNAHING PAGHAHANDA SA KALAMIDAD


1. Alamin ang mga uri ng sakuna at kalamidad Magsaliksik o alamin mula sa mga kinauukulan
na maaaring maranasan sa komunidad. ang mga naganap na o may posibilidad na
maganap na kalamidad sa pamayanan.
Ang kaalamang ito ay makatutulong upang
maisagawa ang sapat o wastong paghahanda
2. Gumawa ng emergency plan ang emergency plan ay dapat alam at sundin ng
mga kasapi ng pamilya lalo na kung hindi
magkakasama ang pamilya kapag naganap ang
isang kalamidad.
Ipaalam sa mga kasapi ang mga numero na
maaaring tawagan at mga lugar na dapat
puntahan gaya ng brgy. Hall, police station, fire
station, ospital at iba pa.
Kailangan ding malaman ng pamilya kung kailan
at paano papatayin ang main switch ng koryente
at isasara ang gripo ng tubig.
3. Magkaroon ng emergency supply kit Ito ay dapat naglalaman ng mga kagamitang para
sa tatlong araw, gaya ng tubig inumin, baterya,
radio, flashlight, first aid kit, pito, dust mask,
towel, pagkaing delata at noodles, mahahalagang
dokumento, personal hygiene kit, cellphone at
charger, gamot, pera, sleeping bag, tent at
kumot, damit, alcohol o disinfectant at garbage
bag.
Ipaliwanag sa mga kasapi ng pamilya ang mga
gamit nito.

4. Huwag mataranta o matakot mas mabuting maging mahinahon sa oras ng


kalamidad upang mas makapag-isip ng maayos.
5. Magkaroon ng plano para sa komunikasyon dapat batid ng mga bata ang mga impormasyon
tungkol sa kanilang sarili gaya ng kanilang
buong pangalan at tirahan, gayundin ang mga
taong dapat hingan ng tulong.
6. Mag-aral ng pagsasagawa ng first aid kaalinsabay nito, pag-aaralan din ang
pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation
(CPR).
7. Sumubaybay sa balita sa radio at telebisyon makabubuti na batid ang pinakabagong balita
ukol sa lagay ng panahon at mga babala upang
makapaghanda.
8. Sundin ang mga tagubilin o babala mula sa mga ang mga itinalagang tao sa mga tiyak na ahensiya
kinauukulan o awtoridad ng pamahalaan ay sinanay at nagplano para sa
paghahanda sa pagtugon sa mga kalamidad.

MGA PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB AT KALAMIDAD

SA PANAHON NG EL NIŃO AT LA NIŃA


1. Ang mga tao ay dapat handa bago pa dumating ang El Nińo lalo na sa negatibong epekto nito sa
bansa.
2. Dapat iakama ng mga magsasaka ang kanilang mga pananim sa abnormal na panahon at gumawa
ng mga paraan upang tumagal ang patubig kung sakaling ito ay magpatuloy.

32
3. Makiisa at makibahagi sa paglaban sa mga epekto lalo na sa pagtitipid sa suplay ng tubig
4. Dapat malinis ang kapaligiran at hindi barado ang mga daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng
pagbaha

BAGYO
BAGO HABANG PAGKATAPOS
1. Ihanda ang tirahan sa pagdating ng 1. huwag lumabas ng bahay kung 1. Manatili sa loob ng bahay
bagyo. Itabi at ayusin ang mga gamit hindi kinakailangang lumikas. kung wala pang opisyal
sa bahay na maaaring masira. 2. Siguraduhing nakasara ng na balita na nakaalis na
2. Kung mayroong sasakyan at maayos ang mga bintana at ang bagyo sa bansa.
generator, siguraduhing may sapat pintuan. 2. Makinig sa radyo o
itong krudo o gasolina 3. Itago na ng maayos ang mga manood sa TV upang
3. Kung may mga alagang hayop kagamitan bago lilikas, isara malaman ang
siguruhing ang mga ito ay nasa ligtas ang tangke ng gas at pinakahuling balita kung
na lugar at may sapat na inumin at kailangang nakapatay ang nakaalis na sa bansa ang
pagkain. main switch ng kuryente bagyo.
4. Linisin ang mga alulod at daanan ng 4. Kung lilikas siguraduhing may 3. Mag-ingat sa mga
tubig. dalang emergency kit naputol na kawad ng
5. Kung may mga puno na nakapaligid 5. Subaybayan ang balita sa koryente na nakakalat sa
sa bahay, putulin ang mga sanga na radyo o telebisyon tungkol sa daan. Huwag pumasok sa
maaaring malaglag sa bahay bagyo. mga napinsalang gusali.
6. Siguraduhing puno ang baterya ng 6. Mag-ipon ng tubig para sa 4. Itapon ang mga naipong
cellphone ibang pangangailangan tubig sa mga gulong, lata,
7. Ihanda ang mga flashlight, 7. Mag-ingat sa bagyo. May o paso upang hindi
kagamitan at first aid kit panahon na walang gaanong pamahayan ng lamok.
8. Maghanda ng baterya, kandila, hangin at ulan at kalmado ang
posporo, malinis na tubig, pagkain, paligid. Ito ay maaaring
at gamot. panahon ng pagdaan ng mata
9. Makinig sa radyo at manood sa ng bagyo. Pagkaraan ng ilang
telebisyon hinggil sa mga oras ay babalik muli ang ihip
impormasyon at babala sa ng hangin at ito ay mas
paparating na bagyo. malakas at mas maulan.
10. Sumunod sa mga payo, abiso o utos
na ibinigay ng mga kinauukulan

BAHA/PAGBAHA
BAGO HABANG PAGKATAPOS

33
1. Alamin ang balita o babalang 1. Huwag nang 1. Mag-ingat kapag babalik at
ipinalalaganap sa inyong lugar. maghintay ng abiso papasukin ang binahang bahay.
2. Makinig sa radyo o TV upang o paalala kapag 2. Iwasan ang pagdaan sa tubig-baha.
malaman ang pinakahuling balita binaha na ang Ito ay maaaring kontaminado ng mga
mula sa PAGASA tungkol sa mga lugar. Agad na dumi ng hayop na maaaring
binahang lugar. lumikas at pumunta magdulot ng iba’t ibang sakit.
3. Alamin sa sa ligtas na lugar. 3. Tiyaking malinis at hindi narumihan
http://www.mapcentral.ph/mgb/index. 2. Umiwas na ng tubig baha ang mga pagkain at
cfm? lumakad sa inumin.
maptype=Flood&areatype=province umaagos na tubig 4. Alamin ang mga lugar na binaha.
kung ang iyong lugar ay maaaring dahil maaari kang Maaaring pahinain o sirain ng baha
magbaha.Pagmasdan at obserbahan bumagsak o ang mga kalsada at tulay.
ang inyong kapaligiran. matangay nito. 5. Ipaalam sa mga kinauukulan ang mga
4. Ihanda ang inyong emergency kit. 3. Iwasang nasirang kawad ng kuryente at tubo
5. Alamin ang pinakaligtas na daan magmaneho o ng tubig.
papunta sa evacuation center o mataas pumasok sa loob 6. Siguraduhing hindi basa ang mga
at ligtas na lugar. ng sasakyan sa oras gamit na de-koryente bago gamitin.
6. Magplano kung saan ililipat ang mga ng pagbaha. Kapag 7. Linisin at i-disinfect ang lahat ng
alagang hayop bago ang pagbaha tumaas ang tubig gamit na nababad sa baha. Patuyuin
7. Ayusin ang tahanan. Gumawa ng mga ay maaaring ng maayos ang mga ito bago gamitin.
harang upang mapigilan ang pagpasok madala ng tubig-
ng baha sa loob ng bahay. baha ang sasakyan.
8. Ilagay ang mga mahahalagang Mainam na lumikas
dokumento sa loob ng plastic na sa mataas na lugar
container upang hindi mabasa. na hindi aabutin ng
9. Sundin ang payo ng inyong Barangay baha
Disaster Coordinating Council upang 4. Ipagbawal ang
hindi mapahamak kung kinakailangan paglalaro ng mga
nang lumikas bago tumaas ang tubig bata sa baha dahil
sa inyong lugar. marumi ang tubig,
10. Ipaalam sa ibang kamag-anak kung lalong lalo na kung
saan kayo lilikas upang hindi sila mag- mula sa kanal.
alala. Patayin ang main switch ng 5. Siguraduhing
kuryente at tiyaking nakasara ang malinis ang
tangke ng gas bago lumikas. iinuming tubig.
Upang makasiguro,
pakuluan muna ito
bago inumin.

PAGSABOG NG BULKAN
BAGO HABANG PAGKATAPOS

34
1. Lumayo sa mga 1. Sundin ang plano ng paglikas na inihanda ng mga awtoridad at 1. Maghintay at sundin
lugar na may mabilis na lumikas ang abiso mula sa
aktibong bulkan 2. Maging alisto sa mga mudflow, lalo na sa mga daluyan ng tubig mga awtoridad
2. Kung naninirahan kapag may malakas na pag-ulan. Tignanng mabuti ang mga hinggil sa dapat
malapit sa bulkan, daluyan ng tubig at huwag tumawid sa mga ito lalo na sa mga gawin pagkaraan ng
aktibo man o tulay kung may paparating na mudflow. pagsabog ng bulkan.
hindi, laging 3. Huwag manatili o umiwas pumunta sa mga lambak, ilog at mga 2. Kung kayo ay nasa
maging handa sa mababang lugar. ligtas na lugar o
paglikas lalo na 4. Kung may kakayahan, tumulong sa kapwa na nangangailangan evacuation center,
kung ito ay iniutos ng tulong gaya ng mga matatanda, may sakit, sanggol at bata, at maghintay ng payo
ng mga may mga kapansanan. kung maaari na
kinauukulan 5. Makinig sa mga anunsiyo sa radyo at telebisyon. kayong bumalik sa
3. Kasamang ihanda 6. Magsuot ng damit na maaaring matakapan ang buong katawan. inyong mga tahanan.
ang goggles at 7. Gumamit ng mask sa mukha o mamasa-masang tela bilang 3. Siguruhing maayos
mask bilang pantakip sa ilong at bibig upang makaiwas na makalanghap ng ang inyong tahanan.
proteksiyon sa abo. 4. Siguruhing walang
mukha kung 8. Manatili sa ligtas na lugar. Isara ang mga bintana, pintuan, at iba amoy ang inyong
maglabas ang pang maaaring daanan ng abo. tubig at ito’y
bulkan ng abo. 9. Iwasang magmaneho at paandarin ang mga sasakyan. Kung malinaw. Pakuluan ito
kinakailangang magmaneho, umiwas sa mga lugar na may ng 10-15 minuto bago
maraming abo at bagalan lamang ang pagpapatakbo ng sasakyan. ito inumin.

