You are on page 1of 161

UNANG ARAW

Alamat: Ang Pinagmulan


ng Bohol
MELC: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng alamat
mula sa Visayas batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan,
kaisipan at mga aspetong pangkultura, (halimbawa:
heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa) F7PB-IIId-e-15,
F7PB-IIId-e-16)
MGA LAYUNIN:
a. Makikilala ang isang alamat mula sa Visayas
b. Nakasusuri ng mga katangian ng isang alamat
c. Napapahalagahan ang mga nakapaloob na kultura mula
sa akdang pampanitikang natalakay
PANIMULANG PAGTATAYA:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan na
nasa ibaba. Isulat lamang ang titik o letra ng tamang sagot sa
iyong kwaderno. Bawat bilang ay may katumbas na isang
puntos
1. Ito ay isang kuwento na nagsasalaysay sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
A. alamat B. kuwentong-bayan
C. mito D. pabula

2. Alin sa ibaba ang halimbawa ng alamat?


A. Ang Pilosopo B. Pilandok
C. Sinukuan D. Pinagmulan
ng Pinya
3. Ang mga gumaganap sa kuwento na nagtataglay ng
iba’t ibang karakter.
A. kaisipan B. paksa
C. tagpuan D. tauhan

4. Ito ay nagsasabi kung tungkol saan ang istorya ng


kwento.
B. kaisipan B. paksa
C. tagpuan D. tauhan
5. Ito ay nagpapahayag kung ano ang mensaheng
napapaloob sa kwento.
A. kaisipan B. paksa
C. tagpuan D. tauhan
Saan nagmula ang mga bagay sa
mundo?
Alin ang nauuna sa manok at itlog?
Isasagawa ito sa pamamagitan ng
knowledge power. (katulad ng
ginagawa ni kuya Kim sa
Matanglawin).
1. Ano ang napapansin ninyo sa
ating aktibiti?

2. Ano ang nararamdaman ninyo


habang iniisip ang mga tanong na
inyong naibigay?
3. Kung bibigyan ka ng isang
kahilingan na gustung-gusto mong
matupad ano kaya ito?
4. Kung ikaw naman ang tutupad ng isang
kahilingan, anong hiling o tanong ang nais
mong sagutin o tutuparin?
5. Saan kaya talaga nagmula ang
mga pangalan ng mga bagay-bagay
sa ating paligid?
PAGBASA NG KUWENTO
Sagutin ang sumusunod.
1. Anong uri kaya ng akda ang inyong binasa?
2. Sino-sino ang mga tauhan?
3. Saan nangyari ang kwento?
4. Ano-ano ang mga paboritong pagkain ng mga
Boholanon?
5. Ano kaya ang nais iparating ng kwento sa atin?
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang legend ng Ingles
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan
sa kasaysayan.
Karaniwang paksa ng alamat ay ang pamamaraan ng
pamumuhay, mga paniniwala, mga gawain sa isang lugar o isang
pangkat tao. Naging gabay ito upang magkaroon ng kaalaman sa
isang lugar, gayundin makilala ang pangkat ng tao na tinutukoy
nito.
Elemento ng Alamat
 Ang paksa ay dapat na pinagmulan ng isang bagay,
lugar o pangyayari o paano pinangalanan ang isang
lugar,
 Tauhan, tagpuan, banghay,
 Mga pangyayaring bunga ng isip o imahinasyon at
wakas.
 May aral na makukuha ng mga mambabasa.
Elemento ng Alamat
 Ang paksa ay dapat na pinagmulan ng isang bagay,
lugar o pangyayari o paano pinangalanan ang isang
lugar,
 Tauhan, tagpuan, banghay,
 Mga pangyayaring bunga ng isip o imahinasyon at
wakas.
 May aral na makukuha ng mga mambabasa.
PANGKATANG GAWAIN
PAGPAPAHALAGA

Bilang isang miyembro ng pamilya, ano-ano ang


ating mga tungkulin?

Paano ba natin pangalagaan ang bawat kapamilya?


