You are on page 1of 114

SABJEK: FILIPINO BAITANG: 7

PETSA: SESYON: 1
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Luzon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprenhensibong
pagbabalita tungkol sa kanilang sariling lugar.
KOMPETENSI: 1.Nabibigyang kahulugan ang mga salita sa tindi
ng pagpapakahulugan. F7PT-III-e-14
I: LAYUNIN:
Kaalaman: Naibibigay ang kaibahan ng mito, alamat at
kuwentong-bayan.
Saykomotor: Naitatala ang mga mahalagang detalye mula sa
binasang teksto.
Apektiv: Nabibigyang puri ang mga matatandang anyo ng
panitikan.
II:PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: MITO, ALAMAT, KUWENTONG-BAYAN
B. SANGGUNIAN: Supplemental Lesson Plan sa Fil. Grade 7
C. KAGAMITANG Laptop (power point), photocopies ng mga teksto.
PAMPAGTUTURO:
III: PAMAMARAAN:
A: Paghahanda: A. Ipaskil sa pisara ang mga salitang MITO, ALAMAT
at KUWENTONG-BAYAN.
B. Kilalanin ang mga sumusunod na pamagat at
sabihin kung ito ba’y MITO, ALAMAT o KUWENTONG-
BAYAN.

B: Paglalahad:  Talakayin ang bahagi ng kasanayang pampanitikan


sa klase. (Mga Matatandang Anyo ng Panitikan)
Mito, Alamat at Kuwentong-bayan.
 Ipabasa ang bawat isa ng mga mag-aaral at
pagkatapos, ipasabi kung ano ang nakita nilang
pagkakaiba.

C: Pagsasanay: Ipabasa ng Guro halimbawa ng MITO, ALAMAT at


KUWENTONG-BAYAN.
D: Paglalapat: Ipabigay ang ugnayan ng dalawang salita: PARUSA
at HUKUMAN.
D: Paglalahat: 1. Ano ang masasabi n’yo sa inyong nabasang mga
teksto bilang mga matatandang anyo ng
panitikan?

IV: PAGTATAYA: Punan ng tamang salita ang taltang upang mabuo


ang kaisipan.
V: TAKDANG-ARALIN: 1. Isulat ang mga katagian ng mito, alamat at
kuwentong-bayan sa inyong journal.
2. Sumulat ng isang maikling talata. Dugtogan ang
pahayag na mula sa aking pagsusuri, aking
napatunayan na….
ARALIN 2: Sesyon 1
Aralin: ALAMAT, KUWENTONG-BAYAN AT MITO

TUKLASIN
Mula sa pagkabata, marami na tayong mga katanungan sa ating
buhay, tulad na lamang sa kung saan nagmula ang mga bagay-bagay
na ating makikita dito sa mundo. Sa araling ito, matutuklasan
natin kung ano-ano ang mga kasagutan ng mga katanungang ito.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
Ipaskil sa pisara ang sumusunod na mga salita. Ipabasa ito ng
buong klase.
M I T O A L A M A T K U W E N T O N G--B A Y
A N
1. Sino sa inyo ang nakakilala sa mga ito?
2. Ano kaya ang uri ng kuwento na nasa likod ng bawat isa?

GAWAIN 1
Tapatin sa nanay B kung anong uri ng akdang pampanitikan ang nasa
hanay A. Lagyan lamang ng arrow.

A
B
Si Malakas at Maganda a. alamat
Ang Hukuman ni Sinukuan b. mito
Ang Pinagmulan ng Paruparo c. Kuwentong-bayan

GAWAIN 2
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1.Sino kaya sina Malakas at Maganda?


2.Alam nyo ba ang tungkol sa pinagmulan ng paruparo?
3. Kilala nyo ba si Maria Sinukuan?

ALAM MO BA NA......

Ang mitolohiya ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula


sa katutubo hanggang sa kasalukuyan, masasabing halos ipinakikita
rin nito ang tradisyon ng isang lahi. Karaniwang tinatalakay ng mga
kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga
likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga
karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentongbayan ayon
sa mga mananaliksik. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga
Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga
ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-
bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang legend ng ingles.

Ipabasa sa mga mag-aaral gamit ang DRTA

Si Malakas at si Maganda (Kuwentong-bayan)

Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking kawalan.


Ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang
Diyos sapagkat wala Siyang makita at walang marinig.

Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay


napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang
kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin. Iniangat ng
Diyos ang Kanyang kanang kamay at ito’y itinuturong pababa. Sa isang iglap
ay nalalang ang mundo. Ang mga luntiang kakahuyan ay sumibol, pati ang
damo. Namukadkad at humalimuyak ang mga bulaklak.

Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang
mga ibon sa himpapawid at nag-aawitan. Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito
ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso. Isang araw, ang hari ng mga ibon
ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ay ikinampay ang
matipunong mga pakpak at napaimbulog na pababa sa kakahuyan. Mula sa malayo,
kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng
hangin. Kanyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na pababa. Siya’y
dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.

Tok! Tok! Tok!

Nadama niya ang maririig na katok na nagmumula sa loob ng kawayan.


May tinig siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing.
Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga.
Para itong karsel!” “Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Kinamayamaya’y
may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibong palibhasa’y gutom,
ito’y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang
kawayan.

Crack! Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.

Ikalawang Pagbasa (Ipabasa sa isang mag-aaral ang alamat at ang paraan ng


pagbabasa ay tulad ng pagkukuwento ni Lola Basyang.)

Alamat ng Paruparo (Alamat)

Noong unang panahon, may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang


ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro,
samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na
dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay. Magkaiba ang
ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang
lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag
at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla, pasensiya na lamang ang
kaniyang binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod ng tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay


Amparo na laging nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo,
“Anong gusto mo, alilain ako at busabusin? Ako ang masusunod dahil ako ang
nakatatanda,” sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa
ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay
tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala sa kapatid ay sumunod si
Perla at kitang-kita niya nang mahulog si Amparo sa ilog. Sumigaw nang
malakas si Perla “Paro! Paro!,” marami ang nakarinig at tinulungan siya
ngunit walang Amparo silang nakita.
Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak
ang lumutang sa kinahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-
dahang nawala ang hugis bulaklak nito at unti-unting umusbong ang pakpak
na may iba’t ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla na
pumunta ito sa halamanan“Paro! Paro…!” Simula noon, ang maganda at makulay
na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na paruparo.

Ikatlong Pagbasa (Paraan ng pagbabasa ay Jigsaw Reading)

Tatawag ng mag-aaral para sa panimulang magbabasa.

Ang Hukuman ni Sinukuan: Bakit Naparusahan ang Lamok? (Mitolohiya)

Noong araw, si Mariang Sinukuan ang reyna sa bundok ng Arayat.


Iginagalang siya ng mga tao sa paligid ng bundok. At dahil isang diwata,
iginagalang din siya ng mga hayop. Sinasabi na may hukuman si Maria sa
bundok ng Arayat at dito nililitis ang kaso ng mga hayop.

Isang araw, umiiyak na dumating si Martines sa hukuman ni Mariang


Sinukuan. Dali-dali niyang ipinakita kay Maria ang kanyang dala-dalang mga
basag na itlog. “Bakit? Ano ang nangyari at nabasag ang iyong itlog?”
tanong ni Maria. “Kasi po, kagabi, dumamba nang dumamba si Kabayo at
natapakan ang aking pugad,” sumbong ni Martines habang umiiyak.

Ipinatawag ni Maria si Kabayo. “Bakit ka dumamba ng dumamba kagabi


kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria sa Kabayo
pagdating. “Kasi po, nagulat ako sa biglang pagkokak ni Palaka,” paliwanag
ni Kabayo. Ipinatawag ni Maria si Palaka. “Bakit ka biglang kumokak kagabi
kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?”
tanong ni Maria kay Palaka pagdating. “Kasi po, humihingi lang ako ng
saklolo dahil dala ni Pagong ang kanyang bahay at natakot akong mabagsakan,”
paliwanag ni Palaka.

Ipinatawag ni Maria si Pagong. “Bakit dala mo ang bahay mo kagabi


kaya natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya
nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria kay Pagong pagdating.
“Kasi po, may dalang apoy si Alitaptap at natatakot akong masunog ang aking
bahay,” paliwanag ni Pagong.

Ipinatawag ni Maria si Alitaptap. “Bakit may dala kang apoy kagabi


kaya nagbuhat ng bahay si Pagong kaya natakot at kumokak si Palaka kaya
dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?”
tanong ni Maria kay Alitaptap pagdating. “Kasi po, natatakot akong masaksak
ni Lamok. May dala siyang gulok araw-gabi at apoy lamang ang panlaban ko
sa gulok,” paliwanag ni Alitaptap.

Ipinatawag ni Maria si Lamok. “Bakit may dala kang gulok araw-gabi


kaya nagdala ng apoy si Alitaptap kaya nagbuhat ng bahay si Pagong kaya
natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya
nabasag ang mga itlog ni Martines?” tanong ni Maria kay Lamok pagdating.
“Kasi po, hinahanap ko si Talangka,” paliwanag ni Lamok. “Bakit naman galit
ka kay Talangka?” tanong uli ni Maria kay Lamok. “Kasi po, sinipit niya
ako nang minsang magdaan ako sa kanyang bahay. Mabuti at daplis lang ang
sipit niya. Wala akong gulok na dala noon. Nang bumalik ako ay nagtago siya
at hindi malaman kung saan nagpunta. Pero maski saan siya magsuot, hahanapin
ko siya,” galit na galit na paliwanag ni Lamok.
Dahil sa laki ng galit ni lamok, wala sa loob na iwinasiwas niya ang dala-
dalang gulok. Tinamaan si Palaka at kumokak ng malakas. Nagulat si Kabayo
at dumamba nang dumamba. Nagkanya-kanyang takbo sina Martines, Alitaptap,
Pagong at iba pang mga saksi. Nagulo ang buong hukuman ni Maria. Dito
nagalit si Maria at ipinasiyang parusahan si Lamok. “Masyado kang marahas,
Lamok,” sabi niya. “Kung nagkasala si Talangka sa iyo, dapat na isinumbong
mo siya dito at bahala akong magparusa sa kanya. May batas tayo at hukuman
para sa pagkakasala. Pero dahil naging marahas ka, nagulo pati ang iyong
mga kapitbahay.
Pati ang hukumang ito ay nagulo sa iyong kawalan ng pagtitimpi.”
Pinarusahan ni Maria si Lamok na mabilanggo sa loob ng tatlong araw.
Ipinagbawal din niya ang pagdadala ng gulok sa paglilibot ni Lamok.
Pinagbayad din niya si Lamok sa mga nabasag na itlog ni Martines at
pinayuhan si Martines na huwag nang gagawa ng pugad sa lupa. Natakot si
Lamok na maparusahan uli kaya nang makalaya ay hinding-hindi na nagdala ng
gulok. Pero patuloy pa rin siya sa kanyang paghahanap sa kalabang Talangka.
Si Talangka naman ay lagi nang nasa butas at nagtatago kay Lamok. Kaya
ngayon, pag may aali-aligid at bubulong-bulong na kulisap sa iyong tenga,
si Lamok iyon. At akala ay butas ni Talangka ang butas ng iyong tenga.

GAWAIN 3:
Si Malakas at Maganda

Ipalista sa mga mag-aaral ang mga katangian ng tao at mga bagay na


may kaugnayan sa....

MALAKAS MAGANDA
1.
2.
3.
4.

GAWAIN 4:
ALAMAT NG PARUPARO

Ipagamit sa mga mag-aaral ang mga parirala sa pangungusap na makikita sa


ibaba. Gamitin
ang teksto upang makuha ang context clue.

1. Magkapatid na ulila 2. Sumisibol na


dalagita
3. Balisang nagmamasid 4.pagdukwang sa ilog

PAGLALAPAT: Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong na:

1. Bakit naparusahan ang lamok?


2. Ano ang kaugnayan ng dalawang salita?
Parusa o Hukuman

TANDAAN:
Ang mito ay isang kuwento na karaniwang tumatalakay sa mga
diyos at nagbibigay paliwanag hinggil sa mga likas na
kaganapan.Ang alamat ay nag sasalaysay tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay bagay sa daigdig samantalang ang kuwentong-bayan ay
nagsasalaysay at naglalarawan sa uri ng kultura at tradisyon ng
isang lugar o lahi.

PAGTATAYA

PAGSUBOK NG KAALAMAN:

Punan ng tamang salita o mga salita ang patlang upang mabuo ang
kaisipan.
1. Ang_________________ay mga salaysay hinggil sa _______________ ng mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
2. Halos ipinakita ng ____________ ang mga tradisyon ng isang lahi at
karaniwang tinatalakay dito ang mga __________at nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
3. Ang ______________ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol
sa mga pinagmulan ng mga __________________sa daigdig.

GAWAIN 5:
Suriin ang katangian ng Alamat/ kuwentong-
bayan/Mito
Alamat Kuwentong-bayan Mito

Mula sa aking pagsusuri, aking napatunayan na


__________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________.

TAKDANG ARALIN

Ang isang talata ay may talong bahagi; panimula, gitna at


wakas. Alamin kung ano ang kahulugan ng mga ito.
SABJEK: FILIPINO BAITANG: 7
PETSA: SESYON: 2
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprenhensibong
pagbabalita tungkol sa kanilang sariling lugar.
KOMPETENSI: 1. Nabibigyang kahulugan ang mga salita sa tindi
ng pagpapakahulugan. F7PT-III-e-14
2. Napaghahambing ang katagian ng
mito/alamat/kuwentong-bayan batay sa paksa, mga
tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong
pangkultura. F7PB-III-e-15
I: LAYUNIN:
Kaalaman: Naipaliliwanag ang kaibahan ng mito, alamat at
kuwentong-bayan.
Saykomotor: Nasusukat ang katagian ng mito, alamat at
kuwentong-bayan sa pamamagitan ng pasusuri sa mga
element nito.
Apektiv: Naipaliliwanag nang may buong katapatan ang
nagawang ulat.
II:PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: MITO, ALAMAT, KUWENTONG-BAYAN
B. SANGGUNIAN: Supplemental Lesson Plan sa Fil. Grade 7
C. KAGAMITANG Manila paper, pentel pen
PAMPAGTUTURO:
III: PAMAMARAAN: Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga nakasulat na
parirala.
A: Paghahanda: 1. Ano ang tawag nyo sa mga ito?
2. Saan nyo ito nabasa?
3. Ano kaya ang ibig ipakahulugan ng mga ito?
Ipabigay sa mga mag-aaral ang kahulugan ng mga
parirala at apagamit ito sa pangungusap.
Sabihin sa mga mag-aaral na humanap pa sila ng
ibang parirala mula sa binasang teksto at
subuking ibigay ang kahulugan.

B: Paglalahad: Pangkatin ang klase sa 5 pangkat. Sabihin sa mga


mag-aaral na paghambingin ang tatlong kuwento
batay sa mga element nito. (Magpapakita ditto ang
guro ng halimbawa ng tsart na pupunan ng mga mag-
aaral ng mga impormasyon.)
C: Pagsasanay: Ang bawat pangkat ay gagawa ng tsart na
nagpapakita ng paghahambing sa tatlong teksto.
Ito ay pupunan nila ng mga kailangang
impormasyon.
D: Paglalapat: Papiliin ang mga mag-aaral ng alinman sa mga
natalakay na paksa. Ipasulat ang buod nito na
napapalooban ng mga element.
D: Paglalahat: Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi
nila tungkol sa mito, alamat at kuwentong-bayan.
Tanungin din sila kung ano ang epekto nito sa
kanila.
IV: PAGTATAYA: Ipabigay ang mga element ng isang maikling
kuwento.
V: TAKDANG-ARALIN: Ang isang talata ay may tatlong bahagi; panimula,
gitna at wakas. Alamin kung ano ang kahulugan ng
mga ito.
ARALIN 2: Sesyon 2
Aralin: ALAMAT, KUWENTONG-BAYAN AT MITO

TUKLASIN
Ang isang kuwento ay nagtataglay ng mga elemento. Sa mga
kuwentong inyong nabasa tulad ng mito, alamat at kuwentong-bayan,
tuklasin ninyo kung ano-ano ang mga elemento ng isang kuwento.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Ano ang ibig sabihin ng elemento?


2. Ano - ano ang mga elemento ng isang kuwento ang inyong
nalalaman?

GAWAIN 1
Ilagay sa loob ng kahon ang mga salitang sa palagay ninyo ay mga
elemento ng isang kuwento at ilagay sa labas ng kahon ang mga salitang
sa palagay nyo ay hindi isang element
ng isang kuwento.

tagpuan nilalaman paksa tauhan kaayusan kaisipan


mekaniks kultura

GAWAIN 2
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano-an0 ang mga salitang nakalagay sa loob ng kahon? Labas ng
kahon?
2. Bakit napili nyo ang mga salitang ito bilang mga elemento ng isang
kuwento?

ALAM MO BA NA......

Ang mga elemento ng kuwento ay ang TAGPUAN, TAUHAN, PAKSA, KAISIPAN


at KULTURA.
Ang TAGPUAN ay tumutukoy sa lugar na ginaganapan ng mga pangyayari sa
kuwento. Ang TAUHAN ay tumutukoy sa mga gumaganap sa kuwento. Ang PAKSA ay
nagsasabi kung tungkol saan ang istorya ng kuwento. Ang KAISIPAN ay
nagpapahayag kung ano ang mensaheng napapaloob sa kuwento at ang KULTURA
naman ay naglalarawan sa uri ng kultura at o paraan ng pamumuhay ng mga
tauhan.

GAWAIN 3
Paghambingin ang tatlong kuwento na inyong binasa batay sa mga
elemento nito.

ELEMENTO ALAMAT MITO KUWENTONG-BAYAN


Paksa
Tauhan
Tagpuan
Kaisipan
Kultura

GAWAIN 4
Pumili ng isa sa mga kuwentong binasa ( Si Malakas at Maganda,
Ang Pinagmulan ng
Paruparo at Ang Hukuman ni Sinukuan) at isulat ang buod
nito na napapalooban pa rin ng
mga elemento nito.

TANDAAN:
Ang mga elemento ng isang kuwento ang magsisilbing daan upang
magkaroon ng kuwenta, halaga o saysay ang kuwento.

PAGTATAYA

PAGSUBOK NG KAALAMAN:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1.Ano-ano ang mga elemento ng isang kuwento?
2.Bakit kailangang magkaroon ng mga elemento ang isang kuwento?

