You are on page 1of 13

Pagbabalik Aral:

Panuto: Sabihing ‘LALAKE’ pag Tama ang sinasaad at kung


Mali naman ay sabihin ang ‘BABAE’.

1. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Espanyol na ‘epos’ na


nangangahulugang salawikain o awit.
2. Kilala sa mg Ilokano ang Epikong Baiag ni Lam-ang.
3. Sa luzon ang pinaka mahabang epiko sa pilipinas.
4. Ang epiko ay isang mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran
o mga ginawa ng isa o higit pang bayani o maalamat na mga nilalang.
5. Sa Visayas nagsimula ang epikong Maragtas .

MITOLOHIYA’
Layunin;

Sa araling ito inaasahan ang lahat ng mga mag aaral ay maunawaan


at maintindihan ang leksyon :
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kwentong bayan batay sa mga pangyayari at
usapan ng mga tauhan.
 Naibibigay ang kasing kahulugan at kasalungat na kahulugan ng
salita ayon sa gamit sa pangungunsap
 Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon
at akdang pampanitikan batay sa nabasa na kwentong bayan .
Ano ang Mitolohiya ?

 Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na


kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles
: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na 
relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga
kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa
na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan.
May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at 
kuwentong-bayan.
KARAGDAGANG KAALAMAN;

 Ang mga kwentong bayan ,alamat at mito ito ay bahagi


ng ating panitikang saling-dila o lipat-dila ( ibig-sabihin
ay naikukuwento lamang nang pasalita) na lumalaganap
bago pa man may dumating na mga mananakop sa ating
bansa. Ang kwentong bayan alamat at mito ay halos
may kaugnayan sa isat-isa. Halos pareho lamang ang
kanilang paksa na karaniwan ay tumatalakay sa
kalikasan, pamahiin , rehiyon ,paniniwala, at kultura ng
isang partikular na pangkat o lugar.
Mga maalamat o mitikal na mga hayop sa
pilipinas:
 Bakunawa
 Ek-ek
 Kapre
 Manaul
 Sarimanok
 Sigbin
 Sirena
 Siyokoy
 Tikbalang
 Tiyanak
Ilan sa mga Mitolohiya ng Pilipinas

 Aswang
 Diwata
 Duwende
 Engkanto
 Mambabarang
 Mananggal
 Mangkukulam
 Mariang Makiling
 Nuno Sa Punso
Alamat ni Tungkung Langit at Alunsina
Tungkung Langit at Alunsina, sila ang unang lalake at babae sa daigdig at ang
pinag-ugatan ng buhay. Nabighani silang dalawa sa kanilang kakisigan at
kagandahan at sa bawat pagsikat at paglubog ng araw ay natutuhan nilang mahalin
ang isa’t-isa.  Nagkaisang dibdib sila at nagsama bilang magkabiyak. Si Tungkung
Langit bilang lalake, siya ang nagtatrabaho at gumagawa ng mga mabibigat na
gawain. At si Alunsina bilang babae, siya ang naiiwan sa kanilang tahanan. At kaya
hindi niya  maiwasan na mainip na nagdulot naman sa pagtatalo nila dahil ayaw
siyang payagan ni  Tungkung Langit na tumulong kahit na magkaparehas lang silang
bathala na may  kapangyarihan. Ngunit umiral parin ang pagmamahalan nila sa
isa’t-isa. Isang araw  nagpaalam si Tungkung Langit kay Alunsina na matagal siyang
mamawala at meron  lang siyang tatapusin. Nagmamadaling umalis si Tungkung
Langit na parang mas  importante pa sa kanya ang pupuntahan niya kaya naghinala
si Alunsina at sinundan  niya ito. Natunugan siya ni Tungkung Langit at nagalit sa
kanya. At sa sobrang galit, inagaw niya ang kanyang kapangyarihan at pinagtabuyan
palabas sa kanilang tahanan.  
Nilisan ni Alunsina ang kanilang tahanan ng walang anumang mahalagang
bagay. Hubad siya nang una silang magkita at hubad rin siya ng sila’y
maghiwalay. At ng matagal na siyang hindi nagbalik sa kanilang tahanan ay
nabalitaan niya ang pangungulila ni Tungkung Langit sa kanyang yakap at
halik at sa bawat sandali na magkasama sila. Ginawa lahat ni Tungkung
Langit ang makakaya ng kanyang kapangyarihan upang mapabalik siya sa
kanyang piling ngunit kahit anong pagsuyo niya ay tinatanggihan at hindi
pinapansin.
Nagdalamhati si Tungkung Langit sa na dama niyang pangungunlila at namuhay
ng mag isa na hindi kasama si Alunsina. Lumuha ng lumuha si Tungkung Langit
at ang kanyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng Pag ulan. Kapag
siya ay humahagulhol nag bubunga iyon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat.
Hindi manalang nalaman at nasilayan ni Tungkung Langit ang magiging supling
nila ni Alunsina at ang pagiging isang Pamilya nila.
Gawain Pagkatuto Bilang I.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan..

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong iyong nabasa? Sino ang


tauhan na higit mong nagustuhan?
2. Ibigay ang kanilang mga katangian.
3. Naging kawili-wili ba ang mga tauhang ito para sa iyo? Bakit?
4. Maituturing bang akdang pampanitikan ang mga akdang
gumagamit ng mga Diyos , Dyosa, Bathala at Diwata bilang mga
tauhan?
GAWAIN PAGKATUTO BILANG 2
Panuto; Hanapin ang kahulugan ng hanay A sa hanay B. pagkatapos nito ay
gamitin ito sa pangungunsap.

Hanay A Hanay B
1. Daigdig a. Pagluluksa
2. Magkabiyak b. Mag-asawa
3. Bathala c. Nabubuong Sanggol
4. Nagdalamhati d. Diyos
5. Supling e. Mundo
TAKDANG-ARALIN;

Panuto: Isalaysay ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa akda gamit ang mga sumusunod na graphic
orginazer.

Ano Saan

Wakas

Paano Sino

Bakit

You might also like