You are on page 1of 3

Gingoog City Colleges, Inc.

Macopa St., Paz Village, Brgy. 24-A, Gingoog City

University Logo
College of Education
FIL.101: Introduksiyon sa Pag-aaral ng Wika at Panitikan
2nd Semester of S.Y. 2021-2022

Introduksiyon

Ang wika ay nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan, gayundin ang panitikan. Malaking
papel ang ginagampanan ng wika at panitikan sa buhay ng tao lalo na sa mga Pilipino. Ang
wika ay siyang kaluluwa ng kultura at ang panitikan naman ay siyang salamin ng lahi. Sa
pana!on ng globalisasyon, malaking hamon ang pagpapanatili ng wika at
COURSE MODULE

pantikan sa umiiral na ideolohiya ng mundo. Kaya, asignaturang Introduksiyon sa Pag-aaral ng


Wika at Panitikan, matatalakay ang patungkol sa wika at panitikan upang mas mapalawak ang
kaalaman ng mga mag-aaral at mapahalagahan ang mga aral na natutunan hinggil sa paksang
ito.

Rationale

Ang Yunit I at II ng asignaturang ito ay binibigyang diin ang patungkol sa wika na kung saan ay
tatalakayin sa aralin 1 ang kahulugan, pinagmulan at mga teroyang nakapaloob dito. Sa ikalawang aralin
naman ay matatalakay ang katangian, kahalagahan at tungkulin ng wika sa lipunang ating ginagalawan.

Sa Yunit II hanggang sa Yunit V ay nakapaloob ang paksang patungkol sa panitikan at tatalakayin sa


unang aralin ang kahulugan ng panitikan ayon sa iba’t ibang manunulat, kasaysayan ng panitikan sa
Pilipinas, mga teoryang pampanitikan at ang dalawang uri.
Maraming paraan sa pagbibigay kahulugan ng wika at panitikan at ito ay nakabatay sa iba’t ibang
mga pananaw. Ang pagpapakahulugan ay maaaring hango sa pamumuhay sa lipunan at sa mga karanasang
natatamasa sa araw-araw. Nakalangkap sa wika at panitikan ang pinagdaanang kasaysayan ng sambayanang
lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng mga dayuhan. Kaya, nararapat lamang na bawat isa sa atin ay
nabibigyang halaga ang wika at panitikan bilang mahalagahang parte ng ating buhay.
Ang pagkakaroon ng wika ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay
tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Mahalaga ang wika at kinakailangan ng isang
bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang
ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wika
sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago sapagkat ito ay dinamiko.
Susi ang wika sa paghubog ng kamalayan. Kung kaya masasabi ring ang Katutubong Wika ay susi sa
paghubog ng katutubong kamalayan na siyang matatag na pundasyon sa proseso ng pagkatuto ng isang
indibidwal.
Gayun na rin ang panitikan. Ang panitikan ay lahat ng bagay na nakalimbag. Nangangahulugan ito na
anumang pagsulat ay maaaring ikategorya bilang panitikan. Ang isa pang paraan ng pagtukoy sa panitikan
ay ang limitahan ito sa 'mga dakilang aklat' na 'kilala sa anyo o pagpapahayag ng pampanitikan'. Tinukoy ni
Ellis (1989:30) ang panitikan bilang verbal na pagpapahayag ng imahinasyon ng tao at isa sa mga
pangunahing paraan kung saan ang isang kultura ay nagpapadala ng sarili nito. Batay sa mga ganitong
kahulugan, ang panitikan ay naglalaman ng mga unibersal na ideya, imahinasyon ng tao, at interes ng tao na
nakasulat sa anumang sulatin at gumagamit ng wika bilang midyum upang ipahayag ang mga ideya at
COURSE MODULE

damdamin ng tao.
Ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng literatura ay nakapagpapalawak ng imahinasyon at
nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at pagsusulat. Malaki ang kaugnayan ng pagbabasa sa pagsusulat
dahil sa pagbabasa at pagsusulat nalilikha ang magagaling na manunulat. Lampas sa mga batayang
benepisyo, and pag-aaral ng literatura ay nakatutulong upang maranasan na makita ang buong mundo.
Mayroong patuloy na pag-uusap tungkol sa mga ideya at halaga na nakatulong sa ating lipunan.

Pagkatuto sa Kinalabasan ng Mag-aaral

A. Nabatid ng mga mag-aaral ang kabuuan ng kurso,

B. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga layunin ng kurso pati na rin ang mga nailatag na tuntuning
may kaugnayan sa klase. Gayun narin ang Sistema ng pagmamarka at iba pang detalye na may
kinalaman sa asignatura at,

C. Naabibigyan ng kamalayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng pagpapakitang-turo.

Gawain
Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang sariling pananaw nila ukol sa wika at
panitikan.

Magpapakita ng bidyu sa mga mag-aral na may paksang patungkol sa wika at panitikan


at pagkatapos ay magbabahagi sila ng mga ideya o mga naintindihan mula sa pinanood
na bidyu.

Magkakaroon ng pre-test tungkol sa wika at panitikan upang masuri kung hanggang


saan ang kanilang natutunan tungkol sa wika at panitakan sa mga nagdaang taon.
COURSE MODULE

You might also like