TAKDANG ARALIN

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod:


a. Panimula
b. gitna
c. wakas

SUBJECT: FILIPINO BAITANG: 7


PETSA: SESYON: 3
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
PANGNILALAMAN: akdang pampanitikan ng Luzon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita tungkol sa kanilang sariling
lugar.
KOMPETENSI: 2.Naipaliliwanag ang tema at iba pang elemento
ng mito/ alamat/ kuwentong-bayan batay sa
napanood na halimbawa.F7PD-IIId-e-14
3.Naisasalaysay nang maayos at magkakaugnay
ang mga pangyayari sa napanood na mito/
alamat/ kuwentong-bayan. F7PS-IIId-e- 14
4.Nasusuri ang mga katangian at elemento ng
mito/ alamat/ kuwentong-bayan. F7PB-IIId-e-16
I: LAYUNIN:
Kalaman: Naibubuod ang napapanood na mito/ alamat at
Kuwentong- bayan.
Saykomotor: Nakabubuo ng isang pagsasalaysay o estorya
batay sa isang alamat.
Apektiv: Naipamamalas ang pagkakaroon ng sariling
disiplina
sa panonod ng palabas.
II: PAKSANG-ARALIN:
A: PAKSA: MITO/ ALAMAT/ KUWENTONG-BAYAN
B: SANGGUNIAN: Supplemental Lesson Plan ng Grade 7
C: KAGAMITANG LAPTOP, T.V.
PAMPAGTUTURO:
III: PAMAMARAAN:
A: Paghahanda: 1. Sino sa inyo ang nakapanood ng mga palabas
tungkol sa mga mito, alamat at kuwentong-
bayan?
2. Kung wala pang nakapanood, tanungin ang mga
mag-aaral kung bakit hindi pa sila nakapanood
ng mga ganitong klaseng palabas.
3. Tanungin ang mga mag-aaral na gusto ba
nilang manood ng palabas tungkol sa mito,
alamat/ kuwentong-bayan.
Magpapalabas ang guro ng mito/alamat/
kuwentong-bayan. Sasabihan ng guro ang mga
mag-aaral na maging tahimik habang nanonood.
Pagkatapos, tanungin ang mga mag-aaral kung
nagugustuhan ba nila ang napanood na palabas.
B: Paglalahad: Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang mga
elemento ng kwentong napanood. Ibigay ito
bilang isang pangkatang gawain.
C: Pagsasanay: Matapos ang ginawang pagsusuri ng bawat
pangkat, ibahagi ito sa buong klase.
D:Paglalapat: Hayaang isasalaysay ng mga mag-aaral ang
kuwento sa harap ng klase. Bawat pangkat ay
may representative na magsagsalaysay.
Gagabayan ng guro ang gagawing pagsasalaysay.
Sasabihin ng guro sa mga mag-aaral na sila ay
mamarkahan batay sa inihandang rubric.
E. Paglalahat: Pabuuhin ang mga mag-aaral ng isang pahayag
kung ano ang mensaheng nakuha nila mula sa
panonood ng mga matatandang anyo ng panitikan.
IV: PAGTATAYA: Ibuod ang napanood na alamat.
Ibigay ang kaibahan ng alamat, mito at
kuwentong-bayan.
V: TAKDANG-ARALIN: Magsaliksik tungkol sa kung paano ang pagsulat
ng isang mahusay na talata.
ARALIN 2: Sesyon 3
Aralin: ALAMAT, KUWENTONG-BAYAN AT MITO

TUKLASIN
Ang ating bansa ay mayaman sa mga mito, alamat at mga
kuwentong-bayan. Ang kailangan lamang nating gawin ay tuklasin
kung ano-ano ang mga ito. Isa sa paraan upang matuklas natin ang
ating mga kuwento ay sa pamamagitan ng panonood. Sa araw
na ito, isang alamat ang inyong panonoorin.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

Anong klaseng prutas ito? Nakatikim na ba kayo nito? Masarap ba o


hindi? May nakita ba kayong dapat ninyong ipagtataka? Ano ito?
Alam ba ninyo ang kuwento tungkol dito?

GAWAIN 1

Gumawa ng isang maikling istorya batay sa mga larawan.


GAWAIN 2
Madali lang ba o mahirap ang paggawa ng istorya?
Pamilyar ba ninyo ang mga pangyayari sa larawan?
Bakit?

ALAM MO BA NA......

Ang alamat ay nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay


bagay sa daigdig.Ito rin ay nagsasalaysay kung bakit at paano
nangyari ang mga bagay na ito. Ang alamat ay isang piksyon kaya wala itong
Siyentipikong basehan.

GAWAIN 3
Panonoorin ng mga mag-aaral ang isang video ng alamat ng pinya.

GAWAIN 4
Batay sa napanood na alamat, sino ang mga tauhan? Ano ang naging
tagpuan ng
kuwento?Ano ang paksa at kaisipang napapaloob sa kuwento?
Masasabi ba ninyo ang
kulturang inilalarawan sa kuwento?

TANDAAN:
Ang mga alamat, mito at mga kuwentong-bayan ay mga akdang
pampanitikan na sumasalamin sa mga kultura at tradisyon ng ating
mga ninuno. Dapat lamang na ito" ating pagyamanin at mahalin
dahil ito lamang ang tanging kayamanang ating namana
mula sa ating mga sinaunang lahi.
PAGTATAYA

PAGSUBOK NG KAALAMAN:
1. Ibuod ang napanood na alamat.
2. Ibigay ang kaibahan ng alamat, mito at kuwentong-bayan.

GAWAIN 5
Batay sa napanood na alamat, sino ang mga tauhan? Ano ang naging
tagpuan ng
kuwento? Ano ang paksa at kaisipang napapaloob sa kuwento?
Masasabi ba ninyo ang
kulturang inilalarawan sa kuwento?

Isulat ang buod ng kuwentong-bayan, alamat at mitolohiyang tinalakay sa klase.


Gawing batayan ang rubrik sa pagmamarka.

RUBRIK

Kaayusan 40%

Nilalaman 30%

mekaniks 20%

Angkop na salitang gamit 10%

TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa kung paano ang pagsulat ng isang mahusay


na talata.
SABJEK: FILIPINO BAITANG: 7
PETSA: SESYON: 4
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
PANGNILALAMAN: pampanitikan ng Luzon.
PAMANTAYAN SA Nisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
PAGGANAP: pagbabalita tungkol sa sariling lugar.
KOMPETENSI: 1.Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa
panimula, gitna at wakas ng isang akda. F7WG-IIId-e-
14
I. LAYUNIN:
Kaalaman: Natutukoy ang angkop na mga pahayag sa panimula,
gitna at wakas ng isang akda.
Saykomotor: Naisasaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa akdang napakinggan.
Apektiv: Naisasagawa ang isang gawain na may bukas na isipan.
II: PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: Kasanayang Panggramatika ( mga angkop na pahayag sa
pagsulat ng panimula, gitna at wakas ng talata)
B. SANGGUNIAN: Supplemental Lesson Plan/ internet
C.KAGAMITANG Manila paper, pentel pen, photocopies ng halimbawang
PAMPAGTUTURO: talata
III: PAMAMARAAN:
A. Paghahanda: Magpakita ang guro ng isang talata.
1. Ano ang tawag ninyo sa nakasulat sa manila paper?
2. Ano ang talata?
3. Paano kaya isusulat ang isang talata?
Ipabasa ng guro sa mga mag-aaral ang talata.
1. Tungkol saan ang talata?
2. Ano ang masasabi nyo sa pakakasulat ng talata?
B. Paglalahad: Talakayin ang kasanayang panggramatika sa klase.
Ipakita sa klase ang halimbawang talata. Sabihin sa
mga mag-aaral na sa pagsulat ng talata ito ay may
panimula, gitna at wakas.( ipaskil ito sa pisara)
Itanong sa klase kung ano ang panimula/ gitna at
wakas.
Ipakita at ipabigkas sa mga mag-aaral ang mga
salitang pangtransisyon tulad ng noon, ngunit,
subalit, samakatuwid, una, ikalawa at huli.
Ipaliwanag ng guro kung ano ang mga ito at saan ito
ginagamit. Ipaliwanag din ng guro na ang panimulang
talata ang nagsisilbing daan ng pagsasalaysay ng
paksa ng akda, sinusundan ito ng pang-ugnay na talata
patungo sa gitnang talata at kaagad-agad na
sinusundan ng pangwakas na talata.
C. Pagsasanay: Ipahanay sa mga mag-aaral sa loob ng dayagram ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tatlong
kuwentong napakinggan. Pangkatin ang klase sa tatlo
para sa tatlong akda. Ipaaalala sa mga mag-aaral na
kailangang laging bukas ang isipan sa pagtanggap ng
mga mungkahi mula sa mga kasamahan.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
D. Paglalapat: Gumawa ng sariling kuwento tungkol sa tatlong
magkakaugnay na larawan.
E. Paglalahat: Sa isa o dalawang pangungusap, ano ang mahalagang
bagay ang inyong natutunan sa ating sesyon ngayon?
IV. PAGTATAYA: Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang tatlong
bahagi ng talata. Ano-ano ang mga salitang
pangtransisyon?
V. TAKDANG-ARALIN: Magbasa ng iba pang alamat o kuwentong-bayan at
sumulat ng buod na nagpapakita sa simula, gitna at
wakas.
ARALIN 2: Sesyon 4
Aralin: ALAMAT, KUWENTONG-BAYAN AT MITO

TUKLASIN
Sa pagsulat ng isang talata kailangang ito ay maging maayos
at kawili-wiling basahin. Upang mangyari ito, mahalagang
matutuhan natin ang pagsulat ng isang maayos na talata. Sa
araling ito, tuklasin natin kung paano ba ang pagsulat ng talata.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1.Ano ang talata?


2. Hilig ba ninyo ang pagsulat ng talata? Bakit?
3.Gusto ba ninyong matutuhan ang paraan upang makasulat kayo ng
isang maayos na talata?

GAWAIN 1
Ipahanay sa mga mag-aaral sa loob ng mga kahon ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa tatlong kuwentong
nabasa. ( Ang unang pangkat ang gagawa sa alamat,
ikalawang pangkat ay ang kuwentong-bayan at mito naman
ang sa pangatlong pangkat)
PANIMULA

GITNA

WAKAS

GAWAIN 2
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang inyong masasabi sa inyong ginawa?
2. Madali lang ba para sa inyo ang pagsulat sa simula? Sa gitna? at
wakas?

ALAM MO BA NA......

SIMULA _________ ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang


interes ng tagapakinig o ng mambabasa, Dito nabubuo ang larawan at
nakikita ang aksyong magaganap sa isinasalaysay. Maaaring simulan ito sa:
Noong unang __, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula.

GITNA ________sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-kawing na


pangyayari at paglalarawang nasimulan. Aabangan kung paano magtatagumpay
ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali at matuto ang katunggaling
tauhan. Maaaring gamitin ang: kasunod, pagkatapos, walang ano-ano'y, at iba
pa na maghuhudyat ng kasunod na pangyayari.
WAKAS_________Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng
mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa
kalooban at isipan ng lahat. Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas, at
iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos. mga tauhan.

GAWAIN 3
Gumawa ng sariling kuwento tungkol sa tatlong magkakaugnay na
larawan sa ibaba.

1.

2.
3.

GAWAIN 4
Ilalahad sa klase ang nagawang kuwento

TANDAAN:
Sa pagsulat ng isang talata, mahalagang magkaroon ito ng
magandang simula, kawing-kawing ang mga pangyayari at may
makabuluhang wakas.

PAGTATAYA

PAGSUBOK NG KAALAMAN:

Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod.


Isulat sa loob ng kahon kung ito'y sa simula,
gitna at wakas.
1. Dito pinananatili ang kawing-kawing na
pangyayari.

2. Ito ang maiiwan sa isip ng tagapakinig o


mambabasa.

3. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig


o
mambabasa upang makinig o magbasa.

4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba


pang
pangyayari.

5. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang


aksyong
magaganap sa isinasalaysay.

GAWAIN 5
Magbasa ng iba pang halimbawa ng alamat o mito o kuwentong-bayan
at sumulat ng buod.
Sa pagbubuod kailangang maipakita ang simula, gitna at
ang wakas.

TAKDANG ARALIN

Magbasa ng iba pang alamat o kuwentong-bayan at sumulat ng buod


na nagpapakita sa simula, gitna at wakas.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman: akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang
halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan
F7PS-IIIa-c-13
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng pagpapangkat
F7PT-IIIa-c-13
I LAYUNIN:
Nakikilala ang Tulang Panudyo,Tugmang de Gulong
Kaalaman: , Palaisipan, at Bugtong
Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang
Saykomotor: halimbawa ng alin man sa Tulang Panudyo,
Tugmang de Gulong, Palaisipan, Bugtong
Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagpapahalaga
Apektiv: sa mga akdang nagpapatalas ng isipan.
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan,
at Bugtong
B. SANGGUNIAN Tinig ng Lahi I,
https:www.scribd.com/doc/266988745/Tugmang
Panudyo
C. KAGAMITANG Aklat, Sipi ng mga teksto
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA *Nasubukan n’yo na bang tuksuhin?
Pangmotibisyunal na *Ano kadalasan ang naging tugon ninyo kapag
tanong: tinutukso?
*Dapat bang magalit kapag tinutukso?
Aktiviti/ Gawain
Ipasagot sa mga mag-aaral ang palaisipan. Mag-
uunahan sa pagsagot ang mag-aaral sa klase.
Umpisahan ang pagtatanong, pagkatapos ay
tumawag ng isang mag-aaral upang siya naman ang
magtanong. Maaaring hanggang limang palaisipan.

Paano tatawa ang dalaga na hindi makikita ang


kaniyang ngipin?
Sagot: Tatakpan ng kamay ang kanyang ngipin
B. PAGLALAHAD 1. Kasanayang pampanitikan
Abstraksyon Unang Pagbasa (Maaaring gawing
indibiduwal o pangkatan.
(Pamamaraan ng
pagtalakay Ikalawang Pagbasa (Ipabasa nang
tahimik sa mga
mag-aaral ang
teksto
Paglinang ng Talasalitaan
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang
salitang ugat at panlaping ikinabit rito,
pagkatapos ay pabigyan ng sariling kahulugan.
Pagtalakay ng Aralin
C. PAGSASANAY Tukuyin kung ang mga sumusunod ay bugtong,
Mga palaisipan, tugmang de gulong at awiting
paglilinang na gawain panudyo
D. PAGLALAPAT Pangkatang Ipaawit ang awiting panudyo na Chit-
Aplikasyon Chirit-Chit sa harap ng klase nang may kilos
E. PAGLALAHAT Buod ng talakayan...
Generalisasyon
IV PAGTATAYA Ipahula sa mga mag-aaral ang sagot ng
halimbawang bugtong, palaisipan, awiting
panudyo/tugmang de gulong
Sagot para sa pagtataya
1. Kandila
2. Tubo
3. Trumpo
4. Braso
5. Salamin
6. Bibig
7. ulap
V TAKDANG ARALIN Magtala o maglista ng dalawang palaisipan na
galling sa lolo o lola ninyo. Dalawang
halimbawa ding palaisipan na galling sa mga
kabataan.

ARALIN 3.1: Sesyon 1


Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO
TUKLASIN
Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang
Pilipino na ayon sa kasaysayan ang mga unang Pilipino ay may likas
na kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng
salitang naiayos sa maanyong paraan.Ayon kay Alejandro Abadilla “Bawat kibot
ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan” kaya’t ito ang
ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang akdang
patula.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Nasubukan n’yo na bang tuksuhin?


2. Ano kadalasan ang naging tugon ninyo kapag tinutukso?
3. Dapat bang magalit kapag tinutukso?

GAWAIN 1
Talas ng Isip
Susubukin natin ang talas ng iyong isipan. Mag-uunahan kayo sa
pagsagot sa tanong na
nasa ibaba pagkatapos masagot ang unang tanong ay kayo naman ang magtatanong
at tatawag ng kapwa mag-aaral para sagutin ang iyong palaisipan. Magpapatuloy
ang gawain hanggang limang mag-aaral. Ang unang tanong ay “Paano tatawa ang
dalaga na hindi makikita ang kaniyang ngipin?”

ALAM MO BA NA......

ang awiting panudyo ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang


layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam.? Ito ay kalimitang may
himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula?

Halimbawa: Chit-Chirit-Chit

Sitsiritsit,
alibangbang
Salaginto at
salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang
tandang

Santo Niño sa Pandakan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong
magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale, namamayong


Pasukubin yaring
sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong
Sanggunian: http://www.songlyrics.com/mabuhay-singers/chit-chirit-
chit-lyrics/

Santiago, Erlinda M. Et al.(2016). Panitikang Filipino

Ang Tugmang De Gulong sa simpleng pagpapakahulugan ay ang mga paalala na


maari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at
tricycle.Sa pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may
kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Halimbawa ng mga
Tugmang De Gulong ay ang mga sumusunod maaari itong nasa anyo ng
salawikain, maikling tula o kasabihan gaya ng mga sumusunod:

1. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa


paroroonan.
2. Kahit ano pa ang ganda mo, Drayber lang ang katapat mo.
3. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
4. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
5. Sitsit ay sa aso, Katok ay sa pinto, sambitin ang "para" sa tabi tayo'y
hihinto.
6. Huwag Dumi-kwatro sapagkat dyip ko'y di mo kwarto.
7. Ms. na sexy, kung gusto mo'y libre sa drayber ka tumabi.
8. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga.
9. God know's Hudas not pay.
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Tugmang_de_gulong&oldid=165429

ang bugtong ay isang libangang sagutan na binibigkas nang patula. Ito ay


isang sining na nangangailangan ng kasanayan sa pagtutugma at talas ng isip
sa pagbibigay ng sagot na binubuo lamang ng isa o dalawang taludtod na
maikli na may sukat at tugma.
Halimbawa:
Di madangkal, di madipa sagot:
karayom
Pinagtutulungan ng lima

Isang supot na uling, sagot:


duhat
Naroo’t bibitin-bitin

May ulo’y walang buhok, sagot: palaka


May tiyan walang pusod
ang palaisipan ay mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig?
Sa una ay akala mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin,
ito ay nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal
sa mga nagtatangkang sumagot

Halimbawa
May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian,
pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng
binatang sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa

GAWAIN 2
Tukuyin ang salitang ugat ng sumusunod at ang panlaping ikinabit
rito, pagkatapos ay
bigyan ng sariling kahulugan.

a. Palaisipan=salitang ugat_____________________at
panlapi______________________
Kahulugan:
_____________________________________________________________
b. Awiting bayan=salitang ugat_________________ at
panlapi______________________
Kahulugan:___________________________________________________________
__
c. Bugtong=salitang ugat______________________ at
panlapi______________________

Kahulugan:_____________________________________________________________
d. Tugmang de gulong=salitang ugat_____________at
panlapi______________________
Kahulugan:___________________________________________________________
__
e. Awiting Panudyo salitang ugat_______________at
panlapi_______________________
Kahulugan____________________________________________________________
__

Mula sa mga salitang hinimay-himay sa itaas pangkatin ang salita batay sa


anyo nito kung ito ay

Tambalang salita May lapi


GAWAIN 3
Basa-Hula

Basahin at tukuyin kung ang mga sumusunod ay bugtong,


palaisipan, tugmang de gulong at awiting panudyo.

1. Lumalakad ang bangka


ang piloto’y nakahiga
2. May dalawang aso, ang isa pinakawalan at ang isa naman ay nanatiling
nakakulong. Sinong sisigaw ng pakawalan mo ako?
3. Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi
4. Bata batuta
Samperang muta
Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak,
Batang duwag
Matapang kat nasa pugad,
5. Ang di magbayad walang problema, sa karma bayad ka na
6. Mga pare, please lang kayo'y tumabi pagkat dala ko'y sandatang walang
kinikilala - ang aking MANIBELA.
7. Ako’y isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo
Pedro Panduko matakaw sa tuyo
8. Gumagapang pa ang ina
Umuupo na ang anak

GAWAIN 4
Awitin mo at isasayaw ko

Kankatahin ninyo sa harap ang Chit Chirit Chit at lalagyan ng angkop na


kilos o galaw. Ang unang pangkat ang kakanta at ang ikalawang pangkat ang
sasayaw, ganoon din ang gagawin ng pangkat tatlo at pangkat apat.

