You are on page 1of 3

Unang Preliminaryong Pagsusulit sa Filipino 7

Guro: G. MARK LEO E. MENDEZ


Setyembre 6-7, 2021

Pangalan : __________________________________ Iskor:____________

INTRODUKSIYON 1
Ang kwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula pa bago man dumating
ang mga espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita. Matutuklasan mo rin dito kung paano nakaapekto ang kwentong-bayan ng kahapon sa ngayon at
kinabukasan.
TEST I. KNOWLEDGE
A. REMEMBERING
Panuto:Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
_____________________1. Ito ang itinuturing na pinakamalaking pangkat-etniko ng mga Pilipinong
Muslim
_____________________2. Ito ang kwentong bayan ng mga Maguindanao
_____________________3.Pinaniniwalaang nananahanan sa malayong sultanato at isang alipin.
_____________________4. Siya ang prinsesang anak ng malupit na sultan.
_____________________5. Siya ang sultan na nabagsakan ng bato sa ulo na naging sanhi ng kanyang
biglaang pagkamatay.
_____________________6. Siya ang naging sultan matapos ang trahedyang nangyari sa palasyo
_____________________7. Siya ang muling nagsalaysay sa “Si Usma, ang Alipin”.
_____________________8. Ito ay nangangahulugang mga taong tagakapatagang bahain ng mga taga-
Maguindanao.

INTRODUKSIYON 2
Ang mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga
pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay magiging katanggap-tangap o kapani-
paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensiyang
lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.

B. UNDERSTANDING
PANUTO: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto; kung mali, salungguhitan ang
salita/mga salita na nagpamali sa pangungusap at pagkatapos ay isulat sa patlang ang tamang sagot upang
maging tama ang pangungusap.
____________9. May dokumentaryong ebidensiya ay ang mga ebidensiyang nagpapatunay na maaaring
nakasulat, nakalarawan, o nakavideo.
____________10. Ang kapani-paniwala ay ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring nakasulat,
nakalarawan, o nakavideo.
____________11. Taglay ang matibay na kongklusyon ay isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya,
pruweba, o impormasyong totoo ang kongklusyon
____________12. Nagpapahiwatig ay hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya
subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan
____________13. Nagpapahiwatig ay direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.
____________14. Nagpapakita ay salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o
tunay.
____________15. Nagpapatunay/katunayan/patunay ay salitang nagsasabi o nagsasaad ng hindi
pananalig o hindi paniniwala sa ipinahahayag.
____________16. Pinatutunayan ng mga detalye ay makikita mula sa detalye ang patunay sa isang
pahayag.
(Sumangguni sa introduksiyon 3)
____________17. Ang pabula ay kwentong kalimitan ay mga hayop ang gumaganap bilang tauhan.
____________18. Kilala si Pilandok bilang mabait at mabuting kaibigan.

TEST II. UNDERSTANDING


INTRODUKSIYON 3
Ang Pabula ay nagmula sa salitang griyegong “Muzos” na ang ibig sabihin ay myth o mito, na ang
karaniwang ginagamit na tauhan ay mga hayop. Ang pabula ay isang kwentong kalakip na mga katangian ng tao
tulad ng pagiging malupit, makasarili, mayabang, tuso, madaya at iba pa. Ngunit taglay din nito ang mga
magagandang asal na kapupulutan ng aral.
Panuto:Unawaing mabuti ang bawat larawan sa ibaba.Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

A. Pinag-yayabang ang mga B. Mapanlinlang, Patalikod kung lumaban. C. Mapagmataas sa sarili


medalya.

Gamitin ang rubric sa ibaba para magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong gagawin.
Mga Pamantayan MAHUSAY(3) KAINAMAN(2) MAHINA(1)
Pagtalakay Napakadetalyado ang pagtalakay ng paksang pinag- Detalyado ang pagtalakay sa Di-gaanong detalyado ang
uusapan paksang pinag-uusapan pagtalakay
II A. PAGLALAPAT
19-21. Kung isa ka sa taong nalamangan o naging biktima ng panlilinlang paano mo ito haharapin o
bibigyang aksiyon? Ipaliwanag.

II B. PAGSUSURI
22-24. Mula sa tatlong larawan sa itaas, ano-ano ang nais nitong ipahayag?

II C. EBALWASYON 25-27. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari sa isang tao kung magpapatuloy
pa rin siya sa pagiging mapanlinlang?
TEST III. CREATING
(Sumangguni sa introduksiyon 3)
28-30. Bilang pag-uugnay,pumili ng isang gawain sa ibaba gamit ang temang “Ako bilang isang tao”.
Gumamit ng ibang malinis na papel para sa iyong sulatin.
PAALALA:Ang iyong gagawin ay maaaring sa paraang pagsulat ng tula, poster at slogan.
Gamitin ang rubric sa ibaba para magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong gagawin.
Mga Pamantayan MAHUSAY(3) KAINAMAN(2) MAHINA(1)
Kaugnayan sa tema Mahusay, maliwanag at angkop na angkop ang May kaangkupan an gang konsepto Di gaanong maliwanag at angkop
konsepto at iba pang materyal na ginamit upang at iba pang materyal na ginamit ang konsepto at iba pang materyal
mailarawan ang mensahe kaugnay sa paksa. upang mailarawan ang mensahe na ginamit upang mailarawan ang
kaugnay sa paksa. mensahe kaugnay sa paksa.

Whatever you do, think not of yourself, but think God.” Saint Vincent Ferrer

Iniwasto ni:
CHARITY M. MACAPULAY
Koordineytor Pinagtibay ni:
ANNABELLE G. TACADENA
Punongguro

You might also like