LINDOL
BAGO HABANG PAGKATAPOS
1. Ihanda ang tahanan sa 1. Manatiling kalmado. Huwag tumakbo 1. Inspeksiyunin ang mga kasama o
posibilidad ng papalabas kung ikaw ay nasa loob nang miyembro ng pamilya at isagawa
paglindol. Idikit ang isang gusali. Pansamantala, sumilong sa ang first aid kung kinakailangan.
mga cabinet na isang matibay na lamesa o kagamitan bilang 2. Inspeksiyunin ang mga lugar na
maaaring bumagsak pananggalang sa mga bumabagsak na debris pinagmumulan ng gas at
sa haligi ng bahay. o bagay. kuryente. Siguruhing ipaayos ito
2. Itabi ang mga 2. Kung ikaw naman ay nasa labas ng isang kaagad.
babasaging gamit sa gusali, kalmadong maghanap ng ligtas nal 3. Magsuot ng sapatos, bota, o
mga cabinet na may ugar at iwasang lumapit sa mga nabuwal na anumang sapin sa paa na
pansara. poste ng koryente, puno at bumabagsak na magpoprotekta laban sa mga
3. Ilayo ang mga pader. nabasag na piraso ng salamin na
mabibigat na 3. Huwag magsindi ng kandila kung may maaaring makasugat.
kagamitan at salamin tumatagas na gas sa paligid 4. Ipasuri ang mga poste ng
sa kama o upuan. 4. Gumamit ng hagdanan imbes na elevator kuryente. I-report sa mga
4. Lagyan ng pang-alalay 5. Kung nasa loob naman ng sasakyan, awtoridad upang makumpuni
sa kisame ang mga iwasang dumaan sa flyover at tulay. kung sakaling may sira.
kagamitang de-ilaw. 6. I-park ang sasakyan mula sa mga 5. Iwasang manatili sa
5. Ipaayos ang mga sira o istrukturang maaaring mabuwal, manatili dalampasigan. Maaaring
depektibong linya ng lamang sa sasakyan habang naghihintay ng magkaroon ng tsunami
koryente sa bahay tulong makalipas ang isang paglindol.
6. Makinig at pag-aralan 7. Kung ikaw naman ay nasa dalampasigan, 6. Gamitin lamang ang telepono sa
ang mga earthquake magtungo kaagad sa isang mataas na lugar dagliang pangangailangan o
drill sa mga opisina at dahil posibleng makaranas ng tsunami emergency.
paaralan kapag malakas ang paglindol. 7. Maghanda para sa mga
7. Sundin ang payo at 8. Kung ikaw ay nasa isang mataong lugar aftershocks o maliliit na
paghahandang tulad ng sinehan, huwag itulak ang mga tao paglindol.
ibinibigay ng mga papalabas, manatiling kalmado, at iwasang 8. Sundin ang emergency plan ng
kinauukulan hinggil sa matamaan ng mga estrukturang maaaring inyong lokal na pamahalaan.
lindol mabuwal. 9. Kung sakaling lilikas ang inyong
9. Isagawa ang drop, cover and hold on kapag pamilya, siguruhing mag-iwan
lumindol at nasa loob ng tahanan o gusali. ng mensahe na utukoy sa inyong
patutunguhan.

 DROP- kapag nakaramdam ng lindol, iwasang tumakbo at lumakad. Manatili sa isang lugar na ligtas.
35
 COVER – magtago sa ilalim ng matibay na mesa o kagamitan
 HOLD ON – manatili sa ligtas na lugar hanggang sa matapos ang pagyanig.
DALUYONG AT TSUNAMI
BAGO HABANG PAGKATAPOS
Maging alerto sa mga tsunami at 1. Sumunod sa plano ng 1. Magtungo sa malapit na pagamutan kung
daluyong na maaaring tumama sa paglikas na ibinigay ng nangangailangan ng tulong medikal.
inyong lugar kung ito ay malapit mga awtoridad at mabilis 2. Maghintay ng abiso mula sa mga
sa baybayin. Kung nagbigay na na tumugon dito. awtoridad higgil sa dapat gawin
ang mga kinauukulan ng babala 2. Magtungo sa mataas na pagkaraan ng daluyong at tsunami.
sa tsunami at daluyong, agad na lugar o lumayo sa
lumikas at lumayo sa mga baybayin.
baybayin 3. Kapag umurong ang tubig
sa baybayin at may
malakas na bagyo,
kinakailangan nang
lumayo sa pampang at
magtungo sa matataas na
lugar.
PAGGUHO NG LUPA
BAGO HABANG PAGKATAPOS
1. Umiwas magtayo ng 1. Sa oras ng malakas na 1. Magtungo sa mga lugar na itinalaga ng mga
bahay mula sa mga bagyo, manatiling alerto. awtoridad kung hindi pa natitiyak ang
bangin, dahilig ng Maraming nasasawi kapag kaligtasan sa inyong tahanan o lugar.
bundok, at sa mga nagganap ang pagguho ng 2. Lumayo sa mga lugar na may pagguho ng lupa
lugar na likas ang lupa habang natutulog ang dahil sa peligrong kasunod pa nito.
pagguho ng lupa mga tao. 3. Maging alisto sa pagbaha na kadalasang
2. Alamin at maging 2. Makinig sa paligid. kasunod ng pagguho ng lupa.
pamilyar sa inyong Pakinggan ang mga di 4. Alamin kung may mga tao na nasaktan o naipit
lugar. Magtanong sa pangkaraniwang tunog na malapit sa pagguho. Ituro sa mga tagapagligtas
mga kinauukulan kung maaaring nagmumula sa ang kanilang lokasyon.
may posibilidad ng mga puno o nag- 5. Ipaalam sa mga kinauukulan ang iba pang
pagguho ng lupa o may uumpugang bato. peligro sa lugar.
naganap nang pagguho 3. Umalis sa daraanan ng 6. Suriin ang pundasyon ng mga gusali, bahay at
ng lupa sa inyong gumuguhong lupa. Higgit iba pang imprastraktura na maaaring nasira
komunidad. na mas mapanganib ang pagkatapos ng pagguho.
3. Kumonsulta sa mga pagguho ng lupa kung ito 7. Taniman ng puno ang lupa na maaaring
propesyunal hinggil sa ay may kaakibat na gumuho o magkaroon ng erosyon.
pagsusuri sa inyong malakas na pag-ulan. 8. Ipasuri sa mga eksperto ang mga lugar na
bahay. 4. Kung hindi posible ang maaaring ilagay sa watchlist dahil sa pagguho
4. Kung ang tirahan ay pagtakas sa pagragasa ng ng lupa upang mabawasan ang epekto nito.
nasa dahilig, mainam lupa, bumaluktot na parang
na taniman ang lupa. bola upang maprotektahan
5. Alamin ang mga ang iyong ulo.
senyales o babala ng
posibleng pagguho ng
lupa. Ilan sa mga ito ay
ang pagkakaroon ng
lamat sa mga kalsada
at sa haligi ng mga
bahay, pagkawala ng
pinto at bintana sa
linya nito at pagbabago
sa kapaligiran.

MGA DAPAT GAWIN UPANG MAKAIWAS SA EPIDEMYA

36
1. Gawin at panatilihing malinis ang kapaligiran mula sa tahanan hanggang sa buong pamayanan sa
pamamagitan ng sama-samang paglilinis ng mga lugar na pinagmumulan ng sakit tulad ng
baradong kanal, basurahan, at mga palikuran.
2. Magkaroon ng episyenteng sistema ukol sa waste management. Tangkilikin ng mga mamamayan
ang programa ukol sa waste segregation. Gawin naman ng mga awtoridad ang responsableng
sistema ukol sa pagkuha at pagtatapong ng basura.
3. Tangkilikin ang masusustansiya o wastong pagkain at iwasan ang makasasama sa katawan o
makapagpapahina ng immune system. Iwasan ang mga junk foods tulad ng chichirya at soft drinks,
lalo na sa mga bata.
4. Kung walang potable water system, pakuluang mabuti ang tubig bago inumin.
5. Pabigyan ng bakuna ang mga bata laban sa sakit, ang mga barangay clinic ay may libreng bakuna
para dito.
6. Sa isang pamayanan, ang pagkakaroon ng mas mataas sa dalawang bilang ng kaso ng mga
nakahahawang sakit ay maaaring senyales na ng pagkalat ng sakit na maaaring mauwi sa
epidemya. Ipaalam kaagad ito sa pinakamalapit na barangay at kinauukulang sangay ng
Department of Health sa inyong lugar.
7. Makatutulong na uminom ng mga bitamina na nagpapalakas ng resistensiya sa sakit.

Tandaan! Ang ilang pagsakit ng ulo ay hindi maiiwasan matapos ang sakuna o
kalamidad, subalit mas magiging ligtas ka kung susundin ang mga nabanggit
na paalala.
Gawain 2:
Panuto: Upang lubos na maunawaan ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng kalamidad, tukuyin
ang kalamidad na angkop sa bawat gawain, desisyon o paghahanda sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√) ang
kolum ng iyong sagot.

Mga Gawain, Desisyon, at Bagyo Lindol Pagputok Baha Pagguho Daluyong


Paghahanda ng ng Lupa at
Bulkan Tsunami
1. Umiwas na magtayo ng bahay
malapit sa mga bangin at dahilig ng
bundok.
2. Isagawa ang drop, cover at
hold on
3. Maging alisto sa panganib ng
Mudflow
4. Linisin ang mga alulod at mga
daanan ng tubig
5. Kung maaari ay umiwas na lumakad
sa umaagos na tubig baha dahil
maaari kang bumagsak o matangay
ng tubig.
6. Umalis sa mga lugar na malapit sa
baybayin at lumikas sa matataas na
lugar.
7. Itabi ang mga babasaging gamit sa
mga kabinet na may pansara.
8. Tanggalin sa saksakan ang mga de-
koryenteng kagamitan.
9. Pakinggn ang mga di-
pangkaraniwang tunog na maaaring
nagmumula sa mga puno o nag-
uumpugang bato.
10. Kung may mga puno na nakapligid
sa bahay, putulin ang ilan sa mga
sanga na maaaring malaglag sa
bahay.

BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong


37
1. Anong mga kalamidad at sakuna ang nararanasan sa komunidad at sa bansa?
- ang mga kalamidad at sakuna na nararanasan sa komunidad at bansa ay ang mga sumusunod:
Mga Likas na Kalamidad Mga kalamidad at sakuna na gawa ng tao:
 Bagyo  Sunog
 Lindol  Pagbaha
 Pagsabog ng bulkan  Climate Change
 Tsunami  Landslides/Pagguho ng lupa
 Storm surge o daluyong  Pagtapon ng petrolyo at nakalalasong
 El Nińo at La Nińa kemikal sa dagat
 Flashflood
 Epidemya

2. May kaugnayan ba ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad? Bakit?
Oo, dahil ang mga sakuna o kalamidad na gaya ng pagbaha, sunog, pagguho ng lupa, epidemya at climate
change ay dahil sa mga gawain ng tao sa kalikasan. Ilan sa mga nakapagpapalala sa mga kalamidad na ito
ay ang maling paggamit ng mga tao sa likas na yaman at dahil sa katigasan ng ulo at hindi pagsunod ng
mga tao sa kinauukulan sa oras ng kalamidad. Isa pang dahilan ay ang kakulangan ng kaalaman ng mga tao
tungkol sa mga maaaring gawin sa tuwing may sakuna o kalamidad na paparating.
3. Dapat bang umasa na lamang sa mga tulong na galing sa pamahalaan sa panahon ng kalamidad?
Ang paghahanda sa kalamidad ay tungkulin hindi lamang ng pamahalaan kundi pati ng bawat mamamayan.
Magkatuwang ang pamahalaan at mga mamamayan sa pagpapanatili ng buhay at kaligtasan ng komunidad.
Bilang mga responsableng mamamayan, kailangan din nating alamin ang mga dapat nating gawin bago
dumating ang kalamidad, habang nangyayari ito at pagkatapos mangyari ito.

PAGBUBUOD:
Iba’t ibang uri ng kalamidad ang nararanasan ng Pilipinas taon-taon tulad ng bagyo, baha, landslide,
lindol, at pagsabog ng bulkan.
Ang paghahanda sa kalamidad ay tungkulin hindi lamang ng pamahalaan kundi pati ng bawat
mamamayan. Magkatuwang ang pamahalaan at mga mamamayan sa pagpapanatili ng buhay at kaligtasan ng
komunidad. Bilang mga responsableng mamamayan, kailangan din nating alamin ang mga dapat nating gawin
bago dumating ang kalamidad, habang nangyayari ito at pagkatapos mangyari ito. Dapat tayong maging
handa sa lahat ng panahon dahil hindi natin malalaman ang pinakamatinding sitwasyon na maaaring
kaharapin. Sa pangkalahatan, mainam na maging laging handa ang lahat at mas pahalagahan ang buhay at
kaligtasan natin kaysa sa ari-arian.

38
MODYUL 5: DISASTER RISK MITIGATION ( MGA AHENSIYA NG
PAMAHALAAN NA TUMUTUGON SA PANAHON NG
KALAMIDAD)
Most Essential Learning Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
Competencies (MELCs) pagtugon ng mga hamomg pangkapaligiran

5 PAKSA: DISASTER RISK MITIGATION (Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Tumutugon sa


Panahon ng Kalamidad)

PANIMULA:
Taon-taon maraming kalamidad ang nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay nag-iiwan ng
malaking pinsala at epekto sa ating buhay, ari-arian at kapaligiran. Binigyang-pansin sa nakaraang modyul ang
mga paghahandang nararapat gawin sa pagharap sa mga nasabing kalamidad at sakuna na parehong dulot ng
kalikasan at ng tao. Sa araling ito, mapag-aaralan mo ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon
sa pagtugon sa mga hamong ito na siyang magiging sentro ng talakayan sa modyul na ito. Maraming mga
gawain at katanungan ang nakapaloob sa modyul na ito upang lubos mong maunawaan ang kahalagahan ng
paksang ito sa hinaharap lalong lalo na sa pakikibahagi sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
Sa pagkakataong nahihirapan kang sagutin o gawin ang mga pagtataya at nakaatas na gawain sa modyul
na ito, huwag kang mag-alinlangang magtanong sa iyong guro. Umaasa kaming sa pamamagitan ng modyul na
ito ay makararanas ka parin ng makahulugang pagkatuto sa kabila ng mga pagbabago sa paraan ng paghahatid
ng kaalaman dahil sa pandemyang ito.

MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsible sa kaligtasan ng mamamayan sa
panahon ng kalamidad
2. Natatalakay ang mga tungkulin o gawain ng mga ahensiyang ito
3. Naipaliliwanag ang mga patakaran para sa pagbabawas sa pinsala ng kalamidad.
Exploration of Prior Knowledge
Paunang Pagtataya:
Panuto: Kompletuhin ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang masukat ang iyong dating kaalaman
tungkol sa ating paksang : Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Tumutugon sa Panahon
ng Kalamidad
.
Ano ang aking Ano ang nais kong Paaano pa ako Ano ang aking mga natutunan
nalalaman matuklasan matututo

Mga kakayahang aking inaasahan sa gagamitin:

PAMPROSESONG TANONG:

Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang katanungan na may kinalaman sa paksang tatalakayin.
Inaasahang masasagot mo ang mga ito ng maayos at buong husay sa pagtatapos ng aralin sa linggong ito.
1. Ano-ano ang mga ahensiya ng pamahalaan ang nagtutulungan para sa kaligtasan ng mga mamamayan?
2. Malaki ba ang naitutulong ng mga ahensiya ng pamahalaan sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng
kalamidad? Paano?
3. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga patakarang pang-estruktura at hindi pang-estruktura para
sa pagbabawas sa pinsala ng kalamidad?

39
MAIKLING PAGSUSULIT:

Gawain 1: Panuto: LOGO QUIZ. Tukuyin ang ahensiya ng pamahalaan na kumakatawan sa mga logo na nasa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa ibaba ng bawat logo.

1. 2. 3. 4. 5.

A. Panuto: Tukuyin ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa paglilingkod sa oras ng
kalamidad. Piliin ang tiitk ng tamang sagot sa hanay B. Isulat ang sagot sa patlang.

A B
______1. Tumutugon sa banta ng rebelyon at kaguluhan. a. AFP
______2. Sumusugpo sa kriminalidad sa komunidad. b. BFP
______3. Nagpapagawa ng mga sirang kalsada at tulay. c. DOTr
______4. Nagbibigay ng abiso sa paparating na bagyo d. DPWH
______5. Nagbibigay ng babala tungkol sa lindol. e. DSWD
______6. Nagbibigay ng babala sa pagputok ng bulkan f. MMDA
______7. Sumusugpo sa sunog. g. NDRRMC
______8. Namamahagi ng relief goods h. NGCP
______9. Nag-aabiso sa pagkansela ng biyahe sa eroplano. i. PAGASA
______10. Nangunguna sa paghahanda sa paparating na j. PCG
Kalamidad k. PHIVOCS
l. PNP

PAGTATALAKAY SA ARALIN:

Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paghahanda at pagtugon sa mga


kalamidad. May kanya-kanyang tungkulin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa
pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan kaugnay ng mga kalamidad. Ang
layunin ng bahaging ito ng aralin ay upang maunawaan mo ang kahalagahan ng kahandaan,
disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. Matutukoy mo rin ng
mga ahensiya ng pamahalaan na nagtutulungan para sa kaligtasan ng mamamayan pati na ang
mga nakaatas na gawain at tungkulin ng mga ito. Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

PAGPIGIL SA PANGANIB NA DULOT NG KALAMIDAD


Ang mga gawaing nakapaloob sa Disaster Risk Mitigation ay naglalayong mapigil ang nakapipinsalang
epekto ng kalamidad. Ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga gawaing ito ay kadalasang nagmumula sa
pamahalaang pambansa. Sa Pilipinas, Itinatag ang National Disaster and Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC) bilang ahensiyang mamumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na
mararanasan ng bansa.

LAYUNIN NG DISASTER RISK MITIGATION


1. Pagpaaptupad ng mga building code at matitibay na disenyo ng impraestruktura upang makayanan ng
mga gusali at impraestruktura ang tindi ng mga kalamidad.
2. Pagpaplano ng maayos at sustainable na paggamit at pamamahala ng lupa, kabilang na ang pagbabawas
o pagpigil ng mga konstruksyon sa mga seismic fault lines, sa mga baybaying rehiyon na madalas
tamaan ng bagyo at storm surge at mga tabing-ilog na madalas bahain.
3. Pagpapakalap ng kamulatan at kaalaman tungkol sa mga kalamidad.

MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA TUMUTUGON SA PANAHON NG KALAMIDAD


40
LOGO AHENSIYA TUNGKULIN O GAWAIN
Philippine Atmospheric  Ito ay ahensiya sa ilalim ng Department of Science
Geophysical and Technology (DOST).
Astronomical Services  Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa panahon
Administration at mga babala higgil sa mga bagyo. Bahagi rin ng
(PAGASA) tungkulin nito ang pagbibigay ng impormasyon sa
publiko tungkol sa mga pagbaha at pagsubaybay sa
mga ito sa buong bansa.
National Disaster Risk  Ito ay namamahala sa pagsasagawa ng prevention at
Reduction Management risk reduction para sa mga sakuna at kalamidad na
Council maaaring tumama sa bansa. Tungkulin nito na
(NDRRMC) magbigay ng ulat sa kahandaang isinagawa at
epektong hatid ng mga kalamidad.
 Nagbibigay ng balita sa kondisyon at lagay ng mga
Metropolitan Manila lansangan sa Metro Manila. Saklaw rin nito na
Development Authority makontrol ang pagbaha sa nabanggit na rehiyon.
(MMDA)

 Ito ay namamahala sa pagbibigay ng serbisyong


Department of Social panlipunan sa mga Pilipino. Nangunguna ito sa mga
Welfare and relief operations sa panahon ng kalamidad at
Development sakuna.
(DSWD)

 Ito ay nasa ilalim ng DOST.


Philippine Institute of  Tungkulin nito na magsagawa ng mitigasyon sa
Volcanology and mga sakuna na sanhi ng pagputok ng bulkan, lindol,
Seismology tsunami at iba pang mga pangyayaring may
(PHIVOCS) kaugnayan sa heolohiya at plate tectonics.

 Namamahala sa pampublikong transportasyon sa


Department of buong bansa.
Transportation  Nagbibigay ito ng ulat sa kalagayan ng sistema ng
(DOTr) transportasyon sa bansa.

 Ahensiya sa ilalim ng DOTr.


 Ito ay ngpapatupad ng seguridad at kaligtasan sa
Philippine Coast Guard dagat kabilang na ang search and rescue operation.
(PCG)  Nagbibigay din ito ng travel advisory at update sa
operasyon ng mga seaport.

