You are on page 1of 50

Ibahagi sa kaklase ang

mga kababalaghan o
mga di-kapani-paniwala
(supernatural)
naranasan.
Mga Tanong:
1. Mula sa mga impormasyong
inilahad ng bawat isa, ano ang
napansin ninyong pagkakaiba at
pagkakapareho ng mga detalye?
2.Bakit mayroong mga hindi
naniniwala sa mga ganoong
pangyayari?
Mga Akdang Pampanitikan:
Salamin ng Mindanao
Aralin 1:
Kuwentong Bayan:
Ang Pilosopo
(Kuwentong Maranao)
AKDA
ay mga "literary
works"
o komposisyon
Ang panitikan ay nagsasabi
o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin
at diwa ng mga tao.
Ang salitang panitikan ay nanggaling
sa salitang "pang-titik-an" na kung
saan ang unlaping "pang" ay ginamit
at hulaping "an". At sa salitang
"titik" naman ay
nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay
galing sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa
pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang
may kaugnay ng iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.
Uri ng Panitikan
1. TULUYAN o PROSA -
nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y
isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng
damdamin. Ito'y isinusulat ng
pasaknong.
Dahilan sa Pag-aaral ng
Panitikang Pilipino
1.Upang malaman ang ating minanang
yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan
ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa
ating panitikan at makapagsanay upang
maiwasto ang mga ito.
3.Upang malaman ang ating mga
kagalingan sa pagsulat at
mapagsikapang ito ay mapagbuti at
mapaunlad.
4.Bilang mga Pilipinong mapagmahal at
mapagmalasakit sa ating sariling
kultura ay dapat nating pag-aralan ang
ating panitikan. Tayo higit kanino man
ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
ANO ANG
KWENTONG
BAYAN?
Ang mga kuwentong
bayan o poklor ay mga
kuwentong nagmula sa
bawat pook na
naglalahad ng katangi-
tanging salaysay ng
kanilang lugar.
Mga kuwentong
nagmula sa bawat
pook na naglalahad
ng katangi-tanging
salaysay ng kanilang
lugar.
Kadalasang nagpapakita
ito ng katutubong kulay
tulad ng pagbabanggit
ng mga bagay, lugar,
hayop o pangyayari na
doon lamang nakikita o
nangyayari.
Masasalamin sa mga
kuwentong bayan ang
kultura ng bayan na
pinagmulan nito.
ANONG SALITA ANG
MABUBUO SA MGA
LETRANG NASA IBABA?

IOPOSOLP
PAMAGAT:
TAUHAN:
TAGPUAN:
PROBLEMA/SULIRANIN:
KABABALAGHANG NANGYARI:
ARAL:
MGA TANONG:
1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng
kuwento. Ano ang katangian ng mga
taong naninirahan dito?
2. Sino si subekat? Ano ang pagkakaiba
niya sa ibang mga naninirahan
doon?
3. Ano ang suliraning kinahaharap ng
bayan?
4. Bakit sisinama ni abed si subekat
sa kanilang paglalakbay?
5. Ano ano ang tuntuning sinabi ni
abed sa kanilang paglalakbay?
6. Ano ang kinahantungan ng hindi
pagsunod ni subekat sa mga
alituntunin?
Ibigay ang kahulugan ng bawat salita.

1.Luminga-linga
2.Matanto
3.Umiiral
4.Alituntunin
5. Hinabilin
Gawain: Salungguhitan ang kasalungat na
kahulugan ng salitang italisado sa loob ng
pangungusap.
1. Luminga-linga ang magnanakaw kung
may nakakita sa kanya habang may
isang nakatutok lamang sa
pagkakamasid sa kanya.
2. Kung gusto mong matanto ang mga
nangyayari sa paligid, huwag mong
hayaang maging mangmang ka.
3. Umiiral pa rin ang kabutihan sa bawat tao
sa kabila ng unti-unti nang pagkawala ng
magagandang kaugalian.
4. Bawat alituntunin ay ginawa para sa
kapakanan ng tao na hindi lang para
pagbawalan tayo kung hindi para malayo
tayo sa kapahamakan.
5. Ihabilin mo ang mga dapat gawin sa iyong
bunsong kapatid na maiiwan, delikado
kung ipagwawalang bahala mo lang na
maiiwan siya.
ANO ANG
PANGATNIG?
Pangatnig
-bahagi ng pananalita na
nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala,
sugnay o pangungusap.
Tinatawag na pangatnig ang
mga kataga o lipon ng
mga salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala sa
kapwa parirala at sugnay sa
kapwa sugnay upang
maipakita ang dalawa o higit
pang kaisipan sa loob ng
pangungusap.
Narito ang ilang
halimbawa ng
pangatnig
Mga uri ng
pangatnig:
1. Pamukod
- ginagamit sa pagbukod
o pagtatangi, gaya
ng: o, ni, maging, at
man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi
maghahangad na siya ay
mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo
ng ating grupo kung si Roger
man ang piliing lider natin.
2. Panubali -
nagsasabi ito ng pag-
aalinlangan, gaya ng:
kung, kapag, pag, sakali.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang
ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag
hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito
si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming
isda sakaling lumitaw ang buwan.
3. Paninsay - kapag
sinasalungat ng unang bahagi
ng pangungusap ang
ikalawang bahagi nito. Gaya
ng: ngunit, datapwat, subalit,
bagaman, samantala,
kahiman, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay
kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina
bagaman tindera lang sa palengke ang
kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat
may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit
suplada naman.
4. Pananhi -
nagbibigay ito ng dahilan o
katuwiran para sa
pagkaganap ng kilos. Ang
mga ito ay: dahil sa, sanhi
sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya
nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang
tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya
nang ikot.
5. Panapos - nagsasabi
ito ng nalalapit na katapusan
ng pagsasalita, gaya ng:
upang, sa lahat ng ito, sa di-
kawasa, sa wakas, at sa bagay
na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos
na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang
inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong
magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga
kamay na ang paghuhusga.
6. Panlinaw -
ginagamit ito upang
ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang
banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-
asawa, kung gayon magsasama
na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na
maysala kaya makakawala na si
Berto.
7. Panimbang -
ginagamit sa paghahayag ng
karagdagang impormasyon at
kaisipan, gaya ng: at - saka,
pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa
bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang
iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang
pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.
8. Pamanggit -
gumagaya o nagsasabi
lamang ng iba, tulad ng:
daw, raw, sa ganang
akin/iyo, di umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano
ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si
Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-
Ilokos.
9. Panulad
- tumutulad ng mga
pangyayari o gawa, tulad ng:
kung sino…siyang, kung
ano…siya rin, kung
gaano…siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari
noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo,
siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong,
siya ring ibibiyaya sa iyo.
Gawain: Dugtungan ang mga
parirala/pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng
paggamit ng mga pangatnig na panlinaw.
1. Si Subekat ay hindi marunong
sumunod sa tuntunin...(sa
madaling sabi) _________.
2. Inatasan sila ni Abed na magdala
ng batong tamang-tama lang sa
kanila na buhatin... (sa halip)
_____________.
3. Ang batas ay para sa ikabubuti
ng lahat... (kung gayon)
_________.
4. Maparaan sana si Subekat
(lamang)... ___________.
5. Walang mapapahamak kung
marunong sumunod,
(samakatuwid)...
____________.
Pangkatang Gawain
Bumuo ng isang pagsasadula
tungkol sa kadalasang
pagsuway ng mga kabataan sa
panahon ngayon.
Ilahad ang naidudulot ng
pagsuway na ito.
Bumuo ng isang sanaysay na
pamamagatang “Ang mga
Ipinagbabawal nina Inay at Itay.” Ang
sanaysay ay kinakailangang binubuo ng
hindi kukulang sa limang pangungusap
bawat talata, hindi kukulang sa tatlong
talata, at ginamitan ng mga pangatnig
na panlinaw. Salungguhitan ang mga
pangatnig na panlinaw na ginamit sa
mga talata.

You might also like