TANDAAN:

Mayaman ang mga Pilipino sa karunungang bayan. Kasabay ng


pagbabago ng panahon nagbabago rin ang estilo sa pagsulat ngunit
palaging tandaan na ang palaisipan, bugtong, awiting panudyo/tulang de
gulong ay hindi lamang nagbibigay- aliw kundi nagpapatalas din ng ating
isip.
GAWAIN 5
Pagsubok ng kaalaman

Hulaan ang tamang sagot ng bugtong.Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at


isulat sa sagutang papel.

kandila braso
trumpo bibig

ulap salamin
tubo saging

1. Kung gusto mong tumagal ang aking buhay


kailangan ako ay mamatay
2. May binti ay walang hita,
may balbas ay walang baba
3. Nang hawak ko ay patay,
nang ihagis ko ay nabuhay
4. Isang puno limang sanga
walang dahon walang bunga
5. Kamukha mo, kamukha ko
nanahan dito
6. Isang balon na malalim
punong-puno ng patalim
7. Umiitim na parang tinta
pumuputi’y na di ikinukula

GAWAIN 6
Pagsubok ng kaalaman

Magtala o maglista ng dalawang palaisipan na galing sa lolo o lola


ninyo. Dalawang halimbawa ding palaisipan na galing sa mga kabataan.

TAKDANG ARALIN

Magtala o maglista ng dalawang palaisipan na galling sa lolo o


lola ninyo. Dalawang halimbawa ding palaisipan na galling sa
mga kabataan.
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 2
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar
Kompetensi: Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng
bisang pandamdamin ng akda
F7PB-IIIa-c-13
Naihahambing ang mga katangian ng tulang Panudyo/Tugmang
de Gulong at palaisipan
F7PB-III-a-c-14
I LAYUNIN:
Kaalaman: Natutukoy ang bahagi ng tekstong naglalahad ng bisang
pandamdamin.
Saykomotor: Naihahambing ang Tugmang de Gulong at Tulang Panudyo;
Palaisipan at Bugtong
Apektiv: Nakapagbabahagi ng bisang pangkaisipan at bisang
pandamdamin batay sa binasang akda
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan, at Bugtong
B. SANGGUNIAN Tinig ng Lahi I,
https:www.scribd.com/doc/266988745/Tugmang Panudyo
C. KAGAMITANG Aklat, Sipi ng mga teksto
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
D. PAGHAHANDA 1. Sino sa inyo ang mahilig ng pick-up lines?
Pangmotibesyunal na 2. Ano ang kaibahan ng pick-up lines sa flip top?
tanong:
3. Ang dalawang nabanggit ba ay nauso sa ating
lugar?
Aktiviti/ Gawain a. Pahuhulaan ng mga bata ang larawan ng iba’t ibang
damdamin(masaya, malungkot, galit, nag-aalinlangan etc.)
b. Manood ng halimbawang flip top
E. Paglalahad Ipabasa muli ang halimbawang tulang panudyo
Abstraksyon Tatalakayin ang nilalaman ng teksto at ipatukoy ang
damdaming napapalob sa binasang teksto.
(Pamamaraan ng pagtalakay)
F. PAGSASANAY Gamit ang venn diagram paghambingin ang Tulang Panudyo at
Mga paglilinang na gawain Tugmang de Gulong; Bugtong at Palaisipan

D. PAGLALAPAT *Ipabasa ang isang Flip top


Aplikasyon *Ipasuri ang nilalaman ng ng mga ito
* Itanong kung paano ito nakaaapekto sa kanilang kaasalan at
pag-iisip
E. PAGLALAHAT Sa larangan ng masining na uri ng pagtatalo o debate,
Generalisasyon sinasabing malaki ang pagkakatulad ng makalumang
sining ng balagtasan at ng makabagong sagutan ng
fliptop....
IV PAGTATAYA Paglalahad ng bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa
kabuuang talakayan
V TAKDANG-ARALIN Manood ng dokumentaryo sa youtube o telebisyon kaugnay sa
tinalakay na tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan
ARALIN 3.1: Sesyon 2
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Sumasabay ang wika sa mabilis na pag-usad ng panahon;
nagbabago man ang anyo o may natatalikdan, ngunit ito ang patunay
na ang buhay ay puno ng kulay Hindi maikakaila ang pag-usbong ng
mga makabagong anyo ng talastasan sa bansa katulad ng pick-up lines at fliptop
na karaniwang maririnig sa radyo, telebisyon at pampublikong mga lugar.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Sino sa inyo ang mahilig ng pick-up lines?


2. Ano ang kaibahan ng pick-up lines sa flip top?
3. Ang dalawang nabanggit ba ay nauso sa ating lugar?

GAWAIN 1
Damdamin ko hulaan mo

Tukuyin ang iba’t ibang damdamin na nasa larawan.

GAWAIN 2
Panoorin ang video clip ng isang halimbawang flip top
https://www.youtube.com/watch?v=FT9tPR28uW4.

1. Magaling ba ang dalawang magkatunggali?


2. Naipahayag ba ang angkop na damdamin sa bawat kalahok?
3. Ano ang paksa ng pagtatalo?

ALAM MO BA NA......

maraming emosyon o damdamin tayong nararamdaman habang binabasa o


pinakikinggan ang isang pahayag?
Maaaring hindi pare-pareho ang naramdaman sapagkat iba-iba naman ang
pananaw ng tao, ngunit mayroong epekto o pagbabagong naganap sa iyong
damdamin matapos mabasa ang akda, ito ay tinatawag na bisang pandamdamin.
http://cr0xxavenzare.blogspot.com/2012/08/bisang-pandamdamin-pang-kaisipan-
at.htm
GAWAIN 3
Balikan natin ang awiting panudyo na tinalakay natin kahapon,
ang Chit Chirit Chit.

Chit-Chirit-
Chit

Sitsiritsit,
alibangbang
Salaginto at
salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang
tandang

Santo Niño sa Pandakan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong
magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale, namamayong


Pasukubin yaring
sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong

1. Sino-sino ba ang nabanggit sa una hanggang ikaapat na saknong?


2. Paano inilarawan ang mga ito?
3. Anong damdamin ang namayani sa unang saknong, sa ikalawang saknong,
sa ikatlong saknong at sa ikaapat na saknong? Ipaliwanag.
4. Bakit kaya naisulat ng writer ang ganitong uri ng kanta?
5. Bilang mag-aaral tangkilikin ba ninyo ang ganitong uri ng kanta?
Bakit?

GAWAIN 4
Paghahambing

a. Ihanay sa loob ng venn diagram ang katangian ng awitin/o tulang


panudyo at tugmang de gulong. Iulat ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng sumusunod.

Awitin/Tulang Panudyo
Tugmang de Gulong
Pagkakaiba
Pagkakaiba

Pagkakatulad

b. Ihanay sa loob ng venn diagram ang katangian ng bugtong at


palaisipan.Iulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng sumusunod

Bugtong
Palaisipan

Pagkakaiba
Pagkakaiba

Pagkakatulad

GAWAIN 5
Paglalapat (Pangkatang gawain)

Basahin at suriin ang nilalaman ng halimbawang flip top at ilahad kung


paano nakaaapekto sa inyong kaasalan at pag-iisip. Iuulat ng lider ang
napag-usapan ng bawat pangkat

Abra fliptop lines vs NothingElse

Bakit mo ko hinamon? Akala mo ba uubra ka? Triple nga yang bigat mo sakin
pero kalahati lang ang utak kung ikukumpara. Pero hindi ka pwedeng tawaging
kalahating bobo dahil ikaw ay purong tanga.

Para kang nakikipaglaban sa agila habang itlog ng pugo ka pa. Sinusumbong


ka na ba? Nararamdaman mo na ba ang kilabot? Nanunuod kasi ako ng porky pig
kaya hindi ako sanay sa baboy na nakasimangot.

Napakalusog mo ikaw yung tipong baboy na hindi pwedeng hindi kainin.


Laking pigrolac premium hog feeds kaya laging malaman, mabigat at di
sakitin.
Okay gumawa na lang tayo ng senaryo na ang cast ay tayo din. Disney
Channel Special, Hip-hop version ng Lion King. Si Anygma yung Lion King tas
si Pikoy naman si Simba. Tapos dito sa gitna nag ra-rap battle si SiTimon
at Pumba. Pero para sayo tsong wala ng hakuna matata pagkat para kitang
ginagamitan ng kinatatakutang sandata. Kung magtago ka baka makatarungan pa
ata kasi dito sa fliptop ikaw ang unang makata na natabunan ng bata.

Matanda ka na nga pero para sakin ikaw ang beteranong olats kasi nung
nagsimula akong mag rap nalampasan kita ng wala pang bente kwatro oras.

Yan na? yan na ba ang rap na pinagmamalaki mo? Medyo pwede na sana kaso
lang wala samin ang nakakaintindi ng mga pinagsasabi mo. Ewan ko ba kung
natatae ka, nagbebenta ng DVD basta napakawalang kwenta at malabo. Hindi ka
rapper mas bagay kang announcer sa karera ng kabayo.

Ang sagwa kasi ng flow mo at ang taba taba taba mo bakit di ka pa magbago
mukha ka ng gago.

“nagchoke si Abra dito at the last second of the second round”

Yeoh! Nagchoke ako pero di mo ko mananalo kahit magensayo ka ng sampung


taon. Putang na lang kung manalo ka pa pagkatapos ng ginawa ko sayo ngayon.
Ang makalimot sa first day ng battle oo trauma ko yun. Pero kapag mya
bumoto pang judge sa put@ng inang battle na to sigurado ako tropa mo yun.

“Another choke at the beginning of the 3rd round”

Hanggang lokal ka lang international ang aking rap tsong,kungbaga sa


videogame para lang itong captain barbel vs capcom. Magfarmville ka na lang
hindi ka pwedeng pang battle realms. Ang ibig sabihin ng pangalan mo
matabang rapper, nothing else, alam mo kung bakit? Wag mo na alamin kasi
bobo ka. Hinihila mo lang pababa ang ambon kaya mas mabuti pa na magsolo
ka.

Kulang ka sa utak mag-aral ka ng gramatika at matematika. Wag kang


antipatika nakikipagdebate ka sa makina putakte ka wala ka man lang
taktika.

Posted: December 27, 2012 in fliptop


Tags: entertainment, fliptop battles, rap battle, rap battles

TANDAAN:
Sa larangan ng masining na uri ng pagtatalo o debate, sinasabing
malaki ang pagkakatulad ng makalumang sining ng balagtasan at ng
makabagong sagutan ng fliptop. Makulay na bahagi ito ng ating
kultura, na minsan, nagiging bagahe natin dahil hindi natin masabi nang
deretsahan ang ating saloobin dahil sa takot na makasakit ng kapuwa lalo
pa’t ang sasabihin natin ay totoo namang makakasakit sa kapuwa. Tandaan
lang palagi na marunong tayong sumuri sa lahat ng binasa, pinanood at sa
pinakinggan.
GAWAIN 6
Pagsubok ng kaalaman

Batay sa kabuuang talakayan, sagutin ang sumusunod para sa bisang


pangkaisipan at bisang pandamdamin.
1. Ano ang iyong opinyon matapos matalakay ang debateng patula na flip
top?
2. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa at mapanood ang halimbawang flip
top?

GAWAIN 7
Manood ng isang dokumentaryo sa youtube o telebisyon kaugnay
sa tinalakay na tula/awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at
palaisipan. Suriin ang mga ito at alamin kung may katotohanan ba ang
sinabi ni Alejandro Abadilla na “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may
ibig sabihin at katuturan” kaya’t ito ang ipinalalagay na pangunahing
dahilan kung bakit nabuo ang iba pang akdang patula.

TAKDANG ARALIN

Manood ng dokumentaryo sa youtube o telebisyon kaugnay sa tinalakay na


tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 3
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
ponemang suprasegmental
(tono, diin, antala), at mga di-berbal na
palatandaan (kumpas, galaw ng mata /katawan
at iba pa )sa tekstong napakinggan
F7PN-IIIa-c-13
Nasusuri ang nilalaman ng napanood na
dokumentaryo kaugnay ng tinalakay na mga
tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan
F7PD-IIIa-c-13
Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa
pagbigkas ng mga tula/awiting panudyo,
tulang de gulong at palaisipan
F7wG-IIIa-c-13
I LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng tono, diin at
Kaalaman: antala
Nakagagawa ng sariling bersiyon ng awiting
Saykomotor: panudyo na ginagamitan ng angkop na tono,
diin, at antala na nalalapatan ng galaw na
angkop para sa awit.
Nakapagtatanghal ng sariling bersiyon ng
Apektiv: awiting panudyo upang maipakita ang kanilang
pagkamalikhain
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong,
Palaisipan, at Bugtong
Ponemang suprasegmental at di-berbal na
palatandaan
B. SANGGUNIAN Internet, Aklat
C. KAGAMITANG Video clip, aklat, LM
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA Ano ang ponema?
Pangmotibesyunal na Paano bigkasin ang mga sumusunod? /a,e,i,o,u/
tanong: /b,k,d,f,g,h,j,k,l,m,n,p,q,r,s,t/
Mahalaga ba ang mga ponema?
Aktiviti/
Gawain Ipabasa nang wasto ang mga salita at pahayag
batay sa bantas na ginamit.

B. Paglalahad Kasanayang Panggramatika


Abstraksyon Tatalakayin ang tungkol sa kasanayang
panggramatika , ang Ponemang Suprasegmental
(Pamamaraan ng pagtalakay
Manonood ng dokumentaryo kaugnay ng tinalakay
na mga tula/awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan pagkatapos ay ipasuri
ito.
C. PAGSASANAY Mula sa naitalang awiting panudyo, magpagawa
Mga paglilinang sa mga mag-aaral ng sariling bersiyon nito na
na gawain ginagamitan ng angkop na tono, diin, at
antala. Sasangkapan ito ng mga kilos at galaw
na angkop para sa awit.
D. PAGLALAPAT Presentasyon ng kanilang nabuong gawain na
Aplikasyon pag-awit ng sariling bersiyon at paglapat ng
angkop na galaw
E. PAGLALAHAT Ilahad sa paglalahat ang kahalagahan ng
Generalisasyon Ponemeng suprasegmental na aspekto at ang di-
berbal na aspekto sa paglalapat rito.
IV PAGTATAYA Idodokumento ang gawain at ilalagay sa
YouTube upang mapanood ng madla
V TAKDANG-ARALIN Magsaliksik tungkol sa mga karagdagang
impormasyon sa bugtong, awiting panudyo,
palaisipan at tugmang de gulong at maghanda
para sa pagawa ng sariling likhang akda.
ARALIN 3.1: Sesyon 3
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Sa alinmang w ika, mahalaga ang mga tunog. Makabuluhan ang
mga tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita.
Bukod sa pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang makilala
ang kahulugan ng salita o pahayag gayundin ang layunin, intensyon, at saloobin
ng nagsasalita.
MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Ano ang ponema?


2. Paano bigkasin ang mga sumusunod? /a,e,i,o,u/
/b,k,d,f,g,h,j,k,l,m,n,p,q,r,s,t/
3. Mahalaga ba ang mga ponema?

GAWAIN 1

Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na


ginamit.

Totoo? Totoo!
Mahal ka niya? Mahal ka niya.
Maganda siya. Maganda siya?
Magagaling sila? Magagaling sila.
May bisita tayo bukas? Maybisita tayo bukas.
Ikaw ang may-sala sa nangyari. Ikaw ang may-sala sa
nagyari?

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang masasabi niyo sa gawain?


2. Ano kaya ang nagpapaiba ng kahulugan?
3. Mahalaga ba na mabigkas nang maayos ang mga pahayag

ALAM MO BA NA......

Alam mo ba na...
ang Ponemang Suprasegmental ay makahulugang tunog? Sa paggamit ng
suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang
kahulugan, layunin o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan
ng diin (stress), tono o intonasyon (pitch), haba (length), at antala o hinto
(juncture) sa pagbibigkas at pagsasalita.

1. Diin ang tawag sa lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa


pagbigkas ng isang pantig ng salita. Karaniwang naririnig ito sa mga
salitang binubuo ng dalawang pantig. Maaaring gamitin sa pagkilala ng
pantig na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:
BU:hay = Kapalaran ng tao bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi la:MANG =
nakahihigit; nangunguna

2. Tono/Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring


makapagpasigla, makapagpapahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-
kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang
ating pakikipag-usap sa kapwa. Bawat pantig ay maaaring bigkasin nang
mataas, karaniwan o mababa. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa,
bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa
Pon
ha
ka 3
ka 3

pon
2 ha 2
1
1

Pag-aalinlangan
Pagpapatibay
3. Antala/Hinto – Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng
simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//), tuldok-kuwit (
; ), tutuldok ( : ), kaya’y tuldok (. ).

Halimbawa
Hindi. Tala ang nakita mo.
Hindi tala ang nakita mo.

Sa unang pahayag, sinasabing tala ang nakita ng kausap; sa ikalawa,


sinasabing nagkamali ng palagay ang kausap at hindi tala ang nakita.
Mga sanggunian:
Tinig ng Lahi I
http://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ponemang-suprasegmental-
gr9powerpoint-presentation

Kung may ponemang suprasegmental may komunikasyon din na di-berbal.

Isa sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon ay ang katawan (Kinesics).


Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa mga tunog
na lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body
language.Ito ay maaaring makita sa ating mga mata, mukha, kaanyuan, at tindig
at kilos.
Sanggunian:

Komunikasyon sa Makabagong Panahon


(Batayan at Sanayang-Aklat sa Filipino I, Antas Tersyarya)
GAWAIN 2
Panoorin ang dokumentaryo kaugnay ng tinalakay na mga tula/awiting
panudyo, tugmang
de gulong at palaisipan pagkatapos ay suriin ito.

https://www.youtube.com/watch?v=gYSud6ZVz5g
https://www.youtube.com/watch?v=ehZoi-u0RBk

GAWAIN 3
Pangkatang gawain

Sumulat ng sariling Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de Gulong, at Palaisipan


batay sa mga pamantyan. Iangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas
nito.

Mga Pamantayan Puntos Aking


Puntos
May orihinalidad at akma sa paksa ang mga tulang 5
nabuo
Kumpleto ang tulang nabuo (tulang panudyo, tugmang 5
de gulong , at palaisipan
Naiaangkop ang tamang intonasyon, diin, at antala sa 5
pagbigkas
Angkop ang bawat kilos at ekspresyon ng mukha sa 5
tula, kumpas ng kamay, galaw ng mata, labi at iba pa
Kabuoang Puntos 20

GAWAIN 4
Paglalapat

Presentasyon ng nabuong pangkatang gawain

TANDAAN:
Hindi laging berbal ang kumunikasyon. Madalas ay gumagamit din tayo
ng di-berbal na anyo o di kaya’y kumbinasyon ng berbal at di-berbal
na anyo ng kumunikasyon.

GAWAIN 5
Pagsubok ng kaalaman
Idodokumento ang gawain at ilagay sa YouTube upang mapanood ng
madla

GAWAIN 6

Magsaliksik tungkol sa mga karagdagang impormasyon sa bugtong,


awiting panudyo, palaisipan at tugmang de gulong at maghanda para sa
paggawa ng sariling likhang akda.

TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa mga karagdagang impormasyon sa bugtong,


awiting panudyo, palaisipan at tugmang de gulong at maghanda
para sa pagawa ng sariling likhang akda.
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 4
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at palaisipan batay sa
itinakdang mga pamantayan
F7PU-IIIa-c-13
Nagagamit nang wasto ang mga primarya at
sekundaryang pinagkukunan ng mga impormasyon
F7EP-IIIa-c-7
I LAYUNIN:
Nagagamit ang kaalaman tungkol sa
Kaalaman: pinagkukunan ng mga impormasyon primarya at
sekundarya
Nakabubuo ng sariling likha ng awitin/tulang
Saykomotor: panudyo, tugmang de gulong, palaisipan at
bugtong.
Nakasusulat ng isang akda upang lalong
Apektiv: mapahahalagahan ang kultura ng ibang rehiyon
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong,
Palaisipan, at Bugtong
Ponemang suprsegmental at di-berbal na
palatandaan
B. SANGGUNIAN Gintong Pamana 1 ,
C. KAGAMITANG Musika, kagamitang panteknolohiya
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA Mahilig ba kayong maglaro ng puzzle?
Pangmotibesyunal na Madali bang sagutin ang mga tanong?
tanong: Kung hindi ninyo mahanap ang tanong hihinto
ba kayo?
Aktiviti/
Gawain
Ipabasa ang palaisipan at mag-uunahan
sapagsagot ng tanong..
B. Paglalahad Pagtalakay sa mga karagdagang impormasyon sa
Abstraksyon mga paksang natalakay para sa pagsusulat ng
sariling likhang akda
(Pamamaraan ng pagtalakay
C. PAGSASANAY Hahatiin sa limang pangkat ang klase.
Mga paglilinang Magsusulat ang pangkat ng ayon sa sumusunod:
na gawain Unang pangkat: Awiting Panudyo
Ikalawang pangkat: Tulang Panudyo
Ikatlong pangkat: Tugmang De Gulong
Ikaapat na pangkat: Bugtong
D. PAGLALAPAT Pangkatang pagsusulat ng naiatas na gawain
Aplikasyon
E. PAGLALAHAT Gawan ng akrostik ang salitang “ palaisipan”
Generalisasyon na ang kaisipan ay tungkol sa paksang
natutuhan
IV PAGTATAYA Pagtatanghal sa ginawang sariling likhang
akda
Rubrik sa pagmamarka ng produkto/performans
(Maaaring baguhin)
Nilalaman ------------------------------
40%
Paraan ng Presentasyon-------------
10%
Kasiningan------------------------------
30%
Orihinalidad----------------------------
5%
Wastong tono, at intonasyon, at pagbigkas---
15%
V TAKDANG-ARALIN Magsaliksik tungkol sa dalawang uri ng
sanaysay
ARALIN 3.1: Sesyon 4
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Sa mga akdang tinalakay mula Luzon dito nasubukan ang ating
galing sa pag-iisip sa pagsagot sa mga tanong. Ngayon ay subukan
natin.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Mahilig ba kayong maglaro ng puzzle?


2. Madali bang sagutin ang mga tanong?
3. Kung hindi ninyo mahanap ang tanong hihinto ba kayo

GAWAIN 1
Buoin ang akrostik na PALAISIPAN para makabuo ng kaisip

P-
A-
L-
A-
I-
S-
I-
P-
A-
N-

ALAM MO BA NA......

ang talento sa pagsulat ay isang bribilehiyong kaloob ng ating


Panginoon Diyos na kailangan nating pagsumikapang palaguin? Sa ating
pagsulat lumalawak ang ating kaalaman at makikita natin ang ating sarili
na hindi lamang pala pagsulat ang kaya nating gawin. Talentong
makapagbabahagi sa ating kapwa ng mga may-aral na kuwento at talentong
nakapagbibigay ng ngiti at tuwa sa mga mambabasa.

GAWAIN 2
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa limang pangkat. Bawat pangkat ay
susulat ayon sa
sumusunod:

Unang pangkat: Awiting Panudyo


Ikalawang pangkat: Tulang Panudyo
Ikatlong pangkat: Tugmang De Gulong
Ikaapat na pangkat: Bugtong

Rubrik sa pagmamarka (Maaaring


baguhin)

Nilalaman
40%
Paraan ng presentasyon
10%
Kasiningan
30%
Orihinalidad(Walang hawig sa kaklase)
5%
Wastong tono, intonasyon at pagbigkas
15%

Kabuuan 100%

TANDAAN:
Bukod sa ponemang suprasegmental ay nakatutulong din sa mabisang
pagpapahayag ang mga di-berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng
kamay at galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula.
Ang paglalapat ng angkop na galaw ay nakadaragdag sa kagandahan o
kasiningan sa pagpapahayag.
GAWAIN 3
Pagtatanghal sa ginawang sariling likhang akda gamit ang
pamantayan sa pagmamarka.

GAWAIN 4
Magsaliksik tungkol sa dalawang uri ng sanaysay

TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa dalawang uri ng sanaysay

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7

Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman: akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng
pangunahin at pantulong na kaisipan
F7PB-IIIf-g-17
I LAYUNIN:
Nasusuri ang isang halimbawang sanaysay na
Kaalaman: isinulat ni Emilio Jacinto
Naibubuod ang sanaysay sa tulong ng pangunahin
Saykomotor: at pantulong na kaisipan
Naibibigay ang kaibahan ng ningning at liwanag
Apektiv: upang lalong hahangaan ang akda ni Emilio
Jacinto
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Sanaysay
B. SANGGUNIAN Tinig ng lahi
Pinagyamang Pluma 7
https://www.youtube.com/watch?v=OH_EsbmMxYk
C. KAGAMITANG CD player, Sipi ng teksto
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA 1. Ikaw, bilang kabataan, ano-ano ang mga bagay
Pangmotibesyunal na nagpapasaya sa iyo?
na tanong: 2. Ano-ano ang mga bagay o pangyayaring
nagpapakislap sa iyong mata?
3. ano-ano naman ang nagpapasaya ng iyong nanay o
Aktiviti/
tatay?
Gawain
Pakikinggan ang awitin na “Liwanag sa Dilim”
Pagkatapos ay ipasagot ang mga tanong.

https://www.youtube.com/watch?v=OH_EsbmMxYk

B. Paglalahad Ilahad ang mga impormasyon tungkol sa sanaysay


Abstraksyon na “Ang Ningning at Ang Liwanag“ ni Emilio
Jacento at ang pahapyaw na kasaysayan nito.
(Pamamaraan ng Ipabasa ang sanaysay na "Ang Ningning at Ang
pagtalakay Liwanag" ni Emilio Jacento pagkatapos ay ipagawa
ang gawain 3
C. PAGSASANAY Ipasagot ang gawain 4 na sagutin natin
Mga
paglilinang na gawain

D. PAGLALAPAT Pagpapasulat sa journal sa kanilang opinyon


Aplikasyon tungkol dito:
Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o
katotohanan at hindi lamang sa ningning na bunga
ng kasikatan at kapangyarihan?

E. PAGLALAHAT Ang mga akdang naisulat ng awtor ay sumasalamin


Generalisasyon sa pagkatao ng may-akda dahil ito ay bunga ng
kanilang imahinasyon at sariling karanasan.

IV PAGTATAYA Sa pamamagitan ng Cyclical Thinking Map ay


gumawa ng buod ng akdang "Ang Ningning at Ang
Liwanag".
V TAKDANG-ARALIN Ano ang sanaysay? Ano ang dalawang anyo nito?
ARALIN 3.3: Sesyon 1
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Ayon sa marami ang kasiyahan o kaligayahan ng isang tao ay
maituturing na relatibo. Ang iba ay nagiging masaya kung marami
siyang pag-aaring material na bagay tulad ng malaking bahay, pera,
o kayamanan. Mayroon namang kontento na at maligaya kapag nakikita niyang buo
at nagkakasundo ang kanilang pamilya. Totoong iba-iba ang pagtingin o pananaw
ng tao sa bagay na ito.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Ikaw, bilang kabataan, ano-ano ang mga bagay na nagpapasaya sa


iyo?
2. Ano-ano ang mga bagay o pangyayaring nagpapakislap sa iyong mata?
3. Ano-ano naman ang nagpapasaya ng iyong nanay o tatay?

GAWAIN 1
Pakinggan ang awitin na “Liwanag sa Dilim”
https://www.youtube.com/watch?v=OH_EsbmMxYk

Ipikit ang iyong mga mata at hayaan mong dalhin ka ng iyong imahinasyon.

1. Ano ang nabuong imahe sa awiting pinakinggan?


2. Ano ang nabuong kaisipan ng awitin?
3. Bakit pinamagatang Liwanag sa Dilim ang kanta?

ALAM MO BA NA......

Ang Ningning at ang Liwanag ang una sa mga paksang tinalakay ni


Emilio Jacinto sa kalipunan ng kanyang mga sanaysay na Liwanag at
Dilim. Mahalaga ang papel na ginampanan ni Emilio Jacinto sa Katipunan. Siya
ang tinaguriang "Utak ng Katipunan". Siya ang may-akda ng mga artikulo na
humikayat sa masa na sumapi sa Katipunan. Ipinaliwanag din niya sa mga
artikulong ito kung ano ang kapalit ng pagsasakripisyo para sa bayan. Ang
ilan sa mga akdang kanyang isinulat ay ang Kartilya ng Katipunan, Liwanag at
Dilim, A Mi Madre at Sa Bayang Tinubuan. Naunang sumulat si Andres Bonifacio
ng mga pang-aral (cartilla, primer), subalit nang mabasa niya ang sinulat ni
Emilio Jacinto, ipinalit niya ito at tinakdang alituntunin ng Katipunan.
Sa edad na 19, siya ay naging isa sa mga pinuno ng Katipunan at
naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Nang mamatay si
Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi
siya sumali sa puwersa ni Emilio Aguinaldo. Sa isang sagupaan sa Majayjay,
Laguna, si Jacinto ay lubhang nasugatan at binawian ng buhay sa sakit na
malaria noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23.

http://lunggati2012.blogspot.com/2013/03/ang-ningning-at-ang-liwanag.html

GAWAIN 2
Pagbasa

Ang Ningning at Ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay


kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-
bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay


nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng


maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob
ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw,
marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas
na tinataglay ay natatago ang isang sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y


napapangiti, at isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng


kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning


at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay
ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning,
lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng
kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan
sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig


mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang


maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning
pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay
hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang


hindi mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t
ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin,
at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay


ng katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko ay matututo kaya na kumuha


ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998


GAWAIN 3
Isulat sa angkop na hanay ang mga bagong salita o salitang hindi
mo pa alam ang ibig sabihin
mula sa binasang sanaysay. Puntahan ang iyong kapareha at
pag-usapan ninyo ang kahulugan
ng mga salitang ito batay sa pagkakagamit sa akda. Isulat
ang angkop na hanay ang kahulugan nito at saka gamitin sa makabuluhang
pangungusap.

Kahulugan Batay sa Pagkakagamit sa


Mga Bagong Salita Para sa Akin
Akda

Makabuluhang Pangungusap

GAWAIN 4
Sagutin natin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng “ningning” at “liwanag” ayon sa seleksiyon?


2. Ano ang higit na mabuti sa dalawa? Bakit?
3. Bakit sinabi ng may-akda na ang ningning ay madaya? Ano-ano ang pandarayang
dala nito? Isa-isahin ang mga ito.
4. Sa iyong palagay bakitmaraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning
o kinang ng kapangyarihan at kasikatan?
5 Ano-ano naman ang kabutihang dulot ng liwanag? Isa-isahin ito.
6. Paano ba nakapandaraya ang kinang ng isang bagay? Ipaliwanag.
7. Sang-ayon ka bas a sinabi ng awtor hinggil sa ningning at liwanag?
Pangatwiranan.
8. May mga tao ba sa ating lipunan sa kasalukuyan na sa tingin mo ay patuloy
na nagkukubli sa ningning upang hindi masilayan ng mga tao ang kanilang
kapangitan o kahinaan? Patunayan ang iyong sagot.
9. Bilang isang kabataan, paano ka makaiiwas upang hindi ka mabighani ng
ningning ng kasikatan at kapangyarihan?
10. Ano-anong pangunahing aral ang naihatid sa iyo ng seleksyon?

GAWAIN 5
Pagsulat ng Journal

Isulat sa iyong journal notebook ang sagot sa tanong na ito:


Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o katotohanan at hindi
lamang sa ningning na bunga ng kasikatan at kapangyarihan?

TANDAAN:

Ang mga akdang naisulat ng awtor ay sumasalamin sa pagkatao ng


may-akda dahil ito ay bunga ng kanilang imahinasyon at sariling
karanasan.
GAWAIN 6
Pagsubok ng kaalaman

Sa pamamagitan ng Cyclical Thinking Map ay gumawa ng buod ng akdang "Ang


Ningning at Ang Liwanag".

Pangunahing Paksa
Kaibahan ng Ningning at
Liwanag
1.
2.
3.

Pag-uugnay ng Aral na Mga Pantulong na


nakuha sa Sariling Karanasan Buod ng "Ang Kaisipan
1. Ningning at Ang Mga nagagawa ng Ningning
2. Liwanag" 1.
3. 2.
3.

Mga Pantulong na Kaisipan


Kahalagahan sa Paghanap sa
Liwanag
1.
2.
3.
GAWAIN 7
Ano ang sanaysay? Ano ang dalawang anyo nito?

TAKDANG ARALIN

Ano ang sanaysay? Ano ang dalawang anyo nito?


Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 2
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Nasusuri ang mga elemento at ang sosyo-
historikal na konteksto ng napanood na dulang
pantelebisyon
F7PD-IIIf-g-15
I LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang katuturan ng sanaysay at
Kaalaman: ang anyo nito
Nakasusulat at naipaliliwanag kung bakit
Saykomotor: mahalagang pag-aralan ang sanaysay at ang
elemento nito
Nakalilikha ng mga hakbang hinggil sa mga
Apektiv: bagay na maaari nilang gawin upang maging
gabay ito sa buhay
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Sanaysay
B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7
Gintong pamana III
C. KAGAMITANG Sanayang aklat
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA 1. Sinong kilala ninyong artista na naging
Pangmotibesyunal na sikat ngunit nawala ang kasikatan dahil
tanong: sa nakagawa ng hindi tama?
2. May kilala ba kayong tao na kahit na
nagbago ang estado sa buhay ay hindi pa
Aktiviti/ rin nagbabago ang ugali?
Gawain 3. Ano kadalasan ang nagpapabago sa tao?

Punan ang thinking ballon ng mga hakbang


hinggil sa mga bagay na maaari nilang gawin
upang maging ganap na liwanag o tanglaw ito
sa buhay.
B. Paglalahad Pagtalakay tungkol sa sanaysay at ang
Abstraksyon dalawang anyo nito. Mga Tiyak na uri ng
sanaysay at mga elemento o bahagi nito.
(Pamamaraan ng pagtalakay
C. PAGSASANAY Pangkatang pagsagot o paggawa ng gawin 2
Mga paglilinang
na gawain
D. PAGLALAPAT Pagsusuri ng mga Elemento o Bahagi at Sosyo-
Aplikasyon historikal na konteksto ng akda.

E. PAGLALAHAT Na ang sanaysay ay may dalawang uri, ang


Generalisasyon pormal at di pormal. Ito ay may simula,
gitna, at wakas na may tiyak na uri.
IV PAGTATAYA Sa journal sagutin ang mga tanong na:
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang
sanaysay?
2. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga
bahagi o elemento ng sanaysay sa pagsulat
nito?
V TAKDANG-ARALIN Matapos mong suriin ang akdang binasa batay
sa elemento at sosyo-historikal na konteksto
nito, pumili ka naman ng isang dulang
pantelebisyong na napanood mo. Suriin din ito
ayon sa sosyo-historikal na konteksto nito.
Gawin ang pagsusuri sa isang malinis na
papel.
ARALIN 3.5: Sesyon 2
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Ang mga bagay na maningning na minsa’y nakapandaraya ay
maaaring maging ganap na liwanag kung magagamit nang wasto.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Sinong kilala ninyong artista na naging sikat ngunit nawala ang


kasikatan sa nakagawa ng hindi tama?
2. May kilala ba kayong tao na kahit na nagbago ang istado sa
buhay ay hindi pa rin nagbabago ang ugali?
3. Ano kadalasan ang nagpapabago sa tao?

GAWAIN 1
Punan ang thinking ballon ng mga hakbang hinggil sa mga bagay
na maaari mong gawin upang maging ganap na liwanag o tanglaw ito sa
buhay.

Kayamanan Kapangyarihan

Kagandahan Karunungan
ALAM MO BA NA......

ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan


na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang
kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.

May dalawang anyo ang sanaysay. Ito ay ang pormal o maanyo at di-pormal o
pamilyar.

Ang pormal o maanyong sanaysay ay nagtataglay ng


makatotohanang impormasyon, piling mga salita, at pahayag na maingat
na tinalakay kaya’t masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas
na nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong
uri ng sanaysay ay karaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-isip
nang malalim at paglakbayin ang guni-guni.

Ang pamilyar o di-pormal o tinatawag ding palagayang sanaysay


ay mapang-aliw, mapagbiro, at nagbibigay lugod sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga karaniwan, pang-araw-araw, at personal na paksa.
Binibigyan-diin nito ang karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan
ng personalidad ng may-akda ay maaaring naranasan din ng mambabasa.
Ang pananalita ay parang usapang lamang ng magkaibigan kaya magaan,
madaling maintindihan, at palagay na palagay ang loob ng may-akda.
Malimit itong nasusulat sa unang panauhan.

Ang dalawang uring ito ng sanaysay ay parehong nagbibigay-


kabatiran. Ang tanging pagkakaiba ay nasa layunin ng bawat uri. Ang
pormal na sanaysay ay nagnanasang magpaliwanag, manghikayat, at
magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga mambabasa.
Samantalang ang pamilyar na sanaysay ay nagmimithing mangganyak,
magpatawa, o kaya’y manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga
saloobin at kondisyong pansikolohikal ng mga mambabasa.

Mga Tiyak na Uri Ng Sanaysay at mga elemento o Bahagi nito


May labindalawang natatanging uri ng sanaysay: (1)
pasalaysay, (2) naglalarawan, (3) mapag-isip, di-praktikal, (4) mapagdili-
dili, (5) kritikal o mapanuri, (6) didakto o nangangaral, (7) nagpapaalala,
(8) editoryal, (9) makasiyentipiko, (10) sosyo-historikal, (11) sanaysay na
pangkalikasan, at (12) sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan.

Karaniwang hinahati ang kabuoan ng sanaysay sa tatlong


bahagi o tatlong elemento:

Sa pagsulat ng simula, kinakailangang ito’y nakatatawag


ng pansin o nakapupukaw ng damdamin ng mga mambabasa.

Ang katawan o ang pinakanilalaman ng akda ay


kinakailangang maging mayaman sa kaisipan at marapat na nagtataglay ng
kaisahan ang mga detalye nito.

Sa wakas ng sanaysay, dito karaniwang nababasa ang


pangkalahatang impresyon ng may-akda. Maaaring ilahad sa bahaging ito ang
buod o kongklusyon ng sumulat.

GAWAIN 2
Gawin Natin

Pangkatang gawain
Pangkat I. Paghambingin ang dalawang anyo ng sanaysay gamit ang venn
diagram.
Pangkat II. Muling balikan ang akdang “Ang Ningning at Ang Liwanag.”
Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang
pangunahing layunin ni Emilio Jacinto sa pagsulat nto?
Pangkat III. Tukuyin kung ano ang pangunahing tema o kaisipang
nakapaloob sa sanaysay na binasa at paano nakaapekto ang
kaisipang ito sa iyong pagkatao.
Pangkat IV. Taglay ba ng binasang akda ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sanaysay? Patunayan ang iyong sagot sa
pamamagitan ng mga ebidensiyang hinango sa
Akdang binasa.
Pangkat V. 1. Para sa iyo, anong uri ng manunulat ang may-akda ng
sanaysay na iyong binasa, siya ba ay mapagbiro,
seryoso, o mapang-uyam? Magbigay ng patunay para sa
iyong napiling sagot.

GAWAIN 3
Gawin Natin

Pagsusuri ng mga Elemento o Bahagi at Sosyo-historikal na


konteksto ng akda.

Mga katangian at Elemento Mga Paliwanag at Patunay


Alin sa dalawang anyo ng
sanaysay nabibilang ang akda?
Anong uring sanaysay ito?
Ano-ano ang sosyo-historikal
(panlipunan, at historikal na
kaugnayan)
Na konteksto ng akda?
Paano sinimulan ang akda? Ano
ang masasabi mo tungkol dito?
Ano ang katawan o nilalaman ng
akda ? Ano ang masasabi mo
tungkol dito?
Paano winakasan ng may-akda
ang sanaysay?
Ano ang gintong aral ang
inyong natutuhan

TANDAAN:
: Na ang sanaysay ay may dalawang uri, ang pormal at di pormal.
Ito ay may simula, gitna, at wakas na may tiyak na uri na maaaring
(1) pasalaysay, (2) naglalarawan, (3) mapag-isip, di-praktikal,
(4) mapagdili-dili, (5) kritikal o mapanuri, (6) didakto o nangangaral,
(7)nagpapaalala, (8) editoryal, (9) makasiyentipiko, (10) sosyo-
historikal, (11) sanaysay na pangkalikasan, at (12) sanaysay na
bumabalangkas sa isang tauhan.

GAWAIN 4
Pagsubok ng Kaalaman

Sa journal sagutin ang mga tanong na:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang sanaysay?


2. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga bahagi o elemento ng
sanaysay sa pagsulat nito?
GAWAIN 5
Pagsubok ng Kaalaman

Manood ng dulang pantelebisyon na kakitaan ng sosyo-historikal


na konteksto at suriin ito.

TAKDANG ARALIN

Matapos mong suriin ang akdang binasa batay sa elemento at


sosyo-historikal na konteksto nito, pumili ka naman ng isang
dulang pantelebisyong na napanood mo. Suriin din ito ayon sa
sosyo-historikal na konteksto nito. Gawin ang pagsusuri sa isang malinis na
papel.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 3
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Naibabahagi ang ilang piling diyalogo ng
tauhan na hindi tuwirang ibinibigay ang
kahulugan
F7PS-IIIf-g-15
Nahihinuha ang kaalaman at motibo/pakay ng
nagsasalita batay sa napakinggan
F7PN-IIIf-g-15
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang
nagbibigay ng hinuha
F7PT-IIIf-g- 15
Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa
paghihinuha ng pangyayari
F7WG-IIIf-g-15
I LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang
Kaalaman: nagbibigay ng hinuha
Nakabubuo ng hinuha sa mga pahayag o
Saykomotor: pariralang ibinigay
Nasisiyahan sa mga paliwanag na nabuo para
Apektiv: maipakita ang tiwala sa sarili.
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Sanaysay
B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7
C. KAGAMITANG Sanayang aklat
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA 1. Kung ikaw ay may magandang boses, ano
Pangmotibisyunal na kadalasang sasabihin sa iyo?
tanong: 2. Sinabi ba nila na magiging singer ka
pagdating ng panahon?
3. Totoo bang kadalasang sinasabi nila na
Aktiviti/
nagmana sa ina o ama?
Gawain
Pagbasa at pagsusuri sa usapan ng mga mag-
aaral.
B. Paglalahad Pagtalakay sa gramatika. Pagbibigay
Abstraksyon impormasyon at kahulugan ng salitang hinuha
at ang mga tiyak na salitang ginamit sa
(Pamamaraan ng pagtalakay paghihinuha
C. PAGSASANAY Pagbibigay-kahulugan sa pariralang nakasulat
Mga paglilinang sa biluhaba at pagkatapos ay magbigay ng
na gawain hinuha sa kung ano ang posibleng positibong
mangyayari sa taong nagtataglay nito.
D. PAGLALAPAT Bilugan ang sa palagay nila ay angkop na
Aplikasyon motibo o pakay ng may-akda ukol sa mga
pahayag na nakatala. Magbigay rin ng sila ng
paliwanag kung bakit ito ang napili nilang
sagot.
E. PAGLALAHAT Ang pagbibigay ng hinuha o haka-haka ay
Generalisasyon maaaring maging positibo o negatibo. Kaya´t
kailangang maging maingat sa pagpapahayag
upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.
IV PAGTATAYA Isulat sa patlang kung nagpapakita ng ningning
o liwanag ang sumusunod na sitwasyon.
V TAKDANG-ARALIN Panonoorin ang mga mag-aaral ng paborito
nilang teleserye sa telebisyon at pagbigayin
ng hinuha kung ano ang mangyayari kinabukasan
sa eksenang pinanood nila
ARALIN 3.5: Sesyon 3
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Likas na sa atin ang magbigay-kumento sa mga nakikita. Ito
ay bahagi na ng ating kultura na pumuna. Ngayon ay ating alamin
na ang ganitong sitwasyon pala ay nagaganap o nangyayari rin sa
loob ng paaralan.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Kung ikaw ay may magandang boses, ano kadalasang sasabihin sa


iyo
2. Sinabi ba nila na magiging singer ka pagdating ng panahon?
3. Totoo bang kadalasang sinasabi nila na nagmana sa ina o ama?

GAWAIN 1

Oo nga! Marahil gaya ko ay


Ang ganda ng talakayan natin
nakita at naintindihan din ng mga
kahapon tungkol sa “Ang Ningning at
kaklase natin ang mas mahalagang
Ang Liwanag” ni Emilio Jacinto. Sa
bagay na dapat nating pagtuonan ng
palagay ko, marami sa atin ang
pansin. Di malayo na mabawasan
magkakaroon ng bagong pananaw sa
ang paggamit ko ng tablet at cell
búhay dahil sa akda.
phone para lang makipagchat. Mas
pagtutuonan ko ngayon ng pansin ang
pagbabasa at pag-aaral ko ng
leksiyon.

*Tungkol saan ang usapan?


*Sa iyong palagay, tama ba ang kanilang iniisip na marami nga ang maaaring
magbago sa kanila matapos mabasa o matalakay ang sanaysay na “Ang Ningning
at Ang Liwanag”?
*Ikaw, ano sa palagay mo ang mababago o nabago sa iyo matapos mong mabasa o
matalakay ang akda

ALAM MO BA NA......

Ang hinuha ay mga pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa


sitwasyon o kondisyon? Ito ay tinatawag ding inferencing. Ito ay
tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa
ilang klus.May mga tiyak na salitang ginagamit sa pagbibigay ng hinuha.
Ilan sa mga ito ang sumusunod:
ang tingin ko ay... bakâ...
di kaipala... di
malayo...
marahil... sa
palagay ko...
siguro...
tila...
yata...

GAWAIN 2
Pagbibigay –Hinuha

Bigyang-kahulugan ang pariralang nakasulat sa biluhaba at pagkatapos ay


magbigay ng hinuha sa kung ano ang posibleng positibong mangyayari sa taong
nagtataglay nito. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.
Kahulugan:
Hinuha:
Taong nása
maaari siyang liwanag ang búhay
Masagana
makatulong sa mga
nangangailangan

Taong bukás
ang mata

Taong nagtigis
ng pawis

maganda ang
mukha
GAWAIN 3
Bilugan ang sa palagay mo ay angkop na motibo o pakay ng may-
akda ukol sa mga pahayag
na nakatala. Magbigay rin ng paliwanag kung bakit ito
ang napili mong sagot.

1. Ang ningning ay madaya


a . Hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tunay at totoo.
b . Marami ang nahuhumaling sa mga bagay na nagniningning.
c. Madalas nadadaya ang tao ng mga bagay na kumikinang.
Paliwanag:___________________________________________________________
________
_____________________________________________________________________
_______
_____________________________________________________________________
_______

2. Ating hanapin ang liwanagˏ tayo´y huwag mabighani sa ningning.


a . Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga bagay na panlabas
sa halip ang ating pahalagahan ay ang kadalisayang hangarin ng isang
tao.
b. Mamuhay táyo sa liwanag upang ang pagkakahumaling sa kinang ng
sanlibutan ay mapagtagumpayan
c. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa ng
kasinungalingan at kapalaluan.
Paliwanag:___________________________________________________________
________
_____________________________________________________________________
_______
_____________________________________________________________________
_______

3. Tayo´y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang


ibig mabuhay sa dugo ng ating ugat ay magbalatkayo na maningning.
a. Ang pagiging madaling mabighani ng mga Pilipino sa mga bagay na
kumikinang na kadalasan ay bunga ng pagbalatkayo ay nananalaytay
na sa dugong dumadaloy sa ating ugat.
b. Huwag tayong magtakang darating ang araw na ang mga taong nais
sumakop sa ating bansa ay magbabalatkayong mabuting mga kaibigan
lalo pa´t nakikita nila táyong mga Pilipinong ay madaling humanga
sa galing ng mga dayuhan.
c. Ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga bagay na panlabas
kayâ di malayong mangyari na ang mga taong nais magsamantala sa
atin ay magpapanggap na dalisay ang kanilang hangarin
Paliwanag:___________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________
_____________________________________________________________________
_______
4 .Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang
ay ang maliwanag at magandang-asal at matapat na loobˏ ang kahit sino
ay walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan.
a . Kung ang bawat tao ay hindi magpapadaya sa kinang na hatid ng
ningning ng kasikatan at kapangyarihanˏ tiyak na ang bawat isa ay
mamumuhay sa kaliwanagan.
b. Kung ang higit na pinahahalagahan at ipinamumuhay ng bawat tao ay
ang katotohananˏkagandahang-loobˏ at katapatanˏ tiyak na
maglalaho sa lipunan ang pagbabalatkayo at kapalaluan.
c. Marapat lámang na ating igalang at pahalagahan ang mga taong
namumuhay sa kaliwanagan
at puspos ng kagandahang-asal at katapatan.
Paliwanag:___________________________________________________________
________
_____________________________________________________________________
_______
_____________________________________________________________________
_______
5. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang
huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang
kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay
hubadˏ mahinhinˏ at maliwanag na napatatanaw sa paningin.
a. Laging kaakibat ng kapalaluan at kasamaan ang pagbabalatkayo
upang hindi mapansin ng mga tao ang kasamaang kanilang ginagawa
samantalang ang mga taong namumuhay nang matuwid ay tunay na puspos
ng pag-ibig.
b. Madaling mahalata ang taong masamâ at palalo dahil siya ay
laging nagkakanlong sa kinang ng kanilang mabubuting gawa
ngunit ang mga taong namumuhay nang matuwid ay nahihiyang
lumantad sa liwanag.
c. Kalimitan natatakpan o nababalutan ng kinang ng kasikatan at
pagbabalatkayo ang mga
taong namumuhay nang matuwid at puspos ng pag-ibig ay
walang itinatago o pinagtatakpan.
Paliwanag:___________________________________________________________
________
_____________________________________________________________________
_______
_____________________________________________________________________
_______

TANDAAN:
Ang pagbibigay ng hinuha o haka-haka ay maaaring maging positibo
o negatibo. Kaya´t kailangang maging maingat sa pagpapahayag
upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.

GAWAIN 4
Pagsubok ng kaalaman
Isulat sa patlang kung nagpapakita ng ningning o liwanag ang sumusunod na
sitwasyon.

______________1. Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si Jackilou


para mapahanga niya ang mga kaibigan.
______________2. Nag-aral at nagsikap si John upang maging isang doctor ng
kanilang bayan sa Mabalacat.
______________3. Nakita ni Rolan na tama ang naging pasiya ng kanyang
kaibigang si Aldwin na humanap ng trabaho sa malayong lugar para makatulong
sa kanyang pamilya kaya’t mabigat man sa kalooban ay tinanggap niya ito nang
buong puso.
______________4. Si Aling Dolores ay nagdarasal sa loob ng simbahan ngunit
ng may nanghingi ng limos paglabas niya ay galit na galit niya itong itinaboy.
______________5. Si Ferdie ay isang politikong magaling magsalita at mangako
sa mamamayan ngunit inuuna naman ang sariling kapakanan kaysa sa nasasakupan.

GAWAIN 5
Manood ng paborito ninyong teleserye sa telebisyon at magbigay
ng hinuha kung ano ang
mangyayari kinabukasan sa eksenang pinanood

TAKDANG ARALIN

Panonoorin ang mga mag-aaral ng paborito nilang teleserye sa


telebisyon at pagbigayin ng hinuha kung ano ang mangyayari
kinabukasan sa eksenang pinanood nila.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 4
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa
kanilang sariling lugar
Kompetensi: Naisusulat ang isang talatang nanghihinuha
ng ilang pangyayari sa teksto
F7PU-IIIf-g-15
I LAYUNIN:
Natutukoy ang katangian ng isang mabuting
Kaalaman: talata at ang layunin nito
Nakasusulat ng isang talatang naghihinuha na
Saykomotor: kaugnay sa binasang sanaysay
Nakabubuo ng mga posibleng epekto sa kapwa,
Apektiv: bansa, at maging sa mundo kung magagamit
nang tama ang mga bagay na nagpapaningning
at nagbigay-liwanag sa kanyang búhay.
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Sanaysay
B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7
C. KAGAMITANG Sanayang aklat
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
D. PAGAHAHANDA 1. Naniniwala ba kayo sa hula?
Pangmotibisyunal na 2. Ano ang kaibahan ng hula sa hinuha?
tanong: 3. Maaari ba nating hulaan ang magaganap
bukas?
Aktiviti/ Gawain Bumuo ng tatlong pangungusap ng hinuha ninyo
tungkol sa kung ano na ang Pilipinas sa
darating na taong 2050.
E. Paglalahad Pagtalakay tungkol sa pagbuo ng talata at
Abstraksyon ang katangian ng isang mabuting talata.
(Pamamaraan ng pagtalakay
F. PAGSASANAY Pasusulatin ng paghihinuha o mga bagay na
Mga paglilinang maaaring maganap kung hindi mahahawakan o
na gawain magagamit nang wasto ang mga nakatala sa
bawat bilang. Magbigay ng dalawang
paghihinuha sa bawat isa.
G. PAGLALAPAT Salungguhitan ang salitang ginamit sa
Aplikasyon paghihinuha sa pangungusap.
H. PAGLALAHAT Sa isang talata ay may kaganapan, kaisahan,
Generalisasyon kaayusan at pagkakaugnay. Tiyakin lamang na
ang paggawa ng talata ay makapaghatid ng
isang ganap na kaisipan.
IV PAGTATAYA Pasusulatin ng isang talatang naghihinuha
kaugnay ng binasang sanaysay. Ipahayag ang
mga bagay na posibleng mangyari kung ang
isang tao partikular ang sarili ay magagamit
nang tama ang mga bagay na nagpapaningning
at nagbigay-liwanag sa kanyang búhay.
Banggitin ang posibleng epekto nito sa
kapwa, bansa, at maging sa mundo.
Ang awtput na ito at nakabatay sa
pamantayan.
V TAKDANG-ARALIN Pagpapasulat ng naging resulta sa hinuha
nila sa palabas na pinanood. Tama ba ang
kanilang hinuha sa pinanood na teleserye?

ARALIN 3.3: Sesyon 4


Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO
TUKLASIN
Nagiging daan ang pagsulat upang ipahayag ang saloobin at
damdamin. Nagsisilbi rin itong komunikasyon sa kapwa at para sa
lalong pagkatuto. Ngayon ay ating alamin ang isa na namang paraan
sa pagsulat.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Naniniwala ba kayo sa hula?


2. Ano ang kaibahan ng hula sa hinuha?
3. Maaari ba nating hulaan ang magaganap bukas?

GAWAIN 1
Bumuo ng tatlong pangungusap tungkol sa mga kaganapan sa taong
2050.

ALAM MO BA NA......

Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na


magkakaugnayˏ may
balangkasˏmay layuninˏ at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa
pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad. Layunin ng isang talata ang
makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na
magkakaugnay.
Kalinawan ang katangian ng isang mabuting talata na nasasalig sa
sumusunod:
1.Kaganapan – May kaganapan ang isang talata kung natupad o naipakita nito
ang layunin sa
pagsulat.
2. Kaisahan – Ang talata ay dapat na nagtataglay ng mga pangungusap na
nakatutulong sa
pagbuo ng kaisipang isinasaad ng paaksang
pangungusap.
3. Kaayusan – Ito naman ay tumutukoy sa maayos at tamang pagkasunod-sunod
ng mga
pangungsap.
4. Pagkakaugnay –Ito ay nangangahulugan na ang mga pangungusap ay
magkakaugnay upang
makabuo ng isang pangunahing diwa o kaisipan.

GAWAIN 2
Sumulat ng paghihinuha o mga bagay na maaaring maganap kung
hindi mahahawakan o
magagamit nang wasto ang mga nakatala sa bawat bilang.
Magbigay ng dalawang
paghihinuha sa bawat isa.

1 . kayamanan o pera

2.kapangyarihan o posisyon

3. kagandahang pisikal

GAWAIN 3
Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghihinuha sa
pangungusap.

1. Maaaring gumanda ang buhay ng taong may pera.


2. Pagkalulong sa bisyo ang sa palagay ko’y maaaring kahinatnan ng isang
taong sagana sa materyal na bagay sa búhay.
3. Ang mga taong magaganda ay tila nagiging mayabang sa búhay.
4. Di malayong umabuso sa kapangyarihan ang taong may mataas na posisyon sa
pamahalaan.
5. Bakâ dumami ang kanyang kaibigan dahil sa dami ng pera niya sa bángko.

TANDAAN:
Sa isang talata ay may kaganapan, kaisahan, kaayusan at
pagkakaugnay. Tiyakin lamang na ang paggawa ng talata ay
makapaghatid ng isang ganap na kaisipan.

GAWAIN 4
Pagsubok ng kaalaman

Sumulat ng isang talatang naghihinuha kaugnay ng binasang sanaysay.


Ipahayag ang mga bagay na posibleng mangyari kung ang isang tao partikular
ang sarili ay magagamit nang tama ang mga bagay na nagpapaningning at
nagbigay-liwanag sa kanyang búhay. Banggitin ang posibleng epekto nito sa
kapwa, bansa, at maging sa mundo.

Ang talatang bubuoin ay dapat makasunod sa rubric na ito.


Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at 5 puntos
maayos na mga pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng paghihinuha mua sa 5 puntos
akdang tinalakay.
Taglay nito ang lahat ng katangian ng 5 puntos
isang mabuting talata.
Kabuoang Puntos 15 puntos
5-Napakahusay
2-Di mahusay
4-Mahusay
1-Sadyang di-mahusay
3-Katamtaman

GAWAIN 5
Isulat ang naging resulta sa hinuha mo sa palabas na pinanood.
Tama ba ang iyong Hinuha?