 Ito ay namamahala sa paghahatid ng elektrisidad sa


National Grid bansa.
Corporation of the  Nagbibigay ito ng mga advisory sa suplay ng
Philippines koryente.
(NGCP)

 Ito ang nagpapatupad ng mga pambansang patakaran


na may kaugnayan sa pagsugpo at pag-iwas sa
Bureau of Fire sunog.
Protection
(BFP)

41
 Binubuo ng sibilyan at armadong hukbo ng
kapulisan.
 Ito ay pinamamahalaan ng National Police
Commission at bahagi ng Department of Interior and
Philippine National
Local Government.
Police
 Ito ang nangangalaga sa kapayapaan, kaligtasan at
(PNP)
nagbibigay proteksiyon sa mga mamamayang
Pilipino
 Ito rin ang sumusugpo sa kriminalidad sa mga
komunidad.
 Ito ay binubuo ng Philippine Army, Philippine Navy,
Philippine Air Force at Philippine Marine Corps.
 Ang mga ito ay tumutugon sa banta ng rebelyon at
Armed Forces of the
kaguluhan
Philippines
 Tulad ng PNP pinapangalagaan nila ang kapayapaan
(AFP)
at kaligtasan.
 Tumutulong din ang AFP sa mga lokal na
pamahalaansa oras ng mga sakuna at kalamidad.
 Ito ang nangangasiwa sa pagpapagawa ng mga
proyekto para sa kaligtasan at mgas pampublikong
Department of Public imprastraktura gaya ng kalsada at sistema ng
Works and Highways irigasyon.
(DPWH)

MGA PARAAN PARA SA PAGBABAWAS SA PINSALA NG KALAMIDAD

Patakarang Pang-estruktura Patakarang Hindi Pang-estruktura


 Tradisyunal na paraan  Hindi nakatuon sa pagdisenyo at pagpapatayo ng mga estruktura sa
upang maibsan ang halip sa pagbabawas ng pinsala ng mga kalamidad ay isinasakatuparan
pinsalang dulot ng mga sa pamamagitan ng mga gawaing tulad ng:
kalamidad  maayos na paggamit at pamamahala ng mga lupain
 pagpapatupad ng mga ordinansa sa zoning at mga building code
 Ang tuon nito ay ang  pagtuturo at pagsasanay sa publiko
paggamit ng mahusay at  pagtatanim ng mga punongkahoy sa mga kabundukan at maging sa
maayos na gawaing pang- mga baybaying dagat.
inhinyero (transportasyon,  Isinasagawa hindi lamang ng pamahalaan ngunit maging ng mga
elektrisidad na kakayanin pribadong korporasyon at mga NGOs (Non-government
ang mga lindol at bagyo, Organizations)
pagbabaon sa mga  Makatutulong ang mga gawaing ito sa mahihirap na bansa tulad ng
transmission line, pagtatayo Pilipinas sapagkat mas mababang pondo ang kinakailangan upang
ng mga dam at dike, maisagawa ang mga ito.
pagtatayo ng floodway at
spillway, pagpapaluwag sa Zoning-pagtukoy sa mga lugar na mapanganib at ligtas puntahan
mga daluyan ng tubig at
dredging ng mga ilog)

Matapos mong basahin ang nilalaman ng modyul ay masusuri mo ang kahalagahan ng papel na
ginagampanan ng pamahalaan sa pagtugon sa panganib dulot ng mga kalamidad. Upang mas maging
pamilyar ka pa sa mga ito, isagawa ang gawain sa ibaba.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat sa nakalaang espasyo ang mga dapat gawin
sa bawat sitwasyon at tukuyin kung anong ahensiya ng pamahalaan ang makakatulong sa iyo
sa naturang sitwasyon.

1. Malakas ang buhos ng ulan sa buong magdamag. Patuloy na tumataas ang antas ng tubig baha sa
mga kanal at kalsada na malapit sa inyong tahanan.
42
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Malakas ang ihip ng hangin. Lalo pang ikinakalat ng hangin ang apoy na nagmumula sa nasusunog
na bahay sa kabilang kalsada. Isa-isa nang lumilikas ang mga tao sa mga tahanan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Nabalitaan mo sa kapitbahay na tatama bukas sa inyong lugar ang super typhoon, ngunit ang iyong
mga magulang ay nasa ibang bansa pa at sa susunod na linggo pa ang balik, kaya’t gusto mong
masigurado kung totoong may paparating na bagyo.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong


1. Ano-ano ang mga ahensiya ng pamahalaan ang nagtutulungan para sa kaligtasan ng mga mamamayan?
 National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)
 Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA)
 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
 Department of Social Welfare and Development (DSWD)
 Philippine Institute of Volcanology and Seimology (PHIVOLCS)
 Department of Transportation (DOTr)
 Philippine Coast Guard (PCG)
 National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
 Bureau of Fire Protection (BFP)
 Philippine National Police (PNP)
 Armed Forces of the Philippines (AFP)
 Department of Public Works and Highways (DPWH)

2. Malaki ba ang naitutulong ng mga ahensiya ng pamahalaan sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng


kalamidad? Paano?
- Oo, sa pamamagitan ng pagpaplano para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa oras ng kalamidad na
isinasagawa ng pamahalaan sa lokal at pambansang antas. Ang mga ito ay may koordinasyon upang
mabawasan ang epekto ng mga sakuna at kalamidad. Kabilang sa mga paglilingkod na ginagawa ng
mga ito ay ang pagsagip, relokasyon, pamamahagi ng tubig inumin at gamot, pangangalaga sa
kalusugan, pagsasaayos sa mga nasirang imprastraktura at pagbibigay ng pansamantalang tirahan.

3. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga patakarang pang-estruktura at hindi pang-estruktura para
sa pagbabawas sa pinsala ng kalamidad?
Ang Patakarang Pang-estruktura ay nakatuon sa paggamit ng mahusay at maayos na gawaing pang-
inhinyero samantalang ang Patakarang Hindi Pang-estruktura ay hindi nakatuon sa pagdisenyo at
pagpapatayo ng mga estruktura sa halip sa pagbabawas ng pinsala ng mga kalamidad. Parehas silang
ginagamit na paraan sa pagbabawas ng pinsala ng mga kalamidad.

PAGBUBUOD
Hindi maiiwasan ang mga likas na kalamidad. Subalit maaaring mabawasan ang bilang ng
masasaktan at buhay na masasawi sa pamamagitan ng43epektibong pagpaplano, paghahanda,
kooperasyon at disiplina sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan. Mayroon ng mga
ahensiya ng pamahalaan na tumutugon kapag may iba’t ibang kalamidad sa bansa na
pinangungunahan ng National Disasters Risk Reduction Management Council. Ang mga ito ay
may koordinasyon upang mabawasan ang epekto ng mga sakuna at kalamidad. Kabilang sa mga
MODYUL 6: DISASTER RISK MITIGATION (Kahalagahan Ng Kahandaan,
Disiplina At Kooperasyon Sa Pagtugon Ng Mga Hamong
44
Pangkapaligiran)
Most Essential Learning Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon
Competencies (MELCs) ng mga hamomg pangkapaligiran

6 PAKSA: DISASTER RISK MITIGATION (Kahalagahan Ng Kahandaan, Disiplina at


Kooperasyon Sa Pagtugon Ng Mga Hamong Pangkapaligiran)

PANIMULA:
Taon-taon maraming kalamidad ang nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay nag-iiwan ng
malaking pinsala at epekto sa ating buhay, ari-arian at kapaligiran. Binigyang-pansin sa nakaraang modyul ang
mga ahensiya ng pamahalaan na handang tumulong sa mga mamaayan sa panahon ng kalamidad. Sa araling ito,
mapag-aaralan mo ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong ito na
siyang magiging sentro ng talakayan sa modyul na ito. Maraming mga gawain at katanungan ang nakapaloob sa
modyul na ito upang lubos mong maunawaan ang kahalagahan ng paksang ito sa hinaharap lalong-lalo na sa
pakikibahagi sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
Sa pagkakataong nahihirapan kang sagutin o gawin ang mga pagtataya at nakaatas na gawain sa modyul
na ito, huwag kang mag-alinlangang magtanong sa iyong guro. Umaasa kaming sa pamamagitan ng modyul na
ito ay makararanas ka parin ng makahulugang pagkatuto sa kabila ng mga pagbabago sa paraan ng paghahatid
ng kaalaman dahil sa pandemyang COVID-19 na nararanasan natin hindi lamang ng bansa kundi sa buong
mundo.

MGA LAYUNIN:
1. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at pagkakaroon ng
kooperasyon sa pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran.
2. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa
mga hamong pangkapaligiran.
3. Naisasagawa ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga
hamong pangkapaligiran.

Exploration of Prior Knowledge


Paunang Pagtataya:
Panuto: Kompletuhin ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang masukat ang iyong dating
kaalaman tungkol sa ating paksang: Kahalagahan Ng Kahandaan,
Disiplina at Kooperasyon Sa Pagtugon Ng Mga Hamong Pangkapaligiran
.
Ano ang aking Ano ang nais Paaano pa ako Ano ang aking mga natutunan
nalalaman kong matututo
matuklasan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

PAMPROSESONG TANONG:

45
Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang katanungan na may kinalaman sa paksang tatalakayin.
Inaasahang masasagot mo ang mga ito ng maayos at buong husay sa pagtatapos ng aralin sa linggong ito.
1. Bakit mahalaga ang disiplina sa panahon ng kalamidad?
2. Bakit kailangan ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan, lalo na sa panahon ng
kalamidad?
3. Sa trahedya ng “Bagyong Yolanda”, naipakita ba ang kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at
pamahalaan? Bakit?

MAIKLING PAGSUSUSLIT:

Gawain 1: Bago ipagpatuloy ang pag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at
kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran, sagutin/isagawa ang gawain sa ibaba.
Panuto: Suriin at pag-aralan ang nakasaad sa larawan sa ibaba. Sagutan ang mga katanungan tungkol dito.

SOURCE: https://amiananbalitangayon.com/
1. Tungkol saan ang larawan sa itaas?
2. Ano ang nais nitong ipabatid na mensahe?
3. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng nakasulat na “kahandaan sa sakuna’t peligro para sa tunay na
pagbabago”.

Sagot:

PAGTATALAKAY SA ARALIN:
Taon-taon, maraming kalamidad ang nararanasan ng mga tao sa Pilipinas, kung kaya’t
napakahalagang ikaw ay laging handa sa pagharap sa mga hamong ito. Sa mga naunang paksa,
natalakay na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa panig ng mga mamamayan
upang maiwasan ang ilang kalamidad o mabawasan man lang ang pinsalang dulot ng mga ito.
Sa modyul na ito, ay lubos mo pang mauunawaan ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina, at
kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Ang mga kaalaman na iyong
matutuhan ay maaari mong magamit sa hinaharap at ikaw mismo ay maaaring maging
kabahagi sa pagtugon sa mga hamong ito.

KAHALAGAHAN NG KAHANDAAN, DISIPLINA AT KOOPERASYON SA PAGTUGON SA MGA


HAMONG PANGKAPALIGIRAN

Ayon sa Philippine National Red Cross (2016) nagmungkahing magkaroon ng Lifetime Kit bago pa may
dumating na kalamidad gaya ng pagbaha. Ito ay dapat na praktikal at kayang dalhin sa paglikas. Kailangang
mayroon nito ang bawat miyembro ng pamilya. Gawin ito kasama ang buong pamilya upang matuto ang
mga bata na maghanda ng kanilang mga kit, sa pamamagitan nito, sila’y laging handa sa pagdating ng baha.

