You are on page 1of 4

Learning Area Filipino Grade

Learning Delivery Modality Face to face

Paaralan Tanauan Institute Inc. Baitang 7


TALA SA Guro John Edward Rey Asignatura Filipino
PAGTUTURO Petsa Markahan Una
Oras Bilang ng Araw 3

I. NILALAMAN Sa Araling ito ang mgs mag-aaral ay inaasang


 Natutukoy ang mga bahagi ng akda na naglalahad ng
kagamitan at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan.
 Nakasusuri ng kwentong bayan.
 Naihahayag ang opinyon o pananaw ng mga mag-aaral
batay sa kanilsng napakinggang kwento.
 Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang kaugalian at
kalagayang panlipunan batay sa paksang tinalakay.
A. Pamantayang
Pangnilalaman Nauunawaan ng mga mag-aaral ang kwentong binasa

B. Pamantayan sa
Pagganap Nakapagbabahagi ang mga mag-aaral ng pananaw o opinyon
batay sa kwentong kanilang napakinggan.

C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto F7PN-Ia-b-1
(MELCS) Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kwento

D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN
Kwentong bayan: Ang alamat ng Bundok Pinto
Kwentong bayan mula sa Mindanao

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
Internet Filipino Grade 7

a. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro Pahina 9-15

b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang Pahina 11-13
Mag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk Pahina 11-13

d. Karagdagang
Kagamitan mula sa Sipi ng Akda
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain Powerpoint, Laptop, Aklat.
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
(INTRODUCTION)  Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 Paglalahad ng layunin ng talakayan
 Balik aral

PAGBABALIK ARAL!!

Panuto: Tukuyin kung ano-ano ang tamang kasagutan sa bawat


tanong base sa iyong natutunan sa nakaraang talakayan.

Ang guro ay magtatawag ng mag aaral upang ibigay ang


salitang angkop sa bawat larawan na ipinakita.

BASA-SURI
Magbibigay ng Gawain ang guro.

Panuto: Kumuha ng aklat at buksan sa pahina 8. Basahin ang


kwento ni Romulus at Remus basahin at suriin ito.

Pagkatapos basahin ng mag aaral ang kwento may inihandang


mga gabay na tanong ang guro.

1. Ano ang pamagat ng kwento na inyong binasa?


2. Sino ang kinikilalang latinang prinsesa?
3. Bakit ipinadakip ang latinang prinsesa ng kanyang tiyuhin?
4. Kung ikaw ang nasa kalagaayan ng alipin, gagawin mor in ba
ang kanyang ginawa? Bakit?
5. Sa mga pangyayari sa kwento, namayani ba ang
pagmamahalan sa kambal sa .kabila ng matinding pagsubok na
pinagdaanan nila sa buhay? Ipaliwanag

Magaling! Salamat sa inyong mga sagot.

B. PAGPAPAUNLAD
(DEVELOPMENT) Basahin ng mayos ang kwento at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan base sa iyong nabasang kwento.

ANG ALAMAT NG BUNDOK PINTO


Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa
yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad
ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong
unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha
ng diyos na may napakaraming aria-arian tulad ng iba’t ibang uri
ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa
tanso tulad ng mga agong (gongs), mga kulintang, mga
gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o
kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa
tanso.
Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na
nagmatyag at malapitang sinaksihan ang mga pambihirang gawi
at mga kakatwang gawain ng mga kakaibang naninirahan sa
yungib. Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas na
mga gabi ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa
bundok. Ang malamyos na musikang likha ng mga
instrumentong musikal ay maririnig mula sa bunganga ng
yungib.
Mapagkikilalang ang musika ay likha ng kagamitang musikal na
yagi sa tanso. Sa katahimikan ng gabi, ang musikang
nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng tunay na
kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa
bundok. Ang gayong kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw
at masasayang pangyayari ay nagtagal at nagpatuloy ng
maraming mga taon.
May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki
ay di pa nasiyahan sa pakikinig lamang ng nakaaaliw na
matamis at masarap pakinggang tugtuging idinudulot sa mga tao
ng mga supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong mapangahas
na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Sila’y
dahan-dahan at tahimik na gumapang hanggang sa makarating
sa pinakamainam na lugar malapit sa bunganga ng yungib at
doo’y nagkubli ng ilang sandali.
Ano ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla
nang makita ang mga kaibig-ibig tingnang mga nilalang na
tumutugtug gamit ang mga intrumentong musikal na yari sa
magagaang kawayan na makinis ang pagkayari. Sa pinakaloob
na bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang
tumutugtog gamit ang mga kulintang, agong, gandingan at iba
pang mga instrumento. Nang maramdaman nilang may mga tao
sa di kalayuan, kaagad silang napatugil sa pagtugtog. Madali
nilang
nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-
amoy.
Ang mayuyumi, magaganda at kabigha-bighaning mga
nakababatang diwata at reyna ay biglang naglaho. Nahintakutan
sila sa pagdating ng mga tatlong kalalakihan. Ang mga
nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang nanatili roon
ngunit di kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang
tatlong lalaki at di malaman ang sasabihin ng makita nang
harapan ang mga mga kabigha-bighaning nilalang.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ayon sa inyong nabasang kwento sino-sino ang


pangunahing tauhan sa “Alamat ng Bundok Pinto”
2. Ibigay ang mga instrumentong ginamit ng mga tauhan sa
binasang kwento
3. Ano ang tawag sa panirahan ng mga supernatural na
likha ng diyos
4. Ilang kalalakihan ang may lakas ng loob na susmubok
upang tingnan kung sino at ano ang tumutugtog ng
cnakakaaliw na tunog na nagmumula sa bundok

C. PAKIKIPAGPALIHAN
(ENGAGEMENT) Base sa inyong nabasang kwento na tungkol sa bundok pinto,
gumawa ng isang sanaysay. Gawin ito sa inyong kwaderno.

D. PAGLALAPAT
(ASSIMILATION) Magbibigay ang guro ng dalawang klase ng kwento. Hahatiin ko
kayo sa dalawang grupo at magkakaroon tayo ng dula-dulaan
kung saan makikilahok ang lahat. Ang unang pangkat ay
bibigyan ng buhay ang kwentong “Naging sultan si pilandok” at
ang pangalawang grupo naman ay bibigyang buhay ang
kwentong ating talakayan sa araw na to.

V. PAGNINILAY
Gumawa ng isang vidyo presentation(3minutes)na gumagamit
ng isang klase ng instrumentong pantugtog.

Inihanda Ni: Rey, John Edward V.


BSE 2C
Pinagtibay Ni: Ellen Toldanes

You might also like