TAKDANG ARALIN

Pagpapasulat ng naging resulta sa hinuha nila sa palabas na


pinanood. Tama ba ang kanilang hinuha sa pinanood na teleserye?
Sabjek: FILIPINO Baitang: 7
Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
Pangnilalaman: pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
Pagganap: pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang sariling
lugar
Kompetensi: Nasusuri ang salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon
sa napakinggang halimbawa
F7PN-IIIj-17
Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling
ulat-balita batay sa materyal na binasa
F7PT-IIIj-17
I LAYUNIN:
Nasusuri ang halimbawang balita
Kaalaman:
Natutukoy ang 5W’s at 1H
Saykomotor:
Nakasusulat ng balitang panlokal para sa panlokal na
Apektiv: kamalayan
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pangwakas na gawain
B. SANGGUNIAN http://www.slideshare.net/divinegarciasarmiento/pagsulat-
ng-balita-ppt, aklat
Sandigan 2
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/kahalagahan-ng-
balita.html
http://www.slideshare.net/divinegarciasarmiento/pagsulat-
ng-balita-ppt
http://www.philstar.com/bansa/2016/11/02/1639767/17-
vietnamese-poachers-pinauwi-na-ni-duterte
http://www.gmanetwork.com/news/story/263726/news/ulatfilip
ino/lokal-na-pamahalaan-ng-pavia-iloilo-nabahala-sa-
mataas-na-kaso-ng-dengue
C. KAGAMITANG Mga larawan, aklat
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA Anong balita ang narinig ninyo kagabi?
Pangmotibisy Ano ba ang kadalasang ibinabalita?
unal na Mahalaga ba ang balita?
tanong:
(Picture Map) Piliin ang bawat pangkat ng mga larawan at
ipaliwanag ang kuwentong nakapaloob dito.
Aktiviti/ Gawain
Gabay na tanong ayon sa larawang napili.
Ano ang pinagbatayan mo sa pamimili ng larawan upang mabuo
ang kuwento?
Paano mo binigyan ng kuwento ang larawan
Ano-ano ang impormasyon ang hinango mo sa larawan upang
mabuo ang kuwento?
B. Paglalahad Pagbibigay input tungkol sa kahulugan ng balita
Abstraksyon
(Pamamaraan ng
pagtalakay
C. PAGSASANAY Pangkatang pagsusuri sa halimbawang napapanahong balita at
Mga pagbibigay ng reaksyon pagkatapos ay pangkatang pag-uulat
paglilinang na sa napag-usapan ng pangkat
gawain
D. PAGLALAPAT Ipasuri ang halimbawang balita pagkatapos ay ipatukoy ang
Aplikasyon 5W’s at 1H
E. PAGLALAHAT Bilang mag-aaral makibalita at mapagmatyag sa paligid
Generalisasy
on
IV Pabubuuin ang mga bata ng isang kombensyonal na
PAGTATAYA pamatnubay tungkol sa naganap sa paligid
V TAKDANG- Manood ng balita sa TV at alamin ang mga iba’t ibang uri
ARALIN ng balita
ARALIN 3.5: Sesyon 1
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Natural ba sa tao ang pagiging tsismoso? Marahil bahagi na
ng tao ang pagiging mausisa. Inaalam ang mga bagay bagay sa
paligid lalo na ang mga hindi pa nasusubukan, at hindi pa
nararanasan.Ang mga pangyayaring nagaganap sa paligid ay madaling malaman o
maipabatid sa pamamagitan ng pagbabalita.
.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Anong balita ang narinig ninyo kagabi?


2. Ano ba ang kadalasang ibinabalita?
3. Mahal ga ba ang balita?

GAWAIN 1
(Picture map)

Pumili ng larawan at ipaliwanag ang kuwentong nakapaloob dito


Gabay na tanong ayon sa larawang napili.
1. Ano ang pinagbatayan mo sa pamimili ng larawan upang mabuo ang
kuwento?
2. Paano mo binigyan ng kuwento ang larawan
3. Ano-anong impormasyon ang hinango mo sa larawan upang mabuo ang
kuwento?

ALAM MO BA NA......

ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga


pangyayaring naganap na, nagaganap o magaganap pa lamang? Ito ay
maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbabasa ng pahayagan, pakikinig sa
radyo, at panonood sa telebisyon.

Ang Pamatnubay (lead) ang tawag sa una at ikalawang talata ng balita.


Nagsisilbi itong pang-akit sa mambabasa dahil ito ang pinakabuod ng
balita. Sa kombensyonal na pamatnubay sinasagot nito ang tanong na
sino, ano kailan, bakit at papaano. Sa makabagong pamatnubay ginagamitan
ng pangganyak na panimula ang akda upang akitin ang mambabasang basahin
ang kabuuan nito.

Ang Katawan ng balita ay naglalaman ng mga datos na naglalahad ng


patnubay mula sa pinakamahalagang datos hanggang sa pinakamaliit na
detalye ng impormasyon ng balita.

Sanggunian:
Sandigan 2
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/kahalagahan-ng-balita.html

http://www.slideshare.net/divinegarciasarmiento/pagsulat-ng-balita-ppt

GAWAIN 2
(Pangkatang gawain)

a. Basahin nang tahimik ang halimbawang balita sa ibaba.


b. Suriin ang halimbawang balita at magbigay ng reaksyon. Pagkatapos
ay iulat sa klase sa paraang gusto ninyo. Maaaring Marc Logan o
ang paborito ninyong tagapagbalita.

November 10, 2016 - 12:00am


Brgy. Chairman itinumba ng tandem

Isang barangay chairman ang nasawi nang barilin ng riding- in-tandem


sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Chairman
Alberto Carpio, 57, ng Brgy. 100, Zone 8, at residente ng Del Pilar St.,
Magsaysay Village, Tondo.
Hindi namukhaan ang dalawang lalaking suspek na magkaangkas sa
motorsiklo dahil kapwa nakasuot ng helmet.
Sa ulat ni PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District-Homicide
Section, naganap ang insidente dakong alas-4:40 ng hapon sa panulukan ng
Jacinto at Roxas Sts., sa Mag-saysay Village, Tondo.
Naglalakad umano ang biktima sa kani-yang nasasakupan para sa itatayong
Christmas tree nang mapakiramdaman na may bumubuntot sa kaniya at bago pa
umano makalingon ay pinaputukan na siya ng mga suspek.
Nang bumagsak ang biktima ay humarurot na papatakas ang mga suspek sa
direksiyon ng Road 10. Posibleng may kina-laman din umano ang mga natatanggap
na death threat ng biktima noon pang nakalipas na taon. Kuwento umano ng
secretary ng barangay na si Cherry Figueroa, nararamdaman din umano marahil
ng biktima na may banta sa kaniyang buhay dahil noong nakalipas na Lunes (
Nob 7) alas-11:30 ng umaga ay magkaharap umano sila sa barangay hall at
nakipagpalit pa ng upuan ang tserman na nagsalita pang “palit tayo ng upuan
baka may bumaril sa kin”.
Inaalam din kung may kaugnayan ang pamamaslang sa naganap din na
pagpatay sa tumatayong imbestigador ng Brgy. 100, Zone 8, na si Joselito
Zamora noong nakalipas la-mang na Oktubre 19.
Patuloy pa ang pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon sa kaso.
Patnubay na Tanong:

1. Sino ang pinag-uukulan ng pansin sa balita


2. Tungkol saan ang balita?
3. Kailan nangyari ang balita
4. Saan naganap ang balita?
5. Paano naganap ang balita
6. Aling bahagi ng balita ang sumasagot sa tanong na sino, ano, saan,
kailan at paano?
Gawain 3
Paglalapat

Basahin at suriin ang isa pang halimbawang balita at tukuyin ang mga
pahayag na sumasagot sa tanong na ano, sino, saan, kailan, bakit at
papaano.

17 Vietnamese poachers pinauwi na ni Duterte


(Pilipino Star Ngayon) | Updated November 2, 2016 - 5:41pm

Matapos palayain ay pinauwi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong


Miyerkules ang 17 Vietnamese poachers na nadakip sa katubigan na bahagi ng
Vigan, Ilocos Sur nitong Setyembre.

Sa isang ceremonial send off sa Pangasinan ay sinabi ni Duterte na


masaya siyang pauuwiin ang mga mangingisda na kinilalang sina Nguyen Gio,
Huynh Thanh Thang, Bui Van Luom, Tran Hoang Kim, Vo An, Nguyen Van Phuong,
Huynh Ngoc Tuan, Bui Van Liem, Le Tien, Pham Huu Tuy, Vo Thien, Tran Huu
Trung, Nguyen Duy Cuong, Dinh Thien Son, Le Thanh Trung, Tran Huu Phuc at
isang menor de edad na hindi pinangalanan.

Sa kanilang pag-uwi ay pinabaunan pa sila ng Department of Social


Welfare and Development ng mga pagkain kabilang ang bigas, canned goods,
tubig at hygiene kits.

Iniatras na rin ng gobyerno ang mga kasong isinampa laban sa mga


mangingisda kabilang ang ilegal na pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon sa mga ulat, dinala lamang ng bagyong Ferdie ang mga mangingisda sa
teritoryo ng Pilipinas.

Pababalikin na sana sa kanilang bansa ang mga mangingisda sakay ng


eroplano ngunit mas pinili nilang pumalaot na lamang.
Nitong nakaraang buwan pa ipinag-utos ni Duterte ang pagpapalaya sa mga
mangingisda ngunit ngayon lamang sila makauuwi sa Vietnam.

http://www.philstar.com/bansa/2016/11/02/1639767/17-vietnamese-poachers-
pinauwi-na-ni-duterte

TANDAAN:
Sa isang talata ay may kaganapan, kaisahan, kaayusan at
pagkakaugnay. Tiyakin lamang na ang paggawa ng talata ay
makapaghatid ng isang ganap na kaisipan.

GAWAIN 4
Pagsubok ng kaalaman
Bumuo ng isang kombensyonal na pamatnubay (lead)
tungkol sa naganap sa paligid.

GAWAIN 5
Manood ng balita sa TV at alamin ang mga iba’t ibang uri ng
balita.

TAKDANG ARALIN

Manood ng balita sa TV at alamin ang mga iba’t ibang uri ng


balita

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 2
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong


pagbabalita(news casting) tungkol sa
kanilang sariling lugar
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang
ginamit sa ulat-balita
F7PT-IIIj-15
I LAYUNIN:
Natutukoy ang iba’iabang uri ng balita
Kaalaman:
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang
Saykomotor: ginamit sa teksto at nagagamit sa
makabuluhang pangungsap.
Nakabubuo ng reaksyon tungkol sa uri ng
Apektiv: balitang naririnig sa TV at radyo para
maipapakita ang pagkaresponsableng
mamamayan.

II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pangwakas na gawain
B. SANGGUNIAN Internet, aklat
C. KAGAMITANG Aklat, manila paper, teknolohiya
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA Anong pinakamainit na balita ang napanood
Pangmotibesyunal na ninyo kagabi?
tanong: Ano ang masasabi ninyo sa tagapagbalita?
Gusto n’yo bang subukang maging
tagapagbalita?
Aktiviti/ Gawain
Pagbabalitaa ng mga mag-aaral sa napanood
sa TV.(Pangunahing balita, Balitang K,
Balitang ulat Panahon, Balitang Isport)
B. Paglalahad Pagpapabasa sa iba’t ibang uri ng balita
Abstraksyon Balitang panlokal, pambansa, pandaigdig,
pang-edukasyon, pampulitika, pampalakasan,
(Pamamaraan ng pagtalakay pantahanan, pankabuhayan, panlibangan

C. PAGSASANAY Pagsusuri ng isang halimbawang balita


Mga paglilinang
na gawain Mga gabay na tanong:

1. Tungkol saan ang binasang balita?


2. Ano-anong impormasyon ang nakuha mula
dito?
3. Ano ang layunin nito na nais ipabatid
sa mambabasa?
4. Batay sa inyong nabasa o narinig ,
tumpak ba ang mga impormasyon inilahad
sa balita?
5. Anong uring balita ito at ipaliwanag
kung bakit?

D. PAGLALAPAT Pagbibigay ng kahulugan ng mga salitang may


Aplikasyon diin sa bawat bilang at saka ito ay gamitin
sa makabuluhang pangungusap.
E. PAGLALAHAT Ibigay ang iba’t ibang uri ng balita at ang
layunin nito
Generalisasyon
IV PAGTATAYA Pagpapasulat ng isang talata ng kahalagahan
ng iba’t ibang uri ng balita.

V TAKDANG-ARALIN Manood ng balita at suriin ang mga


sumusunod; Tagapagbalita, pananamit, boses
at uri ng balita na ibinalita.
ARALIN 3.5: Sesyon 2
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Sa pagbabasa mo ng pahayagan o kaya ay a pakikinig ng
radyo, o kaya naman ay sa panonood ng telebisyon, naroon ang
balita. Hindi iisang balita, maraming balita, Iba’t ibang uri.
Totoo, may iba’t ibang uri ng balita. Kung gusto mong sumulat nito,
nararapat lamang na mabatid mo kung anu-ano ang mga uri ng balita.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Anong pinakamainit na balita ang napanood ninyo kagabi?


2. Ano ang masasabi ninyo sa tagapagbalita?
3. Gusto n’yo bang subukang maging tagapagbalita?

GAWAIN 1
Pulso ng Bayan.(Pangkatang Gawain)

Ngayong araw na ito ay magkakaroon kayo ng pagkakataon na masubukan


ang pagiging isang tagapagbalita. Iulat ninyo sa harap ang balitang
pinanood ninyo kagabi. (Ibinigay na bilang takdang gawain ang panonood sa
TV).

ALAM MO BA NA......
ang balita ay may iba’t ibang uri”? Maaaring panlokal, pambansa,
at pandaigdig. Sa paksa, ang balita ay maaaaring pang-edukasyon,
pangkabuhayan, pantahanan, panlibangan,
pampalakasan at pampulitikal.

BALITANG PANLOKAL - Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap


lamang sa
Isang tiyak na bahagi ng
bansa (munisipyo, lungsod, lalawigan).
BALITANG PAMBANSA –Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap
sa buong
bansa.
BALITANG PANDAIGDIG – Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring
nagaganap sa iba’t
Ibang bansa sa daigdig.
BALITANG PANG-EDUKASYON – Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
BALITANG PAMPULITIKAL – Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
pulitika.
BALITANG PAMPALAKASAN – Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
mga palaro at
kumpitisyong
pampalakasan.
BALITANG PANTAHANAN – Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa
pamamahala sa tahanan.
BALITANG PANGKABUHAYAN – Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring may
kinalaman
sa negosyo at takbo ng
kabuhayanng bansa.
BALITANG PANLIBANGAN – Tumatalakay sa mga mahahalagang pangya yaring may
kinalaman sa
Larangan ng telebisyon,
radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

GAWAIN 2
Sagutin ang mga tanong.

Sec. Robredo In Plane Crash

Isang pribadong Cessna plane na kinalululanan ni Department of Interior


and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo ang nag-crash sa dagat ng
Masbate kahapon, ayon sa Malacañang.
Sa isang text message kinumpirma ni presidential spokesman Edwin
Lacierda na lulan ng bumagsak na eroplano si Robredo at patuloy umano ang
isinasagawang search and rescue operation sa pinagbagsakan ng naturang 4-
seater plane.
Samantala, sa natanggap na report ng palasyo mula kay Civil Aviation
Authority of the Philippines(CAAP) head William Hotchkiss, isang aide ni
Robredo ang nakaligtas sa Plane crash at ito ang siyang huminging ng tulong
sa mga opisyal ng Masbate. “May report na may eroplanong nag-takeoff from
Mactan to Naga, nagreport ng emergency malapit sa Masbate, the CAAP alerted
the local airport manager and local coast Guard on the incident,”pahayag ni
Hotchkiss kung saan nawalan umano ng kontak sa eroplano na bumagsak may 150
metro mula sa Masbate airport.
Base naman sa inisyal na ulat mula kay Masbate City Vice Governor Vince
Revil, bumagsak ang Cessna 172 plane na kinalululanan ni Robredo, may 150
metro ang layo sa MasbateAirport matapos makapag-emergency call ang piloto
nito na kinakailangan nilang ma-emergency landing sa Masbate City Airport
about 5:PM, pero nag crash ang plane about 150 meters away from the airport.
Nag-crash sa dagat,” pahayag ni Revil.
Nabatid na galing ng Cebu ang naturang private plane kung saaan dumalo
sa isang political meeting at pauwi sana sa kanyang pamilya sa Naga, Camarines
Sur kung saan siya dating mayor nang maganap ang trahedya.
Umalis sa Mactan airport ang Cessna plane ng grupo ni Robredo, isa ring
kolumnista ng pahayagang ito, dakong alas tres ng hapon.
Napag-alaman pa kay Vice Gov. Revil na isa sa mga aide ni Robredo ang
na-rescue at ito ang nagturo ng eksaktong pinagbagsakan ng Cessna plane.
Sa ulat naman ni Communications Sec. Ricky Carandang, sa testimonya ng
aide ng kalihim na Capt. Jun Abrazado, nasa himpapawid na umano sila nang
magkaaberya ang eroplano dahilan upang humingi ng clearance ang kanilang
piloto ng emergency.

Mga gabay na tanong:


1. Tungkol saan ang binasang balita?
2. Ano-anong impormasyon ang nakuha mula dito?
3. Ano ang layunin nito na nais ipabatid sa mambabasa?
4. Batay sa inyong nabasa o narinig, tumpak ba ang mga impormasyon
inilahad sa balita?
5. Anong uring balita ito at ipaliwanag kung bakit?
6. Kung personal mong kakilala ang taong nasawi sa balita, ano kaya ang
iyong magiging reaksyon o damdamin?
7. Ano naman ang pinakamagandang balitang iyong natanggap sa buhay?
Paano mo tinanggap at hinarap ang balitang ito?
8. Maganda man o hindi ang isang balita, paano ito nakatutulong sa iyong
buhay?

GAWAIN 2
Paglalapat
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang bold sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa patlang at saka
ito ay gamitin sa makabuluhang pangungusap
1. Si Jesse ay ikatlo sa limang supling ng mag-asawang Jose Robredo at
Marcelina Manalastas.
Kahulugan:
___________________________________________________________________
Pangungusap:
___________________________________________________________________
2. Siya ay isa sa mga delegado ng bansa sa mga pandaigdigang
kumperensiya.
Kahulugan:
___________________________________________________________________
Pangungusap:
___________________________________________________________________
3. Isang pari ang humikayat sa kanya upang mahalin, isipin, at pag-
aralan ang Bikol.
Kahulugan:
___________________________________________________________________
Pangungusap:
___________________________________________________________________
4. Kahit ang mga oposisyon ay iginagalang ang kanyang mga desisyon.
Kahulugan:
___________________________________________________________________
Pangungusap: ________________________________________________________
5. Umusbong ang kanyang interes pampolitika nang mabaril si Benigno
Aquino Jr.
Kahulugan:
___________________________________________________________________
Pangungusap:
___________________________________________________________________
TANDAAN:
Hindi iisa ang uri ng balita, maraming uri ito kaya’t nararapat
lamang na mabatid ang bawat uri nito.

GAWAIN 4
Pagsubok ng kaalaman

Sa isang talata ilahad ang gahalagahan ng iba’t ibang uri


ng balita.

GAWAIN 5
Manood ng balita at suriin ang mga sumusunod; Tagapagbalita,
pananamit, boses at uri ng
balita na ibinalita.

TAKDANG ARALIN

Manood ng balita at suriin ang mga sumusunod; Tagapagbalita,


pananamit, boses at uri ng balita na ibinalita.