46
Nagmungkahi naman ang Department of Energy (2016), na sa tuwing panahon ng kalamidad tulad ng baha,
kailangang maging maingat at disiplinado sa paggamit ng koryente upang maiwasan ang disgrasya.

Binigyang katuparan ng National Disaster Risk Reduction ang Management Plan(NDRRMP) ang nilagdaan
ng R.A. No. 10121 of 2010, kung saan nagbibigay ng legal na batayan sa mga patakaran, plano at programa
upang makahanda sa sakunang dulot ng baha. Ang NDRRMP na nakapalooban ng 4 na thematic na lugar,
ito ay ang: (1) Disaster Prevention and Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3) Disaster Response; (4)
Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa pamamagitan nito, matitiyak ang physical framework, social,
economic, environmental plans sa komunidad, lungsod, munisipalidad at mga probinsiyang sasang-ayon sa
plano.
Ang layunin naman ng DRRM na nakapaloob sa mga emergency services at public assistance na sa panahon
ng sakuna tulad ng pagbaha ay magkaroon ng agarang responde upang may makapagligtas ng mga buhay,
mabawasan ang mga epekto nito sa kasalukuyan at upang matiyak ang public safety at matugunan ang mga
basic substance na kailangan ng mga residenteng apektado ng pagbaha. Ang pagresponde sa mga sakuna ay
nakatutok sa agaran at short term o pangangailangan na tinatawag na disaster relief.
Ayon naman kay Eric (2014), sa kanyang lathalang OCD – Caraga Intensities Disaster Preparedness
Training, kinakamit ang pagiging handa sa buong tag-araw upang mapadali ang abilidad ng rehiyon sa
pagharap sa posibleng kalamidad bago pa man magsimula ang tag-ulan. Dahil sa pangyayaring pagbaha sa
Butuan City, napagtanto ng mga tao na mayroon pa ring dapat gawin sa mga tuntunin sa paghahanda
patungkol sa pagbaha. May mga pag-aaral na isinagawa ang Environmental Governance and Disaster
Preparedness Flooding Resiliency of Caraga Region ayon kay Pantaleon (2006) upang malaman ang
katayuan ng resiliency ng Caraga Region laban sa pagbaha, at pagtasa sa apat na kadahilanan ng
Environmental Governance. Ang mga ito ay:
1. Forest Ecosystem Management
2. Fresh Water Ecosystem Management
3. Coastal Water Ecosystem Management
4. Urban Ecosystem Management

ANG DISIPLINA AT KOOPERASYON NG MGA MAMAMAYAN AT PAMAHALAAN SA PANAHON


NG KALAMIDAD
Iniisa-isa na ang mga panganib o kalamidad na man-made o bunga ng kapabayaan o kawalan ng
disiplina ng mga tao. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang polusyon, oil spill, at deporestasyon. May
bahagi rin ang kawalan ng displina ng tao sa pagkakaroon ng baha, epidemya, landslide, flashflood at
climate change o global warming. Samakatuwid, kung magiging disiplinado at responsible lamang ang
mga tao, maiiwasan sana ang maraming uri ng kalamidado ang mga pinsalang posibleng maidulot ng mga
ito.
Bukod sa disiplina ng mga mamamayan, napakahalaga rin ng kooperasyon sa pagitan ng
pamahalaan at mga tao sa pagharap o pagtugon sa mga kalamidad. Upang ito ay mapatunayan, maaaring
ibigay na halimbawa ang ilang kaganapan nang magkaroon ng napakalakas na bagyo (super typhoon)
BagyongYolanda (Haiyan), noong Nobyembre 8, 2013 na tumaam sa mga lalawigan sa Visayas at
nakapinsala ng malaki lalo na sa Tacloban City.

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar. Hindi bababa sa 6,300 na tao
ang tinatayang namatay sa bansa at ang karamihan doon ay mula sasiyudad ng Tacloban at mga karatig-
pook. Ang isa sa mga itinuturong dahilan sa pagkamatay
47 ng maraming tao ay ang kawalan ng sapat na
koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Ang koseptong storm
surge halimbawa na siyang naging sanhi ng kamatayan ng marami, ay sinasabing hindi naipaliwanag ng
maayos sa mga mamamayan. Inakala ng marami na ito ay simpleng storm lamang. Dahil umano ay sanay
BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong
1. Bakit mahalaga ang disiplina sa panahon ng kalamidad?
- Mahalaga ang disiplina sa panahon ng kalamidad dahil kung magiging disiplinado lamang ang mga
tao, maiiwasan sana ang maraming uri ng kalamidad ang mga pinsalang posibleng maidulot ng mga
ito.
2. Bakit kailangan ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan, lalo na sa panahon ng
kalamidad?
- Mahalaga ang kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan, lalo na sa panahon ng
kalamidad dahil ito ang siyang susi ng ating kaligtasan laban sa mga sakunang sanhi ng likas na
kalamidad. Ang magandang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan at ang
tiwalang ibibigay ng mga mamamayan sa pamahalaan ang siyang magiging dahilan ng
pagsasakatuparan ng maayos at epektibong papaplano sa mga hakbang na dapat isagawa sa pagtugon
sa mga hamong dulot ng kalamidad at sakuna.
3. Sa trahedya ng “Bagyong Yolanda”, naipakita ba ang kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at
pamahalaan? Bakit?
- Hindi, ang isa sa mga itinuturong dahilan sa pagkamatay ng maraming tao ay ang kawalan ng sapat
na koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Ang koseptong
storm surge halimbawa na siyang naging sanhi ng kamatayan ng marami, ay sinasabing hindi
naipaliwanag ng maayos sa mga mamamayan dahil kung nagtiwala at nagpasakop lang sana ang
mga taga Tacloban sa mga kinauukulan ay maaaring naiwasan ang kalunos lunos na trahedyang ito.
Maituturing ding dahilan ng pagpanaw ng maraming bilang ng tao ang hindi pagsunod ng maraming
mamamayan sa bilin ng mga ahensiya ng gobyerno na sila ay lumikas sa mas ligtas na lugar.
PAGBUBUOD:
Dahil sa heograpikal na kinalalagyan ng ating bansa at mga epekto ng gawain at
desisyon ng tao kaya ito nakararanas ng iba’t ibang uri ng kalamidad. Hindi natin ito maiiwasan
ngunit maaari natin itong pigilan o kahit mabawasan man lang ang mga dulot nitong pinsala sa
ating kapaligiran, kabuhayan at lipunan. Ang pagkakaroon ng kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang siyang susi ng ating
kaligtasan laban sa mga sakunang sanhi ng likas na kalamidad. Ang ilan sa mga kalamidad na
sumubok sa ating katatagan bilang mga Pilipino ay ang Bagyong Yolanda noong 2013.
Maraming tao ang nagbuwis ng kanilang mga buhay dahil sa kakulangan ng kahandaan at
kawalan ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Kung nagpasakop
at nagtiwala lang sana ang mga mamamayan ng lungsod ng Tacloban sa mga kinauukulan
katulad ng ginawa ng mga taga Camotes Island ay maaaring nabawasan ang epekto ng pinsala
ng bagyo kundi man sa ari-arian at kabuhayan ay maaaring sa bilang ng mga taong nagbuwis ng
buhay.

Summary Chart:
Panuto: Suriin ang katanungan pagkatapos ay punan ng sagot ang summary chart
48
Sa panahon ng kalamidad, paano mo maipapakita ang kahandaan, disiplina, at
kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran?

KAHANDAAN DISIPLINA KOOPERASYON

Batay sa aking mga natutunan, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at


hamong pangkapaligiran ay dapat na __________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

MODYUL 7: KONSEPTO NG COMMUNITY-BASED DISASTER RISK


MANAGEMENT PLAN
Most Essential Learning Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRMM Plan
Competencies (MELCs)

7 49
PAKSA: KONSEPTO NG COMMUNITY-BASED DISASTER
RISK MANAGEMENT PLAN

PANIMULA:
Sa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad ay mahalagang alam ng mga namamahala ang nararapat gawin
upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa panahon na nagaganap ang kalamidad. Sa kasalukuyan,
isinusulong ang Community Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Approach sa pagbuo ng
mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ang modyul na ito ay ginawa
upang matulungan at magabayan kang magkaroon ng malawak na kaalaman sa iba’t ibang hakbang sa pagbuo
ng CBDRRM Plan at magkaroon ka ng kakayahan na bumuo ng epektibong CBDRRM Plan ng iyong
komunidad na kinabibilangan.
Matatalakay sa modyul na ito ang tungkol sa CBDRRM at mga kaugnay na konsepto nito at ang
dalawang approaches o paraan sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran. Kasama ng mga paksang ito ay ang
mga katanungan at gawain na maaaring makatulong upang lalo mo pang mapalalim ang iyong kaalaman
tungkol sa mga hakbang o plano na dapat gawin sa panahon ng kalamidad at upang hikayatin ka bilang isang
mag-aaral at bahagi ng pamayanan na maging aktibong kalahok sa pagsasagawa ng mga ito.

MGA LAYUNIN:
1. Natatalakay ang konsepto ng Community-Based Disaster Risk Management Plan at mga kaugnay
na konsepto nito
2. Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa suliraning
Pangkapaligiran
3. Napaghahambing ang top-down approach at bottom-up approach
4. Nauunawaan ang kahalagahan ng CBDRRM Approach sa pagharap sa mga suliranin at mga hamong
pangkapaligiran.

Exploration of Prior Knowledge


Paunang Pagtataya:
Panuto: Panuto: Kompletuhin ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang masukat ang iyong dating kaalaman
tungkol sa Mga Konsepto Ng Community-Based Disaster Risk Management Plan.
Ano ang aking Ano ang nais kong Paaano pa ako Ano ang aking mga natutunan
nalalaman matuklasan matututo

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

PAMPROSESONG TANONG:

Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang katanungan na maaari mong maging gabay sa paksang
tatalakayin. Inaasahang masasagot mo ang mga ito ng maayos at buong husay sa pagtatapos ng aralin sa
linggong ito.
1. Ano ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach
2. Ano ang kahalagahan nito sa pagharap sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran?
3. Paano tumutugon ang top-down at bottom-up approach sa mga epekto ng sakuna at kalamidad?
4. Ano ang kaugnayan ng dalawang approach na ito sa CBDRRM?

MAIKLING PAGSUSULIT:

50
Picture Analysis
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan sa itaas. Sagutan ang mga katanungan tungkol dito.
1. Ano ang mga pangyayaring ipinapakita ng mga larawan?
2. Ano ang mga posibleng epekto nito sa sa buhay ng tao?
3. Kung nangyari ito sa inyong komunidad, may plano o hakbang ka bang nakahanda upang matugunan
ang mga hamong pangkapaligiran na ito?
4. Dapat bang i-asa na lang sa pamahalaan ang mga ganitong pangyayari?