PAGLALAHAT

Dugtungang ang sumsunod na parirala mula sa alamat


na tinalakay.

Ayon sa alamat ng Bohol, ang mga tao


noon ay naninirahan sa kabila ng
ulap…
DAY 2
KAHULUGAN NG MGA
SALITA
Bukod sa kaalaman sa kasingkahulugan at
kasalungat ng mga salita, isa pang dapat nating
malaman na ang mga salita ay maraming kahulugan
batay sa konteksto o pagkakagamit nito sa isang
pangungusap. Mayroon tayong dalawang uri ng
pagpapakahulugan na hindi lang mapapansin sa pag-
unawa sa panitikan kundi maiuugnay rin sa pang-araw-
araw nating pakikipagtalastasan:
a. Denotasyon- Ito ang literal na
pagpapakahulugan sa isang salita.
Karaniwang makukuha ito sa
diksiyonaryo.
Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (laruan)
a. Konotasyon – Ito ang kahulugan ng salita o pahayag
kapag ito ay hindi tuwiran. Nagkakaroon ito ng iba
pang kahulugan batay sa pagkakagamit ng isang salita
sa pangungusap at batay na rin sa
intensiyon/kagustuhan ng isang taong
gumagamit ng salita sa isang pangungusap.

Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (niloloko o


Binibiro lamang)
PAGSASANAY 1
PANUTO: Suriin ang pangungusap kung
denotatibo o konotatibo ang dimensiyong
pagpapakahulugan sa salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Matapos
ito, ibigay ang kahulugan ng may salungguhit
na salita batay sa konteksto ng pagkakagamit
nito sa pangungusap.
PAGSASANAY 2
Bilang paglalahat sa aralin,
paghambingin ang denotasyon at
konotasyon.
Pagtataya

Panuto: Ibigay ang Denotatibo at Konotatibong


Pagpapakahulugan sa mga
salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa
sagutang papel (10 puntos).
.
IKATLONG
ARAW
MITO NG LUZON
MELC: Nasusuri ang mga katangian at
elemento ng mito, alamat, kuwentong-bayan,
maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan, at Luzon batay sa paksa, mga
tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong
pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay, at iba pa) (F7PB-IIId-e-15 / F7PB-
IIId-e-16)
LAYUNIN:

a. Makikilala ang isang Mito mula sa Luzon


b. Nakasusuri ng mga katangian ng isang Mito
c. Napapahalagahan ang mga nakapaloob na
kultura mula sa akdang pampanitikang
natalakay
Panuto: Basahin at suriin ang
katanungang nasa ibaba. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Isang anyo ng panitikang karaniwang
tumatalakay tungkol sa mga diyos at
diyosa, bathala, diwata, at mga kakaibang
nilalang na may kapangyarihan.

a. Alamat c. Maikling
Kuwento
b. Kuwentong-bayan d. Mito
2. Ito ay isang akda tungkol sa paniniwalang
litaw na litaw sa isang partikular na lugar o
pangkat.

a. Alamat c. Maikling Kuwento


b. Kuwentong-bayan d. Mito
3. Ito ay isang maikling kathang
pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-
araw na buhay.

a. Alamat c. Maikling Kuwento


b. Kuwentong-bayan d. Mito
4. Isang kuwentong nagsasaad kung saan
nanggaling o nagmula ang mga
bagay-bagay.

a. Alamat c. Maikling Kuwento


b. Kuwentong-bayan d. Mito
5. Ito ang nagbibigay-buhay sa akdang
maaaring maging masama o mabuti.

a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan
6. Malalaman dito kung ang kuwento ay
naganap ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init,
umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o
lalawigan; sa bundok o sa ilog.

a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan
7. Ito ang maayos na pagbabanghay at
pagkasusunod-sunod ng mga
pangyayari.

a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan
8. Tumutukoy ito sa panahon at lugar kung
saan naganap ang kuwento.

a. Banghay c. Tagpuan
b. Simula d. Tauhan
9. Matutunghayan dito ang pagpapakilala ng
tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin.