Sabjek: FILIPINO Baitang: 7


Petsa: Sesyon: 3
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang mga pahayag na
pantugon sa anumang mensahe
F7 WG-IIIj-17
I LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng tugon
Kaalaman: sa mensahe
Nakabubuo at nakasasagot ng mensahe batay sa
Saykomotor: nagaganap sa paligid
Nagagamit nang wasto ang mga pahayag na
Apektiv: pantugon sa anumang mensahe
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pangwakas na gawain
B. SANGGUNIAN Internet, aklat
C. KAGAMITANG Manila paper, pentel pen
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
D. PAGAHAHANDA 1. Sino ang gumawa ng takdang gawain
Pangmotibisyunal na kagabi?
tanong: 2. Bakit may iilan na hindi makagawa ng
takdang gawain?
3. Mahirap bang maunawaan ang tanong o
Aktiviti/ panuto?
Gawain
Pagbibigay tugon sa mensahe

E. Paglalahad Paglalahad ng iba’t ibang uri ng tugon sa


Abstraksyon isang mensahe
(Pamamaraan ng pagtalakay
F. PAGSASANAY Pagbibigay tugon o reaksiyon sa mensahe
Mga paglilinang
na gawain

G. PAGLALAPAT Pangkatang pagbuo ng mensahe at pangkatang


Aplikasyon pagsagot sa mensahe.
H. PAGLALAHAT Ang tugon sa isang mensahe ay nakadipende sa
Generalisasyon taong sumagot nito. Mahalagang intindihing
mabuti ang mensahe para matugunan nang maayos
IV PAGTATAYA Pagsagot sa tatlong tanong batay sa nabuong
ulat
V TAKDANG-ARALIN Pagsasagawa ng surbey tungkol sa naging tugon
ng dalawa o tatlong tao sa isang tanong.

ARALIN 3.5: Sesyon 3


Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang paraan sa pagtugon
sa bawat katanungan. May mahilig magpaligoy-ligoy, at mayroong
ding diritsahan kung sumagot.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Sino ang gumawa ng takdang gawain kagabi?


2. Bakit may iilan na hindi nakagawa ng takdang gawain?
3. Mahirap bang tugunan ang mensahe?
GAWAIN 1
Mensahe ko.Tugunan mo!
Sagutin ang tanong

Mensahe: Kamusta ka? Kamusta ang iyong pag-aaral? Kumusta ang marka ng

grado mo?
Tugon:.

ALAM MO BA NA......

may iba’t ibang tugon sa bawat mensahe?


Kung ang tugon mo sa mensahe ay oo, ito ang mga pahayag na

maaari mong gamitin


* bilib akó...
* Iyan din ang pananaw ko ...
* Tunay ang sinabi...
* lubos akong nananakig...
Kung ang tugon mo ay hindi, ito ang mga pahayag na maaari mong
gamitin.
* Hindi totoo...
* Ikinalulungkot ko...
* Sumasalungat ako...
* Ayaw ko ang pahayag...
Kung ang tugon mo sa mensahe ay puwedeng oo o hindi, ang mga pahayag
na maaari mong gamitin
ay ang sumusunod;
* sang-ayon ako subalit...
* Medyo bilib ako, kaya lang...
* may puntos ang pahayag mo ngunit...
* maaaring ganon nga iyon pero...

GAWAIN 2
Bigyang tugon o reaksiyon ang sumusunod na mensahe.

1. Ang pagsusulit ay sumusukat hindi lamang ng iyong kaalaman, kundi


pati na rin ng iyong pag-uugali.

Ang aking tugon:


2. Ang prosesong iyong pinagdadaanan ay mas mahalaga kaysa sa iyong
natutuhan.
Ang aking tugon:

3. Ipahayag ang iyong saloobin kahit sa kalsada, sumama sa mga rally.


Ang aking tugon:

4. Mahalaga ang pananampalataya, pati na rin ang katapatan.


Ang aking tugon:

5. Sa hapag kainan ng pamilya ay hikayatin ang bawat isa na magpahayag


ng opinyon.
Ang aking tugon:

GAWAIN 3
Buoin at Tugunan.
Bawat pangkat ay mag-isip ng mga pangyayari sa paligid at
pagkatapos ay bumuo ng tatlong
Mensahe sa loob ng limang minuto. Pagkatapos makabuo ay
sabay –sabay ibigay ang ginawang mensahe sa ibang pangkat at sabay-sabay
itong sagutin.Pagkatapos ay iulat sa harap ang nabuong gawain.

TANDAAN:
Ang tugon sa isang mensahe ay nakadipende sa taong sumagot nito.
Mahalagang intindihing mabuti ang mensahe para matugunan ito nang
maayos.

GAWAIN 4
Pagsubok ng kaalaman

Batay sa nabuong ulat sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Maayos ba ang pagkakabuo ng mga mensahe?
2. Natugunan ba ang bawat mensahe?
3. Anong naramdaman ninyo sa gawain?
GAWAIN 5
Ipasagot ang tanong na ito sa dalawa o tatlong tao at suriin ang
mga tugon o sagot nila kung
pareho ba o hindi. Tanong: Anong opinyon mo sa
pagpapalibing kay dating president
Ferdinand Marcos?
\

TAKDANG ARALIN

Pagsasagawa ng surbey tungkol sa naging tugon ng dalawa o


tatlong tao sa isang tanong.

Sabjek: FILIPINO Filipino


Petsa: Sesyon 4
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa
kanilang sariling lugar
Kompetensi: Naimumungkahi ang karagdagang impormasyon
tungkol sa mga hakbang sa pagsulat ng balita
batay sa balitang napanood sa telebisyon
F7PD-IIIj-17
Nagagamit ang angkop na mga salita sa pag-
uulat tungkol sa sariling lugar/bayan
F7PU-IIIj-17
I LAYUNIN:
Naisa-isa ang mga paraan sa pagsulat ng
Kaalaman: balita
Naililista ang mga karagdagang impormasyon
Saykomotor: tungkol sa mga hakbang sa pagsulat ng balita
Nabubuo ang balita na naglalaman ng
Apektiv: kamalayang panlokal
II PAKSANG ARALIN Pangwakas na Gawain
A. PAKSA Pangwakas na gawain
B. SANGGUNIAN Internet, Pinagyamang Pluma 7
C. KAGAMITANG Video clip, sipi ng halimbawang balita
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA 1. Ano-ano ang mga hakbang na gagawin mo
Pangmotibisyunal na kung kayo ay magluluto ng kanin?
tanong: 2. Matagumpay ba ang pagsasaing kung may
kulang sa mga hakbang na nabanggit?
3. Gaano kahalaga ang pagsunod sa mga
Aktiviti/ Gawain hakbang?

Babasahin ang ulo ng balita pagkatapos ay


magbigay ng reaksyon tungkol dito

B. Paglalahad Pagtatalakay sa mga paraan ng pagsulat ng


Abstraksyon balita
(Pamamaraan ng pagtalakay
C. PAGSASANAY Panonood ng balita pagkatapos ay susuriin
Mga paglilinang ang mga salitang ginamit sa pinanuod na
na gawain balita

D. PAGLALAPAT Pagmumungkahi ng karagdagang impormasyon


Aplikasyon tungkol sa pagsulat ng balita.

E. PAGLALAHAT Sa pagsulat ng balita ay nararapat lamang na


Generalisasyon alam ang mga paraan sa pagsulat nito at ang
baligtad na tagilo (inverted pyramid) na
kayarian
IV PAGTATAYA Pagpupuno ng angkop na salita sa patlang
upang makabuo ng panlokal na balita.

V TAKDANG-ARALIN Magdala ng kagamitan bukas tulad ng laptop,


cell phone, iPod para sa paggawa ng
Komprehensibong Pagbabalita.
ARALIN 3.5: Sesyon 4
Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Bawat gawain ay kailangang may mga hakbang upang ang
kalalabasan nito ay maganda, mahusay at mapadali ang pagsasagawa
nito.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Ano-ano ang mga hakbang na gagawin mo kung kayo ay magluluto ng


kanin?
2. Matagumpay ba ang pagsasaing kung may kulang sa mga hakbang na
nabanggit?
3. Gaano kahalaga ang pagsunod sa mga hakbang?

GAWAIN 1
Basahin ang ulo ng balita at pagkatapos ay magbigay ng reaksyon
tungkol dito

De Lima, magpapabaril sa harap ni Duterte 'pag napatunayang sangkot siya sa

droga

Ulo ng
Balita

Reaksyon Reaksyon
Sumang-ayon Di-Sumang-
ayon

ALAM MO BA NA......
sa pagsulat ng balita, karaniwang ginagamit ang kayariang baligtad
na tagilo (inverted pyramid) kung saan makikita ang pagpapahalaga
sa bahaging nais itampok? Narito ang paraan sa pagsulat ng isang
balita.
1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang gahalgahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalgang datos bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at
kanyang katungkulan.
Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin nalang ang G. At apelyido ng
lalaki at Bb. o Gng. At apelyido ng babae o anumang titulo na angkop
sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maiklli ang talata.
8. Gumamit ng payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap na tukuyan kaysa balintiyak.
10. Isulat ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
11. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.
12. Gawing pasalita ang bilang 1hanggang 9 at gawing tambilang ang 10
pataas

GAWAIN 2
Panonood ng balita
Panunuorin natin ngayon ang isang balita mula sa youtube. Bilang
paghahanda sa pagsulat
mo ng balita at pagbabalita ay suriin ang mga salitang
ginamit sa pinanuod na balita. Gamitin mo ang tseklist sa ibaba. (mga
mungkahing balita ay mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=evX10kw8h3k
https://www.youtube.com/watch?v=k2L4PJxujGQ)

Katangian ng mga salitang Paliwanag


ginamit

Simple ang mga salita

Naiintindihan ito ng
lahat

Akma ang pagkakagamit ng


salita

GAWAIN 3
(Pangkatang Gawain)
Pagmumungkahi ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagsulat ng
balita.

Batay sa binasang kaisipan sa loob ng kahon at sa mga paraan ng pagsulat


ng balita na iyong narinig, maglahad o magmungkahi ng karagdagang impormasyon
sa pagsulat ng balita.Ito ay makatutulong nang malaki sa iyo at maging sa
iyong mga kamag-aral. Isulat ang iyong sagot sa Manila paper.
TANDAAN:
Sa pagsulat ng balita ay nararapat lamang na alam ang mga paraan
sa pagsulat nito at ang baligtad na tagilo (inverted pyramid) na
kayarian.

GAWAIN 4
Pagsubok ng kaalaman

Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng panlokal na


balita.

Lokal na pamahalaan ng____________, nabahala sa mataas na kaso ng dengue

Isang _______ taong gulang na babae ang nadagdag sa listahan ng mga


nasawi sa sakit na dengue sa_________________.
Sa ulat ng ___________ nitong_______________, sinabing mula Enero hanggang
Hunyo, umabot na sa 72 ang kaso ng dengue sa__________, siyam sa kanila ang
nasawi.
Lubhang mataas ang naturang bilang kumpara sa 19 na kaso lamang na naitala
sa natulad na panahon noong nakaraang taon.
Bukod sa isinasagawang pagkilos ng _________na pamahalaan para mapuksa ang
dengue, nanawagan si_____________, municipal health officer, sa mga
residente na gumawa rin ng sarili nilang hakbang sa paglilinis sa paligid,
at huwag lamang umasa sa pamahalaan.
Nagdadalamhati pa rin ang pamilya ____________sa maagang pagpanaw ng
kanilang kaisa-isang anak na pumanaw dahil sa dengue.
Kwento ni Gng______________, nilagnat ang kanyang anak sa mismong araw ng
kaarawan nito ngayong buwan. Pagkaraan lamang ng isang linggo mula nang
dalhin nila sa ospital ang bata, binawian na ito ng buhay.

Ang kanal sa harapan ng kanilang bahay ang pinaniniwalaan nilang


pinamugaran ng lamok na nakabiktima sa bata. - FRJ, GMA News - See more at:
http://www.gmanetwork.com/news/story/263726/news/ulatfilipino/lokal-na-
pamahalaan-ng-pavia-iloilo-nabahala-sa-mataas-na-kaso-ng-dengue

GAWAIN 5
Magdala ng kagamitan bukas tulad ng laptop, cell phone, iPod
para sa paggawa ng
Komprehensibong Pagbabalita.

TAKDANG ARALIN

Magdala ng kagamitan bukas tulad ng laptop, cell phone, iPod


para sa paggawa ng Komprehensibong Pagbabalita.
Sabjek: FILIPINO Baitang 7
Petsa: Sesyon 5
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman: akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita(news casting) tungkol sa kanilang
sariling lugar
Kompetensi: Naisasagawa ang komprehensibong bagbabalita
tungkol sa sariling lugar/bayan
F7PS-IIIj-17
I LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang mga datos na kakailanganin
Kaalaman: sa paggawa ng balita
Nakasusulat at naiuulat ang ginawang balitang
Saykomotor: panlokal
Nakabubuo ng maganda o positibong balita at
Apektiv: nakapagbibigay inspirasyon sa iba.
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pangwakas na gawain
B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7
C. KAGAMITANG Laptop, ipod, cell phone
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN
A. PAGAHAHANDA 1. Handa na ba kayo sa magaganap ngayong
Pangmotibisyunal na araw na ito?
tanong: 2. Natatandaan pa ba ninyo ang lahat ng
tinalakay natin ngayong linggo?
Aktiviti/ 3. Handa na ba ang inyong mga kagamitan
tulad ng ipod, laptop, cell phone?
Gawain
Papangkatin ang klase sa anim. Magpalista ng
mga lugar sa nayon na maganda pero hindi pa
dinarayo ng mga turista.
B. Paglalahad Bukod sa hakbang sa pagsulat ng balita dapat
Abstraksyon ding tandaan na kailangang gumamit lamang ng
simple, napapanahon, naiintindihan, at madaling
(Pamamaraan ng gamiting salita. Iwasan ang pagiging maligoy at
pagtalakay gawing maikli ang talata.
C. PAGSASANAY Pagpapaliwanag tungkol sa GRASPS
Mga
paglilinang na gawain

D. PAGLALAPAT Pagtukoy sa mga datos na kailangan para sa


Aplikasyon susulating balita. Gawing gabay ang ang mga
tanong sa na nakalista.
E. PAGLALAHAT Tukuyin muna ang mga datos na kakailanganin
Generalisasyon upang mapabilis ang pagbuo ng balitang gagawin.

IV PAGTATAYA Pagsulat ng sariling balita


V TAKDANG-ARALIN Maghanda para sa aktuwal na pag-uulat o
pagbabalita

ARALIN 3.5: Sesyon 5


Aralin: YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Sa nagdaang anim na aralin ay inaasahang naipamalas sa iyo
ang panitikang Luzon na tunay na larawan ng pagkakakilanlan ng
ating bansa at nakatulong nawa sa iyo upang higit mong
maipagmalaki at maunawaan ang natatanging katangian ng Luzon na siyang
sentro at pinakamalaking pulo ng bansa.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

1. Handa na ba kayo sa magaganap ngayong araw na ito?


2. Natatandaan pa ba ninyo ang lahat ng tinalakay natin ngayong
linggo?
3. Handa na ba ang inyong mga kagamitan tulad ng ipod, laptop,
cell phone?

GAWAIN 1
Papangkatin ko kayo sa anim. Maglista ng mga lugar sa iyong nayon
na maganda pero hindi pa dinarayo ng mga turista.

ALAM MO BA NA......
Bukod sa hakbang sa pagsulat ng balita dapat ding tandaan na
kailangang gumamit lamang ng simple, napapanahon, naiintindihan, at
madaling gamiting salita. Iwasan ang pagiging maligoy at gawing maikli
ang talata.

GAWAIN 2
Ngayon ay bibigyan natin ng pansin ang mahahalagang kaganapan
ngayon sa Luzon
partikular sa lalawigan o lungsod na iyong
kinabibilangan. Ikaw ay kabilang sa bagong tv
station sa inyong lugar. Isa sa bagong programa ng
inyong estasyon ang “Magandang Balita Ngayon”. Ito ay isang news program na
pawang magagandang balita lamang ang ipinapahayag. Ikaw ay isang
mamamahayag na kabilang sa programang ito. Magsasagawa ka ng
komprehensibong pagbabalita tungkol sa magagandang pangyayaring nagaganap
sa inyong lugar/bayan. Gagawin mo ito upang makapaghatid ka ng magandang
balitang makapagbibigay karangalan sa inyong lugar upang laong mahalin ng
mga kababayan mo at makahikayat kayo ng mga investor at turistang pumunta
sa inyong lugar.
Tulad ng karaniwang reporter susulat ka ng isang komprehemsibong
balitang ilalagay mo sa iPod, laptop, cell phone o sa isang papel na iyong
babasahin kapag ito ay ipinahayag mo na sa harap ng kamera o klase.

GAWAIN 3
Tukuyin mo ang mga datos na iyong kailangan para sa susulating
balita. Gawing gabay ang
ang mga tanong sa ibaba.
 Ano ang balitang ilalahad?

_____________________________________________________________________
_______
 Sino ang kailangan kong kapanayamin o hingan ng tulong?
_____________________________________________________________________
_______
 Saan ko ito makukuha?
_____________________________________________________________________
_______
 Kailan ko ito gagawin?
_____________________________________________________________________
_______
 Ano ang iba pang datos o bagay na aking kakailanganin?
_____________________________________________________________________
_______

TANDAAN:
Tukuyin muna ang mga datos na kakailanganin mo upang mapabilis
ang pagbuo ng balitang gagawin.

GAWAIN 4
Pagsubok ng kaalaman

Ngayon ay handang-handa ka na sa pagsulat ng balita. Gamitin mong gabay ang


pamantayan para sa iyong susulatin at ilalahad sa balita.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Nakasulat ng isang komprehensibong balita tungkol sa
sariling lugar/bayan.
Naisagawa ang komprehensibong pagbabalita nang maayos
at malinaw.
Nagamit ang angkop na salita sa pag-uulat tungkol sa
sariling lugar/bayan.
Natukoy ang mga datos na kailangan sa paglikha ng
sariling ulat o balita.
Naimungkahi ang karagdagang impormasyon sa mga hakbang
sa pagsulat ng balita.
Nagamit nang wasto at angkop ang pormal na wika
Filipino sa pagsulat ng balita at sa pagbabalita nito.
Maganda o positibo ang balita at nakapagbigay
inspirasyon sa iba
Kabuoang Puntos
5-Napakahusay
2-Di-mahusay
4-Mahusay
1-Sadyang Di-mahusay
3-Katamtaman

GAWAIN 5
Maghanda para sa aktuwal na pagbabalita.

TAKDANG ARALIN

Maghanda para sa aktuwal na pag-uulat o pagbabalita


SUBJEK: FILIPINO BAITANG: 7
PETSA: SESYON 1.
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
PANGNILALAMAN: pampanitikan ng Luzon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
pagbabalita tungkol sa kanilang sariling lugar.
KOMPENTENSI: 2.Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa
napakinggang maikling kuwento. F7PN-IIIh-i-16
3.Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa
kuwento. F7PB-IIIh-i-18.
4.Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa
konteksto ng pangungusap. F7PT-IIIh-i-16
1. LAYUNIN:
Kaalaman: Naibibigay ang kalalabasan ng mga pangyayari sa
kuwento.
Saykomotor: Naihahambing ang mga katangian ng tauhan sa ibang
tauhan sa napakinggang maikling kuwento.
Apektiv: Nakapagtatanghal ng isang pagsasadula na nagpapakita ng
kabutihan.
II. PAKSANG -ARALIN:
A. PAKSA: Maikling Kuwento
B. SANGGUNIAN: Internet, Supplemental Lesson Plan
C. KAGAMITANG Photo copies ng kuwento, laptop, t.v.
PAMPAGTUTURO:
III. PAMAMARAAN:
A. Paghahanda: Isulat sa pisara ang salitang MABUTI.
5.Ano ang inyong naunawaan sa salitang ito?
6.May mga tao pa kaya ngayon na mabubuti?
7.Sino sa inyo ang may kakilalang tao na mabuti?
8.Bakit nyo nasabing siya ay mabuti?
Magtatanghal ang ilang mag-aaral ng pagsasadula ng
nagpapakita ng kabutihan.