PAGTATALAKAY SA ARALIN

Sa bahaging ito ng aralin, maiintindihan mo ang bahaging ginagampanan ng disaster management


upang mabawasan ang mga pinsalang maaaring mangyari sa panahon ng kalamidad o anumang panganib
na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang
kinapapaplooban ng disaster management, kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang makabangon
at maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Sa pagkakataong ito iyong unawain ang mga mahahalagang termino o konsepto na makakatulong sa
iyo upang higit mong maintindihan ang kahalagahan ng disaster management. Sa pag-aaral nito,
mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o konsepto. Sa bahagi ring ito ng
modyul, iyong pagtuonan ng pansin ang dalawang approach na kung saan makikita mo kung papaano
tumutugon sa mga epekto ng mga sakuna at kalamidad. Malalaman mo rin ang kaugnayan ng dalawang
approach na ito sa CBDRRM.

MGA TERMINO AT KONSEPTO

DEPENISYON/KAHULUGAN

51
Disaster Management  Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa
pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy, ng mga kasapi,
pamumuno at pagkontrol.
 Binigyan diin din nina Ondiz at Rodito (2009) na ang disaster
management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na binuo upang
mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad at hazard
 At ayon naman sa Red Cross Disaster Management Manual, ito ay isang
ahensiya na may administratibong desisyon at gawain patungkol sa bawat
yugto ng isang sakuna.
 Ito ay paglikha ng plano na may layuning mabawasan ang kahinaan ng mga
kominidad sa mga sakuna at malagpasan ang mga kalamidad
 Saklaw nito ang pagbuo ng mga recovery plan at mga hakbang upang
mabawasan ang mga pinsala at mga dapat gawin sa oras ng sakuna at
kalamidad.

Disaster Risk  Ito ay kombinasyon ng posibilidad ng isang kalamidad o sakuna at ang mga
epektong hatid nito.
Disaster Risk  tumutukoy sa sistematikong pamamahala ng mga pagpapasiya, kasanayan,
Management at kakayahan na maipatupad ang mga patakaran, estratehiya, at
pakikiangkop sa kakayahan ng lipunan at mga komunidad upang
mabawasan ang mga likas na kalamidad.
Disaster Risk Reduction  ito ay isang konsepto na naglalayong mabawasan ang mga hatid na
panganib ng mga kalamidad o sakuna.
 Nabuo ito upang matugunan ang mga hamon na hatid ng mga likas na
kalamidad.
 Hangarin nito na mapabuti ang paghahanda ng mga tao sa mga sakuna at
makapaghatid ng maaagang babala.
 Dapat maging bahagi ito ng bawat lipunan at pamahalaan.

Ang National Disaster Risk Reduction Management Framework (NDRRMF)


Ang ahensyang ito ay may malaking papel na ginagampanan para maiwasan ang pinsalang dulot ng
kalamidad
 Ang pagiging handa ng bansa at mga komunidadsa panahon ng mga kalamidad at hazard.
 Isinusulong ang kaisipan na ang lahat ay may tungkulin sa paglutas ng mga suliranin at hamong
pangkapaligiran, pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan at higit sa lahat ng mga
mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad sa paggawa ng Disaster Management Plan
 Isinusulong ang Community-Based Disaster Management Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya
at pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran

Hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapaplooban ng disaster management,
kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang makabangon at maibalik ang normal na daloy ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang
pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o konsepto

TERMINO/KONSEPTO KAHULUGAN
 Banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng tao na maaaring sanhi ng
pinsala, buhay, ari-arian at kalikasan.
 May dalawang uri ng hazard, ito ay:
Hazard 1. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay mga
hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
Hal. Basura na itinatapon kung saan-saan at maitim na usok na
ibinubuga ng mga pabrika at sasakyan.
2. Natural Hazard – ito naman ay mga hazard na dulot ng kalikasan
Hal. Lindol, tsunami, landslide at storm surge
 Mga pangyayari na nagdudulot ng pinsala sa tao, kapaligiran, at mga
Disaster gawaing pang-ekonomiya
 Ito ay maaaring resulta ng hazard, vulnerability o kahinaan at kawalan
ng kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard.
52
 Kahinaan ng tao, lugar, at imprastruktura na may posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Ang mga kalagayang heograpikal at antas
Vulnerability ng kabuhayan ang kadalasang nakaiimpluwensiya sa kahinaang ito.
 Halimbawa: mas vulnerable ang mga taong nakatira sa paanan ng
bundok at mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales
 Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng isang kalamidad o
sakuna
Risk  Ang mababang kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang panganib
na dulot ng kalamidad ay nagiging dahilan ng mas mataas na pinsala.
 May dalawang uri ito , ang human risk at structural risk
 Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto ng kalamidad
 Ang pagiging resilient ay maaaring makita sa mga mamamayan,
halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga mamaamyan tungkol
Resilience sa hazard ay isang paraan upang sila ay maging ligtas sa panahon ng
kalamidad
 Maaari ring estruktural na kung saan isinasaayos ang mga tahanan,
gusali, o tulay upang maging matibay bago pa dumating ang isang
kalamidad.

KAUGNAYAN NG PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT


FRAMEWORK AT ANG COMMUNITY BASED DISASTER RISK AND MANAGEMENT
APPROACH
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ay may dalawang pangunahing layunin:
1. Ang suliranin na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat paghandaan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad.
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang maiwasan at mapababa ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad.
Ito ang naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
(PDRRMF). Nakatuon ito sa paghahanda sa bansa at sa komunidad sa panahon ng kalamidad o anumang
panganib upang mapababa at maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian.
Itinataguyod ng PDRRM Framework ang mga sum usunod:
 Ang paglutas sa mga hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan
 Nagmumula sa pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan,
mangangalakal, non-governmental organizations (NGOs), pribadong sektor kasama na ang mga
mamamayang naninirahan sa isang komunidad ang pagbuo ng disaster management plan.
 Ang pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran ng Community -
Based Disaster Risk Reduction Management Approach ang itinataguyod ng National Disaster Risk
and Reduction Management Council (NDRMMC) sa kasalukuyan.

Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach (CBDRM)


Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang
paraan upang ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, susuri, tutugon, susubaybay at tataya sa mga
risk na maaari nilang maranasan lalo na ang mga pamayanan na may banta ng hazard at kalamidad.
Binibigyang-diin ang bahaging dapat gampanan ng mga mamamayan sa pagpaplano, pagdedesisyon, at
pagsasakatuparan ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk management.
Napakahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan dahil sila ang may posibilidad na
makaranas ng mga epekto ng kalamidad at sakuna.
Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk Management
Approach ay isang proseso ng paghahanda na nakatuon sa kapakanan ng tao.
Ang mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng
hazard at kalamidad sa kanilang lugar.
Bahagi nito ang pagsusuri sa mga nagpapalubha sa mga epekto ng hazard at kalamidad tulad ng
estrukturang panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya.

Sa mga kahulugan na nabanggit, ang tagumpay ng CBDRM Approach ay nakasalalay sa pakikilahok ng


lahat para sa matagumpay na pagsasakatuparan ng mga patakaran. Halimbawa na lang ang mga isyu at hamong
panlipunan, ang kabiguan nito ay maaaring dulot ng mga institusyon na hindi gumagawa ng kanilang mga
53
tungkulin. Ito ay maaaring magpalubha sa epekto nito sa isang lugar. Kung kaya’t hinihikayat ang lahat na
makilahok para sa kaligtasan ng mga tao sa isang pamayanan. Pinagtibay ito ng isang ulat ng WHO (1989)
tungkol sa CBDRM Approach. Binigyang-diin dito na mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng
isang lugar upang:
 Mabawasan o mapababa ang epekto ng hazard at kalamidad
 Magkaroon ng mas maayos na plano na tutugon sa panahon ng kalamidad upang mailigtas ang mas
maraming buhay at ari-arian sa halip na umasa lang sa tulong galing sa pambansang pamahalaan
 Mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin na dulot ng kalamidad dahil sa mas
organisadong plano na gawa ng lahat ng sektor ng pamayanan.

KAHALAGAHAN NG CBDRM APPROACH


Bakit kailangan ang CBDRM Approach? Ano ang bahaging ginagampanan ng CBDRM Approach sa pagharap
sa mga hazard at kalamidad? Ang CBDRM Approach ay may dalawang layunin:
1. Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiranna
naksalalay sa mabuting pagpaplano, pagtataya at paghahandang nakapaloob sa disaster management
plan. Maging disaster resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based
Disaster and Risk Management
2. Maging disaster resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based
Disaster and Risk Management Approach.

Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ang aktibong partisipasyon


ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo
ng DRRM Plan

Makatutulong ang CBDRM sa paglutas ng mga suliranin at hamong


pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang partisipasyon ng lipunan at
pamahalaan.

Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction Management Framework (NDRRMF) at ang
Community-Based Disaster and Risk Management Approach (CBDRMA) dahil kabilang dito
ang paghihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa paggamit ng lokal na
kaalaman sa pagbuo ng DRRM Plan. Pinakamahalagang layunin nito ay ang pagbuo ng Disaster-
Resilient na mga pamayanan.

Dalawang Approaches sa Pagtugon ng sa mga Hamong Pangkapaligiran

54
Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor
ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang
Bottom-Up pamayanan
Approach
Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa
kamay ng mga mamamayang nainirahan sa
pamayanan
CBDRM
Approaches Tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng
gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay iniaasa sa mas nakatataas na
tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
Top-Down
Approach
Tinatawag din itong teoryang Inside Out o
Conceptually-driven dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa
patungo sa teksto.

Approach Katangaian
Hindi natutugunan ng Top-Down approach ang mga pangangailangan ng
pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na
makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad
Limitado ang pagbuo ng disaster management plan dahil tanging ang pananaw ng
mga namumuno ang nabibigyang pansin
Top-Down Approach May mga pagkakataon na hindi nagkakasundo ang pambansang pamahalaan at
lokal na pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o
pagkatapos ng kalamidad kung kayat naging mabagal ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga mamamayan
Bottom-Up Approach Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng
kanilang komunidad
Bagamat mahalaga ang tungkulin ng pamahalaang lokal, pribadong sektor at mga
NGOs, nananatiling pangunahing kailangan para sa development ang pamumuno
ng lokal na pamayanan
Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para sa matagumpay na Bottom-
Up Strategy
Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay ang
pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
Ang iba’t ibang grupo sa pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa
mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar
Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang
nainirahan sa pamayanan; Ang responsableng paggamit ng mga tulong pinansyal
ay kailangan.