a. Kasukdulan
b. Pababang Pangyayari
c. Panimulang Pangyayari
d. Resolusyon
10.Dito makikita ang pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan sa mga suliraning
kaniyang kakaharapin.

a. Panimula
b. Pababang Pangyayari
c. Panimulang Pangyayari
d. Tunggalian
Ang kuwentong-bayan, maikling
kuwento, alamat, at mito ay halos
may kaugnayan sa isa’t isa. Halos pareho
lamang ang kanilang paksang
karaniwang tumatalakay sa kalikasan,
pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura ng
isang partikular na pangkat o lugar.
Bagama’t halos magkatulad ay
makikita pa rin ang natatanging katangian ng
bawat pasalindila ng panitikang ito.
Ang mga akdang tuluyan kagaya
ng mito, alamat, kuwentong-bayan, at
maikling kuwento ay binubuo ng
mahahalagang elemento. Ito ang mga
sumusunod:
1. Tauhan – Ang nagbibigay-
buhay sa akdang maaaring
maging masama o mabuti.
2. Tagpuan – Ang panahon o lugar na
kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda. Malalaman dito
kung ang kuwento ay naganap ba sa
panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga,
tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan;
sa bundok o sa ilog.
3. Banghay – Maayos na pagbabanghay
at pagkasusunod-sunod ng mga
pangyayari.
Narito ang mga nilalaman ng banghay:
a. Panimulang Pangyayari – Ang
kawilihan ng mga mambabasa ay
nakasalalay sa bahaging ito. Dito
matutunghayan ang pagpapakilala ng
tauhan at tagpuan.
b. Tunggalian – Dito makikita ang
pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan sa mga suliraning kaniyang
kakaharapin.
c. Kasukdulan – Ito ang pinakamataas at
kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
Sa bahaging ito, unti-unting nabibigyang
solusyon ang suliranin.
d. Pababang Pangyayari – Sa bahaging
ito, nalulutas ang suliranin at natatamo ng
pangunahing tauhan ang layunin. Ito ang
nagbibigay ng
daan sa wakas ng kuwento.
e. Resolusyon – Sa bahaging ito,
nagkakaroon ang kuwento ng isang
makabuluhang wakas na maaaring ang
kinahinatnan ay masaya o malungkot.
Sa bahaging ito, kailangan mong basahin ang
buod ng mito mula sa Luzon “ANG
HUKUMAN NI SINUKUAN: BAKIT
NAPARUSAHAN ANG LAMOK?”
Pero bago iyan, kailangan mo munang basahin
at unawain ang kahulugan
ng mahihirap na salitang mababasa sa akda.
Talasalitaan:

1. Dumamba si Kabayo kaya nabasag ang


itlog ni Martines.
A. Tumalon
B. tumakbo
C. lumakad
D. naupo
Talasalitaan:

2. Si Lamok ay laging may dalang gulok sa


kanyang paglalakad.
A. dugo
B. kasama
C. baril
D. itak
Talasalitaan:

3. Hinahanap ni Lamok si Talangka gabi-


gabi.
A. Ibon
B. Alimasag
C. Isda
D. Manok
Talasalitaan:

4. Iwinasiwas ni Lamok ang kanyang dala


kaya nagkagulo sila.
A. Itinutok
B. Ipinakita
C. Ibinaba
D. Inilapag
Talasalitaan:

