You are on page 1of 22

MODYUL 4

GINGOOG CITY COLLEGES, INC


Paz Village Sub., Brgy. 24 A, Gingoog City

Bachelor of Secondary Education Major in Filipino


FIL.101: Introduksiyon sa Pag-aaral ng Wika at Panitikan
Semester of A.Y. 2021-2022

Introduksyon

Sa Yunit IV: “IBA’T IBANG URI NG PANITIKAN SA PILIPINAS” ay talakayin ang paksa na
nauukol iba’t ibang uri ng mga panitikan sa Pilipinas. Nakapaloob din dito ang
mahahalagang impormasyon na kinakailangang matutunan ng mga mag-aaral
lalo na ang tungkol sa pabula, parabula, maikling kwento, dula at epiko kasama
ang akdang halimbawa nito.

Rationale

Sa yunit na ito ay tatalakayin ang mga mag sumusunod na aralin na may kaugnayan
sa panitikan. Bibigyan ng malawak na pagpapakahulugan dito ang pabula, parabula,
maikling kwento, dula at epiko upang mas maintindihan ng mga mag-aaral at
mapalawak ang kanilang kaalaman hinggil dito. Matatalakay rin ang iba’t ibang
halimbawa ng mga nabanggit na uri ng panitikan nang sa gayun ay lubos na makilala
kung ano ang mga ito.

Mga Inaasahang Bunga

A. Nakikilala ang mga akdang panitikan sa pilipinas at mga halimbawa nito,

B. Nabibigyang halaga ang mga akdang pampanitikan sa Pilipinas; at


MODYUL 4

C. Nakakaguhit ng isang larawan o simbolismo tungkol sa mga halimbawa ng akda na


ibinigay.

Gawain

❖ Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga makukuhang


benepisyo sa pagbabasa ng iba’t ibang mga akdang pampanitikan.

❖ Pagkatapos magpahayag ng mga mag-aaral sa sariling


pagpapakahulugan ng wika ay magkakaroon ng diskusyon patungkol dito.

Talakayan

Yunit IV- IBA’t IBANG URI NG PANITIKAN SA PILIPINAS

Aralin 5: PABULA

Kahulugan ng Pabula

(Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga
hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan,
katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing.
May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng
mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Nagmula sa salitang Griyego “muzos” na ang ibig sabihin ay mito o myth.
MODYUL 4

Ang Pabula ay nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin- salin sa iba’t-ibang


henerasyon.
Ang mga pabula ay lumaganap rin sa iba’t-ibang bansa kabilang na ang ating bansa.
Naging laganap ito bago pa dumating ang mga mananakop at nagamit din ng ating
mga ninuno ang mga kuwento at aral na taglay ng mga pabula sa pagtuturo ng
kagandahang-asal at mabuting pamumuhay sa mga tao
Sa mga tauhang hayop, masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao tulad
ng pagiging malupit, makasarili, mayabang, madaya, at iba pa
Itinuturo rin ng mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan, at makataong paguugali
at pakikitungo sa kapwa.
Lumaganap ang mga pabula dahil sa mga magagandang-aral sa buhay na dala nito.

HALIMBAWA NG PABULA

Pamagat: (Ang Leon at ang Daga ni; Donato Sebastian)

Isang araw, natutulog ang mabagsik na leon. Isang daga ang naparaan at siya'y
naamoy ng leon kaya't ito'y nagising. Bigla nitong hinuli ang daga. Nagmakaawa sa
leon ang daga"Maawa ka sa akin! Huwag mo akong kainin! Sa liit kong ito'y hindi ka
mabubusog.

Pakawalan mo na ako. Balang araw ay makagaganti rin ako sa iyo."

"Sa liit mong 'yan, paano ka makatutulong sa akin?" sagot na patanong ni Leon.

"Hindi ko alam. Pero nasisiguro ko, makakatulong ako sa iyo," sagot ni Daga.

"Magpasalamat ka at kakakain ko lang. Sige, makaaalis ka na," sabi ni Leon.

"Maraming salamat," sabi ni Daga na nagmamadaling umalis.

Minsan, habang naglalakad sa gubat si Leon, hindi niya napansin ang isang bitag.
Nakita na lamang niya ang sarili sa loob ng isang lambat.

"Tulungan ninyo ako!" sigaw ni Leon.

Nakita ni Usa ang nangyari kay Leon. Lumapit ito.


MODYUL 4

"Tulungan mo ako, kaibigan," pakiusap ni Leon kay Usa.

"Pakakawalan kita, pagkatapos ay kakainin mo rin ako. Ayoko!" sagot ni Usa sabay
alis.

Hindi malaman ni Leon ang gagawin. Paikut-ikot siya, nagpipilit na makawala. Isang
unggoy ang naparaan.

"Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako," ang sambit ni Leon kay Unggoy.

"Ano? Pakakawalan kita? Kahapon lang ay hinabol mo ako para kainin. Tapos ngayon,
tutulungan kita? Hindi, ayoko!" sagot ni Unggoy. At nagpatuloy ito sa paglakad.

Siya namang pagdating ni Daga.

"Tutulungan kita, kaibigan," ang sabi ni Daga kay Leon.

"Paano mo ako tutulungan? Napakaliit mo," pagalit na sagot ni Leon.

Hindi na sumagot ang daga. Sinimulan niyang ngatngatin ang lambat hanggang sa
makagawa siya ng butas na daraanan ni Leon.

Sa wakas, nakalabas din si Leon. Anong tuwa niya!

"Maliit ka nga pero malaki ang nagawa mo. Salamat, kaibigan. Makagaganti rin ako
sa iyo," sabi ni Leon.

"Huwag mo nang alalahanin 'yon. May utang na loob din naman ako sa iyo," sagot ni
Daga.

Aralin 6: PARABULA

Kahulugan ng Parabula

Ang parabula ay isang kuwento na nagtataglay ng talinghaga. Nagtuturo ito ng


aral o ng isang katotohanan. Ginagamit din ito upang magpalalim ng pananampalataya.
MODYUL 4

Ang kuwento ng isang parabula ay may paralelismo sa buhay ng tao. Kapag sinuri ang
gayong hambingan, lalong mauunawaan ng tao ang kabuluhan ng parabula sa
kaniyang buhay.

Ayon kay George Buttrick (2000), ang parabula ay isang kuwentong makalupa na
may kahulugang makalangit.

Para kay Henry Van Dyke, ang parabula ay isang napakaikling kuwento tungkol sa
mga tunay na tao o bagay na nag-iingat ng mas malalim na kahulugan. Nagpipinta ito
ng larawan sa kaibuturan ng isip; may ibinubulong itong mensahe sa kalooban ng
pandinig.

Base naman sa pahayag ni C. H. Dodd (1961), sa pinakapayak na


pagpapakahulugan, ang parabula ay isang pagwawangis o pagtutulad na ibinatay sa
kalikasan o sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Dahil sa pagiging malinaw o kakaiba
nito, sandal nitong napatitigil ang sinumang nakaririnig at pauli-ulit siyang pinag-iisip kung
ano ang kabuluhan na parabula sa kaniyang buhay.

Ayon din kay Clarence Edaward Macartney (1926), sa isang parabula, naglalahad
ng isang sitwasyon na ibang-iba, at ginagamit ang isa upang ipaliwanag ang isa.

Mula kay Robert Funk (2006), ang parabula ay isang gawaing pangwika dahil ito
ay isang metapora-isang pagsasama ng dalawang pangyayaring magkaiba. At dahil
metapora, nahahamon ang isip na lumikha ng pagkakaugnay-ugnay.

