Professional Documents
Culture Documents
(Annotation: Dito sasabihin ng guro kung ano ang kaugnayan ng tanong sa paksa. Sa pamamagitan ng
pagtatanong ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang opinyon gamit ang dayalektong kumportable
sila (mother tongue) dito nagkakaroon ng magandang relasyon sa guro at ka-klase dahil ito ay naka base sa
kanilang sariling karanasan sa buhay. Irerespito at papakinggan ng guro ang ano mang kwentong naririnig
nito mula sa mga mag-aaral.
Alamat - Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na
nangangahulugang “upang mabasa.” Ito ay kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan na
naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan, o iba pang
bagay.
Nahahati sa dalawa ang pangkati ng mga alamat: ang mga tinatawag na
(a) etiological o mga nagpapaliwanag na mga alamat na sumasagot sa tanong na kung paano pinangalanan
ang mga bagay o pook at kung bakit nagkaganoon. Halimbawa nito ay Alamat ng sibuyas, alamat ng
saging.
(b) non-etiological na nauukol sa mga dakilang tao, kanilang digmaan at tagumpay na nagawa ng mga
bayani, hari o datu at sa mga pagpaparusa ng malaking kasalanan.
Mga halimbawa nito ay ‘Alamat ng Palendeng’ at ‘Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan,’ ‘Alamat ng
Bundok Kanlaon’ ng mga Bisaya, ‘Ang Alamat ng Bulkang Mayon’ ng Luzon.
Indicator 9: (Annotation: Magbibigay ng mga tanyag na halimbawa ng , Alamat particular sa mga grupong
naninirahan sa Pilipinas. Mga bibigay ng buod ang guro sa bawat kuwento at ipapaliwanag ang kulturang
meron ang bawat grupo kung saan mas maiintindihan ng mga mag-aaral kung bakit ganoon ang uri ng
kanilang pananamit partikular sa mga Muslim kung ano ang kanilang relihiyon at tradisyon upang maiwasan
ang panghuhusga sa kanila.
Karagdagang talakayin:
Indicator 2 (Annotation: Ipapaliwanag ng guro ang mga elemento ng kuwentong panitikan upang mas lalong
maunawaan ng mag-aaral kung paano bubuoin ang kuwento. Sa pamamagitan nito magiging kawili wili sa
mga mambabasa ang mga kuwento dahil sa maayos na pagkakasunod sunod nito.)
D. Paglalapat INDICATOR 5
(Aplikasyon)
Magbibigay ng crossword puzzle sa mga bata.
(Annotation: Gamit ang crossword puzzle madadagdagan ang bokabularyo ng mga mag-aaral at mas
mauunawaan ang kuwentong binasa.)
INDICATOR 3 & 2
V. PAGTATAYA 1. Bilang mag-aaral, paano nakatulong ang pagiging isang mabait at matulungin sainyong pang-araw-araw
na pamumuhay. Sa pagtulong mo sa iyong kapwa,nararapat bang humingi ka ng kapalit?
Pangatwiranan.
2. Bakit higit na mahalaga ang may malinisna puso kaysa may kagandahangpanlabas?
Panuto: Sa Kuwentong pinanuod, ibigay ang mga element ng kuwento. Isulat sa isang buong papel ang pangyayari
kung saan makikita mo ang panimula, gitna at wakas ng kuwento.
(Annotation: Sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga bata mas magkakaroon ng pagninilaynilay ang mga
mag-aaral tungkol sa kanilang sarili. Dito masusukat ang pag unawa ng mga mag-aaral tungkol sa
kuwentong napanood sa pamamagitan ng pagbuo ng kanilang bersyon ng pagsusunod sunod ng kuwento.)
SLOGAN: (Bumuo ng isang slogang kaugnay ng aral na naitanim sa inyong isip batay sa akdang binasa. Maglahad
ng paraan kung paano ito isasabuhay).
TULA: (Gumawa ng isang tula (2-3 saknong) base sa binasang akda).
AWIT: (Lumikha din ng isang awit base din sa nabasang akda).
(Annotation: Sa pagpapatuloy kailangang makita ng guro kung hanggang saan ang imahinasyon ng mga mag-
aaral, Gumawa ng rubriks ang guro bilang pamantayan ng pagbibigay ng puntos sa kanilang gawain. Sa
pamamagitan nito magkakaroon ng pantay at walang bahid na pabor sa bawat mag-aaral. Gamit ang internet
mas malaya nilang maipahayag ang kaninang mga ginawa)
2. PUNA
3. PAGNINILAY
1. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha 80% sa patataya
2. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
3. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
4. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
Inihanda ni:
RAKISA P. SULTAN
Subject Teacher
Pinagtibay: