You are on page 1of 16

10

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 4
“Maikling Kuwento mula sa Amerika”
Panimula
Maraming makata at pilosopo ang nagtangkang bigyan ng kahulugan ang
salitang pag-ibig, ngunit hindi pa sila ganap na nagtatagumpay. Ang tanging nababatid
natin ay ang katotohanan na kapag ang isang tao ay umiibig, nakararamdam siya ng
isang kasiya-siya at panatag na damdamin, kabaitan, at pagpapakasakit. Napili kong
ibahagi sa iyo ang kuwento ng Aginaldo ng mga Mago upang ipaunawa sa mga
mambabasang tulad mo ang tunay na kahalagahan ng pagsasakripisyo at
pagbibigayan lalo na tuwing sumasapit ang araw ng kapaskuhan.
Kung handa ka na ay simulan mo na ang pag-aaral.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


|F10PN-lle-73| Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akdang
maikling kwento
|F10PT-lle-73| Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa
kahulugan
|F10PD-lle-71| Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang
pandaigdig
|F10PS-lle-75| Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na
maikling kuwento

SUBUKIN

Bago mo simulang pag-aralan ang paksa ngayong linggo, sagutin mo muna


ang paunang pagtataya.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa
sagutang papel ang inyong napiling sagot.

1. Isa sa mga akdang pamapanitikan na may maiksing salaysay na naglalaman


ng isang kwentong may mahahalagang pangyayari.
A. alamat B. maikling kwento C. sanaysay D. tula

2. Ito’y mga bahagi sa pagbubuo ng isang maiksing salaysay. Maliban sa isa.


A. gitna B. simula C. tauhan D. wakas

3. Selebrasyon ng mga Kristiyano na kung saan ipinagdiriwang nito ang


kapanganakan ng batang Hesus sa sabsaban sa Belen ng Jerusalem.
A. Araw ng Kalayaan B. Araw ng mga puso C. Araw ng pasko D. Undas

1
4. Sila ang nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito
sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem.
A. mago B. pari C. pastol D. pastor

5. Ang naging gabay upang malaman ng tatlong hari kung saan matatagpuan
ang batang nakita nila sa propesiya na magliligtas sa sanlibutan.
A. buwan B. hangin C. tala D. tupa

6. Sila ang sinasabing nagpasimula sa pagbibigayan ng mga regalo sa tuwing


kapaskuhan.
A. mago B. pari C. pastol D. pastor

7. Sila ang tinaguriang tatlong pantas na kalalakihan na nakakita sa batang


Hesus sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem.
A. Baltazar B. Burgos C. Gaspar D. Melchor

8. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing


sopa at magpalahaw. Alin sa sumusunod ang hindi nauugnay ang kahulugan
sa salitang may salungguit.
A. mag-ingay B. mapaiyak C. mapahiyaw D. mapasigaw

9. Tinapos ni Della ang kanyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang pisnging


nawalan ng kulay. Ang mga salitang sinalungguhitan ay nagsasaad
ng _____.
A. mapulang pisngi B. matabang pisngi C. namutlang pisngi D. payat na pisngi

10. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na may kaugnayan sa tunay na


pag-ibig. Maliban sa isa.
A. kabaitan B. kasiyahan C. pagpapakasakit D. panibugho

11. Anong damdamin ang ipinahiwatig sa pahayag na, “ Ipinaputol ko at


ipinagbili,”wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking
buhok?”
A. pag-aalala B. pagtataka C. pagkainis D.pagtatampo

12 – 13. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan.


12. Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin.
A. dumiritso B. lumayo C. lumiko D. tumayo

13. Sa loob ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi


hinahalughog sa buong bayan ang pang-aaginaldo kay Jim.
A. hinahanap B. ipinahulog C. pinasok D. pinuntahan

14. Isang magandang kadenang platino, na ang desinyo ay simpleng-simple


ngunit nakakaakit. Alin sa sumusunod ang hindi nauugnay ang kahulugan sa
salitang may salungguit.
A. balani B.halina C. hikayat D. hiwaga

2
15. Parang nangayayat siya at mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Alin sa
sumusunod ang hindi nauugnay ang kahulugan sa salitang may salungguit.
A. kalungkutan B. ligaya C. lugod D. tuwa

“Aginaldo ng mga Mago”


Aralin Maikling Kuwento mula sa Amerika

4 “Gift of the Magi” ni O. Henry (William Sydney Porter)


Isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro
PANITIKAN

ALAMIN

Ang modyul na ito ay tatalakay sa isang maikling kuwentong Aginaldo ng mga


Mago na orihinal na akda ni O. Henry na isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang:
a. nasusuri ang mga pangyayari sa kwento na may kaugnayan sa
kasalukuyang lipunan
b. nabibigyang kahulugan ang mahirap na salita na ginamit sa akda
c. naipapakita ang kasanayan sa pagsulat ng maikling kwento
d. naipamamalas ang pagpapahalaga sa sariling nabuong maikling kwento

BALIKAN/PAGGANYAK

Sa nakaraang linggo ay napag-aralan mo ang isang tula mula sa Inglatera na


may pamagat na “Ang Aking Pag-ibig”. Ang akdang nabasa ay nagpapakita sa
kaisipang ng sumulat ng akda ukol sa masidhing nararamdaman sa kanyang iniibig at
naibahagi sa kanyang mga tagabasa.
Ngayon, bigyang pansin mo ang larawan sa ibaba. Anong kwento ang
maiuugnay mo rito? Anong uri ng pag-ibig kaya angnais nitong ibahagi sa iyo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
GAWAIN 1: Suriin Mo
Suriin maigi ang bawat larawan. Ibigay ang isang salita na angkop sa
ipinapahiwatig ng bawat larawan. (4 PICS 1 WORD)

Sagot:

_____________________________________________________________

1. Nakatatanggap ka ba ng regalo tuwing pasko?


__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng pagbibigayan sa panahon ng kapaskuhan?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

TUKLASIN

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating
tatalakayin. Subukin mong sagutin ang kasunod na gawain upang sa gayo’y masagot
mo ang pokus na tanong kung paano maisasabuhay ang mga mahalagang tema o
kaisipang nakapaloob sa akda?

4
GAWAIN 2: Alamin Mo
Maglahad ng mga umiiral na kultura tungkol sa pagbibigayan ng regalo. Ipakita
kung may pagkakatulad ito sa kultura ng mga Pilipino.

KULTURA NG
AMERIKA PAGKAKATU -
TUNGKOL SA LAD SA
PAGBIBIGAYAN PILIPINAS
NG REGALO

GAWAIN 3: Palawakin at Iugnay


Magbigay ng kaugnay na kaisipan sa pahayag na nasa kasunod na strips.
Iugnay ito sa iyong sariling karanasan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng sariling
karanasang magpapatotoo rito.

Mas mabuting nagbibigay kaysa


tumatanggap

KAISIPAN

SURIIN/ TALAKAYIN

Bago mo pag-aralan ang araling inihanda para sa iyo, basahin mo nang may
pag-unawa ang mahalagang impormasyong maaaring makapagbigay ng dagdag na
kaalaman sa iyo tungkol sa akdang iyong pag-aaralan.

GAWAIN 4: Ikuwento Mo
Magsalaysay ng isang pangyayari mula sa napanood na palabas o nabasang
kuwento na may kinalaman sa kulturang umiiral sa pagbibigayan ng regalo .

Pamagat Pangyayari Reaksiyon

5
GAWAIN 5: Paglinang ng Talasalitaan
Itala sa loob ng cylender ang mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ng
kahulugan. Pagkatapos, pumili ng isang salita sa bawat pangkat at gamitin sa pagbuo
ng makabuluhang pangungusap.

1 2 3 4

5 6 7 8

sumalagmak hagulgol walang katinag-tinag


humagibis hilam silakbo
lumandi simbuyo tangis
umalembong panlalabo tumulin
kulabo lagablab halughugin
lumuklok halukayin malakas na iyak
halungkatin humarurot napaupo

Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. At ang sinumang nagmamahal nang


tunay at tapat ay handang ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa kasiyahan
ng taong minamahal. Tuklasin natin sa kasunod na maikling kuwento kung paano
pinatunayan nina Jim at Della ang wagas na pagpapakasakit para sa isa’t isa. Basahin
mo ito nang may pag-unawa upang sa gayo’y maunawaan mo kung paano
maisasabuhay ang mga mahalagang tema o kaisipang nakapaloob sa akda?

Alam mo ba na…

ang Aginaldo ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong


haring mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo? (Mateo 2: 1-12) Ang mga
Mago ang nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito sa
isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem. Sila ang sinasabing nagpasimula
sa pagbibigayan ng mga regalo.