Ayon naman kay Bernard Brandon Scott (1989), ang parabula ay isang maikling
kuwentong kathang-isip. Upang mabigyan ng tamang interpretasyon ang isang parabula,
kailangang basahing mabuti ang kuwento nito. Ang isang parabula ay may
kapangyarihang palayain at palakasin ang imahinasyon. Sa pamamagitan ng mga
parabula, maaaring magkaroon ang mambabasa ng bagong pagtingin sa mundo;
maaaring maiba ang tao bukod sa kung sino ang karaniwang siya. Dalawa ang maaaring
maging bisa ng ng parabula – maaari nitong pagtibayin kung ano na ang dating tingin
ng isang kultura sa mundong ginagalawan nito o maaari nitong hamunin ang
mambabasa na baguhin ang mundong iyon.
MODYUL 4

Ayon kay Rivera (2000), ang salitang parabola o parabulaay buhat sa


salitangGriyego na “parabole”. Ito’y matandang salita na nangangahulugang
pagtabihinang dalawang bagay upang pagtularin. Ito’y gumagamit ng pagtutulad
atmetapora upang bigyan ng diin ang kahulugan. Ang parabula ay nanggaling sa
Englishwordna “parable”na ang ibig sabihin aymaiksing sanaysay tungkol sa buhay na
maaring mangyari o nangyayari na kungsaan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o
kagandahang asal na magiging gabay ngisang taong nahaharap sa
pangangailangang mamili o magdesisyon.

Ayon kina Arrogante (2004), ito ay mga kwentong karaniwan sa pandinigng


mga palaaral ng Bibliya, sapagkat base ito sa mga pangaral ng Panginoonnang
nabubuhay pa. Dagdag pa nina Arrogante na ang parabula sa biglang tingin
animo’yalamat ito o dikaya’y pabula kasi kung hindi mga tao ang mga tauhan ay
mgahayop o mga bagaybagay.

HALIMBAWA NG PARABULA

Pamagat: (“Ang Talinghaga tungkol sa Kasalan” Mateo 22: 1-14)

22 At muling nagsalita si Jesus sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi


niya, 2 “Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad dito: May isang haring naghanda
ng isang malaking salu-salo para sa kasal ng kanyang anak na lalaki. 3 Nagsugo siya
ng kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa pagdiriwang ng
kasalan; subalit ayaw dumalo ng mga inanyayahan. 4 Muli siyang nagsugo ng ibang
mga alipin. Ibinilin sa kanila, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan: Narito, naihanda ko
na ang aking piging. Ang aking mga baka at matatabang guya ay kinatay na at
nakahanda na ang lahat. Halina kayo sa pagdiriwang para sa kasal.’ 5 Ngunit hindi
nila ito pinansin, sa halip ay umalis, ang isa'y pumunta sa kanyang bukirin, at ang isa
nama'y sa kanyang pangangalakal. 6 Bigla namang hinawakan ng iba ang mga alipin
ng hari, ipinahiya ang mga ito at pinagpapatay. 7 Ikinagalit ito ng hari, kaya't sinugo
niya ang kanyang mga kawal, nilipol ang mga mamamataytaong iyon, at sinunog ang
kanilang lungsod. 8 Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Handa na ang
piging ng kasal, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. 9 Kaya pumunta
MODYUL 4

kayo sa mga panulukan ng mga lansangan at kahit sinong makita ninyo ay


anyayahan ninyo sa pagdiriwang ng kasal.’ 10 Lumabas nga ang mga aliping iyon sa
mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat ng natagpuan nila, masama man o
mabuti; kaya't napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng kasalan.

11 “Subalit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, napansin niya
roon ang isang taong hindi nakasuot ng damit pangkasalan. 12 At sinabi niya sa kanya,
‘Kaibigan, paano ka nakapasok dito na hindi nakadamit pangkasalan?’ Hindi
nakasagot ang taong iyon. 13 Kaya't (B) sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Gapusin ninyo
ang kanyang mga paa't mga kamay, at ihagis ninyo siya sa labas, doon sa kadiliman.
Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.’ 14 Sapagkat
marami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili.”

Aralin 7: MAIKLING-KWENTO

Kahulugan ng Maikling-kwento

Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan


ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o imresyon lamang.
Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.
Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Ibat- ibang kahulugan ng Maikling-kwento ayon sa awtoridad ;

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang kinikilala ng mga dalubhasa na “ ama ng
makabagong maikling kwento”, ito ang kanyang dipinisyon ng maikling kwento ay isang
akdang pampanitikang likha ng guni-guni na salig sa buhya na aktuwal na naganap o
maaring maganap’.
MODYUL 4

Ayon naman kay Dinglasan (2005), ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang nasa anyong tuluyan at ito’y nabubuo sa pamamagitan ng mga
pangungusap at talata. Nailalahad din ditto ang isang maselang suliranin ng
pangunahing tauhan.

Sa pagpapakahulugan ni Teodoro Agoncillo, ang makling kwento ay gumagamit


ng panauhan. Tungkol sa buhay at lunsod, matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag
ng damdamin at dahop sa malinis na pananagalog.

HALIMBAWA NG MAIKLING-KWENTO

Pamagat:( Ang mga nawawalang Sapatos ni Kulas ni; Sandy Ghaz)

Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas


Cruz. Maskilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na
anak nina Julio at Vina Cruz. Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan
sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang
ina. Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka
ito.“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng
papa mong bago?” tanong ng ina sa bata. Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman
na bumusina na ang sasakyan na maghahatidsa kanya sa paaralan. Humalik ito sa
mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.“Leon, bilisan mo nariyan na
iyong school bus,”sabi ni Kulas sa nakababatang kapatidhabang tumatakbo siya
palabas. Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay
sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na
naglalaman ngbagong sapatos.“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas
sa ina niya. Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes
at mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot
niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila. Pagkalipas ng isang
linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa harap
ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.“Akala ko
ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit
mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa.
MODYUL 4

Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyonkaya humiram pa siya ng pera sa
may-ari ng tindahan. Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si
Julio at luma na angsapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak.
“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong
ni Vina sa anak. Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala
siyang sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto
na naghintay si Vina pero hindibumalik si Kulas.Pinuntahan niya ito sa kwarto at
nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanongulit ni Vina ang anak tungkol
sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na iyon nabinili para sa kanya
ngayong taon. “Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng
paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa akin,” pagtatapat ng bata. “Ano?
Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay
anak pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nag
sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak. Pinuri ng ina ang bata sa pagiging
mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na maliang magsinungaling kahit ano
pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga
binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan nila ito. Humingi ng patawad si Kulas
at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at mga
gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya
magsisinungaling.

Aralin 8: DULA

Kahulugan ng Dula

Ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.


Ang layunin ng dula ay makapag bigay aliw sa mga manonood.
Sinasabi ring ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood.
Isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro.
Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
MODYUL 4

Tatlong Anyo ng Dula

1. Iisahing Yugtong Dula o Dula- dulaan

- binubuo lamang ng isang yugto omaikling dula.

2. Dadalawahing Yugtong Dula

- binubuo ng katamtamang haba angdula, hindi gaanong maikli at hindi dingaanong


kahaba, at karaniwangdadalawahing yugto lamang.

3. Tatatluhing Yugtong Dula

- binubuo ng mahabang dula atmayroon tatlong yugto.

Tatlong bahagi ng Dula:

1.Yugto

- ang bahaging ito ang ipinanghahati sadula. Inilaladlad ang pangmukhang


tabingupang magkaroon ng panahongmakapahinga ang mga nagsiganapgayundin
ang mga manonood.

2. Tanghal

-ang bahaging ito ang ipinanghahati sayugto kung kinakailangang magbago ngayos
ng tanghalan.

3. Tagpo

-ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ngmga tauhang gumaganap sa dula.

Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya

-sa dulang ito’y mahigpit natunggalian. Mapupusok ang mga tauhan atginagamitan
ng masisidhing damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ngmga
pangunahing tauhan.
MODYUL 4

2. Komedya

-ang uring ito’y nagtatapos na masayasapagkat ang mga tauhan aynagkakasundo.


Ang wakas ay kasiya-siya samga manonood.

3. Melodrama

-ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya samabubuting tauhan bagama’t ang uring


ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsanay labis ang pananalita at damdamin
sa uringito.

4.Parsa

-ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sapamamagitan ng kawili-wiling pangyayari


atmga pananalitang lubhang katawa-tawa.
5. Saynete

-ang pinakapaksa ng uring ito ay mgakaraniwang ugali. Katulad ng parsa, angdulang


ito ay may layuning magpatawa.