Sa pagpaplano ng Disaster Management plan, alin sa dalawang approach ang mas magandang gamitin?
Ang kalakasan ng dalawang approach ay napakahalaga sa pagplano ng disaster risk management. Ang
mga pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan ay dapat isaalang-alang dahil sa kanilang kaalaman sa mga
sistemang ipinatutupad ng disaster management. Magkakaroon ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard
sa isang pamayanan kung magsasanib ang dalawang approach. Mainam din na isaalang-alang ang pananaw at
karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management.

55
Gawain 2: Top- down at Bottom-Up Approaches
Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa dalawang approaches na ito, tukuyin ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang approaches na ito gamit ang Venn Diagram sa ibaba.

BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong


1. Ano ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach?
Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang
paraan upang ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, susuri, tutugon, susubaybay at tataya sa mga
risk na maaari nilang maranasan lalo na ang mga pamayanan na may banta ng hazard at kalamidad.
Binibigyang-diin ang bahaging dapat gampanan ng mga mamamayan sa pagpaplano, pagdedesisyon, at
pagsasakatuparan ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk management.
Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk Management
Approach ay isang proseso ng paghahanda na nakatuon sa kapakanan ng tao.
Ang mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng
hazard at kalamidad sa kanilang lugar.
Bahagi nito ang pagsusuri sa mga nagpapalubha sa mga epekto ng hazard at kalamidad tulad ng
estrukturang panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya

2. Ano ang kahalagahan nito sa pagharap sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran?


Ang CBDRRM Approach ay mahalaga sa pagharap sa mga hamong at suliraning pangkapaligiran dahil
layunin nitong:
-Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiranna
naksalalay sa mabuting pagpaplano, pagtataya at paghahandang nakapaloob sa disaster management
plan. Maging disaster resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based
Disaster and Risk Management
-Maging disaster resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based Disaster
and Risk Management Approach.
3. Paano tumutugon ang top-down at bottom-up approach sa mga epekto ng sakuna at kalamidad?
- Ang Bottom-up Approach ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang
mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na
nararanasan sa kanilang pamayanan. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga
mamamayang nainirahan sa pamayanan
- Ang Top-down Approach ay hindi natutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at
napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang
epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo ng disaster management plan dahil tanging ang pananaw
ng mga namumuno ang nabibigyang pansin. May mga pagkakataon na hindi nagkakasundo ang
pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon
o pagkatapos ng kalamidad kung kayat naging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan

4. Ano ang kaugnayan ng dalawang approach na ito sa CBDRRM?


- Ang kalakasan ng dalawang approach ay napakahalaga sa pagplano ng disaster risk management.
Ang mga pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan ay dapat isaalang-alang dahil sa kanilang
kaalaman sa mga sistemang ipinatutupad ng disaster management. Magkakaroon ng holistic na
pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang pamayanan kung magsasanib ang dalawang approach.

56
Mainam din na isaalang-alang ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster
risk management.

PAGBUBUOD:
Ang Disaster Management ay hindi lamang tumutugon pagkatapos ng kalamidad, bagkus
gumagawa din ng mga hakbang upang muling makabangon at manumbalik sa dating
pamumuhay ang mga tao sa isang komunidad.Ang mga ahensiya ng pamahalaan katulad ng
NDRRMF, PDRRMF at CBDRM ay may malaking papel na ginagampanan para maiwasan ang
mga pinsalang dulot ng kalamidad ngunit ang tagumpay ng mga ahensiyang ito sa pagpapatupad
ng mga plano o patakaran para sa kaligtasan ng mga mamamayan ay nakasalalay sa pakikilahok
ng lahat. Kaya dapat maging aktibo, makilahok, at gampanan kung ano ang nararaapat. Sa
pagtalakay ng katangian ng dalawang approach: Top-down at Bottom-up approach ay
nagpapakita kung paano tumutugon ang mga ito sa mga epekto ng sakuna at kalamidad, kung
saan ang tagumpay ng Bottom-up approach ay natatamo dahil sa maalwakang partisipasyon ng
mga mamamayan sa komprehensibong pagpapalano at pagbuo ng desisyon, samantalang sa top-
down approach, ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ay nagiging
mabagal dahil sa hindi pagkakasundo ng Lokal at Pamabansang pamahalaan tungkol sa mga
hakabang na dapat gawin sa panahon ng sakuna o pagkatapos ng kalamidad.

Modyul 8: MGA ANGKOP NA HAKBANG SA PAGBUO NG


COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT
57
PLAN
Most Essential Learning Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRMM Plan
Competencies (MELCs)

8 PAKSA: MGA ANGKOP NA HAKBANG SA PAGBUO NG COMMUNITY-BASED


DISASTER RISK MANAGEMENT PLAN

PANIMULA:
Masaya akong narating mo na ang pinakahuling aralin para sa kwarter na ito, ibig sabihin ay nagawa mo
ng maayos at mahusay ang mga pagsasanay at mga gawaing nakapaloob sa mga nakaraang paksang ating
tinalakay. Inaasahan kong mas pinaigting pa ang iyong pagnanais na matapos ng matagumpay ang mga
pagsubok o gawain sa araling ito.
Sa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad ay mahalagang alam ng mga namamahala ang nararapat
gawin upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa panahon na nagaganap ang kalamidad. Sa
kasalukuyan, isinusulong ang Community Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Approach sa
pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Binigyang-diin sa
nakaraang paksa ang konsepto at kahalagahan ng CBDRRM Approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran. Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan at magabayan kang magkaroon ng malawak
na kaalaman sa iba’t ibang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan at magkaroon ka ng kakayahan na bumuo ng
epektibong CBDRRM Plan ng iyong komunidad na kinabibilangan.
Nakatuon ang modyul na ito sa mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction
and Management Plan. Sa pamamagitan ng pagbuo ng plano alinsunod sa mga hakbang na nailahad sa modyul
na ito ay iyong mauunawaan ang kahalagahan ng CBDRRM Approach para sa mas epektibong pagtugon sa
panahon ng panganib.

MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan
2. Naisasagawa ang mga gawain bilang paghahanda sa pagsasagawa ng CBDRRM
Plan
3. Nakabubuo ng CBDRRM Plan batay sa kalagayan ng sariling komunidad

Exploration of Prior Knowledge


Paunang Pagtataya:
Panuto: Kompletuhin ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang masukat ang iyong dating kaalaman
tungkol sa Mga Angkop Na Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster
Risk Management Plan

Ano ang aking Ano ang nais kong Paaano pa ako matututo Ano ang aking mga natutunan
nalalaman matuklasan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

PAMPROSESONG TANONG:

58
Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang katanugan na maaari mong maging gabay sa paksang
tatalakayin. Inaasahang masasagot mo ang mga ito ng maayos at buong husay sa pagtatapos ng aralin sa
linggong ito.
1. Ano-ano ang mga hakbang o yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan?
2. Bakit mahalaga na magkaroon ng maayos na pagplano sa pagbuo ng Community-Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan?
3. Ano ang kahalagahan ng bawat yugto para magkaroon ng konkreto at komprehensibong pagpaplano
ng CBDRRM?
4. Paano mo ipapakita ang iyong pakikipagkaisa at kooperasyon sa pagbuo ng plano ng iyong
komunidad?

MAIKLING PAGSUSULIT:

Concept Builder
Panuto: Tukuyin ang mga hakbang sa bawat yugto ng CBDRRM Plan sa mga kalamidad na nakasaad sa
ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Bagyo
Disaster Disaster Mitigation Disaster Preparedness Disaster Response Disaster Recovery
Prevention

A. Kumpunihin ang mga bagay sa tahanan na nasira ng bagyo.


B. Putulin ang mga sanga ng puno na maaaring malaglag sa bahay
C. Makinig sa radyo at manood ng telebisyon hinggil sa mga impormasyon at babala
D. Mag-ingat sa mga nasira ng bagyo gaya ng mga linya ng koryente at sanga ng puno.
E. Isara ang mga pinto at bintana at lumayo mula rito lalo na kung gawa sa salamin ang mga ito.

2. Baha
Disaster Disaster Mitigation Disaster Preparedness Disaster Response Disaster Recovery
Prevention

A. Linisin at i-disinfect lahat ng gamit na nababad sa tubig-baha.


B. Umiwas na lumakad sa umaagos na tubig-baha dahil maaari kang bumagsak o matangay ng tubig.
C. Iwasan ang pagbili ng bahay na nasa mga mabababang lugar o binabaha.
D. Tanggalin sa saksakan ang mga kagamitan at i-off ang main switch ng koryente.
E. Ipasok sa loob ng bahay ang mga gamit na maaaring matangay ng baha.

3. Lindol
Disaster Disaster Mitigation Disaster Preparedness Disaster Response Disaster Recovery
Prevention

59
A. Isagawa ang Drop, Cover at Hold-on.
B. Idikit ang mga istante sa haligi ng bahay
C. Pag-aralan at sundin ang mga earthquake drill sa mga paaralan at opisina.
D. Suriin ang mga bagay na nasira sa tahanan at ipaayos ito.
E. Kung nakulong sa loob ng gumuhong gusali, gumawa ng ingay gamit ang anumang bagay upang
matagpuan ang iyong lokasyon. Kung mayroon ay mainam ang paggamit ng pito.

PAGTATALAKAY SA ARALIN:
Isang napakalaking hamon sa isang lugar o bansa ang pagbuo ng epektibo at
komprehensibong Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Sa
bahaging ito ng modyul iyong matutukoy at mauunawaan ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
plano. Ito ay makakatulong sa iyo sa pagbuo ng emergency plan kung sakaling ang pamayanang
iyon g kinabibilangan ay mahaharap sa sakuna o kalamidad ng hindi inaasahan. Magagamit mo
rin ang mga ito sa pagtupad ng iyong tungkulin bilang isang responsableng mamamayan na may
pagmamalasakit sa kapakanan ng sariling pamayan lalo na sa pagtugon sa mga hamon at
suliraning pangkapaligiran. Handa ka na ba? Simulan mo na! Goodluck!