5. Masyadong marahas ang ginawa ni Lamok


kaya nagkagulo ang hukuman.
A. malupit
B. madali
C. mabagal
D. maamo
1. Anong uri ng akda ang inyong binasa o
napanood?
2. Sino-sino ang mga tauhan?
3. Saan nangyari ang kwento?
4. Ano ang pinakaunang nangyari sa
kwento?
5. Ano ang inyong napulot na aral sa
kwento?
MITO
Ito ay pumapaksa sa mga di-pangkaraniwang nilalang
tulad ng diyos, diyosa, diwata, anito, at iba pa. Ito ay likhang-
isip lamang subalit masasalamin ang kultura ng mga tao tulad
ng pagsasagawa ng ritwal at pag-aalay sa kanilang diyos na
may kapangyarihang ipagkaloob ang kanilang hiling tulad ng
anak, manalo sa digmaan at iba pa. Halimbawa ng mga diyos
at diyosa ay sina Zeus, Athena at Hades ng mga Griyego at
Mariang Sinukuan ng mga Pilipino.
Elemento ng Mito
Tauhan- sila ang mga gumaganap sa kwento
Tagpuan- saang lugar naganap ang pangyayari ng
kwento
Paksa- nagsasabi kung tungkol saan ang istorya ng
kwento
Kultura- naglalarawan sa mga nakasanayang gawin
o paraan ng pamumuhay ng tauhan
Bilang isang mamamayan ng lipunan, ano-ano ang
ating mga tungkulin?

Paano ba natin sinusunod ang mga batas na


pinaiiral? Magpasalaysay.
Sa bawat bahay natin ay meron din tayong sinusunod na batas. Kagaya
na lang ng paggamit ng cellphone o kaya pag-uwi nang maaga upang
maging maayos ang ating buhay at malayo sa kapahamakan sa ating
paligid.

Sa ating paaralan ay may mga batas rin na ipinapatupad, at ang mga


nagpapatupad nito na kagaya ng mga guro at opisyales ay tinitingnan
na nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mag-aaral at may pantay na
Karapatan. Kaya sana ay sinusunod natin ito para magkaroon ng
kaayusan ang lahat.
Paglalahat:
Maglahad ng isang tanong ukol sa aralin at magtawag ng isang sasagot.
Ang sasagot naman ang magtatanong at tatawag ng isa ulit na sasagot,
hanggang mabalikan ang lahat nang natalakay sa araw na ito.
1. 1. Ito ay pumapaksa sa mga di-pangkaraniwang
nilalang tulad ng diyos, diyosa, anito, diwata at
iba pa.
A. mito
B. soneto
C. pabula
D. parabula
2. Isa sa mga elemento ng mito na
naglalarawan sa mga nakasanayang gawin o
paraan ng pamumuhay ng mga tauhan.
A. tauhan
B. kultura
C. paksa
D. tagpuan
3. “Dumating ang matandang kuba sa isang pagdiriwang ng
Cañao. Habang siya ay nakaupo sa nakatumbang lusong ay
bigla siyang nagsalita at nagbigay ng mga paalala. Ngunit sa
kasamaang palad ay hindi sinunod ng mga tao ang paalala ng
matanda kaya ang gantimpala na kanilang natanggap ay
naglaho. Nagunita ng mga tao na sinayang nila ang biyayang
dumating sa isang pagkakataon.”

a. Banghay c. Tagpuan
b. Panimula d. Tauhan
3. Si Mariang Sinukuan ay isang ______
A. diwata
B. dalaga
C. prinsesa
D. diyosa
4. Sino ang naparusahan ng hukuman?
A. lamok
B. talangka
C. alitaptap
D. palaka
5. Ito ay isang elemento ng mito na
nagsasabi kung tungkol saan ang istorya ng
kuwento
A. Tauhan
B. paksa
C. tagpuan
D. kultura
Takdang- Aralin:

Isulat ang kahulugan sa Pangunahing


Kaisipan at Pantulong na kaisipan o Detalye
at ipasulat sa kanilang kwaderno?
MARAMING
DALAMAT!
PAGLALAPAT:
Panuto: Basahing muli ang akdang “Isang
Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” at suriing
mabuti ang bawat pangyayaring naganap.
Kopyahin at buoin ang
graphic organizer gamit ang mga pagpipiliang
makikita sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
MARCH 6, 2023
Mga Tauhan / Talasalitaan:
Lifu-o – pangunahing tauhan sa kuwento
af-fong – tirahan ng isang pamilyang Igorot.
am-ama – matandang Igorot
ay-yeng – mga panalanging inaawit sa Canao
fatek – mga guhit sa katawan; kauri ng tattoo.
Gangsa – isang uri ng isntrumentong karaniwang
ginagamit sa mga idinaraos na Canao.
ili – isang kabayanan
Intugtukon – tanging lupon ng matatalinong
matatanda sa bayan-bayanan sa nayon na
hinihingian ng mga tao ng payo.
Kabunian – ang bathala ng mga katutubong Igorot.
Kalos at ko-ongan – mga instrumenting kauri ng
gangsa.
Kiyag – isang uri ng sisidlan ng pagkain.
lufid – kasuotan ng mga babeng Igorot; kauri ng
tapis; ibinabalot ito sa katawan at binibigkisan ng
wakes, isang uri ng pamigkis.
Tap-pey at fayas – mga uri ng alak.
Tinu-od – sombrero ng mga Igorot; ito na rin ang
taguan nila ng mga nginangata nilang tabako at iba
pang maliliit na abubot sapagkat wala silang
bulsang pagtataguan ng mga iyon.
Sabsafung – magandang anak ni lifu-o.
Napat-a – ang asawa ni lifu-o.
1. Sino si Lifu-o? Ano-ano ang kanyang katangian?
2. Bakit nais ni Lifu-o at kanyang pamilya ang magdaos ng
canao?
3. Paano nila pinaghandaan ang nasabing pagdiriwang?
4. Ano ang naging gantimpala sa kanila ni Bathala sa
isinagawa nilang pagdiriwang?
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni lifu-o, ano ang
gagawin mo upang maiwasan ang nagyari sa
gantimpalang kanila sanang natanggap?
6. Anong pangunahing aral ang naging hatid nito sa atin?
1.Sa akdang binasa, paano
ito nagpakita ng
kaugnayan sa
kuwentong-bayan?
Sagot
Sa pagpapakita ng
natatanging kultura ng mga
Ifugao
2. Ano ang kakaibang
katangian ng mito na hindi
matatagpuan sa katangian
ng alamat at kuwentong
bayan?
Sagot
Ang mga tauhan ay
nagtataglay ng iba’t
ibang kapangyarihan
3. Si Lifu-o, ang pangunahing tauhan sa akda
ay maituturing isang magiting na lider ng
lugar na kanyang nasasakupan. Sa kabila ng
kanyang pagiging isang mahusay at mabuting
lider ay hindi rin niya ganap na nakamit ang
kanyang mga panalangin kay Kabunian. Ano
ang naging wakas ng akda?
Sagot
Ang ginto ay
hinuhukay sa lupa at
minimina bilang
parusa.
PAGLALAPAT
Gawain 1
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pahayag na nasa kahon. Tukuyin
kunganong katangian ng akda ang
isinasaad dito. Isulat ang titik ng
sagot sa sagutang papel.
1. Ang kabataang Igorot ay nag-alay ng baboy kay
Kabunian upang magpasalamat.

a. Paniniwala sa bathala o diyos


b. Naglalahad ng suliranin o gampanin
c. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng
lugar
d. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng
bagay
2. Narinig nila ang huni ng uwak na nagsasabing,
“Huhukayin ninyo mula
ngayon ang ginto.”.

a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at
tradisyon
3. Naging kaugalian na sa tribo ang pagpayag sa
mga bagong kasal na mamalagi muna sa pamilya
ng lalaki hanggang maisilang ang kanilang unang
anak.
a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at
tradisyon
4. Nakita ni Lifu-o ang uwak kaya nagdesisyon
siya na magdiwang ng Cañao
upang mawala ang masamang pangitain.

a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at
tradisyon
5. Napagtanto ng mga tauhan sa akdang “Isang
Matandang Kuba sa Gabi ng
Cañao” na huwag maging sakim at makasarili.

a. Kapupulutan ng aral
b. Paniniwala sa diyos at diyosa
c. Pinagmulan ng mga bagay-bagay
d. Paniniwala sa mga ritwal, kultura, at
tradisyon
March 07, 2023

Angkop na mga Pahayag sa


Panimula, Gitna, at Wakas
ng Isang Akda
Layunin:

 Nagagamit nang wasto ang angkop


na mga pahayag sa panimula, gitna,
at wakas ng isang akda (F7WG-IIId-
e-14)
Panimulang Gawain

Magsalaysay o magkuwento ng
isang karanasang hindi mo
malilimutan kasama ang iyong
kapatid o matalik na kaibigan.
Paglalahad..