B. Paglalahad: Ipabasa ang akdang Ang Kuwento ni Mabuti.Ipabasa ito sa


paraang DRTA.
Talakayin dito ang pagpapalawak ng talasalitaan. Sa
loob ng isang bilog nakasulat sa bold letters ang
MABUTI. Isa-isahin ang katangian ng guro sa kuwento na
nagpapakita o naglalarawan ng kanyang pangalan. Paano
bibigyan ng depinisyon ang salitang MABUTI sa kanyang
katauhan? Hanguin ang mga pangungusap mula sa kuwento
upang maipakita ang depinisyon ng salita.
C.Pagsasanay: Isa-isahin ang katangian ng guro na nagpapakita ng
kanyang pangalan.
D. Paglalapat: Ipasasadula ng mga mag-aaral ang isang pangyayari sa
kuwento na nagpapakita ng pagiging mabuti ni Mabuti
kung kaya"t siya ay tinatawag na Mabuti.
E. Paglalahat: Anong mensahe o magandang aral ang inyong nakuha mula
sa pagkatao ni Mabuti?
IV: PAGTATAYA: Ibigay ang kahulugan
a. Tagpuan c. Tauhan
b. Bangkay d. Kakintalan
V: TAKDANG-ARALIN:

ARALIN 4: Sesyon 1
Aralin: MAIKLING KUWENTO

TUKLASIN
Ang pagiging isang guro ay hindi basta-basta lamang.
Kailangan dito ang pagtitiis, pagmamahal, pagmamalasakit, pag-
uunawa at pagtitimpi ng isang guro doon sa mga batang kanyang
tinuturuan. Sa araling ito, matutuklasan at matutunghayan ninyo ang istorya
sa buhay ng isang guro.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

Mayroon ba kayong mga paboritong guro?


Ano-ano ang mga katangian ng gurong ito kung kaya't siya ay iyong
paborito?

GAWAIN 1
Tingnan ang larawan. Bumuo ng mga pangungusap na naglalarawan sa
ginawa ng guro.

GAWAIN 2
1. Batay sa inyong mga nabuong pangungusap, ano ang inyong masasabi
sa pagiging isang guro?
2. Sino sa inyo ang nangangarap na maging isang guro? Gugustuhin
nyo pa bang maging guro ngayong alam na ninyo na mahirap pala
ang maging isang guro?
ALAM MO BA NA......
Ang maikling kuwento ay isang maikling sanaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon
lamang.
Ang mga elemento ng maikling kuwento ay ang sumusunod:
1. Tauhan--nagtataglay ng suliranin, ang karakter na kung saan ang
nagsisilbing daan upang magkaroon ng saysay ang kuwento.
2. Tagpuan--ang lugar na pinangyayarihan ng kuwento.
3. Banghay--ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Kakintalan--mensahe o aral na makukuha sa kuwento.

Ang Kuwento ni Mabuti


ni Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang
naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang
pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa
mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung
manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang
estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang
pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa
kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan
man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang
tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit
walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa
kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon.
Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa
kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala
niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing
anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y
nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat
ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang
hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa
mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip,
iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula
tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging
ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman
kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang
hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid
ay tahimik
na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking
suliranin sa pagluha.
Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa
narinig.
“Tila may suliranin… mabuti sana kung makatutulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong
isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli
sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako
makakilos sa sinabi
niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito… naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa
ang
kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang
ngiti sa
kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.
Nakinig siya sa akin,
at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong
napigil
niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig
nang buong
pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin
ay
natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok
na iyon
na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon
na …
iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang
tinig: “sana’y
masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin… kailanman. Ang ibig kong sabihin
ay … maging
higit na mabuti sana sa iyo ang… buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita
niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at
mahiyain niyang
mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot,
naririnig
kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang
sulok na iyon,
“Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang
tumataginting sa silid namin
ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng
pagtungo
niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa
siya roon, sa
aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula
akong
magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit,
sa tuwina,
kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno
siya ng maririkit
na guni-guni ng aming isipan at ng mga tunog ng aming pandinig at natutuhan
naming
unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin namin sa panitikan ay
naging isang
pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan at ako’y humanga. Wala iyon doon
kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama
niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin
ang pagtuklas
na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa
silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na,
isa sa
mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang
pananalig
niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan
na lamang
sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon
ng
pag-aaral namin sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na
babae, sa
tangi niyang anak… nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin
kailanman tungkol
sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral namin ang
nakababatid na siya’y
hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay
nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon.
Ang paglaki
nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila
hindi
namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba, ang
pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak.
Maliban sa iilan
sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa
lamang ang mga
bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon.
Sa akin, ang
bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y
nabubuo
na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng
kanyang
anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang
mga
kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim
na taong
gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula nang mag-aral. At ibig ng
guro naming
maging manggagamot ang kanyang anak–at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking
likuran ang
bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y
nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa
kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng
batang may
kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya
nang
ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang
dipa lamang
ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya,
tanganan ang
kanyang mga kamay gaya ng ginagawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-
aklatan, at
hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang
damdamin kung
may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa
pagnanasa
kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa
kanyang
sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang
mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makalilimutan kailanman. Tiningnan
niya ako ngbuong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi
ang ganito: “Mabuti…
mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe–lyon lamang nakararanas ng mga lihim na
kalungkutan
ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsimula sa
ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang
pangungusap na
iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit
samantalang nakatitig
siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon,
nadama
kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakaranas ng mga
lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating
kulay
ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa
aralin
namin sa panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng
pagpapatuloy anuman
ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol
sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon marahil ay
magiging isang
manggagamot din balang araw, ay namatay, at naburol ng dalawang gabi at
dalawang araw
sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang
lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay
naunawaan ko ang lahat.

GAWAIN 3

M A B U T I
Isa-isahin ang mga katangian ng guro sa kuwento na nagpapakita o
naglalarawan ng kanyang pangalan.
Paano nyo bibigyan ng depinisyon ang salitang MABUTI sa kanyang katauhan?
Hanguin ang mga pangungusap muLa sa kuwento upang maipakita ang depinisyon
ng salita. Ihambing ang tauhan sa kuwento sa ibang guro gamit ang venn
diagram.

GAWAIN 4
Pumili ng isang madulang tagpo sa kuwento at bigyan ito ng
buhay.
TANDAAN:
Anumang istorya sa buhay ng isang tao ay maaring tawaging
maikling kuwento. Nasa pangunahing tauhan nakasentro ang istorya
siya ang nagtataglay ng problema. Ang maikling kuwento ay may
payak na tagpuan, may maayos na banghay at nag-iiwan ito ng isang
kakintalan.

GAWAIN 5
Pagsubok ng kaalaman

Ibigay ang kahulugan.


A. Tagpuan C. banghay
B. Tauhan D. Kakintalan

TAKDANG ARALIN
Suriin ang binasang kuwento batay sa sumusunod na mga
elemento.

A. Tauhan C. Banghay
B. Tagpuan D. Kakintalan

SUBJEK: FILIPINO BAITANG: 7


PETSA: SESYON: 2

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


PANGNILALAMAN: pampanitikan ng Luzon.
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
PAGGANAP: pagbabalita tungkol sa kanilang sariling lugar.
KOMPETENSI: 1.Naiaangkop sa sariling katauhan ang kilos, damdamin
at saloobin ng tauhan sa napanood na dula gamit ang
mimicry. F7PD-IIIh-i-15
2.Naisasagawa ang mimicry ng tauhang pinili sa nabasa
o napanood na dula.F7PS-IIIh-i-16
3.Naisusulat ang buod ng piling tagpo gamit ang
kompyuter. F7PU-IIIh-i-16
I. LAYUNIN:
Kaalaman: Naiuugnay sa sarili ang mga ipinakitang kilos,
damdamin at saloobin ng tauhan sa napanood na dula.
Saykomotor: Naisasakilos ang katangian ng isang tauhan mula sa
napanood na dula sa pamamagitan ng mimicry.
Apektiv: Naisasagawa ang isang mimicry na mahigpit na
nakapagmamasid ng tiwala sa sarili.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: Panonood ng isang dula.
B. SANGGUNIAN:
C. KAGAMITANG Laptop, T.V.
PAMPAGTUTURO:
III. PAMAMARAAN:
A. Paghahanda: 5.Ano ang profesyon ni Mabuti ayon sa kuwento?
6.Gusto n'yo bang maging isang guro? Bakit?
Manonood ang mga mag-aaral ng isang pelikula na may
kinalaman sa pagiging guro.

B. Paglalahad: Pag-usapan ang tungkol sa napanood na dula.


1. Ano ang profesyon ng tauhan sa dula?
2. Ano-ano ang kanyang mga tungkulin bilang isang
guro?
3. Paano niya ipinakita ang kanyang pagiging isang
guro?
C. Pagsasanay: Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga katangian ng tauhan
sa dula batay sa mga sumusunod na aspeto, kilos,
damdamin at saloobin.
A. KILOS B. SALOOBIN C. DAMDAMIN

Ipaliliwanag ng pangkat ang kanilang sagot.

D. Paglalapat: Pipili ng isang kinatawan ng pangkat na magaling


magsagawa ng mimicry batay sa pangunahing tauhan at
suriin ang kilos, damdamin at saloobin sa totoong
buhay ng guro.
E. Paglalahat: Batay sa nabasa ng kuwento ni Mabuti at matapos
mapanood ang isang dula na may kinalaman sa isang
guro, ano ang mabubuo ninyong konklusyon sa profesyon
ng isang guro?
IV. PAGTATAYA: Ibuod ang napanood na piling tagpo ng dula gamit ang
kompyuter.
V. TAKDANG-ARALIN: Magbasa ng iba pang kuwento o manood ng iba pang
pelikula na may kinalaman sa buhay ng isang guro.

ARALIN 4: Sesyon 2
Aralin: MAIKLING KUWENTO
TUKLASIN
Nabasa ninyo ang istorya tungkol sa buhay ng isang guro na
si Mabuti. Ngayon, patuloy pa nating aalamin ang kanyang
pagkatao.

MOTIBISYUNAL NA TANONG

Sino si Mabuti?
Bakit siya tinawag na Mabuti?

GAWAIN 1
Iguhit si Mabuti ayon sa inyong imahinasyon. Isulat sa palibot ang
mga katangiang tinataglay niya.
Hal.

GAWAIN 2
1. Ano-ano ang mga katangiang inyong ginamit sa paglalarawan ni
Mabuti?
2. Alin sa mga katangiang ito ang nakita mo sa iyong paboritong
titser?
3. Alin sa mga katangiang ito ang gusto mong taglayin kung ikaw ay
isa nang guro?

ALAM MO BA NA......
May lihim na itinatago si Mabuti?
Siya'y tumatangis sa loob ng silid-aklatan katulad ng kanyang mag-
aaral?

GAWAIN 3
Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga katangian ng tauhan sa dula batay
sa kilos, damdamin at saloobin.
GAWAIN 4
Magsagawa ng isang mimicry batay sa pangunahing tauhan.
Kung ikaw ay isa sa kanyang mag-aaral, huhusgahan mo
rin ba siya?

TANDAAN:
Ang guro ay isang modelo lalong-lalo na sa mga mag-aaral. Mataas
ang tingin ng mga tao sa mga guro dahil sila ang tinaguriang
ikalawang mga magulang ng mga kabataan. Kaya kailangan na ang
mga titsers ay kumilos nang naayon sa inaasahan ng mga kabataan.

GAWAIN 5
Pagsubok ng kaalaman
Ibuod ang panonood na piling tagpo ng dula gamit ang
kompyuter.

GAWAIN 6
Humanap ng mga balita tungkol sa mga guro na nakatanggap ng
papuri o parangal dahil sa
mga nagawang kapuri-puri sa lipunan.

TAKDANG ARALIN

Magbasa ng iba pang kuwento o manood ng iba pang pelikula na


may kinalaman sa buhay ng isang guro.
SUBJEK: FILIPINO BAITANG: 7
PETSA: SESYON: 3
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
PANGNILALAMAN: pampanitikan ng Luzon.
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
PAGGANAP: pagbabalita tungkol sa kanilang sariling lugar.
KOMPETENSI: Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at
kataporik.
F7WG-IIIh-i-16
I. LAYUNIN:
Kaalaman: Naibibigay ang kaibahan ng anapora at katapora sa
paglalarawan.
Saykomotor: Nakabubuo ng mga pangungusap na naglalarawan gamit ang
anapora at katapora.
Apektiv: Nailalarawan ang tauhan nang may katapatan.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA: Anapora at katapora
B. SANGGUNIAN: Supplemental Lesson Plan, Internet
C. KAGAMITANG Laptop at T.V. Para sa powerpoint presentation, Mla.
PAMPAGTUTURO: Paper
III. PAMAMARAAN:
A. Paghahanda: Ipabasa ang isang talata.
C. Ano ang napuna ninyo sa loob ng talata?
D. Anong napansin ninyong ugnayan ng mga salitang ito?
E. Alam ba ninyo kung ano ang tawag sa mga ito?
B. Paglalahad: Talakayin dito ng guro ang tungkol sa panandang
Anaporik at Kataporik. Magbigay ang guro ng mga
halimbawa.
C. Pagsasanay: Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Bubuo sila ng
mga pangungusap na naglalarawan gamit ang anapora at
katapora. Ipaliwanag pagkatapos.
D. Paglalapat: Suriin kung ang pahayag ay Anaporik o kataporik.
1. Ang Senior Citizens Act ay mas pinabubuti pa. Ito ay
malaking tulong lalo na sa matatandang mahihirap ang
buhay.
2. Siya ay may malaking tulong sa mga matatanda. Si
Miriam Defensor Santiago ay nagsusulong ng bagong
batas para sa mga senior citizen.
3. May mga ahensya na handang mangalaga sa matatanda sa
bansa. Sila ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi
nila magagampanan.
E. Paglalahat: Ano ang masasabi nyo sa mga panandang Anaporik at
Kataporik?
Bakit kailangan nating gamitin ang mga panandang ito?
IV. PAGTATAYA: 1. Ibigay ang kahulugan ng Anapora at Katapora.
2. Sumulat ng dalawang pangungusap na naglalarawan
gamit ang Anaporik at dalawang pangungusap na
naglalarawan gamit ang Kataporik batay sa larawang
nakita.

V. TAKDANG-ARALIN: Sumulat ng isang talatang naglalarawan na ginagamitan


ng mga panandang Anaporik at Kataporik.

ARALIN 4: Sesyon 3
Aralin: MAIKLING KUWENTO

TUKLASIN
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang
mapag-ugnay ang pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng
pagpapatungkol o reperensya. May dalawang uri ang pag-uugnay na
ito at ito ang ating tuklasin sa araling ito.

MOTIBISYUNAL NA TANONG
Basahin ang maikling talata.

Pumunta ako sa Manila kung saan ang Manila ang kabesera ng


Pilipinas. Nadatnan ko si
Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal si Diego ay nakita na ako ni
Diego.
1. Ano ang napuna ninyo sa talata?
2. Maganda bang basahin o pakinggan ang talata?
3. Ano kaya ang dapat gawin sa talatang ito?

GAWAIN 1
Punan ng angkop na panghalip ang patlang upang mabuo ang diwa ng
mga pahayag.
1. Ang matanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan. Utang natin sa ating
mga magulang, lolo o lola ang ating mga buhay at kinabukasan._______ang
kumalinga sa atin noong mga bata pa tayo. Suklian natin ang kabutihan
_______sa atin.
2. _______ay aking iginagalang._________ay nararapat na parangalan. Sa
_____________ko natutunan ang maraming bagay.Sila ang mga lolo at lola ko
na aking iniidolo.

GAWAIN 2
Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap.
Isulat sa patlang kung ito'y anapora o katapora.
______________1. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay
taglay niya hanggang kamatayan.
_______________2.Mapalad ang mga Asyano sa pagkakaroon ng mayamang
kalikasan kaya pinangngangalagaan nila itong mabuti.
_______________3.Humahanga ako sa kanila. Ang mga Pilipino ay likas na
magaling.
_______________4.Ang mga guro ay nagbabalak na mag celebrate ng x-mas party
sa malayong lugar. Pupunta raw sila sa Boracay.
_______________5.Ang watawat ay sagisag ng ating bansa at ng mga Pilipino.
Ito'y dapat nating igalang, ingatan at mahalin.

ALAM MO BA NA......
May dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang pangungusap.
Ang mga ito'y ANAPORA at KATAPORA. Tinatawag ito sa English na
COHESIVE DEVICES.
Ang ANAPORA o sulyap na pabalik ay ang reperensya kung binanggit na sa
unahan ang salita.

Hal. Si Mabuti ay isang guro. Lagi siyang tumatangis sa loob ng silid-


aklatan.
Ang KATAPORA o sulyap napasulong ay ang reperensya na sa dakong hulihan na
nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag.
Hal. Lagi siyang tumatangis sa loob ng silid-aklatan. Siya si Mabuti.
Ang ANAPORA at KATAPORA ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing
sa mga salita, parirala at sugnay.
Nangyari ito upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga pangngalan.

GAWAIN 3
A. Pangkatin ang klase sa apat. Pabuuhin sila ng pangungusap na
naglalarawan gamit ang anaphora at katapora.
B. Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa Anapora ang
panghalip na may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa
Katapora ang ginamit na panghalip na may salungguhit sa
pahayag.

_____________1. Isa sa pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang


turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.
_____________2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating
Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
_____________3. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung
paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_____________4. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa
bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo.
____________5. Ang mga alamat, mito at kuwentong-bayan ay mga matatandang
anyo ng panitikan. Ito ay sumasalamin sa mga tradisyon, kultura at
kaugalian ng ating mga sinaunang lahi.

GAWAIN 4
Suriin kung ang pahayag ay Anaporik at Katapora.
Hal. Ang Senior Citizen Act ay maspinabuti pa. Ito ay malaking tulong
lalo na sa matatadang
mahihirap ang buhay.

TANDAAN:
Nakakabagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na
ginagamit sa isang teksto o pahayag. Maiiwasan ang nabanggit na
pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya,
kanila, ito at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa
pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.

GAWAIN 5
Pagsubok ng kaalaman

Ibigay ang kahulugan ng ANAPORA at KATAPORA. Magbigay ng tig-iisang


halimbawa.
ANAPORA____________
Hal.
KATAPORA__________
Hal.

GAWAIN 6

Sumulat ng isang talatang pangungusap na ginamitan ng Anapora at Katapora


batay sa larawang nakita.
TAKDANG ARALIN

Sumulat ng isang talatang naglalarawan na ginagamitan ng mga


panandang Anaporik at Kataporik.

You might also like