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG CBDRM PLAN

Disaster Prevention and


Mitigation
- dapat ihanda bago dumating
ang sakuna

Rehabilitation and Recovery Disaster Preparedness (tukuyin


- pagsasaayos ng nasirang ang mga suliranin)
istruktura - kahandaan ng mga mamamayan
-pagbabalik ng pangunahing at komunidad sa anumang padating
serbisyo na sakuna

Disaster Response
- kapasidad ng gobyerno at ng
mga mamamayan na humarap sa
sakunang dulot ng nagaganap na
kalamidad

60
UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD

Ang yugtong ito ay matatalakay kung paano mapipigilan o mahahadlangan at mababawasan ang panganib
na maaaring maidulot ng kalamidad at mga hamong pangkapaligiran.
Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman at pang-unawa ang mga babalangkas ng plano kung ano ang
mga panganib, kung sino at ano ang maaaring mapinsala at kung maaari bang hadlangan o mabawasan ang
epekto ng kalamidad.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nauuna ang pagtataya sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng
Community-Based Disaster Risk Reduction Management.
Sa bahaging ito ng Disaster Management Plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa
pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyong nakuha sa pagtataya ay
bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability
Assessment, at Risk Assessment.
Tinataya naman ang kapasidad at kakayahan ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment

Hazard Assessment Vulnerability Assessment (Pagtataya ng Kahinaan at


Kakulangan)
 Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala
na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay  Ayon sa aklat nina Anderson at Woodrow (1990) na
pinamagatang Rising From The Ashes, ang pagtataya
mahaharap sa isangsakuna o kalamidad sa isang
sa kakulangan at kahinaan ay mayroong 3 kategorya:
partikular na panahon.  Pisikal o materyal
 Sa pagsasagawa ng hazard dapat bigyang pansin  Sosyal o panlipunan
ang Pisikal at Temporal na katangian nito.  Pag-uugali ng tao tungkol sa panganib
 Natutukoy nito kung ano ang mga hazard na gawa PISIKAL o MATERYAL – tumutukoy sa kakulangang
ng kalikasan o gawa ng tao. pinansiyal at likas na yaman upang makagawa o
 Ang pagsasagawa ng pagtataya ng panganib ay makapagpatayo ng mga estruktura na kayang
hadlangan ang epekto ng kalamidad.
mahalaga upang maunawaan ng isang komunidad
SOSYAL o PANLIPUNAN –ay tumutukoy sa
ang panganib, sakuna o kalamidad na maaaring kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng
maranasan sa kanilang lugar at magkaroon ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang panganib. Ito
makabuluhang pagpaplano upang matugunan ito. rin ay tumutukoy sa mga programa ng pamahalaan at
 2 Proseso sa pagsasagawa ng Hazard Assessment: ang mga suportang ibinibigay ng mga mamamayan.
1. Hazard Mapping – isinasagawa sa
PAG-UUGALI NG TAO TUNGKOL SA PANGANIB –
pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga kawalan ng interes at negatibong pagtanggap sa pagbabago,
lugar na maaaring masalanta ng hazar. kakulangan ng kaalaman at epektibong pagtugon sa harap ng
panganib at mga paniniwala at gawi ng mga mamamayan na
2. Historical Profiling/Timeline of Events – ang nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad.
paggawa ng balangkas ng mga nakaraang Pagsusuri sa mga kosepto sa pagsasagawa ng Vulnerability
pangyayari upang masuri kung ano ang mga Assessment: (1) Elementong nalalagay sa panganib, (2)
Mamamayang nalalagay sa panganib, (3) Kinaroroonan ng mga
panganib na naranasan sa isang komunidad,
mamamayang nalalagay sa panganib.
gaano kadalas itong mangyari, at kung alin sa
mga ito ang nagdulot ng malaking pinsala sa
mga mamamayan at kapaligiran.

61
CAPACITY ASSESSMENT (Pagtataya ng PAGTATAYA NG PELIGRO (RISK
Kapasidad) ASSESSMENT)
 Ito ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan
ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri  Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat
ng hazard. gawin bago ang pagtama ng sakuna,
3 kategorya: Pisikal o Materyal, Panlipunan at kalamidad at hazard na may layuning
Pag-uugali ng mga mamamayan tungkol sa mapigilan o maiwasan ang malawakang
hazard. pinsala sa tao at kalikasan. (Ondiz at Redito,
2009).
PISIKAL o MATERYAL –tinataya ang
kakayahan ng komunidad o ng mga mamamayan 2 URI NG MITIGASYON:
na muling bumangon at bumawi pagkatapos ng
1. Structural Mitigation – tumutukoy sa mga
kalamidad.
pisikal na paghahanda na ginagawa ng isang
PANLIPUNAN – kakayahan ng isang komunidad.
komunidad na harapin ang panganib at pagsusuri 2. Non-Structural Mitigation – tumutukoy sa
kung epektibo ang plano ng pamamahala sa mga ginagawang plano at paghahanda ng
kalamidad ng pamahalaan. pamahalaan upang maging ligtas ang
komunidad sa panahon ng pagtama ng
PAG-UUGALI NG MAMAMAYAN – hazard.
pagkakaroon kakayahan na ibahagi ang kanilang
panahon at pagmamay-ari ay nagpapakita na
may kapasidad ang komunidad na harapi ang
pinsala ng kalamidad

IKALAWANG YUGTO: DISASTER PREPAREDNESS


(Paghahanda Sa Kalamidad)
- ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at
sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard
- isang mahalagang gawain na nakapaloob sa yugtong ito ay
pagbibigay ng paalala at babala bago tumama at maging sa
panahon ng kalamidad.

62
IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA KALAMIDAD
(Disaster Response)
- sa yugtong ito tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng
isang kalamidad.
- Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito
dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang
pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.
- Sa pagpaplano ng mga gawain sa Pagtugon sa Kalamidad mahalagang magkaroon ng
koordinasyon at maayos na komunikasyon upang mabuo ang pagkakaisa ng lahat ng sektor ng
lipunan na kasama sa pagsasagawa ng una at ikalawang yugto.

3 Uri ng Pagtataya Kahulugan/Deskripsyon


1. Pagtatasa
- Ito ay ginagawa
ng pangangailangan
upang matukoy
o at matugunan ang mga
Needs Assessment pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng
kalamidad.
2. Pagsusuri sa pinsala o - pagtukoy sa lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng
Damage Assessment pagkasira ng mga imprastruktura at kabahayan.
3. Pagtatasa ng Pagkawala o - pagsusuri sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala sa
Loss Assessment serbisyo o produksiyon dulot ng kalamidad.

Ang damage at loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta ng mga pagkasira ng mga produkto, serbisyo
at imprastruktura.
Magiging matagumpay ang gagawing pagtugon sa mga nakararanas ng kalamidad kung ang resulta ng mga
pagtataya sa pangangailangan, pinsala at pagkawala ang pagbabasehan. Sa bahaging ito ng pagbuo ng
plano ng CBDRRM ay mahalaga ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang datos sa naging lawak ng
pinsala ng kalamidad. Ang mga datos na ito ang magsisilbing batayan para sa huling yugto ng pagbuo ng
plano ng CBDRRM.

IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD


(Disaster Rehabilitation and Recovery)
- sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos
sa mga nasirang pasilidad at estruktura at mga naantalang pangunahing
serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang
pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
- sa pagbuo ng plano para sa yugtong ito, nararapat na may konkretong
hakbang upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng mga programa.
- ilan sa mga pangunahing bibigyang-pansin ay ang pagpapanumbalik sa
sistema ng komunikasyon at transportasyon, pagkukumpuni ng kabahayan
pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at pagsuporta sa mga
kabuhayang napinsala ng kalamidad.
- kung magkakaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa panganib ang isang lugar, maaaring
maiwasan ang malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad. Mahalaga ang partisipasyon ng mga
mamamayan, Non Government Organizations, at iba pang sektor ng lipunan sa pagpaplano at
implementasyon ng mga programa ng pamahalaan sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad.

GAWAIN: PICTURE ANALYSIS


Panuto: Gamit ang mga natutunan mo sa pagtalakay natin sa mga hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan,
suriing mabuti ang larawan sa ibaba at gumawa ng sarili mong plano sa pagtugon sa hamon ng suliraning
pangkapaligiran na ipinapakita ng mga larawan. Gawing gabay sa paggawa ng plano ang mga katanungan sa
ibaba. Gumamit ng sariling sagutang papel.

63
1. Anong mga suliraning pangkapaligiran ang ipinapakita sa larawan?
2. Anong mga paghahanda ang maaari mong gawin sa ganitong uri ng kalamidad?
3. Ano ang mga magiging tugon mo sa posibleng epekto ng mga suliraning ito?
4. Ano ang gagawin mo para maibalik sa normal ang sitwasyon na ito?

BAGONG KAALAMAN: Aktuwal na sagot sa pamprosesong tanong


1. Ano-ano ang mga hakbang o yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan?
-Ang mga hakbang o yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay:
1. Disaster Prevention and Mitigation
2. Disaster Preparedness
3. Disaster Response
4. Disaster Rehabilitation and Recovery

2. Bakit mahalaga na magkaroon ng maayos na pagplano sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk


Reduction and Management Plan?
-mahalagang magkaroon ng maayos na pagplano sa pagbuo ng Community-based Disaster Risk
Reduction and Management Plan upang maisakatuparan ito at para magkaroon ng
komprehensibo at matagumpay na resulta ang CBDRRM Plan nang sa gayon ay maging
epektibo ito sa pagharap sa mga hamong dulot ng mga kalamidad.

3. Ano ang kahalagahan ng bawat yugto para magkaroon ng konkreto at komprehensibong pagpaplano ng
CBDRRM?
- Mahalaga ang bawat yugto para magkaroon ng konkreto at komprehensibong pagpaplano ng CBDRRM
dahil hindi magiging epektibo ang gagawing plano kung wala ang isang yugto. Bawat hakbang ay may
kanya-kanyang papel na ginagampanan sa pagtugon at pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran na
ating nararanasan. Ang sama-samang pagsasagawa ng bawat ng hakbang ay magdudulot ng mabilis at
matagumpay na muling pagbangon ng mga mamamayan na nasalanta at naapektuhan ng kalamidad.

PAGBUBUOD:
Lahat ng bagay ay pinag-iisipang mabuti at pinagpaplanuhan bago gawin o isakatuparan
nang sa gayon ay maayos ang kalalabasan. Sa panahon ng sakuna at kalamidad kung saan hindi
natin ito maiiwasan, ngunit maaaring paghandaan sa pamamagitan ng paggawa ng emergency
plan ay napakalaking tulong nito upang mabawasan kahit papaano ang epekto nito sa ating buhay
at ari-arian. Ang mga hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan tulad ng: Prevention and Mitigation,
Disaster Preparedness, Disaster Response at Rehabilitation and Recovery ay maaaring gawin ng
tao upang harapin ang lumalalang suliranin at hamong pangkapaligiran. Binigyang-diin din sa
modyul na ito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan
ang malawakang pinsala na dulot ng iba’t ibang kalamidad na maaaring maranasan ng ating
bansa. Sa pinakahuling yugto ng CBDRRM Plan, isinasaad dito na ang sama-samang pagtugon
ng lahat ng sektor ay magdudulot ng mabilis at matagumpay na muling pagbangon.

Checked: EDELITA A. RAMOS Noted: LEVELYN D. GARCIA


Subject Area Coordinator JHS/SHS Coordinator

Approved: ANNABELLE G. TACADENA


School Principal

64

You might also like