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat ng


nagsasalita ang kaniyang tagapakinig sa mahusay na simula.
Kapag nailahad ang layunin nang epektibo ay napupukaw ang
kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na patuloy na alamin
ang kawing-kawing na pangyayari mula sa simula ng kuwento
patungo sa papataas at kasukdulan sa gitna ng kuwento.
Hihintayin din nila ang
wakas kung nakamit ang layuning inilahad sa panimula.
 Simula
 Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang
interes ng tagapakinig o ng mambabasa.
 Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong
magaganap sa isinasalaysay.
 Maaaring simulan ito sa mga salitang noong una, sa
simula pa lamang, at iba pang pananda sa
pagsisimula.
 Pagkatapos nito ay maaaring isunod ang... .
 Pang-uri(adjective) – nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Napakadilim at napakalamig ng paligid….
Napakasalimuot ng pangyayari…
 Pandiwa (verb) – nagsasaad ng kilos o galaw.
Halimbawa:
Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang
kababaihan ng…
Nagmamasid ang matanda at ang misteryosong
kuba habang…
Pang-abay(adverb) Mga salitang nagbibigay-turing
-

sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.(Pamanahon,


Panlunan(lugar), pamaraan at iba pa.)
Halimbawa:
Maagang gumising ang tribo…
Nananabik na masaksihan ang
pagdiriwang…
 Gitna
 Sa bahaging ito, mabuting napanatili ang kawing-
kawing na pangyayari at paglalarawang nasimulan.
 Dito malalaman kung magtatagumpay ba o mabibigo
ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o
matututo ang katunggaling tauhan habang tumataas
ang pangyayari.
 Maaaring gamitin ang kasunod, pagkatapos,
walang ano-ano, at iba pa na maghuhudyat ng
kasunod na pangyayari.
 Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita
upang mapanatili ang interes ng mga mag-aaral
sa larawan at aksiyong isinalaysay.
 Wakas
 Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan
sa isipan ng tagapakinig o ng mambabasa.
 Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o
magpababago sa kalooban at isipan ng lahat na ang
kabutihan ang magwawagi at may kaparusahan ang
gumagawa ng masama.
Maaaring gumamit ng sa huli, sa
wakas, o iba pang panandang
maghuhudyat ng makahulugang
pagtatapos.
SUSURIIN..

MANGITA AT LARINA
Noong unang panahon, sa pampang ng Laguna
de Bay ay may nanirahang isang mahirap na
mangingisda at ang kaniyang pamilya. Maagang
namatay ang asawa ng mangingisda kaya’t siya na
ang nag-isang nagpalaki sa dalawang anak nilang
babae na sina Mangita at Larina.
Kapwa napakaganda ng dalawang anak bagama’t
magkaibang-magkaiba ang kani-kanilang mga
katangian. Si Mangita ay kayumangging kaligatan at
may mahaba at itim na itim na buhok. Ang kapatid
naman niyang si Larina ay maputi at nagtataglay ng
mahaba at manilaw-nilaw na buhok. Subalit hindi tulad
ng kapatid na si Mangita, si Larina ay ubod ng tamad at
maghapon lamang nagsusuklay at nag-aayos ng mahaba
niyang buhok.
Malupit din siya at walang pagmamahal sa mga
bagay na nabubuhay sa kanilang paligid. Madalas
siyang naghuhuli ng mga paruparong tinutusok
hanggang mamatay saka ginagawang palamuti sa
kanyang buhok. Pagkatapos nito’y nagtutungo siya sa
lawa upang walang sawang pagmasdan ang kaniyang
kagandahan.
Dahil sa magkaibang ugali ng magkapatid,
lalong hinangaan at minahal ng mga tao si Mangita
samantalang iniiwasan naman nila ang malupit at
makasariling si Larina. Lalo namang lumaki ang
inggit at selos na nadarama ni Larina kay Mangita
dahil dito.
Isang araw, isang matandang babaeng pulubi ang nagtungo sa
kanilang kubo upang humingi ng kaunting kanin para sa kaniyang
maliit na mangkok. Abala noon si Larina sa pagsusuklay ng kaniyang
buhok kaya’t hindi niya
nagustuhan ang pang-aabala ng pulubi. Sinigawan niya ang pulubi.
Hindi pa siya nakontento at kaniya rin itong itinulak palayo. Natumba
ang matandang babae at nabagok ang ulo sa bato dahil sa tindi ng
pagkatutulak.
Narinig ni Mangita ang ingay at humahangos siyang lumabas
mula sa pagsusulsi ng lambat. Maagap niyang tinulungan ang kaawa-
awang pulubi.
Ginamot din niya ang sugat nito at pinatigil ang pagdurugo.
Pagkatapos, sumandok siya ng kanin mula sa palayok at pinuno ang
mangkok ng pulubi.
Walang ano-ano’y, biglang nagbagong anyo ang matanda at
naging diwata at pinatawan ng parusa ang malupit na si Larina.
At mula noon, doon na sa magandang tahanan ng diwata
namalagi si Mangita at nabuhay silang masaya at mapayapa. Si Larina
naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa, walang tigil niyang sinusuyod
ang kaniyang buhok upang isa-isang matanggal ang mumunting
butong itinago niya rito. Mula sa mga butong ito’y sumibol ang mga
luntiang halamang lumutang sa tubig at tinatawag na ngayong
waterlily. Tuwing malakas ang ulan at hangin, inaanod ang mga
halamang ito sa Ilog Pasig. At sa tuwing nakikita ng mga tao ang mga
halaman ay naaalala nila si Larina at ang kaniyang kasamaang
nagsadlak sa kaniya sa kaawa-awang kalagayan.
GAWAIN 1
Panuto: Sagutin nang buong husay ang sumusunod.

1. Alin sa mga sumusunod ang


nagpapahiwatig ng panimula sa binasang
kuwento?
a. Noong unang panahon
b. Kapwa napakaganda
c. Sa pampang ng Laguna de Bay
d. Isang araw
2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang
pahayag na ito? “Walang ano-ano’y, biglang
nagbagong anyo ang matanda at naging
diwata at pinatawan ng parusa ang malupit na
si Larina.”
a. Panimula c. Gitna
b. Wakas d. Wala sa
nabanggit
3. Saang bahagi ng kuwento pinatutunayang
hindi talaga maganda ang ugali ni Larina?

a. Panimula c. Gitna
b. Wakas d. Wala sa
nabanggit
4. Sa katapusan ng kuwento, ano ang naging
buhay ni Mangita?
a. itinapon sa lawa
b. namatay dahil sa sakit
c. pinarusahan ng diwata
d. namuhay nang masaya kasama
ang diwata
5. Sa wakas ng kuwento, ano ang sinapit ng
masamang si Larina?
a. namatay dahil sa sakit
b. natuwa sa sinapit niya
c. namuhay nang masaya kasama
ang diwata
d. nasadlak sa ilalim ng lawa at
walang tigil na sinusuyod
ang buhok bilang parusa
Paglalapat

Panuto: Punan ng angkop na pahayag


para sa simula, gitna, at wakas ang mga
patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Paglalahat

Bakit mahalagang matutunan ang mga


angkop na pahayag sa panimula, gitna, at
wakas ng isang akda?
Pagtataya

Panuto: Tunghayang mabuti ang mga larawan sa


susunod na slides at pag-ugnayin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang akdang nagsasalaysay
batay sa ikinikilos ng nasa larawan. Gamitin ang
angkop na mga pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng
isang akda at salungguhitan ang mga ito. Gawin ito
nang hindi bababa sa limang (5)
pangungusap.
Pagtataya

You might also like