6.Tragikomedya

- Kung magkahalo ang katatawanan at kasawiangaya ng mga dula ni Shakespeare


na lagingmay mga tauhang katawa-tawa tulad ngpayaso para magsilbing
tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahilnasasawi o namamatay
ang bida.

HALIMBAWA NG DULA

“BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN”

Isa itong uri ng komedya na patungkol sa dalawang pasaway na mag-asawa.

Sa isang maliit na barangay sa Sta Rosa, mayroong naninirahan na mag-asawa.


Yun nga sina Yoh at Anna. Si Yoh ay isang tamad na asawa (alam nating lahat
iyon) at si Anna ay bungangera (alam din natin yon). Isang araw…
MODYUL 4

Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy!


Yoh:
Anna: (lapit sa asawa sabay sigaw) YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA NG
KAHOY!

Yoh: (nagulat at nahulog mula sa upuan) Ha? Ah oo nga sabi ko nga ehehehe. (sabay
alis)
* sa labas ng bahay habang nagsisibak ng kahoy si Yoh.*

Horo-horo: Aba! Kumpareng Yoh! Kamusta ka na?

Yoh: Eto ganun pa rin.

Horo-horo: Ba! Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay under ka pa rin


dyan kay Anna! Akala ko kapag kasal na kaya eh babait na ‘yon. (napakamot sa ulo)

Yoh: eheheh. ganon lang talaga yon.

Horo-Horo: Alam ko na bakit hindi mo kaya subukang sabihin sa kanya na sawa ka na


sa pang-uunder nya sa iyo?

Yoh: Huh? Hmm. O sige pag-iisipan ko.

Horo-horo: yan ang lalaki! (sabay alis)

* Pagkatapos ni Yoh na magsibak ng kahoy ay pumasok na siya sa bahay. Doon nya


naabutan si Anna na nanonood ng Dolphin Bay.*

Yoh: Anna! Tapos na akong magsibak!

Anna: buti naman. Magluto ka naman ngayon.

Yoh: Pero. (biglang tumitig si Anna)


MODYUL 4

Anna: Pero ano?

Yoh: ah? Wala wala. Hehehe. Sige. (sabay alis)

* Nagluto na nga si Yoh at pagkatapos nilang kumain ni Anna.*

Anna: O, linisan mo na yang mga plato.

Yoh: Ha eh ikaw na lang.

Anna: (gulat) Aba! At sumasagot ka na ngayon! Ako ang asawa mo kaya dapat mo
akong pagsilbihan!

Hindi pwede ang tatamad-tamad sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo?

Yoh: (takot pero sige pa rin) Eh masyado mo naman akong inaabuso!

Anna: (Nagulat) Inaabuso? Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi kita nire-rape! Kapal ng
apog mo!

Yoh: (Natawa) Hindi yun ang ibig kong sabihin. Dapat gumagawa ka rin sa bahay.

Anna: Ayoko nga.

Yoh: Ah alam ko na. Pustahan na lang tayo. Kung sinong unang magsasalita o
gumalaw ang siyang maghuhugas nga mga pinggan simula ngayon.

Anna: Sige.

* At nagsimula ang pustahan. Si Yoh ay nanatili sa kanyang upuan at nakatitig lamang


kay Anna. Si Anna naman ay nakaupo rin medyo malapit kaya Yoh. Maya-maya.*
MODYUL 4

Ren: Heto na naman ako. Hoy utang nyo bayaran nyo na!

Anna at Yoh: .

Ren: Hello! May kausap ba ako dito?

Anna at Yoh:.

Ren: Huh? Magsalita naman kayo. Tinatakot nyo naman ako eh.

Anna at Yoh: .

Ren: Yikes! Tatawag na ako ng albularyo! Baka sinapian na itong mga ito! (sabay
takbo)

* Tumawag nga si Ren ng albularyo na nagmula pa sa mahiwang kabundukan ng


Tralala. Ito ang pinakamahusay na albularyo. Si Hao.*

Hao: (Tinitingnan ang mag-asawang hindi gumagalaw) Ngayon lamang ako


nakakakita ng ganito!