6
Aginaldo ng mga Mago
O. Henry
Maikling Kuwento – United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay
barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan
noon ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa at
magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y
nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang
abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.
Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t
pitong sentimos lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan
siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal
ng kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos
kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong
sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim. Maraming
oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay Jim. Isang
pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang sabihing
karapat-dapat ariin ni Jim.
Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning
ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang
kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok.
Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang
ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa
kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.
At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na
parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng
kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod
niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan
samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa
sahig.
Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang
sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang
kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at
lumabas sa lansangan.
Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme. Sofronie.
Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa unang
hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.

7
“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.
“Bumibili ako ng buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita
ko ang hitsura niyan.”
ni Della ang alon-alon niyang buhok.
“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang
makapal na buhok.
“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.
O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng
dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga
tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya.
Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang
disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang
makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang-pagkakita
niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon kay Jim.
Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang
ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t
pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos
ay pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.
Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan
ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat.
Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang
nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.
Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne.
Si Jim ay hindi kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang
palad at naupo sa sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim.
Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali.
Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na
nangyayari sa araw-araw at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos,
marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang
pamilya! Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang
guwantes.
Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay Della at
ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni
pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni
Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang
damdaming hindi mahulaan.
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay Jim.

8
“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan.
Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa
hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y
hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko
iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang
Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang
aginaldong binili ko para sa iyo.”
“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na putol
ang aking buhok?”
Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa
pabango, o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan
mo kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.”
Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili ng
galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng
masaganang luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay
na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa
isang bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang
dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika,
“Malakas humaba ang buhok ko, Jim.”
At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della sabay
pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoy
ng kaniyang kaluluwa.
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko
iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses
maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung
maikabit na ang kadena.”
Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang kaniyang
ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti.
Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw.
Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili
ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong – napakarurunong
– at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may imbento ng
pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong ang
kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong
maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinag-inutan kong
isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira
sa isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na
mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.
9
Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito na sa
lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa lahat ng
nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa
lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

ISAISIP

Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. At ang


sinumang nagmamahal nang tunay at tapat ay handang
ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa
kasiyahan ng taong minamahal.

ISAGAWA

GAWAIN 6: Pag-unawa sa Akda

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kuwento. Paano nila


ipinamalas ang masidhing pagmamahal sa isa’t isa?

KATANGIAN

Della Jim

PAGMAMAHAL

PAGMAMAHAL

10
2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Jim at Della ang paghahanda
ng pamasko sa isat isa. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang ginawa nilang
paraan upang malutas ang kanilang suliranin? Pangatuwiranan.

3. Naging mapanghamon ba sa iyong isipan ang wakas ng kuwento? Patunayan


ang sagot.

4. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang


ipinakita sa maikling kuwento? Patunayan.

5. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo


mapaligaya mo lamang ang iyong mahal?

6. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?

7. Anong mahahalagang mensahe/kaisipan ang ibinibigay ng akda? Magbigay


ng tiyak na mga halimbawa kung papaano mo ito isasabuhay. Gamitin ang
dayagram sa pagsagot.

MAHALAGANG KAISIPAN
AGINALDO NG MGA MAGO

PAANO ISASAGAWA MAHALAGANG KAISIPAN

GAWAIN 7: Pag-isipan mo

Itinuring na marurunong ang tatlong haring mago na nag-alay sa sabsaban.


Ihambing ang kaugnayan ng mga tauhang inilarawan sa maikling kuwento sa
Tatlong Haring Mago na pinagbatayan ng akda. Ipakita ito sa pamamagitan ng
Comparison Organizer. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

11
Pagkakatulad
Tatlong Della
Haring At
Mago Jim

Pagkakaiba

GAWAIN 8: Naaalala Mo?

Balikan ang mga pangyayaring isinalaysay sa akda. Gamit ang grapikong


representasyon, tukuyin ang mga makatotohanan at di-makatotohanang
pangyayaring binanggit at magbigay ng reaksiyon tungkol dito.

AGINALDO NG MGA MAGO

MAKATOTOHANANG DI-MAKATOTOHANANG
PANGYAYARI PANGYAYARI

REAKSYON
________________________
________________________
________________________
______________________

GAWAIN 9: Kasanayang Pampanitikan

1. Basahin ang ilang diyalogo sa akda na nagpapakita ng masining na


pagpapahayag. Nakatulong ba ito sa pagiging masining ng akda? Patunayan
ang sagot.