Tamao: (habang nakiki-usyoso) Naku kawawa naman sila!

Horo-horo: (nakiki-usyoso rin) Oo nga.

Hao: hmmm. Sa tingin ko kailangan nilang sumailalim sa isang banal na seremonya.


(daan si Manta)

Hoy bata, pwede mo bang kunin ang mga ito para sa akin? (Sabay abot sa isang
listahan kay Manta).
MODYUL 4

Manta: Ha, o sige po. (sabay alis)

Hao: Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay para sa pagbabalik ng batang
iyon.

* Makalipas ang ilang saglit, bumalik si Manta bitbit ang isang malaking supot.*

Manta: Tatang, eto na po yung pinapakakuha ninyo.

Hao: (nagalit) Hoy! Wag na wag mo akong tatawaging tatang labinwalong taong
gulang pa lang ako. Pero kung pagbabasehan mo yung dating buhay ko, pwede mo
na akong tawaging tatang.

Manata: Eh di ganun din po iyon! Sige po! Babay! (takbo)

Hao: Diyaskeng baya yun ah. Bueno, magagawa ko na ang seremonya. Ah! Eto na
ang mga kailangan ko: Dragon Katol! Siguradong lamok ay tepok! (May American
accent) (sinindihan ang katol) At eto rin ang tawas! Uy ang dami pa! Teka nga,
makadekwat nga ng kaunti para may magamit ako.

Horo-horo: Haha! Tawas lang pala ginagamit mo eh!

Hao: (napahiya) Eh bakit ikaw, anong gamit mo?

Horo-horo: Ako Secret Platinum! Spring Breeze yung scent!

Hao: (natawa) E pambabae yun diba?

Tamao: Oo nga kasi akin talaga yun! Gumagamit siya pag hindi ako nakatingin kaya
pala ang bilis maubos!
MODYUL 4

Hao: Teka nga. Sisimulan ko na nga itong seremonya! Tama na ang diskusyong tungkol
sa deodorant!

* Nagsagawa ng seremonya si Hao. Ang dami dami na niyang nasindihang katol kaya
ang baho.*

Anna: (sa isip) yuck! Ang baho baho naman ever!

Yoh: (sa isip rin) ang bantot! Amoy putok! Ayokong masinghot dahil mas malala pa ito
sa utot ng taong may kinaing bulok! (galing kong mag-rhyming no! joke joke joke)

* Wala pa ring nangyari dahil hindi naman sinapian sina Yoh at Anna. Wala nang
maisip si Hao kaya ito na lang ang huli niyang maisip.*

Hao: Eto na lang ang alam kong solusyon. Ang paggamit sa mahiwagang baston na
mula sa mahiwagang bundok. Ang bundok ng Smokey Mountain!

Tamao at Horo-horo: Yuck!

Hao: He! Manahimik kayo! Eto na! Idinadalangin ko sa mga banal na espiritu ng
Smokey mountain na iligtas ninyo itong mag-asawang ito mula sa mga masasamang
kaluluwa! Yaaah! (hahampasin ng baston si Anna kaso biglang tumayo at nagsalita si
Anna)

Anna: (inis) Hoy ginoong albularyo, wag mo nga akong mahampas-hampas! Baka
sampalin kita dyan!

Wala akong balak magkaroon ng pasa noh! Paano na ang aking flawless skin kung
magkakapasa ako?
MODYUL 4

Horo-horo at Tamao: Yehey! Ang galing-galing ni ginoong albularyo! Napagaling niya


si Anna!

Yoh: Yehey rin kasi si Anna ang unang nagsalita! Siya ang maghuhugas ng plato
simula ngayon! Yehey! (nagpagulong-gulong sa lupa)

Anna: Kainis kasi kayo! Napaka pakialamero talaga ninyo!

Horo-horo, Hao at Tamao: Huh?

Anna: Nagpupustahan lang kami ni Yoh na kung sinong unang magsalita o gumalaw
ang maghuhugas lagi ng plato! Bwisit talaga kayo!