2. Anong panahon kaya nangyari ang kuwento? Bigyan ng patunay ang sagot
sa pagtukoy ng mga diyalogo na katatagpuan nito.

12
3. Naging mapanghamon ba sa iyong isipan ang wakas ng kuwento? Patunayan
ang sagot.

4. Anong uri ng tunggalian ang nilikha ng may-akda?

5. Kailan nagsimula ang suliranin ng kuwento? Basahin nang pabigkas ang


bahaging nagsasaad nito.

PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto:
Gumupit ng isang larawan ng taong mahalaga sa iyo na nais mong mahandugan ng
aginaldo at isalaysay ang iyong karanasan sa taong nasa larawan. Lagyan ng
pamagat ang nabuong kwento.

Pamantayan:

Ang kwentong nabuo ay mamarkahan batay sa mga sumusunod na pamantayan:


• May angkop na pamagat - 5 puntos
• Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - 10 puntos
• Paggamit ng angkop at wastong salita - 15 puntos
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
• Kabuuan ( kalinisan ) - 20 puntos
Kabuuan - 50 puntos

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat bilang. Bilugan ang letra
ng iyong napiling sagot.

1. Isa sa mga akdang pamapanitikan na may maiksing salaysay na naglalaman


ng isang kwentong may mahahalagang pangyayari.
A. alamat B. maikling kwento C. sanayasay D. tula

13
2. Ito’y mga bahagi sa pagbubuo ng isang maiksing salaysay. Maliban sa isa.
A. tauhan B. simula C. gitna D. wakas

3. Selebrasyon ng mga Kristiyano na kung saan ipinagdiriwang nito ang


kapanganakan ng batang Hesus sa sabsaban sa Belen ng Jerusalem.
A. Araw ng kalayaan B. Araw ng mga puso C. Araw ng pasko D. Undas

4. Sila ang nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito
sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem.
A. mago B. pari C. pastol D. pastor

5. Ang naging gabay upang malaman ng tatlong hari kung saan matatagpuan
ang batang Nakita nila sa propeseya na magliligtas sa sanlibutan.
A. buwan B. hangin C. tala D. tupa

6. Sila ang sinasabing nagpasimula sa pagbibigayan ng mga regalo sa tuwing


kapaskuhan.
A. mago B. pari C. pastol D. pastor

7. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing


sopa at magpalahaw. Alin sa sumusunod ang hindi nauugnay ang kahulugan
sa salitang may salungguit.
A. mag-ingay B. mapahiyaw C. mapaiyak D. mapasigaw

8. Tinapos ni Della angkanyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang pisnging


nawalan ng kulay. Ang mga salitang sinalungguhitan ay nagsasaad
ng _____.
A. mapulang pisngi B. matabang pisngi C. namutlang pisngi D. payat na pisngi

9. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing


sopa at magpalahaw. Ang sinalungguitan salita ay nangangahulugang.
A. nabinat B. nakatulog C. nahulog D. napaupo

10. Isang magandang kadenang platino, na ang desinyo ay simpleng-simple


ngunit nakakaakit. Alin sa sumusunod ang hindi nauugnay ang kahulugan sa
salitang may salungguit.
A. balani B.hikayat C. halina D. hiwaga

11. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na may kaugnayan sa tunay na


pag-ibig. Maliban sa isa.
A. kabaitan B. kasiyahan C. pagpapakasakit D. panibugho

12. Anong damdamin ang ipinahiwatig sa pahayag na, “ Ipinaputol ko at


ipinagbili,”wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking
buhok?”
A. pag-aalala B. pagkainis C. pagtataka D. pagtatampo

14
13. Ano ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang
isakripisyo para mabili ng aginaldo ang bawat isa?

a. diyamanteng kuwentas c. gintong relos


b. buhok d. mamahaling suklay

A. b at d B. c at d C. b at c D. a at d

14. Bakit itinututring na marunong na mago ang mag-asawang Jim at Della


Young?
A. Isinakripisyo nila ang pinakamahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila.
B. Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko.
C. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang
kahirapan.
D. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang
pagkakamali.

15. Anong kaisipan ang lumutang sa maikling kwentong “ Aginaldo ng mga


Mago”?
A. Ang Diyos ay pag-ibig.
B. Ang pasko ay para sa mga bata.
C. Ang pag-ibig ay pagpapakasakit.
D. Mas mainam magbigay kaysa tumanggap.

Sanggunian:
Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

15

You might also like