Horo-horo: Pasensya na po madam Anna.

Anna: Hmmph!

Narrator: At iyan ang dahilan kung bakit babae ang naghuhugas ng Pinggan!

Aralin 9: EPIKO

Kahulugan ng Epiko

Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa
mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang
pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o
makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang
tao na nabuhay.
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
MODYUL 4

Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang


paglalakbay at pakikidigma.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

HALIMBAWA NG EPIKO

Pamagat: (“Darangan”)

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang
anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe
Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang
katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging
sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino.
Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas
na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita
siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang
taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita
pagkatapos ng pagtutuos.Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang
makita ang patay na buwaya.Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin
ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa.Halika,
pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng
bayan.Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging
pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo
sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang
pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian.
Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan
at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga
kalapit kaharian.
MODYUL 4

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si


Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang mga nasa
ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga
ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapatdapat
maging hari sa dalawang prinsipe. Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya
niya tayong protektahan laban sa mga kaaway! sabi ng isang matanda sa
pamilihan.Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni
Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na
tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya
mismo ang nagpatunay para sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na ang kapatid
ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng
gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. Alam niya
kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang
ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan! Tumango na lamang ang
mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe
Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang
at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang
nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si
Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag
ang hari ng kautusan. Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa
aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa
kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha. Nalungkot si Prinsipe
Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong
nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit
ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na
baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito,
nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung
saan siya nanirahan habambuhay.
MODYUL 4

Pagsasanay

Pagguhit ng Simbolismo:

Mula sa mga tinalakay na halimbawa ng akdang pampanitikan sa pabula


parabula, maikling kwento, dula at epiko, tukuyin ang bawat simbolismo na
maaaring ilapat rito.
Iguhit ito sa long bond paper at ipaliwanag ang bawat simbolo sa loob ng
tatlong pangungusap.
Ipasa sa Google Classroom .

Gamitin ang rubrik na nasa ibaba.

Rubrik sa Pagguhit

Pamantayan 10 7 4

Kalinisan (Malinis ang pagkaguhit at walang mga binura.)

Kaugnayan (May malaking kaugnayan sa paksang binigay.)

Nilalaman 2x (Ang mensahe ay mabisang naipapahayag.)

Orihinalidad (May sariling pagkamalikhain at hindi ginaya ang konsepto sa iba.


)
MODYUL 4

Pagtataya

Pagtutukoy:

Basahin ang mga pahayag sa ibaba.


Tukuyin ang mga ito at sagutin.
Kailangan anng mga sagot ay nasa malaking TITIK.
I-check ang link sa google classroom.
Magkakaroon ng dalawang puntos bawat isa.

Repleksyon

Pagpapaliwanag:

Ipaliwanag ang tanong sa ibaba sa loob ng 8-10 pangungusap.

- Mula sa Maikling-kwento na pimagatang “Ang mga nawawalang Sapatos ni


Kulas”. Paano mo maiugnay ang nakuhang aral sa kwento sa totong buhay?

- Sa pabulang Ang Leon at ang Daga anu-ano ang mga aral na iyong natutunan?

I-check ang link sa google classroom o sa messenger group chat.


MODYUL 4

Rubrik sa Pagpapaliwanag

Pamantayan 5 3 2

Nilalaman 2x(Ang mensahe ay mabisang naipapakita at


napapaliwanag ng maayos)

Kaangkupan ng paksa (Angkop ang pagpapaliwanag na sinulat sa


paksang binigay )

Kawiliwili (Nakaeengganyo o kawiliwili ang nabuong akda sa mga


mambabasa)

Gramatika (Maayos ang pagkabuo ng mga pangungusap/talata


batay sa tamang tuntunin ng gramatika)

Mga Sanggunian at Ginamit na Aklat

❖ https://pinoycollection.com/darangan/
❖ https://philnews.ph/2020/10/03/akdang-pampanitikan-kahulugan-at-
halimbawanito/
❖ https://quizlet.com/558806433/kahulugan-at-elemento-ng-dula-flash-cards/

You might also like